Sa Tabing Dagat…….
(Part 5)
Balik sa pang-araw-araw na routine uli si Marlon. Bahay opisina,
opisina bahay. Naging busy naman siya palagi sa opisina. Ngayon ay
nagre-research siya tungkol sa isang kaso na magiging katulong ng pinaka
hahawak ng kaso. Sinisimulan na siyang hasain bilang isang tunay na abogado na
humaharap sa husgado.
Para naman pinagtitiyap ng panahon na nakakasabay niya palagi sa
pagpasok si Angelo.
“Siguro talagang hinihintay mo ako hehehe. Hindi, joke lang,”
biro ni Marlon.
“Actually, parang ganon nga. Ilang tren na ang dumaan pero hindi
ako sumakay, kasi punuan masyado at wala akong kakampi sa siksikan hehehe,”
tugon naman ni Angelo.
“Ah ganon, kaya hinintay mo ako para pangsalag sa mga sumisiksik
sa iyo, ganun ba?” nakangiting sita ni Marlon.
“Hehehe, waes ito, tulad ngayon, kita mo nasasanggahan mo ako!”
“Okay lang naman, iisa lang ang problema para sa akin,” sabi ni
Marlon.
“Ano?”
Pabulong pa ang pagkakasabi ni Marlon na… “Si Junior ko,
nararamdaman mo ba hahaha?”
“Okay lang din, gusto ko naman eh.”
Nawalan ng kibo si Marlon, hindi na nakapagsalita hanggang sa
kapwa na sila bumaba. Habang naglalakad ay, “Marlon, joke lang yung sinabi ko
kanina, baka kasi sineryoso mo kaya hindi ka na nagsalita.”
“Hindi no, wala lang talaga akong masabi, mahirap magbiro na
maraming makakarinig, nakakahiya. Kasi baka maniwala.”
“Pero totoo rin na nararamdaman ko ang iyong junjun na tumigas
hehehe.”
“Kaya nga nahihiya ako sa iyo eh, baka kung anong isipin mo.
Kasi naman itong si junior, masyadong mainitin ang ulo, lagi na lang may
kinagagalitan.”
Nagkatawanan silang dalawa. Natahimik na sila ng sumakay ng
jeep. Simula noon na ay lalo silang nagkapalagayan ng loob. Nakakapagbiruan na may
konting kabastusan at palaging tungkol sa junjun ni Marlon ang ginagawang biro
ni Angelo. Sa tuwina kasing magkakasabay sila ay palaging nasa likuran niya si
Marlon.
Minsan ay nagbiro na si Marlon. Nag message siya kay Angelo.
“Alam mo Angelo, siguro itong si junior ko ay type ka. Sa iyo lang naman ito
laging nagagalit eh. Siguro ay dapat mo na itong amuin.”
Nag reply naman si Angelo. “Marahil nga ay dapat lang. Gusto ko
na talagang amuin yang mainitin ang ulong junior mo. Kung gusto mo ay sa Friday pag-uwi natin,
magkita tayo sa istasyon.”
Hindi ngayon maka-reply si Marlon, hindi siya makapag-react.
-----o0o-----
Dumating ang Friday. Nag message pa si Angelo kay Marlon at
ipina-alaala ang napag-usapan. Hindi tuloy malaman ni Marlon kung seryoso ang
una. Hindi na sana niya sisiputin, pero alam niya na maghihintay iyon gaya ng
palagi nitong ginagawa .
Napilitan na niyang puntahan ang officemate sa istasyon ng tren.
Gaya ng inaasahan ay naroon na nga si Angelo.
“Sorry, medyo na late ako ng konti, ayaw ko kasing iwang ang
ginagawa ko na hindi pa tapos,” wika ni Marlon.
“It’s okay. Punuan pa naman ang tren. Yung susunod, kahit puno
na ay sakay na tayo,” wika ni Angelo.
“Ipangsasangga mo na naman ako hehehe.”
“Sus, palagi naman.”
Pagbaba nila ay nag-aya pa si Angelo na mag dinner na sila.
Nakapag-paalam na siya sa kapatid na mauna nang kumain dahil sa may OT sila.
Habang kumakain ay… “Marlon ayain sana kita sa Batanggas.
Matagal na kasi akong iniimbitahan ng kaibigan ko noong college na dalawin
siya. Accountant siya ng isang beach resort doon sa Lian, Iyun ay kung hindi
abala sa iyo at wala kang commitment.”
“Kailan naman?”
“Bukas na. Naka sagot na kasi ako, eh ayaw ko namang magbiyahe
nang ako lang. Maganda raw doon sabi ng kaklase ko at wala tayong gagastusin
dahil sa complementary niya daw iyon.”
“Balikan ba tayo?”
“Pinagreserve na ako ng
isang room, at sabi ay doon ako mag-overnight.
“Saan ba sa Batangas?”
“Sa Lian.”
“Malapit lang ba iyon sa Mabini?”
“Malayo yata. Pagkaalam ko ay iba ang daan. Hindi ako sigurado
at hindi ko naman kabisado ang Batanggas.”
“Alam mo ba ang papunta ng Lian?”
“Mag bus naman tayo eh, hindi naman tayo maliligaw.”
“Gusto ko kasing magdala ng sasakyan. Mas komportable ako na may
sariling sasakyan.”
“May kotse ka?”
“Hiramin ko sa Father ko. Sige, anong oras ba para masundo
kita.”
“Pwedeng maaga tayo. Let’s say 6AM. In 2 hours or less ay naroon
na siguro tayo. Pero para hindi ka naman pagod sa byahe ay mag bus na lang
tayo. Marami namang masasakyang bus.”
“Dalhin ko na lang ang kotse at pihadong pag nag commute tayo ay
aabutin tayo ng hanggang apat na oras o higit pa. Okay sunduin kita ng exactly
6AM.”
“Thangk you Marlon ha. Ang bait mo talaga.”
“Wala nang bolahan, sasama na nga eh. Hehehe joke lang.
-----o0o-----
Eksaktong six ay nasa harapan na ng bahay nina Angelo si Marlon.
Ready na rin naman si Angelo. Inaya muna niya na magbreakfast, pero tumanggi na
ito at sa highway na lang daw.
“Ang ganda naman ng sasakyan mo, mayaman pala kayo,” wika ni
Angelo habang tumatakbo ang sasakyan.
“Ano ka ba! Hindi kami mayaman at sa father ko ito. Hindi naman
kami mahirap, sakto lang at kelangan ni Papa ng sasakyan dahil sa business
nila. Kung mayaman ako eh di hindi na ako mag MRT pa,” tugon ni Marlon.
Hindi tumigil ng kasasalita si Angelo. Dahilan niya ay para
hindi antukin sa pagda-drive si Marlon.
“Alam mo, kung hindi sa MRT, hindi kita makikilala. Wala sana
akong protektor sa pagsakay sa siksikang tren na iyon sa araw-araw. At akalain
mo na sa iisang kompanya pa tayo hehehe,” wika ni Angelo.
“Iisang kompanya, pero sa tren lang nagkikita hahaha. Natuwa nga
ako sa iyo eh, natandaan mo ako kaagad,” wika naman ni Marlon.
“Madaling tandaan ang mukha mo, kaya ingat ka sa mga kidnapper
hahaha. Pwera biro, pinagmamasdan talaga kita, ang gwapo mo kasi at madaling
tandaan ang ganda mong lalaki. Aaminin ko rin sa iyo na nagkakagusto ako sa
isang lalaki pero wala pa naman akong nakaka-relasyon. Yan ha, kilala mo na ang
tunay kong pagkatao.” Wika ni Angelo.
“Ibig bang sabihin ay nagkakagusto ka sa akin?” Tanong ni
Marlon.
“Parang ganon na nga, pero nalilito pa rin talaga ako sa aking
sarili. Mas gusto kong maging tunay na lalaki, pero kapag nakakakita naman ako
ng kagaya mo ay…. Ah ewan. Ang gulo ano.”
“Paano kung pareho lang pala tayo?” wika ni Marlon.
“Huwag mong sabihin na iisa ang problema natin. Na pareho lang
tayo hehehe. Sa akin naman ay okay lang siguro, hindi naman makakapamili ang
tao kung sino o ano ang dapat na gustuhin. Kung nagkagusto ako ay ibig sabihin
mahal ko siya at wala na akong pakialam kung ano man gender siya kabilang.”
“Sana all hahaha.”
-----o0o-----
Wala pa ngang dalawang oras ay nakarating na sila sa pupuntahan.
Sinalubong naman sila ng kaibigan ni Angelo.
“Welcome friend. Sa wakas, pinagbigyan mo rin ako. Gusto ko lang
namang magyabang sa iyo eh hehehe. Miss you, matapos tayong mag-oath taking ay
ngayon na lang uli tayo nagkita. Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo?”
sabi ng friend ni Angelo na may paghawi pa ng buhok sa tenga.
“Marlon, friend ko si Joey, yung sinasabi kong friend ko at
accountant dito sa resort. Siya ang nag-imbita sa akin dito. At siya naman si
Marlon isang abogado at doon din sa company namin nagpa-practice.”
“Nice to meet you Joey,” wika ni Marlon na inabot pa ang kamay.
“Nice to meet you too Marlon and syanga pala, I’m gay. FYI lang
hehehe. Halina muna kayo sa room ninyo at tapos baba uli tayo para sa breakfast
ninyo.”
Sa Room ay nagpaalam muna si Marlon na mag-CR. Nagkaroon naman
ng pagkakataon makausap ng sarilinan ni Joey si Angelo.
“Magsabi ka nga ng totoo, kayo na ba dahil kung sasabihin mong
hindi ay papapel ako sa kanya. Mayaman at gwapo ah, ang gara ng kotse!” wika ni
Joey.
“Okay lang, officemate nga lang kami at naging close friend lang
dahil sa tren. Nakwento ko na naman sa iyo, buti nga at napilit kong samahan
ako dito,” sabi ni Angelo.
“Hayan na pala siya, tara na, baba uli at sasabayan ko kayong
mag-breakfast. Marami tayong pagkukuwentuhan.”
Habang kumakain ay… “pagkakain natin ay itu-tour ko muna kayo
dito sa resort, at kung gusto ninyong
magpasyal nearby ay marami kayong mapupuntahan. Malalapit lang, sight seeing at
iba pa. Bukas ng umaga ay mag-boating tayo. Mamayang gabi ay mag-night swimming
na lang tayo habang nakukuwentuhn.” Wika ni Joey.
Maraming pinakitang magaganda si Joey sa bisita, sinabi na lahat
na talagang parang nag sales talk. Maganda naman talaga at medyo mura pa ang
lugar, pati amenities ay okay. Itinuro niya ang pwedeng puntahang malapit.
Matapos i-tour ay nagpaalam muna dahil may tatapusin pa raw para
makapag-bonding ng husto mamaya.
“Gusto ba muna ninyong magpahinga?”
“Dito muna ako. Mahilig talaga ako na maglakad-lakad sa beach.
Ikaw Angelo, baka gusto mong magpahinga muna o makipag-kwentuhan kay Joey. I’m
sure na marami kayong ibaballita sa isa’t isa,” sabi naman ni Marlon.
“Busy pa siya. Samahan muna kitang maglakad, lakad,” tugon ni
Angelo.
“Sandali, magpapakuha lang ako ng payong at ipadala ko sa inyo
diyan. Masyadong mainit sa oras na ito.
Hintay lang muna kayo ha. Mamaya uli.”
-----o0o-----
“Napakasarap talaga dito sa tabing dagat. Alam mo Angelo, kung
bibili ako ng bahay, gusto kong malapit ako sa dagat. Gustong gusto ko ang
tunog ng alon, yung payapang alon ha, hindi yung alon dahil sa bagyo.”
“Nature lover ka pala.”
“Oo naman, pero mas gusto ko yung ganitong may dagat talaga.”
Habang naglalakad ay nakakita sila ng malilim na lugar at may
nakatumbang puno. Doon sila huminto at naupo sa nakatumbang puno at doon
nakgwentuhan. Kung ano-ano lang ang pinag-usapan nila at puro tungkol iyon sa
trabaho.
"Alam mo ikaw ang una kong naging close friend sa office,
yun e feeling ko lang," sabi ni Angelo.
"Well ako rin naman eh. Wala pa rin naman akong masyadong
kaibigan, lalo na sa amin, marami kasing abogado roon ang me edad na at parang
hindi maka-adjsut sa mga bata. Me mga bata naman na ewan ko, pa-impress. Hindi
nagsasalita, laging nakatungo at basa ng basa ng kung ano ano.
“Kung sabagay, lahat naman kami ay subsob sa trabaho, kelangan
kasi naming pag-aralan ang bawat kaso na ang goal ay ipanalo ang aming
kliyente, kaya wala akong close friends doon.”
“Okay lang ba na magtanong ako sa iyo ng personal?” tanong ni
Angelo.
“Sure! Ano ba iyon?”
“May girlfriend ka ba ngayon?”
“Single ako at never pa akong nagka-GF. Inuna ko muna ang
mag-tapos at ngayon nga ay goal ko ang maging kilala sa career na pinili ko.
Ikaw ba ay nagka GF o BF na rin?” sagot at balik tanong ni Marlon.
“Pareho lang tayo na wala pang naka-relayon. Busy talaga ako sa
pag-aaral ko noon, kaya wala, zero. Friends nga ay iilan at hindi pa close. Si
Joey nga lang ang naka close ko noong college days namin. Hindi ko nga akalain
na maging kaibigan ko siya na openly gay sa simula’t sapul na magkakilala kami.
Siguro ay kagaya din niya ako, pilit ko lang tinatago.”
“Naghihinala na ba sa iyo si Joey?”
“Wala siyang sinasabi o nagtatanong man lang. Siguro
nakakahalata siya, kasi kapag nakakakita ako ng gwapo ay all eyes ako at
nikikita niya iyon. Pinababayaan lang niya ako. Saka hanggang tingin lang naman
ako. Baka naghihintay lang na sa aking manggaling. Hindi ko pa naman talaga
sigurado kung ano talaga ako, confused pa ako, pero lately ay parang gusto ko
nang i-confirm, yung kaya ko nang tanggapin sa sarili ko na gay ako. Ang hirap
pala ng ganon, kasi iniisip ko ang kapatid ko at ang tiyahin ko. Anong magiging
reaksyon nila, kaya ba nila akong tanggapin.”
“Bakit naman sa palagay mo ay ganon ka na nga. Anong nagbigay
liwanag sa iyo na tanggapin sa sarili na may puso kang babae. Hindi naman lahat
nang nagmahal ng lalaki ay gay. Paano na lang kung talagang lalaki lang ang
minahal. May nabasa akong ganon at napanood pa sa isang programa sa TV na
straight, pero dahil sa napaka-bait at mapagmahal ng gay ay natutuhan na ring
mahalin.’
“Hindi ako kaylanman nagkagusto sa babae, iyon yun. Isa pa, may
napupusuan ako at sigurado ako na… na fall na ako sa kanya,” wika ni Angelo
“Owww, ganun ba. Sigurado ka sa feeling mo? Pwede ko bang
malaman kung sino?” usisa ko.
“Kilala mo siya Marlon, siya ang isa sa relevant person na
nakilala ko. Nang makilala ko siya, kahit na hindi pa kami masyadong close ay
nagbago ang takbo ng buhay ko, para bang naging makulay. Gusto ko na palagi
siyang nakikita, gusto ko na nakakausap palagi. Malapit lang kami pero bihira
din kaming magkita at magkausap kaya nga ang ginawa ko ay inaabangan ko na lang
ang pagpasok niya. Hinihintay ko talaga dahil ang alam ko ay sa tren siya
palagi sumasakay.” Wika ni Angelo na katitig kay Marlon.
“Ako ba ang tinutukoy mo?”
“Ikaw nga Marlon, ikaw ang nagpatibok ng aking puso. I like you
Marlon, I really like you. Hindi ko na kasi matiis na sarilinin na lang ang
nararamdaman ko, gusto ko lang malaman mo ang feelings ko pero hindi naman ako
umaasa na mamahalin mo rin ako. Ang mahalaga sa akin ay nag try ako. Sabi ko
nga sa sarili ko na walang mawawala sa akin kung magtapat ako. Baka nga mas may
magandang kahinatnan kaya heto, naglakas loob akong magtapat. Malaking tulong
din itong ating ininom hahaha.” Pag-amin ni Angelo.
Hindi na nagulat pa si Marlon sa ipinagtapat ni Angelo,
Naramdaman na niya iyon noon pa. Napaisip si Marlon kung paano magrere-act sa
ipinagtapat ng kaibigan.
“Ahmm… Angelo. Alam kong mabuti kang tao, alam kong isa kang
tunay at tapat na kaibigan. Sa konting sandali na pagkakakilala natin ay parang
kilalang kilala ko na ang iyong pagkatao. Kaya nga nahihirapan ako kung paano
ko sa iyo sasabihin ang aking nararamdaman.”
“Hindi Marlon. Sabi ko nga ay hindi ako umaasa na may feelings
ka rin sa akin. Okay lang sa akin kung sagutin mo o hindi. Basta para sa akin
ay lumuwag na ang aking pakiramdam at nasabi ko na ang aking saloobin, so huwag
mo nang sagutin. At hindi ako aasa.”
“Hindi ka mahirap mahalin Angelo, napaka-bait at responsible
mong tao. Pero nasa mind set ko na hindi pa ako makikipag-relasyon ng seryoso.
Sabihin na lang natin na may ambisyon pa ako at gusto kong isakatuparan iyon.
Ang totoo, kung hindi lang sa ambisyon kong ito ay baka ako pa ang naunang
magtapat sa iyo. Let’s remain friends muna. Pag dating na araw, yung panahon na
okay na, yung may ipagmamalaki na ako kahit kanino at nandiyan ka pa rin at
wala pa rin akong commitment sa iba, alam mo na yun. Hindi naman natin alam ang
mangyayari sa hinaharap. Ikaw ang una kong maiisip.”
Tahimik na nakayuko lang si Angelo. “Hindi kita nire-reject
Angelo. Sarili ko ang nireject ko alang-alang sa ambisyon ko. Sana naunawaan mo
ako.”
“Naunawaan kita Marlon. Isa ka talagang kaibigan. Payakap naman
hihihi.”
Nagyakapan ang dalawa, yakap ng magkaibigan. “Tara na Marlon,
balik na tayo at sobrang init na.”
“Mamayang hapon, samahan mo uli akong maglakad-lakad sa tabing
dagat ha.?”
“Basta ikaw.”
Itutuloy…………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento