Biyernes, Agosto 25, 2023

Ang Waiter (Part 1)

 


Ang Waiter (Part 1)

 

Pauwi ako ng probinsya. Dadalawin ko ang aking ama na mayroon daw sakit at gusto akong makita. Favorite kasi ako ng aking tatay dahil sa solo akong lalaki sa pitong magkakapatid, at bunso pa. Ang hindi niya alam at lalong hindi ko ipaalalam ay wala naman siyang anak na lalaki dahil puro kami babae hehehe.

Habang bumibyahe ay bumuhos ang malakas na ulan, Napakalakas talaga na halos wala kong makita, lalo na at gabi pa noon. May nadadaanan pa akong may tubig na ang karsada.

Binuksan ko ang radyo at tyempong sa weather ang balita. Signal number 3 na pala at kasama ang aming probinsya sa tatamaan ng bagyo at syempre, pati na ang mga bayan na aking tatahakin. Nagsimula ng lumakas ang hangin at ulan. Kinakabahan ako, dahil sa sobra talagang lakas ng ulan na may kasama pang hangin. May nadaanan akong isang Inn. Minabuti kong huwag na munang ituloy ang byahe at magpalipas na lang ng gabi dito sa Inn. Mas ligtas pa ang aking buhay

Huminto ako at nag-park. Mabuti na lang at may covered parking lot sila sa bandang likod ng building. Pumasok ako at nagtanong sa accomodations. Mura lang naman pala ang overnight. Marami raw travellers na nag-palipas ng bagyo sa kanilang Inn. Kaya pala maraming kotseng nakaparada sa parking area.

Minabuti ko na ring mag-check in. Ihinatid na ako ng staff sa aking silid, bitbit ang maliit na bag kong dala. May itsura ang lalaki kaya nabigyan ko ng tip. Nagpahinga muna ako. Papalakas lalo ang ulan kaya nagpasalamat ako at may nadaanan akong inn.

Bandang 9 o 9:30 ng gabi ay inabot ako ng gutom. May room service naman sila, kaya nag-order na lang ako. Burger lang naman na malaki ang inorder ko, yung para daw quarter pounder ng Mcdo at masarap daw iyon, sabi ng kausap ko sa phone.

Ang hindi ko alam ay mami-meet ko pala ang isang lalaking magpapatibok ng aking puso, ang lalaking magpapa-out sa itinatago kong isa pang katauhan.

Ganito kasi, nagpa room service nga ako ng makakain. So may kumatok, pagbukas ko ay namangha ako at hindi na nakakilos pa at nakatingin na lang sa waiter na nagdala ng aking order ng walang kakurap-kurap ang mata.

Ang ganda ng ngiti niya, kaaya-aya, ang mga mata niya na mapupungay, ang labi niya na sobrang pula at tila napaka-nipis, ang ilong na sobrang tulis. Sa madaling salita ay sobrang gwapo, ang ganda ng mukha niya. Hindi siya katangkaran, pero maganda naman ang katawan dahil naka-tshirt lang siya ng hapit sa katawan at bakat ang hubog ng dibdib at braso.

“Sir! Sir! Heto na po ang order ninyo,” wika ng waiter, pero parang wala akong naririnig dahil gusto ko pang pagmasdan muna ang kanyang mukha, ang kanyang kabuuan.

“Sir! Okay po ba kayo. Bakit parang natulala kayo. Sir!” wika uli ng waiter na inuga pa ang katawan ko.

“Ha! Oo naman. Pasok ka, paki baba na lang kahit saan diyan,” wika ko.

“Paki pirma lang po sa resibo,” wika ng waiter.

Habang pinipirmahan ko ay nagtanong ako. "Bakit hindi ka naka-uniform?”

“Tapos na po ang duty ko kanina pa, Napaki-usapan lang ako na dalhin ito sa inyo,” wika ng waiter habang inaabot ko sa kanya ang resibo

“Off ka na pala, bakit narito ka pa?” tanong ko.

“Hindi po ako makauwi sa sobrang lakas ng ulan, wala na pong masakyan,” tugon niya.

“Ano nga palang pangalan mo? Saan ka matutulog niyan?” usisa ko pa.

“Ryan po. May employees quarter naman po kapag ganitong hindi kami pwedeng makauwi, Sir Tyrone,” tugon niya.

“Kilala mo ako?”

“Nasa resibo po hehehe.”

“Usap pa tayo. Ibaba mo yang resibo ano? Order din ako ng beer. Nainom ka naman ‘di ba? Kung gusto mo eh dito ka na lang matulog, dalawa naman ang kama,” wika ko.

“Hindi po ba nakakahiya?”

“Bakit ka naman mahihiya eh, ako ang nag-anyaya sa iyo. Sige na.”

Kaagad din namang bumalik si Ryan, dala ang order kong beer at tsitsirya para may mapulutan siya. Kinakain ko na noon ang burger.

Usap-usap, kwento-kwento habang umiinom. Nagpakita talaga ako sa kanya ng interes. Nakaubos din kami ng tig-anim na beer. Malakas pa rin ang ulan at malamig ang silid dahil sa aircon, pero naiinitan ako dahil sa ininom naming beer at ng aking kakaibang nararamdaman sa kanya. Hindi na ako nakatiis at sinabi ko na ang aking motibo.

“Ryan, type kita. Alam mo ay kaagad akong humanga sa iyo pag-bungad mo pa lang kanina. Para akong nawala sa sarili,” pag-amin ko.

Tinabihan ko siya at kaagad na ipinatong ang kanan kong kamay sa kanyang hita.

“Pansin ko nga po. Akala ko na kanina ay may dinaramdam ikaw,” tugon ni Ryan.

“May girlfriend ka ba?” tanong ko uli habang patuloy na hinihimas ang kanyang hita. Wala naman siyang reklamo, hindi niya ako pinagbabawalan, hinayaan lang niya ako.

“Wala Sir, mahirap pong mag-GF ngayon sa hirap ng buhay.”

“Wala ng “Sir” at “Po”. Bata pa naman ako,” wika ko. “Regular ka ba dito?”

“Hindi, Tyrone , On call lang ako. Konti lang ang empleyado rito at kapag may nag-absent ay tinatawagan na lang ako. Bukas nga po ay baka wala na uli akong work dahil sa baka pumasok na ang hinalilihan ko.”

“Nagkaroon ka na ba ng experience sa isang gay?” lakas loob kong tanong. Kasi ay ewan ko, hinahayaan lang kasing himasin ko ang hita niya. Mamaya nito ay ang kanyang ari na ang himas ko.

Ngumiti lang siya. “Kung sasabihin ko bang wala, ay maniniwala ka?” tanong din ang isinagot niya sa akin.

“Bakit hindi, kung iyon naman ang totoo,” wika ko naman.

“Meron na. Pero dalawang beses pa lang. Kailangan ko kasi ng pera noon kaya napapayag ako ng isang matandang bading na sumiping sa kanya. May sakit kasi ang mother ko noon at wala akong pambili ng gamot.

“Pero wala kang naging ka-relasyon?”

“Wala!”

“Type kita Ryan. Pag sinabi kong type kita ay ibig sabihin ay gusto kitang maka-relasyon. Hindi ka maniniwala, walang nakakaalam ng ako ay bading sa aking pinagtatrabahuhan. Kahit na ang mga magulang ko ay walang alam. Kaya lang ay mukhang bumigay ako kaagad sa iyo, yung parang na love at first sight. Gusto kitang makasama. Papayag ka bang sumama sa akin? Magtuturingan tayong mag-boyfriend, mag-asawa.” Kwento at alok ko sa kanya.

Hindi siya kaagad na nakasagot, parang tinititimbang ang aking sinabi. “Eh ewan ko, hindi ko alam.”

“Naunawaan kita. Marahil ay nag-aalangan ka dahil sa baka niloloko kita. Ano nga palang kurso mo? Naka-graduate ka ba?”

“Naka-abot ako ng hanggang second year sa kursong engineering, pero dahil nagkasakit ang tatay ko at hindi na uli nakapag-trabaho ay natigil ako sa pag-aaral.”

“Kung papayag ka sa alok ko ay pwede kitang papag-aralin. Kung ayaw mo naman ay pwede kitang ipasok sa pinagtatrabahuhan ko kahit bilang waiter muna. Malaki ang sahod doon at may share sa tip ang mga waiter. Sa isang hotel sa Manila ako nagtatrabaho.”

“Kung papayag ba ako ay tutuparin mo ang sinabi mo sa akin. Kaya kong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.Pwede akong kumuha ng pailang-ilang unit. Hindi lang talaga pwede na wala akong kikitain dahil sa walang gagastusin ang parents ko kung iiwan ko sila.”

“Sige, pag-usapan natin iyan, hindi ka magsisisi, paglilingkuran kita. Halika nga rito, pwede ba kitang mayakap na?”

“Huwag mo sanang isipin na pagsasamantahalan ko ang kabaitan mo, tutumbasan ko rin naman nag paglilingkod ang lahat ng tulong na gagawin mo sa akin. Nakakahiya man ay payag na ako sa inaalok ninyo sa akin. Sana lang ay hindi mo isipin na pananamantala kahit na may bahid din ng katotohanan. Malay mo, matutuhan din kitang mahalin lalo na kung pinapakita mo na mahal mo talaga ako.”

“Itinaya ko na ang aking karangalan, ang aking pagkatao dahil sa alam ko sa sarili ko na ikaw ang para sa akin.”

Niyakap ko na siya. Yumakap din siya sa akin. Na akin siyang halikan ay hindi siya tumutol, nakipaghalikan na rin siya sa akin.

Nagsimula na niyang hubarin ang kanyang tshirt. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Pinigilan ko siya at sinabing. “No. Don’t do that. Hindi ko ibig na may mangyari kaagad sa akin na napipilitan ka lang dahil sa mga pangako ko. I can wait hanggang sa ikaw na ng mag-aya pag-dating ng araw,” sabi ko sa kanya. “Okay na ako sa yakap at halik lang. Masaya na ako.”

Maraming salamat, napakabait mo. Hindi malayong matutuhan talaga kitang mahalin.

Magkatabi na nga kaming natulog, pero wala talagang nangyari. Ewan ko. Kung sabagay ay wala pa naman talaga akong experience sa same sex. First time sana, pero maghihintay ako. Mahal ko talaga siya.

-----o0o-----

Kinabukasan ay okay na ang panahon, may panaka-naka pa ring pag-ulan, pero nindi na gaano kalakas. Wala na ring malalakas na hangin. Bago ako umalis ay kinuha ko ang kanyang number para mai-text o matawagan pag balik ko ng Manila.

“Mag-stay lang ako ng isang araw sa amin. Kung hindi umulan ay siguro dalawang araw ako hehehe. Hintayin mo ako at dapat handa na lahat ng dadalhim mo, damit, yung documento mo sa college at kung ano pang kailangan mo. At heto, iwan mo iyan sa magulang mo para may panggastos sila. May mga kapatid ka pa naman kamo na pwedeng tumingin sa kanila.”

“Maraming salamat Tyrone, napakabuti mo. Ihahanda ko na ang gamit ko pag-uwi ko at syempre magpapaalam din ako sa parents ko.”

“Huwag mo munang sasabihin na yung tungkol sa atin. Basta ang sabihin mo lang ay may nag-alok ng trabaho sa iyo sa Manila.”

“Dyan lang ang bahay namin, gusto mo bang bumaba muna?”

“Hindi na, basta dito kita dadaanan, itawag ko sa iyo ang araw. Huwag ka nang pumasok sa trabaho mo, magpaalam ka rin ng maayos.”

-----o0o----

“Sa condo ka pala nakatira,” komento ni Ryan. Nagsosolo ka lang bang nakatira dito?” dagdag pang tanong niya.

“Dati. Ngayon ay may kasama na ako,” sagot ko. “Diyan ka sa kabilang kwarto at ito ang aking room.”

Itinuro ko ang iba pang parte ng aking unit. Hangang-hangga siya dahil sa napakaganda ng view sa labas. Nasa mataas kasing floor ang aking unit.

-----o0o-----

Naipasok ko sa trabaho si Ryan bilang waiter. Tuwang-tuwa siya dahil sa probi kaagad siya at hindi contractual. Isa pa ay mas malaki daw ang bayad kesa sa pinagtrabahuhan niyang inn.

Kaibigang matalik lang ang aming turingan, mahal ko siya, sigurado na ako, pero hanggat hindi siya handa na makipag-relasyon. Maaga akong gumigising para magluto ng aming almusal, ang aming tanghalian naman ay libre, dahil may employees meal naman na libre ang hotel. Sabay kaming pumapasok sa umaga kahit na 9AM pa ang duty niya, Sa hapon ay nauuna akong nauwi para magluto naman ng aming hapunan.

Half day lang ako kapag Sabado samantalang whole day sila. Pero madalas ay whole day din ako dahil sa dami ng trabaho sa Finance department kung saan ako ang accountant.

Kapag Linggo ay day off niya. Araw iyon ng aming laba.Tulong kami sa paglalaba at paglilinis ng bahay at kung wala na kaming ginagawa ay paminsan-minsan namamasyal kami, malling, nood ng sine, kain sa labas. Ganon lang ang aming routine.

Nilalambing-lambing na rin naman niya ako, pero alam ko na lambing kapatid o kaibigan pa lang iyon. Kung minsan ay ino-offer na niya ang sarili sa akin, pero tinatanggihan ko. Kasi kapag tinatanong ko kung mahal na niya ako ay sasagot naman siya ng oo pero bilang matalik na kaibigan pa lang, kaya ayoko. Hindi naman ako mapagsamantalang tao.

Malapit na ang pasukan at sinabi ko na doon sa malapit na lang sa trabaho sa unibersidad mag-enroll. Ganun na nga ang ginawa niya. Pang-gabi siya, hindi naman siya nag-full load. Minsan ay 6 to 9 siya at minsan ay 6 to 8. Hindi na kami magkakasabay na pumasok dahil mas maaga na ang pasok niya at aawas ng maaga rin dahil papasok pa siya sa eskwelahan. Nakiusap ako sa HR para bigyan siya ng special study hour. Pamangkin kasi ang pakilala ko kay Ryan.

-----o0o-----

Nakakapanibago din pala ang pagbabago sa nakasanayan. Umpisa na ng klase ni Ryan, maaga na rin siyang pumapasok sa trabaho, kaya hindi na kami nagkakasabay sa pagpasok. Hindi na rin ako nagluluto ng agahan namin sa dahilang wala na akong ganang mag-almusal na nag-iisa. Si Ryan ay doon na lang nag-aalmusal dahil sa may libreng almusal an early morning shift.

Ang totoo ay nawalan ako ng sigla sa pagtatrabaho, para kasing may kulang na sa pang-araw-araw na routine sa aking buhay.

Hanggang Friday din lang ang kanyang pasok dahil hinabaan naman ang kanyang work schedule, pang-offset sa dapat ipasok niya ng Sabado. Whole day kasi ang klase niya kapag Sabado. Linggo na lang kami nagkakausap ng matagal. May abala pa nga dahil araw ng aming laba at linis sa bahay. Bihira na rin kaming lumabas dahil ang natitirang oras ay inilaan na lang niya sa pag-aaral at pag-gawa ng assignments.

Pero dahil sa mahal ko na talaga si Ryan, ay kaya kong magsakripisyo ng konti. Hindi ko maiwasan na manabik sa kanya, kaya kung minsan, sa halip na nagpapahinga ako ng maaga sa gabi ay hinihintay ko siya sa kanyang pag-uwi. Kapag hindi siya nakakain sa school ay ipinaghahanda ko pa siya ng hapunan.

Nasasabihan tuloy niya ako na huwag na siyang hintayin dahil sa talagang gabi na ang uwi niya. Nahihiya pa rin siya sa akin sa pag-aasikaso ko sa kanya.

Determinado naman siya na makatapos ng pag-aaral. Matayog kasi ang pangarap niya para sa kanyang mga magulang at kapatid. Masipag mag-aral. Nagpapasalamat na lang ako at hindi siya nagkakasakit dahil sa palaging puyat at pagod pa sa trabaho.

Mabilis ang pagdaan ng mga araw, halos hindi namin namalayan na naka-isang taon na pala siya sa pag-aaral. Sa susunod na pasukan nga ay 4th year na siya, Konting panahon na lang at magiging Engineer na si Ryan.

Ngayong bakasyon ay sinusulit namin ang nakaligataan namin gawin. Nagkaroon kami ng time na mamasyal kapag Linggo, pagkatapos ng aming gawaing bahay. Nagawa rin namin mamasyal sa Baguio bilang reward ko sa kanya dahil sa naipasa niya lahat ng subject niya na matataas ang grado.

Pagdating ng pasukan ay heto na naman, balik lungkot. Hindi naman talaga lungkot, naninibago lang talaga.

-----o0o-----

Malapit na ang pasko, napansin ko na pinagtitiyagan niya ang dati pa niyang cellphone na basag na yata ang anong tawag doon? LCD o LED? Wala raw siyang extrang pera na pambili ng bago dahil ipinadadala niya talaga ang lahat ng kanyang kita sa kanyang magulang sa probinsya. Ibibili ko sana siya, pero hindi siya pumayag. Nagtalo pa kami hanggang hindi kami naguusap ng ilang araw. Para mawala na lang ang tampo ay ako na ang humingi ng sorry.

Nagsorry din naman siya sa kanyang inasal. Talaga daw na hihingi siya ng sorry sa akin, naunahanko lang daw.

Kaya itong pasko ay balak ko siyang bigyan ng aginaldo na isang cellphone. yung mura lang na android at balak kong ibigay sa araw ng pasko. Hindi naman daw siya uuwi ng kanilang probinsya dahil may trabaho. Magpapadala na lang daw ng ng panggastos sa magulang.

Araw ng Sabado ng magpunta ako ng mall para bumili na, bago mag christmas break iyon. Isa pa ay umiiwas ako sa maraming tao na nagki-chirstmas shopping. Bumili na rin ako ng ilang gamit ko sa sarili. Gusto ko man siyang ibili ng kahit brief at tshirt lang ay hindi ko na ginawa dahil sa ang gusto niya ay sa kanya manggagaling ang gastos niyang personal.

Sinadya kong magpa-hapon-hapon ng konti sa pag-uwi para masundo ko si Ryan sa kanilang paaralan, alam ko naman ang schdule ng klase niya. Hindi ko na siya tinawagan, para sorpresahin din siya at maayang kumain na sa labas.

Wala akong mapag-parkingang na malapit sa gate, kaya sa isang gilid ng karsada lang ako pansamantalang nag-park at naglakad na lang para sunduin siya. Saktong oras na ng tapos ng kanyang klase ay nag-aabang na ako. Hindi naman ako sa may gate tumambay, malayo-layo naman.

Panay ang tanaw ko dahil baka makalagpas sa aking paningin, Malayo pa sa gate ay tanaw ko na siya, may kasabay na isang babae. Pinagmasdan ko ang babae, naka uniporme itong puti kaya sa aking palagay ay nursing ang kurso nito. Paglabas nila ng gate ay medyo kumubli ako. Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib ng paglabas nila ay kaagad na inakbayan ni Ryan ang babae. Sa klase ng tinginan nila at pag-uusap na tila nagbubulungan at syempre, dahil sa pumayag ang babae na akbayan ito ay napagtanto ko na may relasyon na ang dalawa. Maganda ang babae, makinis, yayamanin.

Gusto ko sanang sundan para malaman kung saan pupunta, pero hindi ko na lang itinuloy. Hindi ko naman sigurado kung may relasyon sila. Saka wala naman akong dahilan na magselos dahil sa wala naman kaming relasyon. Pero nasaktan pa rin ako, sobrang sakit. Nagpasya na lang akong umuwi.

 

 

May karugtong…………

 

 

1 komento:

  1. Ouch... Ang sakit naman... Ikaw kasi sana tinikman mo na sya agad. Para kahit iwan ka at least lumigaya ka. Hehehe...

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...