Idol
Ko Si Sir (Part 1)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
Magsi-second year
college ako, 18 years old lang nung inilipat ako ng mommy ko sa probinsya upang
doon na mag-aral. Sa Maynila kasi, kahit magagaling ang schools ay halos walang
nangyayari sa pag-aaral ko, dahil sa bisyo at barkada. Siguro nakita niya na kapag
sa Maynila ako mag-aaral, wala ring patutunguhan, dahil sa imbes na may
matutuhan ako sa mga subjects ko, ay anu-anong bisyo na lang ang natututunan ko
sa barkada. Kaya’t iyun ang napagpasyahan niya.
Nag-iisang anak lang
ako, nung puslit pa lang ako ay namatay na ang daddy kong kano, kaya’t mom ko
na ang nag-alaga sa akin. Actually, hindi naman mahina ang ulo ko, in fact,
nasa gifted level ang IQ. Sadya lang talagang ayokong mag-aral at ewan ko rin
ba, parang may kulang. Feeling ko wala akong kakampi sa mundo, kahit na naibibigay
ng magulang ko ang ano mang bagay na gustuhinko. Hindi ko rin naranasang
maghirap. Sa pakiwari ko’y napaka boring ng mundo, walang ka-challenge
challenge. Iyan ang naisiksik sa utak ko simula nung bata pa lang ako. Kaya
enjoy na enjoy ako sa barkada at sa bisyong sugal, droga, at kung anu-ano pa.
Siguro pwedeng sabihing ang lahat ng bagay ay nasa akin na,hitsura, tangkad,
kaginhawahan. Kung tutuusin ay napaka-swerte kong bata.
Ngunit ang lahat ng ito
ay hindi ko na-aappreciate man lang. Parang may iba akong hinahanap. Kaya nung
mag-decide ang mommy na sa probinsya na lang ako mag-aral, pumayag na rin ako.
“Ok lang, baka doon ko pa matagpuan ang challenge na hinahanap ko,” sabi ko sa
sarili.
Hindi kalakihan ang
school, siguro, may mga 400 na estudyante lang ang population ng buong college
department. Isa itong sectarian school na pag-aari ng mga madre. Kahit na nasa
probinsya siya, kumpleto at state-of-the-art ang mga facilities kumbaga, mailinis,
nasa ayos ang lahat. At ang nagustuhan ko rin ay ang malalaking kahoy sa loob
at paligid ng campus na nakapagbibigay ng malamig at preskong hangin.
Dahil sa hindi
kalakihang population, halos mgakakakilala ang mga estudyante rito. Alam ng mga
datihan ang mga transferees, ang mga pamatay sa honor’s list, ang pabalik-balik
sa subjects, kung sino ang may ganitong ugali, body odor, habit, etc. Kaya nung
unang araw pa lang ng pasukan, sa akin nakatutok ang tingin nila. Kumbaga
center of attraction na kaagad. At dahil galing ng Maynila at mejo naiiba ang
dating dahil mestiso at matangkad, maraming nakikipag-kaibigan. Siguro din,
merong mga naiintimidate lalo na ang mga lalaking estudyante.
Simple lang ang
paniniwala ko sa buhay. Ang lahat ay nakukuha sa pera, at kung hindi man sa
pera, sa ibang diskarte, tulad ng pagpapa-cute, pambobola, panliligaw,
pagpapa-impress, o simpleng pagparamdam na nandyan lang ako sa tabi, handang
magbigay ng kung ano man ang gusto nung tao sa akin kapalit ng gusto ko. At
kung ayaw pa ring bumigay at masyado ng nasaktan ang ego ko, pwedi na ang
ultimate na sandata, blackmail. Kumbaga, wala sa bokabularyo ko ang santong
dasalan, lahat ay nakukuha sa santong paspasan. Wala akong problema sa mga
estudyante at kaibigan.
Unang impresyon pa
lang nila sa akin ay “cool” kaagad. Friendly daw ako, mabait, palabiro at ang daming
chicks na kinikilig. Sa dami ngang nakikipagkaibigan sa akin, baka kung tumakbo
akong presidente sa student council, mananalo ako kaagad ng walang
kahirap-hirap. Ang problema ko lang ay ang isang teacher sa Sociology, si Sir
James. Si Sir James ay 23 years old lang, matalino, magaling magturo at medyo
non-traditional ang approach sa klase. Kung hindi nga lang sya naka-upo sa
teacher’s desk sa harap ng classroom ay sasabihin ng iba na isa siya sa mga
estudyante sa klase namin.
Matangkad si Sir
James, moreno, guwapo at estudyanteng-estudyante ang porma sa pananamit at pagkilos.
Nakikipag-bonding sa mga estudyante, nakikipagbiruan, nakikipaglaro ng
basketball, at malapit ang loob sa mga etudyante. Ngunit kung gaano siya
kalapit sa mga estudyante, sa labas ng klase, kabaligtaran naman pag nasa loob.
Mahigpit sa mga rules at disiplina. Pero, patas naman.
“Kapag nasa labas,
barkada tayo, kahit ano pweding sabihin, pweding gawin, pero kapag nasa loob ng
klase, ibang usapan na. Ako pa rin ang teacher n’yo.” Iyan ang linya niya sa
mga estudyanteng nakikipagbarkada sa kanya. Kaya gustong-gusto siya ng mga
estudyante. Kumbaga, klaro ang rules nya, patas sa lahat, at alam nila kung
saan sila lulugar, di kagaya ng ibang teachers na masungit, tyrant, o kaya’y
parang wala lang.
Isang taon pa lang
na nagtuturo si Sir James ngunit kilala na siya bilang isang magaling na guro
at maraming nalolokong estudyante. Ngunit siguro, sadyang hindi pweding
magkalapit ang loob namin. Sa unang meeting pa lang ng klase, na-experience ko
na kaagad ang bagsik niya. “Class, I’d like you to introduce yourselves, let’s
start with the newcomer here from the big city, Mr. Miller.”
Iyun ang hindi ko
malimutang pambungad na salita niya kung saan nagsimula ang pagka-badtrip ko.
Tumayo nga ako at nagself-introduce. Kaso, medyo nasobrahan yata ang
pagka-presko ko. “My name is Carl Miller and, as Sir James said, I’m a
transferee, 18 years old, single without experience, never been touched, never
been kissed. In short, I’m a stupid, horny virgin, very much available and am
planning to offer myself for auction,” pgpapakilala ko. Hiyawan at palakpakan ang
buong klase.
“Silence!” sigaw ni
Sir James, sabay lingon sa akin na namumula ang mukha, “Mr. Miller, this is a
civil class for people who desire to be civil. And I have no intention of
turning this into a brothel or a sex shop! We don’t care if you are a virgin, a
stupid, or a maniac. We just want to know something civil about you, doyou
understand?”
Biglang natahimik
ang lahat, at syempre, hiyang-hiya ako sa sarili. Simula nun, feeling ko
pinag-iinitan na ako ni Sir James. Parang ang lahat na mabibigat na assignments
ay sa akin napupunta. Pag sa klase niya, hindi ako nagtataas ng kamay kahit na
alam ko ang sagot. Kapag natanong at wala akong naisasagot, pinapatayo ako niyan,
at kapag may naisagot naman, sinusupalpal. Hindi lang ‘yan, ang tawag niya na
sa akin ay ‘Blessed Virgin Carl’.
“And does Blessed
Virgin Carl have something intelligent to add here?” tanong niya sa akin, isang
beses nung mapansing ang isip koy lumilipad.
“Ahm, err, I beg
your pardon, Sir?”
“As I was saying,
tell me what will an idiot say if he doesn’t understand the question because
his mind is somewhere else?” paglilihis niya sa tanong pagpapatama sa akin at
pagpaparamdam sa klase.
“Excuse me sir?”
tanong kong medyo naguguluhan.
“Exactly! See?
That’s what an idiot would say!” ang sarcastic na sagot nya habang naka-turo sa
akin ang kdaliri, pagpapatunay na ang sinabi ko ay tugma sa sasabihin ng isang
idiot. Tawanan ang buong klase.
Hindi ko
maintindihan kung bakit ganun ang turing ni Sir James sa akin. Parang sa lahat
ng mga estudyante sa campus, ako ang sini-single out nya at tinitira
samantalang napaka-palakaibigan naman niya sa mga estudyante. Pero kahit na
masama ang loob ko sa kanya, yun ang naging dahilan para pagbutihan kong maigi
ang pag-aaral sa subject niya para hindi lang mapahiya, to the point na kahit
saan-saan naghahagilap ako ng research materials.
Wala na akong ginawa
kundi ang magbasa ng magbasa tungkol sa sociology niya. Hanggang sa lahat ng
aspeto ng subject ay naging kabisadong-kabisado ko at lahat ng tanong niya sa
akin ay nasasagot ko. Pero sadyang pinipiga pa rin ni Sir ang utak ko at hindi
siya nawawalan ng tanong at argumento. Kaya’t kapag ako naman ang naka-porma,
ginigisa ko rin sya sa katatanong ng mga bagay na nakukuha ko rin sa ibang
sources.
Naging maaksyon ang
klase namin, punong-puno ng partisipasyon dahil sa katatanong ko, na-eencourage
na rin ang ibang kaklase na mag-follow up at nabubuksan ang iba pang grey areas
at related issues sa subject. “Gusto mo ng tagisan ng talino, sige, magtutuos
tayo,” sabi ko sa sarili.
At dahil doon,
humanga na rin sa akin ang mga kaklase ko. “Alam mo Carl, ang galing-galing mo.
Dahil sa mga explanations mo sa tanong ni Sir at sa mga tanong mo na rin sa
kanya, nagiging interesting ang klase. Iba ka talaga, tol!” sabi ng kaklase at
kadikit kong si Ricky. “Pero napansin ko lang pare, ha, bakit parang mainit ang
ulo ni Sir James sa iyo? At, sorry din sa tanong na to, bakit sa ibang klase ay
parang dini-deadma mo na lang? Hindi ka ba natatakot na bumagsak sa ibang
subjects?”
“Sa una mong tanong,
heto ang sagot ko, malay ko sa kanya! Siguro insecure siya sa ka-pogihan ko,
hehehe. Sa pangalawa mong tanong, ‘di mo ba napansin sina ma’am, pag
nagkakalase? Natuturete pag tinitigan ko, nalulusaw ‘dre, hehehe,” pagmamalaki
ko sa sarili.
“So?” tanong ulit ni
Ricky na naguluhan sa sagot ko.
“So? You don’t get
it ‘tol? It’s obvious na type ako ng mga yun!” pag-emphasize ko sa point. “E,
kikindatan ko lang ang mga yan, ipapasa na ako e”
“Matindi ka, ‘dre!
E, panu kung di uubra ang plano mo at ibagsak ka pa rin?”
“Malabo yan, ‘dre,
dahil proven na sa Maynila ang style ko na yan. At pag ibinagsak talaga nila
ako, baka gusto nila ng pera, o di kaya, ako, hehehe,” Sabi kong
naka-ngiting-aso.
“Ngunit kung ayaw pa
rin nilang bumigay, isa lang ang dahilan niyan, ‘dre, love nila talaga ako at
hindi nila kayang mawalay ako sa paningin nila hahahaha! At saka, problema ba ‘yun, pag
bumagsak, di balik ulit next sem, chicken feed lang yan.”
“Iba ka talaga,
pareng Carl. Ok, balik tayo dun kay Sir James. Hindi kaya may iba syang motibo
kung bakit pinag-iinitan ka niya palagi? O-owwww! I smell something!” sabay
bitiw ng nakakalokong ngiti at makahulugang tingin sa akin in Ricky.
Hindi ko na
inintindi ang pinahiwatig na iyun ni Ricky. Pero sa loob-loob ko, talagang
naghanap ako ng paraan para makaganti. Hindi ko lang alam kung paano. Sa mga
nagdaang araw, hindi pa rin nagbago ang pag-trato sa akin ni Sir James sa
klase. Bagkus, feeling ko lalo pang lumala. Kaya dahil sa inis at sama ng loob
na parang hindi man lang na-appreciate ang ginawa kong effort sa klase niya,
naisipan kong hindi na sisipot at hayaan na lang na i-drop niya ako.
May mga anim na
sunod-sunod na sessions na hindi na ako nagpakita pa sa klase, nang may
natanggap akong note, “Carl, I would like to talk to you today at 4:30 pm,
conference room. - Sir James”
Expected ko na ang
sulat na yun. So sinagot ko, “Sir, I will talk to you only in a private venue,
not in school. Ayokong teacher-student ang turing ng usapan coz I’m dropping my
subject. I suggest na lalaki-sa-lalaki ang usapan, at hindi guro-estudyante.
Kahit saang venue, huwag lang sa school,” sagot ko sa note nya.
Kinabukasan, may
note ulit ako, “Sa apartment ko nalang bukas, 8 pm.”
“Good!” sabi ko sa
sarili. “Magtutuos tayo, Mr. James Cruz. Tingnan natin kung hanggang saan ang
galing mo!”
Syempre, ni-ready ko
ang sarili at naisipan kong mag-research tungkol sa buhay-buhay niya. Kinausap
ko si Ricky at tinanong ang mga nalalaman niya tungkol kay Sir James. “Alam mo ‘dre,
kung personal na aspeto tungkol kay Sir, meron akong nalalamang konti.
Aside sa pagiging
malapit niya sa mga estudyante, inteligente, at guwapo, meron siyang isang
bagay na hindi naman confirmed ngunit sikreto, sikretong alam ng buong campus,
hehehe,” sabi nyang pabiro.
“Anong ibig mong
sabihin?”
“Si Sir James ay
silahis daw, daw ha, dahil hindi naman na-prove talaga iyun e. Pero syempre,
nagtataka din ang marami dahil kahit sa hitsura niyang iyon at tindi ng sex appeal
at maraming chick ang naloloko, ay wala namang girlfriend o nililigawan, ‘di
ba? At ang na-involved sa kanya ay isang nagngangalang Henry, mestiso Chinese
na nagtuturo din sa school natin last year pero nasa US na ngayon. Magkasama
sila sa apartment kasi e,” wika in Ricky.
“Kaya nga, yang
ibang pagtrato niya sa iyo ngayon, naisip ko lang ha! U-uhhh!” hindi na ni
Ricky itinuloy ang sasabihin, sabay bitiw ng napakapilyong ngiti. “Iba talaga
ang level ng ka-gwapuhan mo, ‘tol, hahaha!”
“Ganun ka pala ha
Sir James ha!” sabi ng utak kong nanggagalaiti at may sumiksik na maitim na
balak.
Dumating ang araw ng
aming “pag-tutuos” ni Sir James. At pinaghandaan ko ang oras na yun. Sa suot
kong puting t-shirt at jeans hanep na hanep ang dating. “Tingnan natin kung
hindi ka sasakay sa plano ko sa iyo,” sabi ng utak kung sinulsulan ng demonyo.
Sinadya kong
magpaporma talaga para sa okasyon na yun. At kasali sa planong yun ang
pagdadala ng isang boteng imported na alak, pulutang sitsirya, kunyari
pasalubong. Ngunit ang pinakabida sa lahat ay ang phone-camera ko. “Good evening
James,” ang pag greet ko sa kanya nung binuksan na niya ang gate. Hindi na ako
nag-Sir pa.
“Good evening din
Carl!” sabi nyang nakangiti.
“Himala, nakangiti
sa akin,” sabi ko sa sarili. “A, heto pala, James may dala akong maiinom habang
nag-uusap tayo. May pulutan na rin.”
Pumasok kami sa
living room, kinuha nya ang dala kong alak at mga sitsirya at inilagay sa mesa.
Maganda ang flat nya, tamang tama lang ang laki, may sariling CR at shower,
kusina, living room at bedroom. May maliit din itong corner kung saan nakalagay
ang mga personal niyang gym equipment. Maayos na maayos ang kwarto, malinis,
masinop.
“Hindi ka na dapat
nagdala pa neto Carl, hindi namam pakikipag-inuman ang pakay ko e. Tungkol sa
attendance mo sa klase ang pag-uusapan natin, yun lang. At kung maari, ayaw
kung uminom.”
“Yun na nga, eh, sa
ibang estudyante, nakikipag-bonding ka, nakikipag-biruan, sumasali sa mga kung
anu-anong sosyalan. Pero sa akin iba ang pakikitungo mo, ang labo mo naman,
James. Ano ba talaga ang problema mo sa akin?” Sabi kong kalmante pa rin at
pigil ang sariling hindi ipinahalata ang sama ng loob. “Kaya’t para hindi ako
tuluyang magtampo, dapat lang na mag-bonding din tayo. Hindi ako makipag-usap
sa iyo kung ‘di ka nakikipag-inuman sakin. At dapat, maubos natin yang isang
boteng alak na dala ko. Take it, or leave it.”
Kitang-kita ko sa
mga mata nya ang pagkagulat. “Are you kidding? Yang buong bote na yan at tayong
dalawa lang? Ang tindi mo rin pala sa inuman, no? Pero alam mo, Carl, itong
pag-uusapan natin ay hindi naman para sa kapakanan ko e, ito’y tungkol sa iyo,
para tulungan ka, mabigyan ng advice diyan sa pinaggagagawa mo. Dapat nga ikaw
ang unang taong maghahabol ng solusyon dito dahil personal mong kapakanan ang
nakataya.”
“Wow naman, James.
Hanep din ang diskarte mo,” ang sagot kong medyo tumaas na ang boses. “At wag
mong kalimutan, ‘di teacher ang pakikitungo ko sa iyo ngayon, ka-level lang
tayo. And if it’s me that you want to talk about, or if it’s about your stupid
subject, then I don’t care a bit. At tungkol diyan sa sinabi mong pag-tulong?”
pag-emphasize ko sa salitang ‘tulong’. “Well, thanks, but, no thanks, dahil I
don’t need your help, man. I don’t need your damn, fuckin help, ok?”
Tinitigan ko siya ng
matalas, tila nagbabanta. “Ngayon, does this mean I have to leave now?” at
akmang tatalikod na sana.
“No, wait. Okay, okay,
Iinum ako, pero hanggang kalahating bote lang tayo. Pwede na ba yun?”
“Deal!” sabi ko sa
kanyang medyo nasiyahan. “Yun naman pala eh,” bulong ng isip kong nasiyahan na
rin sa sagot niya.At nag-inuman nga kami, tagay system, yung iisa lang ang
basong gamit at iikot sa aming dalawa ang tagay. Walang usapan, puro
pakiramdaman lang, nagbabasa siya ng libro habang kuntento na ako sa
pagsisigarilyo. Basta ang target ay makaubos ng hanggang kalahati ng bote at
dun pa kami magsimulang mag-usap sa tungkol sa ano mang gusto nyang pag-usapan.
Nakailang tagay din
kami nung sadyang tanggalin ko ang t-shirt. “Mainit, sensya ka na James.” Hindi
sya kumibo. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngunit tinanggal din niya
ang t-shirt niya. Medyo na-appreciate ko rin ang ganda ng upper body ni Sir,
kumbaga sculptured from chest hanggang sa abs at oblique muscles. Ngunit hindi
na ako nagtaka dahil sa nakita kong personal mini-gym nya, sigurado akong
nagwo-work out siya palagi.
“Disgrasya ka ngayon,”
bulong ko sa sarili sabay bitiw ng pilyong ngiti. Maya-maya, nung mag-init na
ang pakiramdam ko, tumayo ako’t sumayaw-sayaw na parang macho-dancer,
ina-unbuckle ang belt at tinanggal ang dalawang upper buttons ng fly at sadyang
ibinababa ng konti ang jeans para lilitaw ang puting garter ng brief. “Wala
bang music?” tanong ko.
Pagpaparamdam na
nabo-bored sa sitwasyon naming walang imikan. Pinatugtog niya ang isang mellow
music na lalong nagpapalakas ng loob kong mag-tease.
Tiningnan lang nya
ako at pinagpatuloy na ang pagbabasa, nagpailing-iling. “Tingnan na lang natin
kung iiling ka pa rin mamaya,” ang pagbabanta ng utak ko. Eksaktong kalahati na
ng bote ang naubos namin nung inilatag na ni Sir sa mesa ang aklat na binabasa.
“O, siguro naman
pwedi na tayong mag-usap,” sabi niya habang nakatutok sa akin ang mapupungay na
mata dala ng pag-epekto na ng alak.
Umupo ako sa harap
ng inupuan niya. Gusto kong matawa dahil sa pagkabilis niyang malasing,
palibhasa, hindi sanay. “Heto yung taong hinahangaan, tinitingala, minahal, at
iniidolo ng mga estudyante ngunit nandito sa harap ko, halos isang sapak ko
lang at mawalan na ng ulirat.” sabi ko sa sarili.
Tinitigan kong maigi
si Sir James. Kahit nanggagalaiti ako sa galit, napansin ko rin ang
napaka-attractive nyang mukha. In fairness, makinis; may magandang hugis ng
mata at kilay, may matulis na ilong at mamula-mulang mga labi, makapal na medyo
wavy na buhok. No wonder na madami ding nalolokang babaeng estudyante sa kanya
dahil sa hayup niyang porma. Nasa ganun akong paghanga ng sumigaw si Sir James.
Dahil sa kalasingan,
animoy bata itong, “Hoy, Carl, hindi ka naman nakinig eh!”
“OK lang James,
magsalita ka,” ang sabi ko habang pinagmasdan na lang ang bawat galaw nya.
Ibayong pagmamalaki
sa sarili ang nadama ko, ako kasi hindi pa halos tinablan sa nainum namin
habang si Sir James ay mukhang bibigay na. At tila nagtatalon na sa galak na
nademonyong isip sa nakikinitang palapit na katuparan sa maitim na balak ko.
Tumungga ulit ako ng tagay, at isa pa. “O, gusto mo pa?” sabi kong sabay offer
ng isang basong tagay sa kanya.
“OK, sige,” tinungga
niya ang tagay kong alak. Tinagayan ko pa, at ulit tinungga niya iyon.
Nakailang ulit din syang tumungga. Lasing na lasing na siya nung magpuntang CR
para umihi, halos ‘di na na makatayo. Nasa bungad pa lang ng CR nung mapansin
kong maduduwal na kayat takbo kaagad ako para alalayan siya. Nasa likuran niya
ako at akap-akap siya.
Hindi ko
maintindihan ang naramdaman ko habang naglapat ang aming mga hubad at pawisang
pang-itaas na katawan. May kiliting dumaloy sa buong katawan ko habang
bumubundol-bundol naman ang harapan ko sa likuran nya.
Namalayan ko na lang
na tumigas ang pagkalalaki ko. Nasa ganung ayos kami nung mapansin kong parang
nahirapan siyang i-unbuckle ang belt upang buksan ang fly. Kayat habang
nakasandal siya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area
nya at ako na mismo ang nag-unbuckle ng belt at nagbukas ng fly. Ako na rin ang
naghugot ng ari nya.
Dahil sa tinigasan
si Sir, sumagi ito sa brief nya. Hinawakan ko iyon at isenentro sa toilet bowl
ang bagsak ng kanyang ihi. “Tangna! Para akong nag-assit ng isang disabled neto,”
sabi kong ‘di maintindihan kung matatawa o maiinis. Parang nakuryente ako sa
ginawa kong iyon. Sa buong buhay ko, nun lang ako nakahawak ng ari ng iba, at
sa tao pang kinaiinisan ko. Nung matapos na siyang umihi, hindi siya kumilos,
nakasandal lang sa akin. Marahil dahil sa hilo, ang dalawa niyang kamay ay naka
laylay lang sa tagiliran, naka-akap ng isa kong kamay ang chest area nya habang
ang isa kong kamay naman ay hawak-hawak pa rin ang kumikislot-kislot nyang ari.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na naramdaman sa eksenang
iyon.
Itutuloy….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento