Lunes, Hulyo 10, 2023

Sa Puso ni Alex - Kabanata 9 (Finale) - By: Cutebutt920 - (From Pulandit Blog Published in 2007)

 


Sa Puso ni Alex

By: Cutebutt920

(From Pulandit Blog Published in 2007)

 

Kabanata 9 (Finale)

 

Unti-unting bumukas ang isang bahagi nang sahig nang closet, halos manlaki ang kanyang mata sa nakita. Hindi makapaniwala si Alex at halos ayaw niyang hawakan ang mga babay na nakita.

Biglang bumalik sa kanyang alaala ang paglitaw nang mahiwagang babae, ang pagsulpot nito kapag lagi siyang lasing, ang paghalay sa kanya, ang pagreyp nang mahiwagang babae sa kanya, at ang pagfinger nito sa kanyang butas sa huling paglitaw nito.

"Son of a.... hindeeeeeeeeeeeeeee!" Sigaw ni Ale, habang hawak-hawak ang wig at ang itim na nightgown. Halos pagpunitin niya sa galit ang mga ito at kulang na lang isumpa niya si Edison.

"Edison, shit ka! Huhuhu." Umiiyak na napaupo si Alex. Halo halong emosyon ang nadarama niya sa oras na iyon. Nang kumalma na ang galit sa puso niya ay unti unti niyang tinignan ang mga natitirang bagay, isang rubber shoes nang babae, na may bakas pa ng putik nung gabing malakas ang ulan at pinasok siya sa kanyang silid, mga lipstick at make up, pabango nang babae, mga litrato.

Tinignan niya ang mga larawan, mga larawan na kasama si Wilfredo, pareho silang nakadamit pangbabae, nakawig, mga hubad na litrato nilang dalawa na naghahalikan. Mayroon din mga love letters ni Wilfredo para kay Edison siyang nakita.

Lalong naguluhan si Alex sa mga nakita, nagtataka siya, nagtatanong ang kalooban."Si Wilfredo at Edison ay dating makarelasyon, pero ano si Katrina? Hindi ba si Katrina ang asawa ni Wilfredo na dating kasintahan ni Edison? Anong misteryong mayroon sa mga taong ito? Magulo, naguguluhan ako," wika ni Alex sa sarili sabay binato ang mga litrato.

Humiga sa kama si Alex, malalim ang iniisip. Makalipas ang ilang sandali, ay muli niyang pinulot ang mga kalat at binalik ang mga iyon sa dating pinaglagyan. Isasara na lang sana niya ng pintuan pero napansin niya ang isang sobre na may pangalan niya. Isang liham at isang susi.

"Alex. habang binabasa mo ito, sigurado akong may masamang nangyari sa akin. Kaya ko sinulat ito ay upang humingi nang tawad, tawad sa paglihim sa buo kong pagkatao sa iyo. Kahit si Acosta ay hindi niya alam kung ano ang laman nang aking puso, si Wilfredo.  Siya ang unang lalake sa buhay ko. Si Katrina ay panakip butas ko lang upang mapagtakpan ang aming lihim na relasyon.

Pinakasalan niya si Katrina dahil sa sama nang loob sa akin. Nakipagkalas ako kay Wilfredo dahil sa unti-unting pagsikat ko. Kailangan protektahan ko ang aking sarili. Pero nang dumating ka sa buhay ko, muling nabuksan ang pagnanasa ko sa kapwa lalake, lihim kitang minahal. Kaya sa pamamagitan nang paglabas nang mahiwang babae sa buhay mo ay doon lang kita malayang maangkin. Patawad. Mahal kita Alex, sana mapatawad mo ako kapag natuklasan mo ang lihim ko.

Hhanapin mo si Edcel Antonio para sa akin. Ibigay mo ang susi at ang blue box sa kanya. Alam na niya kung ano ang gagawin sa mga ito. Inuulit ko patawad at mahal kita, my bodyguard, my friend. Nagmamahal, Edison."

Tumulo ang luha ni Alex habang binabasa ang liham. Ang galit na nararamdaman niya ay nabalutan nang awa at pagmamahal sa kaibigan.

Muli niyang inaayos ang closet, isinara na niya at umalis na dala ang mga gamit na kailangan para sa burol ni Edison. Mabigat ang paa na sinetup ang alarm system, sinigurado niya na secure ang lugar na iyon bago siya umalis.

Parang natutulog lang si Edison sa loob nang kabaong, guwapo pa ring tignan. Maraming taong  nakapila para tingnan sa huling pagkakataon ang idolo,. ang mga babae ay umiiyak, pawang mga kabataan, pormang Edison ang mga ito.

Walang tigil sa pag-iyak si Acosta. Tahimik lang si Alex , walang luha pero punong puno nang galit sa puso niya, naglalaro ang kaisipan kung paano niya papatayin ang kriminal kapag nahuli niya ito.

Dumating sina Katrina at Wilfredo, pagkatapos tignan ang bangkay ni Edison ay umupo sila sa tabi ni Alex. Malalim ang iniisip ni Alex, hindi sinasadyang napatingin siya sa rubber shoes na suot ni Wilfredo. May makintab na bagay nakasingit sa suwelas niyon. May naalala si Alex, tumayo siya at kinausap si Kapitan Mark. Ilang sandali pa ay lumapit si Kapitan kay Wilfredo at niyaya ito sa labas.

"Maganda ang mga rubber shoes mo bata," Sabi ni Kapitan Mark.

"Ha! Oo, paborito ko ang mga ito. Kahit luma na ay lagi ko itong suot," Yabang na sabi ni Wilfredo habang pinapakita kay Kapitan.

"Pwede mo bang hubarin at hihiramin lang namin sandali." Pagkasabi ay kaagad na hinawakan ni Kapitan sa balikat si Wilfredo.

"Ho! Anong isusuot ko?" Yamot na sabi ni Wilfredo.

Walang nagawa si Wilfredo. Kaagad namang umalis si Kapitan Mark at nagmadaling dinala ito sa crime lab ang sapatos. Sinuri ang makintab na bagay sa singit nang sapatos ni Wilfredo.

Nailibing nang maayos si Edison... kahit maraming tao na parang isang sikat na artista ang libing ay naging maayos pa rin.

Si Wilfredo ay dinala sa presinto pagkatapos ng libing. Nagtataka si Katrina at Acosta. Naiwan namang mag-isa si Alex, tahimik na umiiyak. Sa puso niya ay naghalo halo na ang nararamdaman. Pasakay na lang siya sa kotse nang may isang lalake na lumapit sa puntod ni Edison, may dalang bulaklak at nagsindi inang kandila. Hindi muna umalis si Alex, pinagmasdan muna niya ang lalake.

Bumuhos ang ulan, parang nakikipagdalamhati sa lalake habang umiiyak sa puntod ni Edison. Kinuha ang payong at nagmadaling lumapit siya sa lalake, "Mister, basang basa ka na, heto ang payong," Hinawakan niya ang lalake sa balikat nito. Nang lumingon ang lalake ay halos mabitawan ni Edison ang payong na hawak.

Kamukhang kamukha ni Edison ang lalake, akala ni Alex ay nabuhay si Edison sa sandaling iyon, halos mawalan siya nang ulirat sa pagkabigla. "Salamat, Alex. Ako pala si Edcel, ang kakambal ni Edison."  Pakilala ni Edcek. Inabot ang kamay para makipag-kamay.

"Wa-wala siyang sinabi na may kakambal siya." Wika niy Alex. Sandali siyang natigilan, pakiramdeam niya ay may nabubuhay sa puso niyang nagdadalamhati habang hawak ang kamay ni Edcel.

"My brother told me everything about you, wala siyang nilihim sa akin thru internet. Kararating ko lang kanina from New York. I was adopted and separated from him noong bata pa kami. Naiwan siya sa tiyahin namin. Our parents died when we are five years old. Isang aksidente.” Kwento ni Edcel

“Pero, nang sumikat si Edison ay nagkaroon kami nang contact muli.  Patuloy pa rin niyang nilihim na may kapatid siya dahil na rin sa hiling ko. Tahimik ang buhay ko sa New York. Nang araw na mamatay ang kapatid ko ay nadama ko ang sakit, para akong nauubusan nang hininga, nararamdaman ko na parang namamanhid ang katawan ko, kaya alam kong may masamang nangyari sa kakambal ko. Lalo na nang mapanood ko sa TFC Channel ang nangyari sa kanya. Hindi ako kaagad umuwi nang Pilipinas dahil ayokong pagkaguluhan ako nang mga reporters dahil magkamukhang magkamukha kami ni Edison,"  sabi pa ni Edcel saka lumuhod sa puntod nang kapatid. "Kung sino man ang may gawa nito sa kanya ay magbabayad siya!" Galit na sabi pa nito.

Tumunog ang CP ni Alex. Si Kapitan Mark pinapunta siya sa presinto. "Sige po Ninong, pupunta na po ako dyan pero may plano ako," wika nito na pinutol na ang usapan.

"Edcel, may kahon na pinabibigay ang kapatid mo at nasa flat niya ito," Masayang sabi ni Alex.

Nang makarating sila sa flat ni Edison ay parang nabuhay ito, Kung ano ang ugali ni Edison ay ganoon din si Edcel.

Hinubad ni Edcel ang basang damit niya, walang itinira, hindi siya nahiya kay Alex, parang sanay na sanay ito sa bahay ni Edison alam niya kung saan siya pupunta.

Hhindi makatingin si Alex sa hubad na katawan ni Edcel. Maganda rin ang hubog nang katawan nito, ang pagkaiba lang ay mahaba ang buhok nito kaysa kay Edison. Tuloy tuloy ito sa kuwarto ni Edison, alam niya ang lihim na button. Nang bumukas iyon ay takang taka si Alex.

"Dude, pinakita sa akin ni Edison ang kabuuan nang flat niya sa webcam habang nagchachat kami," sabi ni Edcel habang kumuha nang damit nang kapatid sa closet. Sinuot niya ito at inaayos ang buhok.

Halos maluha si Alex dahil parang si Edison ang kaharap, parang gusto niyang yakapin ito,  nagmadaling tinawagan niya si Acosta. Pinapunta niya ito sa bahay ni Edison.

Binuksan ni Edcel ang blue box, mga litrato nilang magkapatid noong sanggol palang sila, mga alaala na halos nakalimutan na ni Edcel, mga letrato nang magulang nila, tumulo ang luha ni Edcel. Inabot ni Alex ang susi.

"Ha! Para sa iyo ito Alex!" Ibinalik ni Edcel ang susi kay Alex

"Sa akin? Para saan?" Takang tanong nito.

"Halika sumunod ka sa akin." Tinungo nila ang kuwarto ni Alex. Inalis ni Edcel ang isang bahagi nang carpet sa ilalim nang kama ni Alex. "Sige ipasok mo ang susing hawak mo," Sabi ni Edcel.

Nilabas ni Edcel ang kahon na nakita nila. "Ang laman nang kahon na ito ay para sa iyo. My brother told me. Ibigay raw ang lahat nang ito sa iyo kapag may nangyaring masama sa kanya," Nakangiting sabi niya.

Namangha si Alex, mga alahas, mga dokumento na nagpapatunay na si Alex na ang may-ari sa bahay na binili ni Edison para sa mga magulang at kapatid niya at ang flat, binili niya kay Acosta upang ipamana kay Alex.

"Don't worry, I have enough, mayaman din ang pamilyang umampon sa akin kaya ang lahat na iyan ay para sa iyo. My brother loves you so much," mabilis na sabi ni Edcel.

Nang dumating si Acosta ay nawalan ito nang ulirat nang makita si Edcel. Ilang sandali pa ay nagising na rin ito at halos maiyak sa tuwa na inaakalang buhay ang alaga. Sinabi ni Alex ang lahat at tahimik lang nakikinig ito at sinabi rin ang plano niya bago sila pumunta sa presinto.

-----o0o-----

Nasa isang kuwarto si Wilfredo, nang biglang namatay ang ilaw. Biglang bumukas ang pinto, may nakaputing pumasok. Sumindi ang ilaw sabay pagsara nang pinto. Takot na takot na sumandal sa isang sulok si Wilfredo, nang makita ang mukha nang lalake.

"Wilfredo, bakit! Bakit mo ako pinatay?" mahinang sabi ni Edcel na naka-ayos na parang si Edison. "Bakit?" sigaw nito at parang multong lumapit siya.

"Huwag! Huwag kang lumapit, tulungan ninyo ako!" Sigaw ni Wilfredo, takot na takot.

"Dapat sa iyo mamatay ka rin! Sa ginawa mo sa akin... dapat mamatay ka rin!" Humakbang palapit si Edcel.

"Huwag! Oo, ako ang bumaril sa iyo. 'Yan ang kabayaran sa pagkalas mo sa akin, para hindi ka na maangkin nang ibang lalake, kamatayan ang nararapat sa iyo. Minahal kita, kahit pinakasalan ko si Katrina ay ikaw pa rin ang laman nang aking puso. Hindi alam ni Katrina na madalas akong nasa Pilipinas., sinusubaybayan ko ang bawat kilos mo. Gusto ko na ako,  ako ang magiging tinik sa buhay mo!” sigaw ni Wilfredo habang takot na takot itong napaupo sa sulok nang kuwarto.

Gustong-gustong sapakin ni Alex si Wilfredo habang pinapanood sa monitor ang nangyayari sa kuwarto. Hinawakan siya ni Acosta sa balikat para kumalma ito. Ilang sandali pa ay pumasok na si Kapitan Mark upang permanenteng hulihin si Wilfredo.

"Good job Alex, case closed, Sayang lang, kailangan pang mawala ang buhay ni Edison para lang masolve kung sino ang gustong pumatay sa kanya," iiling-iling itong lumayo kay Alex.

Kinuwento ni Alex kung paano niyang nalaman na si Wilfredo ang killer.

{Remember sa Kabanata 4? Nakita ni Alex isang marka sa carpet na parang isang putok nang baril na aksidenteng tumama sa floor. Kinuhanan nila nang litrato iyon at pati ang mga labi nang balang sumabog na kumalat sa sahig ay pinulot nila part of the evidence}.

Nang mapansin ni Alex ang rubber shoes na suot ni Wilfredo noong araw nang burol ay naalala niya ang mga letratong natuklasan, ang lihim na relasyon nilang dalawa ni Edison at ang sapatos na iyon ay kagaya nang sapatos na pambabae na nakita niya sa flooring nang closet, at ang kumikinang na bagay sa singit nang sapatos ni Wilfredo. Nabuo sa kaiisipan ni Alex na maaring si Wilfredo rin ang pumasok sa flat ni Edison nang panahon na iyon kaya pinakuha ang sapatos ni Wilfredo upang suriin ang bagay na kumikinang sa singit nang suwelas nito. Tama ang hinala niya match ito sa mga pinulot nilang labi nang bala sa flat ni Edison, tamang tama din ang dating ni Edcel para makumpleto ang paghuli nila kay Wilfredo.

Lumipas ang maraming taon, matanda na si Alex. Naka-wheel chair siya habang nasa harapan siya nang puntod ni Edison. Taon taon ay dumadalaw siya sa puntod nang kaibigan, nagsisindi nang kandila, umiiyak at nagpapasalamat.

"Lolo, tara na po, malamig na ang hangin,"  bulong ni Alexson, ang apo ni Alex.

Ginamit ni Alex ang mga iniwan ni Edison sa kanya sa nagnegosyo at nakapag-asawa. Si Edcel ay bumalik ito sa New York, si Acosta ay namatay dahil sa AIDS. Si Katrina ay tuluyan nang nanirahan sa Paris, isa na rin sikat na fashion designer. Si Wilfredo ay binitay sa salang pagpatay kay Edison.

Sa puso ni Alex, mapahanggang ngayon ay nandoon ang pagmamahal na nabuo para kay Edison. Kahit lumipas na ang maraming taon ay nakabaon na iyon sa puso niya.

 

----The End----

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...