Linggo, Setyembre 3, 2023

Ang Personal Assistant (Part 22)

 


Ang Personal Assistant (Part 22)

Hinang-hina pareho ang gwardya at si Josh matapos ang mainitang kantutan. Halos hindi makapaniwala ang gwardya na kumantot siya sa puwet, unang pagkakataon niyang pumasok sa pwet. Halata namang nasarapn siya, hindi maipagkakaila sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan.

“Pwede bang ulitin natin ito sa ibang araw?” tanong ni Josh.

“Putang-ina tinanong mo pa ako? Oo, pwedeng pwede!” sagot ng gwardya. Nilamon na rin ng libog ang gwardya.

Nagbihis na si Josh at bago pa man makalabas ay ikiniskis pa ni Chaves ang kanyang bukol sa hiwa ng pwet ni Josh. May bilin pa siya sa bading. “Tang-ina ka, wag kang papakantot sa iba. Hindi ka na makakaulit kapag ginawa mo iyon.”

Habang sinasabi ni Chaves iyon ay hawak pa rin nito ang burat nang gwardya. “Sige ba kuya. Maghahanap pa ba ako ng iba, dito lang ay solve na ko hehehe. Sa uulitin kuya guard.

-----o0o-----

Tinapos na ni Gerry ang panonood. Hindi niya akalaing na tigasan din siya sa napanood. Ngali-ngali na siyang magjakol din, pero nag-aalala siyang baka dumating na si Edwin at wala siyang mailabas na katas lalo na’t naka-ilang pagpapalabas din siya kay Bobby kahapon.

-----o0o-----

Maagang umuwi si Gerry sa condo. Nagpapabili na lang siya ng ulam kay Berto sa karinderya. Ayaw niyang magluto dahil tinatamad. Sa karinderya na lang siya nagpabili dahil nasasawa na sa mga putahe galing resto. Na miss niya ang lutong bahay.

Naghihintay pa rin siya ng tawag mula kay Edwin. Ilang araw na kasing wala itong tawag o text man lamang. Naidlip siya sandali. Nagising siya sa katok ni Berto.

“Gerry, handa na ang mesa, Swerte mo at mayroon pang ulam na gusto mo at bagong luto pa. Labas ka na at kumain na tayo,” malakas na wika ni Berto.

“Sunod na ako. Mainit yung sabaw ha!” bilin ko.

“Hmmm masarap itong pinakbet ah. Bago lang ako naka-tikim ng pakbet na may gata. Masarap siya. Saan ka bumili?” Nagustuhan ko talaga ang pinakbet, pate na yung nilagang baka. Tamang-tama sa akin ang lasa.

“Diyan lang sa kabilang kanto. Doon ako itinuro ng gwardya,” tugon ni Berto.

“Alam mo, mas mabuti pa na bumili na lang talaga ng lutong ulam ano. Mura na at hindi pa tayo mapapagod sa pagluluto. Masarap naman pati. Kung sa resto natin ito inorder ay siguro ang mahal-mahal ng aabutin,” wika ko.

-----o0o-----

Pagkakain ay pinabayaan ko na lang kay Berto ang paghuhugas ng aming kinanan. Balik ako sa silid at doon na lang nanood ng TV. Tapos na pala ang balita kaya sa youtube ko na lang pinanood ang Balita.

Nagulat pa ako ng mag-ring ang aking CP. Laking tuwa ko na si Edwin ang tumatawag. “Hello, bakit ngayon ka lang tumawag?”

“Nasa airport na kami at hinihintay lang namin ang bagahe namin. Doon ka muna sa dati mong silid ha, lahat ng gamit mo ay ilipat mo roon. May kasama akong titira ngayon sa condo. Anak ng kaibigan at business partner ng papa ko, Gustong dito sa atin mag-aral. Si Papa ang nag-imbita na sa akin patirahin para daw may kasama ako,” bilin ni Edwin.

“Ahh okay!” ang naisagot lang ni Gerry.

“Nariyan pa ba si Berto?”

“Oo, kausapin mo ba?”

“Hindi na, pauwiin mo na lang sa kanila ngayon din. Kasama ko kasing pupunta diyan sina Papa para ihatid ang anak ng kaibigan nila. Huwag ka lang munang magkukuwento ha. Ang sabi ko kasi kila Papa ay diyan muna kita pinag-stay para may bantay sa bahay. Hindi nila alam na sa akin ka na nakatira. Basta, magpapaliwanag ako pag-balik ko ha.  Miss you. Bye!”

Nagmamadaling naglipat ng gamit niya si Gerry, katulong si Berto. Mabuti na lang at hindi pa niya inililipat lahat ng gamit niya sa kwarto ni Edwin. Nagpalit din sila ng cover ng kama, kumot at punda ng unan. Kalilinis lang naman nila kaya wala namang masyadong lilinisin. Maging ang guest room na inokupa ni Berto ay nilinis nila at pinalitan din lahat ang kubre-kama, mga punda ng unan at kumot. Nag-spray din sila ng air freshner.

Matapos maglinis ay pinauwi na niya si Berto. “Berto salamat ha. Basta, sabi ni Edwin ay tahimik lang tayo, walang magkukwento, walang magsasalita kung hindi kinakausap o tinatanong.”

“Okay lang. Sige na.”

-----o0o-----

Mga eleven ng gabi na nakarating sina Edwin. Ihinatid siya ng sasakyang ng kanyang parents kasama ang bisita.

Naalimpungatan pa si Gerry dahil sa narinig ng ingay. Bumangon siya, inisip niyang sina Edwin na iyon.

“Good evening Sir Edwin, Ma’am, Sir. May bubuhatin pa po ba?” salubong na tanong ni Gerry.

“Paki-pasok na lang muna itong dalawang maleta sa guest room. Ako na ang bahala dito sa akin. Ah, Gerry, si Dave. Siya yung sinabing kong mag-aaral dito. Dito na siya mag-stay. Kilala mo na si Papa, si Mama ko. “Ma, Dave, si Gerry.” Pakilala ni Edwin sa magulang kay Gerry.

“Ikaw ba ang assistant nitong anak ko? Bata ka pa pala. Dito ka ba nag-stay?” tanong ng Mama ni Edwin.

“Ah hindi po, pinagbantay lang po muna ako ni Sir Edwin habang wala siya,” tugon ni Gerry.

Napalingon si Edwin kay Gerry sa naging tugon nito.

“Edwin, bakit hindi mo pa dito patuluyin itong iyong PA. Siguro mas maganda na dito na siya mag-stay para naman may mag-asikaso man lang sa inyo. Maglinis man lang o magluto sa inyo rito.” Wika ng Mama ni Edwin.

“Honey, office assistant itong si Gerry at hindi kasambahay, gagawin mo namang kasambahay. Mabuti nang matuto itong si Dave nang gawaing bahay. Iyon ang bilin sa akin ng kanyang papa, maging independent tulad ng anak natin.

Hindi naging komportable si Gerry sa pagkausap sa Mama ni Edwin. Hindi na lang siya kumibo at nanahimik na lang.

Hindi rin naman nagtagal ang mga magulang ni Edwin, umalis din naman kaagad matapos pagbilingan si Edwin tungkol kay Dave.

“Gerry. Bukas na lang tayo mag-usap ha. Dave, magpahinga ka na rin. Bukas ay pasamahan kita kay Gerry para makapamili ka ng unbersidad na papasukan. Magpahinga na rin ako,” wika ni Edwin.

-----o0o-----

“Dave, maiwan ka lang muna diyan ha, kailangan ko lang makausap itong si Gerry tungkol sa trabaho dito sa opisina ko. Kailangan ko ng report sa kanya,” sabi ni Edwin.

Sa Kanyang opisina ako kinausap ni Edwin. “Sorry Gerry ha. Hindi ko kasi nasasabi pa kina Mama na sa bahay ka nag-stay. Baka kasi iba ang isipin nila kapag nagpatira ako ng iba sa bahay,”

“Walang lang sa akin iyon. Sa palagay ko ay may iba ka pang sasabihin sa akin. Sabihin mo na. Huwag kang mag-alangan, huwag kang mag-alala, mauunawaan ko kahit na ano pa yun,” wika ni Gerry.

Tumingin lang si Edwin kay Gerry, tingin na humihingi ng paumanhin, ng pangunawa. Huminga muna siya ng malalim. “Kasi… kasi…” walang ibang salitang lumabas sa bibi niya.

“Kailangan ko na bang maghanap ng ibang matutuluyan? Ng ibang mapagtatrabahuhan? Kung iyon ang gusto mong sabihin ay walang problema sa akin. Alam mo naman kung saan ako nanggaling. Kaya ko namang manirahan kahit saan,” malungkot na wika ni Gerry.

“Hindi, hindi sa ganon Gerry, Kasi si Mama…”

“Huwag ka nang magpaliwanag Edwin, alam ko naman na kung sinabi mo sa kanila ang totoo ay hindi naman sila makapapayag. Kung wala kang ipapagawa sa akin ngayon, pwede bang hindi muna ako pumasok, kailangan kong maghanap ng malilipatan. Tatawagan ko na lang ang iba kong tropa, baka may alam silang pwede kong malipatan.” Nakayuko ang ulo ni Gerry, ayaw tumingin kay Edwin dahil ayaw niyang makita na tumutulo ang kanyang luha.

Walang tugon buhat kay Edwin kaya nagtuloy na siyang lumabas. Wala namang magawa si Edwin kundi ang hayaan ang binata.

Maya-maya ay lumabas na rin si Edwin ng opisina at tinawag na si Dave. “Dave, ready ka na ba, puntahan natin ang isang unibersidad kung saan ako nagtapos. Baka magustuhan mo.” wika niya kay Dave.

-----o0o-----

Samantala ay hindi naman malaman ni Gerry kung saan magsisimula ng paghahanap ng matitirhan. Ayaw naman niyang humingi ng tulong sa mga dating kasamahan, nag-aalala rin siya na baka nagalit sa kanya dahil sa matagal na rin silang walang komyunikasyon.

Nag-isip siya ng ibang mahihingan ng tulong. Naalala niya ang mga inbestigador na si Inspector Romy at PO1 Regie. Si PO1 Regie ay dati niyang nakarelasyon. Pero nagdadalawang isip siya. Kokonti lang naman kasi ang kanyang kaibigan kaya wala na siyang maisip na iba. Naisip niya si Bobby. Baka kahit na isang gabi lang ay payagan siyang makitulog.

-----o0o-----

Ilang beses na tinawagan ni Edwin si Gerry, pero hindi sinasagot nito ang kanyang tawag. Nito ngang huli ay hindi na makontak dahil patay na ang CP nito.

Dinala niya sa iba-ibang kolehiyo at unibersidad si Dave para makapamili ng papasukan. Malapit na kasi ang pasukan at kailangan na nitong makapag-enroll.

“May nagustuhan ka ba sa mga pinuntahan nating eskwelahan?” tanong ni Edwin.

“Hindi pa ako makapag-decide Kuya. Dalawa lang naman ang pinamimilian ko, ang UST o Ateneo, pero mas gusto ko sa UST dahil sa history nito. Maganda rin ang kursong Fine Arts doon. Bukas ay mamimili na ako para makapag-enroll na rin.” Wika ni Dave.

-----o0o-----

“Berto, sa condo na tayo, hindi na ako babalik ng opisina,” utos ni Edwin sa driver.

“Dave, magpahinag muna ako, napagod din ako sa paglilibot natin. Magpahinga ka rin muna, dapat ay maka-decide ka na kung saan ka mag-e-enroll,” sabi ni Edwin.

“Yes Kuya,” sagot ni Dave.

Pumasok na rin ng kanyang silid si Edwin. Nagpalit na siya ng damit. Mahihiga na sana siya ng may marinig na kalabog sa kabilang silid. “Baka narito na si Gerry,” wika sa sarili ni Edwin. Kaagad niyang tinungo ang silid ni Gerry.

“Kanina ka pa ba dito Gerry. Bakit hindi mo sinasagot at aking tawag?” usisa ni Edwin kay Gerry.

“Na drain na ang bettery, hayun at tsina-charge ko pa. May kailangan ka ba?” tanong niya sa nobyo habang patuloy na nag-eempake ng kanyang mga gamit.

“Bakit nag-eempake ka na ng mga gamit mo, hindi naman kita pinaaalis ah.”

“Mabuti na ang ganito, para wala nang pagsimulan pang gulo sa pagitan ng mga magulang mo,” tugon ni Gerry.

Hindi makapagsalita ni Edwin, gusto niyang manatili rito si Edwin, pero ang inaalala niya ay ang kanyang ina. Mapapadalas kasi ang pagpunta-punta nito sa condo dahil kay Dave at kapag nakita na naroon pa si Gerry ay baka ikagalit niya.

“Kailan mo balak na umalis?”

“Ngayon na, nakiusap ako sa isa kong tropa, hindi naman siya tumanggi, pero hahanap din ako ng ibang matitirhan dahil sa nakakahiya rin naman na manatili ako roon ng matagal. Saka ko na lang babalikan yung ibang naiwan ko ha. Mag-ingat ka palagi.”

Lumabas na ng silid si Gerry, hatak ang isang maleta at ang isang bakcpack. Hindi naman makakilos kaagad si Edwin at tila napako na ang mga paa sa sahig.

“Brad, saan ang punta mo? Bakit ang dami mong dalang gamit?” tanong ni Dave.

“Babalik na ako sa amin. Hindi naman talaga ako dito nakatira, nagbantay lang ako habang wala si Sir Edwin. Sige Dave, nice meeting you.”

Nag fist-bump pa ang dalawa na animo ay matagal nang magkakilala. “Sayang, akala ko pa naman ay may makaka-barkada ako kaagad dito. Bakit hindi ka na lang kasi dito mag-stay ng regular?” wika ni Dave.

May nag-door bell. Kaagad na binuksan ni Dave ang pintuan. “Tita, Tito, kayo pala,” bati ni Dave sa magulang ni Edwin. “Tawagin ko lang po si Kuya Edwin.

“Bakit may maleta kang dala, saan ang punta mo?” tanong ni Mr. Sandoval kay Gerry.

“Ahh, babalik na po ako sa bahay namin.” Tugon ni Gerry.

“Aalis na raw po, ang akala ko nga po ay dito siya nakatira. Tuwa pa naman ako at may makaka-tropa ako kaagad. Sana dito na lang siya.” Pakiusap ni Dave.

Naririnig iyon ni Edwin at nanalangin siya na sana ay pagbigyan ng mga magulang ang hiling ni Dave.

“Hindi ba PA ka ni Edwin. Bakit nga ba hindi ka dito na lang mag-stay. Buong akala ko talaga ay dito ka na umuuwi kaya hindi ako nag-aalala dito sa anak ko dahil may kasama na ito.” Wika pa ng Papa ni Edwin.

“Honey, narito na naman si Dave, bakit kailangan pang magsama ng iba?” tutol ng Mama ni Edwin.

“Naku Ma’am, Sir, baka po pagtalunan pa ninyo iyan.” Sabad ni Gerry.

“Hindi iho, alam kong malaking tulong mo sa pamamahala nitong anak ko sa kopanya. Dalawang lingo siyang nawala, at alam kong ikaw lang ang pinamahala muna ni Edwin sa opisina at wala naman akong nadinig na problema. Nadidinig ko ang pag-uusap ninyo at alam kong malaki ang tiwala ni Edwin sa iyo. Mas makabubuti siguro na dito ka na lang mag-stay. Tama itong si Dave, magkasing-edad lang sila at paniguradong magkakasundo.” Wika ng Papa ni Edwin.

“Tama po kayo Papa. Kung minsan nga ay wala akong mapag-diskusyunan tungkol sa trabaho sa opisina kapag narito na ako sa bahay. Makabubuti siguro na dito ko na ring patirahin itong si Gerry nang sa gayon ay kahit gabi na ay mautusan ko pa. Ma, pumayag na kayo. Gusto din naman ni Dave na may kasamang sing edad niya,” sabad ni Edwin, nabuhayan ng loob.

“Wala naman akong sinabing ayaw ko ah. Nag-aalala lang ako dahil sa alam namin ang nakaraan niya. Hindi naman kami tumutol ng kuhanin mo siyang PA mo ah kahit alam namin na… basta. Nag-aalala lang naman ako dahil kung kayo lang dalawa. Ngayon narito na si Dave eh mapapalagay na, kahit papano ang loob ko.” Sabi ng Mama ni Edwin.

“Eh ano nga pala ang sadya ninyo?” tanong ni Edwin.

“Kukumustahin lang namin kung may napili nang eskwelahan si Dave. Dave, okay ka lang ba dito? Palagay mo ba’y magugutuhan mo ang pagtira rito?” tanong ng Papa ni Edwin.

“May napili na po ako, sa UST na lang po, malapit pa sa condo. Tito, yung kotse ko po, mahirap palang mag-commute dito heheh.” – si Dave.

“Ay oo, ipahiram ko muna yung isa naming kotse habang hindi pa nakakabili. Saka magpasama ka na lang dito kay Edwin para makapamili ka ng gusto mong bilhin.” Sabi ng Papa ni Edwin. Bumaling naman siya kay Gerry. “Ibalik mo na yang gamit mo sa silid mo, dito ka na muna hanggat empleyado ka ni Edwin. Tayo na Honey.”

Parka-aalis ng mag-asawa ay kaagad na napatakbo si Edwin palapit kay Gerry at kaagad na niyakap ito. Hindi naitago ang tuwa, at nalimutan yatang naroon si Dave dahil nagawa pang halikan ang binata. Nagulat man si Dave ay hindi naman kababakasan ng pagka-ilang ito sa ginawi ni Edwin.

“Magka-relasyon kayo?” tanong ni Dave.

Hindi kaagad makasagot ang dalawang magkasintahan. Nagkatinginan pa sila.

“No worries. Gusto ko lang ma-confirm. Hindi makakarating kina Tito ang nalaman ko ang inyong lihim.” Wika ni Dave.

Saka pa lang nakahinga ng maluwag sina Edwin at Gerry. “Salamat Dave ha. Pasensya ka na at hindi alam nina Papa na talagang dito na nakatira si Gerry. Matagal-tagal na rin kaming nagsasama,” sabi ni Edwin. “Pero para na rin makaiwas kami sa peligro, ay hiwalay pa rin muna kaming matutulog,”sabi pa ni Edwin.

“Ganun? Ang tagal kitang na-miss, pwede bang magtabi muna tayo ngayong gabi. Hindi naman siguro babalik ngayon ang parents mo,” lambing ni Gerry. Isang kurot sa tagiliran ang ibinigay sa kanya ni Edwin.

“Aray ko hahaha,” – si Gerry.

“Ang sweet pala ninyo, nakakainggit. Sana ako din, sana all hehehe,” reaksyon ni Dave.

“Gerry, marami ba akong schedule ng meeting bukas?”

“May isa sa umaga ng 10:30 sa opisina. Sa hapon ay isa rin, pero sa opisina ng client ang meeting ng 3PM. Bakit?” sagot at tanong ni Gerry.

“Kasi, ikaw na ang pasasamahin ko kay Dave sa pag-e-eroll niya bukas diyan sa UST.  Pagkahatid sa akin sa office ay diretso na rin kayo sa enrollment ha!” bilin ni Edwin.

“Okay, email ko sa iyo ang details bukas. Pero ngayon ay tayo muna hehehe. Hmmm, ligo muna tayo ha, sabay na tayo,” wika ni Gerry na kinawit ang bewang ni Edwin papasok sa loob.

“Uli-uli ay sa kwarto ang lambingan ha. Para kayong nang-iinggit niyan eh, ang laswa ninyo hehehe,” biro ni Dave. Tumawa lang ang dlawa.

 

 

Itutuloy……………………

2 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...