Martes, Hunyo 27, 2023

Ang Dati Kong Bayaw (Part 18) Finale

 


Ang Dati Kong Bayaw (Part 18) Finale

 

Nick

Huwebes ng tawagan ako uli ni Elsa at puntahan ko raw siya sa tinitirhan niya. Nagdahilan ako na may tinatapos lang na trabaho at pupuntahan siya after office. Pumayag naman siya. Kaagad naman akong tumawag kay Ismael para magpaalam. Sinabi ko na may dinner meeting ako sa isang kliyente. Dinner dahil gabi lang daw ito available.

Sa isang condo unit sa may pasig nakatira si Elsa. Pagkadating ko ay wala nang formality pa agad akong sinalubong nang tanong. “Ano na ang desisyon mo?

Hindi mo ipalalaglag ang bata, ipagtatapat natin sa Mama mo at kay Ismael ang pagkakamali nating nagawa. Alam kong mapapatawad ako ni Ismael dahil sa mahal na mahal ako nito kaya iyon ang aking desisyon. Ano man ang maging pasya nina Mama at Ismael ay tatanggapin ko, ang hindi ko kaya ay ang magsama uli tayo na hindi naman tayo liligaya. Siguradong magtataksil lang ako sa iyo at marahil ay ikaw rin. Nagawa mo na sa akin minsan, madali na para sa iyo ang gawin muli. Masakit pero iyan ang saloobin ko. Sorry.” Mahabang kong sabi.

“Hindi ko rin naman kayang ipalaglag. Sige, itutuloy ko, pero hindi natin sasabihin kina Mama at Ismael ang tungkol dito. Bubuhayin ko ang bata, pero tulungan mo ako. Gusto kong magresign na at hanggat hindi ako nanganganak ay gusto kong sagutin mo muna ang aking gastusin. Kapag nanganak na ako at magkatrabaho uli ay saka mo na lang itigil,” sabi naman ni Elsa.

“Ganito, ipaalam natin sa kanila na buntis ka, pero hindi ako ang sasabihin mong ama. Sabihin mong nabuntis ka ng ibang lalaki at naloko ka. At kapag nanganak ka ay kukunin ko ang bata, palalabasin nating inampon ko. Pangako, anak ko iyan at mamahalin ko. Siguradong mamahalin din siya ni Ismael dahil sa pamangkin niya iyon.” Suhestyon ko.

Napaisip si Elsa. Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita siya: “Hindi, Marami na akong kasalanan sa kanila at ayaw ko nang dagdagan pa. Hindi pa nga nila alam na hiwalay na ako sa walang hiyang boss ko, tapos ito pa. Magiging napakasama kong anak at kapatid kapag nalaman pa nila ang panibago kong pagkakamali. Palalakihin ko ang bata, pero tutulungan mo ako. Walang makakaalam ng tungkol dito, mangako ka. Hindi mo rin ipaalam kung saan ako nakatira ngayon. Ipapaalam ko rin sa iyo kapag wala na akong trabaho at simula na iyon ng pagtulong mo sa akin. May naipon pa naman ako, pero inilaan ko na lang iyon sa aking pambayad dito sa condo unit kong binili. Tatagal naman siguro kahit na mahigit isang taon,”

“Huwag kang mag-alala, matutulungan kita riyan. Sigurado kang ayaw mong ipaalam kina Mama? Mababait sila at mauunawaan ka nila.” Pamimilit ko.

“Alam ko, pero ako na ang nahihiya. Nahihiya rin ako. Hindi ko naman akalain na sa isang beses nating pagkakamali ay mabuo ito. Sorry. Sinadya ko talagang hindi mag pills, nagbaka-sakali ako na kapag nabuntis mo ay pakisamahan mo uli ako. Hindi ko naman alam na nagkakaunawaan na kayo ni Ismael. Kung alam ko na noon pa ay sana hindi na nangyari ito.”

-----o0o-----

Nagkaunawaan naman kami ni Elsa. Palagi kaming nagtsa-chat para malaman ko ang kalagayan niya. Gusto ko siyang dalawin pero ayaw niya. Siya daw ang tatawag sa akin kung may kailangan siya.

Isang araw ay tinawagan ako ni Elsa, magkita raw kami sa mall dahil may paguusapan kami. Ito ang una namin. uling pagkikita makaraan ang tatlong buwan.

“Nag-resign na ako, nahahalata na kasi ang aking tiyan. Ayaw kong maging tampulan ako ng tsismis sa opisina.” Wika ni Elsa.

“Kailangan mo na ba ng tulong pinansyal?” tanong ko.

“Hindi pa naman, sasabihin ko sa iyo, ipadedeposit ko na lang sa iyo kung kelangan ko na.”

“Ikaw ang bahala.” Sagot ko.

“May isa pa akong ipagtatapat sa iyo, sana ay hindi mo ako huhusgahan.”

“Ano yun?” tanong ko.

“Nitong mga nakaraang araw ay may naka chat ako, isang foreginer, taga Canada. Nakatuwaan kong makipag-kaibigan, regular kaming nagtsa-chat. Hindi ko na idedetalye ha, Basta ang alam sa akin ay dalaga, dahil sa dalaga naman talaga ako. Hindi ko akalain na magkakagustuhan kami at gusto niyang magkita kami. At kapag nagkita raw kami ay magpapakasal na kami.” Kwento ni Elsa.

“Wow ha, nagkagustuhan kayo sa chat lang? Sigurado ka bang hindi ka niya niloloko?”

“Alam kong hindi, pinadadalhan nga niya ako ng pera palagi eh, ibili ko raw ng gusto ko. Hindi pa lang daw siya makauwi dahil busy pa sa kanyang negosyo.” Sabi ni Elsa.

Sa madaling salita ay nalaman ko ang kanyang pinagkaka-abalahan at ngayon ay sinabi na niya ang tunay niyang pakay sa akin.

“Payag na akong sa iyo mapunta ang bata. Kapag totoong uuwi siya ng Pilipinas ay ayaw kong makikita niyang may bata sa bahay. Mangako ka na mamahalin mo siya, anak mo naman siya at gusto ko na ring ipagtapat kina Mama ang kalagayan ko at ang totoo. Hihingi ako ng tawad kay Ismael.”

“Tama ang pasya mo dahil dadalhin mo kahit saan ang pagkakamali mo. Kahit na nagsisi ka na at hindi mo naman nakakamit ang pagpapatawad ay hindi ka rin matatahimik. Ako man ay hihingi ng tawad sa kanya. Sana lang ay kaagad din niya akong mapatawad,” sabi ko.

Ipagtatapat ko rin kay Philip, siya yung bago kong kasintahan, na may anak ako. Ipakikilala mo rin ako sa aking anak Nick, pagdating ng panahon, kahit na iiwan ko siya sa iyo ay hindi ko naman siya kalilimutan.

“Makakaasa ka. Anak natin siya at ikaw rin naman ang ilalagay kong ina ng bata sa kanyang birth certificate.” wika ko.

Marami pa kaming napagusapan. Matapos ang drama namin ay masaya na kaming umalis sa aming resto na kinainan. Naglalakad kami sa mall ng mapadaan kami sa isang shop na may display na damit na pangbuntis. Bibili raw si Elsa. Doon ko natanaw si Ismael. Kinabahan din naman ako, alam kong magtatanong siya, lalo na at hindi ko sinasagot ang tawag niya kanina. Hindi ko rin sinagot ang text niya.

Inihatid ko na sa kanyang sasakyan si Elsa. “Tatawag ako sa iyo next Friday at uuwi tayo ng Probinsya namin. Gusto kong sa harap nila ako magtapat. Sige na Bye.”

 

Umuwi ako na mabigat ding ang kalooban. Iniisip ko kasi ang kalagayan ni Elsa. Minsan ko rin naman siyang minahal. Naisip ko rin na kung pinilit niya ako ay papayag din akong magsama kami at pakasalan siya uli, pero alam din naman niyang lalong gugulo ang sitwasyon dahil na rin kay Ismael na walang kaalam-alam sa aming nagawang kasalanan.

Habang papalapit ako sa aming condo ay nagiisip na ako na isasagot sakaling magtanong siya. Naisip kong magsabi na lang ng totoo, pero naisip ko naman si Elsa na ayaw pang ipaalam sa kanila ang kalagayan.

Tahimik na, pero parang maliwanag pa sa sala. May liwanag pa kasi akong nakikita sa may ilalim ng pintuan. Ginamit ko na lang ang aking susi para hindi na siya bumangon pa at baka natutulog na. Hindi ko na siya aabalahin. Subalit pagpasok ko ay nasa sala pa siya at tila ako talaga ang hinihintay.

“Honey my love, gising ka pa pala. Akala ko ay tulog ka na kaya ginamit ko na lang ang susi ko at hindi na kumatok,” wika ko habang papalapit sa kanya para batiin ng isang halik sa labi.

“Si Kuya, alam mo naman na wala akong ganang kumain na hindi ka kasabay eh. Hinintay talaga kita. Hulaan mo ang ulam natin, Kaya lang ay malamig na.” masiglang tugon ni Mael. “Sandali lang at maghahain na ako.”

“Paborito ko iyon eh, naamoy ko na pagpasok ko pa lang, adobong liyempo hehehe. Tama?”  wika ko. Hindi ako nagpapahalata na may itinatago ako. Ineexpect ko na kaagad siyang magtatanong, pero cool lang siya. Naisip ko na baka hindi niya ako napansin at akala ko lang na nagtama ang aming paningin.

“Magpalit lang ako ng damit ha, sunod na ako,” paalam ko sandali

Alam kong tumatawag siya kanina at nag-text pa. Nakaisip ako ng idadahilan. “Honey my love, sorry ha, tumawag ka pala sa akin ng ilang beses at hindi ko nasagot, naka silent kasi ang phone ko.” Paghingi ko nang paumanhin at aking alibay. “Nag text ka rin pala.”

“Oo nga eh. Hindi ba naka vibrate ang phone mo kapag naka silent ka? Nasaan ka ba kanina?” Tanong niya.

Heto na, simula na nang interrogation. Magsasabi ako ng half truth and half lie, baka sakaling maniwala. “Nasa labas kasi ako, may tumawag sa akin at gusto akong kausapin. Gusto niyang doon kami mag-usap sa mall diyan malapit sa office namin,” Rason ko. Tatango-tango siya, parang hindi bilib sa dahilan ko.

“Sino iyon?” tanong niya uli. Inaya na niya akong kumain kaya naupo na ako Nilagyan na niya ko ng kanin at ulam sa aking pinggan.

“Kaibigan ko, nanghihiram sa akin ng pera. Buntis at wala raw siyang kapera-pera, magpapa-check-up daw bukas. Nagpabili pa nga sa akin ng damit pambuntis eh.” Dahilan ko.

Natigilan si Ismael, kumunot ang kanyang ulo at tila nag-iisip. Biniro ko na lang siya. “Hindi ka naniniwala ano, wala ka na yatang tiwala sa akin,” wika ko.

“Naku ha, nagtatanong lang naman ako, masama ba eh nagtataka lang ako dahil sa ngayon mo lang hindi sinagot ang call at text ko. Kung iyon ang totoo eh di  okay.” Medyo pikon niyang sagot.

“Pikon ka naman kaagad, joke lang. Alam ko naman na malaki na ang tiwala mo sa akin. Nagbago na ako, kita mo naman,” pang-aamo ko kay Mael.

“Bakit nga pala nanghiram sa iyo. Nasaan ang asawa niya? Yung ama ng bata?” Muli niyang tanong. Ang husay talaga nitong si Mael, pwede na ito sa NBI.

“Wala siyang asawa, nabuntis lang at hayun iniwan matapos malamang buntis, hindi na mahagilap pa. Naawa nga ako eh kaya pinahiram ko na lang. Limang libo at ibinigay ko na lang yung damit pambuntis.” Sabi ko.

Parang napaniwala ko naman siya. Kung may duda man ay siya lang ang nakaka-alam. Nakukunsensya na naman ako kaya hindi ako kaagad nakatulog samantalang mahimbing na si Ismael na natutulog na nakayakap sa akin.

-----o0o-----

Friday na at hinihintay ko ang tawag ni Elsa, pero wala siyang tawag. Hindi ko alam kung ano na ang kanyang binabalak. Gusto ko siyang tawagan, pero nagbago ang aking isip. Baka mag-aya pang makipagkita ay hindi ako pwede. Sinabihan kasi ako ni Mael na umuwi ng maaga dahil ipagluluto daw niya ako ng masarap na dinner.

Pagdating ng alas singko ay kaagad na akong gumayak ng uwi. 6:00 na ako nakarating dahil sa na-traffic ako. Bwisit talagang traffic. Pagdating ko ay abala nga si Mael na naghahanda ng lulutuin. Relyenong bangus daw at beef broccoli ang lulutuin niya, pareho kong paborito. Masarap kasi siyang mag-relyeno.

“Honey my love, bundat na naman ako niyan. Alam mo ba na tumaas ang timgang ko ng 5 lbs. Lumalaki na ang asawa mo hehehe.”

“Gusto ko talagang lumaki ka para wala ng sino mang magkagusto sa iyo.”

“Eh ikaw, paano ko itataboy ang mga nagkakagusto sa iyo,” balik ko sa kanya.

“Sus! Hindi ko naman sila papansinin. Siyanga pala, tumawag si Ate Estela sa akin at inaaya akong umuwi kami sa probinsya, birthday kasi ni Mama sa isang Sabado. Syempre kasama kita.”

“Ganun ba?” sabi ko. “Kaya pala.” Wika ko sa sarili.

“Ang alin?” talas naman talaga ng tenga nitong honey ko, bulong na nadinig pa “Ah eh, sabi ko ay bili tayo ng ireregalo sa kanya.”

“Ano kayang magandang iregalo sa kanya?” taas noong tanong ni Mael.

“Maganda siguro kung apo ang iregalo natin sa kanya.” Wika kong nagbibiro.

“Gagi! Sana nga mabigyan natin siya ng apo. Paano kaya ano. Mahal naman kasi ang humanap ng surrogate mother.”

“Pwede ano. Dapat kambal, semilya ko at iyo para pareho tayong may anak hahaha.”

“Mag-ipon ka ng milyones.” Wika naman niya.

-----o0o-----

Byernes, paglabas namin ng opisina ay dumiretso na kami ni Honey my love ko sa kanilang probinsya. Alam naman ng kanyang Mama na pauwi kami at maghahanda na raw siya para sa aming hapunan. Nang dumating na kami ay naroon na si Elsa. Masaya kaming sinalubong ni Mama.

“Happy Birthday Mama,” pagbati ko sa aking biyenan. “Elsa! Kumusta,” alangan kong bati sa dati kong asawa.

“’Ma, happy birhtday, May regalo kami sa iyo, sana ay magustuhan mo hehehe,” bati ni Ismael sa kanyang ina.

“Lahat naman ng ibinibigay ninyo sa akin ay pinahahalagahan ko,” sabi naman ni Mama.

“’Yan ang Mama ko, kaya naman mahal na mahal ko uhmmm tsup.” Sabi ni Ismael na may lambing pang halik. Napabaling naman siya kay Elsa. “Ate, ang taba mo. Para kang bunits. Hindi kaya buntis ka?” pansin ni Ismael sa nakatatandang kapatid.

“Kapag tumaba ba ay buntis na?” sagot naman ni Elsa.

“Iba kasi ang taba mo ate eh, Pati suso mo ay lumaki.” Si Ismael at talagang parang ipinipilit na buntis ang kapatid. Kung sabagay ay totoo naman.

“Naku anak, ano bang alam mo sa pagbubuntis? Baka naman buntis ka o si Nick. Ay naku. Magpahinga muna kayo. Doon ka sa dati mong silid Mael at aasikasuhin ko lang itong pinaluluto ko para sa hapunan natin,” sabi ni Mama.

Sa madaling salita ay nakapag-hapunan na kami. Masaya kaming nagkukuwentuhan sa sala habang kami ay umiinom ng beer ni Mael. Walang katapusan tawanan at kulitan. Medyo nakaramdam na ng antok si Mama at nagsabing magpapahinga na raw siya at aasikasuhin pa ang handaan bukas. Patayo na siya ng pigilan ni Elsa.

“’Ma, pwede bang konting oras pa. Gusto ko kasi kayong makausap.” Medyo madramang wika ni Elsa. Nagulat ako, wala siyang sinasabi sa akin na ngayon siya magtatapat, usapan kasi namin na ipaalam sa akin para makapaghanda ako ng irarason.

“Ma, tama si Mael, buntis po ako.” Ang maiiyak na wika ni Elsa.

“Ha! Paano nangyari. Anak naman. Sino ang ama ng batang dinadala mo?’ usisa ni Mama.

Hindi ko gustong ibigay lahat ng sisi kay Elsa, may parte ako sa kalagayan niya ngayon. “Ako po!” wika ko na nakatungo at hindi makatingin kay Ismael.

Lahat sila ay sa akin nakatutok ang paningin, nanunuti, hindi makapag salita. Nakita kong tumulo ang luha ni Ismael, Nilapitan ko siya para yakapin at makahingi ng tawad, ngunit ipiniksi lang niya ang kanyang balikat at lumayo sa akin. Sobra akong nasaktan, pero dahil sa kasalanan ko ay handa kong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon nila.

Mahabang paliwanagan ang kasunod. Inamin lahat ni Elsa ang kanyang plano, ang may mangyari sa aming sekswal at kung magbunga ay maari akong pilitin na pakasalan uli siya.

“Maniwala ka Mael, hindi ko alam na may relasyon na kayo nang mangyaru iyon, nasabi ko naman sa inyo ang pagnanasa kong magsama kami at sa paraan lang iyon ko siya mapipilit na pakisamahan ako, patawarin mo sana ako,”Pagsusumamo ni Elsa.

“Hindi ko tinatalikuran ang aking obligasyon Mama, kaya nga regular kaming nagkikita, naguusap sa phone para malaman ko ang kanyang kalagayan. Sinabi ko sa kanya na handa akong makisama sa kanya at iwan si Mael, pero sinabi ko rin na hindi kami liligaya pareho dahil may iba na akong mahal at si Mael nga iyon,” wika ko.

“Tama ang sinabi niya Mael, Mama. Mahal na mahal ni Nick si Mael at hindi ko rin nanaisin na tatlo kaming magdudusa sa pagkakamaling ito. Binalak ko talagang ipalaglag, pero tutul na tutol si Nick, pakikisamahan daw ako at handa siyang magsakripisyo alang-alang sa bata. Pero alam kong sisirain ko lang ang buhay naming tatlo at hindi ko gustong madamay ang magiging anak ko.” Sabi ni Elsa.

Marami pa kaming pinag-usapan, ayaw magsalita ni Mael, iyak lang ng iyak. Ganon din si Mama na walang masabi at kami na lang daw ang magpasya. Sa huli ay nagsalita na rin si Mael.

“Ate, masakit sa akin kasi niloko ako ninyo. Bakit hindi ninyo kaagad sinabi sa amin nang napag-usapan kaagad. Ate masakit man ay magpaparaya ako para sa bata. Hindi ko gustong lumakit ang aking pamangkin na walang kikilalaning ama. Binibigyang laya ko na si Kuya Nick. Magpakasal uli kayo nang mabigyan ng pangalan ang bata. Kayo naman talaga ang nababagay at hindi kami dahil sa pareho kaming lalaki.” Wika ni Mael.

“Hindi Mael. May naging kasintahan akong taga Canada at pakakasalan daw niya ako pagpunta niya ng Pilipinas, may inaayos pa lang daw siya importante sa kanyang negosyo. Ang alam niya ay dalaga pa ako kaya ang aking balak ay ibibigay ko kay Nick ang karapatan sa bata, palalakihin niya pero mananatili pa rin ako ang ina. Bahala na kung malaman man ng aking katipan ang totoo dahil ipagtatapat ko rin sa kanya ang totoo.

Mahaba pang drama at diskusyon ang naganap, sa huli ay nagkaunawaan at nagkapatawaran naman kami.

Naging masaya ang selebrasyon ng birthday ng aking biyenan. Excited na at magiging lola na raw siya. Lalaking maraming magmamahal sa aking anak, sigurado ako.

-----o0o-----

Nanganak na si Elsa at Naroon si Philip, ang Canadian na kasintahan niya, dumating siya isang linggo bago manganak si Elsa, ipinakitang mahal na mahal niya ang kasintahan. Handa raw niyang ibigay ang kanyang pangalan sa bata at ariing kanyang tunay na anak, pero pinaliwanag naman rito na sa ama mapupunta ang bata. Okay daw naman kay Philip basta siya ang gagawing ninong at siya pa ang nagbigay ng pangalan sa bata, Stephen. Iyon daw sana ang ipapangalan niya sa bata.

Masaya ang binyagan dahil tatlo ang ninong ni Sgephen, si Philip, si Zion at si Caloy. Ang mga ninang naman ay mga kaibigan ni Elsa.

Kasunod ng binyag ay ang kasal naman nina Elsa at Philip. Masayang masaya ang bagong kasal at gagawa raw sila ng maraming Stephen. Lumipad na rin sila pa Canada pagkaraan ng isang buwan.

-----o0o-----

“Honey my love, tulog na tayo,” yaya ko sa honey ko.

“Sandali lang naman. Bakit ka ba nagmamadli?” tugon ni Mael.

“Alam mo naman na hindi ako makatulog ng hindi ka katabi eh. Bilisan mo na kasi. Ano pa ba ang ginagawa mo.”

“Inaayos ko muna ang mga bote ni Stephen. Eto at matatapos na.”

Nahiga na si Mael sa tabi ko. Kaagad ko naman siyang niyakap. “Naalala mo ba yung sinabi mong iregalo natin sa mama dati?” tanong ni Mael.

“Oo naman, sabi ko ay bigyan nating ng apo hehehe.” Tugon ko.

“Bakit mo sinabi iyon, prineprepara mo ang isip ko ano. Kinokondisyon mo ang utak ko dahil sa totoo ang sinabi mo. Umamin ka.” Wika ni Mael.

“Hehehe. Ang totoo? Oo dahil sa may usapan na kami ni Elsa at alam ko na rin ang tungkol kay Philip. Alam mo, swerte nga natin dahil may anak na tayo ngayon. Alam mo ba na kung hindi natanggap ni Philip na manganganak na siya ay hindi sa atin mapupunta si Stepen, palalakihin daw niyang mag-isa. Kasi ang pakilala dati ni Elsa rito ay dalaga pa siya. Mabuti na lang at nagtapat si Elsa at maganda naman ang naging resulta. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging tapat ano hehehe.”

“Tapat daw! Hindi mo nga kaagad sinabi sa amin.”

Ang aming usapan at lambingan ay natuloy sa romansahan.

“Ahhhhhhhhhh honey my love malapit na ako bilisan mo na uhmmmmm.” Ungol ko. Sinasalubong ko na ang bawat baba at taas ni Mael sa aking kandungan. Malapit na malapit na ako ng biglang umiyak ng malakas si Stephen. Biglang tayo ni Mael at pinuntahan sa kuna si Baby.

“Honey my love, tapusin muna natin ito!” Pagmamaktol ko.

“Sandali lang, basa ang diaper ni Baby, saka gutom na yata. Bumangon ka nga muna at magtimpla ng gatas.” Sigaw ni Mael.

“Haaaayyyyyyyy bitin!

 

 

 

---The End---

 

3 komento:

  1. Nice ending author.. thank you!

    TumugonBurahin
  2. love it..salamat sa kwento..inaabangan ko talaga

    TumugonBurahin
  3. Medyo bitin, feeling ko rush pero okay na din at happy ending. Sinubaybayan ko tlga to

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...