Martes, Agosto 8, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 27) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 27)

By: Firemaker JD

May isang babae kasi na mahaba ang buhok, nakasuot na spaghetti strap na pang-itaas at maikling jeans shorts, at makapal na make-up. Medyo nairita si Jude sa kabastusan ng kalabang team. Walang pakielam ang babae at patuloy lang itong lumalapit sa kanilang kinapwepwestuhan. Siguro girlfriend ng kanyang kaklase.

Nakangiting lumapit ang babae sa kanilang pwesto. Walang umiimik sa kanila. Walang sumasalubong na kaklase. "Hi Jude!" bati ng babae sa kanya.

Medyo mababa ang boses nito at napansin niya ang bukol ng Adam's Apple sa bandang leeg nito. Nanlaki ang mata ni Jude nang mapansin niyang may hawak itong supot ng dalawang Coke.

-----o0o-----

Mestisa ang balat. May highlights ang mahabang buhok na sinamahan pa ng bangs. Singkit ang mga mata ng babae sa kanyang harapan. Naka-full make up ito. Eye shadow, foundation at lipstick. Tila ba rarampa sa isang beauty contest. Napanganga na lamang si Jude sa kanyang pinagmamasdan. Sinusuri kung kakilala niya ba talaga ang taong bumati sa kanya. "Friend? Beshie?" matamis na bati ni Karl sa bagong dating na kaibigan. Nakangiti ito labas ang ngiping naka-braces.

"Uhmmmm" nauutal na sagot lamang ni Jude. Ayaw niyang magkamali sa pangalan ng kaibigan.

"Oh em gee! Si Karl to!." pakilala ni Karl sa kaibigan sabay ng malandi na pagtawa. Umikot pa ito sa harapan ng bagong balik na kaibigan upang mapagmasdan ang kanyang buong katawan. Napatayo si Jude sa kanyang kinauupuan. Manghang-mangha siya sa malaking pagbabago ng kanyang kababata.

"K-karl?" alanganing sagot ni Jude.

"It's me! Karl-la," ngiting bati ni Karl.

"Oh em gee!" ang tanging nasagot ni Jude. Babaeng-babae na ang kanyang kaklase nung highschool. Maliban na lamang sa boses nito at Adam's Apple.

"Oh diba? Hindi mo na nakilala si Karl. Este, Karla," singit ni Lucas sabay akbay sa kanyang pinsan.

Napangiti si Jude. Matagal na niyang nararamdaman na katulad niya rin si Karl. Pero hindi niya aakalain na maglaladlad ng husto ang kaibigan. Nagka-girlfriend pa nga ito nung highschool.

"Grabe, Karl! Ang ganda mo!" namamangha pa rin si Jude. "Ilang buwan lang akong nawala..." dagdag pa ni Jude.

"’Di ba? Mas mukhang babae pa siya sa akin?" natatawang singit ni Lyka sa dalawang kaibigan.

Napatingin si Jude sa dibdib ng kaibigan. Medyo umumbok nga ang harapan ni Karl. Bakat ang utong nito sa suot na spaghetti strap dahil wala itong suot na bra.

"Sabi ko naman kasi sayo, friend, mag-pills ka. For sure tatayo yang dede mo," bulgar na sabi ni Karl kay Lyka.

"Nagpadagdag ka ba?" curious na tanong ni Jude.

"Friend, wala pa akong datung para dito,” wika ni Karla na hawak ang dede. “Panay pills lang," patuloy pa niya sabay ipit sa kanyang dalawang dibdib. Labas tuloy ang cleavage nito. Natawa naman si Jude. "Ikaw, kamusta ka sa Manila? Maraming gwapo?" walang prenong tanong ni Karl.

Nanlaki ang mga mata ni Jude. "Ikaw naman, Karla. Bakit mo naman tatanungin si Jude about sa gwapo? Malay ba nya," umirap na sagot ni Lyka. Mapaklang napangiti lamang si Jude.

"Tse! Alangan naman tanungin ko kung maraming tsiks dun," sabi naman ni Karl.

"Tama na nga kayong dalawa. Maraming maganda at gwapo sa Maynila," sagot na lamang ni Jude.

"Balita ko, friend, seaman daw ang kinukuha mo. Ireto mo naman ako sa mga kaklase mo," - si Karl sabay kapit sa braso ni Jude. Natutuwa siya dahil sobrang out na ni Karl sa kanyang kasarian. Confident na siya. Malaya na siya.

-----o0o-----

"Shoot that ball! Shoot that ball!" cheer ni Karl sa mga dating kaklase na naglalaro. "Yeees!!!" sigaw ni Karl nang maka-shoot si Lucas ng 3 points. May kasama pa itong palakpak.

"Pinsan ko yaaan!" sigaw naman ni Jude na may halong pagmamalaki. Lumingon naman si Lucas sa kanilang kinapupwestuhan sabay kindat. Napatigil tuloy si Jude sa kanyang pagpalakpak at napaupo. Habang si Karl naman ay kilig na kilig. Nag-flying kiss pa ito sa manlalaro.

"Alam mo, Jude. Bet na bet ko talaga yang pinsan mo. Pero hindi ko makuha-kuha," bulgar na kwento ni Karl sabay upo sa tabi ni Jude. .

Natawa naman si Jude sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman ganito ang dati niyang kaibigan. Tahimik ito at mahiyain. Nagulat na nga lang siya nang magka-girlfriend ito nung second year highschool nila. "Kelan ka pa naging… ganyan?" tanong ni Jude. Nahihiya pa siya baka kasi ma-offend ang kaibigan.

"Naging babae? Naging bakla? Okay lang, Jude, ano ka ba?" sagot ni Karl. "Siguro kasabay nung lumuwas ka ng Maynila. Sabi ko sa sarili ko, I can't take it. My inner Karla needs to be released," may pag-emote pang kasama ang pagkukwento ni Karl.

"Buti okay kina Tito," wika ni Jue.

"Actually, hindi na nila ako pinagkolehiyo. Kaya ayun, nalungkot rin ako. Pumasok nalang ako sa parlor nila Madam Wilma," kwento pa ni Karl. "Kaya kung magpapagupit ka, sa akin ka na magpaservice," dagdag pa niya.

"I am so proud of you.." masayang sabi ni Jude sabay akbay pa kay Karl.

"Friend, thank you ha. Hindi ka nandiri sa akin. Hindi tulad ng iba natin kaklase. Akala mo may ginawa akong krime kung lumayo. Ang liliit naman ng mga tite nila. Mas malaki pa nga boorat ko kaysa sa kanila," sabi ni Karl sabay irap.

Natawa na naman si Jude. Hindi niya lubos maisip na masasabi ng mahiyaing kaibigan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Dati kasi hindi masabi ni Karl ang mga salitang jakol o chupa o kung ano mang kabastusan. Hindi rin ito nagmumura. "Ano ka ba, Karl? Wala yun sa akin. Kaibigan pa rin naman kita. Ikaw pa rin ang best friend ko," sabi ni Jude.

"Awwww. Beshywapp!" masayang sagot ni Karl sabay yakap dito.

Na-touch talaga si Karl sa mainit na pagtanggap ni Jude. Hindi man naamin ni Karl noon kay Jude ang tunay niyang pagkatao ay ramdam pa rin niya ang pag-intindi nito sa kanya.

"Hooooy. Wag nga si Jude," singit ni Lyka at pilit na nilalayo si Karl kay Jude.

"Ay wow. Girlfriend ka, sizt?" mataray na sabi ni Karl sa babaeng kaibigan.

"Kayo talaga. Na-miss ko kayooooo!" si Jude sabay yakap sa dalawang kaibigan.

"Na-miss ka rin namin," sabay na sabi nina Karl at Lyka na yumakap na rin kay Jude.

Masaya si Jude sa kanyang pagbabalik. Walang stress. Walang Mac, walang Ace, walang Migs.

"Abaaa! Parang ang saya niyo ah," si Lucas sabay yakap sa tatlo. Naka-time out kasi kaya nakalapit ang binata sa kanila.

"Yuuuuck!" si Lyka na biglang umalis sa pagkakayakap ng maramdaman ang pawisang katawan ng binata. Hindi naman tumanggi si Karl sa yakap ni Lucas kung kaya kumalas siya sa katawan ni Jude at si Lucas ang niyakap.

"Ikaw talaga!" natatawang sabi ni Jude sabay hablot sa buhok ni Karl.

"Aray naman friend!" si Karl.

-----o0o-----

Natapos ang laro at panalo ang kupunan nila Lucas. Diretso na sila sa Championship sa darating na Sabado. Masayang lumapit ang mga manlalaro sa kanilang pwesto. Napatitig si Jude sa mga ito dahil nagsimulang maghubaran ito ng mga suot na jersey. Basa kasi ng pawis.

"Ang shesherep!" malanding sabi ni Karl sabay lapit sa isang lalaki. Nag-alok ito na punasan ang likuran ng lalaki.

"Lande!" natatawang sabi ni Jude sa kaibigan.

Nakangiting lumapit si Lucas sa pinsan at tumabi ito sa kanya. Medyo dinikit ni Lucas ang kanyang mukha sa bandang tenga ni Jude. "Sabi ko sa iyo e. Ikaw ang lucky charm ko," bulong ni Lucas.

Mainit ang hininga na binuga ng pinsan. Nagdulot iyon ng kuryente na kumiliti sa buong katawan ni Jude. Nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan. "Loko!" tanging sagot ni Jude sa pinsan.

Hinubad na rin ni Lucas ang suot na jersey at inabot ito kay Jude. Nasinghot ni Jude ang barakong amoy ng pinsan. Lalaking-lalaki. Napalunok si Jude. Muling niyang napagmasdan ang katawan ng pinsan na basa ng pawis. "Pakipunasan naman ako," hiling ni Lucas sa pinsan sabay talikod kay Jude.

"Ano ako, assistant mo?" natatawang sabi ni Jude.

"Sige na, insan. Ito naman e," si Lucas.

"Oo na," sagot ni Jude sabay tanggap na sa pamunas. Sinimulan niyang hagurin ang malapad na likod ni Lucas. Moreno at Makinis. ang likod ng pinsan. Sa simula ay padabog na pinunasan ni Jude ang pinsan, pero nag-iba siya ng hagod kalaunan, mas mabagal.

"Fuck!" bulong ni Lucas sa sarili nang maramdaman ang paghagod ni Jude sa kanyang likod, may diin, may init. Nagsimulang mabuhay ang kanyang alaga sa suot na jersey. Mas ramdam ngayon ni Lucas ang bawat dampi ng daliri ni Jude sa kanyang likuran.

"Ay wow. Ano to?" salubong ni Karl nang bumalik ito sa pwesto nila Jude. Kitang-kita niya ang mag-pinsan na tila ba'y magkarelasyon. Agad namang tinapos ni Jude ang ginagawang pagpunas sa likuran ni Lucas at muling binalik ang jersey sa pinsan.

"Ay wow, ang dumi ng isip," natarantang sabi ni Jude sa kaibigan sabay tayo sa tabi ng pinsan.

"Lucas, uwi na ako. Walang kasama si Chuchay sa bahay e. Karl, kita tayo ulit ha," paalam ni Jude sabay talikod sa dalawa.

"Ay wow! Panira!" nainis naman sabi ni Lucas kay Karl sabay hablot ng mga gamit. Nabitin na naman kasi siya. Hinabol niya ang umalis na pinsan.

"Ay! Bakit parang may mali," tanging nasabi ni Karl sa sarili nang maiwan siya ng mag-pinsan.

"Jude, teka! Antayin mo ako," sigaw ni Lucas na wala pa rin suot na pang-itaas.

"Insan, magbihis ka nga. Mapulmonya ka nyan, sige ka," sabi ni Jude.

"Ang bilis mo naman kasi mag-lakad," sabi ni Lucas sa pinsan. Kumuha siya ng sando sa loob ng kanyang bag. "Hatid na kita sa inyo. Mamaya maligaw ka pa rito," alok ni Lucas.

"Kabisado ko naman dito. Tsaka mag-habal na lang ako," sabi ni Jude habang naghihintay ng bumabyaheng habal-habal.

"Sure ka? Pwede naman tayo mag-tricycle," alok ulit ni Lucas sa pinsan.

"Huwag na. Safe naman dito," tanggi ulit ni Jude sa pinsan sabay para sa isang motor. Huminto naman iyon sa kanilang harapan. "Habal po?" tanong ni Jude sa lalaking naka-helmet.

"Uy! Jude?! Si Benjie to!" sabi ng lalaki sabay hubad ng kanyang helmet upang makilala ng mga dating kaklase. Dati nilang kaklase si Benjie nung highschool. Nag-mature na rin ang itsura ng kaklase. Pinahaba nito ang kanyang kulot na buhok. Makapal pa rin ang kilay ng ka-eskwela. At ang dating payat na katawan nito ay nagkalaman at masel na. Halata kasi sa suot nitong sandong itim.

"Ayan! Tamang-tama, pre ang dating mo.." bati ni Lucas sa dating kaklase. "Kilala mo pa ba si Benjie, insan?" baling ni Lucas sa pinsan.

"O-oo naman!" sagot ni Jude sabay angkas na sa likuran ni Benjie. "Sige pre," paalam ni Benjie kay Lucas sabay suot ng kanyang helmet. Inabot rin niya ang helmet kay Jude.

"Umuwi ka na ha. Baka hanapin ka na nina Tita.." bilin ni Jude sa pinsan bago isuot ang helmet.

"Oo naman. Ingat ka. Pare, ikaw na bahala kay Jude ah. Ingat kayo," sagot ni Lucas.

Tumango si Benjie bago paandarin ang motor nito. Malamig ang simoy ng hangin dahil Disyembre na. Napakapit si Jude sa balikat ng kaklase. "Kamusta? Kelan ka pa umuwi?" simula ni Benjie. Dahil nasa probinsya ay medyo magkakalayo ang ilaw ng poste. Wala rin silang mashadong kotseng kasabay.

"Nung isang araw lang. Ikaw kamusta? Kayo pa ba ng girlfriend mo nung highschool? Sino na nga yun?" si Jude na medyo nilapitan ang mukha sa ulo ni Benjie.

"Si Muriel? Oo. Kami pa rin. Buntis na nga sa panganay ko," natatawang kwento ni Benjie sa dating kaeskwela.

"Nakabuo ka na agad?!" gulat na tanong ni Jude sa kaklase.

"Uragon e!" sagot ni Benjie. Nagpatuloy ang dalawa sa pagbyahe. "Buti naisipan mong umuwi?"

"Kailangan e. Na-ospital si Papa," sagot ni Jude.

"Ay, kamusta siya?" si Benjie.

"Okay okay na rin naman. Nagpapalakas na lang at pauwi na rin, sana..." sagot ni Jude. "Bukas pupunta ako sa ospital," dagdag pa ni Jude.

"Sabihan mo ako kung kelangan mo ng serbis," alok ni Benjie sa kaklase.

"Sige, wala rin ako masasakyan e," sagot ni Jude. Malapit na sila sa bahay nila

"Sige, sabihan mo ako kung anong oras," sabi ni Benjie. Tumigil ang motor niya sa harapan ng bahay nila Jude.

"Sige kunin ko na lang number mo," sabi ni Jude nang matanggal niya ang suot na helmet.

"Antayin ko nalang text mo," sabi ng kaklase kay Jude.

"Sige, salamat. Ingat ka," paalam ni Jude sa binata.

-----o0o-----

"Dude, saan kayo this Christmas break?" tanong ni Maverick sa mga kabarkada. Nasa bahay sila ni Mickey at nag-aaral para sa huling subject na ieexam nila bukas. Isa kasi ito sa major subject nila kaya naisipan nila mag-group study.

"Baka umuwi ako ng Batangas," unang sumagot si JC sa mga kaibigan.

"Dapat mag-Bicol kame kaya lang nag-back out si Mac. Baka Baguio na lang kame ulit," kwento ni Mickey sa mga kaibigan.

"Bicol?" tanong ni Maverick sa kabarkada.

"Oo. Gusto daw makita ni Mac ang Mayon e," natatawang sabi ni Mickey.

"Ikaw ba Ace, saan ka?" si Maverick sa kaibigan. "Wala naman akong close relatives dito. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng States. Hindi ko pa alam pero..." sagot ni Ace ngunit naputol dahil sumingit si Mickey.

"Ay pare, napuntahan mo ba yung office?" tanong ni Mickey.

Umiling si Ace. "Hindi daw pwede e. Confidential," sagot ni Ace.

"Sino ba yang hinahanap mo?" usisa ni Maverick.

"Yung ipapalit niya kay Amanda," pang-aasar ni Mickey.

"Gago!" mura ni Ace sa kaibigan.

"Ano ba ang pangalan? Malay mo kakilala namin at matulungan ka namin sa info na kelangan mo,” si JC.

"Huwag na pre. Ako na didiskarte," sagot ni Ace. Hindi nila napansin ang paglapit ni Mac sa kanilang kinapwepwestuhan.

"Bro, dinner na. Tawag na kayo nila Mommy," wika ni Mac sa kapatid at mga kaibigan nito.

"Bro, dinner na tayo," yaya ni Mickey sa mga kaibigan.

"I have to go. May dadaanan pa ako," paalam ni Ace sa mga kaibigan.

"See you tomorrow, then?" sagot na lamang ni Mickey.

"Yes, tsong," si Ace at kumamay na sa mga kaibigan. Bago siya umalis ay lumapit ito kay Mac, "Wrong decision, bro. Mayon is better than Baguio," bulong ni Ace sa batang kapatid ng kaibigan.

-----o0o-----

"Sino yan?" tanong ni Susan sa lalaking nag-door bell.

"Good evening po. Ka-eskwela po ito ni Jude. May pinapabigay po kasi sa kanya yung prof namin," pagsisinungaling ni Ace sa pinsan ni Jude. Nasa plano niyang puntahan si Jude sa Bicol upang personal na makausap. Upang masabi na ang matagal niyang pinipigilan. Ito na lang ang natitira niyang option upang malaman ang address ni Jude sa Bicol.

Binuksan ni Susan ang kanilang gate at tumambad sa kanya ang mala-artistang si Ace. "Ka-kaklase ka ni Jude?" ulit na tanong ng tiyahin ng binata kay Ace.

"Yes po. Nandyan po ba siya?" tanong ni Ace. Nakangiti.

"Sea-seaman ka rin?" tanong ni Susan.

"Opo," sagot ni Ace.

"Napakagwapo naman pala ng mga kaklase ni Jude," puri ni Susan sa binata.

Napakamot na lamang ng ulo si Ace. Nahihiya sa puri ng kamag-anak ni Jude. "Hindi naman po," sagot ng binata.

"Iho, wala rito si Jude e. Umuwi sa kanila," sabi ni Susan.

"Ganun po ba? Kelangan po kasi i-submit ito pagkapasok mula sa Christmas break. Kelan po uwi niya?" si Ace hawak ang kunwaring folder.

"Hindi ko pa sigurado e. Paano kaya ito?" si Susan.

"Ipa-LBC ko na lang po kaya?" tanong ni Ace.

"Ay tama! Teka kunin ko ang address nila," sabi ni Susan sabay alok na pumasok si Ace sa kanilang bahay.

"Nako, ma'am. Okay lang po ako dito.." tanggi ni Ace. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Susan hawak ang isang papel. "Ito, dito mo na lang ipadala yang assignment nyo," sabi ni Susan. "Salamat ha.." sabi pa ng matanda.

"Walang anuman po," nakangiting sagot ni Ace hawak ang papel na may address ng bahay nila Jude. Sa wakas…

 

 

Susundan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...