Bakasyon ni Kenneth –
One Year After (Part 4) Si Manny
Credits to the Real
Author
(From :Dying Stranger}
(Published: July 30, 2012)
Kenneth POV
"Tahan na." Nilapitan ko si Bobet at pinunasan ang
luha sa kanyang mga mata. "Ayokong nakikita kang umiiyak."
"Kenneth." hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang
pisngi. "Wala ka man lang bang sasabihin? Mahal kita."
Hindi ko sya masagot. Sa halip ay inilapit ko ang aking labi sa
kanya at hindi n'ya ako binigo at sinalubong ng init ng kanyang labi ang labi
ko.
Isang madiin at mainit na halik iyon na puno ng makamundong
pagnanasa. Pagnanasang nabuo sa pamamagitan ng pagtago ng nararamdaman sa
mahabang panahon. Naramdaman ko na lamang ang panginigig ng aking hita, nag
vibratee pala ang aking cellphone. Nabuwag tuloy ang aming halikan at tinignan
ko ang aking cellphone, si Manny tumatawag.
"Hello?" pambungad ko sa cellphone.
"Nakakaistorbo ba ako sa lovebirds?" pangungutya ni
Manny, "Ingat ka lang ha, ayokong nasasaktan ka."
"Magsama nga kayo nitong si Bobet," sabi ko. Pilit
namang nililihis ni Bobet ang pag-uusap namin ni Manny, sinesenyasan akong
tapusin na ito.
"So kasama mo nga s'ya ngayon," wika ni Manny.
"Sana kahit nandyan na si Bobet sa tabi mo, h'wag mong kalimutan ang
pinangako mo sa akin."
"Oo naman, ‘di ko nakakalimutan iyon." Nagsinungaling
ako, sadyang napakasarap ng halik ni Bobet na nakalimutan ko ang pangako ko kay
Manny.
5 Months ago...
Si Manny ang taong pinakamalapit sa akin sa school. Mestiso pero
average ang hitsura ni Manny, hindi gwapo pero mas lalong hindi pangit.
5'6" ang kanyang height at mahilig itong maglaro ng chess. Loner, kagaya
ko noong una itong si Manny, sa katunayan nung una kong kita sa kanya ay
naglalaro ito ng chess mag-isa kalaban nya ang kanyang sariling pscyche, wierdo.
Ganoon pa man, maraming babaeng nahuhumaling kay Manny, pag tinitigan mo naman
kasi siya ng matagal ay mahuhulog ka sa lalim ng pagkatao ng taong ito.
Sa detention pagkatapos ng klase namin, una kong nakilala itong
si Manny. Dahil pareho kaming hindi ginawa ang proyekto namin noon sa Sibika ay
isang oras kaming nakakulong sa room namin kasama ang aming advisor na gumagawa
ng lesson plan. As usual nagtse-chess mag-isa itong si Manny at ako naman ay
nabuburyong na dahil walang magawa.
"Mate!" Narinig kong sinabi ni Manny.
"Valencia?" tawag ko kanya.
Napalingon siya sa akin na may mukhang poker face at bumalik sa
pagtingin niya sa kanyang laro. Pinagmasdan ko ang kanyang laro. Nanganganib
ang White King na nasa e4, nanganganib mula sa Black Knight sa d2. Ginalaw ko
ang White Bishop mula sa h6 patungo sa nakaambang na Black Knight at ang
kanyang Black King noon ay nasa b4. "Mate!" ang sabi ko.
Doon nagsimula ang samahan namin ni Manny Valencia. Simula noon
ay naging chess at study buddies kami at hindi nagtagal ay naging matalik
kaming magkaibigan. Dahil sa hinanakit ko noon kay Bobet ay napagbuntungan ko
noon ng sama ng loob si Manny. Naikwento ko ang lahat ng nangyari sa akin sa
bakasyon ko noon kina Bobet. I've never been more honest to a person before,
even to my parents. Naintindihan naman ito ni Manny dahil laki ito sa tatay na
bisexual. Hiwalay sa asawa at may kinakasamang babaeng mas matanda rito.
Bata pa lamang ay tinuruan nang maging open sa ganitong bagay si
Manny at respetuhin ang preference ng tao sa gender. Laking pasalamat ko at
ganito ang napunta sa aking kaibigan. Open minded at hindi judgemental. Imbis
na pagtawanan ako ay niyakap n'ya ako’t pinatahan habang mangiyak-ngiyak kong
kinwento ang aking karanasan at kung gaano ako nasaktan.
Alam nya ang aking paghihirap dahil ang ganito ay nangyari din
sa kanyang ama na noon ay may kinakasamang lalake bago nito makilala ang
kinankasamang babae ngayon. Sa piling ng
lalakeng ito nakita niya ang pananakit ng mga lalake sa mga myembro ng 3rd sex
kaya ganuon na lamang ang kanyang pagkahabag sa aking kwento.
Dahil sa curiousity ay tinanong ko ang preference nito sa sex , pero
talagang masikreto itong si Manny at tanging ngiti lamang ang ibinabalik nito
sa akin kapag naitatanong ko ito sa kanya. Hindi ko nakikitang naaakit ito sa
babae at pati na rin sa lalaki. He's so mysterious pagdating sa mga ganitong
bagay.
Prom night namin iyon. Kahit ayoko mang umattend ay wala akong
magawa dahil kasama ako sa organizing committee ng school at inatasan ako ng
teacher namin na maglead nang prayer noon. Kaya no choice, pumunta na lamang
ako. Binalak kong umalis pagkatapos na magpray pero hindi ko inaasahan ang mga
sumunod na nangyari.
Sa auditorium ng school namin idinaos ang aming JS Prom. Suot
ang barong na makati pa sa kagat ng lamok ay dumating ako ng 30 minutes earlier
sa venue.
"Aga natin ah?" bati sa akin ni Manny na 3 hours daw
earlier na dumating. "Bakit ganyan ang suot mo, para kang ibuburol?"
"Ewan ko ba naman sa Mommy ko at ito ang ipinasuot sa akin,"
sabi ko hanbang kinakamot ang aking leeg, "May magic daw ito dahil ito ang
suot ng tatay ko nung JS Prom nila, eventually sinayaw n’ya si Mommy noon at
naging mag-on sila."
"Wow ang sweet," patawa nitong sinabi, "Kaya ka
siguro nangangati dahit nilalanggam ka dahil sa suot mo. Dapat pala lumayo ako
sayo baka langgamin din ako."
"Ok lang, konting tiis lang at aalis din ako pagkatapos
kong maglead sa prayer," sabi ko.
"Ay hindi ka magsestay hanggang matapos?" tanong nito.
"Sa tingin mo ba magsusurvive ako ng 5 oras suot to?"
inis na sinabi ko.
At nagsimula na ang program proper at ginawa ko ang inatas sa
akin, isang 10 minute prayer na binubuo ng pasasalamat sa Poong Maykapal,
kasama ng mga santong ‘di ko mabilang. Please pray for us to the nth power.
Pati si Mother Theresa ‘ata ay isinama ko doon. Pagkababa ng stage ay nakaabang
sa gilid si Manny.
"Aalis ka na ba?" tanong nito.
"Oo." sinagot ko sya na parang wala lang kamot-kamot
ang aking braso.
Pagkalagpas ko sa kanya ay naramdaman ko na lamang ang kanyang
kamay sa aking palad, pinigilan ako nitong umalis. Napalingon ako sa kanya,
kumikislap ang mga mata nito. "H'wag muna, samahan mo muna ako,"
sinabi nito.
"O... Okey." Natigilan ako, for some reason ay nawala
ang kati ng aking suot na barong.
Magkatabi kaming nakatayo sa gilid ng dancefloor ng ilang oras,
pinagmamasdan ang mga kaklase naming sumasayaw sa tunog ng “Harana ng Parokya
ni Edgar”. Since na pinigilan ako ni Manny ay hindi nito inalis ang kamay nito
sa pagkakahawak sa akin.
…..Itutuloy.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento