Bakasyon ni Kenneth (Part
3)
Credits to the Real
Author
(From :Dying Stranger}
(Published: March 17,
2011)
Natupad ang pantasya ni Kenneth sa kaibigang si Bobet. May
nangyari na sa kanila sa loob ng banyo. Tsinupa ni Kenneth si Bobet at bilang
ganti ay binati na lang nito ang kaibigan dahil sa hindi pa raw nito kayang
isubo iyon.
Matapos makapag-paraos ay dahan-dahang naglapit ang kanilang mga
mukha at nagdikit ang kanilang mga labi. Isang maikling halik ang pinakawalan
ng dalawa.
"I love you Tol!" biglang lumabas ito sa bibig ni
Kenneth.
-----o0o-----
Hindi sumagot si Bobet sa nasabi ng kaibigan. Ngumiti lang ito
at tumayo sabay buhos ng tubig sa pawisang katawan ni Kenneth.
"Ano maliligo ka ba o hindi?" wika ni Bobet. Iniabot
nito ang kanyang kamay para makatayo ang kaibigan.
-----o0o-----
Nang gabing iyon ay kakausapin sana ni Kenneth si Bobet. Hindi
par in maalis sa isipan nya ang ginawa nilang dalawa kanina sa paliguan.
Binuksan ni Kenneth ang pintuan ng kanilang kwarto at doon ay naabutan niya si
Bobet kasama ang kanyang nobya.
"Ay, sorry nakakaistorbo yata ako," pakumbaba ni
Kenneth. "Mukhang kailangan ninyong dalawa ng privacy."
Hindi na nagsalita si Bobet, halatang naiilang ito sa kanya.
Bumalik palabas ng kwarto si Kenneth at dahan-dahang sinara ang pintuan.
Pagkasara ay napasandal sa pintuan si Kenneth pinilit niyang pigilan ang luha
sa kanyang mga mata. Nasaktan siya sa kanyang nakita. Alam nyang kahit kailan
ay wala syang karapatang magkaganoon kaya humakbang siya ng dahan-dahan,
papunta sa pintuang palabas ng bahay. Gusto nyang umalis. Gusto niyang mawala
ng panandalian sa bahay na iyon.
Alas-otso na ng gabi at tahimik na sa bayan na iyon, palibhasa
kasi’y probinsya at wala nang tao sa labas simula alas-siyete ng gabi. Ilang
minuto na ring naglalakad si Kenneth at nakakaramdam na ng pagod ang kanyang
mga binti. Sa isang bakanteng waiting shed niya naisipang umupo at sinimulang
pagmasdan ang mga tala. Laking Maynila si Kenneth kaya hindi pa niya nakitang
ganoon kaliwanag ang langit dahil sa dami ng tala.
"Ngayon ko lang napagmasdan ang mga stars dito sa
probinsya," wika nito sasarili. Napabuntong hininga na lang si Kenneth at
sinabi:"Kung bakit kasi sa iyo lang ako lagi nakatingin, hindi ko tuloy
napansin ang langit."
"Waw, lakas ng banat mo chong!" Isang lalake ang
nagsalita. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ako nga pala si Joel."
Sa tagal ng pagtitig ni Kenneth sa langit ay hindi niya napansin
ang oras. Hindi rin niya napansin na noo'y pinagmamasdan din siya ng binatang
si Joel. Maaninag pa rin kahit sa dilim ang hitsura ni Joel. Maamo ang mukha ni
Joel at may mala-pusang mga mata na kumikislap sa dilim ng gabi. Nasa 5'6"
at tamang-tama lang ang laki ng pangangatawan nito. Halata sa kilos ni Joel na
hindi siya tunay na lalake, medyo malamya kasi ito kung kumilos.
"Ako nga pala si Kenneth," sagot ni Kenneth sa
pakilala ni Joel. "Ako yung bisita nila Mang Mike diyan sa may kanto.
"Tawagin mo na lang akong Ken."
"Ahhh, alam ko na yun, Ken." masiglang sabi ni Joel,
"Sa amin pala ‘yung bakery malapit sa inyo kaya nakita na kita. Ang cute
mo pala sa malapitan. Ahihi"
"Salamat," iyon lang ang nasabi ni Kenneth sa puna
sakanya ni Joel.
"May problema ka ata, anong oras na ng gabi, bakit nasa
labas ka pa?
"'Wag mo na kong intindihin, okey lang ako."
"Ano ka ba. Sabihin mo na kasi. Magaling ako magpayo kaya
sigurado akong may maitutulong ako sa iyo."
"Ano kasi..."
"Ano? Iluwa mo na yan, nako masamang pinipigilan sa loob
ang utot, nakakamatay iyon."
"Teka, ano namang kinalaman ng utot dito?" napangiti
si Kenneth.
"Nagjo-joke lang, 'to naman," tumawa rin si Joel.
"Tignan mo, mas cute ka pala pag nakangiti e. So, ano ba yung bumabagabag
sa iyo?"
"Ganito kasi iyon, mayroon akong kaibigan lalake, tapos may
nangyari sa kanila ng kaibigan niya na lalake na mayroon nang girlfriend.
Pagkatapos nong nangyari sa kanila ay nasabi ng kaibigan ko na mahal niya yung
kaibigan nyang lalake. Pero hindi sumagot ang kaibigan niya."
"Nako, ang hirap naman pala n'yang problema ng kaibigan
mo."
"Kaya nga e."
"Sabihin mo sa kaibigan mo na 'wag na syang umasa. Marahil
ay gusto lang maka-experience ng pakikipagsex sa kapwa lalake yung kaibigan niya
kaya siguro nangyari ‘yun."
"Sa tingin mo ganoon iyon?"
"Siguro. Nangyari na kasi sa akin ‘yun noon." kwento
ni Joel. "Halata naman diba na lalake din ang gusto ko. Kaya ayun,
tinanggap ko ng buong-buo si lalake. Umasa ako na mamahalin din niya ako pabalik,
pero nabigo ako. Mas pinili niya yung bruhang girlfriend niya kaysa sa
akin."
"Pero mahal mo siya di ba? Bakit 'di mo siya
pinaglaban?"
"Ano ka ba? Sa tingin mo may laban ako? Puke yung kalaban
ko no, kahit anong gawin ko e wala akong laban sa ganoon. Ahahahahaha."
Ilang minuto pa ay naging mas malapit sina Joel at Kenneth.
Ikinuento ni Joel ang kanyang masalimuot na lovelife. Maraming natutunan si
Kenneth sa pakikipag-usap niya kay Joel. Ilang minuto pa ay mas lumalim na ang
gabi kaya naisapan nang dalawa na tapusin na ang pag-uusap.
"Salamat uli sa time," wika ni Kenneth.
"Pakisabi dun sa kaibigan mo na 'wag itong pa-martir at
kung kaya pa nito na umibig sa babae, ‘yung
kayang suklian ang pagmamahal nito. Sige mag-ingat ka pauwi," paalam ni
Joel.
"Ikaw din."
Alas-onse na ng makauwi si Kenneth, madilim na ang kwarto nila
ni Bobet. Napanin niyang bukas ang pintuan kaya sinilip niya muna ito bago sya
pumasok. Nakita niya si Bobet na nakahandusay sa sahig at may hawak na bote ng
beer.
Dali-dali itong inakay ni Kenneth papuntang higaan. Nagtaka siya
kung bakit naglasing ito, kanina lamang ay kasama nito ang kanyang girlfriend.
"Natasha, bakit mo ko iniwan?" mangiyak-ngiyak na
sambit ni Bobet habang lango ito sa kalasigan. "Kulang pa ba ako sa
iyo?"
"Tahan na Bobet. Bakit kasi kung kelan wala si Tito Mike
saka ka nagkakaganito," pag-aalala ni Kenneth."
Kumuha ng tubig at yelo si Kenneth para ipunas kay Bobet nang
mahimasmasan ang kaibigan. Hindi magkamayaw si Kenneth dahil magalaw si Bobet
kapag nalasing. Sa kalikutan nito ay natapon sa damit ni Bobet ang malamig na
tubig. Tumahan na sa paggalaw si Bobet dahil sa natapong tubig sa kanyang
katawan.
"Ayan nabasa ka tuloy," Sabi ni Kenneth.
"Pasensya ka na ‘tol, ang sakit kasi ng ginawa niya sa akin
e,” malungkot na sambit ni Bobet.
"Kalimutan mo na lang siya. Marami namang iba dyan e. Hanap
ka na lang ulit."
"Tama ka! Pero... Sino?"
Napatingin sa isa't-isa ang magkaibigan. Wari'y nang-aakit ang
mga mata ni Bobet at para naman natutunaw sa mga titig nito si Kenneth. Hindi
na napigilan ni Kenneth ang kanyang sarili at sinunggaban ng halik si Bobet.
Hindi naman nagpatalo si Bobet at lumaban ito ng halikan sa kaibigan niya.
..... Itutuloy .....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento