Lunes, Setyembre 25, 2023

Mini Series From Other Blog # 8 - Sundalo (Part 3) - (From: M2M Colletion)

 


Sundalo (Part 3)

Credits To The Real Author

(From: M2M Colletion)

 

Kinabukasan ay maaga kong pinuntahan si John sa barracks nila. Ayon sa nakausap ko doon ay hindi daw siya nagpapakita doon makaraan na madestino siya sa ibang kampo. Sinubukan ko uling tawagan sa cellphone si John pero tulad pa rin kagabi ay nakapatay ito. Minabuti ko na lamang magsimba upang ipanalangin ko na rin ang kaligtasan ni John. Sa simbahan na napuntahan na namin ni John ako nagtungo. Laking gulat ko ng mapansin ko sa likurang upuan si John at para itong tulala na nakatanaw sa altar.

Tinabihan ko siya subalit parang may tumabing hangin lamang sa kanya. Hindi pa rin niya ako pansin. Nagsimula ang misa at hanggang matapos ito ay nakaupo pa rin si John sa aking tabi. Nang magsialisan na ang mga tao ay inakay ko na lamang palabas ng simbahan si John. Simunod naman sa akin si John hanggang sa loob ng aking kotse. Paandarin ko na sana ang aking kotse ng bigla na lamang humagulgol sa iyak si John. Noon nagsimulang inihinga ni John ang kanyang problema.

-----o0o-----

Ang pagbabalik in John sa kampo na dating assignment niya ay gawa ng opisyal na umabuso sa kanya. Kadarating pa lamang niya sa kampo ng pinilit siyang makipag-threesome muli sa asawa nito. Halos gabi-gabi siyang ginamit ng opisyal na ito at paminsan-minsan ay ang malibog din nitong asawa. Pinilit niyang iwasan ang opisyal na ito subalit labis na paghihirap ang naging katumbas.

Na-hospital pa siya ng ilang araw sanhi ng ginawang paghihirap sa kanya na nagdulot ng ilang pilat sa kanyang katawan at sa mismong ari na rin niya. Nang medyo gumaling na siya ay binaboy lalo siya ng opisyal na ito. Nariyan ang pilit pinapapasok ang ari niya sa likuran ng opisyal. Hindi naman siya makapagsumbong dahil natatakot siyang maaring wakasan ng opisyal na ito ang kanyang buhay sakaling may makaalam na iba. Meron din kasing kasabwat na sundalo ang opisyal na ito na kusang nagpapagamit sa opisyal ding ito, kapalit ang maayos na katungkulan sa loob ng kampo.

Naglakas loob siyang tumakas ng magpaalam siyang magpapatingin lamang sa hospital dahil medyo nananakit ang kanyang dibdib. Sinuwerte naman siya at wala sa loob ng hospital ang in-charge na duktor kaya inirekomenda siya ng nurse sa isang public hospital sa labas ng kampo. Sinamantala niya ito upang makatakas. Ako ang una niyang pinuntahan subalit nabigla siya sa kanyang dinatnan. Nasabi niya tuloy sa kanyang sarili na tulad ko rin ang kanyang opisyal na katawan lamang ang habol sa kanya.

“Hindi totoo yan,” ang sabi ko sa kanya. “Mahal kita. Kung nagkamali man ako, patawarin mo ako. Pero ibang-iba ako sa kanya dahil I care for you and I love you,” ang dugtong ko pa at ‘di ko na napigilan din ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

“Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Gulong-gulo na ang isipan ko,” ang kaniya lang nasabi. “Tulungan mo ako. Papatayin nila ako kung babalik ako doon. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila sa akin. Mga baboy sila,” ang dugtong pa ni John.

“Doon tayo sa condo unit ko at hindi ka nila matutuntun doon,” ang alok ko kay John.

“Huwag doon. Baka madamay ka pa sa gulong kinasasangkutan ko,” ang tugon ni John.

“Eh saan kita itatago?” ang tanong ko sa kanya.

“Ikaw na ang bahala, basta sa hindi nila matutuntun na lugar. Please tulungan mo ako,” ang pagmamakaawa sa akin ni John.

Magulo din ang aking isipan ng mga oras na iyon. Awang-awa ako sa taong pinakamamahal ko. Pinilit kong mag-isip kung saan hanggang sa maisipan ko ang probinsya ng lolo ko sa parteng norte. May luma kaming bahay doon at ang huli kong balita ay wala ng nakatira doon dahil nag-migrate na rin sa US ang mga kamag-anak namin na dating nakatira doon. Agad ko siyang niyaya na puntahan namin ang lugar na iyon. Wala na kaming inaksayang panahon, binaybay na namin ang daan patungo sa bahay ng lolo ko. Gabi na ng marating namin ito. Wala ng ngang nakatira dito maliban sa isang katiwala. Buti na lamang at natandaan pa ako ng katiwalang ito kaya pinapasok kami sa bahay.

Dahil sa pagod namin sa layo ng nilakbay namin ay agad kong pinaayos ang silid na tutulugan namin. Wala kaming nadalang pamalit ng damit kaya iyon na ring suot namin ang pinangtulog namin. Agad nakatulog sa aking tabi si John. Ako naman ay parang ayaw dalawin ng antok. Pinagmasdan ko na lamang si John. Kahit sa pagtulog ay halatang nababagabag pa rin si John sa mga nangyari sa kanya. Bigla na lamang siyang nagigising ng masama niyang panaginip. Kaya minabuti ko na lamang na manatiling gising upang mapakalma ko siya sa tuwing magigising siya. Halos maiyak ako sa nasasaksihan kong kalagayan ni John.

Marahil ay hindi na muling binagabag ng panaginip si John dahil hindi ko naramdaman na nagising pa siya kasi nakatulog din ako kahit papaano. Mga katok ng katiwala ang gumising sa akin at inaalok kaming mag-almusal na. Ginising ko si John upang makakain na rin dahil mataas na rin ang araw. Nagpaumanhin sa amin ang katiwala dahil tuyo at itlog lamang ang kanyang naihain sa amin ni John. Siya lang naman ang tao doon kaya di na siya namimili sa palengke ng makakain. Kung ano na lamang ang mayroon sa malapit na tindahan ay siya niyang pinagtyatyagaan.

Matapos naming kumain, ay naalala ko ang aking opisina. Buti naman ay may signal ang cellphone sa lugar na iyon at naitawag ko ang pagliban ko sa opisina ng ilang araw. Binalak ko rin na mamili ng pagkain at damit namin ni John. Pero hindi ako sanay na umaalis ng bahay ng hindi naliligo at nagpapalit ng damit. Nanghiram kami ng shorts at t-shirts sa katiwala na pamalit namin. Niyaya ko si John na maligo sa poso. Malayu-layo din ang kapitbahay kaya malakas ang loob namin na mag-brief lamang sa paliligo.

Ito ang dati naming ginagawa ng mga pinsan ko noong maliliit pa kami. Buti na lamang at kahit sa paliligo namin ay nabago ang aura ni John. Medyo nakuha na niyang ngumiti at tumawa. Para kaming mga bata na nagtatapunan ng tubig. Minsan naman ay niyayakap namin ang isa’t isa sabay buhat dito. Marahil ay takang-taka ang katiwala sa ikinikilos namin ni John habang naliligo. Nais ko rin sanang dakmain ang ari ni John pero nakatanaw sa amin ang katiwala.

Nang matapos kami sa paliligo at magkapagpalit ng damit ay nagyaya na akong mamili. Nagpasama kami sa katiwala dahil hindi ko kabisado ang aming pupuntahan. Namili kami ng aming kakainin pati na rin ang aming mga damit. Pagbalik namin sa bahay ay nagkusa si John na magluto. Tulad ng dati ay isang maanghang na putahe ang kanyang inihanda sa aming pananghalian. Pagkatapos ng tanghalian ay nagyayang magpahinga muna si John. Natulog kami ng ilang oras at bago pa man magdilim ay nagising na kami. Niyaya ko tuloy siya sa may kabukiran upang pagmasdan ang paglubog na araw. Umupo kami sa tabi ng inipong dayami at parang eksena sa pelikula noong araw na magka-akbay kami habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nasa tabi pa namin ang ilang kalabaw na saksi sa aming pagmamahalan.

Paglubog ng araw ay bumalot na ang kadiliman sa kapaligiran. Bigla na lamang niya akong hinagkan sa aking mga labi.

“Salamat Lester at naririyan ka lang sa aking tabi,” ang nasabi ni John matapos niya akong hagkan.

“Lagi lamang ako sa iyong tabi kahit ano pang mangyari,” ang naging tugon ko naman.

Muli niya akong hinagkan hanggang sa mapahiga kami sa dayamihan. Natigilan kami sa aming ginagawa ng biglan mag-ingay ang isang kalabaw. Natawa tuloy kami ni John sabay sabing istorbo naman ang kalabaw na ito at mukhang naiingit pa sa amin. Naalala tuloy namin ang katiwala na baka naghihintay na sa amin. Sa probinsya kasi, kapag sumapit na ang dilim ay naghahapunan na dahil maagang natutulog ang mga tao. Tama nga kami ni John. Nakahanda na ang aming hapunan ng makarating kami sa bahay. Naging masaya naman kami ni John na pinagsaluhan ang gulay na luto ng katiwala. Matapos kumain ay nagkwentuhan muli kami ni John at dahil wala naman kaming ibang gagawin ay maaga din kaming natulog.

Kinabukasan nang mapansin ko na balik 100% na ang sigla ni John ay niyaya ko siyang magswimming sa pinakamalapit na beach. Nagluto muna ang katiwala ng babaunin namin bago kami tumulak papunta sa beach na iyon. Tuwang-tuwa si John ng marating namin ang beach. Walang naliligo doon dahil hindi naman summer. Kami lamang yata ang tao doon. Para kaming mga batang nagtatakbo at nagtatampisaw sa gilid ng dagat. Batuhan ng buhangin, sabuyan ng tubig at kung anu-ano pang kabulastugan ang pinaggagawa namin.

May mga pagkakataon pang kami’y nagre-wrestling at sa tuwing babagsak kami sa lupa ay walang kasing-higpit na yapusan ang aming ginagawa na may kasama pang mainit na halikan. ‘Di na namin inalintana kung may makakita man sa amin. Malalayo naman ang mga bahay doon. Sa pakiramdam namin ay dalawa lamang kami sa mundo ng mga oras na iyon. Nakiayon din ang kalikasan sa amin dahil hindi masyadong nagpakita ang haring araw at hindi rin naging maalon ang dagat. Para bang nasa paraiso kami ng mga oras na iyon.

Natigil lamang kami ng makaramdam kami ng gutom. Pero matapos magkalaman ang aming tiyan ay balik uli kami sa paliligo sa dagat at balik uli ang masayang yapusan at halikan sa dalampasigan. Tuluyan lamang kami tumigil sa aming ginagawa ng mapansin namin na nagdaratingan na ang mga mangingisda at mukhang magsisimula na silang pumalaot. Kami naman ni John ay nagmasid na lamang sa mga ginagawang paghahanda ng mga mangingisda sa kani-kanilang mga bangka. Halos para kaming mga reporter na tanong ng tanong sa kanila na para bang gusto na rin naming sumama sa kanila sa pangingisda.

Nang pumalaot na ang mga mangingisda ay umuwi na rin kami sa bahay. Nang gabi ding iyon ay naulit muli ang isa sa pinakamasarap naming pagtatalik ni John. ‘Di ito tulad ng huling nangyari sa amin na damang-dama ko na wala sa kalooban ni John ang pakikipagtalik sa akin. Ngayon ay puno na pagmamahal ang bawat gawin namin ni John. Sa mga haplos pa lamang ay para bang may kakaibang kuryente ang dulot nito at nasisiyahan ang ginagawan nito.

Nadama ko rin na sa bawat pagsubo ko ng ari ni John ay nasisyahan siya na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na salamat aking mahal. ‘Di na rin niya inulit ang pagpasok ng kanyang ari sa aking likuran. Alam ko naman kahit noong una pa na iyon ang pinakaayaw niyang gawin. Hindi ko mabilang kung nakailang putok kami ng John ng gabing iyon. Subalit isa lamang ang natatandaan ko na iyon na marahil ang pinakamasaya at pinakamasarap na pagtatalik namin ni John.

Kinabukasan ay nagpasya na akong bumalik sa Maynila. Inihabilin ko muna sa John sa katiwala ng bahay. Gabi na ng makarating ako sa Maynila. Pero nabigla ako ng pagdating ko sa building na tinitirahan ko ay sinabihan ako ng security OIC na kakilala ni John na merong nagmamasid-masid sa aking unit at nagtatanong ng tungkol sa akin buhat ng umalis ako noong Linggo. Kabisado ng OIC na mga militar iyon pero kung anong pakay nila ay hindi niya alam.

Kahit alam ko na may kinalaman iyon kay John ay hindi ko na rin sinabi ito sa OIC. Kinausap niya ako na kung maaari ay magpalamig-lamig muna sa malayong lugar dahil baka kung ano daw ang mangyari sa akin. Dati din siyang military at sa tingin ko ay alam niya ang maaaring gawin sa akin ng mga nagmamatyag sa akin.

Nagpasya na lamang ako na bumalik sa probinsya. Bago ko isagawa iyon ay nag-impake muna ako ng mga damit ko at ng iba ko pang kakailanganin. Isasakay ko na sana iyon sa aking sasakyan ng lapitan ako muli ng OIC at sinabi niya na nasa paligid lamang ang mga nagmamatyag sa akin. Tiyak din daw na alam na nila ng plaka ng kotse ko at tiyak na masusundan nila ako kahit saan ako magpunta. Kilala ko ang OIC na ito at subok na ang katapatan sa mga nakatira sa condo building na iyon. Kaya naman ipinaubaya ko na sa kanya ang pagpapaplano kung paano ako makakalabas ng building.

Hiniram niya ang service vehicle ng janitorial services ng building namin at doon niya ako pinasakay. Nagdisguise din siya na isa sa mga janitor upang hindi kami paghinalaan sa paglabas namin ng building. Inihatid niya ako sa isang bus station at matiwasay akong nakasakay ng bus at nakabalik sa probinsya na hindi nasusundan ng mga naghahanap kay John. Pati si John ay nabigla sa aking agarang pagbabalik. Naikwento ko sa kanya ang lahat. Humingi siya ng tawad sa akin kasi kung hindi daw sa kanya ay hindi ko rin sasapitin ang ganoong sitwasyon.

“Lester, pasnesya ka na at pati ikaw ay nadamay na. Patawarin mo sana ako kung nagulo ko ang iyong buhay,” ang paghingi sa akin ng tawad ni John.

“John, ano ka ba? Huwag mong isipin ‘yan. Nagkataon lamang ito at hindi mo naman sinasadya,” ang sagot ko naman.

“Pero nang dahil sa akin ay nasa peligro na rin ang buhay mo,” ang sabi muli ni John.

“Mas gugustuhin ko pang nasa peligro ang buhay ko at kasama kita. Kaysa naman mawala ka sa buhay ko,” ang sagot ko sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata na John at gayon din naman ako dahil sa sobrang awa sa aking minamahal. Marahil ay nagtataka ang katiwala sa bahay dahil nasaksihan niya ang mga pangyayaring iyon. Hindi niya napigilan na makisama sa usapan. Simple lang ang ipinagtapat namin sa katiwala na may nagtatangka sa aming buhay at dapat kaming hindi matunton ng mga ito. Nakiusap na lamang kami sa kanya na huwag na niyang ipagkalat kahit sa aming mga kamag-anak na naroroon ako. Nagpasya din kami ni John na hindi dapat ibigay ng katiwala ang aming mga pangalan kung sakasakaling may magtatanong tungkol sa amin.

Nang mga sumunod na araw ay naging normal na ang aming pamumuhay. Subalit kapag hindi kami naghanap-buhay ay darating ang araw na mauubos din ang savings ko sa bangko. Naisip namin ni John na magnegosyo na lamang sa pamamagitan ng pangingisda. Nakabili ako ng 3 bankang pangingisda at kumuha ng mga tauhan sa pangingisda. Naging maswerte naman kami sa simula ng aming negosyo kaya ang 3 bangka ay nadagdagan pa ng 3. Naging maayos naman ang aming negosyo at pamumuhay sa nayon na iyon. Di nagtagal at nakilala na din kami ng mga tao doon sa iba naming pangalan. Dumating din ang punto na pati sa kabayanan ay nakilala ang aming pangalan dahil madami na ring mga naglalako ng isda ang kumukuha sa amin.

Hanggang sa mapansin ang aming negosyo ng mayor ng aming bayan. Dahil dito ay napilitan kaming kumuha ng business permit upang hindi na kami masita ng munisipyo. Kaya naman mga tunay naming pangalan ang naisaad namin sa mga document na kinakailangan. Ganoon pa man ay naging matiwasay pa rin ang pamumuhay namin ni John sa bayang iyon. Nakuha na rin namin ang mamasyal sa kabayanan at paminsan-minsan ay naiimbitahan sa mga kasiyahan sa kabayanan. Dahil dito nakilala namin ang mayor ng bayan at ng ilan pang pulitiko sa lugar na iyon.

Makalipas ng ilang buwan ay muling nabulabog ang aming buhay. Isang gabi ay sinugod ang aming bahay ng di kilalalang mga kalalakihan at dinukot si John ng mga iyon kasama ang aming katiwala. Nagkataon kasi na sa kabayanan ako nagpalipas ng gabi sa isang malayong kamag-anak dahil namatay ang tiyuhin ko doon. Hindi nakasama si John dahil masama ang pakiramdam nito. Pag-uwi ko kinabukasan ay hindi ko na nadatnan sina John at ang katiwala. Subalit may isang lihim na iniwan sa akin na kung ayaw ko daw sumunod kay John sa impyerno ay itikom ko na lamang ang aking bibig. Patuloy pa rin nila akong mamatyagan kaya mag-ingat daw ako sa aking mga gawain.

Kinahapunan ay may masamang balita na nakarating sa akin. Nakita ang bangkay ng katiwala namin sa may dalampasigan at may tama ito ng mga bala. Parang gumuho ang mudo ko ng mga oras na iyon. Bigla kasing pumasok sa isipan ko na baka si John ay pinatay na rin. Halos hindi ko malaman ang aking gagawin sa mga sandaling iyon. Para bang hinihintay ko na lamang na makita ang bangkay ni John sa dalampasigan.

Sa tulong ng mga tauhan ko at mga kapitbahay na rin ay naging maayos ang burol at libing ng aming katiwala. Subalit wala pa rin kaming naging balita tungkol kay John. Lumipas pa ang mga araw at naging blangko pa rin ang pulisya sa imbestigasyon nito. Gusto ko na sanang sabihin sa pulisya ang hinihinala ko kung sino ang may kagagawan sa pagkakapaslang sa aming katiwala at pagkawala ni John. Subalit nanaig pa rin ang aking takot. Takot na baka hindi lamang ako ang tapusin ng mga ito kundi ang aking kapamilya. ‘

Dumaan pa ang ilang Linggo at tila wala talagang lalabas ng mabuting balita tungkol kay John. Hanggang sa isang araw ay makatanggap ako ng liham na nagsasabing nasa mabuting kalagayan na si John subalilt hindi ko na daw siya makikitang muli magpakaylanman. Kaya manahimik na lang daw ako at kung hindi ay patatahimikin na nila ako ng tuluyan.

Dahil sa liham na iyon ay nagpasya na akong bumalik sa Maynila. Upang haraping ang panibagong bukas sa aking buhay. Hindi na muli ako nagtrabaho sa isang kumpanya. Sa tulong ng pinagkakatiwalaan kong tauhan ay napatakbo pa rin ang negosyo ko sa probinsya. Napalaki ko pa iyon ng makakuha ako ng mga supermarket sa Metro Manila na pwede akong mag-supply ng fresh fish at iba pang produktong dagat. Si John naman ay nanatili na lamang isang magandang alaala ng nakaraan na pinapangarap ko pa rin na balang araw ay magkikita kaming muli.

Bob, nakuha mo na ba yung tseke na bayad sa previous delivery natin?” ang tanong ko kay Bob ng lumapit siya sa akin habang nagmamasid ako sa mga tauhan ng supermarket na abala sa pag-aayos ng bagong deliver na mga isda.

“Yap, Lester, I have it na. Halika na at uwi na tayo. Tutal last delivery na natin ito,” ang tugon ni Bob.

“Tara na.” ang nasabi ko naman.

Biglang may napansin akong isang familiar na tao na papalapit sa amin ni Bob. Bago pa man siya nakalapit sa amin ay namukhaan ko na siya.

“John, ikaw ba yan?” ang bigla kong naitanong.

“Kumusta ka na Lester?” ang tanong naman ng taong lumapit sa amin.

“Ikaw nga John. Salamat sa Diyos at nagkita pa rin tayo,” ang tuwang tuwang nasabi ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni John. Hindi ako makapaniwala na yakap-yakap ko muli ang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Subalit ang galak na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon ay bahagyang naudlot ng maalala ko na nakatingin sa amin si Bob. Agad akong bumitiw sa pagkakayakap kay John. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin sa mga oras na iyon. Si Bob ang bago kong mahal na nagbigay muli ng sigla sa aking buhay mula ng mawala si John. Alam ni Bob ang tungkol kay John. Kung papaano kami nagkakakilala at kung anu-ano ang aming pinagdaanan hanggang sa magkahiwalay kami.

“Hi John. I’m Bob. So ikaw pala si John na madalas maikwento ni Lester,” si Bob na ang nagpakilala sa kanyang sarili kay John ng mapansin niya akong hindi makapagsalita sa mga sandaling iyon.

“Oo ako nga,” ang tugon naman ni John at sabay iniabot ang kanyang kanang kamay kay Bob.

“More than three years na rin pala noong huli kaming magkita ni Lester,” ang dugtong pa ni John.

“May restaurant yata sa labas ng supermarket. We could order some drinks there,” ang paanyaya ni Bob.

“Mabuti pa nga,” ang nasabi ko na lamang.

Tinungo namin ang isang restaurant at umorder kami ng inumin. Kahit ayaw umorder ni John ay ikinuha na lamang namin siya ng kanyang inumin at makakain dahil alam ko naman kung ano ang kanyang paborito. Sa mga oras na iyon ay hindi ko pa nakuhang makipagkwentuhan kay John. Tanging si Bob ang naglakas ng loob na makipagkwentuhan kay John. Naikwento tuloy ni Bob kung papaano kami nagkakilala.

Habang nagkwekwentuhan sina Bob at John ay naalala ko ang lahat ng detalye ng nakaraan namin ni Bob. Nasa truck rental business si Bob. Nang lumaki kasi ang demand sa Maynila ng produktong dagat sa akin ay nangailangan ako ng ilan pang delivery trucks. Hindi ko kaya na bumili pa ng mga bagong trucks kaya naisipan ko na kumuha ng trucks for rent. Sa simula pa lamang ng aming kasunduan ni Bob ay nakitaan ko na siya ng kabaitan at pagmamalasakit sa kanyang mga kliyente.

Hanggang sa maging matalik kaming magkaibigan ni Bob. Kinalaunan ay naging business partner ko na rin. Naging open ako kay Bob at naikwento ko na halos lahat ng karanasan ko sa buhay pati na ang kay John. May asawa si Bob at dalawang anak. Subalit naghiwalay sila ng pinili ng kanyang asawa ang pagtira sa Canada. Isinama nito ang dalawang anak nila ni Bob. Hindi na naghabol si Bob dahil maliliit pa ang kanyang mga anak at alam niya na mas maaalagaan ang kanyang mga anak ng kanyang asawa. Minabuti na lamang ni Bob na palaguin ang naipundar niyang kabuhayan.

Sa simula ng pagiging malapit namin ni Bob ay hindi ko nakuhang pagnasaan siya. In his late thirties ay matipuno pa rin ang katawan ni Bob. Mahilig kasi siya sa iba’t ibang sports. Higit sa lahat ay napakagwapo ni Bob. Kahit sinong babae o bading ay tiyak na pagnanasaan siya. Halos abutin din ng isang taon na magkakilala kami ni Bob ng may kakaibang nangyari sa aming dalawa.

Isinama niya ako sa isang badminton game niya. Naglalaro din naman ako ng badminton subalit iyon ang first time na makakasama ko si Bob. Hapon noon ng mapagkasunduan namin ni Bob na maglaro. Akala ko ay hindi kami makakapaglaro sa dami ng mga tao doon. Subalit VIP member pala si Bob doon kaya may nakalaan talagang court sa katulad niyang VIP member.

Dalawang oras din kaming naglaro ni Bob. Tumagaktak ang pawis naming dalawa. Nagyaya si Bob na mag-shower kami bago kami umalis sa lugar na iyon. Nang mapasok namin ang locker room, napansin namin na pila ang mga nais maligo sa shower room. Kaya nagpasya si Bob na yayain ako na doon na lamang sa kanyang condo unit maligo. Tutal malapit lang naman doon iyon.

Kapwa kami may sari-sariling sasakyan kaya pinasunod ako ni Bob sa kanya dahil hindi ko kabisado ang papunta sa condo ni Bob. Pagtapat namin sa harapan na building kung saan naroroon ang condo ni Bob ay sinenyasan niya akong mag-park sa guest parking. Pagkababa ko sa aking sasakyan ay isinakay ako ni Bob at pumasok kami sa basement ng building. Sa basement 2 kami nagpark at agad na rin naming tinungo ang unit ni Bob. ‘Di hamak na mas malalaki ang condo unit ni Bob kaysa unit ko. May dalawa itong malalaking bedrooms maliban pa sa maid’s room. Iyon daw ang naipundar nilang mag-asawa noong nagsasama pa sila. Subalit ngayon ay tanging si Bob na lamang ang nakatira.

Niyaya ako ni Bob hanggang sa loob ng bedroom nya. Hindi daw maayos ang bathroom sa labas dahil matagal na itong hindi nagagamit. Ang bathroom sa loob ng kanyang silid ang tanging nagagamit niya.

“Sige una ka ng maligo. Heto ang twalya,” ang sabi ni Bob sa akin.

“Salamat Bob, may dala naman akong towel ko,” ang tugon ko naman.

“Huwag mo ng gamitin iyan ng hindi na mabasa. Okey lang na gamitin mo ang towel ko.” ang pagpupumilit ni Bob.

Sinunod ko rin ang nais ni Bob. Pumasok ako sa bathroom at nagsimula ng maligo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa paliligo. Napunasan ko na ang aking buong katawan at naitapis ko na ang ginamit kong twalya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo.

“Tapos ka na yata Lester,” ang biglang sinabi ni Bob ng dumungaw siya sa pintuan ng banyo.

Napansin niya yata na medyo nagulat ako sa kanyang ginawang biglaang pagbukas ng pinto ng banyo.

“Sorry ha. Hindi na talaga ito nala-lock. Wala na kasi akong naririnig na buhos ng tubig kaya inakala kong tapos ka ng maligo,” ang paliwanag ni Bob.

“Okey lang. Tapos na rin ako. Magsusuklay lamang ako ng buhok at maglalagay ng lotion.” ang tugon ko naman.

“So pwede na rin akong maligo,” ang nasabi muli ni Bob.

“Sige sa labas na lang ako mag-aayos ng sarili.” ang nasabi ko naman.

“Okey lang na diyan ka. Mas malaki ang salamin dito kaysa sa loob ng kwarto ko. Tutal may shower curtain naman na tabing itong shower room,” ang nasabi naman ni Bob na may kasamang ngiti sa kanyang pisngi.

“Anong akala mo naman sa akin, sisilipan kita.” ang biro ko kay Bob.

“Nasa sa iyo iyun kung gugustuhin mong gawin iyun sa akin. Hindi naman kita mapipigilan,” ang pabirong sinabi naman ni Bob.

“Loko talaga ito. Hindi kita type at hindi kita pinagnanasaan noh,” ang pabirong pagtataray ko naman sa kanya.

Hindi na muling sumagot si Bob at narinig ko na lamang ang pagbuhos ng tubig mula sa shower. Alam kong hubo’t hubad na noon si Bob at sa konting lihis ko lamang ng shower curtain ay makikita ko ang ibang kayamanan ni Bob. Subalit hindi ko ginawa iyon dahil na rin sa respeto ko sa kanya. Sa halip ay nagpaalam na lamang ako na hinhintayin ko siya sa may sala.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Bob mula sa kanyang silid. Nakatapis lamang siya ng tuwalya. Habang papalapit siya sa akin ay aking ikinabigla ang kanyang tanong.

“Hindi ba ako kaakit-akit sa iyong paningin?” ang tanong ni Bob.

“Ha! Anong ibig mong sabihin?” ang akin ring naitanong sa kanya.

“Wala lang. Matagal na kasi tayong magkasama at magkaibigan. Ni hindi ka man lamang nagpahiwatig sa akin na may gusto ka sa akin,” ang naging tugon ni Bob.

“Ah… Eh… syempre business partner tayo. Kaya ganoon na lamang ang respeto ko sa iyo. At alam ko naman na hindi ka papatol sa isang tulad ko,” ang naisagot ko naman sa kanya.

“Hindi mo ba nami-miss ang ginagawa ninyo ni John?” ang tanong na naman ni Bob na mas lalo kong ikinagulat.

“Hahaha. Dami namang bayaran dyan at mas gwapo pa sa kanya,” ang naging biro ko naman sa kanya.

“Ganoon ba! Iba syempre yung mahal mo hindi ba?” ang dugtong naman ni Bob.

Bigla akong naging seryoso ng mabanggit niya ang salitang mahal. Tama nga si Bob. Dahil sa salaping aking kinikita, kahit papaano ay nairaraos ang aking seksual na pangangailangan. Subalit dumarating pa rin ako sa isang punto na tinatanong ko ang aking sarili kung masaya ba ako sa ganoong gawain. Panandaliang kaligayahan lamang ang aking nadarama sa tuwing makikipag-sex ako sa isang bayaran. Noon ko labis na naramdman ang pagka-miss ko kay John.

“O bakit naging seryoso ka na dyan?” ang pumukaw sa aking panandaliang katahimikan at pagmumuni-muni tungkol kay John.

“Ah… wala… Sige Bob, aalis na ako,” ang tangi kong naisagot kay Bob.

Pagtayo ko sa sopa ay hinawakan ni Bob ang kaliwa kong kamay. ‘Di na siya muling nagbiro sa akin. Tinitigan na lamang niya ako sa mga mata. Tila may nais siyang sabihin na hindi niya mabigkas-bigkas. Subalit kahit walang namutawing mga salita mula sa kanyang bibig ay nararamdaman ko ang nais niyang ipahiwatig. Mas lalo kong napagtanto na nais na niyang idikit ang aking kaliwang kamay sa kanyang ari. Ilang sandali pa ay sadya niyang inihulog ang twalyang nakatapis sa kanyang baywang. Tumambad sa akin ang hubo’t hubad na katawan ni Bob.

 

Itutuloy…..

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...