Martes, Setyembre 26, 2023

Mini Series From Other Blog # 8 - Sundalo (Part 4) Finale - (From: M2M Colletion)

 


Sundalo (Part 4) Finale

Credits To The Real Author

(From: M2M Colletion)

 

Bigla akong naging seryoso ng mabanggit niya ang salitang mahal. Tama nga si Bob. Dahil sa salaping aking kinikita, kahit papaano ay nairaraos ang aking seksual na pangangailangan. Subalit dumarating pa rin ako sa isang punto na tinatanong ko ang aking sarili kung masaya ba ako sa ganoong gawain. Panandaliang kaligayahan lamang ang aking nadarama sa tuwing makikipag-sex ako sa isang bayaran. Noon ko labis na naramdman ang pagka-miss ko kay John.

“O bakit naging seryoso ka na dyan?” ang pumukaw sa aking panandaliang katahimikan at pagmumuni-muni tungkol kay John.

“Ah… wala… Sige Bob, aalis na ako,” ang tangi kong naisagot kay Bob.

Pagtayo ko sa sopa ay hinawakan ni Bob ang kaliwa kong kamay. ‘Di na siya muling nagbiro sa akin. Tinitigan na lamang niya ako sa mga mata. Tila may nais siyang sabihin na hindi niya mabigkas-bigkas. Subalit kahit walang namutawing mga salita mula sa kanyang bibig ay nararamdaman ko ang nais niyang ipahiwatig. Mas lalo kong napagtanto na nais na niyang idikit ang aking kaliwang kamay sa kanyang ari. Ilang sandali pa ay sadya niyang inihulog ang twalyang nakatapis sa kanyang baywang. Tumambad sa akin ang hubo’t hubad na katawan ni Bob.

-----o0o-----

Para akong isang tuod na hindi makakilos ng mga sandaling iyon. Naghintay na lamang ako sa susunod na gagawin ni Bob. Biglang niyapos ako ni Bob sabay halik sa aking mga labi. Ewan ko kung anong kakaibang sensasyon ang aking nadama ng maglapat ang aming mga labi. Gumanti na rin ako ng halik sa kanya. Habang naghahalikan kami ay lumakas na rin ang aking loob na hawakan ang kanyang ari. Malambot pa ito. Subalit ng simulan kong hawakan ay unti-unti itong nabuhay. Mahaba at mataba ang alaga ni Bob base sa nararamdaman ng aking palad. Nais ko sana itong sulyapan subalit matindi pa rin ang halikan namin ni Bob. Ni hindi ko makuhang bumitaw sa aming halikan.

Biglang tumigil sa paghalik sa akin si Bob sabay sabing “ Hahaha, kanina ka pa gigil na gigil d’yan sa junior ko ha. Baka mabalian yan sa higpit ng paghawak mo. Hahaha.”

Para akong natauhan at namutla ng marinig ko ang sinabi ni Bob. Kaya hindi ko siya nasagot.

“Tara sa loob ng aking kwarto at doon natin ituloy ang lahat,” ang anyaya sa akin ni Bob.

Pagpasok namin sa kanyang silid ay inalis ko na rin ang lahat ng aking saplot at magkatabi kaming nahiga sa kanyang kama.

“Pasensya ka na kung hindi ako marunong sa ganitong bagay. First time ko lang kasing gawin ito.” ang nasabi ni Bob sa akin.

Nginitian ko lamang siya at nagsimula na muli kaming maghalikan. Halos paliguan ko ng halik ang buong katawan ni Bob. Makinis kasi ang kabuuan nito at halata na alagang alaga niya ang kanyang katawa. Nang pagtuunan ko ng pansin ang kanyang alaga ay noon ko napatunayan na malaki nga ito. Bukod sa kahabaan nito ay medyo may katabaan pa. Ni halos hindi mahahalata ang mga ugat sa paligid nito. Pantay ang taba nito mula puno hanggang sa ibaba ng pinakaulo nito. Ang ulo naman nito ay bahaya lamang lumaki sa katawan nilo. Pati ang bakas ng pinatulian ay hindi na rin makikita.

Ang dalawang bola sa ibaba ng kanyang ari ay tamang tama lamang ang laki na nababagay lamang sa laki ng kanyang alaga. Sa paligid nito ay makapal na buhok. Tuwang tuwa akong pagmasdan iyon. Subalit ng mapansin ako ni Bob na tila tinitigan ko lamang ang kanyang ari ay siya na mismo ang nagsenyas na simulan ko na raw isubo ang naninigas na niyang ari. Iyon na nga ang aking ginawa. Naglabas-pasok ang kanyang ari sa aking bibig. Paminsan-minsan naman ay pinaglalaruan ng aking bibig ang dawalang bolang nakalawit doon.

Grabeng kaligayan ang nadama ni Bob sa bawat gawin ko sa kanya. ‘Di rin niya napigilan ang malalakas na pag-ungol at ang pagbigkas ng mga katagang “ang sarap”. Hanggang sa labasan si Bob. Napakadami noon at pinilit ko lahat lunukin. Nang mahimasmasan na siya ay sinabihan niya ako na ako naman ang magpalabas. Nahiga akong muli ng maayos sa tabi niya. Habang hawak ng isang kamay ko ang ari niya ay sinasalsal naman ng isa kong kamay ang aking ari. Si Bob naman ang nagpatuloy sa paghalik sa aking mga labi. Maya-maya pa ay naramdaman ko na hinawakan ni Bob ang aking ari at sinimulan na niyang salsalin. Naging ganoon ang kanyang ginagawa sa akin hanggang sa ako ay labasan.

“Salamat Bob sa pagpapaubaya mo sa akin ng iyong katawan,” ang una kong nasabi sa kanya.

“Katawan ko lang ba ang kailangan mo?” ang tanong naman ni Bob.

 

“Meron pa bang iba?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Ang puso ko, ang pagmamahal ko.” ang tugon ni Bob.

“Subalit may pamilya ka na at mukhang ‘di ka naman iibig sa isang katulad ko,” ang sinabi ko naman sa kanya.

“Iba ka Lester. Hindi ka mahirap mahahalin. Ngayon alam ko na kung bakit ka minahal ni John,” ang pahayag naman ni Bob.

Muli akong nanahimik ng marinig ko ang pangalan ni John. Hindi rin ako makasagot kay Bob.

“O bakit ka naman nanahimik dyan?” ang tanong naman ni Bob.

“Ah, wala lang,” ang tugon ko naman.

“Mahal mo ba ako o hindi?” ang tanong na naman ni Bob.

“Kaibigan kita Bob kaya ayaw kong samantalahin ang pagkakaibigan natin,” ang aking naging tugon.

“Hindi naman pagsasamantala iyon. Ginusto ko rin ang nangyari sa atin,” ang nasabi ni Bob.

“Pero may asawa’t anak ka na. Papaano kung bumalik sila sa iyo? Papaano kung malaman nila ito? Hindi ka ba natatakot sa maaaring sabihin nila sa iyo?” ang mga katanungan ko kay Bob.

“Huwag mo munang isipin iyon. Nasa malayo sila. Tutal hiwalay na naman kami ng aking asawa. Walang problema iyon sa akin,” ang tugon naman ni Bob.

“Ewan ko. Pero parang natatakot pa akong magmahal muli. Labis akong nasaktan sa nangyari sa amin ni John. Ayaw ko munang makipagrelasyon,” ang paliwanag ko naman sa kanya.

“Gusto mo lang bang makipagtalik sa akin o may pagtingin ka rin sa akin?” ang tanong na naman ni Bob.

Hindi ako makasagot kay Alam. Kahit gusto na sabihin ng aking damdamin na mahal na mahal ko rin siya. Nanaig pa rin sa akin ang takot na maulit muli ang hapding nadama ko sa naging paghihiwalay namin ni John. Sa halip na sagutin ko siya ay isa-isa kong dinampot ang aking mga damit at agad na akong nagbihis.

“O bakit ka nagbibihis? Aalis ka na ba?” ang tanong na naman ni Bob.

“Saka na lang tayo mag-usap,” ang tanging tugon ko sa kanya.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo. Kailangan mo rin maging masayang muli. Huwag mo munang isipin kung anong mangyayari sa bukas. Ang mahalaga ay masaya ka ngayon,” ang mga pahabol na pangungusap ni Bob habang palabas ako sa kanyang silid.

Sinundan din niya ako papalabas ng kanyang silid. Ni hindi siya nagsuot ng kahit anong saplot sa katawan. Hubo’t hubad siyang sumunod sa akin. Pagtapat ko sa pintuan ng kanyang condominium unit ay muli akong lumingon kay Bob. Mga dalawang dipa ang layo niya sa akin. Halos pagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang katawan. Parang nang-aakit pa rin siya sa kanyang kaanyuan. Pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili. At tuluyan na akong lumabas sa kanyang unit.

-----o0o-----

Buong-buong nanumbalik sa aking alaala ang nangyari ng una kaming nagtalik ni Bob. Buti na lamang at nagbago ang aking isipan at tinanggap ko ang alok na relasyon ni Bob. Simula ng magsama kami ay mas naging maunlad ang aming business. Mas naging malalim din ang aming relasyon. Subalit ang pagbabalik ni John ay biglang may kung anong pagsubok ang dadalhin nito sa akin at sa relasyon namin ni Bob. Heto ngayon sa aking harapan ang mga lalaking mahal na mahal ko. Si John ang unang nagpadama sa akin na pwede din mahalin ng isang tunay na lalaki ang isang tulad ko at si Bob na muling nagpatunay na pwede talaga ang ganoong pagmamahalan.

“O bakit ‘di ka man lamang nagsasalita dyan?” ang biglang naitanong ni Bob ng mapansin ang labis na pananahimik ko habang nagkwekwentuhan sila ni John.

“Ah, eh, okey lang ako. Huwag ninyo akong pansinin. Medyo napagod lang ako kanina,” ang palusot ko sa dalawa.

“Kumusta ka na ba Lester?” ang tanong naman ni John.

“Okey na okey naman ako. Busy sa nasimulan nating business. Don’t worry simula ngayon bibigyan ka namin ng share sa income namin,” ang naisip ko na lamang isagot kay John.

“Hindi n’yo na kailangang gawin iyun. Salamat na lang. Pera mo naman talaga yung pinuhunan natin. Huwag mo na akong bahaginan. Okey lang sa akin iyun,” ang seryosong sagot ni John.

“Ikaw kumusta na ang buhay-buhay?” ang tanong ko na naman kay John.

“Kakakasal ko lang this year. May inaasikaso lang akong papeles sa kampo namin dito sa Maynila. Pero babalik din ako kapag okey na ang lahat,” ang sagot ni John sa aking tanong na para bang nagbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. Si John may asawa na!

“Ah ganoon ba. Buti naman at lumagay ka na sa tahimik? Eh kumusta yung heneral na…. alam mo na?” ang tanong ko muli pero halos hindi ko maituloy-tuloy kasi nag-aalala ako na baka manumbalik sa kanya ang napagdaanan niya.

“Nasawi siya sa isang bakbakan laban sa mga rebelde. Kaya nga nakapagbagong buhay ako,” ang tanging tugon ni John.

“Sige aalis na ako. Mukhang may aasikasuhin pa kayo ni Bob,” ang paalam ni John.

“Wala na kaming pupuntahan. Pauwi na rin kami,” ang tugon naman ni Bob.

“Buti pa ihatid ka na lang namin sa kampo ninyo,” ang alok ko kay John.

“Huwag na. May dadaanan pa kasi ako. Salamat na lamang,” ang pagtanggi ni John.

“Okay, see you sometime soon. Tawagan mo lang ako sa phone,” ang sabi naman ni Bob sabay abot ng calling card kay John.

“Can we get your contact number?” ang tanong ko naman kay John.

“Sorry, wala akong celphone right now. Pero sige tatawag na lang ako kung may time pa before ako babalik sa probinsya,” ang nasabi naman ni John.

Agad na rin lumisan si John. Bumalik naman kami ni Bob sa tinutuluyan naming condominium. Ipinagbili kasi namin ang mga lumang condo units namin at bumili kami ng bagong unit na tamang tama lamang sa aming dalawa. Sa daanan hanggang marating namin ang condominium unit namin ay wala kaming imikan ni Bob. Ewan ko pero natatakot ako sa maaaring itanong sa akin ni Bob tungkol kay John. Mas lalo na kung tatanungin niya ako kung mahal ko pa si John. Kaya naman nanahimik na lamang ako para hindi mauwi sa ganoong tanungan ang magiging usapan namin.

Nang mga sumunod na araw ay napansin ni Bob ang aking pagiging balisa. Kahit anong tanong sa akin ni Bob kung ano ang bumabagabag sa akin ay hindi ko pa rin inaamin na si John ang dahilan ng pagiging balisa ko. Tiyak naman ako na alam din iyon ni Bob pero nagbubulagbulagan lamang siya o kaya gusto niyang marinig iyon mismo sa aking bibig na si John nga ang dahilan. Kahit ganoon pa man ay hindi iyon pinagmulan ng away namin ni Bob. Hanggang sa isang araw ay kinausap ako ng masinsinan ni Bob.

 

“I know kung bakit ka laging balisa. It’s because of John,” ang bungad sa akin ni Bob.

Hindi ako nakaimik ng sabihin iyon ni Bob.

“Don’t worry. Hindi naman ako magagalit. Just tell me. Para naman hindi ka manatiling ganyan. Naaawa na kasi ako sa iyo. Simula ng ma-meet mo siyang muli ay naging ganyan ka na. What’s wrong? Hindi ka naman dating ganyan,” ang mga nasabi ni Bob.

“I’m afraid that you’re going to ask me that question,” ang bungad ko naman.

“Huwag kang mag-alala. Ikaw pa rin naman ang mag-dedecide ng gusto mong gawin. Kung gusto mo siyang balikan, okay lang sa akin. It’s your decision,” ang sabi naman ni Bob.

“May asawa na yung tao. Sa tingin ko ay maligaya na siya sa buhay niya ngayon. Kaya ‘di na dapat ako mamili sa inyo,” ang nasabi ko naman kay Bob.

“John loves you so much. Alam mo ba na nagkausap kami yesterday. Gusto niyang tiyakin kung gaano kita kamahal bago siya mag-decide na bumalik na lamang sa probinsya. I was touched sa inamin niya sa akin. Ilang months ka na rin niyang sinusubaybayan. Pero nag-aalangan siyang magpakita muli sa iyo dahil sa akin. Nakita niya sa iyo na masaya ka sa aking piling. Ayaw na niyang guluhin tayo. Pero he decided that day nang magkita tayo na makausap ka para magpaalam. Wala pa siyang asawa. Nagsinungaling lamang siya para hindi na siya gumulo sa isipan mo. Mahal ka pa rin niya at ikaw talaga ang pakay niya sa pagbalik niya sa Maynila,” ang salaysay ni Bob.

“Where is he now?” ang tanong ko kay Bob.

“Nandoroon siya sa kampo nila. Naghihintay ng flight pabalik sa probinsya.” ang sagot ni Bob.

“You still have time to talk to John. Sige na puntahan mo siya,” ang dugtong pa ni Bob.

“Papaano ikaw? Mahal kita Bob. Hindi kita kayang iwan,” ang nasabi ko kay Bob.

“I know. Pero nararamdaman ko na mas mahal mo si John at mahal na mahal ka rin ni John. Siya lamang ang makakapagbigay ng inaasam mong kaligayahan at pagmamahal. Sige na puntahan mo na siya,” ang nasabi pa ni Bob.

“No. I can’t do that. Tayo ng dalawa. Tapos na sa amin ang lahat ni John,” ang nasabi ko naman.

“Lester, please sundin mo ang puso mo. Huwag kang magsisinungaling sa puso mo. I will be okay kung ano man ang magiging desisyon mo. Basta ba sa ikaliligaya mo,” ang nasabi naman ni Bob.

Hindi na ako nakapagsalita pang muli. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nilisan ang condo unit namin ni Bob. Habang papalayo ako kay Bob ay hindi ko siya matignan. Ayaw kong maaninag sa mukha ni Bob ang lungkot sa pagpaparaya niya sa akin. Oo mahal ko si Bob. Pero iba talaga sa aking puso si John. Halos madurog ang aking puso sa awa kay Bob sa kanyang ginawang pagpaparaya sa akin. Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa kampo nina John ay tinatanong ko ang aking sarili kung tama ang aking desisyon na balikan si John. Dahil sa nararamdaman kong magkahalong tuwa at lungkot ay ‘di ko namalayan ang biglang pagsingit ng bus sa harapan ng aking kotse. Iyon ang huli kong naaalala ng araw na nais kong balikan si John.

Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Medyo malabo ang aking paningin kaya hindi ko makilala ang mga taong nakapaligid sa akin.

“Lester, good to know that you’re awake na,” ang unang tinig na aking narinig.

Sa labo ng aking paningin ay hindi ko makilala kung sino ang nagsabi nun. Marahil bunga ng aking condition ay hindi ko rin nabosesan yung nagsalita kaya wala akong reaction sa kanyang sinabi.

“It’s me, Bob. Salamat sa Diyos at gising ka na,” ang nasabi ni Bob nang hindi ako mag-react sa una niyang sinabi.

Pinilit ko siyang sagutin pero hirap ako sa aking pagsasalita. Kaya naman sinabihan na lamang ako ni Bob na magpahinga lamang para mas mabilis ang aking paggaling. Muli akong nakatulog matapos ang ilang minuto kong pagkagising.

Hindi ka alam kung gaano na ako katagal sa hospital. Sa tuwing nagigising ako ay hindi ko pa rin maikilos ang aking katawan at hirap pa rin sa pagsasalita. Nanumbalik na rin ang aking paningin. Sa tuwing nagigising ako ay si Bob ang laging nasa aking tabi. Hindi naging madali ang aking paggaling. Sa aksidenteng nangayari sa akin sa pagbangga ng kotse ko sa bus ay naparalyzed ang kalahati kong katawan simula baywang pababa. Akala nga ng doctor ay buong katawan ko ang paralyzed. Pero ng maka-recover ako ay unti-unti kong naigalaw ang upper body ko. Sa mga panahong iyon ng pagbuti ng aking kalagayan ay naroon sa aking tabi si Bob.

Nang makauwi na ako sa aming tirahan ay kumuha muna ng nurse si Bob para tumingin sa akin habang wala siya. Nang makayanan ko na ang mag-isa sa tirahan kahit naka-wheelchair ako ay nakumbinse ko na rin si Bob na paalisin na ang nurse. Makakalakad pa naman daw ako sabi ng doctor. Pero panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan. Hindi na rin ako nag-usisa tungkol kay John. Marahil ay talagang sinadya ng tadhana na ako’y maaksidente upang sabihin sa akin na si Bob ang karapatdapat sa akin.

 

-WAKAS-

 

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...