Nasibak Ni Insan Dos (Part 35)
By: Firemaker JD
Hindi
pa rin makapagdesisyon si Mac kung kokontakin pa niya ang dating nobyo. Muli
niyang binunot ang telepono mula sa kanyang bulsa. Pumunta siya sa kanyang
inbox at hinanap ang message. Galing sa unknown number. Binuksan niya iyon.
"I love you, babe," ang huli at tanging message na naroon. Napalunok
siya, kinakabahan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Magtetext ba siya?
Tatawag? O hahayaan ang tadhana na gumawa ng paraan upang pagtagpuin muli sila
ni Jude? Napahinga siya ng malalim at nagsimula siyang magtype.
"Mac!"
tawag ni Migs na biglang sumulpot dala-dala ang dalawang bote ng beer.
Nagulantang si Mac at dali-daling inexit ang messages.
"Sino
tinetext mo?" usisa ni Migs.
"Wala.
Nagsabi lang ako kina Mommy na nasa hotel na tayo," pagsisinungaling ni
Mac.
-----o0o-----
Naunang
pumasok si Ace sa kwarto ni Jude. Napansin ni Ace na umilaw ang cellphone ni
Jude. Lumapit siya sa tokador kung saan nakapatong ang telepono ng binata.
Napangiti siya nang makita sa tabi nito ang kanyang kwintas. Ngunit biglang
nagiba ang kanyang mukha nang makita kung sino ang nagtext kay Jude.
1
message from Babe.
-----o0o-----
"Five..
Four.. Three.. Two.." sabay-sabay na bilang ng mga guest sa swimming pool
area kung saan naka-check in ang barkada ni Mac. Excited at masaya ang lahat
habang inaabangan ang fireworks display ng hotel.
"One!"
masiglang bilang ng lahat sabay simula ng pagputok ng makulay na fireworks sa
kalangitan.
"Ang
ganda no?" bulong ni Mac sa katabing kaibigan.
Sumulyap
si Migs sa katabi at pinanuod ang reaksyon ng binata. Parang bata ang
ekspresyon ng mga mata nito. Kumiskislap kasabay ng mga paputok sa kalangitan.
Hindi rin nakaligtas sa sulyap ni Migs ang mga labi ng binata, nakangiti kasi.
Nanabik tuloy siya na mahagkan ang namumulang labi ng kaibigan.
"Yes.
It is lovely," mahinang sagot ni Migs habang nakatitig pa rin sa
manghang-manghang kabarkada.
"Ha?
Ano yun?" tanong ni Mac sabay harap kay Migs. Nahuli niya tuloy itong
nakatitig sa kanya.
Nawala
ang pagngiti ni Mac at naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Nagkatitigan ang magkaibigan habang patuloy ang putukan ng makukulay na
fireworks sa kalangitan.
Hindi
na napigilan ni Migs ang sarili. Medyo lumapit siya sa seryosong mukha ni Mac.
Gusto niyang mahalikan ito sa oras na iyon. Dahil medyo madilim naman ang
kanilang kinaluluguran ay hindi na niya pinansin kung may makakita man sa
kanila. Humawak siya sa mga braso ni Mac upang mas mapalapit pa sa kaibigan.
Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mga kanilang mga mukha.
Ramdam
na ni Mac ang init ng buga ng hininga ni Migs. Hindi siya makapalag sa oras na
iyon. Ayaw niyang mapahiya si Migs kung itutulak niya ito ng palayo.
"Uyyy!
Andito lang pala kayong dalawa," singit ni Nico sa dalawa niyang kaibigan.
Napahinga ng malalim si Mac habang napabalikwas naman si Migs. Napabitaw tuloy
siya sa pagkakahawak kay Mac. Kasama ni Nico si Jed na umakbay rin kay Mac.
"Bro,
legit. Ang ganda dito!" sabi ni Jed.
"Ah.
Eh. Oo nga. ‘Di ba sabi ko naman sa inyo, mag-eenjoy rin kayo dito," sagot
ni Mac na napaupo sa couch.
"Sino
pa’ng may gusto ng beer?" tanong ni Nico sa mga kaibigan.
"Ako,
bro. Isa," sabi ni Mac. Tumango rin si Jed.
"Migs,
samahan mo ako sa bar," yaya ni Nico sabay hila sa kaibigan. Wala na
nagawa si Migs at napasama na kay Nico.
Patuloy
na ang masayang tugtugan sa lugar na iyon. Halo-halo ang mga bisita ng hotel, lalaki,
babae, matanda, bata. May mga pamilya, magkakabarkada at may mga nagsosolo.
Dinukot muli ni Mac ang kanyang telepono sa kanyang bulsa. Muli niyang tinignan
ang kanyang Inbox. "Shit!" bulong ni Mac sa sarili ng makita niyang
nagsend ang huling text niya. Hindi niya tuloy naririnig ang mga kwento ni Jed
na nasa kanyang tabi lang.
"Bro!"
tawag ni Jed sa kaibigan na seryosong nakatingin sa kanyang telepono.
"Bro, ang seryoso mo naman dyan!!" ulit ni Jed at sumilip kung sino
ang kausap ni Mac. Number lang. Napangiti lang ng mapakla si Mac sa komento ng
kaibigan.
"May
problema ba?" usisa pa ni Jed. Napatingin si Mac sa kaibigan. Tinuturing
ni Mac si Jed na isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan.
"Bro!"
tanging sagot ni Mac. Napansin agad ni Jed na may iba sa kanyang kaibigan. Kita
niya agad ang kalungkutan sa mga mata ng kaibigan.
"Bro,
ano ba talaga ang nangyari?" ulit na tanong ni Jed. Hindi sumagot si Mac
at yumuko lang siya.
"Bro,
w-w-wala na," nanginginig na sagot ni Mac. Umakbay si Jed sa kaibigan at
sinimulang aluin ito.
"Shhh!
Andito lang kame, Mac," bulong ni Jed sa kaibigan. Naintindihan agad ni
Jed na si Jude ang tinutukoy ng kaibigan. Ngayon nakumpirma niya na nag-away
nga ang dalawa.
"Anong
meron?" agad na tanong ni Migs nang makita ang ayos ng dalawa. Agad naman
pinahid ni Mac ang kanyang mga mata. Tumayo ito upang salubungin sina Migs at
Nico. Kinuha niya agad ang dalawang bote ng beer sa kamay ni Migs.
"Bro,
una na ako sa kwarto ah. Medyo pagod ako e," pagsisinungaling ni Mac at
agad na iniwan ang tatlong kaibigan.
"Teka,
Mac. Sasama na ako.." habol ni Migs ngunit agad naman pinigilan ito ni
Jed.
"Bro,
hayaan na muna natin si Mac. He needs it," sabi ni Jed. Agad naman tinabig
ni Migs ang kamay ni Jed.
"No!
Mac needs me. He needs me," sagot ni Migs sabay sunod kay Mac papasok ng
hotel.
-----o0o-----
Napaatras
si Ace nang mabasa kung kanino galing ang bagong mensahe sa telepono ni Jude.
Huminga ng malalim si Ace at agad niyang binuksan ang message ni Mac kay Jude.
"Hi. Nan," putol na message ni Mac. Hindi niya alam kung ano ang
gagawin niya. Buburahin niya ba o hindi. Hati ang kanyang nararamdaman. Alam niyang
mali ang kanyang ginawa dahil sa pagbasa niya sa message ni Mac. Nadala lamang
siya ng kanyang damdamin. Nadala lamang siya ng kanyang pagseselos.
Pinigilan
niya ang kanyang sarili at agad niyang ibinaba ang telepono ni Jude sa tabi ng
kanyang kwintas. Ayaw niyang pagsimulan iyon ng away nilang dalawa. Hinubad ni
Ace ang kanyang suot na pang-itaas. Upang mawala ang masidhing nararamdaman ay
nagsimula siyang mag-push ups. Isa, dalawa, tatlo, hanggang umabot na
singkwentang push ups ang ginagawa ni Ace. Walang pahinga. Natigil lang siya
nang pumasok si Jude sa kwarto nila.
"Uy,
anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Jude pagkabukas ng pinto.
Humihingal
si Ace na napaupo sa kama. Pawis na pawis sa ginawang exercise. Kinuha niya ang
kanyang t-shirt at pinunas sa pawisan niyang mukha.
"Bakit
nag-work out ka pa? Madaling-araw na," puna ni Jude. Lumapit siya sa
binata. Kinuha niya ang damit nito at siya ang nagpunas sa pawisang likod nito.
Napapikit
si Ace habang dinadama ang ginagawang pag-punas ni Jude sa kanyang likod. Hindi
na niya napigilan ang sarili at agad niyang niyakap ang katawan ni Jude.
Lumapat tuloy ang kanyang hubad na katawan sa katawan ng nakatayong si Jude.
Ramdam niya ang lambot ng katawan ng binata.
"Jude,
gusto kita," sabi ni Ace. Napatigil naman si Jude at muling hinarap ang
nakaupong binata. Tumingala si Ace upang makita ang mukha ni Jude, nakangiti
ito.
Gumapang
ang kamay ni Ace upang maabot ang batok ni Jude. Marahan niyang tinulak ito
palapit sa kanyang mukha. Hindi naman nagmatigas si Jude at sinunod ang
kagustuhan ni Ace. Marahang napalapit ang mukha nito sa mukha niya. Ramdam ng
dalawang binata ang bilis ng bawat pagtibok ng kanilang mga puso. Ilang pulgada
na lamang at maglalapat na ang kanilang mga labi.
"Ace,"
bulong ni Jude sa kaharap na binata habang palipat-lipat ang kanyang tingin sa
medyo singkit nitong mga mata at sa medyo nakabukang labi.
Muling
binasa ni Ace ang kanyang namumulang labi. Tila ba na inaakit ang kaharap. Tila
ba nagiimbita na hagkan ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglapat na
nga ang kanilang mga labi. Hindi na nakatanggi pa si Jude at sinagot na rin ang
mga halik ni Ace. Marahan ang palitan ng mga halik ng dalawa. Napakapit ito sa
malapad na balikat ng binata habang siya naman ay pinagapang ang mga kamay sa
likuran nito.
Dahan-dahang
hiniga ni Ace si Jude sa kama habang patuloy pa rin ang halikan. Nagtagumpay siya
na makapatong sa katawan ning huli, ramdam ang init ng katawan ng binata.
Naglakbay
ang mga labi ni Ace sa mukha ni Jude. Hinalikan niya ang magkabilang mata, sinunod
ang ilong. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga labi ang baba nito at sinimulan
dilaan ang panga ng binata papunta sa tenga. Sinimulan niyang romansahin ang
kaliwang tenga ni Jude, kinagat-kagat, ginala-dilaan.
"Uuuuggghh!"
maikling ungol ni Jude nang maramdaman ang pinatulis na dila ni Ace sa butas ng
kanyang tenga. Nakikiliti siya. Ramdam niya ang tigas ng dibdib niyo at nang
bigat ng katawan.
Mula
sa tenga ay bumaba ang labi ni Ace sa parte ng leeg ni Jude. "Aaaaaggghh!
Fuuuuhck!" impit na ungol nito. Ramdam niya ang mga patubong balbas na
kumikiskis sa kanyang balat, nakakakiliti talaga, nakakakuryente.
Nagsimula
nang romansahin ni Ace ang leeg ni Jude. Dinilaan, kinagat-kagat at sinipsipsip
iyon. Napakapit tuloy ito ng mahigpit sa likuran ni Ace.
Muling
napatingin si Ace sa maamong mukha ni Jude. Kasalukuyang itong naka pikit
habang kagat-kagat ang labi. Napangiti siya sa kanyang namasdan. Muli niyang
hinagkan si Jude. Nagmulat na ito nang mga mata at ang gwapong mukha ni Ace ang
agad nitong namasdan.
"I
really like you, Jude," sambit ni Ace nang maghiwalay ang kanilang mga
labi. Seryoso siyang nakamasid sa mukha nito.
Napakagat
labi naman si Jude. Nalulunod siya mga mata ng gwapong binata.
"Ace.." tanging nasabi ni Jude. Hindi pa rin siya makasagot sa
nararamdaman ni Ace. Ayaw niyang magpabigla-bigla. Marami pa siyang iniisip.
Marami pa siyang dapat ayusin pagbalik sa Maynila. Isa na roon si Mac, ang dati
niyang nobyo. Hindi pa sila nagkakausap ni Mac mula nang maghiwalay sila. Sa
isip niya’y, hindi ito magiging patas kay Mac kung makikipagrelasyon na agad
siya kay Ace. Isa rin sa kanyang iniisip ay ang kaibigan na si Amanda, ang
dating nobya ni Ace. Alam niyang hindi agad matatanggap ng dalaga kung malalaman
nito na siya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Ace.
Huminga
ng malalim si Jude habang nakatingin pa rin sa mukha ni Ace. Hindi naman ito
nakaligtas kay Ace. Ngumiti lamang si Ace sabay sabing,
"Huwag
mong masyadong isipin, Jude. Ayoko na ma-pressure ka."
Isang
halik sa mga labi ni Jude ang muling binigay ni Ace. "I will wait for you,
Jude," sabi ng binata sabay alis sa pagkakapatong sa katawan ni Jude.
Humiga
si Ace sa tabi ni Jude. Tahimik ang dalawa. Tanging ang ingay ng mga kuliglig
ang naririnig. Malamig ang hanging pumapasok sa kanilang kwarto.
Umayos
si Jude at humarap sa nakatihayang katabi. "Paano mo pala nalaman address
ko dito sa Bicol?" tanong niya. Sinusubukan niyang tanggalin ang
awkwardness sa pagitan nilang dalawa.
Natawa
naman si Ace nang maalala kung paano niya nakuha ang address ni Jude. Humarap
siya kay Jude. Kahit madilim ay naaaninag niya pa rin ang mukha nito dahil na
rin sa liwanag na nanggagaling sa buwan.
"Pinuntahan
ko si Tita mo sa inyo. Sabi ko, may urgent project tayo sa school at kelangan
kong iabot sa iyo," napangiting kwento ni Ace.
Natawa
naman si Jude. "Lagot ka kay Tita Susan pag nalaman niyang nagsinungaling
ka"
"Huwag
mo akong isumbong, please? Nag-try kasi akong kunin sa registar sa school pero
ayaw nila e. So, wala akong choice," kwento ni Ace.
Medyo
tumalon ang puso ni Jude nang malaman ang effort ni Ace makuha lamang ang
kanyang address. "Gusto mo bang makita ang Mayon bago ka umuwi sa
Manila?" tanong ni Jude sa binata.
Napangiti
ng malaki si Ace. "Basta ba ikaw ang tour guide ko," simpleng banat
ni Ace.
"Oo
naman. Libre lang.." nakangiting sabi ni Jude.
-----o0o-----
Marahan
lumapit si Migs sa nakatalikod na si Mac. Nakasandal ito sa veranda ng kanilang
kwarto habang nakatanaw sa kawalan. Hindi tuloy makita ni Mac ang ganda ng
tanawin mula sa kanilang kwarto. Aninag kasi rito ang korte ng Bulkang Mayon sa
ilalim ng mga nagkikislapang bituin. Tanaw rin dito ang mga ilaw mula sa mga
kabahayan mula sa bayan. Tumabi si Migs sa tahimik na binata. "Grabe, Mac.
Buti na lang talaga dito tayo sa Legazpi nag-celebrate ng Pasko," simula
ni Migs.
Hindi
pa rin umimik si Mac. Hindi rin naman sumuko si Migs. "Bro, gusto mo pa ng
beer? Kuha kita sa baba?" tanong ni Migs sa kabarkada. Wala pa rin sagot
ang katabi. "Mac, kung may problema ka. Nandito lang ako," alo ni
Migs sabay lagok sa dalang beer.
Wala
pa rin imik si Mac. Ilang minuto na rin sila sa ganoong pwesto. Nang biglang
makarinig si Migs ng mahihinang hikbi mula sa katabi. Agad niyang hinarap ang
kanyang kaibigan. "Hey, hey. Mac, what's wrong?" nag-aalalang tanong
ni Migs. Bibihira lang kasing umiyak si Mac sa kanyang harapan.
"Bro!"
tanging sabi ni Mac habang pinipigilan ang nararamdaman.
"H-h-hindi
ko na kaya," patuloy ni Mac kasabay ang kanyang pag-hikbi. "Parang
sasabog na ito oh." si Mac sabay hawak sa kanyang dibdib. At hindi na
napigilan ni Mac ang sarili at tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.
Agad
namang lumapit si Migs at niyakap ang kaibigan. Ramdam niya ang bigat ng
katawan ng binata. Alam niyang bumigay na ang lakas ni Mac. "Shhhh.
Nandito lang ako," si Migs na mas lalo pang hinigpitan ang mga yakap sa
binata.
"Bakit
ganon, bro? Kung kelan ako nagseryoso sa relasyon, saka pa ako nagago?"
banat pa ni Mac sa kaibigan. Hindi nagsalita si Migs. Pinagpatuloy lang niya
ang pag-alo sa kaibigan.
"Bro,
w-w-wala na kame," si Mac na patuloy pa rin sa pag-iyak. "H-h-hindi
ko kaya mawala siya, pare," habol pa ni Mac.
Napalunok
si Migs. Medyo nanlamig ang kanyang pakiramdam. May parang kumurot sa kanyang
puso sa mga naririnig niya mula kay Mac. Alam niyang tinutukoy ni Mac si Jude.
Mas lalo niyang niyakap ang kaibigan, mas mahigpit, mas mainit. Gusto niyang
madama ni Mac na nasa tabi lang siya. Gusto niyang maramdaman ni Mac ang
kanyang presensya. "Bro, hindi ako aalis sa tabi mo," sambit pa ni
Migs habang inaalalo ang kabarkada.
Susundan……
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento