Martes, Mayo 23, 2023

Ang Dati Kong Bayaw (Part 4)

 


Ang Dati Kong Bayaw (Part 4)

 

“Hala, ano bang nangyari kay Kuya Nick. Nagbibiro lang naman ako eh. Saan ba ang punta niya at hindi man lang nagpaalam,” bubulong-bulong kong wika.

Hindi kasi ugali ni Kuya na umalis ng hindi nagpapaalam. Naisip kong minasama niya ang biro ko. Hindi bale, hihingi na lang ako ng sorry pag-balik niya. Marahil ay nagalit lalo dahil sa wala pa akong lutong tanghalian. Natatawa akong naiinis rin sa sarili.

-----o0o-----

Kinausap ko si Kuya at humingi nang paumanhin. Hindi raw siya galit at humingi rin ng dispensa sa inasal niya. Balik uli kami sa dati. Pero habang tumatagal ay may unti-unting pagbabago sa kanya. Madalas ay ginagabi na siya ng uwi at pagdating ay nakakain na raw at diretso na sa kanyang silid at matutulog na raw. Hindi naman ako makapag-usisa. Ayaw kong maismiran muli gaya ng biniro ko siya.

Naghinala akong baka dahil kay Zion. Inisip kong baka palagi silang nagkikita. Nakakaramdam tuloy ako ng konting sama ng loob. Dati rati kasi ay nagkukuwento pa siya, dati rati ay lahat sinasabi sa akin, ngayon ay hindi na. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon, wala naman akong dapat na ikatampo sa kanya.

Malapit na ang graduation namin, sa isang linggo na. Sinabi ko iyon kay kuya at ipinaalam ko rin na pupunta raw sina Mama at Papa at magkakaroon ng konting salo-salo. Sinabihan ko rin si Ate para magkausap na rin sila nina Mama. Sana lang ay hindi niya isama ang kanyang Boss.

-----o0o-----

Graduation na namin. Pagkatapos ay sa bahay kami kaagad. May konti akong bisita, mga close friend ko na kapwa ko rin gay. Hindi naman sila nagtagal at umalis din matapos kumain . Seryosong naguusap sina Kuya Nick at sina Papa, wala pa si Ate. Usapan iyon ng matatanda kaya hindi ako nakisawsaw.

“Kami’y aalis na Ismael, hindi na yata darating ang Ate mo. Tinatawagan naman namin ay hindi sinasagot. Sakaling dumating ay pakisabing tawagan ako at puntahan sa hotel,” bilin ni Mama. Nag book sila sa hotel dahil sa alam nilang wala silang matutulugan. Dito na sana pinatutulog ni Kuya at magtatabi na lang daw kami pero nakabook na raw sila at babayaran din kung hindi sila roon tumuloy. Malaki ang aking panghihinayang hehehe.

Ilang minuto pagkaalis nina Mama ay siya namang dating ni Ate Elsa, nagsosolo. Hindi na siya kumain at busog pa raw. Nakipag-usap siya kay Kuya, masinsinan. Civil naman ang kanilang pag-uusap, wala akong narinig na bulyawan, sisihan, sumbatan. Walang masyadong drama sa halos anim na buwang pagkakahiwalay.

Pagkatapos nilang mag-usap ay saka lang ako kinausap. “Congratulations kapatid. Anong balak mo ngayon.”

“Gusto kong magbakasyon muna ako ng mga isang linggo sa ating probinsya, tapos ay babalik na ako at maghahanap ng trabaho para naman hindi na ako umasa pa kina Mama.” Wika ko.

“Good luck ha. Heto nga pala ang konti kong regalo sa iyo, wala na kasi akong panahon na bumili pa ng bagay na ireregalo sa iyo, cash na lang ha at ikaw na lang ang bumili ng gusto mo. Pagkasyahin mo na lang yan ha. Sige na at aalis na rin ako. Bye.”

Nagbeso-beso muna kami bago siya bumaba. Sinabi kong hindi ko na ihahatid sa ibaba dahil sa pagod na ako. Hindi rin naman siya ihinatid ni Kuya.

“Kuya, anong pinag-usapan ninyo ni Ate?” usisa ko kay kuya.

“Ah, tungkol dito,” sagot ni Kuya Nick sabay abot sa akin ng isang envelope. Binuksan ko para tingnan ang laman. Annulment papers. Approved na ang kanilang paghihiwalay, wala nang bisa ang kanilang kasal. Nalungkot ako sa aking nabatid.

“Sorry Kuya.” Iyon lang ang aking nasabi at tumalikod na ako. Inayos ko ang ibang natirang pagkain para ilagay sa ref. Hindi pa ko natatapos ay tinawag ako ni Kuya. “Ismael, mamaya na iyan, let’s celebrate, graduate ka na, ako naman ay single na muli hahaha.”

Ewan ko kung anong nararamdaman ngayon ni Kuya, alam kong masamang-masama ang loob niya at palabas lang ang kasiyahang pinapakita sa akin. Alam kong masakit din sa kanya ang nangyari. Hinarap ko na siya para makipag-inuman.

Habang kami’y magkaharap at umiinom ay wala naman akong mabuksang topic para siya naming pag-usapan. Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon pakikiharapan. Wala na kaming relasyon sa ngayon, “ex brother in law” ko na lang siya. Siguro ay pwede naman kaming maging magkaibigan. Hindi ko naman mabanggit iyon.

Wala kami parehong kibo, inom lang kami ng inom. Maya-maya ay bigla na lang niyang napasuntok sa mesa, nahulog tuloy ang bote ng alak, mabuti na lang at hindi nabasag.

“Tangina! Ano ba ang ginawa kong mali Ismael. Naging tapat naman ako sa kanya.”

“Kuya! Kuya! Tama na. Akala ko ba ay matagal mo nang tanggap. Wala na tayong magagawa pa.” Niyakap ko si kuya at inalo. Tinapik-tapik ko siya sa likod. Napahagulgol naman siya sa balikat ko, walang salitang lumabas sa bibig, basta umiyak na lang ng umiyak. Maya-maya ay humihikbi na lang siya at medyo kalmado na. Inaya ko siyang pumasok na ng kanyang silid. Sandali lang at nakatulog na siya.

Awang-awa ako kay Kuya Nick. Nasasaktan pa rin siya. Tama naman siya, wala siyang ginawang masama, wala siyang kasalanan. Gusto kong sisihin si Ate, pero tama ba na sisihin ko siya. Baka nga hindi na siya maligaya kay kuya,

Inisip ko rin kung dapat pa akong manatili sa bahay na ito. Wala na kaming relasyon. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa dating mag-asawa.

-----o0o-----

Ilang araw pa akong nanatili sa Maynila dahil sa may mga kinailangan pa akong balikan sa aming unibetsidad. Nang maayos ko na ay nagpaalam na ako kay Kuya na uuwi muna sa aming probinsya para makapag-pahinga ng konti bago uli bumalik ng Manila para makahanap ng trabaho. Tumango lang siya.

-----o0o-----

Nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap nina Mama At Papa. Sinabi kong annulled na ang kasal nila Kuya at Ate. Sinabi ko na kailangan ko nang umalis sa poder ni Kuya. Hindi naman ako inaaya ni Ate na sa kanya na tumira.

“Hindi naman ako pinaalis ni Kuya, at least hindi pa sa ngayon, pero hindi ko rin masabi kung papayagan akong manatili roon sa darating na mga araw,” wika ko kina Mama.

“Siguro, bago pa mangyari iyon ay humanap ka na nang malalapitan. Maghanap ka ng maliit na apartment, yung studio type lang para hindi ganoon kataas ang upa, o di kaya ay mag-dorm ka na lang muna,” suhestyon ni Papa.

“Pero Papa, wala pa akong trabaho at kelangan ko pang magreview. Balak ko talagang magtrabaho muna at kapag nakahanap na ako at permanente na ay saka ako kukuha ng exam,” sabi ko.

“Susuportahan ka na muna namin. Hindi ka na ba nakakahingi sa Ate mo?”

“Ma, hindi ko nga alam kung saan siya nakatira ngayon eh, hindi sinasabi sa akin.”

“Okay. Humanap ka at kami muna ang bahala.”

-----o0o-----

Wala naman akong masydong magawa dito sa aming bayan, nakipag-bonding lang ako sa dati kong kaklase ng high school tapos ay wala na. Nanibago ako sa buhay probinsya, parang ang bagal ng oras. Naiinip ako samantalang sa Maynila ay palagi akong nagmamadali. Tumagal lang ako ng higit isang linggo at bumalik na ako ng Maynila. Maghahanap muna ako ng malilipatan bago ako maghanap naman ng trabaho.

Dumaan na muna ako sa resto para magpabalot ng kahit anong ulam. Baka kasi walang luto pa si Kuya o di kaya ay umalis.

Hindi na ako kumatok pa, diretso na ako, may susi naman akong sarili. Pagbukas ko ng pinto ay nabulaga ako dahil sa pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko sila ni Zion na magkapatong sa sofa, parehong hubo at hubad at nagkakantutan. Hindi ako sanay na nakakakita ng ganoon kaya nagmamadali ako pumasok ng aking silid. Dapat na talaga akong umalis dito  ang kaagad kong naisip.

Hindi ako lumabas ng silid hanggat naroon pa si Zion. Ginugutom na ako. Maya-maya ay kumakatok si Kuya.

“Ismael, pasok na ako ha!” wika niya. Naupo muna ako sa gilid ng kama. Pagpasok niya ay kaagad akong humingi ng paumanhin. Nadadalas yata ang paghingi ko ng paumanhin.Humingi rin naman siya sa akin ng paumanhin.

“Ako nga ang dapat na mag-sorry sa iyo. Hindi ko alam na darating ka na kaya hehehe. Kumain ka na ba, hindi pa ako nakakaluto. Sa labas na lang tayo kumain.” Wika niya.

“Nariyan pa ba si Zion?”

“Wala na, umalis na, nahiya sa iyo hehehe.”

“Bumili na ako ng ulam at kanin diyan sa resto. Initin ko na lang muna dahil sa kanina pa iyon, baka lumamig na. Naisip ko kasing baka tamarin kang magluto kaya bumili na ako. Sandali lang kuya at ihahanda ko ang hapag.

Habang kumakain kami ay tinanong ko si Kuya tungkol kay Zion. “Kuya, kayo na ba ni Zion?”

“Bakit? Hindi ka ba boto sa kanya?”

“Nagtatanong lang ako Kuya. Nasa sa iyo iyon kung makikipag-relasyon ka sa kanya. Mukha namang nagkakamabutihan na kayo at mukhang masaya ka sa kanya.”

“Okay naman siya, magaling sa kama, hehehe. Pero wala kaming relasyon kung iyon ang gusto mong malaman. More of a fuck buddy ko lang siya. Siya naman ang may gusto eh, siya ang pumupunta rito, siya ang tumagawag, eh lalaki rin ako at kailangan ng katawan ko ang konting dibersyon.”

“Bakit hindi ka maghanap ng mamahalin mo, ng pwede mong makasama ng matagal, yung mahal mo at mahal ka. Marami ka naman sigurong makikitang babae at sa gwapo mong iyan, maganda pa ang katawan ay ewan ko kung hindi ka pag-agawan hehehe.”

“Hindi pa ako handa. Mas mabuti na ang ganito, wala akong alalahanin na obligasyon, hindi mabubuntis hehehe.”

“Si Kuya Nick naman, puro biro. Magseryoso ka naman.”

“Seryoso naman ako ah. Palagi naman akong seryoso.”

“Kuya, may sasabihin nga pala ako sa iyo, sinabi ko naman ito kina Mama at alam na rin nila na legal na ang hiwalayan ninyo ni Ate.”

“Tungkol saan?”

“Gusto kong humanap na ng malilipatan. Nakakahiya na sa iyo kung mananatili pa ako rito. Para rin magkaroon ka ng privacy hindi ‘iyong may pangingilagan ka pa sa gusto mong gawin.”

Natigilan si Kuya, nakatingin lang sa akin, waring sinusuri kung totoo ang aking sinasabi.

“Nagalit ka ba sa nakita mo kanina? Kasi ngayon mo pa nasabi ang binabalak mo. Hindi naman kita pinaaalis ah. Mas gusto ko nga na narito ka. Hindi ba sinabi ko naman na sa iyo ang dahilan?”

“Hindi mo naman mai-aalis sa akin kuya na hindi mapanatag ngayong iba na ang sitwasyon. Hindi na kita bayaw ngayon. “Ex bayaw na lang”. Mas mabuti na wala na ako dito, kasi hanggat narito ako ay maalala mo si Ate. ang ginawa sa iyo. Saka para bigyan ka ng laya kung ano man ang gawin mo dito, kung sino mang ang isama. Sa iyo ito kuya, at kapag narito ako ay baka mailang ka kapag nagsama ka ng iba. Tulad ngayon, bakit pinauwi mo kaagad si Zion. Wala ka na namang sabit ah.”

“Ewan ko sa iyo,” padabog na tumayo si Kuya at umalis na. Hindi na tinapos ang pagkain.

Nawalan na ako ng kibo, nawalan na rin akong ganang kumain. Niligpit ko na lang ang aming pinagkainan at itinago sa ref ang ibang natira. Pumasok na ako sa aking silid. Nagiisip ako kung ano ang saloobin ni kuya at kung bakit nagdabog siya. Hindi ba’t dapat lang siyang matuwa.

-----o0o-----

Nick’s POV

Nagulat ako sa balak ni Ismael. Pabigla-bigla naman ang kanyang desisyon. Hindi kaya dahil sa kanyang nasaksihang kahalayan kanina. Tangina. Tama ba ang aking ginawa kanina. Para kasing binastos ko siya sa oras pa naman ng pagkain.

Kung ano-anong aking naiisip sa pag-iinarte ko kanina. Sumilip ako sa labas at tinanaw ko kung nasa labas pa si Ismael. Nang masiguro kong nasa silid na siya ay lumabas ako para kunin ang dalang alak ni Zion kanina. Nagdala na rin ako ng baso at tubig na malamig. Gusto kong uminom mag-isa kaya dito na lang ako sa kwarto ko.

Habang umiinom ay binalikan ko ang naging samahan namin ni bayaw simula ng mapatira siya dito sa condo. Ilan taon na ba siya noon, 18 pa lang yata, papaok pa lang siya sa college.Wala akong maisip na nagkasamaan kami ng loob. Napakabait niya sa akin at sa palagay ko ay mas close pa kami kaysa sa kanyang ate.

Masaya siyang kausap, mapagpatawa. Wala akong oras na nakausap niya na hindi ako niya napatawa. Bakla siya at alam ko iyon, hindi naman niya maitatago, sa pagsasalita pa lang at kilos ay malalaman na.

Kapag narito kami sa bahay ay mas matagal pa kaming magkausap at magkasama ni Ismael, si Elsa ay sa gabi ko na lang nakakausap. Baka kaya iyon ang dahilan kaya nawala ang pagmamahal ni Elsa sa akin.

Masaya ako kapag kausap siya, habang tulong kami sa gawaing bahay kapag Sabado at Lingo, kami ang naggo-grocery at kasama ako sa pamamalengke. Para bang kami ang mag-asawa. Ngayon ko lang naisip iyon Iba siya. Nami-miss ko na siya kapag umuuwi ng probinsya eh, lalo na at magtatagal. Kasi ay malungkot akong gumagawa mag-isa.

“Wala akong lihim sa kanya, at lahat din sa kanya ay alam ko, wala siyang itingo sa akin. Pati ang pagiging virgin niya ay alam ko. Naniniwala akong wala siyang naging karelasyon at lalong wala siyang naging karanasan.Wala pa nga raw nakakahalik sa kanya.

Tapos, ngayon sasabihin niya na gusto niyang umalis na at lumipat ng ibang titirhan. Hindi kaya nagselos siya kay Zion?

Wala naman akong naramdaman sa kanya na nagkagusto sa akin. Hindi nga raw niya ako type. Pero nung minsan na lumabas ako pagkatapos maligo ay iba ang naging tingin niya sa akin. Kung sabagay, noon lang niya ako nakita na ganon, lumabas ng walang saplot ang katawan.

Siya lahat ang tagapakinig ko kapag may problema ako. Mas sa kanya ko pa nasasabi kaysa sa aking asawa. Siya ang sandalan ko sa lahat. Higit pa sa isang tunay na kapatid ang turing ko sa kanya, Isa siyang tunay na kaibigan, kapatid, bayaw. Kulang na lang na siya ang aking naging asawa.

Ha! Bakit ko biglang naisip iyon. Wala naman akong ibang nararamdaman sa kanya, pero bakit parang ayaw kong malayo siya sa akin. Malulungkot ako.

Tinatamaan na ako sa aking ininom.May pasok pa ako bukas kaya tinigil ko na ang pag-inom at nagpaantok na.

-----o0o-----

Gaya ng dati, pag-gising ko ay nakahanda na ang aking almusal. “Kuya, mag-almusal ka na. Ready na ba ang isusuot mo kuya?”

Iyun nga pala ang iniisip kong gagawin ko pa kagabi. Naubos ko na ang plantsado kong damit. Nakakahiya naman kay Bayaw, pero kakapalan ko na lang ang mukha ko. “Naubos na nga pala ang iniwan mong plantsado kong pantalon at polo. Pasensya ka na bayaw ha, pwede bang kahit isa lang ay ipag-plantsa mo muna ako,” pakiusap ko.

“Sige kuya, Maligo ka na at habang naliligo ka pa ay ipag-plantsa kita. Mamaya kuya ay lalabas din ako. Maghahanap na ako ng isang maliit na apartment.” Paalam ni Ismael. Hindi na ako nag-react, bagkus ay sinabi kong; “Okay. Magtanong din ako sa officemate ko. Saan lugar mo ba gustong lumipat.”

“Basta dito rin sa Makati Area. Target ko kasing dito rin sa Makati makakuha ng trabaho.” Sagot ni Ismael..

-----o0o-----

Ismael’s POV

Ang bilis naman niyang pumayag, hindi man lang ako pinigil. Konting pigil lang naman sa akin ay papipigil ako eh. Akala ko ba ay ayaw niyang iwan ko siya. Siguro ay dahil sa may Zion na siya, hindi na niya ako kailangan.

Kuya, kung alam mo lang na kaya hindi ako naghahanap ng partner ay dahil sa iyo.Hindi ko lang masabi sa iyong mahal kita dahil kay Ate, Magkakasala ako kay Ate kung ginawa ko iyon noon. Ngayon na wala na kayo ay masaya na sana ako dahil wala na akong ipagsasa-alang-alang dahil hiwalay na kayo ni Ate. Sayang at may Zion ka na. Hindi talaga kita dapat isinama sa Gay bar na iyon. May pinagsisihan tuloy ako.

Lumabas pa rin ako para humanap. Nagtanong ako sa ibang kakilala at kaibigan ko, pero wala dawsilang alam. Ang hirap palang humanap ng matitirhan. Meron nga, sobrang mahal naman, ang liit pa at luma.

Umuwi akong pagod na pagod sa kalalakad. Pagdating ko ay kaagad na ring ako naghanda ng lulutuin. Mabuti na lang ay may lulutuin pa. Hindi siguro nagluluto si kuya noong wala ako.

-----o0o-----

Saktong nakaluto na ako ng dumating si Kuya Nick.

“Good news Ismael, yung isa kong officemate ay may alam daw na bakanteng apartment, Maliit lang daw iyon pero maayos naman dahil bagong paayos at papintura. Tinawagan niya yung may-are at sinabing bakante pa raw. Hindi pa lang daw pwedeng lipatan dahil sa may inaayos pa at hindi pa tapos ang pintura. Pinuntahan na namin kaninang breaktime at okay na. Nag-bayad na kami ng deposit at advance payment. Sa paglipat mo mag-start ang kwentahan ng renta.”

“Talaga kuya! Ang hirap ngang humanap eh, pagod na pagod ako sa kalalakad, wala pa rin akong nakuha. Saang lugar ba Kuya?”

Malapit lang daw dito eh, sa may Washington street lang. Alam mo ba iyon?”

“Oo kuya, alam ko iyon.”

“Sige, kapag pwede ng lumipat ay sasabihin ko sa iyo, ihahatid na rin kita.”

“Salamat kuya.” Ewan ko kung bakit sa labis na tuwa ay nayakap ko siya ng mahigpit. Yumakap din siya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam lalo na nang madama ko ang kanyang bukol sa harapan. Nakita ko na naman iyon, pero kakaiba ngayon, parang matigas. Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin kaya lalong nagdikit ang aming harapan. Lalo ko namang naramdaman ang matigas na bagay na iyon sa kanyang harapan.

Dahan-dahan na akong kumalas, baka kasi kung anong magawa ko na sa kanya. Mahirap na, baka mapurnada pa.

“Magkano Kuya ang buwanang renta. Eh di may utang pa ako sa iyo. Magkano Kuya, may padalang pera sa akin si Mama.”

Saka mo na lang intindihin iyon.

“Kuya.” Sa malambing kong boses. “Basta,utang iyon.”

“May isa pa akong sorpresa sa iyo. Tinawagan ko ‘yung kaibigan ko. Nagtanong ako kung may bakante sa kanila. Naghahanap daw sila ng mga bagong engineer. Nasabi kong may bayaw akong bagong graduate, civil engineer ika ko. Kaya lang ang sabi niya ay licensed daw ang kinikuha nila. Nagdahilan na lang akong kukuha ka naman, kaya lang ay kapos sa budget kaya magtatrabaho muna. Pagsasabayin ang review at trabaho. Puntahan mo siya ha, eto ang address at pangalan. Hanapin mo lang iyan sa gwardya.”

“Kuya, pinaiiyak mo naman ako eh.”

“Paano ka makakabayad sa akin kung wala kang trabaho, nagsisiguro lang ako hehehe.”

“Si Kuya talaga.”

“Maganda rin ang kumpanya nila, malaki ‘yun. Mas malaki pa sa pinapasukan ko. Pinalilipat nga niya ako roon eh ayaw ko lang.”

“Bakit naman kuya.”

“Professional rivalry, mas magaling ako sa kanya eh hehehe. Paano, okay ka na. Masaya ka na.”

“Kuya, maraming maraming salamat talaga. The best ka talagang bayaw ah ex-bayaw pala hehehe.”

Naghain na ako para kumain, pagkakain ay nagpahinga na rin siya. Naligo muna ako dahil sa amoy pawis ako sa maghapong pagkababad sa araw.

-----o0o-----

Natulog ako nang mahimbing. Naalimpungatan ako dahil sa may naramdaman akong tumabi at yumakap sa akin. Pinakiramdaman ko muna kung sino, baka kasi akyat bahay. Pero bakit nangyayakap. Panay pa ang halik sa aking batok.

Lumingon ako at nagulat ako dahil si kuya pala ang tumabi at yumakap sa akin.

“Kuya bakit?”

“Aalis ka na kasi, mami-miss kita. Hindi ko pa naipaparamdam kung ano ang tunay na nararamdaman ko sa iyo.”

“Kuya!”

 

 

--Itutuloy--

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...