Ang Dati Kong Bayaw (Part 8)
Nick
Inalok ako ng masahe ni Ismael, dahil sa
nakakarelax siyang magmasahe ay tinanggap ko ang kanyang alok. Sa sala lang
kami habang nanonood ng palabas sa TV at sa isang monoblock lang ako nakaupo.
Pagkalapat na pagkalapat ng kanyang palad sa aking likuran ay nakapagtatakang
tinigasan ako kaagad. Pasalamat na lang ako at nasa likoran ko siya at hindi
niya makikita ang paglobo ng aking harapan.
Habang minamasahe niya ako ay sa halip na
ma-relax ay tensyonado ako iba kasi ang nararamdaman ko dahil naisip ko sila ng
kaibigan kong si Caloy. Natatakot akong magkaunawaan sila. Ayaw kong
mapakay-Caloy si Ismaed dahil gusto ko ay akin lang siya. Mahal ko si Ismael,
ngunit tila huli na ang lahat dahil sa ilang beses niyang pagkahuli na kasama
ko si Zion sa isang hindi magandang sitwasyon.
May nabuong plano sa aking isipan at kailangan
kong isakatuparan ngayon. “Ismael, masama bang maligo kapag bagong masahe?”
tanong ko.
“Sa pagkaalam ko ay masama kasi daw ay kapag
nabasa ang katawan ay nakakalamig sa katawan at yung init habang minamasahe ay
nakokontra kaya bale wala lang ang masahe dahil baka lalo pang sumakit ang mga
kasu-kasuan.” Tugon ni Ismael.
“Kasisimula pa lang naman natin, maliligo na muna
ako, hindi pa kasi ako naliligo,” rason ko. “Mamaya mo na lang ituloy,” dagdag
ko pa sabay baba ng aking boxer at brief. Alam kong hindi siya makatitiis na
hindi sulyapan ang aking katawan, alam ko naman na noon ay pinagmamasdan niya
ako kapag naka-hubad.
“Bayaw, pakikuha naman ng twalya ha iabot mo na
lang sa akin sa banyo” pakiusap ko, sabay talikod at naglakad papalayo.
Napangiti ako sa naging reaksyon ni Ismael, parang lumuwa ang mata at alam kong
sinundan pa ako ng tingin habang naglalakad patungong banyo. Alam kong madali
ko siyang matutukso
Pagkatapos kong maligo ay hubo at hubad din akong
lumabas habang tinutuyo ang aking buhok. Dati ko na namang ginagawa na maglakad
ng hubo at hubad kung kaming mag-asawa lang ang nasa bahay. Minsan ko na rin
nagawa iyon na naroon si Ismael, pero hindi ko sinasadya, hindi tulad ngayon na
planado ko para tuksuhin si Ismael.
Gaya na inaasahan ko ay napanganga si Ismael
pagkakita sa aking hubad na katawan, lalo na at medyo tigas ang aking burat at
tatawing-tawing habang naglalakad ako.
“O, ano at para kang nakakita ng multo, pareho
lang naman tayong lalaki at tayo lang naman ang narito,” wika ko.
“Pero kuya, hindi ako komportable.”
“Ay doon na tayo sa silid ko at doon na ako
magbibihis. Halika na.” Hinawakan ko siya sa wrist at hinatak na papasok sa
silid, sinadya ko pang isagi sa aking tuluyan nang tumigas na tarugo ang
kanyang kamay.
Kaagad na akong nahiga sa aking kama, patihaya
kaya kitang kita niya ang aking naninigas na tarugo. Kitang kita ko ang
pagkatakam ni Ismael. Hindi niya maipagkakaila na tinatablan siya ng libog
dahil sa biglang pag-umbok ng kanyang harapan. Naniniwala ako na hindi
maglalaon ay susunggaban na niya ang aking panunukso. Ang hindi ko lang
sigurado ay kung magiging kami na pagkatapos o panglunas lang para matighaw ang
init na ako ang may gawa.
“Kuya naman, mag-brief ka naman!” utos ni Ismael.
“Eh ibaba mo rin naman ng konti, huwag na lang,
baka malangisan pa hehehe.” Tugon ko.
“Ikaw na nga ang bahala. Dapa ka muna at
tatapusin ko ang masahe sa likoran mo,” utos niya.
Dumapa naman ako. Magaling talagang magmasahe si
Ismael, napakagaan ng kamay at ang sarap humagod sa aking laman. Habang
minamasahe ay kung ano-ano ang nasa aking isipan. Gusto ko na talagang maka-sex
si Bayaw.
Hindi naman bago sa aking ang pakikipagtalik sa
kapwa ko lalaki. Bata pa ako ng unang makatikim ng tsupa sa aking kaklase. Ang
gusto ko lang naman noon ay maramdaman, ma-experience, matamasa ang sinasabi
nilang pagsapit sa sukdulan na akin naman napagtagumpayan. Pero iba sa ngayon,
gusto kong maranasan ang pakikipagtalik sa kapwa ko lalake na may pagmamahal at
malaman ko rin ang kaibahan sa pakikipagtalik na ang tanging layunin ay
makaraos lamang. Parehong may sarap, alam ko, pero gaano ba kasarap.
Mukhang magtatagumpay na ako, pinatihaya na niya
uli ako, ibig sabihin ay ang harap na bahagi na ang kanyang mamasahihin.
Sinimulan niya sa aking dibdib. Naupo muna siya sa may pinaka-taas na parte ng
aking hita, tumatama sa harapan naman niya ang matigas kong tarugo na hindi
naman niya pinapansin. Nagsimula na niyang harugin ang aking dibdib. Ang sarap.
Hindi ko na nakayanan pa, hinatak ko na siya kaya napadapa siya ng husto at
halos magdikit ang aming mukha.
Tinuluyan ko na siya, niyakap ko siya ng mahigpit
saka ko hinalikan ang kanyang labi. Hindi naman siya tumanggi, bagkos ay
lumaban siya ng halikan sa akin. Nagtapat na ako sa kanya ng aking saloobin.
“Mahal kita bayaw Ismael, mahal na mahal at gusto kong ikaw ang aking makasama
hanggang sa aking pagtanda.” Bulong ko sa kanya.
“Mahal din kita Kuya, matagal na, dangat hindi
pwede dahil sa asawa ka ng kapatid ko.”
“Malaya na ako kaya pwede na ang ating
pagmamahalan.”
“Pero paano si Zion. Masasaktan mo siya, mahal na
mahal ka niya.”
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ismael. “Naawa
ako rito, pero ano ang magagawa ko. Hindi ko siya mahal ikaw ang mahal ko.”
“Mga taksil!”
Sunod sunod na putok ng baril ang bumingi sa akin
kasunod ang katahimikan. Wala na akong alam sa sumunod na pangyayari.
“Huh! Anong nangyari?” wika ko. Gulo ang aking
isipan, kinakapa ko ang aking katawan, hinahanap ko ang tama ng baril sa aking
dibdib, wala at wala ring dugo. Buhay pa ako. Hinanap ko kaagad si Ismael pero
wala siya. Naupo ako at matamang nag-isip. Maya-maya ay luminaw na ang aking
isipan. Napamura ako nang mapagtanto ko na nanaginip pala ako. Wala na si
Ismael. May note na nakadikit sa mesa. “Kuya, umuwi na ako. Ikaw na ang bahala
sa ibang damit mo na nakasampay. Hindi na kita ginising. Salamat.”
Nalukot ko ang papel at naibato sa malayo. “Bakit
ko siya tinulugan. Bulilyaso ang plano ko tangina!” galit kong wika sa sarili.
Bagong gising lang ako pero mainit ang king ulo. Bwisit talaga.
-----o0o-----
Ismael
Nasaktan na naman ako. Bakit ba nasasaktan ako
kapag nakikita ko si Kuya sa piling ng iba. Parang hindi ko na kaya. Siguro ay
kailangan ko na talaga siyang kalimutan. Siguro ay hindi kami para sa isa’t
isa. Bagay naman sila ni Zion. Hindi man niya aminin ay alam kong may unawaan
na sila.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako
tinutukso. Ano kaya ang ibig niyang patunayan sa sarili. Iniisip ba niyang ako
ang gantihan? Dapat bang mag-isip ako ng hindi maganda? Kung may relasyon na
sila ni Zion ay bakit kailangan pa niyang gawin na akitin ako?
Noon pa niya ginagawa sa akin ang akitin, ilang
beses ba siyang magpakita ng kanyang hubad na katawan sa akin. Kung hindi ko
lang siya kuya ay siguradong pinatulan ko na siya.
Naisip ko si Engr. Caloy, alam kong may saloobin
siya sa akin. Siguro ay ibabaling ko na lang sa kanya ang aking pagtingin
sakaling magtapat na siya sa akin.
Marami pa akong naisip at isa sa aking naisip ay
ang isoli na ang kopya ng susi ng kanyang condo para bigyan na siya ng
kumpletong privacy. Kung patuloy akong basta na lang papasok ng kanyang condo
ay baka, kung ano na naman ang aking madatnan at ikagalit na niya. Mabuting hindi
ko na paabutin pa sa ganoong sitwasyon. Tatawagan ko na lang siya.
-----o0o-----
Lunes na naman. Maaga pa ay sinabihan na ako
kaagad ni Engr. Caloy na pupunta kami sa isang project namin sa Clarck, balikan
daw naman kami. First time ko na pumunta sa project namin doon, ipinakilala ako
ni Engr. sa mga officemate namin na based doon. Isinama niya ako sa meeting
nila para daw ma-familiarize ako dahil sa susunod daw ay ako na ang ipadadala
roon. Malakihang project daw iyon na tatagal ng mahigit na dalawang taon.
Alas kwatro na kami umalis ng office doon, pero
bago kami umuwi pa Manila ay dumaan muna kami ng simbahan. Hindi ko akalain na
doon mismo sa loob ng simbahan siya magtapat ng hangarin sa akin. Hindi ako
kaagad nakasagot. Naalala ko ang aking nasa-isip noon na sakaling formal siyang
magtapat sa akin ng kanyang pagmamahal aty susubukan kong makipag-relasyon,
pero nitong magtapat na ay parang hindi pa ako handa.
“Engr. Caloy, wala pa akong karanasan sa ganitong
relasyon, ayaw ko ng commitment.. Alam mo naman na hindi pa ako nakaka-kuha ng
board. Pwede bang maghintay ka muna sa akin hanggang hindi pa ako nakakapasa.
Hindi ko nga alam kung maipapasa ko ang aking probationary status.”
“Ibig bang sabihin ay may pag-asa ako?” tanong ni
Engr.
“Basta, maghintay ka. Magkaibigan muna tayo.”
“Pero, pwede din kitang ayain paminsan-minsan,
friendly date, yung tulad ng ginawa natin dati, manood ng sine, kain sa labas,
pasyal. Hindi gaya nitong trabaho lang tayo nagkakasama.”
“Oo naman, Libre ka namang makapunta sa bahay
kahit kelan mo gusto.”
“Papayag kang ihatid kita araw-araw?”
“Baka naman mapagod kang masyado. Ikaw, nasa iyo
iyon.”
Nakitaan ko ng sigla si Engr. Feel ko na totoo
ang lahat nang sinasabi niyang nararamdaman sa akin.
Alas singko na ng hapon kami nakaalis ng
Pampangga at mag-8 na ng gabi kami dumating, inihatid pa niya ako sa aking
apartment. Napansin ko na may isang sasakyan na naka-park malapit sa aking
unit, nakilala kong kay Kuya Nick iyon.
“Kay Kuya Nick ‘yung kotseng iyon ah, bakit
kaya,” wika ko sa aking sarili. Halos sa likod ng kotse ni Kuya huminto si
Engr.
“Hindi na ako bababa ha, alam kong pagod ka na
rin, magpahinga ka na lang. Kita tayo bukas ha,” wika ni Engr. Caloy.
Bumaba na ako sa kotse ni Engr. Hinintay ko muna
siyang maka-alis bago ko pinuntahan ang kotse ni Kuya. Ewan ko kung alam ni
Engr. na kay Kuya ang kotseng iyon kaya hindi na ito bumaba.
Walang tao sa kotse. Nasaan kaya iyon. Sinilip
kong mabuti ang loob ng kotse, baka kako nakatulog sa paghihintay sa akin,
wala. Pumasok na ko. Pagbukas ko ng gate ay naroon siya, naka-upo sa semento na
nakasandal sa pader, nakatulog na nga.
“Kuya Nick, gising na. Bakit ka natulog diyan?”
Tinatapik ko siya na may konting yugyog. Nagising naman.
“Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing? Kanina
pa ako tawag ng tawag sa iyo ah, bakit patay ang cell phone mo? Kanina pa rin
ako dito, nakatulog na nga ako sa paghihintay sa iyo. Pinag-aalala mo ako pati
na si Mommy.” Sunod-sunod na tanong ni Kuya Nick.
Kaagad kong tiningnan ang cell phone ko,
naka-patay iyon. Na drain na siguro ang battery. Hindi ko kasi na-charge kagabi
at wala naman akong dalang charger. Kuya, sorry. Na drain na pala ang battery
ng CP ko. Tayo munang pumasok sa loob,” paliwanag ko sa kanya sabay yaya sa
kanyang pumasok na sa loob.
“Kumain ka na ba Kuya? Galing kaming Clarck.
Isinama ako ni Engr. Caloy para bisitahin ang isang project namin doon. Tapos
ay dumaan pa kami sa simbahan doon at kumain ng hapunan kaya kami ginabi,”
paliwanag ko. “Bakit nag-aalala si Mommy?” tanong ko naman.
“Tinatawagan ka raw at may itatanong lang, eh
hindi ka raw makontak. Ilang beses ka raw tinawagan e. Nag-aalala na kaya ako
ang tinawagan at pinapatingnan ka na dito sa apartment. Baka daw kung ano nang
nangyari sa iyo. Tinawagan din kita pero patay ang CP mo kaya napasugod na ako
dito, kaso wala ka naman. Tawagan mo kaagad si Mommy at kanina pa tawag ng
tawag sa akin at nagtatanong kung nakausap na raw kita.”
“Oo kuya, mag-charge lang ako. Kumain ka na ba,
ipag-luto kita kahit na corned beef na lang. Magsasaing na pati ako.”
“Hindi pa ng eh, sige nga at gutom na rin ako.
Miss ko na ang luto mo eh. Matanong nga kita Ismael, ano na ba kayo ng engineer
na iyon?” usisa ni Kuya Nick.
“Eh wala pa naman kuya, pero kanina, sa simbahan
ay nagtapat na siya sa akin.”
“Anong sagot mo?”
“Eh sabi kong kung makapag-hihintay siya. Gusto
ko kasing kumuha muna ng exam at makapasa bago ako makipag-relasyon. Maghihintay
daw siya pero patuloy akong liligawan.”
“May nadarama ka ba kahit konting pagtingin sa
kanya?”
“Alam mo kuya, kung pasado na ako eh baka sinagot
ko na siya. Mabait naman siya, maalalahanin, masayahin at higit sa lahat gwapo
hehehe.”
“Naku Ismael ha! Hindi porket gwapo ang isang
lalaki ay mapagkakatiwalaan na. Kilalanim mo muna ng husto, baka sa bandang
huli ay ikaw rin ang iiyak at magsisisi.”
“Oo naman kuya. Kayo ni Zion, ano na ang status
ninyo?”
“Ano mang pilit kong mahalin din siya ay wala eh.
Talagang hindi ko yata pwedeng turuan ang puso kong mahalin siya. May iba kasi
akong mahal, kaya lang ay hindi naman ako mahal.”
“Pero kuya, hindi ba’t….”
“Huwag mo nang ituloy, alam ko ang tinatakbo ng
isipan mo. Tama ka, ilang beses na kaming nagsiping. Dahil sa gusto ko lang
siyang pagbigyan, naawa ako at isa pa, kailangan ko rin ng sex.”
Hindi na ako sumagot. Naisip ko na bakit hindi na
lang sa akin siya nakipagtalik. Nagagawa naman pala niyang makipagtalik sa
taong hindi niya mahal, eh bakit hindi niya magawa sa akin. Nakatitig lang ako
sa kanya habang kunang ano-ano ang naiisip ko
“Bakit ganyan ang titig mo sa akin? May dumi ba
ako sa mukha?” puna ni Kuya.
“Ha! Wala kuya. Napansin ko kasing lalo ka yatang
gumugwapo. Hindi kaya dahil iyan kay Zion. Kuya, bagay naman kayo, bakit hindi
mo subukan na makipagrelasyon sa kanya, pareho kayong magagandang lalaki, my
magandang pangangatawan.”
“Ewan natin, anong malay mo, baka bukas makalawa
ay maging kami din.”
Nakaluto na ako, inahinan ko na siya para
makakain na. Sinabayan ko pa at kumain din ako kahit konti. Pagkakain ay nag-paalam
na rin siya.
-----o0o-----
Naging madalas ang pag punta-punta ni Kuya sa
aking tinitirhan tuwing hapon, halos gabi-gabi ay nasa bahay siya at doon na
minsan kumakain.
Naging madalas din ang paghahatid sa akin ni
Engr. Caloy sa bahay at minsan ay nagpapang-abot pa sila ni Kuya. Dahil sa
magkaibigan naman sila ay kung minsan ay doon na sila umiinom, beer lang naman
at konti lang.
Minsan ay nadinig ko ang pinag-uusapan nila. Nasa
kusina ako at nagluluto ng aming hapunan. Maliit lang naman ang apartment kaya
kahit mahina lang ang usapan ay nadidinig ko pa rin.
“Pare, kumusta ang panliligaw, may pag-asa ba?”
tanong ni Kuya Nick.
“Pare, palagay ko ay malaki ang aking pag-asa.
Nakikita ko naman sa kilos niya. Iginagalang ko lang naman ang kanyang hiling
na makapasa muna sa board. Sa susunod na buwan ay mag-eenroll na siya sa
review. Sabado at Lingo daw ang kanyang schedule. Ikaw Pare, nami-miss mo din
ba si Ismael?” tanong ni Engr. Caloy.
“Oo naman, matagal din kasi kaming nagkasama sa
iisang bubong. Saka ibinilin siya sa akin ni Mommy, yung biyenan ko dati, kaya
inaalam ko ang lagay niya. Saka Pare, mahal ko ang bayaw kong iyan, huwag na
huwag mong paiiyakin ang bayaw ko at tayo ang magkaka-bangga.”
“Bakit ko naman siya paiiyakin,” wika naman ni
Engr.
Nahinto lang sila sa pag-uusap ng tawagin ko na
sila para kumain. Nakakatuwa lang sa dalawang ito, ang sarap nilang kumain.
Nakakatuwa silang ipagluto, parang gustong-gusto nila ang luto ko kaya
nakaka-gana na ipagluto sila. Taob na naman ang aking kaldero hehehe.
Pagkakain ay nagpahinga lang sila ng konti.
Naunang umalis si Kuya. Narinig ko kasing tumawag sa kanya si Zion kaya siguro
nagmamadaling umalis. Kaagad din naman sunod na umalis si Engr.
-----o0o-----
Isang linggo, bago ako pumasok sa review studies
ko ay nagtungo ako kay Kuya Nick sa condo para labhan ang mga mabibigat na
labahin. Baka kasi matagalan na bago uli ako makapag-laba, siguradong maiipon
ang mga labahing mabibigat.
Tuloy-tuloy na ako sa kanyang unit gamit ang akin
susi. Tahimik sa loob, parang walang tao. Medyo magulo ang sala at parang hindi
na naglilinis pa si Kuya. Tinungo ko ang kanyang silid. Wala si Kuya roon at
hindi man lang naayos ang hinigan. Nakabalumbon lang ang kumot at sobrang magulo
ang kubre kama. Nagkalat ang mga hinubad na damit, isa-isa kong pinulot.
Napansin ko na may damit roon na tila hindi kay Kuya dahil sa parang maliit
para kay kuya. May brief din na nakakalat at dalawang twalya na tila kagagamit
lang. Inipon ko iyon sa isang lalagyan para malabhan na rin. Isinama ko na ang
kubre kama, punda at kumot.
Nagsalang muna ako ng lalabhan bago bumalik sa
silid ni Kuya para maglinis ng konti. Katatapos ko lang linisin ang silid ni
Kuya, palabas na ako nang siya namang pagbukas ng pintuan. Dumating na si Kuya.
---Itutuloy---
Sayang naman. Akala ko talaga totoo na pero puro panaginip lang si Ismael at Kuya. Hehehe
TumugonBurahinNaiinis p din ako kay nick..puro zion ang bukambibig
TumugonBurahin