Huwebes, Hulyo 27, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 22) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 22)

By: Firemaker JD

"Babe, ihahatid kita sa inyo ha," si Mac matapos maayos ang suot na uniporme.

"Sige po, kung gusto nyo po," sagot ni Jude sabay plantsa ng uniporme ng nobyo gamit ang kanyang kamay.

"I miss you, babe," si Mac sabay halik sa labi ni Jude. Nagulat si Jude sa mabilis na pagnakaw ng halik ng kasintahan. Kinilig siya, oo.

"Babe!" ang tanging nasabi ni Jude sa nobyo.

"Let's go, breakfast tayo," si Mac sabay hablot sa kamay ng kasintahan. Muling tumibok ang puso ni Jude para sa kanyang nobyo. Mahal niya si Mac. Sigurado siya duon.

-----o0o-----

"Babe, in two weeks, Christmas break na natin. Ano na plano mo?" tanong ni Mac sa kanyang nobyong si Jude. Maaga pa sila para sa kanilang klase kung kaya nag-almusal muna sila sa cafe na malapit sa kanilang paaralan.

"Baka kina Tita na lang ako magpa-Pasko. Tutal wala pa naman akong isang taon dito sa Manila. Baka next year, umuwi ako sa Bicol," sagot ni Jude habang hinihiwa ang pancake na inorder. "Ipapadala ko nalang kina Nanay yung perang naipon ko. For sure, mas makakatulong pa iyon sa kanila ni Tatay kesa ipamasahe ko pauwi sa amin," dagdag pa ni Jude sabay subo sa pancake.

Natahimik si Jude dahil pumasok sa kanyang isipan ang kanyang pamilya na naiwan sa probinsya. Alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin para lamang sa kanyang magulang at mga kapatid.

"Babe, natahimik ka na dyan," puna ni Mac sa kanyang nobyo. Napangiti si Jude nang iangat niya ang kanyang paningin sa gwapong mukha ni Mac.

"Wala ito, babe. Namiss ko lang sila. Pero para rin naman sa kanila ito," sagot ni Jude sa kasintahan. Lumipat ng upuan si Mac na mas malapit sa nobyo. Hinawakan ni Mac ang mga pisngi ni Jude, pinisil iyon.

"Bakit ang gwapo mo, babe?" nagbibirong tanong ni Mac. Irap lamang ang ginanti ni Jude at tinuloy na lamang ang kanyang almusal.

Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain nang marinig ng dalawa ang tinig ng isang babae na tumawag sa kanilang mga pangalan. "Mac! Jude!" tiling bati ni Amanda sa dalawa. Masayang sinalubong naman ng dalawang binata ang kaibigang babae.

"Oh Amanda? Ang aga mo yata," bati ni Mac sabay halik sa pisngi ng dalaga. Sumunod na bumeso si Jude.

Napakaganda talaga ni Amanda sa suot nitong uniporme. White na blouse at fitted na itim na palda. Tourism ang course ni Amanda dahil plano nitong mag-flight attendant. Matangkad si Amanda para isang typical na Filipina. Medyo singkit ang mga mata nito. May pagkatambok ang pisngi at ang mga ngiti nito ay napakaganda. Binagayan kasi ito ng mapupulang labi at maputing ngipin. Hindi kaputian si Amanda pero pantay ang kulay ng balat, mas maputi kaysa sa morena. Ang kurba ng katawan ay tiyak na nakakapangakit sa mga kalalakihan. Hindi ganuon kapayat si Amanda, may laman din na makukurot.

"Si Ace kasi gusto akong kausapin. Eh, naisip ko why not magbreakfast na lang kami," sagot ni Amanda sabay upo sa lamesa ng dalawa.

"Si Ace?" sabi ni Jude. Biglang tumalbog ang puso ni Jude nang marinig ang pangalan ng binata. Ramdam ni Jude ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Iba talaga ang epekto ni Ace sa kanyang katawan.

"Yes. May importante nga daw siyang sasabihin. Exciting! I love surprises pa naman," kinikilig na kwento pa ni Amanda. Naningkit tuloy ang mga mata ni Amanda dahil sa pagngiti.

"Nasaan na daw siya?" tanong ni Mac sa kaibigan.

"The last message is on his way na raw. Anyways, iwan ko na kayo dito and I'll look for a table na rin for us," sagot ni Amanda sabay tayo mula sa pwesto ng dalawang binata. Medyo dumarami na rin kasi ang mga pumapasok na estudyante sa cafe na iyon. Sa bandang dulo pumwesto si Amanda ngunit tanaw pa rin ni Jude ang mesang napili ng dalaga.

"Babe, bilisan na natin kumain. May dadaanan pa ako sa library," alibay ni Jude sa nobyo. Ang totoo ay ayaw niyang maabutan si Ace.

"Okay babe, ubusin ko lang ito," sagot ni Mac na patuloy pa rin sa pagkain ng almusal.

Ngunit mukhang mabibigo si Jude sa kanyang plano dahil mula sa labas ng cafe ay nagpark ang isang motorsiklo. Lulan ay isang matipunong binata na naka-leather na jacket at puting pantalon. Kahit na suot pa ang pulang helmet ay halatang napakagwapo ng may suoto. Alam na niya na si Ace ang sakay ng motorsiklong iyon. Biglang bumagal ang paligid sa paningin ni Jude nang panuorin niyang bumaba si Ace sa kanyang motor. Para bang nasa pelikula lang sila. Ramdam niya ang pagdagundong ng kanyang puso, mabilis ang pagtibok niyon.

Tila naman slow motion ang pagtanggal ni Ace sa kanyang helmet. Nagpahid pa siya ng pawis sa noo nang matanggal na ang helmet. Napanganga lalo si Jude at hindi natuloy ang pagsubo nito sa kanyang kinakain.

"Babe?" nagtatakang tanong ni Mac nang mapansin niyang nakatulala si Jude. Hindi kasi nito natuloy ang pagsubo sa kinakain. "Babe?" ulit ni Mac sabay ang pag-alog sa balikat nito. "Are you okay?" natatawang sabi ni Mac sa kasintahan.

Natawa si Jude nahuli siya ni Mac na nakatulala sa pagdating ni Ace. "Ah eh. Yeah. May sumagi lang sa isip ko," natatawang sagot ni Jude sabay subo sa matamis na pancake.

"Pre.." bati ni Ace nang makita niya si Mac na naruon. Tumayo naman si Mac upang batiin ang kabarkada. "Hey Jude," bati rin rin sa binata.

Nasamid si Jude nang marinig ang boses ni Ace. Nilunok niya kasi agad ang pancake na sinubo at sumabit sa kanyang lalamunan. Napaubo siya at agad na kinuha ang malamig na tubig.

"Ba... Jude, okay ka lang?" alalang tanong ni Mac sa kasintahan.

Tumango si Jude sa kanyang nobyo matapos uminom. Nahimasmasan na siya at agad na hinarap si Ace. "Good morning, Ace," nakangiting bati ni Jude sa binata.

Muling natulala si Jude sa itsura ni Ace. Hindi pa rin siya maka-get over sa slow motion ni Ace kanina. Mas kumisig si Ace sa malapitan. Nakaputing t-shirt lang ito na naka-tuck in sa suot nitong puting pantalon na uniporme. Amoy niya ang pabangong gamit lagi ni Ace.

"Pare, kanina pa naghihintay si Amanda," singit ni Mac sabay nguso kung saan nakaupo ang dalaga.

"Sige, see you around," paalam ni Ace sa dalawa. Napahinga ng malalim si Jude at napaupo ulit sa kanyang upuan.

-----o0o-----

"Hi. Kanina ka pa?" bati ni Ace sa nobya sabay halik sa pisngi nito.

"No, it's okay. Nag-order na rin ako ng breakfast. Waffles and strawberries, tour favorite," sagot ni Amanda.

"Thanks," sagot ni Ace sabay upo sa harapan ng dalaga.

"So, ano pala yung sasabihin mong importante?" simula ni Amanda.

Huminga ng malalim si Ace. Hindi niya alam kung paano sisimulan sa nobya. Matagal na rin naman niya itong pinagisipan. "Amanda," simula ni Ace. Medyo nanlalamig ang mga palad sa oras na iyon. Napatigil siya sa kanyang sasabihin nang mapatingin siya sa pwesto nila Mac at Jude. Napatitig siya sa mukha ni Jude. Kasalukuyang tumatawa ito sa pinag-uusapan nila ni Mac. Ang pagkislap ng mga mata nito, ang mga labi nito.

"Ace?" tawag ni Amanda sa natigilang nobyo. "If ang sasabihin mo is about sa Christmas holiday natin this year, mag-Coron na lang tayo if you want," dagdag pa ng dalaga.

"No, it's not about that," sagot ni Ace sa kasintahan.

"Eh ano pala iyon?" nagtatakang tanong ni Amanda sa nobyo. Medyo kinabahan na siya. Naguguluhan na siya sa kinikilos ni Ace. Matagal na silang hindi nagtatalik. Halik, oo. Pero sex? Mag-iisang buwan na yata. At hindi pa masyadong tinigasan si Ace nun.

"Amanda," muling tawag ni Ace sa pangalan ng dalaga.

Seryoso na ang tingin ni Amanda sa nobyo. Medyo nangingilid na ang mga luha nito dahil ramdam na niya ang nais sabihin ng nobyo.

Hindi makatingin si Ace sa mga mata ni Amanda. Nahihiya siya, nagui-guilty. Dalawang taon rin ang kanilang relasyon. Nabulabog lang iyon nang dumating si Jude sa buhay ni Ace. Nang malasap niya ang sarap sa piling ni Jude.

Sigurado ni Ace sa kanyang sarili na lalaki siya. Pero bigla siyang naguluhan nang matikman niya ang mga halik ni Jude sa tuwing sila ay magniniig. May kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan. May kakaibang koneksyon ang kanyang katawan sa katawan ni Jude. Hindi na niya maramdaman iyon kay Amanda, wala na. Ayaw niya sanang patagalin pa ang pagsisinungaling sa nobya.

"Amanda, alam mo naman na I respect you. I loved you so much," muling simula ng binata.

"Loved? P-past tense?" singit ni Amanda sa litanya ni Ace. "What ha-ha-happened?" si Amanda na hindi na napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Napayuko si Ace. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kasintahan. Pero kailangan niyang tibayan ang kanyang sarili. Ayaw na niyang lokohin ang nobya dahil sa tuwing hinahalikan niya si Amanda ay ang nakangiting mukha ni Jude ang kanyang naiisip.

"Ace? What happened?" mahina pero may diin na tanong ng dalaga. Napapikit si Amanda at ito ang naging dahilan ng tuluyang pagluha ng kanyang mga mata. Mabigat sa loob. Mabigat sa dibdib. May kung anong tumusok sa kanyang puso.

"Shhh. Don't cry," sabi ni Ace na, nabahala dahil dumarami na ang tao sa cafe. Mabuti na lamang at nasa bandang gilid ang pwesto nilang dalawa. "I'm sorry. I am sorry," paulit-ulit na sabi ni Ace kay Amanda. Lilipat sana si Ace sa tabi ni Amanda ngunit pinigilan ito ng dalaga.

"Diyan ka lang. Huwag mo akong hahawakan. Ayokong gumawa ng eskandalo ngayon,." sabi ni Amanda. Halata na sa mga mata niya ang galit sa binatang kaharap.

-----o0o-----

"Babe, banyo lang ako.." paalam ni Mac sa kasintahan.

Tinatapos na lamang ni Jude ang iced coffee na inorder nang mapadako ang kanyang tingin sa mesa nina Ace at Amanda. Napatingin siya sa pwesto ng mag-nobyo. Tahimik ang dalawa. Hindi pa nagagalaw ang pagkain na nasa mesa ng mga ito. Napakaseryoso yata ang pinag-uusapan nila Amanda at Ace. Nagtaka siya dahil may lungkot sa mga mata ni Ace sa oras na iyon. May sinasabi ito pero hindi niya mabasa ang pag-galaw ng mga labi ni Ace. Hindi niya rin makita ang reaksyon ni Amanda dahil nakaupong patalikod ito sa kanilang pwesto. Ang kaninang maangas na dating ni Ace ay napalitan ng parang tutang nagmamakaawa sa harapan ng nobya. "Anong nangyayari sa dalawa?" kinakabahang tanong ni Jude sa kanyang sarili. Gusto niya sanang magpaalam sa dalawa.

"Babe? Let's go?" yaya ni Mac sa nobyo matapos gumamit ng banyo. "Ah eh..." wala nang naisagot si Jude at kusa na itong tumayo upang sumama sa nobyo palabas sa lugar na iyon.

"Babe, lalapitan ba natin sila Ace?" tanong ni Jude. Napatingin si Mac sa pwesto ng magnobyo.

"Babe, I think seryoso ang pag-uusap nila," sagot ni Mac sabay suot sa body bag nito. Bago pa lumabas ng pinto ay lumingon muli si Jude at kanyang nakita aang pagpatak ng luha ni Ace sa kanyang pisngi.

-----o0o-----

"Amanda, I am sorry. It is my fault," pag-amin ni Ace sa nobya. Napaluha na rin si Ace sa oras na iyon na agad naman niyang pinunasan.

"May babae ka?" diretsahan at matapang na tanong ni Amanda sa nobyo. Hindi niya alam kung paano tatanggapin kung umamin man si Ace na may ibang babae siya. Hindi sumagot si Ace. Napayuko ang binata dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng nobya. "I hate you, Ace!" wika ni Amanda na patuloy na ang pag-iyak. Napuno ng galit ang kanyang dibdib. Gusto niyang sampalin si Ace sa oras na iyon. Hindi na niya alintana ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Wala na rin siyang pakielam kung malusaw man ang maskara at make-up na nasa kanyang mukha.

"Sino?" muling tanong ni Amanda sa nobyo.

"I am sorry," ang tanging nasabi ni Ace.

Patuloy ang paghikbi ni Amanda sa harapan ni Ace. Magkahalong sakit at galit.

"Please patawarin mo ako." hiling ni Ace sa nobya.

"Ace naman. Ang unfair mo naman e," si Amanda. "Okay naman tayo diba? Okay pa tayo last week e," dagdag pa ng dalaga. "Kailan pa yan?" tanong pa ni Amanda.

"Last sem pa," pag-amin ni Ace.

"Fuck you, Ace! I really hate you!" galit na sabi ni Amanda. Nanggigil na si Amanda sa oras na iyon. Gusto niyang sapakin ang lalaki na nasa kanyang harapan. "I will never ever forgive you! I will find that fucking bitch na pinalit mo sa akin!" matapang na tono ni Amanda, lumakas na ang boses ng dalaga na umagaw pansin na sa kabilang lamesa. "Kayong dalawa, hinding-hindi ko kayo mapapatawad!" sabi ni Amanda bago ito tumayo sa kanyang kinauupuan, mabilis na nilisan ang lugar na iyon at hindi man niya lamang nilingon ang naiwang binata.

"Now what, ha?" maangas na tumayo si Ace at hinarap ang mga estudyanteng nakikitsismis sa usapan nila ni Amanda. Inawat lamang ang binata ng mga guard na naruon at ineskortan palabas ng cafe.

-----o0o-----

Sabay na pumasok sina Mac at Jude sa unang klase nila. Naruon na sa class room ang mga kabarkada nito na sina Migs, Nico at Jed. Sa magkatabing upuan pumwesto ang dalawa. "Morning, bro," bati ni Jed sa dalawa sabay handshake kay Mac.

"Morning, bro," si Mac kay Nico.

"Shit!" biglang bulalas ni Migs habang may pinapanuod sa kanyang cellphone.

"Ano yun?" sabay-sabay nilang tanong.

"Someone video taped Ace and Amanda," sagot ni Migs.

"Ano yan scandal?" na-excite na tanong ni Nico.

"Baliw! Kanina lang yata to," si Migs sabay pakita sa mga kaibigan ng video.

"What?! Break na sila?" gulat na sabi ni Jed. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jude. Hindi kilig, kundi kaba ang dahilan ng pagtibok nito ng mabilis.

"Oh shit! Galit na galit si Amanda," dagdag pa ni Jed.

Nanginginig na kinuha ni Jude ang kanyang cellphone upang tignan ang viral video ng magnobyo. Rinig na rinig sa video ang huling sinabi ni Amanda kay Ace, "I will never ever forgive you! I will find that fucking bitch na pinalit mo sa akin!"

Mas lalong kinabahan si Jude. Hindi niya alam kung siya ba ang dahilan ng hiwalayan ng magnobyo. "Ang kapal ko naman!" pabubura sa kanyang isip ng ideyang iyon.

"Hindi ko akalain na mangbababae pa si Ace. Ang swerte na niya kay Amanda. Maganda na, mabait pa," sabi ni Nico pagkaupo nito sa kanyang upuan.

"Bro, daig ng malandi ang maganda," may diin na sabi ni Migs. Medyo napikon si Jude sa tono ni Migs lalo na nang binanggit nito ang salitang malandi.

"Hey, may problema ba tayo?" tanong ni Jude sa kaklase.

"Judel" saway ni Mac sa kasintahan.

"Oh bakit parang natamaan ka?" patuloy na pang-aasar ni Migs sa binata.

"Hey Migs. Stop it!" saway ni Mac sa kabarkada. Nairitang tumayo si Jude at lalabas pa sana ng kwarto nang biglang pumasok na ang professor nila.

Natapos ang araw ni Jude at magulo pa rin ang kanyang isip sa hiwalayan nila Amanda at Ace. "Hey, are you okay? Huwag ka nang mapikon kay Migs. Alam mo naman yun,." lambing ni Mac sa kasintahan. Nasa loob na sila ng kotse ni Mac. Medyo madilim na sa labas dahil pasado alas-singko na. Kakaunti na rin ang naiwang kotse na nakapark sa school nila.

"Sorry babe. Pero nakakapikon na rin kasi si Migs. Akala mo kung sino," iritang sagot ni Jude sa nobyo.

Hindi na yata sila magkakasundo ni Migs. Dumantay si Mac sa balikat at braso ng nobyo. "Huwag mo nang pansinin si Migs. KSP lang yun.." natatawang sabi ni Mac.

Sinimulang halikan ni Mac ang balikat ni Jude at unti-unti niyang hinarap ang mukha ng kasintahan sa kanyang mukha. "I love you, babe. I will be yours," sabi ni Mac bago dampian ng halik ang mga labi ni Jude.

Hindi na rin umiwas si Jude at kusa na rin niyang hinalikan ang mga labi ng lalaking katabi. Ramdam ni Jude ang malambot na labi ng kasintahan. Gumapang ang kamay niya sa matigas na braso ng katabi at ramdam naman niya ang paghapit ng lalaki sa kanyang bewang. Sumiklab ang init na nadarama niya at mas lalong diniinan pa ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Rinig ang sagutan ng mga paghalik ng dalawang. "Ughhh," ungol ni Jude. Nagulat siya ng makita ang guwapong mukha ni Ace. Nakangiti ito sa kanya.

Namumula pa ang labi ni Jude dahil sa kanilang halikan. "Oh shit!" biglang niyang naitulak palayo ang kasintahan.

"Are you okay?" alalang tanong ni Mac nang mahimasmasan ito.

"Mac, I am sorry,." biglang sabi ni Jude sa nobyo.

"What's wrong?" tanong ni Mac sa kasintahan. "Wa-wa-wala!" pagsisinungaling ni Jude. Alam niya sa kanyang sarili na ginugulo ni Ace ang kanyang isipan.

"Okay,." malamig na sagot ni Mac sabay bukas ng makina ng kotse. Tahimik ang dalawa habang nilalakbay ang daan pauwi sa bahay nila Jude. Hindi makatingin ng diretso si Jude kay Mac. Nahihiya siya rito. Ang dami na niyang kasalanan sa nobyo. Mga kasinungalingan, pagtataksil. At hindi niya alam kung mapapatawad o matatanggap pa rin siya ni Mac kapag nalaman niya ang mga ginawa nito. Napakabait ni Mac para tratuhin niya ito ng ganun. Huminga na naman ng malalim si Jude.

"Mac.." tawag ni Jude. Hindi pa rin siya mapalagay sa oras na iyon. Mahal niya si Mac at sigurado siya ruon. Pero hindi ito deserve ni Mac.

"Ano yun?" walang emosyon na sabi ni Mac.

"Ma-ma-may sasabihin ako," kinakabahang sabi ni Jude.

"Do you want me to stop first?" tanong ni Mac na patuloy pa rin sa pagmamaneho. Hindi makasagot si Jude. Hindi niya alam kung tama ba ang oras at lugar para sa kanyang sasabihin.

"Sige, dun nalang tayo mag-usap sa park sa loob ng village," sabi ni Jude.

"Okay," tanging sagot ni Mac. Hindi niya maintindihan ang gusto ni Jude. Pero pilit niyang iniintindi ito dahil mahal niya ang binata. Parang hindi niya pa kilala ng lubos ang kasintahan. Para bang madami siyang sikreto na ayaw ipaalam sa kanya.

"Jude, saan ako pwede mag-park dito?" tanong ni Mac nang makapasok na sila sa kanilang village. Nagulat si Jude nang marinig niyang tawagin siya ni Mac sa kanyang pangalan. Hindi na babe ang tawag sa kanya ng nobyo. May sakit pero parang hindi naman dapat.

"Ahh dyan na lang sa tabi ng court," sagot ni Jude. Agad naman pinarada ni Mac ang kotse roon. Lumabas ito ng kotse nang walang paalam. Nanlalamig na ang mga palad niya.

Nagsimulang maglakad ang dalawa sa loob ng park. Tanging ilaw na lamang sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa kanilang dinaraanan. Wala na ang mga batang naglalaro sa playground. Pumwesto si Jude sa swing at sumunod na rin si Mac.

"Mac?" simula ni Jude.

"Oh?" mahinahong sagot ni Mac. Medyo kinakabahan na rin si Mac sa sasabihin ni Jude. Ayaw niyang matulad sila sa sinapit ni Ace at Amanda. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya sa binatang kasama nito.

"Gaano mo ako kamahal?" seryosong tanong ni Jude. Nagsimulang mag-sway ang swing na inuupuan nila.

"Mahal na mahal," tanging sagot ni Mac sa nobyo. Huminga ng malalim si Jude.

"Paano kung malaman mong," si Jude na pinipigilan ang sarili. Iniisip niya kung paano niya sasabihin ang katotohanan.

"Malaman ang?" pagkukumpirma ni Mac.

"Paano kung hindi pala ako naging tapat sa iyo," si Jude na napatigil na sa kakaswing. Napapikit si Mac. Hindi niya maintindihan ang nais sabihin ng nobyo.

"May iba ka pa?" tanong ni Mac. Tinigil na rin ni Mac ang paggalaw ng swing.

Tumayo si Jude sa harapan ni Mac. "Mac, alam mo naman na mahal kita. Pero," si Jude na malapit nang umamin sa kanyang mga kasalanan. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung paano ito tatanggapin ni Mac. "Pero..." naluluha nang sabi ni Jude. Tumayo na rin si Mac at agad na niyakap ng mahigpit ang nobyo.

"Jude, hindi kita kayang mawala. Please," mahinang bulong ni Mac. Ramdam ni Jude ang pagtulo ng luha ng nobyo.

"Ang da-da-dami kong kasalanan sa iyo, Mac," sabi ni Jude.

"Shhhh! Huwag! Huwag! Huwag mong ituloy," si Mac na mas lalong hinigpitan ang yakap sa kasintahan.

"Mac, you deserve to know this," si Jude na pilit umaalis sa pagkakayakap ng kasintahan.

"Noooo!! Please! Huwag ngayon!" pagmamakaawa ni Mac. Unti-unting lumilinaw kay Mac ang gustong ipahiwatig ng nobyo. Pero hindi pa siya handang marinig iyon mula sa kasintahan.

"Mac! Please listen. Ayoko na magsinungaling sa iyo," simula ng pag-amin ni Jude sa nobyo. "I will understand kung hindi mo ako matatanggap. Dahil nagkamali ako e. Alam ko yun," dagdag pa ni Jude.

"No! Ayoko marinig!" si Mac sabay takip ng kanyang mga tenga.

"I had sex with other men," biglang sabi ni Jude sa kasintahan.

Tila ba isang bato ang nailuwa ni Jude. Nanlaki ang mata ni Mac sa narinig mula kay Jude, natigilan siya. Tila ba may bumagsak sa kanyang bato mula sa kalangitan. Bumagsak ang kanyang balikat kasunod nito ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"I had sex," tinig ni Jude "with other men," paulit-ulit na nagpla-play sa tenga ni Mac. Napatayo si Mac na para bang wala sa kanyang sarili. Gusto niyang umalis na sa lugar na iyon. Gusto niyang lumayo sa harapan ng kasintahan.

"Mac?" habol ni Jude sa lumalakad na palayong si Mac. "Mac?" si Jude sabay hawak sa braso ng nobyo. Napatigil si Mac sa kanyang paglalakad.

"Ginagantihan mo ba ako?" tanging nasabi ni Mac kay Jude.

"Hindi!" mabilis na sagot ni Jude.

"Bakit mo ginawa?" tanong ni Mac sa kasintahan.

"Hindi ko rin alam. Nadala lang ako sa sitwasyon," explain ni Jude.

"Bullshit! Ang tanda mo na Jude para makatanggi sa mga lalaking sabik," bulalas ni Mac. Galit siya. Humarap si Mac sa kasintahan.

Napayuko si Jude. May tama naman si Mac. Matanda na siya para umiwas sa tukso. "Kaya nga siguro hindi ako karapat-dapat sa iyo," malungkot na sabi ni Jude. Nahihiya siya. Himdi siya makatingin ng diretso sa nobyo.

"Tangina naman, Jude! Naliliitan ka ba sa titi ko? Hindi ka ba nasisiyahan sa pagkantot ko?" tuloy-tuloy na sabi ni Mac.

"Hindi yun ang dahilan. Mali ang naiisip mo," sagot naman ni Jude.

"E ano? Sinasabi mo mahal mo ako pero nakikipagkantutan ka sa ibang lalaki? Ano yun? Mahal mo ako pero hindi ka libog sa akin?" wala nang pakielam si Mac sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Mac, please. Please give me another chance," si Jude naman ang nagmamakaawa ngayon. "Promise, I will be better."

"Sinu-sino sila?" direktang tanong ni Mac sa kasintahan. "Si Ice?" simulang tanong ni Mac. Hindi umimik si Jude. "Sino? Si Nico? Jed?"

"Hindi!" tanging nasagot ni Jude.

"Ayaw mong sabihin?" si Mac. Tumango lamang si Jude. "Tangina, Jude! Nakakadiri ka! Ang dumi-dumi mo! Mas masahol ka pa sa mga prostitute.." tanging nasabi ni Mac bago iwan si Jude sa madilim na parkeng iyon.

Hindi na kayang habulin ni Jude ang papaalis na si Mac. Nanlambot na ang kanyang mga tuhod mula sa mga narinig sa binatang kanyang minamahal. Ito naman talaga ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Mac, mandidiri, manggagalaiti sa galit. Pero ang lalo niyang kinalungkot ay ang laitin siya. Ikumpara sa mga babaeng bayaran. Mula sa kanyang pwesto ay nakita niya ang paalis na sasakyan ni Mac. Duon siya parang naawa sa sarili. Hindi niya alam kung paano siya lalakad pauwi. Nanghihina ang kanyang tuhod at binti.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad na kinuha ni Jude ang kanyang phone at umaasang si Mac ang tumatawag. "Hello, Jude?" boses ng kanyang Tita Susan.

"Tita, a-ano po yun?" sagot ni Jude.

"Pauwi ka na ba?" tanong ng kanyang tiyahin. May kakaiba sa boses ng kanyang Tita Susan, may pag-aalala, may niyerbos.

"Nasa gate na po. Naglalakad na po pauwi. Bakit po?" si Jude na agad hinablot ang kanyang bag at tinakbo pauwi ang kanilang bahay. Humihingal na dumating si Jude sa bahay na agad naman sinalubong ng kanyang Tita Susan.

"Tita, kamusta daw si Tatay?" kinakabahang tanong ni Jude.

"Iho, nasa ICU si Kuya," kinakabahang sagot ni Susan sa pamangkin.

"Tita, gusto ko pong umuwi bukas. May ipon po ako ayun na lamang po ang pambibili ko ng bus ticket," naiiyak na sabi ni Jude. Inaalo naman siya ni Manang Estring.

"Ako na ang bahala. Bukas pumunta ka sa faculty ninyo. Alam kong midterms niyo ngayon. Tanungin mo kung pwedeng mauna ka nang mag-exam. Sayang naman kung titigil ka ng sem na ito," paalala ni Susan.

"Tita hindi ko pa ata kaya." Nanghihina na ang loob ni Jude sa sunud-sunod na mga pangyayari sa kanyang buhay.

"Iho, kaya mo yan. Para sa pamilya mo. Huwag mong sukuan ang pag-aaral mo," si Susan.

Agad na umakyat si Jude sa kanilang kwarto. Dinayal agad ang telepono ng kanyang nanay. Walang sumasagot. "Nay," umiiyak na sabi ni Jude habang tinetext ang ina.

Jude: Nay, pakisabi kay Tay na uuwi ako dyan. Hintayin niya ako.

Jude: Mahal na mahal ko kayo. Pakisabi po kay Tay na hintayin ako.

Ilang minuto pa ang hinintay ni Jude ngunit walang reply mula sa kanyang nanay. Wala rin message si Mac. Hanggang makatulog si Jude na may luha sa kanyang mga mata. Alas singko na ng umaga ng magising si Jude. Wala pa rin reply ang kanyang ina. Wala rin message si Mac.

Agad na bumangon si Jude upang maagang makapunta sa kanilang eskwelahan para makapag-paalam sa mga propesor. Kahit na mabigat ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang ayusin lahat bago ito umuwi sa kanilang probinsya. Anim sa kanyang mga propesor ang pumayag na maaga siyang makapag-exam para sa midterms.  Tatlo ang inexempt na siya sa midterm exams. "Thank you talaga prof.." pasasalamat ni Jude sa professor niya sa Mathematics. Isa na lang ang kanyang lalapitan, si Sir Ram, ang masungit nilang professor sa Seamanship & Navigation. Kumatok siya sa class room kung saan huling nagturo ang guro.

"Good morning, sir," bati ni Jude. Nakaunipormeng pang-Marine si Sir Ram. Puting polo na nakatuck in sa puting pantalon. Bagay na bagay sa lean nitong pangagatawan. Hindi ganun kabatak pero alam mong mamasel. Medyo singkit ang mga mata nito at may maamong pagmumukha. Kung anong kinaamo nito sa itsura ay ganun kasungit sa pagtuturo.

"Anong meron?" tanong ng guro kay Jude.

"Ah eh. Sir, may emergency po kasi sa probinsya. Nasugod po kasi yung tatay ko sa hospital. Uuwi ho sana ako," sabi ni Jude habang pinapanuod magbura sa board ang guro. Lumantad tuloy kay Jude ang muscles nito sa braso at ang pwet nitong matambok na humahapit sa suot nitong pantalon sa tuwing inaangat nito ang kanyang braso para abutin ang mga sinulat sa itaas ng board.

"Ako ba magbibigay ng ticket sa inyo pauwi?" sarkastikong sagot ni Ram sa estudyante.

"Ah eh. Hindi po. Request ko lang po sana na mas maaga ko pong kunin yung midterms," hiling ni Jude. Umupo si Ram sa mesa kung saan nakatapat si Jude.

"Alam mo Jude, hindi kasi ako pumapayag sa special requests," simula ni Ram.

"Sir, parang awa niyo na. Kailangan ko lang po talaga umuwi sa amin," hiling ni Jude na hindi maiwasan mapatitig sa umbok sa harapan ni Sir Ram. Muling nanumbalik sa kanyang isipan ang mga tagpo na kanyang nakita sa library kung saan paniguradong nagtalik si Migs at Sir Ram. "Kailangan ko itong gawin.." desperadong sabi ni Jude sa sarili.

"Sige na, Sir Ram. Kahit ano po gagawin ko," hiling ni Jude. Namintig ang tenga ni Ram nang marinig ang hiling ng binata.

"Kahit ano?" ulit ni Ram.

"Yes, sir," sagot ni Jude.

"Sige, ako na ang huling puntahan mo mamaya. Magreview ka na para sa iba mong subjects," sagot ni Ram sa binata. Kumislap ang mga mata ni Jude sa narinig.

"Salamat sir," si Jude na agad tumayo at lumabas sa class room ni Sir Ram.

Habang palabas si Jude ay hindi maiwasan mapatitig si Ram sa likuran ng binata. "Yari ka mamaya sa akin.." bulong ni Ram sa sarili sabay kapa sa kanyang natutulog na alaga.

 

 

Susundan…………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...