Huwebes, Oktubre 19, 2023

Mini Series From Other Blog # 9 - Idol Ko Si Sir (Part 6) By: Mikejuha (From: Pinoy Gay Love Story)

 


Idol Ko Si Sir (Part 6)

By: Mikejuha

(From: Pinoy Gay Love Story)

 

 Hinalikan ko ang isang pisngi ni Sir at dali-dali na akong bumalik ng school, mabigat ang damdamin ngunit baon-baon ang malalalim na aral na natututunan mula sa kaniya. Hindi na natuloy ang takda sana naming pagkikita ni Sir James sa gabi ng araw na iyon. Pinayuhan niya ako na mas makakabuti iyon para wag akong madamay at wag nang lalala pa ang issue lalo na kapag may nakakakitang pumunta ako sa flat niya. Kahit masakit sa kalooban at ang isip ay nag alinlangan, sinunod ko rin ang payo niya kahit sa kabila ng katotohanang maaring yun na ang huli naming pagkikita. Napag alaman ko na sa araw ng graduation ay aalis siya, hindi sinabi kung saan. Sa gabing iyon, hindi ako makatulog at si Sir James lang ang laman ng isip. Parang kumakawala ang puso ko at sumisigaw na puntahan siya at damayan. Ngunit nanaig din ang takot na baka hindi makatulong ang pagsuway ko sa payo niya, at lalong malagay kaming dalawa sa alanganin.

-----o0o-----

“Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Paano kaya ako makabawi sa lahat ng ginawa niyang kabutihan? Kailan kaya kami magkikita muli?” Ito ang mga katanungang bumabagabag sa isipan. Araw ng graduation, perfect ang lahat: program, set-up ng lugar, stage decorations at ang mga bulaklak na nagsilbing palamuti, backdrop, coordinations ng mga taong naka-assign sa iba’t-ibang kumite, atbp. Nandun din ang lahat ng mga teachers. Well, halos lahat. Sumipot lahat ang mga guests, ang mga madre sa congregation na may hawak ng school. Higit sa lahat, full force ang mga ga-graduate sampu ng kanilang mga magulang.

Ramdam ko ang saya sa puso nilang lahat. At sigurado ako, proud na proud sila, pati na rin ang mga magulang nila. Ngunit sa lahat ng gumraduate, ako ang pinakaproud, at ang mom ko ang pinaka-proud na magulang sa lahat. Nalala ko na simula pa nung bata, wala akong natatandaang achievement sa school kung hindi ang puro pagpapahirap sa kaniya, pagpupunta niya sa guidance coucilor o sa principal dahil sa pambubugbog ko sa kaklase o sa iba’t-ibang mga kalokohang ginagawa. Alam ko, abot-langit ang kagalakang nadama ng mom ko sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon ko lang siya nabigyan ng karangalan, at sulit naman. At dama ko yun sa mga nakakabinging palakpakan ng mga tao sa pagtawag na ng aking pangalan, “Mr. Carl Miller, Summa Cum Laude!”

At paulit-ulit ko pang tinamasa yun sa pabalik-balik kong pag akyat ng stage upang tanggapin ang iba’t-iba pang awards. Pakiramdam ko, ako lang ang nag-iisang gumraduate dahil ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa akin. Nung magbigay ako ng speech, sinabi ko kung ano ang nararamdaman sa mga sandaling iyon at ano ang mga dapat pang gawin naming mga graduates pagkatapos matanggap ang mga diploma. Binigyang inspirasyon ko silang lahat sa pag emphasize sa mga katagang “katatagan” “determinasyon” at mga “hamon” sa buhay. Sa kalagitnaan ng speech, hindi ko maatim na hindi lingunin ang isang upuang nabakante sa side ng mga administrators. Napahinto ako sandali at tila isang sibat ang tumama sa puso nung bigla na lang nag-flash sa isipan ang nang-aamung ngiting huli kong nakita sa mukha ni Sir James. At ang nasambit na lang ng isip ko, “Sir, para sa iyo ang lahat ng ito; kung hindi dahil sa iyo, wala sana ako ngayon dito.”

 Naalala ko ang kabaitan niya, at ang paghihirap sa kaparusahang dapat ay ako ang umako at magdusa. Habang tinatamasa ko ang tagumapay, matinding dagok naman ang kaniyang pinagdusahan. Pilit kong nilabanan ang pagdaloy ng luha. Nag-crack ang boses ko habang ipinagpatuloy ang speech. Ang buong akala ng lahat ay nadala ako sa sobrang kaligayahan sa nakamit na tagumpay. Nung matapos na ang talumpati ko, nakakabingi ang palakpak ng mga tao. Nakababa na ako ng dalawang baitang sa hagdanan ng stage pabalik na sana ng upuan nung tila hinila ako ng mga sariling paa upang bumalik ulit sa podium. Nagtaka ang lahat sa bigla kong pagharap muli sa mikropono.

“A...” Ang nasambit ko lang, di malaman kung panu simulan habang ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib, nag-aatubili kung itutuloy pa ang pagsasalita o hindi na lang, lalo na nung makita ang audience na dahil sa hindi inaasahang pagbalik sa podium, lahat sila ay nakatutok, excited sa kung ano man yung importante ko pang sabihin. Nakakabingi ang katahimikan. Sumiksik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni sir James, “Kapag ang isang tao ay walang panindigan, o kaya’y tinatakbuhan ang responsibility sa maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao niya.”

“I just would like to add a few words. I haven’t prepared this one but something in my heart tells me that I must share this...” Huminto ako ng sandali, nag-isip kung ano ang isusunod. “Everyone knows that I came from the big city. I grew up there and was used to the ways of hustles and bustles. Since I can remember, I have always been a huge headache to my mom and to everyone in every school I enrolled in. I was stubborn and stupid and carefree and misbehaved. I was hooked in cigarettes, alcohol, and drugs. I experienced getting jailed and kicked out from school several times... I was practically a lost person. Because of that, Mom decided to transfer me here, ‘for a change’ she said, although at the backseat of my mind I knew that it was for something else. And this something else was to change me for the better. This change I called ‘rehabilitation.’”

Tawanan ang audience sa term na ginamit ko, at yung iba ay napatingin sa mom ko na natawa na rin.

“From the very first day of my stay in this school, I never really believed that there was any difference; and neither did I believe that the nuns or any teacher in this school could deliver the ‘change’ that my mom wanted in me. In fact, when I saw the idyllic campus for the first time, my mind screamed that the place was so good I could organize a gangster or some kind of a mafia with me as the boss and the nuns as the mafiosos.”

Tawanan, palakpakan ang lahat.

“You can just imagine how hopeless my case was. I believed that everything in this world has its corresponding price; money that is, just like the shoes that are being displayed in supermarket stalls. And every single one of us has our own asking price too, just waiting to be named. So whatever Carl wants, Carl gets. At least, that’s how I looked at life. But... all that changed when –”

Napahinto ako sa pag aanticipate sa maaring reaction nila sa susunod kong sasabihin.

“I met Mr. James Cruz, my professor in Sociology,” ang dugtong kong nag-crack na ang boses at pilit nilabanan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng emosyon.

“When I first met Professor James Cruz, I thought he was no different. I was wrong. He is one teacher whose dedication to duty goes beyond addressing the so-called intellectual ‘sine qua non’ of his students. He understood my world and led me to see life from different viewpoints. With him, I learned the value of discipline, sacrifice, and fair play. With him I learned the true meaning of happiness, peace of mind, and inner satisfaction. With him, I regained my dignity and self-respect. And here I am a changed man, a living testament to his commitment. For the first time in my life, I have become truly proud of myself. For the first time in my life, I have made my mom the happiest person on earth. And there’s no doubt in my mind that many other graduates and students of this school feel the same way too; graduates and students like me with whose lives Professor Cruz had touched...”

Tuluyan nang tumulo ang luha ko at nakita ko ang iba pang mga estudyanteng nagpapahid din ng luha.

“But recently things have turned out terribly bad for Professor Cruz. He had been hounded by a very serious controversy which has resulted to his expulsion from school. Many of us are aware of this, and many have been affected by what had happened. And although no one could tell for certain what real story that video clip holds behind it, Professor Cruz took full responsibility and accepted the punishment. It was so humbling, but yet so unfair on his part. This is the very reason why I decided to bring this matter up here – because there is another side of truth that only I know; the other part of the story which deserves to be unraveled if only to clear all air of doubts. I remember the words Professor Cruz had said to me, ‘If you can’t stand by what you believe in or if you turn your back from the consequence of your misdeeds, you are worth nothing’. It breaks my heart to be here savoring the sweetness of success while the very person – innocent of any accusations and instrumental in all my triumphs – grieves in silence.”

Natahimik ako ng sandali, nag atubili sa susunod na kasuklam-suklam na mga katagang ibubunyag habang pinapahid ng mga kamay ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi.

“I am the other guy in the video.” ang tuluyan ko nang pagbulalas sa tinatago-tagong sikreto, ang boses ay halos di maintindihan dahil sa pigil na pag-iyak. May narinig kaagad akong nag-boo at pansin sa mga mukha ng iba ang pagka-mangha, ang iba ay nagbubulungan.

“Yes, I am. I tricked Professor Cruz into drinking and when drunk, I forced him to do it on me. I recorded it without his knowledge so I could use the clip to blackmail him in case he didn’t give me a passing grade. But all my plans backfired. Instead, I realized how wicked I was… until the video clip made its way to some unscrupulous hands wrecking havoc on the dignity of the very person whom I learned to admire and idolize.” Patuloy pa ring nag-boo ang ibang mga estudyante habang ang iba naman ay patuloy ding nagpapahid ng luha.

“I know that no amount of remorse could repair the damage I’ve made. And I take full responsibility for everything. I am deeply sorry to have caused pain and suffering to all those affected by my wrongdoing and lack of heart, especially our beloved Professor Cruz. I am the one who should be punished; I am the one who should be there suffering in his stead. I know that I have breached propriety by dragging Professor Cruz’s name into this solemn occasion. But this very school has also imbibed in me the value of truth and justice. And my heart aggrievedly screams justice for Professor Cruz. He is NOT the villain; I am. He is the victim and the aggrieved, and I am the scoundrel... and I deserve all your wraths!”

Nilingon ko ang upuan ng mga administrators at nakita sa mga mukha nila ang pigil na pagka-inis sa mga binitiwan kong salita.

“But all that I fervently hope is that the administrators of this school find compassion and understanding in their hearts to forgive Professor Cruz and reinstate him back to his job. I humbly ask you: punish me, or give back the dignity of Professor Cruz!”

Para akong natulala, hindi makapaniwala sa mga nasabi at halos mapako na sa pagkakatayo sa harap ng podium. Maya-maya, may narinig akong isang mahinang palakpak, at may sumunod pa, at lumakas ito, at may mga sumunod pa ulit, hanggang sa nakakabingi na ang mga palakpakan. Nagsitayuan ang mga estudyante, nagsigawan,

“We want Sir James back! We want Sir James back! We want Sir James back!”

Tiningnan ko ang mom ko, tumayo na rin siya at nagsunuran ang iba pang mga magulang. Nakita kong nagpapahid siya ng luha ngunit dama ko ang matatag niyang suporta at pagmamalaki sa panindigang binitiwan ko. Natapos ang graduation na di maipaliwanag ang tunay na naramdaman sa nangyari. Habang kitang-kita ko sa mukha ng mga graduates ang saya, kabaligtaran naman ang naramdaman ko. Tila biglang naglaho lahat ang excitement at ang pumalit ay pangamba, lungkot, pag-aalinlangan at pagkalito sa kung ano ang maaaring takbo ng buhay kinabukasan o sa susunod pang mga araw; kung saan ako patungo o paano magsimula.

Nung umandar na ang sasakyang dala ng mom patungong apartment, walang tigil pa rin sa katatanong ang isipan. “Ano ang sunod kong gagawin? Magkita pa kaya kami ng mga kaklase at kaibigan ko? At si Sir James kaya, saan na siya? Magkita pa kaya kami ulit?” Walang imik ang mom habang nagpapatakbo ng sasakyan. Marahil ay batid niya ang saloobin ko lalo na sa nangyaring nakakamanghang pagbuniyag – sa mismong graduation ko pa man din – sa ginawa kong eskandalo na siyang naging dahilan ng pagpapatalsik kay Sir James. Ilang sandali lang nag-stay ang mom sa apartment ko. Tiningnan lang niya ito at dumeretso na kaming dalawa sa pinaka-sikat at mamahaling restaurant sa kalapit-syudad at doo’y nagsalo-salo.

Dama ko ang sobrang tuwa na naramdaman niya para sa akin, sa mga nakita niyang pagbabago at sa nakamit na karangalan. Ngunit ipinaabot din niya ang lungkot sa nangyari kay Sir James. Pinag-usapan din namin ang mga plano ko. Nag-suggest siya na mag proceed ako ng master’s degree o tumulong na lang sa pagma-manage ng negosyo namin. Ngunit naging blangko ang isip ko at walang maisagot sa kaniya.

“Mom, can I think it over please? I need sometime to figure things out. Naguguluhan pa ako e... I think I need to sort out the mess which I created with Sir James.”

Pinagbigyan naman niya ako at pinaubaya na ang pagdedesisyon para sa sarili. Ngunit hindi rin nakalampas sa kaniya ang intriga tungkol sa amin ni Sir James at sa maaaring parusang ibigay ng eskwelahan sa akin. Nagulat nalang ako nung tinitigan niya ako at tinanong. “Son, ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Professor James Cruz? It’s like something strange is going on. I mean, I’m sorry to open this issue but I am a little worried...”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maaaring dala ng hiya dahil sa ‘di maipaliwanag na saloobin. Ang sagot ko nalang na ‘di makatingin-tingin sa kaniya, kuniyari naka-concentrate sa pagsubo ng pagkain “Mom, there’s nothing strange, believe me. I know what you mean... I’m not gay, ok?”

“Well, then I’m glad you say that. Remember, gustong-gusto ko nang magkaroon ng apo, son… at sana malapit na iyon,” sabay ngiti at haplos sa pisngi ko.

“Of course Mom, yeah...”

Parang may tumama din sa puso ko sa sinasabi ng mom na gusto niyang magkaapo, at syempre ang magkaroon ako ng isang normal na pamilya ang ibig niyang sabihin. Ngunit pinalagpas ko na lang yun sa kabilang tainga. “Doon naman talaga ako patungo e” bulong ko sa sarili. Ngunit nung biglang pumasok na naman sa isipan ko si Sir James. “Ah... ewan ko ba talaga. Bahala na!” sagot naman ng isang parte ng utak kong natuliro.

“OK then, when you have finally made up your mind, tell me, son. Sana ikaw na ang mag manage sa negosyo natin para naman makapag-retire na ako.” sabi niyang pabiro sabay tawa. “Ngunit kung ano man ang gusto mong gawin pa sa buhay, I’ll be right behind you. Bata ka pa rin naman, you can take your time and enjoy.”

Naunang bumalik ng syudad ang mom at nagpaiwan muna ako sa apartment dala ng paghahanap pa rin marahil sa dating mga nakagawian. Nung sumapit ang gabi, nababagot akong di mapakali. Sumundot-sundot sa isipan ang di mamatay-matay na naramdaman para kay Sir James. Nasumpungan ko nalang na pumunta sa flat niya. “Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao kung sakaling makita man nila ako dun. Tutal, tinanggal na nila si Sir James sa school, ano pa bang pwedi nilang gawin?” sabi ko sa sarili.

Ngunit wala na pala dun si Sir James, nakaalis isang araw na ang nakalipas at walang makapagsabi kung saan nagpunta. Pinigilan ko ang sariling lumuha, hindi malaman kung saan dideretso at kung anong gagawing pag-aliw sa sarili. Tinawagan ko si Ricky para sana may makausap at maging karamay. Ngunit umuwi na rin pala siya sa lugar nila pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation. Feeling ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Pumunta na lang ako ng bar at doon sinarili ang matinding kalungkutan, hanggang sa malasing.

Kinaumagahan, nag-pack-up ako ng konting gamit, hindi tiyak sa gagawin at kung saan patungo. “Siguro naman, ngayong tapos na ako ng pag-aaral, problema na ng puso ang hahanapan ko ng lunas upang makalaya na akong tuluyan...” at binitiwan ang malalim na buntung-hininga. Pumasok bigla sa isipan na puntahan sina Tatay Nando sa bukid. “Baka nandun si Sir James o kaya’y alam nila kung saan siya nagpunta.” sigaw ng utak ko. Nakarating nga ako kina Tatay Nando. Lahat sila ay sumalubong sa akin: Nanay Narsing, Maritess, Anton, Dodong, Clara at si Letecia. Kumpleto silang lahat.

“Carl, napadayo ka!” sigaw ni Tatay Nando. “Opo, tapos na kasi ang pasukan at graduate na po ako... at malamang babalik na rin sa malaking syudad pagkagaling dito. Nagpunta lang po ako upang magpaalam,” ang sabi kong malungkot ang tono ng pagsasalita. “Heto pala ‘Tay, may biniling mga pasalubong ang mommy para sa inyong lahat”

Inilabas ko ang isang malaking bag ng mga damit, shirts, sapatos, at pantalon. “At alam n’yo po, nag-offer ang mommy na siya na ang magpapaaral kay Maritess at Anton sa darating na pasukan, at pati na rin kina Dodong, Clara at Letecia pag nagka-college na sila. Bibisita daw po siya dito isang araw para po makilala kayo at pati na rin ang lahat ng mga kinakapatid ko dito.”

“Talaga, Carl? A, e... hindi ba nakakahiya? Narsing! Narsing! Papag-aralin daw ng mommy ni Carl sina Maritess at Anton!” ang buong kagalakang hindi magkamayaw na pagbalita ni Tatay Nando habang narinig ko namang nagsisigaw at naglulundag sa tuwa sina Maritess at Anton pagkarinig sa sinabi ng ama.

“Salamat naman Carl at hindi na namin po-problemahin ang panggastos sa pagpapaaral sa kanila. Si Anton talaga ay hindi na muna nag-aral ng College yan para lang matustusan namin si Maritess. Tinutulungan pa nga kami ni James sa mga gastusin, e. Hiyang-hiya na ako kay James. Kaya maraming-maraming salamat!” ang sagot ng halos halos mangiyakngiyak na si Tatay Nando.

“Halika, dito tayo sa loob ng bahay. Kumain ka muna. Tapos na kaming lahat kumain ngunit sasabayan na kita. A... Anton!” sabay lingon kay Anton “Maglagay ka ng tuba sa pitsel! Mag-inuman kami ni Carl! At sumali ka na rin sa amin dito. Narsing!” tawag naman niya kay Nanay, “maghain ka at kakain kami ni Carl!”

“Tamang-tama po, ‘Tay at ako po’y gutom na gutom na. Na-miss ko na rin po talaga ang mga luto ni Nanay Narsing,” sabi ko habang iniikot ang mga mata sa paligid nagbakasakaling makita si Sir James.

“Tamang-tama, maya-maya lang siguro darating na si James at makakasalo din natin sa pagkain.” Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang galak sa narinig. Ngunit ‘di ako nagpahalata.

“Nandito po si Sir James ‘Tay? Saan po ba siya nagpunta?”

“Kay Kapitan. May plano siyang gumawa ng project dito at nag-usap sila ngayon. Maganda ang naisip niyang proyekto, siguradong makakatulong sa buong baranggay. Bilib talaga ako sa batang yan, Carl! Magaling sa ano mang bagay. Napakabait pa. Nagtaka nga lang kami kung bakit napaaga ang uwi. Ang alam namin may graduation pa sa school eh. Pero sinabi na rin niya ang dahilan...”

“Talaga po? Alam nyo na po ang nangyari? Hindi po ba siya galit sa akin?”

“Hindi. Hindi… Mabait ang batang iyan, Carl,” ang maiksing tugon niya.

Tamang-tama ngang dumating si Sir James nung maihain na ni Nanay Narsing sa hapag kainan ang mga pagkain. Abot-tenga ang ngiti at hindi man lang na-sorpresa nung makita ako. Para akong na-hypnotized at lumutang sa ulap sa sobrang kaligayahan.

“Ey Carl! Naligaw ka yata ng pupuntahan. Sigurado ka bang dito talaga ang pakay mo?” Ang pabiro niyang sabi sabay kamay sa akin. Tinanggap ko ang shakehand niya. Nagpapawis kaagad ang kamay ko at nakakabingi ang kalampag ng dibdib sa sobrang excitement sa mainit na pagtanggap niya sa akin. Sumigaw ang puso kong yakapin siya ngunit naunahan na ako ng hiya.

“Ok naman ako, James, kaw? Balita ko may project ka raw na gagawin dito?”

“Oo. Magpapagawa ako ng isang classroom, non-formal education para maturuang magsulat at magbasa ang mga Nanay at Tatay, pati na rin ang mga binata’t dalaga dito na hindi nakapag-aral. Ang layo-layo kasi ng lugar na ito sa paaralan at maraming hindi na nakapag-aral dahil sa layo. Kahit papano sa project na to, matulungan ko din sila...”

“Walang sweldo?” ang bilis kong tanong.

“Wala... tulong nga e.”

“E, panu ka kikita? Ang mga pangangailangan mo?”

“Yan ang challenge, Carl. Jan dapat paganahin ko ang utak ko.” Tumawa siya. “Di ba sabi ko sa iyo, mabubuhay ako kahit saan. I am not afraid to take challenges. The bigger and the more difficult the challenge, the better and the bigger are the rewards. Kailangan lang ay sipag, tyaga, determinasyon, at paniniwalang makamit mo ang goal mo. Pag pumalpak, e di simula nalang ulit...”

“Grabe ka talaga, James. Hindi ka nauubusan ng magagandang ideas! E... Kung tutulungan kaya kita?”

“’Wag na baka mamalasin na naman ako,” ang casual niyang sagot sabay bitiw ng napakalutong na halakhak. Tumawa na rin ang lahat.

“No, seriously, I can help you. My mom is thinking of a charity project for this baranggay and she’s having some problems trying to figure out what it is and how to get it started. Alam mo kasi, malaki ang pasalamat niya kina Tatay Nando, ng pamilya niya at sa mga tao dito sa pagtulong sa akin. She wants to return the help to everyone. In fact, she wants to meet you too, and thank you personally.”

“Wow! At may instant sponsor na kaagad ako!” ang masayang sambit ni Sir. “Ang swerte ko rin naman pala, kahit papano dito kay Carl...” Parang may sumundot sa puso ko sa narinig na iyon.

“Nahihiya nga ako sa iyo, eh... sa malaking kasalanan ko,” ang seryoso kong sabi. “Pero babawi din ako sa iyo, James, promise.”

Hindi na siya sumagot. Binitiwan lang ang isang nakakabighaning titig. Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko, kahit mga limang segundo lang siyang tumitig sa akin, parang isang buong oras na niya akong tinitigan, at animoy yelo akong unti-unting natutunaw. Parang may halong kasabikan din ang mga titig niya, nakikipag-usap at nagtatanong. At namalayan ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko.

“Ey! Nandito ka pa ba? Lumilipad yata ang isip mo ah! Tingnan mo, namumula na naman ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumogi, naiinsecure na ako sa iyo e!”

Sinasampal-sampal niya ang mukha ko na parang gigil na gigil at sabik na sabik sa akin.

“Biro lang... ito naman, di na mabiro e.”

Tawanan kaming lahat. Nag-inuman nga kami, ako, si Tatay Nando, si James at si Anton. Coconut wine na ang tawag ay tuba, at tagay system. Kwentuhan, biruan, ini-experience ang pagtakbo ng oras na walang hinahabol, walang iniisip na deadline, ini-enjoy ang preskong hangin, ang mga berdeng tanawin, ang ingay ng mga ibon at nagkikiskisang dahon ng mga kahoy at halaman habang nalalanghap naman ang bango ng binabarbecueng manok at inihaw na mais nina Anton at Maritess. Nakikisali na rin sa umpukan sina Nanay Narsing at iba pang mga anak nila. Napakasaya ko sa mga oras na iyon. Gabi na nung matapos kami, medyo lasing na ang lahat. At dahil pinigilan ako ni Tatay Nando’ng bumalik sa apartment ko, doon na rin ako natulog.

 

Itutuloy…..

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...