Ang Dati Kong Bayaw (Part 14)
Nick
Nakita kong dumating si Elsa, my ex-wife. May
dala pa siyang isang box na inabot kay Ismael. Hindi sila nag-usap ng matagal,
tapos ay nakita kong papalapit sa amin nina Caloy at Zion.
“Pwede ba kitang makausap ng sarilinan Nick?”
wika sa akin ni Elsa. Nag-paalam lang ako kina Caloy at Zion at sumama na kay
Elsa at sa silid pa ni Ismael kami pumunta. Ini-lock pa niya ang pintuan.
“Anong pag-uusapan natin Elsa. May dapat pa ba
tayong pag-usapan?” tanong ko na noon ay naglalakbay ang aking isipan dahil sa
naghihinala ako na may alam na siya sa amin ni Ismael. Baka tutol siya sa aming
relasyon.
“Wala na kami ng boss ko. Iniwan ko na siya.
Hindi kami compatible dahil palagi ko siyang ikinukumpara sa iyo.
Hinahanap-hanap ko ang ugali mo sa kanya na ibang-iba,” kwento ni Elsa.
“So, ano ngayong ang gusto mo at sinasabi mo iyan
sa akin?” tanong ko.
“Gusto kong makipag-balikan sa iyo, pakasal uli
tayo. Ikaw pala ang tunay kong mahal. Alam kong mahal mo pa rin ako dahil sa
magpa-hanggang ngayon ay wala ka pang ipinapalit sa akin,” wika ni Elsa
Gulantang ako. Hindi ako makapaniwala. Matapos
akong iwan at ipag-palit sa iba. Matapos akong pagtaksilan ay ngayon ay
hinihiling na magbalikan pa kami. Anong klaseng babae ito, wala ba siyang
delikadesa? Wala ba siyang hiya. Ganon na lang ba iyon? Hindi ako makasagot.
“Please Nick, patawarin mo na ako. Magbabago na
ako, ikaw na lang ang aking mamahalin. Alam ko na napakalaki ang kasalanan kong
nagawa sa iyo. Matagal ko na iyong pinagsisihan. Hindi naman kami kasal ng boss
ko at walang problema kung ikakasal uli tayo,” wika ni Elsa na humahagulgol na
at yumakap sa akin.
Naramdaman ko na naman ang mga yakap na iyon na
matagal ko ring naramdaman simula ng kami ay mag BF/GF pa lang hanggang sa
ikasal kami. Naroon pa rin naman ang init. Nahaplos ko tuloy ang kanyang buhok.
Parang muling nabuhay ang aking pagmamahal sa kanya. Mahirap din namang
kalimutan ang nakaraan, may pinagsamahan naman kami. Naisip ko si Ismael.
Umaasa siya na magtatapat na ako kay Mama ng tungkol sa amin. Pero paano ito.
Bakit ba nagiging komplikado ang aking buhay ngayon?
Hinalikan niya ako, naroon pa rin ang init ng
kanyang halik. Bigla akong nasabik sa halik na iyon, gumanti ako ng halik. Nasa
gayon kaming sitwasyon ng may kumatok sa pintuan, si Ismael.
“Ate! Ate! Pinatatawag ka ni Mama. Kumain ka raw
muna at kakausapin ka niya mamaya.” Wika ni Ismael.
“Saka na lang tayo mag-usap, kausapin mo muna ang
iyong Mama. Baka importante,” sabi ko kay Elsa. Nagpahid muna siya ng luha bago
lumabas. Kasunod din ako.
Napansin kong titig na titig sa akin si Ismael,
wari ko ay may gustong punahin at itanong sa akin. Naglakad na kami, ako ay tinungo
ang lugar nina Caloy na masayang naguusap habang si Ismael ay pinuntahan ang
kanyang Mama at si Elsa.
“Pare, ano yang nasa bibig mo, ang pula-pula. Ano
yan, dugo o lipstick?” Puna ni Caloy. Kinuha ko ang aking Cell phone at sa
camera ako tumingin dahil walang salamin. Napamura ako sa aking isipan.
“Tangina, ito siguro ang napansin kanina ni Ismael. Shet!” wika ko sa sarili.
“Ah wala ito,” wika ko sabay kuha ng aking panyo
at pinahid na iyon.”
Isa-isa nang nagsi-alisan ang ibang bisita ni
Ismael. Ang ibang officemate niya ay umuwi na rin maliban kay Caloy. Nagpaalam
na rin si Elsa, pero bago siya umuwi ay sinabi muna sa akin na tatawagan ako
bukas. Tumango lang ako.
Sinamahan na kami ni Ismael at naki-umpok na sa
amin nina Zion. Dahil kami na lang ang naiwan ay naglabas ng maiinom si Ismael.
Nag-umpisa na kaming mag-inom. Nakaka-ilang shot na rin kami ng brandy ng magtanong
ako kay Caloy. “Kayo na ba?” tanong ko na pasulyap-sulyap sa dalawa ni Zion.”
“Ikaw muna ang sumagot sa tanong ko. Kayo na ba?”
– si Caloy na palipat-lipat din ang tingin sa aming dalawa ni Ismael. Mabuti na
lang at malayo si Mama at hindi alam ang pinag-uusapan namin. Hindi naman
kumikibo si Ismael.”
“Kayo muna, sige na. Sunod ay kami.” Pagpumilit
ko
“Sige na nga. Kami na. Ang dali ko ngang
napasagot.” Pagyayabang ni Caloy.
“Ginamitan kaya niya ako ng dahas. Gusto ko
sanang idemanda ng rape eh kaso naawa naman ako. Okay naman siya, nagalingan
naman ako.” Salo ni Zion.
“Rape with consent hahaha,” sabi naman ni Caloy.
Nagkatawanan naman kami, pero si Ismael ay parang pilit ang tawa. Ewan ko kung
bakit parang problemado. Naisip ko tuloy yung lipstick sa aking labi, baka
nagselos at kung ano na naman ang naisip.
“Kayo naman. Kayo na bang dalawa?” tanong uli ni
Caloy.
“Sa atin lang muna ha, hindi muna lalabas lalo na
sa opisina ninyo Caloy. Oo, kami na, may dalawang linggo na rin hehehe.” Wika
ko sabay akbay kay Ismael.
Inalis naman kaagad ni Ismael ang pagkaka-akbay
ko. “Kuya naman, wala namang ganyanan. Hindi, hindi totoo. Hindi kami.
Nagbibiro lang si Kuya,” wika ni Ismael.
“Ano ka ba Mael, hindi ba usapan na natin ito na
aaminin na sa Mama mo at sa kanila ang tungkol sa atin?” Mahina kong wika pero
may diin at parang galit dahil sa parang napahiya ako.
“Sandali lang ha at kukuha pa ako ng yelo, wala
na palang yelo,” paalam ni Ismael.
“May problema ba Nick? Mukhang may problema ka
nga. Baka dahil sa lipstick mo sa bibig kanina,” sabi ni Caloy pagtalikod ni
Ismael. Bumalik din naman kaagad si Ismael dala ang yelo sa isang bowl.
“Syanga pala, may pupuntahan pa kami ni Caloy,
ubusin na lang natin itong nasa baso ha at aalis na rin kami. Dapat ay
makapahinga rin si Ismael dahil bukas na ang oath taking,” wika ni Zion.
Nakagawa kaagad ng dahilan dahil nakahalata sa nagkaroon kami ng konting
tensyon. Second the motion naman si Caloy. Nagpaalam na rin sila sa amin at kay
Mama.
Kaagad kong kinausap si Ismael. “May problema ba
tayo Ismael?” Hindi pa sumasagot si Ismael ng tawagin ako ni Mama.
“Ma! Bakit po?” tugon ko.
“Sandali lang, halika rito.” Yaya ni Mama.
Lumapit naman ako pati na rin si Ismael.
“May ipinagtapat sa amin ni Ismael si Elsa
kanina. Alam mo ay nahihiya man ako sa iyo dahil sa ginawa sa iyo dati ay
kakapalan ko na rin ang aking mukha ano, anak ko kasi ang humingi sa akin ng
tulong.” Pasakalye ni Mama.
“Ano po ba iyon Mama, kasali ba ako roon?” tanong
ko kahit na may higing na ako na tungkol iyon sa sinabi sa akin ni Elsa. Ang
kapal talaga ng mukha. Pati ang ina ay ginagawa pang kasangkapan.
“Alam kong malaki ang kasalanan sa iyo ni Elsa,
pero nagsisisi na raw siya. Nagising na raw siya sa pagkakahimbing at
napagtanto niya ang kanyang kamalian. Iniwanan na daw niya ang kanyang
kinasama. Hindi ko naman alam ang kadahilanan ano at ang sabi sa akin ay gusto
raw makipag-balikan sa iyo. Handa raw siyang pakasalan ka uli kung gugustuhin
mo. Ang gusto lang daw niya ay maituwid ang pagkakamali niyang nagawa dati.
Ikaw daw pala talaga ang mahal niya at hindi ang lalaking iyon. Nakausap ka na
raw niya at naramdaman daw niya na mahal mo pa rin siya. Ganon pa man ay
humihingi pa rin siya ng tulong sa akin na kausapin ka para ihingi siya ng
second change. Libre ka pa naman ‘di ba? Wala akong nababalitaan na bago mong
nobya. Ano bang masasabi mo roon?” mahabang litanya ni Mama.
“Mama, talagang balak kitang kausapin ngayon
hindi dahil kay Elsa kundi dahil dito sa amin ni….” Hindi ko na naituloy dahil
kay Ismael.
“Ma naman, hindi naman natin dapat panghimasukan
kung ano man ang magiging desisyon ni Kuya Nick. Buhay nila iyon at hayaan
nating sila ang umayos. Kapag hindi na naman naayos at gumawa na naman ng mali
si ate ay baka kayo pa ang masisi. Nagawa na niyang minsan, hindi malayong
ulitin niya iyon. Wala ba tayong kahihiyan niyan at gugustuhin mo pang sumali.
Nag-usap na sila, sabi ni ate at kung ano man ang kanilang maging desisyon ay
sila ang masusunod hindi tayo. Kuya sorry at heto na naman. Matagal ka nang
nanahimik tapos ay guguluhin ka na naman. Siguro ay umuwi ka na lang muna at
maguusap kami ni Mama tungkol dito. Hindi ka dapat pakumbinsi sa kagustuhan
nila kung ayaw mo.” wika ni Ismael at itinaboy na ako pauwi.
“Pero Ismael, hindi ba’t may usapan na tayo?” wika
ko na nagtaka kung bakit nabago ang kanyang desisyon.
“Basta sunduin mo kami ng maaga bukas. Mas maaga
mas mabuti. Ayaw kong ma late sa aking oath taking. Salamat ha, ikaw pa rin
naman ang hingian ko ng tulong,” wika ni Ismael na kinindatan pa ako na tila
ipinahihiwatig na umalis na muna ako at mag-uusap na lang kami uli.
“Mama, paalam na po. Mabuti na rin na magpahinga
ng mahaba-haba si Ismael, baka kasi hindi makatulog dahil excited.
Umalis na ako na mabigat ang kalooban.
-----o0o-----
Maaga kong sinundo sina Ismael at mama para
makapag-lunch muna kami bago mag-start ang oath taking. Doon na kami kumain sa
malapit sa PICC kung saan gagawin ang oath taking.
Nasa loob ng kami ng room kung saan gaganapin ang
oath taking. Magkatabi kami ni Mama sa guest section. Hindi pa naman
nagsisimula ang programa, kinausap pa ako ni Mama tungkol sa hiling ni Elsa.
“Magsabi ka nga sa akin ng totoo Nick, may
natitira ka pa bang pagmamahal kay Elsa?” tanong sa akin ni Mama.
“Mama, sa ginawa sa akin ni Elsa, ang pagtaksilan
niya ako kahit na kami pa ay hindi ko na po malilimutan. Sobrang sakit po nang
aking naramdaman. Ang dami ko pong tiniis na panglalait mulsa sa mga
nakakakilala sa akin, kesyo naiputan ako sa aking ulo, na natorotot ako at kung
ano-ano pa. Gusto ko sanang idemanda siya noon, pero dahil inisip ko rin kayo,
si Ismael kaya hindi ko na itinuloy. Naka move-on na ako Mama, ayoko na. Kaya
sana po ay maunawaan mo ako. Hindi ko na po kayang pakisamahan pa si Elsa. May
mahal na po akong iba.”mahaba kong paliwanag kay mama.
Marami pa kaming naging diskusyon, natigil lamang
dahil sa mag-uumpisa na ang programa. Halos hindi ko naintindihan ang naganap
sa oath-taking. Iniisip ko kasi kung dapat ko nang ipagtapat kay Mama ang
tungkol sa amin ni Ismael. Hindi ko na lang itinuloy dahil gusto kong mag-usap
muna kami. Hindi ko kasi alam kung ano ang nasa isipan ni Ismael at hindi
pumayag na ituloy namin ang aming plano. Isa pang palaisipan sa akin ay kung
bakit ipinagkaila niya kina Zion at Caloy ang tungkol sa amin.
Eksaktong alas tres ng hapon nag-umpisa ang program,
on time naman nagsimula at natapos na nang mag-aalas singko. Nagkita-kita kami
sa labas ng building. Hinintay pa namin na lumabas si Ismael. Marami pa kasing
kwentuhan ang mga magkaka-klase at ibang kasama sa review, Naroon din si Steve
na pinagkunwaring BF daw ni Ismael.
Paglabas niya ay sinabi lang ni Ismael na mauna
na kami dahil may dinner blow-out daw ang kanilang review school na gaganapin
sa isang hotel malapit sa Luneta. Ihinatid ko na muna sila nina Steve at Brent
sa hotel na nasabi bago kami umuwi ni Mama. Ihinatid ko na muna si Mama sa
Apartment.
“Mama, kaya mo bang mag-isa rito. Gusto mo ba
munang samahan ko kayo hanggang sa dumating si Ismael?”
“Ano ka ba naman iho, matanda na ako at kaya ko
na. Nag-iisa nga ako sa probinsya eh. Marami nga palang salamat at kahit wala
na kayo ni Elsa ay hindi mo pa rin kami kinalilimutan lalo na si Ismael.
Maraming maraming salamat anak. Kung sakali, para naman magkaroon uli tayo ng
ugnayan ay mabigyan mo pa ng second chance si Elsa.” Wika ni mama.
“Hindi po mawawala ang ating ugnayan Mama,
pangako ko iyon. Sige po, basta ingat lang po. Tawag lang kayo kung may
kailangan kayo sa akin,” paalam ko.
Diretso na ako sa condo. Init na init ako kaya
nag-shower muna ako. Pagbalik ko ay tumutunog ang aking CP. Si Elsa tumatawag.
Inisip ko pa kung sasagutin ko, pero ang dami na palang miss-call sa akin.
Sinagot ko na.
“Elsa, nag-shower ako kaya hindi kita nasasagot.
May kailangan ka ba.?” Wika ko sa phone.
“Mabuti at nariyan ka na. Puntahan kita ngayon,
malapit na ako, please mag-usap uli tayo.”
Pumayag na ako para masabi ko na rin ang aking
gustong sabihin. Wala pang 15 minutes ay may nag-buzzer na. Nang silipin ko sa
peephole ay si Elsa na nga.
“Ano yang dala mo?”
“Maiinom natin, mas okay siguro na umiinom tayo
habang nag-uusap.”
Siya na ang naglabas ng wine glass at yelo.
Palagi naming ginagawa ang may iniinom habang nag-uusap noong bago-bago pa lang
kaming nagsasama. Parang gustong ipaalala sa akin ang masaya naming nakaraan.
Wala naman siyang inuungkat tungkol sa nais
niyang mangyari. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin dahil ang
aming napagkwentuhan ay ang aming nakaraan minus hiwalayan. Ako na ang umisip
ng paraan para malaman ko ang tunay niyang pakay.
“Magsabi ka nga ng totoo Elsa, ano at ipinaalala
mo sa akin ang ating nakaraan? May gusto ka bang ibang pag-usapan natin?
Tungkol ba ito sa sinabi mo sa akin kahapon?’
“Ano ka ba Nick. Nasabi ko na kahapon iyon at
naghihintay lang ako ng pasya mo. Hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang
ipaalala ang masasaya nating sandali at baka kahit konti ay may natitira ka
pang pagtingin sa akin nang sa gayon ay madali kang makapag-pasya. Gusto ko
lang naman ng second chance. Nagkamali ako, humingi ako ng tawad. Totoo naman
na para akong nagising sa katotohanan, ikaw ang hinahanap-hanap ko, ang yakap
mo, ang halik mo, ang mga jokes mo na kahit corny ay nag-eenjoy pa rin ako.
Inom pa tayo, saka na natin pag-usapan iyon.”
Ewan ko ba, kanina ay gusto ko nang sabihin na
may iba na akong mahal, na hindi ko na siya mahal at wala na akong amor sa
kanya, pero nawalan ako bigla ng lakas ng loob. Parang may nagbago na kay Elsa,
naging parang sentimental siya at bigla akong natakot na baka hindi niya
magustuhan sakaling sabihin ko na sa kanya ang totoo. Minabuti kong subukan.
“Paano Elsa kung may mahal na akong iba? Matagal
din tayong hindi nagsama at syempre kailangan ko rin ng mag-aalaga sa akin, ng
makakasama sa aking pagtanda.
Natigilan siya, hindi makasagot, idinaan sa
pag-inom kung ano man ang nadarama. Naka ilang salin siya ng alak. Pinipigilan
ko siya, pero ayaw niyang papigil.
“Tama na Elsa, lasing ka na. Ihatid na kita sa
inuuwian mo.”
“Hindi pa ako lasing, inom pa tayo, ang hina mo
na ngayong uminom ah,” wika ni Elsa. Nagsalin na naman siya ng alak sa aming
baso.
Hindi ko na mapigilan si Elsa, naubos na ang alak
at gusto pang bumili. Mabuti na lang at wala ako ngayong nakatagong alak kahit
na beer sa ref. Halos siya naman ang nakaubos ng alak.
“Tara na, ihahatid na kita. Saan ka ba ngayon
nauwi, bakit sabi ni Mama ay hindi niya alam ang tinitirhan mo ngayon, Doon ka
ba ngayon sa boss mo umuuwi?” sabi ko.
“Pinauuwi mo na ba ako?” tila nagtatampo niyang
wika. Tumayo siya at naglakad papuntang pintuan, Pero hindi siya makalakad ng
tuwid at babagsak na sa kalasingan, mabuti at aking nasalo sa kanyang bewang,
napayakap siya sa akin, nagkatitigan kami, naamoy ko ang kanyang pabango na
paborito kong ginagamit niya.
“I miss you Nick, I still love you, maniwala ka
sana sa akin. Nagbago na ako, Ang totoo ay matagal na kaming hiwalay ng aking
boss. Kiss me Nick. Gusto ko uling matikman ang masarap mong halik, kiss me
please.” Pakiusap ni Elsa.
Nakaramdam ako sa kanya ng konting simpatiya,
nararamdaman kong totoo ang sinasabi niya, maaring nagkamali lang talaga siya
bugso ng damdamin.
“Please Elsa, ayaw kong magkasala sa aking mahal.
Maniwala ka sana, may minamahal na ako.” Sabi ko matapos siyang muling i-upo sa
sofa.
“Pwede ko bang malaman kung sino ngayon ang
nagmamay-ari ng iyong puso?” tanong ni Elsa.
Hindi ako makasagot, gusto ko nang aminin ang
tungkol sa amin ng kapatid niya, ngunit baka iyon pa ang maging mitsa ng hindi
namin muling pagkakaunawaan ni Ismael. Kapatid niya si Elsa at alam kong mahal
niya ang kanyang kapatid.
“Hindi ko pa pwedeng sabihin kahit na kanino,
usapan namin iyon,” pagdadahilan ko.
“Hindi ako naniniwala, bakit hindi mo ako
halikan, nang sa gayon ay malaman ko, maramdaman ko na wala na ang dating init
ng iyong halik,” pagpumilit ni Elsa. Muli siyang yumakap sa akin. “Sabihin mo
ngayon na hindi mo na talaga ako mahal?” wika ni Elsa.
Ayaw ko siyang saktan, subalit mapilit siya,
sasabihin ko na sana ang totoo na si Ismael ang bago kong mahal nang bigla na
lang niya akong hinalikan sa aking labi.
---Itutuloy---
Malandi kang Elsa ka! Kakabuweset na Elsa yan.😑
TumugonBurahinPatay ka Nick. Kakanta na yang si Elsa ng "Do you wanna make a baby? C'mon let's go and play."
TumugonBurahinKawawang Ismael. Iba talaga ang kapangyarihan ng Femfem. Hehehe
TumugonBurahinTingin ko mabubuntis si Elsa, kaya magpapakasal ulit sila o magsasama ulit.Tapos magiging kabit si Ismael.
TumugonBurahinHigad yang ex wife ni Nick. Worried ako para kay Ismael.
TumugonBurahinIshmael ilaban mo si Nick!!!
TumugonBurahinIlaban mo si Nick!!!
Ilaban mo si Nick!!!