Idol
Ko Si Sir –Book 2 (Part 1)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
“Salamat Carl. Salamat,” sabay dampi ng mga labi niya sa pisngi ko.
Kinabukasan, lumuwas ako patungo sa malaking syudad, sa bahay ng mom. Yun
na ang huli naming pagkikita ni Sir James. Batay sa pinagkasunduan, isang taon
ko siyang layuan. Walang kasing sakit ang mawalay sa taong mahal. Ngunit tiniis
ko ang lahat, maipamalas lang kung gaano kalalim ang pag-ibig ko sa kaniya.
Anim na buwan ang nakaraan at wala kaming contact sa isa’t-isa, at ’di ko na
rin alam kung ano na ang nangyari sa kaniya, except sa sinabi ng secretary ng
mom ko na siyang nagmo-monitor sa charity project nila ni Sir James. Successful
daw ang implementasyon nito at maganda ang feedback ng mga tao. Na-feature din
sila sa iba’t ibang news programs at mga magazines maging sa labas ng bansa. At
dahil na rin sa success na natamasa, nakahanap sila ng iba pang mga malalaking
sponsors at donors na siyang dahilan upang mag-expand at mag-open na rin ng
formal school.
Anim na buwan pa ang
hihintayin at babalikan ko na ulit ang lugar na iyon upang tuparin ang isang
pangako. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari; kung ganun pa rin ba siya,
o may iba nang tinitibok ang puso. Ngunit ang mahalaga, ay maipamalas ko sa kaniya
na ang pagmamahal ko ay hindi lang sa puso umiiral. Ano man ang madatnan sa
pagbalik, tatanggapin ko ito ng buong tapang, ng buong pang-unawa kahit ito’y
nangangahulugan ng katuparan ng pangarap niya sa buhay – ang magkaroon ng
sariling pamilya, asawa’t mga supling. Matatanggap ko ang lahat dahil
naintindihan ko na ang ibig sabihin ng sinasabi niyang pangarap. At ito na rin ang pinapangarap ko para sa sarili...
-----o0o-----
Esaktong isang taon ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Sir
James. Sa isang taon na malayo ako sa kaniya, marami din ang nangyari. Tumulong
ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin habang ipinagpatuloy naman ang pag-aaral
ng MA in Business Administration tuwing Sabado. Tuwang-tuwa ang mommy dahil
kahit wala pa akong karanasan sa pagdadala ng tao at pagpapatakbo ng negosyo,
nakita niya ang kakaiba kong approach na naging dahilan upang tumaas ang morale
ng mga empleyado. Ganado silang magtrabaho at masaya sila sa trabaho nila.
Ipinadama ko sa kanila na kahit anak ako ng may-ari, pwedeng-pwede nila akong
lapitan upang mahingi-an ng advice o tulong.
Kahit makipag-biruan pa sila sa akin ay okay lang, basta sa tamang lugar at
oras nga lang. Kahit anong liit na bagay na natatandaan ko tungkol sa mga
buhay-buhay ng mga empleyado, ipinadama ko sa kanila iyon. Malaking bagay iyon
upang maramdaman nila ang pagpapahalaga. Gaya na lang nung malaman kong
nakakuha ng honors ang anak ng isa sa mga janitors namin, pinatawag ko kaagad. “Kumust
po Mang Domingo. Nabalitaan kong nakakuha ng honors ang panganay mong si
Marlon! Congratulations po! Heto, may regalo ako para sa kaniya, de-bateryang
kotse. Sabihin mo po sa kaniya na magsikap pa kamo para marating niya ang kung
ano man ang gusto niyang maging, paglaki.”
At ang sarap ng
pakiramdam nung makitang tinanggap ni Mang Domingo ang regalong para sa anak niya
na mangiyak-ngiyak sa sobrang galak, hindi makapaniwalang naalaala ng amo niya
ang isang maliit ngunit importanteng personal na bagay sa kaniya. Hindi lang
yan, nag-initiate din ako ng mga activities na nakakapag enhance ng closeness
at teamwork sa mga empleyado, kagaya ng mga tournaments at family activities.
Pinasimulan ko din ang pagbuo ng kooperatiba na kung saan duon na sila bibili
ng mga pangangailangan nila habang kumikita ang mga pinupuhunan. Upang magbigay
suporta, pati mga pangangailangan namin sa bahay ay doon na rin namin binibili.
At ang isang
malaking proposal ko pa na pinag-aralan ng maigi ng mommy ay ang pagbenta ng
portion ng shares of stocks ng company sa mga empleyado mismo upang lalo nilang
mahalin ang kumpaniya dahil magiging part owner na rin sila nito. Hindi naman
ako nabigo sa mga pagsisikap ko dahil kitang-kita ang malaking improvement ng
company sa isang taon kong pagtulong. Yan ang mga pinagkakaabalahan ko habang
malayo kami ni Sir James sa isa’t-isa. Subsob ang katawan at utak sa trabaho at
pag-aaral. Ngunit kahit
ganoon ako ka busy, wala ni isang
sandali na hindi pumapasok sa isipan ko si Sir. Oras-oras, minu-minuto, nanjan siya
palagi sa isip at puso ko, isinisigaw ng puso. Ang totoo nga niyan, ang
pagsisikap ko at ang mga approaches na ginagamit sa pakikitungo sa mga tauhan
namin ay siya ring mga natututunan ko kay Sir James.
Every time na nakikipag biruan at nakikipag bonding ako sa kanila, lalong
naa-alala ko siya, sa pagiging malapit din ng puso sa mga tao. At
dumating na nga ang takdang araw ng pagbabalik ko sa pinakaimportanteng lugar
sa tanang buhay ko. Ang lugar na kung saan nabago ang pananaw ko at prinsipyo,
kung saan nabuksan ang pananaw ko sa tunay na kahulugan ng buhay. At sa lugar
na iyon kami magtatagpo uli ni Sir James; ang taong siyang naging dahilan ng
aking pagbabago, ang taong naging inspirasyon, iniidolo, at minahal.
Halos hindi ko na mahintay pa ang oras na masilayan siyang muli. Handa
na ang lahat ng mga pasalubong kina Tatay Nando at buong pamilya: sapatos,
damit, de latang pagkain. Pati syempre ang pasalubong para kay Sir James –
relong mamahalin, at white gold na bracelet, kaparehas ng bracelet na suot-suot
ko. Hindi ako magkamayaw sa sobrang excitement. Alam ni Sir James na sa
eksaktong buwan at petsa ng pag-alis ko ako babalik. Hindi mailarawan ang
sobrang sayang nararamdaman. Naalala ko pa ang huli naming sandali bago kami
maghiwalay. Mag-uumaga na iyon, araw ng pag-alis ko. Nakahiga kami sa papag ng
kwarto niya, banig lang ang nagsilbing sapin, parehong hubo’t-hubad.
Haplos-haplos ng isang kamay niya ang kanan kong pisngi, sa kaliwang pisngi ko
naman ay idinidiin-diin niya ang kaniyang mga labi, tila naglalaro, habang ang
isang paa ay nakapatong sa aking harapan.
“Ang pagmamahal ay
hindi dapat sa puso lang pinaiiral. Dapat ang isipan din. Hindi sapat na
nagmahal ka ngayon at wala ka ng pakialam sa kung ano man ang maaaring mangyari
bukas. Dapat mayron kang direksyon...”
Sinagot ko siya ng
isang tanong, pabulong at may bahid na pag-alala. “Mamahalin mo pa rin ba kaya
ako pagkatapos ng isang taon na magkalayo tayo, na walang kumunikasyon at
ugnayan?”
“Pangako yan, Carl,
pangako. Ikaw pa rin ang mamahalin ko,” ang seryoso at pabulong din niyang
sagot.
“Paano kung may
nagbago na?”
“Hindi mangyayari
yan.”
“Promise?”
“Promise!”
“Paano kung may
biglang mangyari? Kung halimbawang may isang taong bigla na lang susulpot at
aagawin ka niya sa akin?”
“Paano aagawin ng
taong iyon ang isang pusong nakatali na?”
“Paanu ko malalaman kung sa puso ko nga nakatali ang puso mo?”
Kinuha niya ang isa kong kamay at inilapat iyon sa dibdib niya. “Dama
mo ba ang tibok ng puso ko?”
Pinakiramdaman ng
palad ko ang pumipintig-pintig sa dibdib niya. “Oo.”
“Patuloy na titibok
ang puso ko para sa iyo.”
Idinampi din niya
ang palad niya sa dibdib ko, pinakiramdaman iyon. “Ito ba... ako ang tinitibok niyan?”
ang tanong niya.
“Oo James, ikaw at
ikaw lang ang itinitibok niyan.”
“Paano ako
nakakasiguro?”
“Habang may buhay pa
ako, ikaw lang ang mamahalin ko. Ako... paano ako nakakasigurong ako nga ang
tinitibok niyan?” ang pagbalik ko naman sa tanong niya.
Nag-isip siya
sandali. “Hindi ko alam kung paano i-prove Carl, mahirap. Love should be
enduring, never-ending. Basta ang masasabi ko lang na habang tumitibok pa ang
puso ko, isipin mo palagi, para sa iyo ito. Kung nakakapagsalita lang ito,
pangalan mo ang sinasambit. Sandali...”
At animo’y may
pumasok na ideya sa utak at nagmamadaling tumakbo papuntang kusina. Nung
bumalik ay dala-dala ang isang maliit ngunit matalas na kutsilo.
“James, anong
gagawin mo?” ang nasambit kong akmang tatayo na sana dala ng takot at kaba sa
nakita, inisip na baka gusto niyang magpakamatay kaming dalawa para ‘di na
maghiwalay pa.
“This should prove
how much I care for you Carl” at biglang ikinudlit ang dulo ng kutsilyo sa
upper part ng chest niya na humiwa ng may 1.5 inch at sabay na dumagan sa akin,
itinukod ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng katawan ko habang gulantang
naman ako habang nakatihaya. Natulala ako sa bilis ng pangyayari at ang tanging
nagawa ko na lang ay ang yapusin ang katawan niya habang tumutulo sa dibdib ko
ang dugong galing sa sugat niya.
“Ano ba yang ginawa
mo James... Tangina, tinakot
mo naman ako e.”
Hindi siya umimik, kitang-kita ko sa mukha niya ang kirot na nararamdamang
dulot ng sugat. Ilang sandali at ipinatong na niya ang katawan sa nakatihayang
katawan ko at nagyakapan kami, mahigpit. Huminto na rin ang pagdugo ng sugat niya
gawa ng paglapat ng mga katawan namin. Maya-maya, hinagod ng isang hintuturong
daliri niya ang basa pang dugo sa dibdib ko, ipinahid iyon sa bibig ko at
idinampi ang bibig niya doon. Naghalikan kami, lasap naming
pareho ang naghalong laway at dugo.
Hindi ako
makapaniwalang nagawa ni Sir James ang ganung klaseng may pagka brutal na
ritual. Ngunit natutuwa
na rin ako sa ipinamalas niyang pruweba ng pagmamahal. Habang nagdidikit ang
mga labi namin, palihim ko namang kinapa ang kutsilyo at nung makapa ko na,
bigla ko siyang itinulak patihaya at ako naman ang nag hiwa ng balat ko sa
dibdib, kagaya ng ginawa niya. Sa pagkakataong iyon, nilasap namin ang magkahalong
hapdi at sarap ng nag-aalab naming pag-ibig.
Nung mahimasmasan na, “Sa muling pagkikita natin, paano ko kaagad
masisigurong wala pa ring nagbabago sa iyo?” tanong ko sa kaniya, pag-alalang
baka may magbabago sa naramdaman niya sa muli naming pagkikita.
“Anong gusto mong
palatandaang ibigay ko?”
“Ikaw...?” Hindi siya
nakasagot agad.
“Ok, pagkakita na
pagkakita ko kaagad sa iyo sa sunod mong bagbalik, huhubarin ko ang pang-itaas
kong damit, ipakita sa iyo ang marka ng sugat na ala-ala natin sa tagpong ito.”
“Talaga?” Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko nagbibiro lang. Ang
alam ko kasi, hindi siya basta-basta naghuhubad ng pang-itaas na damit para
ipakita sa ibang tao ang katawan, sa kabila ng napakagandang hugis ng chest at
abs niya. Kahit nga sa paglalaro ng basketball, hindi nagpapalit yan ng damit
sa gitna ng maraming tao, pupunta talaga yan sa bathroom o sa locker room.
Naalala ko ang unang pagpapakita ng upper body niya sa akin, magkaaway pa kami
noon, nagawa lang niya iyon dahil nilasing ko.
“Oo, walang biro!”
paniniguro niya.
“Kahit na sakaling
magkita tayo sa gitna ng maraming tao?” Napahinto siya ulit ng sandali.
“Oo, gagawin ko iyan. Kahit sa maraming tao.”
-----o0o-----
Masukal pa rin ang daan, mahirap tahakin. Habang binabaybay ko at ng kasama
kong driver ang daanang iyon papunta kina Tatay Nando, hindi mapakali ang
isipan ko at tila nakakabingi ang kabog ng puso. “Ano na kaya ang hitsura niya
ngayon? Ganun pa rin kaya ang buhok niya, ang pananamit? Wala kayang nagbago sa
pagmamahal niya sa akin?” yan ang mga tanong na sumiksik sa isipan habang
hinihimas ko ang peklat na naging marka sa pagkukudlit namin ng aming mga balat
sa dibdib.
Nakarating kami sa
mismong bahay ulit nina Tatay Nando. Halos wala ding pagbabago ang lugar, ang
tanawin, ang paligid. Nandoon pa rin ang mga matatayog na puno ng niyog, ang
mga gulayan sa gilid ng bahay.
“Hey Carl! Kumusta
kana? Mabuti’t nakabalik ka rin dito, na-miss ka na namin!” ang sigaw ni Tatay
Nando, nakangiti habang patakbong sumalubong sa akin, sa likuran niya si Nanay
Narsing sina Anton, Dodong, Clara, at Letecia.
“Mabuti naman po,
Tay! Namimiss ko na rin po kayo!” ang pasigaw ko ring sagot.
Isa-isa ko silang
niyakap at tinulungan na rin nila ako at ang driver ko sa pag-buhat sa mga
dala-dalang pasalubong at gamit. Tuwang-tuwa silang lahat nung makita ako muli. Syempre, masaya din ako.
Dumeretso kami sa bahay. Kumain at ng matapos, nagpaalam na ang driver ko na
bumalik.
“Bumisita pala dito ang mommy mo,
Carl dalawang beses na, nung isang buwan ang huli niyang bisita at hiyang-hiya
kami dahil maraming dalang pinamimigay na mga pagkain, damit, at gamit sa
pag-aaral ng mga bata sa baranggay. Tiningnan din niya
ang project nila ni James na building para sa mga mag-aaral. Tuwang-tuwa siyang
makilala si James, ang saya-saya nga nilang mag-usap e. Kala ko pormal at
seryosong tao ang mommy mo. Aba’y may pagka-cowboy din pala, nakihalu-bilo sa amin, sa pagkain namin. Masaya
din siya nung makitang tapos na ang dalawang classrooms para sa Grade 1 and 2,
at ang pasimulang construction sa additional 3 classrooms pa na donated naman
ng mga panibagong donors. Tinanong nga namin kong ba’t ‘di ka nakasama sa kaniya,
e. Busy ka nga daw sa negosyo n’yo at sa pag-aaral.”
“Yun nga po e... E, mabuti naman at nakita niya na po kayo at si James. Ganiyan
po talaga ang mommy ko, sobrang mabait at sobrang napakalaki ng puso.
Napakaswerte ko nga na may mom akong katulad niya. Ako nga lang itong naging
pasaway sa kaniya e, hehehe. Pero dati pa ho iyon.” ang sabay bawi ko.
Tawanan silang
lahat. Napakasarap ng pakiramdam sa masayang pagsalubong nila sa akin. Ngunit
sa sentro ng utak ko, ang hinahanap-hanap ay si Sir. Inikot ng mga mata ko ang
paligid. Wala. Ramdam ko
ang unti-unting namuong pag-aalala. Hanggang sa hindi na ako maka-tiis. “Tay,
nasaan ho ba si Sir James?”
“Ah… nasa eskwelahan niya. May tutorial class siya sa mga
bata at mga dalawang oras pa bago yun makabalik dito.” Naramdaman ko na lang
ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib sa narinig.
“Pwedi ko ba siyang puntahan na lang doon?”
“Aba, oo naman. Para
mo rin makita ang building na ipinatayo ng mommy mo at ang mga bagong
pinasimulang constructions. Mga 5 minutes mo lang lalakarin. Ano, gusto mong samahan na kita?”
“A, e, wag na po.
Ako na lang. Sosorpersahin ko
na rin si Sir James.”
ITUTULOY........
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento