Sa Tabing Dagat…….
(Part 7)
Isang gabi na medyo umaambon-ambon ay muntik nang maaksidente si
Marlon. Patawid na siya ng biglang may nag-cut sa kanyang sasakyan at muntik na
silang magkabanggaan. Nasagi tuloy ang side mirror niya at nabasag. Mabuti na
lang at iyon lang.
Huminto naman ang sasakyan na nakasagian niya. Bumaba pa ito at
tila galit pa gayong ito naman ang may kasalanan. Lumapit ito sa kotse ni
Marlon. Kinatok nito ang bintana ng kotse ni Marlon. Binaba naman ni Marlon ang
salamin na bintana.
“May problema ba pare?” tanong ni Marlon.
“Marlon?” ang tila hindi makapaniwalang nabigkas ng lalaki.”
“Warren? Ikaw ba ‘yan?” gulat na wika ni Marlon.
“Marlon? Ikaw nga hahaha” tuwang tuwang wika ni Warren.
Bumaba na nang sasakyan si Marlon sabay abot nang kamay, bahagyang
yakap at tapik sa balikat. “Kumusta, ang tagal mong walang paramdam ah,” sabi
ni Marlon.
Nawala na sila sa sarili na hindi alam na nakakaabala sila sa
trapiko, nagbusinahan na ang mga kasunod nila.
“Mag-usap tayo sa ibang lugar, sumunod ka sa akin,” wika ni
Warren na tumalikod na at sumakay na sa kanyang kotse at pinaandar iyon sabay
busina kay Marlon at sumenyas pa.
Sa isang mall sa ‘di kalayuan nagtungo ang sasakyan ni Warren
kasunod ang sasakyan ni Marlon. Swerte at may magkalapit na bakanteng parking
slot kaya doon na sila nag-park. Sa isang medyo sosyal na bar sila pumasok.
Kaagad na nag-order ng beer si Warren.
Warren: Kumusta ka na!
Ang tagal na hindi tayo nagkita ah. Siguro ay may anim na buwan na. Ano nang
balita sa iyo.
Marlon: (Nagsasaling ng
beer sa baso) Eto, medyo busy. Nagpa-practice na ako. Diyan ako sa isang sikat
na audit firm, sa law division ako. Kumusta ka na rin. Wala kang paramdam ah.
Paminsan-minsan ay nagte-text ako sa iyo, pero walang reply.
Warren: Sorry nga pala.
Ang totoo ay nawala ang aking CP. Na-snatch ba hehehe. Tanga eh kaya hayun,
natangay. Hindi ko naman tanda ang number mo kaya hindi kita matawagan. Medyo
busy rin naman ako.
Marlon: Totoo ba ‘yan.
Pwede mo naman akong puntahan sa bahay.
Warren: Hindi ko alam
ang bahay n’yo. Ikaw nga eh, alam mo naman kung saan ang condo ko.
Marlon: Naku, hindi ko
ugali ang basta na lang pupunta ng walang pasabi. O heto, ikaw na ang maglagay
ng nunber mo.
Warren: Misscall mo ako
para ma-save ko ang number mo.
Marlon: Kumusta kayo ni
Leila? Wala pa ba kayong balak na magpakasal? O baka kasal na kayo, hindi mo
lang ako inimbitahan.
Warren: Wala na kame.
Marlon: Hah! Bakit?
Warren: Mahabang kwento.
Sama ka sa akin, sa condo, ikuwento ko sa iyo ng buo. Saka ayaw kong magkwento
rito.
Marlon: Hindi pwede eh.
Siguro sa ibang araw na, marami talaga akong kelangang i-research, basahin na
kaso, para naman my reference ako sa hawak kong case.
Warren: May girlfriend
ka na ba?
Marlon: Wala pa akong
panahon para diyan.
Warren: Boyfriend?
Marlon: Mas lalong wala.
Ano ka ba? May ipinalit ka na ba kay Leila?
Warren: May napupusuan
na ako. Hindi pala, mahal ko na, kaya lang ay hindi pa niya alam. Natatakot
kasi akong sabihin dahil sa baka hindi ako tanggapin.
Marlon: Hala, ikaw pa.
Sa gandang lalaki mong iyan, mayaman, may mga negosyo. Walang karapatan kung
sino mang iyon na tanggihan ka. Sila ang mawawalan hahaha.
Warren: Sobra ka naman.
Baka maniwala ako sa iyo. Sana lang yung taong yun ay ganon din ang isipan.
(umorder pa ng beer”
Marlon: Last na yan ha,
kelangan ko na kasing magpahinga muna. Ikaw kasi, pina-snatch mo ang phone mo.
Warren: Matanong lang
kita, ikaw ba ay nagkaroon na dati ng karelasyon?
Marlon: Wala. Sabi ko
naman sa iyo, iba ang priorities ko. Tama na yung pa-crush lang muna at
one-night stand hahaha.
Warren: Pang one-night
stand mo lang pala ako.
Marlon: Hindi naman.
Ayaw ko lang talaga ng may seryosong relasyon. Saka hindi naman ako basta-basta
sumasama. Namimili naman ako. Na-offend ka ba dahil sa sumama ko sa iyo at may
nangyari kaagad sa atin? Tapos ay wala na. Hindi ba ganon din naman sa kaso mo?
May GF ka pa nga nun eh. Pampalipas oras at libog mo lang ako!
Warren: Galit ka?
Marlon: Ubusin na lang
natin ito. Ayokong gabihin masyado. Baka lumakas pa ang ulan.
Wala nang nagawa pa si Warren. Nagtaka siya
sa biglang pagbabago ng mood ni Marlon.
-----o0o-----
Habang nagda-drive ay naiinis sa sarili si
Marlon. “Shet talaga. Ano bang nangyari sa akin kanina? Bakit bigla na lang
uminit ang ulo ko. Kasi ba naman ay nasabi ko na ayaw ko pa ng relasyon, pwede
kung one-night stand lang muna. Shet! Na
offend ko siya. Baka isipin niya na malandi lang talaga ako,” wika sa sarili ni
Marlon.
Nakarating na siya ay hindi pa rin mawala
sa isipan ang pangyayari sa bar. Binalak niyang tawagan para manghingi ng
sorry, pero hindi niya itinuloy. Naisip niyang baka lalong iba ang isipin.
-----o0o-----
Dahil sa dami ng dapat gawin ay nawala na
isipan ni Marlon ang naganap ng huli silang magkita ni Warren. Maging ang mga
message ni Raffy at Angelo ay hindi na rin niya nasasagot. Madalas ay ginagabi
siya sa opisina dahil masusi niyang pinag-aaralan ang kasong nakaatang sa kanya
ngayon.
Pagdating sa bahay nila ay kaagad sa kama
ang bagsak dahil sa pagod, nakahiga lang naman siya, pero nag-iisip pa rin.
Nag-ring ang kanyang CP. Ayaw sana niyang
sagutin pero nag-aalala siyang baka importante ang tawag. Si Raffy ang tumawag.
Sinagot na niya iyon.
Marlon: Hello, Raffy.
Napatawag ka. Anong atin?
Raffy: Wala lang,
mangungumusta lang. Ano, kumusta ka na. Hindi ka sumasagot sa mga message ko
ah.
Marlon: Heto, sobrang
busy, kararating ko lang ng tumawag ka. First case ko itong aking pinag-aaralan
at gusto kong ipanalo kaya heto, halos araw-araw ay gabi na ako nakakauwi. Pasensya
na kung hindi ko nasasagot at tawag mo.
Raffy: Alam ko naman
iyon, Nag-aalala lang ako kasi ay baka masyado ka nang nagpapagod at baka
nagkasakit ka na.
Marlon: Nakakapagod
talaga. Alam mo bang mas mahirap palang mapagod ang isip kesa sa pagod ng
katawan. Itulog lang ay alis ang pagod ng katawan, pero itong isipan, kahit
tulog ay nagtatrabaho hehehe.
Raffy: Totoo yan.
Kelan ang hearing mo?
Marlon: Sa next Friday
na eh.
Raffy: Okay. Gusto
kong mapanood kita. Baka makaluwas uli ako at ityempo kong sa araw ng hearing
mo.Message mo ako ng oras at saan korte ha. Manonood talaga ako.
Marlon: Sige.
Raffy: Sige, hinde na
kita abalahin. Magpahinga ka na. Huwag kalimutan ha!
Katatapos lang mag-usap ni Raffy at Marlon
ng mag-ring uli ang CP ng huli. This time ay si Warren naman..
Marlon: Hello!
Warren: Galit ka pa ba?
Marlon: Galit? Kanino?
Bakit?
Warren: Sa akin! Nag-aalala
lang ako. Ayaw kong magagalit ka sa akin. Sorry ha kung ano man ang ikinagalit
mo.
Marlon: Ahhh, wala iyon.
Ako nga ang dapat manghingi ng paumanhin eh kasi bigla na lang akong nag-tantrum.
Sorry ha. Nakakahiya nga sa iyo eh, gusto ko sanang tawagan ka kaagad, kaya
lang ay ewan ko, magulo pa kasi ang isip ko eh.
Warren: Kung hindi ka
galit, magkita tayo bukas, after office hours mo.
Marlon: Busy pa talaga
ako ngayon Warren. Baka Next-next week. Next Friday kasi ay may hearing ako at
pinaghahandaan ko talaga iyon. Syempre, unang hinawakan kong kaso ay dapat na
ipanalo ko.
Warren: Ah okay. Good
luck. Hindi ka talaga galit ha. Sige na, salamat.”
-----o0o-----
Maayos na naidepensa ni Marlon ang kaso.
“Malaki ang tsansang maipanalo mo ang kaso Attorney,” wika ng kasamahan ni
Marlon na siyang tumayong suporta sakaling kakailanganin niya ng assistance.
“Talaga po. Okay po ba ang performance ko?”
“Okay na okay. Sige hindi na ako sasabay sa
iyo at may hearing ako sa kabilang korte good Job.”
Masayang masaya si Marlon. Feeling niya ay
nasa cloud 9 siya ay hindi pa naman naipapanalo ang kaso.
Samantala ay nanood nga si Raffy, lalapitan
na sana niya si Marlon ng may lumapit pa rito. Kinamayan at saka inakbayan.
“Siguro naman ay hindi mo na ako tatanggihan ngayon, let’s celebrate,” wika ni
Warren na halos hatakin na si Marlon palabas ng korte. Wala na siyang nagawa
pa.
“Pero kelangan ko pang bumalik ng office,
kelangan na magreport muna ako,” wika ni Marlon.
“No problemo. Mag convoy tayo, mauna ka at
kasunod mo ako. Hintayin kita sa parking ng office ninyo.”
Patungo na sila ng main road ng mapansin
niya ang isang lalaki na naglalakad, pamilyar kasi sa kanya at tingin niya ay si Raffy. Naalala niyang
manonood daw, pero hindi niya na nakita sa loob. Gusto sana niyang lapitan pero
nasa kabilang side siya. Kung ano-ano tuloy ang naglaro sa kanyang isipan.
Maraming tanong sa sarili. Bakit kaya hindi ako nilapitan, siya kaya talaga
iyon? Bakit umalis kaagad at hindi nagpakita sa akin? Wala na siyang nagawa,
hindi naman masasagot ang kanyang mga tanon.
-----o0o-----
“Sa condo tayo ha!” wika ni Warren.
“Bakit doon pa, sa dati na lang.”
“Paano tayo makakapag-usap ng maayos eh
maingay doon saka gusto ko na sarilinan. Hindi ako makapagkukwento na alam kong
may makakarinig na iba.
“Pero sandali lang ha, Hanggat hindi pa
kasi tapos ang kaso ay hindi pa rin ako makaka-relax.”
“Okay, sinabi mo eh.”
-----o0o-----
Naglabas kaagad ng beer si Warren, palagi siyang may stock ng
beer dahil bago matulog ay umiinom muna siya ng isang bote, pampaantok daw sa
kanya iyon.
Napag-usapan nila ang nangyari sa daan. “Nagmamadali ka ba
kanina at kinat mo ako, nauna naman ako ah, saka tingin ko sa iyo kanina ay
ikaw pa ang galit hehehe,” sita ni Marlon.
“Hahaha, medyo, hindi ako pinagbigyang makalusot eh hahaha. Pero
ang totoo ay mainit talaga ang ulo ko,” tugon ni Warren.
“Dahil ba yun kay Leila. Linawin mo nga ang ibig mong sabihin
kanina. Joke lang ba na hiwalay na kayo?” – si Marlon.
Isa munang buntong hininga ang pinakawalan ni Warren bago
sumagot. “Isa lang yun sa marami kong problema, pero totoo, hiwalay na kami. Alam
mo kung anong dahilan?” – si Warren.
“Ano?” tanong ni Marlon.
“Habang nagse-sex kami ay may nabanggit akong pangalan, ang may
ari ng pangalan na iyon ang nasa aking isipan habang mainit kaming nagtatalik.
Ang matindi pa, pangalan ng lalaki iyon. Galit na galit siya at pinipilit ako
kung may karelasyon daw akong lalaki, kung bading daw ako. Sinabi ko na hindi
ako bakla at wala akong ibang idine-date. Kung ano-anong alibay ang aking nirason,
pero hindi siya naniwala. Kung ano-ano pang itinatanong na sinasagot ko naman,
Ayaw naman paniwalaan, hanggang sa umabot kami sa hiwalayan.” kwento ni Warren.
Nawalan ng kibo si Marlon. Hindi niya mawari ang naramdaman
pagkadinig sa kwento ng kaibigan. Lalaki, ibig sabihin ay may iba pang lalaking
nakatalik ito, liban sa kanya. Parang hindi niya matanggap iyon. “Kelan pa?”
“3 days ago lang.”
Napailing na lang si Marlon, ayaw magpahalata na naapektuhan
siya kahit papano. Hindi na rin niya itinanong kung sino ang lalaking nabanggit,
para ano pa. Napahawak pa siya sa kanyang ulo, tila nakaramdam ng pananakit ng
ulo.
“Bakit Marlon, masakit ba ang ulo mo?” tanong ni Warren ng
mapansin na kumunot ang ulo at hinaplos pa.
“Medyo, ganito ako palagi kapag stress. Stress ako kanina sa
korte. Pwede bang ubusin na lang natin itong beer, gusto ko nang umuwi at
makapag-pahinga ng maaga-aga. Marami pa kasi akong gagawin bukas,” dahilan ni
Marlon.
Nagtaka man sa ginawi ng kaibigan, ay wala na ring nagawa pa si
Warren. Ihinatid niya ito sa parking.
“Kaya mo bang mag-drive?” tanong ni Warren.
“Oo naman, konting kirot lang ito. Sige na, ayusin mo rin ang
problema ma. Suyuin mo uli siya ha! Bye!”
“Ingat sa pag-drive.”
-----o0o-----
Mabilis na pinasibad ni Marlon ang kanyang sasakyan, gusto na
niyang makarating kaagad, gusto na niyang magpahinga.
Diretso na siya sa ka kanyang silid, hindi na pinansin ang
tanong ng katulong kung kakain na. Ibinagsak na lang ang katawan sa kama at
ipinikit ang mga mata.
Nagtagal si Marlon sa ganong posisyon, walang kakilos-kilos.
After 10 minutes ay bumangon na siya, humarap sa salamin at pinahid ang mukha.
Hindi niya namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata. “Bakit ko ba
siya iiyakan? Ano ko ba siya? Wala naman kaming relasyon.”
Hindi man aminin ni Marlon ay mas matimbang sa kanyang puso si
Warren keysa kay Raffy at Angelo. Unang kita pa lang kasi niya sa lalaki ay
humanga na siya, dangan at may kasintahan na ito. At kahit pilit na itinatanggi
sa sarili ay naapektuhan siya sa dahilan ng paghihiwalay sa nobya. Doon siya
nasaktan, ang malaman na may kinakatalik pa siyang ibang lalaki.
Naalala niya si Raffy. Kinuha niya ang kanyang CP at idinayal
ang numero nito. Habang hinihintay niyang sagutin ang phone ay nagtanong pa
siya sa sarili. “Si Raffy nga kaya ang nakita ko kanina? Nanood kaya siya ng
hearing at hindi ko lang nakita? Kahit naman si Warren ay hindi niya napansin
na nanood. Kung si Raffy nga ang nakita ko, bakit siya umalis kaagad at hindi
ako kinausap?”
Sinagot din naman ni Marlon ang sarili sa mga katanungan iyon. “Siguro
ay nakita niya kami ni Warren at nahiya na lang na lumapit. Kasi naman ay
kaagad ako hinatak ng lalaking iyon. Ano kayang inisip niya, nagselos kaya?
Haaay, sagutin mo ang phone please.”
“Hello!” wika sa kabilang linya.
“Raffy, nasaan ka?”
“Nagda-drive na ako pauwi ng Batangas, Pasensya na ha at medyo
malabo ang dating mo dito,” sabi ni Raffy.
“Nagpunta ka ba ng korte kanina? Nanood ka ba ng hearing ko?”
“Ay sorry Marlon, hindi na ako nakarating, wala na kasing oras
na makapunta pa ako e. Hello! Hello!. Nawala ka na, hindi na kita marinig
Hello!” Pinutol na ni Raffy ang connection, ayaw na niya munang kausapin ang
binata dahil sa naiiyak na siya. Nagsinungaling siya sa kaibigan. Naroon siya
sa buong panahon ng hearing. Lalapitan na sana niya ito ng sumulpot bigla si
Warren na alam naman niyang may pagtingin ito rito.
Samantala ay nakaramdam ng lungkot si Marlon. Sa tono ng boses
kasi ni Raffy ay alam niyang nagsisinungaling ito. Siya nga ang nakita niya
malapit sa korte. Kung si Warren ang dahilan kung bakit hindi ito nagpakita ay
bakit?
Itutuloy…….
Sayang...wala na ba kasunod ito?
TumugonBurahin