Caregiver (Part 9)
Finale
Sherwin
Araw na ng kasal namin ni Bea kinabukasan. Inaya kong mag-inom
si Eman. Nang malasing ay nagtapat ako ng aking saloobin at ganon din siya.
Pareho naming mahal ang isa’t isa. Inaya ko siyang umalis, ang magpakalayo-layo
ang magtanan.
-----o0o-----
Eman
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa alok na iyon ni
Sherwin. Mahal na mahal ko na si Sherwin at hindi ko nanaisin na mawalay sa
kanya.
“Mali ang iniisip mo Sherwin. Hindi sapat na iba ang mahal mo
para hindi panagutan ang nagawa mo. Kawawa naman ang bata na walang
kamalay-malay. Wala itong kasalanan para madamay kung ano man ang sitwasyon sa
ngayon. Ayoko Sherwin. Mahal kita pero liligaya ba ako? Tayo, sakaling tumakas
ka sa iyong obligasyon? Hindi siguro dahil papasanin natin pareho iyon habang
nabubuhay tayo,” wika ko.
“Pero paano naman ang kaligayahan ko? Natin?” sabi niya.
“Gusto mo pa bang dagdagan ang magiging dalahin mo sa iyong
dibdib at isipan? Darating ang araw na malilimutan mo rin ako at tuluyang
matutuon ang iyong pagmamahal sa magiging anak at asawa mo. Matulog ka na,
matutulog na rin ako.”
Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako at lumabas ng kanyang
silid. Nang maisara ko ang pinto ay nanatili pa rin akong nakatayo sa may
pintuan at tumulo na ang aking luha. Nagtagal pa ako roon, nadinig ko pa ang
malakas na paghagulgol ni Sherwin. Minabuti ko nang pumasok sa aking quarter,
ayaw ko nang marinig ang pag-iyak ni Sherwin at baka hindi ko na makayang
tumanggi sa inaalok niya sa akin.
-----o0o-----
Halos madurog ang puso ko pagkakita ko kay Serwing habang nasa
simbahan kami at hinihintay ang naglalakad na si Bea. Tinatagan ko ang aking
sarili, ayaw ko magpakita ng emosyon. Inisip ko na lang na mas liligaya siya
dahil sa karapat dapat naman talaga sa kanya si Bea dahil babae siya at
bibigyan na siya nito ng isang anak. Ako,.. siguro ay iwawaksi ko na siya sa
puso at isipan ko ng tuluyan. Akin na lang ibubuhos ang panahon ko sa aking
pag-aaral, sa trabaho at sa relasyon ko kay Mylene.
Nairaos naman ng matiwasay ang kasal. Kaagad din naman silang
tumulak pa Thailand para sa kanilang honeymoon. Bago sila umalis ay kinausap pa
niya ako at sinabing huwag na hwuag ko daw siyang kalilimutan. Alalayan ko raw
siya at baka hindi kayanin sakaling layuan ko siya. Sinabi ko namang mananatili
akong matalik niyang kaibigan at handa ko uli siyang alagaan sakaling kailangan
niya ang aking serbisyo. Kapwa kami luhaan ng oras na iyon.
Isang linggo silang mananatili sa Thailand. Nalungkot ako, pero
tanggap ko na naman.
-----o0o-----
Isang house ang lot sa isang exclusive subdiision ang regalo sa
kanila ng magulang ni Bea kaya nang dumating sila buhat sa kanilang honeymoon
ay kaagad din na naglipat para doon na tumira. May nakuha na namang kasambahay
ang magulang ni Bea na siya nilang makakatulong sa mga gawaing bahay. Ayaw man
ni Sherwin ay wala na siyang magagawa pa. Ayaw sana ni Mam Hilda na bumukod
sila kaagad, pero si Sherwin na rin ang nagdesisyon na bumukod na sila. Siguro
ay ayaw rin niyang mahirapan dahil sa palagi kaming magkikita. Sa trabaho kasi’y
pwede kaming hindi magkita at magkausap.
Buwan na ang lumipas at hindi pa kami nagkakausap man lang ni
Sherwin. Maging sa opisina ay tila iniiwasan ako dahil napansin ko na kapag
pupunta ako ay ang kanyang sekretarya na lang ang pinakakausap sa akin. Rito ko
na lang daw sabihin ano mang concern ko sa trabaho.Aaminin mo, miss ko na siya.
Ang hirap pala ng ganito, malapit kayo pero napakahirap abutin.
-----o0o-----
Sherwin
Minabuti ko nang iwasan si Eman. Napag isip-isip kong mas mabuti
na ang ganito kaysa pareho kaming nasasaktan at nahihirapan. Kahit sa opisina
ay hindi ko na siya kinakausap. Sakaling may kailangan siya, personal man o sa
trabaho ay kay Emma ko na lang pinasasabi.
Maayos naman ang pagsasama namin ni Bea. Maasikaso siya sa akin.
Mahal talaga niya ako. Hinahatid ko siya sa kanyang opisin sa umaga at
sinusundo sa gabi. Unti-unti na ring nahahalata ang pagbubuntis niya. Medyo
tumaba siya ng konti. Pinatitigil ko na naman siya sa pagtatrabaho pansamantala
para maalagaan mabuti ang kanyang pagbubuntis pero hindi siya pumayag. Malaki
raw ang mawawala sa kanila kapag tumigil siya. Bago na lang daw siya manganak
titigil pansamantala.
-----o0o-----
Napakabilis ng panahon. Sa isang buwan ay gagraduate na si Eman.
Tuwang tuwa ako para sa kanya. Nabalitaan ko ring wala na sina Eman at Mylene.
Hindi nagustuhan ng ama nito ang relasyon niya kay Eman dahil sa pagiging
mahirap ni Eman. Lihim akong natuwa. Ewan ko, dapat ay malungkot ako pero
natuwa pa ako sa pangyayaring iyon. Gusto ko sana siyang kausapin sa bagay na
iyon pero hindi ko na muna itinuloy. Inasikaso ko muna ang panganganak ni Bea
na ilang araw na lang ay manganganak na.
Tatlong araw ang lumipas at dinala na namin sa ospital si Bea
dahil sumasakit na ang tiyan. Kaagad namang naisalang sa operating room ito
para ma-caesarian. Lalaki ang naging anak namin at malusog naman ito.
Tatlong linggo ang matuling nagdaan, Graduate na si Eman. Ngayon
ang araw ng kanilang graduation ceremony at hindi na ako naka-attend. Nag-text
na lang ako bilang pagbati dahil hindi ko pa pwedeng iwan si Bea. Nag message
din ako na kumuha siya kaagad ng board exam. Nagpasalamat naman siya at gusto
raw akong puntahan para madalaw ang aking mag-ina. Sinabi ko naman na sa ibang araw
na lang at busy pa kami. Sinabi ko rin na kukunin ko siyang Ninong ni Erwin,
Erwin ang ipinangalan ko sa aking baby, katunog ng aking pangalan.
-----o0o-----
Isang buwan lang hindi nagtrabaho si Bea. Makaraan ang isang
buwan ay balik na naman siya sa kanyang opisina at ang baby ay naiwan na lang
sa yaya nito. Hindi rin siya nagpabreast feed kahit pinipilit ko. Ayaw daw malosyang.
Lumipas pa ang mga araw, hindi na naging maganda ang pagsasama
namin ni Bea. Wala siyang kaamor-amor sa aming anak. Ni hindi niya nasisilip
man lang sa kanyang pag-uwi at lately nga ay palaging ginagabi na sa pag-uwi.
Palaging dahilan ay maraming trabaho sa kaniyang opisina.
May pagdududa na ako sa mga ginagawa niya. Minsan na nagpaalam
sa akin na gagabihin ay pinuntahan ko sa kanilang opisina. Saktong lumabas
sandali ang gwardya ng building kaya nakapasok ako sa loob na hindi ako nakita.
Diretso na ako sa hagdanan at hindi na nag-elevator pa dahil baka makita pa ako
ng gwardya. Sa fourth floor lang naman ang office ni Bea.
Wala nang tao nang akoy pumasok. Tuloy na ako sa room ni Bea.
Hindi na ako kumatok, kaagad na akong pumasok at nagulat na lang sa nadatnan ko
sa loob. Nakaupo sa kandungan ng isang lalaki si Bea at sarap na sarap sa
ginagwa dahil umuungol pa ito. Kinunan ko iyon ng picture.
“Wow ha ang galing naman ninyo, dito pa sa opisina ginagawa ang
kataksilang ninyo,” wika ko. Hindi nakakilos ang dalawa sa kabiglaanan. Siya
namang dating ng isang gwardya na nagra-round pala.
“Ikaw ba ang bantay dito? Nakita mo ba ang trabaho nilang
ginagawa. Tingnan mong mabuti. Akina ang cellphone mo para may ebidensya,” sabi
ko. Inagaw ko na ang CP niya at ako na ang kumuha. Tarantang napatalon si Bea
at ang lalaki naman ay nagmamadaling itinataas ang pantalon. Nakuhanan ko rin
iyon gamit ang aking CP at ng Gwardya. Si Bea naman ay ibinaba lang ang paldang
suot at hindi na nakuha pang magpanty. Nakita ko pa ang hinubad na panty na
nasa floor.
Nakilala ko ang lalaki na isa sa manager ni Bea, hindi malaman
ang gagawin. “Ituloy na ninyo, baka mabitin kayo pareho,” wika ko saka ako
tumlikod at iniwan silang tulala.
-----o0o-----
Pag-uwi ko ng bahay ay pinaghanda ko na ang yaya ni Erwin.
Pinabasta ko lahat ng gamit ng bata at maging ang aking mga personal na gamit
at damit. Inabot pa kami ni Bea na nageempake.
Umiiyak siyang nakiusap na magpaliwanag, pero bingi na ako para
sa mga sasabihin pa niya. Kitang-kita na ng dalawa kong mata ang kanyang
kataksilan at may testigo pa ako. Ayaw niyang pumayag na dalhin ko ang bata,
pero tinakot ko siya at ipinaalala ko kung anong klaseng ina siya.
“Huwag ka nang mag-makaawa pa at huwag mong gamitin ang pagiging
ina mo para hindi ko makuha ang bata. Kahit kelan ay hindi ka naging ina sa
kanya. Saksi ko ang kanyang yaya. Saka kapag nagpumilit kang pigilan akong
dalhin ang aking anak ay baka sa basurahan ka pulutin. Alam kong ginamit mo
lang ako para isalba ang negosyo ninyong mag-ina. Alam kong bankrupt na ang
negosyo ninyo at kung hindi sa tulong namin ay sa kangkungan na kayo pupulutin.
Huwag mo akong pilitin na i-withraw anomang investmet namin sa negosyo ninyo.”
Wala na siyang nagawa pa. Hinayaan na lang akong makaalis ng
bahay na iyon.
-----o0o-----
Na Annul ang aming kasal ni Bea. Ngayon ay maligayang-maligaya
ako sa piling ng aking minamahal.
“Hon, maligo na tayo,” yaya ng aking mahal.
“Sandali at ibibigay ko lang sa yaya niya ang baby natin,” sagot
ko naman.
“Ang tagal mo naman, halika na rito uhmmmmmmmmmmmmm tsuppppppppp,”
salubong na halik ng aking mahal.
Sa bathtub na namin ginawa ang una naming gabi ng aking mahal na
si Eman
Wakas………
Hala😱
TumugonBurahinMaganda baya sana ang kwento, pero bakit minadali na tapusin, maganda na baya ang kwento sana
TumugonBurahinRushed conclusion. Sana pinahaba pa ng konti. Hehehe
TumugonBurahinKorek
BurahinSana me part 2
TumugonBurahinGustong-gusto ko ang story nito, wholesome at romantic pero feeling ko na-rush yung ending
TumugonBurahin