Huwebes, Agosto 10, 2023

Kapatid ni Best Friend (Part 1)

 


Kapatid ni Best Friend (Part 1)

 

Nakilala ko si Jose dito sa aming unibersidad. Freshaman kami pareho at block section sa kursong Political Science. Pareho namin gustong mag-abogado kaya iyon ang aming kinuhang kurso.

Si Jose ang una kong nakilala at nakausap sa pagpasok ko sa aming room assignment Magmula noon ay hindi na kami naghiwalay. Pareho kaming mahiyain kaya konti lang ang aming naging ka-close sa klase. Magkasama kami palagi sa pagla-library, sa paggawa ng assignment, sa pagkain at kung minsan ay sa panonood ng sine. Sa pag-uwi lang kami nagkakahiwalay dahil ako ay sa Marikina pa umuuwi samantalang siya ay nagdo-dorm malapit lang sa unibersidad. Promdi kasi si Jose, taga Infanta Quezon.

Si Jose ay masasabi kong gwapo, kaya lang, ay medyo bano pa siya sa pagdadamit at pag-aayos sa sarili. Hindi rin niya kaagad maalis ang punto sa pagsasalita kaya minsan ay napagtatawanan siya, pero sabi ko ay huwag na lang pansinin.

Natapos namin ang unang taon sa college at napag-usapan namin na sa susunod na pasukan ay dapat magkaklase pa rin kami. Sa kanilang probinsya siya magbabakasyon at ako ay dito lang sa Marikina.

Ang bilis ng paglipas ng araw, heto at malapit na naman ang pasukan. Nag message ako sa kanya kung kelan siya mag-e-enroll. Nagkasundo naman kami sa date at nagkita kami kaagad nang lumuwas siya ng Maynila. Sa amin muna siya tumuloy ng ilang araw habang nag-e-enroll kami. Kaagad kaming nag-enroll. May dalawang lingo pang natitira sa aming bakasyon. Inaya niya akong magbakasyon sa kanila kahit ilang araw lang. Gusto raw akong makilala ng kanyang Nanay dahil naikwento niya ako rito. Pinagpaalam pa niya ako sa aking Mama para payagan akong sumama sa kanya. Nagpasalamat ako at pinayagan. Ngayon lang kasi ako makalalabas ng Marikina hehehe.

-----o0o-----

Excited ako habang bumibiyahe kame, bago lang kasi ako makakapunta ng ibang lugar. Sa bundok ang daan namin, daang Rizal daw iyon. Masarap palang bumiyahe sa bundok, maginhawa at maraming mga puno. Nakaka-aliw. Bumaba kami ng Siniloan tapos ay Jeep uli papunta na ng Infanta. Maganda rin ang tanawin, mapuno. Ang sarap pagmasdan na berde ang paligid. Sa Madaling salita ay nakarating kami sa bayan nila.

Maganda ang bahay nina Jose, malaki at malawak ang bakuran. Masasabi kong may kaya sila. Masaya naman akong sinalubong ng Nanay ni Jose, tuwang tuwa siya pagkakitang kasama ako. Pinakilala din niya ako sa dalawa niyang kapatid, si Mike na panganay sa kanya at ang bunsong si Adela na nasa high-school pa lang.

Si Mike ay graduate na ng engineering at nagtatrabaho sa munisipyo dito sa Infanta. Kung napopogian na ako kay Jose ay iba itong si Mike dahil sa sobrang pogi, Ang gwapo talaga. Tuloy ay muntik na akong mabisto sa aking pagtatago dahil parang kinilig ako, gusto kong lumandi, hehehe.

Lingid sa kaalaman ni Jose ay isa akong bading. Hindi rin alam ng parents ko dahil hindi ako nagpapahalata. Galit si Papa sa bading, isa kasi itong Pulis. Gusto sana nitong pagpupulis ang kunin kong kurso, pero hindi naman ito ang nasunod. Takot kasi ito kay Mama hehehe. So hayun, kahit na malambot ako ay kelangang kong maging matigas, sa kilos at pananalita. Ang hirap kaya ng kalagayan ko, pero wala naman akong magagawa eh.

Dumating kami na magtatanghalian na kaya inaya muna kamaing kumain. Sabay-sabay kami pwera lang ang Tatay ni Jose dahil sa may pinuntahan daw at baka bukas pa umuwi. Wala namang pasok sa trabaho si Mike dahil Sabado noon.

Habang kumakain ay tuloy ang aming kwentuhan, nahihiya ako dahil sa kaharap ko sa pagkain si Mike. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya, nakakaakit talaga siya. Hindi naman siya yung tinatawag na hunk, pero sexy pa rin ang tingin ko sa kanya. Ganon ang gusto kong katawan, lean pero may muscle at hindi taba tulad ng kay Jose hehehe.

Magiliw naman kausap si Mike, hindi suplado. Katunayan ay siya pa nga ang nag-eencourage na huwag akong mahihiya. Matanda nga pala ng limang taon si Mike sa amin ni Jose, 24 na kasi siya at 19 pa lang kami.

Masaya kaming nagkukwentuah hanggang natapos na kaming magtanghalian. Nag-offer ako na ako na ang mag-huhugas ng kinanan, pero hindi sila pumayag dahil may kasambahay daw na gagawa niyon. Pinagpahinga muna kami at mamayang hapon ay ipapasyal daw ako sa paligid ng kanilang bayan.

Sa kwarto kami ni Jose. Nagpalit na kami ng kaswal naming damit at nagtsinelas na lang. Habang nakahiga ay naguusap pa rin kami ni Jose.

“Sabi ko naman sa iyo, mababait ang parents at kapatid ko kaya hindi ka dapat mahiya. Hindi nga ako nahiya na nakituloy sa inyo,” sabi ni Jose.

“Alam ko naman, pero hindi mo naman mai-aalis sa akin na mapanatag kaagad ang loob. Syempre, naninimbang pa rin ako, lalo na sa kuya mo. Akala ko nga pagdating natin ay hindi ako papansinin eh. Iba siya ano, parang suplado. Yun ang una kong impresyon sa kanya, pero ng makausap ko na ay kalog din pala at ang bait,” sabi ko.

“Ganun talaga si Kuya Mike sa una. Pero alam mo, may napansin ako sa kanya, iba siyang tumingin sa iyo, parang kumikislap ang mata. At ano ha, titig na titig sa iyo habang kumakain tayo.” Wika naman ni Jose.

“Hala Jose ha, ano kaya iyun.”

“Oo. Kasi, nagsama rin naman ako rito ng kaibigan noong high-school kami. Nakikipag-usap, pero sandali lang, tapos wala na. Pero sa iyo ha, iba eh. Asikasong asikaso ka. May paglalagay pa ng ulam at kanin sa pinggan mo. Ang sweet hahaha.” Panunukso ni Jose.

“Hoy, ano ka ba? Kung ano ano ang napapansin mo. Akala ko ba ganun talaga ang kuya mo.” nahihiya kong wika.

“Oo, pero sa iyo ay extra. Espesyal hehehe.”

“Idlip tayo ng konti, ang aga ko kayang nagising kanina at hindi pa ako nakatulog sa byahe habang ikaw ay naghihilik pa.” wika ko.

“Weh! Sige na nga, huwag ka nang magsasalita ha.”

-----o0o-----

Nagising ako sa katok sa pinto, bumangon ako para pagbuksan, pero pagbaba ko ng kama ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Kuya Mike. “Kuya, bakit po?” tanong ko.

“Hindi ba sabi ko sa inyo na ipapasyal kita sa paligid, sa bayan? Tamang tama at kanlong na. Mag-ayos na kayo ha. Jose, gumising ka na. Hihintayin ko kayo sa ibaba ha. Jose!”

“Oo Kuya, sunod na kami.

Lakad lang kami, nasa kaliwa ko si Kuya Mike at sa kanan ay si Jose. Nakaakbay pa sa akin si Kuya kaya naman para akong naiilang. Hindi kasi ako sanay na may nakaakbay. Gusto ko sanang alisin, pero nahihiya naman ako. Baka kung anong isipin.

Sa isang banda naman ay kinikilig ako. Gusto kong magtanong kay Jose kung ganon talaga ito, pero mamaya na lang kapag kami na lang ni Jose ang nag-uusap.

Pinuntahan lang namin ang simbahan at plaza. Napakaganda at nakalilibang. Makwento kasi si Kuya Mike, nag tila tourist guide ko hehehe.

Kumain kami roon sa isang karinderya ng suman at tsokolate, masarap ang suman, iba kesa sa nabibili sa amin. Tapos ay doon kami sa may ilog na malapit lang din.  Doon kami tumambay habang kumakain sa dalang butong kalabasa ni Jose. Doon kami nagtagal, malamig ang simoy ng hangin doon at masarap langhapin.

Ewan ko ba kung bakit laging naka-dikit sa akin si Kuya Mike. Nahihiya tuloy ako kay Jose at baka kung anong isipin. Nabibigyan ko kasi ng malisya ang pag-aasikaso niya sa akin. Sobra kasi kung makaprotekta sa akin. Para akong isang babae na kailangan alalayan sa paglalakad sa mabato at kung minsan ay mataas na lugar. Para tuloy magsyota na kami. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na pinagmamasdan kami ni Jose at napapangiti pa ito.

Marami daw mapapasyalan sa bayan nila pero kakailanganin na ng sasakyan. Bukas ay magpapasyal daw kami sa ilang piling lugar dahil sa dami raw na magagandang pwedeng puntahan ay kulang ang kahit na isang lingo.

Dumidilim na kaya nag-aya na si Kuya para umuwi. Habang naglalakad kami pauwi ay may ihinabilin si Jose sa kapatid.

“Kuya, bukas ay may lakad kaming magkakaklase noong high-school. Eh baka abutin kami ng hanggang gabi. Hindi ko naman pwedeng isama si Edwin at syempre, siguradong ma-a-out of place lang siya dahil hindi niya kilala, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko?” wika ni Jose. “Best friend, sorry ha! Pero kung gusto mong sumama ay okay lang naman. Maiintindihan naman siguro ng mga kaklase ko,” sabi pa niya.

“Naku okay lang best friend, walang problema sa akin,” wika ko.

“Akong bahala, hindi ba at mamamasyal kami bukas. Ikaw ang luge hehehe,” pang-iinggit ni Kuya Mike kay Jose.

“Kuya, sa ibang araw na lang tayo mamasyal, sige na.” pakiusap ni Jose.

“Ano ka, may pasok ako sa Lunes ano. Saka hindi pwede, nakakahiya sa bisita natin na iiwan mo na lang basta,” sabi naman ni Kuya Mike.

“Oy hindi ah. Ako nga ang nahihiya at naabala ko kayo.” Sabi ko.

“Best friend, hindi. Ako ang nag-aya sa iyo. Saka alam ko naman na hindi ka pababayaan ni Kuya,” wika ni Jose na may makahulugang kindat sa akin.

-----o0o-----

Hindi talaga ako hinayaan ni Kuya Mike na walang kasama. Pagkakain namin ng hapunan ay inaya pa kami na makwentuhan pa uli habang may iniinom. Inuming hindi naman nakalalasing ang ininom namin, tanduay ice lang. Doon kami sa veranda nila. Tahimik na sa lugar nila kapag gabi at walang masyadong tao na makikitang naglalakad o tumatambay.

Maraming tanong sa akin si Kuya Mike, kung ano ano lang. Ang iba ay personal na, pero okay lang naman sa akin, sinasagot ko naman.

“Edwin, may girlfriend ka ba ngayon?” tanong ni Kuya Mike.

“Kuya, wala pa at never pa yan nagka-girlfriend. Torpe kasi iyan, ang daming may crush kaya sa kanyang mga kaklase naming babae. Hindi lang babae, pati bading hehehe.”

“Jose, ano ka ba? Walang ganon ha.”

“Totoo ba iyon Edwin?” tanong uli ni Kuya.

“Oo Kuya, hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend. Nakwento ko na kay Jose. Pero yung nagkaka-crush ay ewan ko, gawa-gawa lang yun ni Jose,” wika ko.

“Hindi naman kataka-taka na may magkagusto sa iyo, ang gwapo mo kaya at mukhang mabait pa,” papuri ni Kuya Mike. Tuloy ay nag blush ako. Pinamulahan ako ng pisngi.

“Bestfriend! Nagba-blush ka hehehe.” Pansin ni Jose. Napatingin ako kay Kuya Mike, nakatingin din siya sa akin, nakangiti. Ang gwapo talaga niya lalo na kapag nakangiti, kinikilig talaga ako. Napaisip ako kung may radar itong si Kuya Mike at alam ang tunay kong Gender. Baka naman siya ang bading. Hala, parang hindi naman.

Nakadalawang bote rin kami ng tanduay ice. Nag-aya nang matulog si Jose at maghahanda pa raw ng dadalhin niya bukas sa parang reunion nilang magkakaklase.

“Ang dami mo namang dala, ilang araw ba kayo roon?” tanong ko.

“Mag-swimming kasi kami, saka hindi ko alam kung overnight pa kami roon. Sumama ka na lang sana.”

“Magiging KJ lang ako roon, Papasyal din naman kami ni Kuya Mike eh.”

“Crush ka ni Kuya.”

“Hoy! Ano ba yang pinagsasabi mo, kuya mo iyon ah! Bakit kung ano-ano ang sinasabi mo. Bading lang ang nagkaka-crush sa lalaki ano?”

“Bading si Kuya, o sabihin nating silahis. Hindi lang siya ladlad. Nagka BF yan dati kaya lang ay niloko lang. Alam mo bang muntik na yang magpakamatay dahil sa lalaking iyon?” paglalahad ni Jose.

“Totoo ba ang pinagsasabi mo? Wala akong nakikitang kabadingan sa kanya ano?”

“Huwag kang mag-alala, boto ako sa iyo at pati sina Mama. Nagsabi na siya sa kanila na liligawan ka raw niya. Alam mo na okay lang sa parents namin na ganun siya, huwag lang daw na uulitin ang tangkang pagpapakamatay.” Wika ni Jose.

“Hala! Hala! Hindi kami pwede, lalaki din ako. Kung totoo ang kwento mo na nagtangkang magpakamatay si Kuya Mike dahil sa lalake ay nako magiging kargo ko pa iyon sakaling tanggihan ko siya. Ayoko. Ayoko Jose.”

“Alam namin. Nangako naman siya na sakaling hindi mo siya magustuhan ay tatanggapin niya ng maluwag. Natuto na raw siya na tumanggap ng kabiguan.” Wika ni Jose.

“Kahit na. Ayoko pa rin.”

Hindi na nakipagtalo pa sa akin si Jose. Sabi ko lang na ayoko, pero ang totoo ay kinilig talaga ako. Sana lang ay hindi nahalata ni Jose. Pareho lang pala kami, pa-men, pa-men-ta. Pero kung sakaling totoo at malaman din niyang pareho lang kami ng kasarian, baka saktan niya ako. Hindi naman ako papayag na basta na lang mabugbog. Marunong akong lumaban, bakit ba nag-aral pa ako ng karate kung hindi ko maipagtatanggol ang sarili.

Hindi talaga ako nakatulog kaagad. Napapangiti ako sa sarili.

-----o0o-----

Maaga pa rin akong nagising kinaumagahan, nauna pa ako kay Jose na siyang may lakad ng maaga. Ginising ko na siya.

“Hoy, Jose, baka dumating na ang mga kaklase mo ay natutulog ka pa,” gising ko sa kanya.

“Hah! Anong oras na ba?”

“6:30 na ano. Hindi ba sabi mo ay pupuntahan ka rito ng 8 AM?”

Biglang bangon si Jose at nauna pa sa aking lumabas ng silid. Sumunod na rin ako sa kanya na may dalang face towel para maghilamos. Nasa kusina na si Kuya Mike at nagluluto ng almusal.

“Mabuti at nagising ka na. Maluluto na rin ang ating almusal. Nagprito ako ng isda, itlog, bacon at nagsangag ako ng bahaw na kanin.”

“Marunong kang magluto Kuya. Ang bango ng sinagag mo ah. Marami kang bawang sigurong inilagay.”

“Sabi kasi ni Jose ay paborito mo ang sinangag at pritong itlog. Ganyan daw ang kinakain mo sa inyo ng doon siya mag-stay sa inyo ng ilang araw.”

“Sinabi ni Jose iyon? Tsismoso talaga. May kapatid ka palang “marites” hehehe.”

“Hindi pa ba luto iyan Kuya? Gusto ko munang kumain bago ako maligo. Baka dumating na ang mga kaklase ko,” wika ni Jose na kalalabas lang ng banyo. Umihi lang pala.

“Sandali naman, mag-hihilamos lang ako.”

-----o0o-----

Umalis na sina Jose. Sunod ay kami na ni Kuya Mike. Angkas ako sa motor niya at ang una daw naming pupuntahan ay ang little Baguio Botanical garden. Hindi ko malaman kung saan ako hahawak. Sa likod na bakal ako kumakapit pero hinatak niya ang aking kamay at parang iginapos sa kanyang bewang.

“Hawak kang mabuti ha at mabilis akong magpatakbo,” wika ni Kuya Mike.

Wala na akong magawa, gusto ko rin naman. Dikit na ang dibdib ko sa likod niya, gusto ko na sanang ihilig ang aking ulo sa may batok niya haayyyyyy ano ba ito. Sana totoo ang sinabi ni Jose na may Crush siya sa akin.

Mabilis talagang magpatakbo si Kuya Mike at natatakot ako kaya napapahigpit ang aking pagkakapit ko sa kanya. Yakap na yatang matatawag iyon.

Nakarating na kami sa sinasabi niyang little Baguio Botanical garden. Sobrang ganda ng lugar na iyon. Malamig at ang ganda ng tanawin. Ang ganda talaga, hangang-hanga ako. Hindi ko naman maikumpara sa Baguio dahil sa hindi pa ako nakakarating ng Baguio. Doon na kami kumain ng tanghalian.

Tapos ay dinala niya ako sa “Sea of Clouds sa KM 106” daw. Grabe ang ganda rin, wika nga ay “amazing” dahil talagang kahanga-hanga.  Ang taas pala namin dahil talagang ang baba ng mga ulap, sea of clouds talaga. Napagod ako sa paglalakad. Balik kami uli sa mahabang lakarin. Sulit naman ang pagod.

Nauhaw ako, may nabibilhan naman ng tubig at softdrinks. “Bibili muna ako ng tubig. Ikaw, anong gusto mo? tanong ni Kuya Mike.

“Sama na lang ako, pipili ako ng gusto kong makakain,” sagot ko naman.

Naupo kami sa isang bench doon na malayo sa maraming tao. “Ang romantic dito ano? Alam mo ba na maraming magkasintahan ang dito nagde-date. Marami rin na nagliligawan na dito sinasagot ang manliligaw,” kwento ni Kuya Mike na titig na titig sa mata ko habang nakikipag-usap. Para tuloy akong kinabahan.

“Ganun ba?”

“Kaya dito kita dinala eh.”

“Hah! Anong ibig mong sabihin?” Sus ko, ano ito? Bakit parang may kumukuliling sa aking dibdib. Mukhang totoo ang sinasabi ni Jose ah.

“Edwin, may sasabihin ako sa iyo. Sana lang ay huwag kang magagalit sa akin.” Panimula ni Kuya Mike.

“A-ano yun? Ba-ba-kit naman ako magagalit kung hindi naman masama ang sasabihin mo?” Sobra talaga ang kaba ko, nanginginig ang paa ko. Nilalamig din ako. Hindi ko lang alam kung dahil sa lamig dito sa lugar na ito o dahil sa kung anong inaasahan kong sasabihin niya. Sana lang ay iyun na. Hindi ko naman siya bibiguin, magpapakipot lang ako ng konti.

“Maaring isipin mo na sobrang bilis ko, sobrang tiwala sa sarili, dahil kakikilala pa lang natin. Iisang araw pa lang tayong nagkakilala at hindi pa masyadong kilala ang isa’t –isa, pero wala eh. Naniniwala ka ba sa love at first sight?”

“Hah! Hi-hindi ko alam, hindi pa kasi ako umiibig eh. Bakit ba Kuya Mike. Bakit mo tinatanong sa akin iyan?”

“Kase eh…” hindi niya maituloy ang sasabihin, napayuko at kumakamot sa ulo.

“Kasi ano?” tanong ko. Nakakainis eh, binibitin pa ako.

“Kasi naniniwala ako, naramdaman ko eh, kahapon lang, sa iyo?” wika niya na nakatitig asa aking mata. Palagay ko’y sinusuri kung ano ang aking isasagot. Tila tapat naman ang kanyang sinasabi.

Nanlamig ako, gininaw at parang nangalos ang aking binti, parang nawalan ako ng lakas. Kung hindi ako nakaupo, ay malamang na natumba na ako.

“Hindi kita maintindihan, bakit hindi mo masabi ng diretso. Anong naramdaman mo sa akin?” Tanong ko.

“Mahal kita eh, Maniwala ka, Ngayon lang nangyari sa akin ito.”

“Pero parang sobrang aga naman para maramaman mo iyan, kakikilala lang natin.”

“Siguro, pero iba kaagad ang naramdaman ko eh, yung bang didib ko ay ang lakas ng tunog. Pakinggan mo, baka atakihin ako sa puso.” Wika niya. Lumapit pa siya sa akin, inilapit ang tenga ko sa kanyang dibdib. Oo nga, ang lakas ng tibok ng puso niya. Ako man ay ganon din.

Ako man ay ganon din. Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman niyang nangiginig iyon at nanlalamig. “Bakit nanginginig ang kamay mo. Giniginaw ka ba?” tanong niya.

Hindi ako sumasagot. Hinatak ba naman ako at niyakap ng mahigpit, Napasandal ako sa kanya at napahilig ang ulo sa may balikat. Nakatingala ako at nagkatitigan ang aming mga mata. Naramdaman ko na lang na dumikit ang labi niya sa aking labi. Nawalan ako ng lakas na umiwas, bagkos ay ibinuka ko pa ng konti ang aking labi. Malaya tuloy nakapasok sa bibig ko ang kanyang dila. Hindi ko alam kung gaano katagal na naglapat ang aming mga labi, ang alam ko lang ay napakatamis ng halik na iyon. Siya kasi ang aking first kiss.

Para akong naidlip at sandaling nawala sa sarili. Nang magbalik sa reyalidad ang aking isipan ay bumitaw ako sa halik niya. Mabuti na lang at konti lang ang tao noong oras na iyon at abala sa pagtanaw sa tanawin.

“Sabihin mong mahal mo rin ako, Please!” pakiusap ni Kuya Mike.

“Hindi ko alam. Basta ang nararamdaman ko ay may kumakalembang na sa aking dibdib. Kung pag-ibig nga ito ay baka nga mahal na rin kita. Ang totoo ay humanga na ako sa iyo pagkakita ko pa lang sa iyo. Pero hindi ba masyadong maaga pa para sabihin kong pag-ibig na ito. Kelangan kong makasiguro kaya sana ay bigyan mo pa ako ng konting panahon.” Madrama kong sagot.

“Mag-hihintay ako, liligawan kita hanggang sa makasiguro kang mahal mo na rin ako.”

“Pero paano mo ako liligawan ay ang layo mo?”

“Hindi pa pwede na mag-video call tayo? Saka paminsan-minsan ay dadalawin kita. Hindi naman kalayuan ang Infanta sa Marikina.”

Hindi lang alam ni Kuya Mike kung gaano ako kaligaya noong oras na iyon. Ganoon lang kami, magkadikit ang katawan, parang wala kaming ibang taong nakikita. Wala kaming pakialam kung ano man ang isipin nila, basta masaya ako at iyon lang naman ang tangi kong ibig, ang maging maligaya sa piling ng taon mamahalin ko, babae man o lalaki. Nilambing-lambing niya ako. Sinuklian ko naman ng kapwa lambing ang ipinakita niyang care sa akin.

Pag-uwi namin ay sobra ang kapit ko sa likuran niya, dikit na dikit ang dibdib ko sa likuran niya at tila nadidinig ko na ang tibok ng kanyang puso hehehe. Habang tumatakbo ang motor ay kinakagat-kagat ko pa ang balikat niya hehehe.

-----o0o-----

Pagdating namin ng bahay ay sinalubong kami ng ngiti ng nanay nina Kuya Mike. Ewan ko, may pakiramdam ako na parang nagusap ang mga mata at ngiti nila na sila lang ang nagkakaintindihan.

Sa aming hapunan ay ewan ko kung biro iyon mula sa kanyang tatay. Wala pa si Jose at tumawag na overnight daw sila kung saan man sila nagpunta.

“Alam mo Edwin, ngayon ko lang nakita na masaya ang anak ko. Ikaw lang talaga ang nagpangiti sa kanya. Sayang at sandali ka lang mamamalagi dito.” Wika ng tatay nila.

Ngiti lang ang sagot ko sa kanya, parang nahihiya kasi ako. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Jose sa akin.

“Paano yan. Hindi pa pala uuwi si Jose, wala kang kasama sa pagtulog. Pwede kitang samahan ng hindi ka naman mainip.” Wika ni Kuya Mike.

“Okay lang ako. Isang gabi lang naman eh.” Pagpapakipot ko.

“Basta.” – si Kuya Mike.

Matapos kumain ay sama-sama kaming nagkwentuhan pa sa sala. Ngayon ko lang nakausap ng matagal ang tatay nila. Panay ang papuri sa kanilang anak na si Kuya Mike, kesyo mabait, masipag, matulungin at mapagmahal. Feeling ko tuloy ay nililigawan nila ako para sa kanilang anak.

“Sana, dalasan mo ang punta dito sa amin. Sumama ka kay Jose kapag uuwi siya dito, lalo na kung holiday. Malapit lang naman. Pwede ngang balikan eh hehehe,” Wika ni Tatay. Tatay at Nanay na ang gustong itawag ko sa kanila.

“Mahirap po eh, kasi baka hindi ako payagan ni Tatay. Bahala na po.” Tugon ko.

Marami pang tanong sa akin si Tatay, panay ang back-up sa kanyang anak. “Hanggang kelan ka ba magbabakasyon dito?” tanong ni Tatay.

“Baka po hanggang Friday, Sa Sabado ay uuwi na po ako. Iyon po ang paalam ko kay Tatay.” Sabi ko.

“Anak, mag-file ka muna ng leave habang narito si Edwin. Ipasyal mo muna sa magagandang pasyalan dito. Para sulit naman ang bakasyon niya.” Wika ni Tatay.

“Naku hindi na po, narito naman si Jose. Nakakahiya naman po sa kanya, wala siyang kikitain.” Tutol ko.

“Bukas po ay mag-file ako. Meron naman gagawa ng aking trabaho doon eh. Sasaglit ako para ipagbilin ang aking trabaho.” Pagsang-ayon ni Kuya Mike.

“Hala, iwan na namin kayo ha. Matanda na kami kaya hindi na kami tumatagal sa puyatan.” Paalam ni Tatay.

-----o0o-----

“May natira pa tayong tanduay ice kagabi. Nasa ref. inumin na natin.” Yaya ni Kuya Mike.

Pumayag ako, syempre gusto ko pa siyang kasama. Naubos na namin ang natirang apat. Bumili pa siya, maaga pa naman at may nabibili pa sa tindahan. Kaya lang ay wala silang tanduay ice. San Mig light ang nabili ni Kuya.

Isa langang ininom ko. Sabi ko na madali akong malalasing sa beer at ayaw kong sumakit ang aking ulo kinabukasan. Pero pinilit pa niya ako ng isa pa at last na daw iyon. Ayaw pa raw niyang matulog. Ako man ay ayaw pa rin. Para bang gusto kong ganito lang kami, magkatabi at nilalambing niya. Hinalikan na naman niya ako.

Noon una ay padampi-dampi lang, pero nang ipasok na niya ang kanyang dila ay nasarapan ako at nasipsip ko iyon. Nagsipsipan kami ng dila. Masarap, sobrang sarap. Ang banayad na halik ay nauwi sa mainitang halik, torrid kiss, french kiss, lips to lips, tounge kissing.

 

 

Itutuloy……..

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...