Sabado, Mayo 20, 2023

Nasibak Ni Insan (Part 51) Finale - By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan (Part 51) Finale

(Tuklasin natin ang mundong iniikutan ng binatang Nasibak ni Insan)

By: Firemaker JD

“Susan! Susan!” tawag muli ni Allan sa kanyang asawa sabay ang malalakas na katok sa bakal na gate. Excited na rin kasi siyang makita ang kanyang asawa at mga anak. Mag-iisang taon na rin ang nakalipas mula nang makauwi siya ng Pilipinas. Isa kasi siyang kapitan sa isang cargo ship kung kaya’t palipat-lipat siya ng bansang pinupuntahan. Sa edad niyang kwarenta’y singko ay ayos pa naman ang kanyang itsura’t katawan. May hawig siya sa artistang si Wendell Ramos na may pagka-moreno lang ang balat. Gwapo at malakas pa rin ang sex appeal. Matangkad siya na minana naman ng mga anak. Malapad ang dibdib at banat ang mga braso sa trabahong-barko. Pero tulad rin ng mga ibang tatay ay may kaunting tiyan na rin siya dahil sa kaiinom ng alak.

“Jude, ako muna ang lalabas at sasalubong kay Papa,” bulong ni Jon sa kanyang pinsan.

“Sige, kuya. Mamaya na lamang ako lalabas,” sagot ni Jude.

Lumabas na si Jon mula sa likod ng sasakyan at siya na nga ang sumalubong sa kanyang ama. “Papa!” excited na sigaw ni Jon. Agad na binuksan ni Jon ang gate at yumakap sa kanyang tatay.

“Anak ko!” salubong naman ni Allan sa kanyang panganay.

“Buti at umuwi kayo. Miss na miss na namin kayo eh,” sabi ni Jon sa kanyang ama.

Habang magkayakap ang mag-ama ay nakasilip naman si Jude mula sa kanyang pinagtataguan. Mainit kung kaya’t pinagpapawisan na siya ng husto. “Damn! Ang gwapo pa rin ni Tito Allan,” bulong ni Jude sa sarili. Magkasing-tangkad ang dalawa. Magkasing-lapad ang mga katawan. Lamang lang si Jon nang kaunting kakisigan sa kanyang tatay.

“Ang mama mo?” tanong ng kanyang tatay. “Nasa loob po at tulog na. Tiyak na masusupresa si Mama,” si Jon na tinulungan na ang kanyang ama na buhatin ang mga gamit nito. Naunang pumasok si Allan sa kanilang bahay at sumusunod si Jon. Sinenyasan niya si Jude na lumabas na sa tinataguan at sumunod na sa kanila. Pagkapasok ng bahay ay agad nang binuksan ni Jon ang ilaw. “Ma! May bisita ka!” katok ni Jon sa pinto ng kwarto ng kanyang ina. “Ma!!” ulit nito.

Bumukas na rin ang ilaw sa loob ng kwarto ng kanyang ina. “Pa, gisingin ko lang sina Vince,” paalam ni Jon sa kanyang ama. Agad namang umakyat sa ikalawang palapag si Jon upang tawagin ang mga kapatid. Naupo muna si Allan sa sofa. Pinagmasdan ang kanilang bahay, ang kanyang mga naipundar. Marami-rami na rin ang kanyang mga naipundar. Mula sa mamahaling appliances hanggang sa negosyo nila. Napagtapos na rin niya ang kanyang panganay na si Jon at nasa kolehiyo na ang dalawa pa niyang anak, magtatapos na rin sa highschool si Chad na kanyang bunso. Tumutulong rin siya sa kanyang mga kamag-anak at pinag-aral ang kanyang pamangkin, si Jude.

“Tito,” bati ni Jude sa kanyang tito Allan. Agad na lumapit ito sa nakaupong tiyuhin at nag-mano.

“Oh Jude. Ang laki mo na ah. Dati-rati binubuhat pa kita,” si Tito Allan sabay tapik sa balikat ng pamangkin.

“Pwede niyo pa naman akong buhatin e. Pero baka hindi n’yo na po ako kayang buhatin hehehe,” birong sabi ni Jude sa kanyang tito Allan na ngayon ay naka-slouch na sa sofa. Napatawa naman ng malakas ang kanyang tito.

“Hinahamon mo ba ang mga muscles ko?” si tito Allan sabay flex ng mga braso niya.

Napalunok naman si Jude sa kanyang namasdan. Banat nga ang mga muscles nito sa braso at humapit sa puting t-shirt na suot. Napakakisig pa rin ni Tito Allan sa kabila ng kanyang edad.

“Oh ano pamangkin. Napatulala ka na jan. Hindi pa naman ako magpapahuli sa inyo oy,” sabi pa ni Tito Allan sabay halik sa muscles nito sa braso. Napaubo si Jude ng hindi oras. Medyo tinigasan siya sa akto ng kanyang tiyuhin.

“Saan ka pala galing at gabing-gabi na?” tanong ng kanyang tiyuhin. “Ah-eh. sa-sa labas lang ho, nag-nagpahangin,” tarantang sagot ni Jude. “Tito, kuhaan ko po muna kayo ng juice. Mukhang uhaw na uhaw kayo e,” agad na sabi ni Jude upang makaiwas na sa mga tanong ng kanyang tito.

“Papa!” malakas na sigaw ni Chad pababa sa hagdan. Kasunod nito ang tatlo pa niyang kapatid. Agad na sinalubong ni Allan ang kanyang mga anak. Binigyan ng mahihigpit na yakap ang mga junior niya. Kay lalaki na ng kanyang mga anak. Kay kikisig na. Barakong-barako na. “Ang lalaki niyo na ah. Matangkad na ata kayo sa akin e,” sabi pa nito.

“Syempre pa! Mana ata kame sa inyo,” hirit ni Mike sa ama. Lumabas na rin si Susan mula sa kanyang kwarto.

“Pa!” bati ni Susan sa asawa. Mabilis na niyakap ni Susan si Allan. Halata ang pagkasabik nito sa asawa.

“Ma, miss na miss ko kayo,” sabi ni Allan na naluluha pa sa tindi ng emosyon.

“Ako rin pa. Buti nakauwi ka. Akala ko sa Pasko ka pa namin makakasama ulit,” sabi ni Susan sa asawa.

“Buti nga at nakahirit ako sa boss ko na umuwi muna rito,” sagot ni Allan sa misis.

“Pa, nasan na mga pasalubong namen?” singit ni Vince na excited na sa malalaking kahon na dala ng kanyang papa.

“Nandiyan sa loob. Buksan niyo na ‘yan.”

Maraming pasalubong na dala si Allan sa kanyang pamilya. Chocolates, mga de lata, chichirya, sabon, pabango, lotion, make-up, relo, sapatos, damit at kung ano-ano pa.

“Pa, nasan na iyung cellphone na gusto ko?” tanong ni Mike sa kanyang papa.

“Sa Linggo na lang tayo mag-shopping ng iba pa niyong gusto,” sagot naman ni Allan sa kanyang anak.

“Naku! Kayo talaga! Kauuwi lang ng papa niyo ay puro gastos ang nasa isip ninyo. Enrollment ninyo na kaya,” sermon naman ni Susan sa kanyang mga anak.

“Ikaw naman Susan. Pabayaan mo na ang mga bata! Kaya nga ako nagtratrabaho ay para sa inyo rin naman,” si Allan na tuwang-tuwang makita ang mga anak na masaya sa mga dala niya. Inabot ni Jude ang tinimplang juice sa tiyuhin.

“Syanga pala, Jude iho. Nakapag-enroll ka na ba?” baling ni Allan sa kanyang pamangkin.

“Bukas pa po,” sagot naman ni Jude sa tito niya.

“Mabuti yan. Ayusin mo ang pag-aaral mo at nang matulad ka sa akin. Maiahon mo ang pamilya mo at magiging pamilya,” bilin pa ng kanyang tito.

“Huwag po kayo mag-alala, tito at hindi ko po sasayangin ang pagtulong ninyo sa akin,” si Jude sa kanyang tito at tita.

“O siya bukas n’yo na isukat ang mga pasalubong ng tatay niyo at madaling araw na,” si Susan at hinila na ang asawa papuntang kwarto.

“Palusot pa si Mama. Excited lang naman kayong makatabi si Papa e,” biro pa ni Chad sa mga magulang. Tawanan naman ang lahat.

“Tumigil nga kayo!” nangingiting sermon ni Susan sabay hila na sa asawa papasok ng kwarto.

“Matinding labanan ito,” biro pa ni Allan sa lahat.

Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Jude. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras. Pasado alas nuwebe na ng umaga. May tatlong text rin siya. Lahat ng iyon ay galing kay Ice.

Ice: Goodmorning Jude.

Ice: Mag-eenroll ka ba ngayon?

Ice: Text mo na lang ako kung gusto mo ng kasabay mag-enroll. Sunduin kita sa inyo..

Hindi na lang nagreply si Jude. Ayaw niya muna ng magkaroon ng relasyon sa barkada nila. Tiningnan ni Jude ang kasama sa kwarto. Tulog pa rin si Chad. Walang barong pang-itaas at tanging ang boxers na itim lang ang suot. Nakataas ang kanang braso nito kung kaya lantad sa kanya ang maputing kilikili nito na may buhok.

“Hot!” bulong ni Jude sa sarili. Naka-flag ceremony pa ang junior ni Chad na natural lamang sa isang lalaki tuwing umaga. Nabigla si Jude ng ipinasok ni Chad ang kamay sa loob ng boxers nito at nag-kambyo ng harapan. Napangiti naman si Jude sa namasdan. “Umagang-umaga,” bulong ni Jude sa sarili, pinigilan ang sarili na gumawa ng masama sa pinsan.

Agad siyang  bumangon at nag-ayos ng sarili. Naabutan niya ang kanyang tiyuhin sa sala na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Sandong puti at itim na boxers ang suot ng kanyang tiyuhin. Agad niyang napansin ang kakisigan ng kanyang tito. Pinigilan niya ang pag-pantasyahan ang kanyang tiyuhin. Hindi dapat. Hindi dapat sa ngayon.

“Magandang umaga tito,” agad na bati ni Jude.

“Oh iho, mag-almusal ka na,” yaya ng kanyang tito Allan.

“Salamat ho. Sina tita Susan po?” tanong ni Jude.

“Dumaan muna sa pwesto si Susan kasama si Manang. Si Jon naman, maagang pumasok. Tapos tulog pa ang tatlong ugok,” sagot ni Tito Allan.

“Ah. Kumain na ho ba kayo?” si Jude habang nag-aayos ng lamesa.

“Tapos na. Kailan ka ba mag-eenroll?”

“Mamaya ho. Punta na rin po ako sa eskwela”

Umupo si Jude kung saan kita niya ang kanyang tiyuhin sa sala.

“Nasa iyo na ba ang pang-enroll mo?” tanong ni Allan na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng dyaryo.

“Opo. Nai-abot na po sa akin ni tita,” sagot naman ni Jude sabay kagat sa hotdog.

“Mukhang mahilig ka sa hotdog ah,” pabirong sabi ni Allan sa pamangkin. Nabilaukan si Jude nang marinig ang komento ng kanyang tiyuhin. Bumara tuloy ang karneng kinain sa daanan ng kanyang hangin. Sunod-sunod na ubo ang ginawa ni Jude kasabay ang pagpalo sa kanyang dibdib.

“Putsa! Anong nagyari?!” nagpapanic na sabi ni Allan. Agad na lumapit si Allan sa pamangkin. Agad siyang kumuha ng tubig upang pantulak sa nakabarang karne sa lalamunan ng pamangkin.

Agad rin naman nahimasmasan si Jude pagkainom ng tubig. Nasa likod niya ang kanyang tiyuhin at hinihimas ang likuran niya. “Jude ayos ka lang ba?” si Allan na patuloy pa rin ang pag-himas sa likuran ng pamangkin.

“O-opo. Salamat ho.” si Jude na nagsisimula nang mag-init ang pakiramdam. Dama niya kasi ang mainit na palad ng kanyang tito Allan na humihimas pa rin sa kanyang likuran. Nagsimulang magising tuloy ang kanyang manoy.

“Fuck!” si Jude sabay tayo sa upuan. Dahil sa taranta ay natabig niya ang tinidor na may hotdog at bumagsak ito sa sahig. “Fuck!”  Kaagad naman niyang pinulot ang nahulog na tinidor. Dahil na sa likod pa rin ni Jude ang kanyang tito Allan ay saktong sakto ang kanyang likuran sa harapan ng kanyang tiyuhin. Napahinto ang dalawa sa kanilang pwesto. Mukhang pangit ata ang posisyon nila para sa mag-tiyo.

Dama ni Jude ang tulog ngunit malaking alaga ng kanyang tito Allan. Napahawak tuloy si Allan sa bewang ng pamangkin. “Fuck!” si Jude muli sabay tayo na. “Ah-eh. Ti-tito, mag-aayos na po ako.” agad na paalam ni Jude sa tiyuhin at mabilis na tinungo ang kwarto nila.

Habol ang hininga ni Jude pagkapasok sa kwarto nila ni Chad. Napasandal siya sa pinto at napapikit ang mata. “Fuck! Hindi pwede. Mali ito.” si Jude sabay pisil sa kanyang harapan na ngayon ay buhay na buhay na. “Hindi pwede.” Dahil sa hindi magandang naiisip ay nai- untog tuloy niya ang sariling ulo sa pintuan.

“Kuya Jude. Good morning!” bati ni Chad sa pinsan. Nagulat si Jude at agad na napamulat ng mata. Nasa harapan niya ngayon si Chad. Poging-pogi sa itsura niyang kakagising pa lamang. Nakangiti ito sa kanya, inosenteng-inosente.

“Good morning Chad.” Tugon niyang bati. Napangiti na lamang si Jude sabay kuha sa twalya upang maghanda na para maligo. Agad rin siyang lumabas ng kwarto. Kailangan niyang umiwas sa mga nakakaakit niyang pinsan lalo na ngayon at nariyan ang kanyang tito. Baka kung anong sabihin ng mga tumutulong sa kanya.

Pasado alas dose na ng tanghali ng makarating si Jude sa eskwelahan. Siguradong lunch break ng registrar at cashier kung kaya tumungo muna si Jude sa kapihan malapit sa eskwela nila. Pagkatapos umorder ng kakainin ay naghanap siya ng mauupuan. Kakaunti lamang ang tao dahil sembreak pa naman, madali siyang nakakuha ng mesa. Umupo siya patalikod upang walang makakilala sa kanya. Pero nagkamali ata siya dahil wala pang kinse minutos ay agad siyang naistorbo ng isang pamilyar na boses.

“Jude!” sabi ng pamilyar na boses. Agad naman nilingon ni Jude ang tumawag sa kanyang pangalan.

“Oy Amanda!” bati ni Jude.

“Bestiiiiiiii!” sigaw ni Amanda.

“Shhh! Huwag ka nga maingay. Buti na lang at maganda ka kundi nasipa ka na palabas dahil sa kaingayan mo,” birong sabi ni Jude.

 “Of course hindi nila gagawin yun. Mawawalan sila ng magandang customer,” confident na sabi ni Amanda. Umupo na siya sa tabi ni Jude.

“Sinong kasama mo?” tanong ni Jude sa kaibigan. “I’m with Ace kaya lang nagwithdraw pa siya. E ikaw, sinong kasama mo? Si Mac?”

“Naku hindi ah. Ako lang mag-isa.”

Halata ni Amanda ang pag-iba ng mood ni Jude. “Oh sorry Jude,” si Amanda.

“Sorry for what? Wala ka naman dapat ika-sorry e.”

“Jude, aminin mo. You and Mac have something special right?”

“Well Amanda. No reason naman para itago pa sayo.” Naudlot ang sasabihin pa niya nang may tumawag na “Babe”.

Sabay lumingon si Jude at Amanda.

“Babe!” si Ace sabay halik kay Amanda. “Oh Jude!” casual na bati ni Ace kay Jude.

“Hi!” sagot lang din ni Jude. “Oh Amanda, Ace, mag-a-ala una na. Mauna na ako sa inyo at baka mahaba na naman yung pila,” paalam na ni Jude sa dalawa.

“Alright besty. Call me later,”

Tumayo na si Jude at nilisan ang lugar. Papasok pa lang siya ng gate ay kakaiba na ang kanyang pakiramdam. Kinakabahan siya. Kinakabahan siyang makita muli si Mac. Kinakabahan siyang makita ang mga barkada nito. “Please huwag ngayon,” pikit na sabi ni Jude sa sarili.

Mabilis lahat ng kanyang kilos upang mabilis rin siyang makauwi. Mula sa registrar hanggang sa cashier ay nakayuko siya. Tahimik na pini-fill up ang mga forms. Ayaw niya kasing kumuha ng atensyon sa mga taong naruon.

Pasado alas-dos na ng matapos si Jude sa pag-e-enroll. Hanggang pauwi ay naglalakad pa rin siya nang nakayuko. Mabilis, mabilis ang lakad niyang papuntang gate. Pero kapag minalas nga naman, may nabunggo siyang lalaki, hindi katangkaran, maputi, balbon ang mga braso.

“Hi Jude!” bati nito sa kanya.

“Fuck! Kilala ako!” bulong ni Jude sa sarili.

“Kamusta ka!?” sarkastikong pangangamusta nito.

“Fuck! Kilala ko ang boses na ito,” bulong ni Jude.

“M-migs?” si Jude na dahan-dahang hinarap ang nabanggang lalaki.

“Oh yes, Jude. Kamusta sembreak mo?” sarkastikong sabi ni Migs.

“Ayos naman. Sige Migs mauna na akong umuwi,” si Jude na agad tumalikod sa kausap.

“Teka lang.” Maliksing napigilan niya si Jude. Nahawakan niya ang braso ni Jude.

“Bakit ba?” naiinis na sabi ni Jude. “Wala naman. May gusto lang naman ako ipasabi kay Mac e.”

Biglang pumintig ang tenga ni Jude nang marinig ang pangalan ni Mac. Halata niyang iniinis lang siya ni Migs. Hindi na nakapagpigil si Jude at pinatulan na niya si Migs.

“Pwede ba Migs. Hindi naman ako voice mail ni Mac na para iwanan ng mensaheng para sa kanya,” inis na sagot ni Jude.

Tumawa ng malakas si Migs, nakakainsulto.

“Oo nga naman pala. Hindi naman talaga kayo close ni Mac ‘di ba?”

Napatigil si Jude. Muling sumikip ang kanyang dibdib. Parang may kumurot muli sa kanyang puso. Nararamdaman niyang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

“Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang umasa na lalapit muli sayo si…” naputol na sabi ni Migs.

“Migs!” sigaw ng isang pamilyar na boses.

Mula sa likuran ni Jude galing ang boses na iyon.

“Pare!” salubong ni Migs sa kaibigang si Mac. Agad na lumapit si Migs kay Mac. Sinadyang tabigin pa ang balikat ni Jude. Naiwan si Jude na nakatayo pa rin sa hindi kalayuan sa dalawa. Napayuko si Jude at agad na pinunasan ang namumuong mga luha. Hindi dapat makita ni Mac na umiiyak pa rin siya sa kanya.

“Kanina pa kita hinihintay ahh,” dagdag pang sabi ni Migs sa bagong dating na kaibigan.

“Sorry pare. Tagal kasi ni Kuya Mickey e,” sagot naman ni Mac.

“Ayos lang yun, bro,” si Migs sabay akbay sa kaibigan.

“Nasaan na ba sina Jed at Nico?” tanong ni Mac kay Migs.

“Bakit sisingilin mo na ba sila sa panalo mo sa pustahan naten?” si Migs na halatang pinaparinig talaga kay Jude ang usapan nila ni Mac. Sabay tawa muli na nakakainsulto.

“Loko-loko,” sagot na lamang ni Mac sa kabarkada.

“Teka, sino ba yang kasama mo?” tanong ni Mac sa kaibigan.

Agad natauhan si Jude kung bakit nakatayo lang siya ruon at hindi pa umalis kanina. Agad niyang inihakbang ang kanyang mga paa palayo sa dalawa.

“Jude!” tawag ni Mac sa palayong si Jude. Napatigil si Jude sa paglakad.

“Fuck! Bakit ngayon pa.” bulong ni Jude sa sarili. Hindi niya pa kayang harapin si Mac sa ngayon. Masakit, masakit pa rin. Muling  siyang lumakad nang mabilis upang iwasan si Mac. Tumakbo si Mac papunta kay Jude, iniwan si Migs mag-isa.

“Mac, wait!” tawag ni Migs sa kaibigan. Hindi pinansin ni Mac ang tawag ni Migs at hinabol pa rin si Jude.

“Jude! Teka lang!” si Mac sabay hawak sa braso ni Jude upang hindi na makalayo sa kanya. “Jude let’s talk,” pagmamakaawa ni Mac. Hindi umiimik si Jude. “Please Jude,” si Mac na humarap na rin sa nakayukong si Jude. Gusto nang yakapin ni Mac si Jude sa oras na iyon.

“Para saan pa, Mac?” mahinang sagot ni Jude. “Gusto lang naman kita makausap.” sagot ni Mac.

“Para ano pa? Para ipamukha sa akin na napaka-loser ko? Na napakatanga ko dahil naniwala agad ako sayo? Na kinaibigan mo lang ako dahil sa pustahan niyong magbabarkada. Letse naman Mac! Tama na! Ang sakit na, Mac. Ang sakit-sakit. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? Iyung papaniwalain mo ako na gusto mo ako! Na.. na ma-mahal mo ako,” sunod-sunod na sumbat niya kay Mac.

Nagsimula na rin ang pagtulo ng mga luha ni Jude. Wala na siyang pakialam kahit na may makakita sa kanila. Kahit na may makarinig pa sa kanila. Basta ang alam niya lang na hindi na niya kayang pigilan ang sarili na hindi umiyak. Kailangan na niyang mailabas ang sakit na muling bumalik nang makita niya ang pagmumukha ni Mac.

“Please Jude. Huwag kang umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak,” si Mac na hindi na alam ang gagawin.

“Tama ka. Dapat hindi mo ako makitang umiiyak. Mali na iyakan ka pa. Dapat hindi na nga e. Kaya please lang Mac. Mula ngayon mag-iwasan muna tayo. Parang tulad ng dati. Hindi kita kilala. Hindi mo ako kilala. Goodbye Mac,” si Jude na tinalikuran na si Mac.

“Ang unfair mo, Jude!” biglang sabi ni Mac. “Hindi lang naman ikaw ang nasaktan sa sitwasyon natin e,” dagdag ni Mac. Tumulo na rin ang luha niya sa pagkakataon na iyon. Napayuko na rin siya sa kanyang pagkakatayo.

Napatigil si Jude sa paglalakad. Magkatalikod na sila sa oras na iyon.

“Hindi ko pinagsisihan ang putanginang pustahan na yan! Alam mo kung bakit? Kung hindi dahil sa pustahang iyan ay hindi kita makikilala ng lubusan.  Alam kong mananalo ako, ang hindi ko alam ay ang magugustuhan kita ng tunay at tapat. Dahil sa pustahang iyn ay natuto akong magmahal uli, natuto akong mahalin ka,” wika ni Mac na pigil na rin ang mga hikbi.

“Pero bakit ganun  Jude? Kung minahal mo rin ako bakit mo ako kaagad pinagpalit kay Ice? Masakit. Masakit na makita ka na may kasiping na iba. Alam mo ba kung gaano iyon kasakit para sa akin? Ni minsan Jude hindi mo ako nakitang may iba. Naging loyal ako sayo dahil nung sinabi kong mahal kita, totoo iyon. Totoong-tooo iyon,” dagdag pa ni Mac. Hindi na rin nakaimik si Jude. Guilty siya. “Pero kung gusto mo talaga akong lumayo sa iyo, tatanggapin ko hindi dahil hindi kita mahal. Dahil yan ang magpapasaya sayo.” si Mac na patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang pisngi.

“I am sorry Jude for hurting you,” sabi ni Mac. “..But I was hurt too,” huling sabi ni Mac bago ito lumakad palayo mula sa nakatayong si Jude.

“Masakit? Nasaktan ka ba?” wika ni Jude. Hindi nakatiis na hindi sagutin ang mga sinabing iyon ni Mac.

Napahinto rin si Mac, lumingon sa lugar ni Jude.

“Tama ka, kaagad akong pumatol sa iba. Pero iyon ay hindi ko sinadya. Naging loyal din ako sa iyo. Nasaktan ako ng malaman kong pinagpustahan lang pala ninyo ako. Gulo ang isipan ko. Gusto kong makalimot. Naghanap ako ng alak, gusto kong maglasing dahil pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Nagpasalamat ako dahil sa may-nagiisang tao na handa akong damayan, sinamahan, nakinig sa aking hinaing. At dahil sa kalasingan ay hindi ko na alam ang aking ginagawa.” Tumutulo na ang luha ni Jude.

“Pero ikaw, planado. Alam mo kung ano ang gagawin mo. Gulat nga ako ng kaibiganin mo ako eh, lalo pa nang imbitahan ako sa isang party. Sabi mo ay minahal mo na ako, pero bakit itinuloy mo pa ang plano ninyong magbabarkada. Dahil hindi totoo ang sinasabi mo, dahil ang gusto mo lang ay manalo sa pustahan. Panalo ka na, masaya ka na ba?

“Isa pang ipinagtaka ko ay kung bakit ang video ko lang ang iyong sinend sa barkada mo. Bakit hindi ang video na binababoy mo ako. Tama bang term iyon para sa iyo. Tama hindi ba. Binaboy mo ako. Akala ko ang ginawa natin ay dahil sa pagmamahal, dahil ako, ginawa ko iyon dahil sa minahal na kita. Binaboy mo ako Mac. Napakasakit sa akin iyon. Hindi mo naman magagawa iyon kung mayaman din ako eh. Ginawa mo iyon kasi mahirap lang ako, isang basura sa tulad ninyong mayayaman.”

“Please lang Mac, pagsabihan mo ang kaibigan mo, lalo na ang Migz na iyan. Mahirap man kami, pero kaya naming lumaban. Kung nasaktan kita, patawarin mo rin ako. Quits na lang siguro tayo. Sana lang ay hindi na mag-cross ang ating landas.”

Tumalikod na si Jude, halos tumakbo na siya para makalayo na kay Mac. Patuloy ang pag-agos ng luha.

 

 

THE END.

 

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...