Miyerkules, Marso 1, 2023

Sa Tabing Dagat……. (Part 6)

 


Sa Tabing Dagat……. (Part 6)

 

Naging masaya ang isang araw na pag-stay nina Angelo at Marlon sa resort sa Lian. Naka-bonding ni Angelo ang matagal na hindi nakitang kaibigan na si Joey na accountant sa resort nilang tinuluyan at siyang nag-imbinta kay Angelo.

Sa paglalakad-lakad nina Angelo at Marlon sa tabing dagat ay hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol sa pinagtapat ng una sa huli. 

Bagama’t may konting lungkot na naramdaman si Angelo ay maluwag din naman sa dibdib niyang tinanggap ang naging tugon ni Marlon. Sulit din naman ang pag-accept niya sa imbitasyon ng kaibigan dahil sa muling tumibay ang kanilang pagkakaibigan.

Kinabukasan ay balik uli sila ng Manila. Ihinatid pa uli ni Marlon si Angelo sa tinitirhan nito.

-----o0o-----

Nanatili pa ring magkaibigan sina Marlon at Angelo, palagi pa rin silang nagkakasabay sa pagsakay sa MRT papasok at pauwi sa kani-kanilang bahay.

Maganda naman ang usad ng career ni Marlon bilang abugado. Katunayan ay siya na ang humarap sa isang kasong hawak nila. Bagama’t kinakabahan ng una ay nagawa naman niyang makapagpresenta ng ibidensya sa paglilitis na ginawa kamakailan lang. Naroon naman kasi ang kasamahang abugado para umalalay sa kanya.

Isag hapon ay nagulantang si Marlon dahil sa isang message mula sa gwardya na nasa lobby ang isang Raffy dela Cruz. Nagmamadali siyang bumaba, at totoo nga. Si Raffy nga ito.

“Hala, ginulat mo ako. Anong ginagawa mo rito sa Manila?” ang nasabi lang ni Marlon.

“Ano pa ba ang gagawin ko dito kundi ang dalawin ka,” pasakalye ni Raffy.

“Utot mo hehehe. Naku, may ginagawa pa ako sa office at hindi ako pwedeng magtagal, pwede ka bang magpas-yal pasyal muna sa malapit na mall o department store. Magkita na lang tayo mamayang uwian?” wika ni Marlon.

“Iyun nga ang sasabihin ko sa iyo, gusto ko lang talagang sorpresahin ka kaya pinuntahan na kita sa building ninyo. Sige, hanggang anong oras ka ba, four na, ibig sabihin ay maghihintay ako ng isang oras. Okay, see you mamaya.”

-----o0o-----

“Angelo, may naghihintay sa aking isang kaibigan, pinuntahan ako sa office kanina. Huwag mo na akong hintayin ha, may sasakyan daw siyang dala. Kung gusto mo ay sumabay ka na lang sa amin,” sabi ni Marlon. Kausap niya si Angelo sa phone.

“Naku hindi na. Nakakahiya naman, sinadya ka nga diyan eh tapos eh makikihalubilo pa ako. It’s okay.

-----o0o-----

Matyagang naghintay si Raffy, bumalik siya ng ma-resib ang text ni Marlon. Nasa labas na ng building si Marlon ng dumating si Raffy. Sumakay na kaagad siya at tinahak ng ng kotse ni Raffy ang kahabaan ng EDSA.

Lingid kay Marlon ay nakita siya ni Angelo na sumakay sa isang kotse, bakas sa mukha ni Marlon ang tuwa pagkakita kay Raffy. Maraming katanungan ang naglaro kaagad sa isipan ni Angelo. Nakita niya kasi ang kagandahang lalaki ng sumundo kay Marlon na hindi rin naitago ang kasiyahan pagkakita kay Marlon.

“Saan mo gustong kumain?” ang kaagad na tanong ni Raffy.

Masyado pa yatang maaga para kumain tayo,  Saan ka ba nag-stay at ano ang pakay mo rito sa Manila.

“Mahabang kwento, gusto mo bang doon na lang tayo sa aming condo, malapit lang. Nasa Ortigas lang. Ihatid na lang kita kung gusto mo nang umuwi.

“Don na lang sa malapit na sa amin. Alam mo ay kailangan kong maagang bumangon bukas. May hearing pa kaming pupuntahan at kelangan kong paghandaan iyon. Alam mo na, sinasanay na ako na humarap sa husgado. Inom na lang tayo ng ilang beer tapos ay uwi na ako.”

“Ganon ba? Okay.” Malungkot na sabi ni Raffy.

“Eh bakit parang lukot ang mukha mo? Pumunta ka ba naman na may pasok pa kami eh. Hanggang kelan ka ba rito?”

“Bukas ay balik na rin ako. Hmmm baka mamaya na rin, eh hindi naman kita makakasama ng matagal.”

“Nagtatampo ka ba? Gusto mo bang hindi ko na siputin yung hearing ko bukas?”

“Hahaha, joke lang yun, ikaw naman. Eh di lalong matagal akong maghihintay sa iyo dahil siguradong sisante ka. Hindi, gusto ko talagang magkasama tayo ng matagal-tagal, kaya lang yung kausap ko kasi ay itong araw lang ito libre kaya heto, biglang napasugod.”

“Tungkol ba saan?”

“Natatandaan mo ba yung negosyo kong gustong buksan! Mukhang malabo pa eh. Ang daming demand nung makakasosyo namin. Gusto kasi ni Mama ay may mag-invest na iba para daw in case na hindi maganda ang takbo ay hindi namin solo ang pagka-lugi. Eh kung ganon naman ka-arte ng investor ay parang ayaw ko na. Kausapin ko na lang si Mama na kami na lang o huwag nang i-push through.”

“Hindi kita mabibigyan ng payo diyan eh, wala akong alam sa negosyo. Kapag nagkakaso na lang hehehe.”

Sa isang restobar na lang sila nagtuloy. Hindi naman sila nagtagal dahil sa nag-aya na si Marlon. Ihinatid na ni Raffy ang binata sa bahay nila.

“Pwedeng isang goodbye kiss. Miss ko na ang halik mo.” Sabi ni Raffy. Pinagbigyan naman siya nito, isang mainit at may katagalang halik ang ibinigay nito.

“Pasyal ka uli sa resort, anytme, palagi naman akong naroon.”

-----o0o-----

“Kumusta. Saan kayo nakarating ng bisita mo? Gwapo ah at mukhang mayaman,” bating tanong ni Angelo ng magkita sila ni Marlon sa istasyon ng tren.”

“Doon sa resto bar na kinainan din natin. Hindi naman kami nagtagal dahil sa kailangan kong maghanda para sa hearing namin mamayang hapon.”

“Gwapo siya at muhang mayaman?” sabi ni Angelo.

“Nakita mo ba?”

“Tyempong labas ko at kinawayan ka naman nung lalake. Kaibigan mo sa kolehiyo?”

“Hindi, nakilala ko lang sa isang resort sa Batangas din, sa Mabini. Akala ko nung una ay waiter, sila pala ang may-ari hehehe. Pahiya ako, konti lang naman. Aakalain ko bang siya ang may-ari ay naka-uniporme ng waiter. Hayun, naging magkaibigan kami.”

“Next week pala ay naka leave ako ng one week, may aasikasuhin kasi ako,” sabi ni Angelo.

“Anong aasikasuhin mo?”

“Secret muna hehehe. Hindi pa ako kasi sigurado.”

“Nag-aapply ka ba sa iba?”

“Hmmmm basta. Huwag makulit hehehe.”

“Okay lang, ayaw mong sabihin eh.”

“Ito naman. Ikaw ang unang makakaalam kapag okay na. Eh ayaw ko lang ma frustrate sakaling hindi matuloy.”

-----o0o-----

Kahit papano ay nakaramdam ng lungkot si Marlon ng nag-iisa na lang siyang sumasakay ng tren. Nakadama siya ng pagkainip gayong sandali lang naman talaga ang biyahe. Tuloy ay natuto siyang mag-stay ng late sa office. Naninibago tuloy ang sekretarya nila doon na palaging maraming tina-type kaya palaging OT.

Makalipas ang isang linggo ay balik trabaho na si Angelo. Nadatnan kasi ni Marlon na naghihintay na sa MRT.

“Mag-kwento ka naman?” wika ni Marlon.

“Mamaya na. I-treat kita ng dinner mamaya dahil sa maganda ang ibabalita ko sa iyo.”

“Matutuwa ba ako o malulungkot?”

“Aba, nasa iyo yun kung malulungkot ka o matutuwa para sa akin. Basta mamaya na lang.”

“Lilipat ka siguro ng kompanya. Malaki siguro ang offer sa iyo.”

“Hmmm, medyo hahaha. Basta mamaya na, ang kulit nito.”

-----o0o-----

Sa resto bar ay dalawang beer muna ang inorder ni Angelo. Maaga pa naman kaya hindi muna sila nag-order para sa kanilang dinner.

“Simulan mo nang magkwento,” wika ni Marlon.

“Nag-file na ako ng resignation effective sa katapusan,” sabi ni Angelo.

“Sabi ko na nga ba eh. Saan ka naman lilipat?”

“Sa Canada. May trabaho nang naghihintay sa akin doon. Matatagalan na ako roon dahil sa gusto kong isama na rin ang kapatid ko kapag stable na ako roon.”

Bigla ang pagtamlay ng pakiramdam ni Marlon, parang nakaramdam siya ng kung ano sa kanyang dibdib. Nasasanay na siyang kasama ang kaibigan at parang masakit din na magkakalayo sila.

“Paano ang tiyahin mo. Siguro ay okay lang ang kapatid mo, pero sinong titingin sa tiyahin mo?”

“Napaghandaan ko na iyon. May kamag-anak pa naman kami at siya kong kinuhuhang parang kasambahay. Iyon ng ang isa kong inasikaso. Umuwi pa ako ng probinsya namin para sunduin siya. Mabuti na lang at pumayag. Siya ang pinili ko dahil sa matanda na ring dalaga, hindi pa naman katandaan, siguro ay higit 40 na hehehe. Tingin ko ay hindi na mag-aasawa iyon.”

“Malulungkot ako, isang lingo pa nga lang na wala ka eh na miss na kita yun pang matatagalan ka. Baka nga hindi ka na umuwi eh.”

Hindi umimik si Angelo. Kahit siya ay siguradong mami-miss si Marlon lalo na at lalo niyang minahal ang kaibigan. Gusto niyang maiyak, pinigil lang dahil naisip niya na wala naman dahilan para umiyak dahil sa hindi naman sila. Magkaibigan lang sila. Maganda lang talaga ang kikitain sa Canada kaya niya tinanggap ang trabaho doon.

“Babalik at babalik naman ako dito. Hindi naman ako maninirahan ng permanente roon. Syempre, uuwi na ako kapag retire na ako.” Sabi ni Angelo.

“Paano kung makakita ka ng mamahalin mo roon?”

“Eh di mas magaling. Magdilang anghel ka sana.”

“Paano naman ako?”

“Anong paano ka?” Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ni Angelo.

“Wala na akong kasabay pag-pasok at pag-uwi. Wala nang makikinig sa kwento ko Nakakalungkot naman talaga.”

“Akala ko naman ay….” Hindi na itinuloy ni Angelo ang sasabihin. Baka kasi mapahiya pa siya.

“Akala mo ay ano?”

“Wala! Gusto mo lang pala ay taga-pakinig eh. May messenger naman, pwede tayong mag-chat at doon ka magkwento sa akin.”

“Huwag mo akong kalilimutan ha, bestfriend!” sabi ni Marlon na tinabihan na sa upuan si Angelo at inakbayan ito. “Mami-miss talaga kita.”

“May dalawang linggo pa tayong ipagsasama, ito naman. Kapag umalis na lang ako saka mo na lang ako i-miss.”

-----o0o-----

Sa pag-iisa ni Marlon pagdating sa bahay ay nasa isipan pa niya ang binata. “Hindi mo na lang siguro dapat malaman na may pagtatangi na rin ako sa iyo Angelo. Matagal din tayong nagsama at napalapit ka na ng husto sa akin. Sana lang ay makakita ka roon ng taong magmamahal sa iyo,” sabi ng isipan ni Marlon.

Huling araw na ni Angelo sa opisina. “Angelo, pwede bang anyayahan kita sa bahay? Doon ka na lang maghapunan at magpapahanda ako ng ating kakainin kay manang. Aalis ka na lang ay hindi man lang kita naisama sa aming bahay. Hindi mo man lang nakilala ang aking mga magulang. Gusto kong malaman mo na may kaibigan kang  pwede mong puntahan pagbalik mo.”

“Sige. Mas mabuti. Ang tagal ko nang hinihintay na anyayahan mo ako eh, kung kelan ako paalis na saka pa hehehe.”

“Better late than never,” hahaha.

-----o0o-----

“Manang, sina Daddy?”

“Umalis sila. Hindi ba sinabi sa iyo. Ang paalam sa akin ay bukas na raw sila uuwi pero hindi naman sinabi sa akin kung saan ang punta.”

“Ganun ba? Hindi bale, tatawagan ko na lang. Ipapakilala ko pa naman ang bestfriend ko at officemate sa kanila. Manang, si Angelo pala, bestfriend ko.”

Tumango lang si Manang na nakangiti at pinagpatuloy na ang ginagawa. Nagpunta naman ng kusina si Marlon at pagbalik ay may dala nang dalawag baso at bote ng alak. “Shot muna tayo ng konti habang nagluluto pa si Manang.”

Pagkakain ay nagpatuloy sa pag-inom ang dalawa. Nagpakita ng lungkot si Marlon, gayon din naman si Angelo. Medyo tipsy na rin ang dalawa.

“Angelo, hindi ba inamin mo sa akin noon na na-fall ka sa akin? Ganon pa rin ba ang damdamin mo sa akin hanggang ngayon?” tanong ni Marlon.

“Natutunan ko nang tanggapin sa aking sarili na malayong maging tayo Marlon kaya pinag-aralan ko nang kalimutan ano mang damdamin meron ako sa iyo. Purely friendship na lang ang itinira ko a puso ko. Akala ko ay nagtagumpay na ako dahil sa tanggap ko na pero heto, aalis ako na mabigat ang dibdib. Bakit kasi itinanong mo pa?” sagot ni Angelo na hindi na napigilan pa ang pagpatak ng luha.

“Matanong din kita Marlon. Bakit ka nagtiyagang kaibiganin ako. Alam mong may gusto ako sa iyo, hindi ka man lang ba nagkaroon ng konting pagtatangi sa akin, yung higit pa sa isang kaibigan?”

“Ang totoo, mahalaga ka na sa akin noon pa man, at ngayon aalis ka ay lalo kong naramdaman ang kahalagahan mo sa akin. Hindi naman kita pwedeng pigilan sa mga mithiin mo kaya wala akong magagawa kundi ang i-wish na sana ay magtagumpay ka sa iyong endeavor. Sana lang din ay makakita ka ng bago mong mamahalin doon.”

“Ewan ko, simula pa lang kasi na makita kita sa MRT ay ginusto na kita. Talagang sinundan kita kung saan ka pupunta. Mabuti na lang at sa kompanya rin pala namin ang tungo mo dahil kung hindi ay susundan pa rin kita kahit na hindi ako makapasok noon sa trabaho. Pero salamat pa rin sa pakikipag-kaibigan mo.”

Tuluyan nang napaiyak si Angelo at nayakap tuloy siya ni Marlon, nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Inangat ni Marlon ang ulo niya at hinawakan sa magkabilang pisngi at pinahid ang luha gamit ang magkabilang thumb.

“Babalik ka pa rin naman ‘di ba?” – si Marlon.

“Oo. Sure naman iyon. Kung kelan ay hindi ko pa alam,” tugon ni Angelo.

Nagkatitigan sila, nangungusap ang kanilang mga mata. “Pwede bang halikan kita sa una at huling pagkakataon?” hiling ni Angelo.

Nagdikit na lang basta ang kanilang mga labi. Napaka-diin ng ginawang paghalik ni Marlon at may katagalan din. Parang ayaw nang pakawalan ang mga labi ng binatang kaibigan. Naunang bumitiw si Angelo.

“First time sa buhay ko ang mahalikan ng isang lalaki at mahal na mahal ko pa. Napakasarap pala.”

Ang halik na iyon ay nauwi sa pagtatalik. Inakay na ni Marlon sa kanyang silid ang binata na wala ni katiting na pagtutol. Sa silid ay kaagad na hinalikan uli ni Marlon si Angelo habang isa-isang binubuksan ang pagkakabutones ng long sleeve nito. Halos hindi na humihinga si Angelo, lalo na at mahigpit pa siyang yakap ni Marlon.

Tuluyan nang nahubaran si Angelo.  Bumaba naman ang halik ni Marlon at dinilaan sabay kagat sa nipples nito.

“Masakit Marlon, pero masarap din,” – si Angelo.

"Ah ganun ba? Sorry! Napadiin lang.”

Matapos pagsawaan ang dibdib at nipples ay bumaba pa ang labi ni Marlon sa tiyan at puson ni Angelo. Sinusog pa ng dila niya ang manipis na balahibo mula sa may pusod pababa sa may puno ng titi nito. Kiliting kilit si Angelo na ngayon lang nakaranas ng ganung halik.

Kinalas na ni Marlon ang sinturon at ang pagkakabutones ng slacks ni Angelo. Kusa nang bumagsak ang pants nito sa sahig. Kinapa na niya ang titi nito na nasa loob pa ng brief. Napaungol na ng tuluyan si Angelo.

“Pwede mo bang gawin din sa akin ang ginawa ko sa iyo?” ang tila nakikiusap na wika ni Marlon.

“Unang beses ko pa lang gagawin ito Marlon, pero para sa iyo ay kahit ano gagawin ko,” tugon ni Marlon.

Hinubaran muna ni Angelo si Marlon, itinira lang ang brief nito at sinimulang halikan at dilaan ang dibdib nito. Nagpatuloy sa ginagawang paghalik at pagdila si Angelo hanggang sa makarating sa pagkalaki ni Marlon. Hinubad na ni Angelo ang huling saplot ni Marlon at nangyari na ang inaasam noon pa ni Angelo. Hindi matingkalang kaligayahan ang naramdaman ng dalawa.

-----o0o-----

Ihinatid pa ni Marlon si Angelo sa airport. Malungkot na masaya ang paghihiwalay nila. Pareho lang nilang gustong maabot ang mga pangarap nila kaya sabi nga nila ay hindi pa napapanahon.

Sa umpisa ay naninibago si Marlon dahil sa nagiisa na lang siyang sumasakay ng tren. Kalaunan naman ay nasanay na rin. Sa bandang huli ay kailangan na niyang magdala ng sasakyan dahil sa kung saan-saan korte siya napunta para mag-attend ng hearing o ng mag-file ng kaso. Nakasanayan na rin niya ang makipagbuno sa traffic.

Isang gabi na medyo umaambon-ambon ay muntik nang maaksidente si Marlon. Patawid na siya ng biglang may nag-cut sa kanyang sasakyan at muntik na silang magkabanggaan. Nasagi tuloy ang side mirror niya at nabasag. Mabuti na lang at iyon lang.

Huminto naman ang sasakyan na nakasagian niya. Bumaba pa ito at tila galit pa gayong ito naman ang may kasalanan. Lumapit ito sa kotse ni Marlon. Kinatok nito ang bintana ng kotse ni Marlon. Binaba naman ni Marlon ang salamin na bintana.

“May problema ba pare?” tanong ni Marlon.

 

 

Itutuloy…………………..

 

 

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...