Linggo, Oktubre 8, 2023

Mini Series From Other Blog # 9 - Idol Ko Si Sir (Part 2) By: Mikejuha (From: Pinoy Gay Love Story)

 


Idol Ko Si Sir (Part 2)

By: Mikejuha

(From: Pinoy Gay Love Story)

 

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko habang naglapat ang aming mga hubad at pawisang pang-itaas na katawan. May kiliting dumaloy sa buong katawan ko habang bumubundol-bundol naman ang harapan ko sa likuran niya.

Namalayan ko na lang na tumigas ang pagkalalaki ko. Nasa ganung ayos kami nung mapansin kong parang nahirapan siyang i-unbuckle ang belt upang buksan ang fly. Kayat habang nakasandal siya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area niya at ako na mismo ang nag-unbuckle ng belt at nagbukas ng fly. Ako na rin ang naghugot ng ari niya.

Dahil sa tinigasan si Sir, sumagi ito sa brief niya. Hinawakan ko iyon at isenentro sa toilet bowl ang bagsak ng kaniyang ihi. “Tangna! Para akong nag-assit ng isang disabled neto,” sabi kong ‘di maintindihan kung matatawa o maiinis. Parang nakuryente ako sa ginawa kong iyon. Sa buong buhay ko, nun lang ako nakahawak ng ari ng iba, at sa tao pang kinaiinisan ko. Nung matapos na siyang umihi, hindi siya kumilos, nakasandal lang sa akin. Marahil dahil sa hilo, ang dalawa niyang kamay ay naka laylay lang sa tagiliran, naka-akap ng isa kong kamay ang chest area niya habang ang isa kong kamay naman ay hawak-hawak pa rin ang kumikislot-kislot niyang ari. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na naramdaman sa eksenang iyon.

-----o0o-----

Hanggang sa gumalaw ang mga kamay ni Sir at siya na mismo ang nagsiksik ng ari niya pabalik sa loob ng brief. Mukhang nahimasmasan na siya ng konti at hinayaan ko na lang din siyang mag-isang maglakad pabalik sa sala.

“Arggggghhhhhh! Shitttt!” sambit ng isipan ko habang pinagmasdan siyang paika-ika, hindi ko malaman kung bubugbugin ko siya o mainis sa sarili dahil sa imbis na galit at paghiganti, ay may sumisingit na kung anong awa o kiliti ang nadarama ko sa naudlot na eksena.

Nakaupo na siya nung bumalik ako sa inuupuan ko paharap sa kaniya. “OK ka lang?” tanong ko.

“OK lang. Salamat, nahihiya ako sa iyo,” sabi niyang parang hirap sa pagsalita dahil sa kalasingan.

“OK lang yun, James, pareho naman tayong lalaki, e,” sabi ko. “Balik pala tayo dun sa dahilan ng pagpapatawag mo sa akin, ano nga ulit yun? Sige, makikinig na ako dahil tinupad mo naman ang hiningi kong kundisyon at halos maubos na nga natin tong alak e,”

“Gusto ko lang naman... bumalik ka sa klase ko eh. Sayang naman ang galing mo kung hindi mo ipasa ang subject ko, iyun lang ang gusto ko, simpleng bagay lang.”

“Ah, ‘yun lang ba? Chicken. Ok, papasukan ko ang subject mo pero sa isang kundisyon.”

“Ano na naman yang kundisoyn na yan? Putsa, andami mong kundisyon din no?” sabi niyang sabay kamot sa ulo na parang batang nakukulitan.

“Makikipag-sex ka sa akin.”

Animoy nataranta siya’t biglang humupa ang kalasingan, ‘di makapaniwala sa narinig. Napailing at binitiwan ang pilit na ngiti habang ang mapupungay na mga matang dala ng kalasingan ay nakatutok sa akin. “Shittt! Tell me you are kidding, Carl.”

“No, I’m not James!” Tinitigan niya ako, nag-isip.

“Hindi ko kaya, Carl.”

“Hindi mo kaya dahil estudyante mo ako o dahil ayaw mo lang talaga?”

“What is the point?” tanong niya.

“Just answer my question. Papasukan ko ba ang klase mo o hindi?”

“OK, ok. Bago ko sagutin ang tanong mong yan, tanong ko lang din. Ikaw ba, gusto mo rin ba talagang gawin ito with me, o may gusto ka lang patunayan?”

Nag-isip ako. “Halimbawang ang sagot ko ay dahil gusto ko lang na may mapatunayan?”

“Sa akin? O sa sarili mo? Is this an experiment, or a test?” bilis niyang pag follow-up. Natulala ako sa sagot niyang yun.

Hindi ko akalaing sa kabila ng kalasingan niya ay magawa pa niyang ma-corner ako. Hindi ako nakaimik.

“Carl, sasabihin ko to sa ‘yo, alam kong matalino ka, at naamoy ko, nilalaro mo lang ako e. Magaling ka, kaya espesiyal ka sa akin, alam mo ba yun? Dahil ibang-iba ka sa lahat ng mga naging estudyante ko. Kumbaga, there is special and interesting about you. But don’t get me wrong, it’s not your looks, it’s your intelligence and the way you look at things, sa age mong yan. At nalulungkot ako dahil sa kabila ng talino mo, you are misdirecting it, stifling its full potential, and in the process heading yourself to self destruction,” wika in James saka sandaling huminto.

“Nanghihinayang ako. You are a genius, but with the mindset of an idiot. How to correct that mindset is a great challenge for me bilang guro mo. Maaring masama ang loob mo sa akin sa approach ko sa iyo, but I got to do what I think is right. At alam ko, you want to resist and make your own game plan. Ngayon, kung kasali sa game plan mo ang kundisyon na makikipag sex ako sa yo para lang pumasok ka sa klase ko, sige, sasakyan kita d’yan. But I got my game plan too. And in the end, let us see whose game plan succeeds,” patuloy ni James.

Tumayo siya at kahit groggy, tuluyang hinatak pababa sa sahig ang kaniyang jeans at brief. Medyo tinamaan ako sa sinabing yun ni Sir James. Hindi ko akalaing masabi niya na ako ay espesiyal. Hindi ko lang maintindihan at matanggap kung bakit ganun ang approach at pagtrato niya sa akin. Alam kong sa talino at husay ni Sir James bilang isang guro, may malalim siyang ibig sabihin at ipahiwatig. Para akong natauhan at nagdadalawang-isip kung ituloy pa ang binabalak. Nung makita ko ang biglang paghubad niya ng lahat ng saplot sa harap ko, may ibang kiliti akong naramdaman at tila nabura din bigla lahat sa isipan ang mga katagang binitawan niya tungkol sa akin. Lalo akong humanga sa ganda ng porma ng katawang hunk na hunk ang dating.

Nilapitan ako ni James, hinawakan sa kamay, pinatayo at siya na mismo ang nagtanggal ng jeans at brief ko. Biglang gumapang sa buong katawan ko ang sarap na hindi maipaliwanang. At naramdaman ko na lang ang pagtigas ng aking pagkalalaki. Hinalikan ako ni Sir sa bibig, nagdikit ang aming mga katawan. Para kaming nagsasayaw, nagyayakapan, nagkiskisan ang mga dila habang ang mga ungol ay nagingibabaw sa buong kwarto at katahimikan ng gabi.

Hanggang sa tuluyan naming naipalabas ang init ng aming mga katawan at bugso ng pagnanasa. Nung mahimasmasan, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Nalilito, binabagabag ng maraming katanungan ang isipan. Tiningnan ko si Sir na nakatihaya sa kama. Sa sobang kalasingan, tila walang buhay at walang kamalay-malay sa mga pangyayari. “Maalala kaya niya ang pianggagawa at ang nangyari sa amin sa gabing ito?” tanong ng isip ko. Ngunit hindi ko na pinapahalagahan pang malaman ang kasagutan. Ang importante sa akin, ay nagtagumpay ako sa aking misyon: ang sikretong makunan ng video clip ang eksenang naglabas-masok sa bibig ni Sir James ang pagkalalaki ko, na siya kong gagamitin sa plano kong pag-blackmail sa kaniya.

Kagaya ng napagkasunduan, pinasukan ko ang subject ni Sir James. Ngunit hindi na kagaya ng dati na ibinuhos ko ang oras at talento sa kare-research at pagpapa-papel sa mga discussions. Nakaupo lang ako sa isang gilid, kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Nanfiyan yung nang-iinis sa kaklase, nagdo-drawing ng mukha ng kung sinu-sino, lumalabas paminsan-minsan, o kaya’y natutulog. Kumbaga, taken for granted at respeto ko na lang sa napag-kasunduan.

Pag may test, sina-submit ko kaagad ang test papers kahit walang laman, o drawing lang ng mukha ni Sir James ang nasa papel. Ang importante para sa akin ay ‘di niya na ako iniipit, iniinsulto, pini-pressure. Higit sa lahat, hindi na rin niya ako pinapahiya sa harap ng klase. “Bakit pa ako magpapakahirap d’yan, e ipapasa din naman ako neto, dahil kung hindi, malaking eskandalo ang mapagpipyestahan sa campus na to. Hawak-hawak ko yata ang video clip na magpapatunay kung gaanu kagaling sumuso si Sir, hehehe. Sarappppp talaga ng buhay!” sambit ng utak kong naalipin ng kademonyohan. Natapos na lang ang semester, ni hindi kami nag-papansinan.

Ang hindi ko maintindihan ay ang nararamdaman ko. Oo, natuwa ako’t para akong ibong nakalaya sa bagsik ni Sir James, ngunit sa kabilang dako, parang may kaunting kirot din sa akin ang biglang pagbabago ng setup. Kung dati, sa akin nakatutok lahat ang attention ng buong klase at ako ang bida at iniidolo dahil sa pagiging palaban sa mga pang-aalaska ni Sir James, sa pagkakataong yun ay pakiwari koy biglang nawalan ng sigla ang mundo ko. Parang may malaking kulang. Na-miss ko ang kasiglahan ng klase, ang pagtatawanan nila at pagsasali sa mga argumentong nabuo dahil sa mga sagutan ng tanong at kontra-tanong namin ni Sir James.

At ang higit na nagpapakirot sa dibdib ko ay ang lungkot sa mukha ni Sir. Ibang-iba na siya. Hindi na siya yung dating Sir na masayahin, buhay na buhay sa klase, at may ngiting nakakahawa at nakakabighani. Nawala na ang dating sigla niya. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko sa sandaling makita ang malungkot niyang mukha. Paminsan-minsan, pumapasok na lang siya sa isip ko at napapatulala na lang bigla. Minsan naman, parang gustong-gusto ko siyang makita. Ngunit binale-wala ko na lang. Nanaig pa rin sa akin ang pride sa nararamdamang tagumpay laban sa kaniya. “Kaw kasi, hindi mo muna tiningnan kung sino’ng makakabangga mo!” sabi ko sa sarili.

Nung bigayan na ng grades, tuwang-tuwa kong kinuha ang card at excited na excited. “Gaano kaya kataas ang grades na ibinigay ni Sir James sa akin? Flat 1.0 kaya? Hehehe,” tanong ko sa sarili. Dahil kasama ko ang kaibigang si Ricky, pagmamayabang kong ibinigay sa kaniya ang card. “Tol, basahin mo nga at ikaw na ang magsabi kung gaano kabait ni Sir James sakin. Ano ‘dre, flat 1.0 ba ang grade ko sa kaniya, ha?”

Nung tiningnan na ni Ricky ang card, laking gulat ko na lang ng, “Hahahahahaha! INC. Tol, INC! Ganiyan kabait si Sir James sa iyo! Nasa line of one ang grades mo sa lahat ng mga subjects maliban sa kaniy na incomplete, hahaha!”

Sa sobrang hiya ko, dali-dali kong tinalikuran si Ricky at deretsong pumunta sa Faculty Room. “Magtutuos tayo ngayon, Mr. James Cruz. Talagang gusto mo akong kalabanin ha? Sige,” ang sigaw ng utak kong nanggagalaiti. Dinatnan ko si Sir James sa Faculty Room at nagliligpit ng mga personal na gamit, pansin ko ang sobrang lungkot sa kaniyang mukha.

“James! Don’t do this to me, ok! I attended your stupid class based on what we agreed, remember nung mag-inuman tayo? Why didn’t you comply with what we agreed? What did you do to my grade? Answer meee!” ang sigaw ko habang nasa pintuan palang ng Faculty Room, hindi alintana ang iba pang guro at madre sa paligid.

“Hey, hey! Let’s talk this over at the Conference Room, ok? Come follow me,” Ang kalmante niyang sagot habang nagmamadaling lumabas patungong Conference Room. Sumunod ako. Nung nasa loob na kami at naka-lock na ang Conference Room, “Ok, Mr. Miller, you are free to scream or to hit me. Come on, give me your best shot!” ang pasigaw niyang sabi habang hinila pataas ang sleeves pagpapahiwatig na handa siyang makipag-suntukan. Medyo nag-init ang tenga ko sa inasta niyang ‘yun. Kaya’t sinugod ko siya kaagad para paulanan ng suntuk ang mukha. Ngunit naunahan niyang puluputin ang isang braso ko na halos mawalan na ako ng ulirat sa tindi ng sakit habang ang isang braso niya ay ini-lock sa leeg ko. Halos hindi ako makakilos at makahinga.

Nasa likuran ko siya, ang katawan namin ay nagkadikit. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari at sa galing niya sa martial arts. “Ok, Mr. Miller, you want to talk things over the easy way or the hard way?” ang matigas na boses at pagalit niyang bulong sa tenga ko habang nasa ganun kaming tensyonadong ayos, parehong habol-habol ang paghinga. Dahil sa idiniin niya ang bibig niya sa tenga ko, amoy na amoy ko ang hininga niya habang nagsasalita. Kahit ako nasa ganung katinding galit, bigla nalang pumasok sa isip ang nangyari sa flat niya nung malasing siya at umihi sa CR, nakasandal sa katawan ko. Yun nga lang, baligtad ang pwesto namin dahil siya na ang nasa likod.

Parang may sumundot na kiliti sa akin sa tagpong ito at unti-unting nalusaw ang galit ko. “Urkkk! James, pakawalan mo ako please! I’ll talk to you, I’ll talk to you!”

“Marunong ka naman palang mag-please. Ok, then let’s do it the easy way. Shoot your question!”

Pinakawalan nga niya ako, naupo kami, magkaharap at nanggagalaiti sa galit ang titig niya sa akin. “Why did you give me an INC?” ang tanong ko kaagad sa kaniya.

“Ow, good question, Mr. Miller, and I’m dying to really hear that question from you. Sa tingin mo ba, kung ikaw ang nasa kalagayan ko at ako ang nasa iyo, would you give me a good grade? Pasalamat ka’t INC lang yun, not an outright failure.”

“’Di ba ang usapan lang naman natin ay mag-attend ako sa subject mo?” ang mabilis kong sagot.

“Exactly! But remember Carl, hindi sinehan ang pinapasukan mo. It’s a damn class! And what do you expect to do in a stupid class? Siguro naman alam mo, ‘di ba? Do I need to remind?”

Hindi ako nakapagsalita. Naisip ko na lang na kahit kailan, hindi ako nakakalusot sa mga katwiran niya. Palagi akong pinapahirapan, palagi nalang akong talunan. Naisip ko ang cp at kinapa iyon sa bulsa ko.

“OK... fine. Pero heto, may ipakita ako sa yo. Easy ka lang.” At pini-play ko nga ang video clip nn nakuhanan ko nung malasing siya at may nangyari sa amin sa flat niya. Tiningnan niya ito. Ngunit hindi pa man natapos ang clip,

 “Ah, blackmail? Ow come on, Carl, don’t be so hard on yourself. Alam mo, dapat magpakalalaki ka e. If you want to achieve something, then work hard for it. Napakaganda ng feeling kung ang isang bagay ay nakuha mo dahil pinaghirapan mo, o pinagpawisan. Napakadaming tao sa mundo na deprived sa mga bagay na nasa iyo na, naghirap, nag-invest ng dugo at pawis para lamang makamit ang mga kahit simpleng bagay na kagaya ng damit o sapatos. Karamihan nga ay hindi na makapag-aral. May iba nga diyan, hindi makakain kung hindi binibilad ang katawan sa araw o magbanat ng buto. Yung iba, ni hindi na iniisip ang ibang bagay na taken for granted na lang ng mga taong katulad mong spoiled brat dahil ang mas mahalaga sa kanila ay kung ano ang ilalagay na pagkain sa mesa.”

“‘Yung iba nga e kahit mesa wala, at yung iba naman ay nakakatulog na lang na walang laman ang sikmura. Alam ko ‘yan dahil isa ako sa kanila nung maliit pa ako, walang magulang, lumaki sa hirap. Nagreklamo ba ako? Gumawa ba ako ng masama? Namblackmail ba ako? Hindi Carl. Bagkus, naging mas tumibay pa ang hangarin kong magsikap at magpursige. Ngunit ikaw, heto, blackmail ang puhunan sa isang napakaliit na bagay na kayang-kayang kamtin sa malinis na pamamaraan. Don’t you feel guilty and ashamed? Wow naman Mr. Miller. Na-experince mo na ba ang tinatawag nilang ‘peace of mind’ and ‘inner satisfaction’? O kaya’y kahit ‘yun na lang sarap ng feeling sa pagkamit ng isang bagay na pinaghirapan at pinagpawisan? Itanong mo nga minsan ‘yan sa sarili mo para magkaroon ka naman kahit papanu ng silbi sa mundo.”

“Anyway, whatever you think makes you happy, then go for it. I don’t care a bit. At oo nga pala, today is my last day. I am leaving this school dahil sasabihin nalang nating, I failed as a teacher. May isang estudyante akong in the beginning I thought kaya kong baguhin ang baluktot na pananaw at gawing huwaran ng mga kabataan. Nagkamali ako sa challenge na iyon para sa sarili. I guess I was just too ambitious. Hindi ko alam kung saan ako pupunta after today but kaya ko namang mabuhay sa isang malinis na pamamaraan, na hindi gumagamit ng dahas, intimidation, o pamba-blackmail. Sanay ako sa hirap, sanay ako sa mabibigat na trabaho. Ang importante, wala akong tinatapakang tao, walang inaagrabyado o iniipit.”

Nahinto siya saglit at binitiwan ang napakalalim na buntong-hininga. “Sayang lang ang lahat ng nasimulan ko dito, para sa mga estudyante. Anyway, I guess it’s goobye, Mr. Miller, nice meeting you here,” dugtong niya sabay tayo at extend ng handshake. “By the way, a few words of advice, napaka-swerte mo sa buhay, Carl, I think it’s time for you to count your blessings, be happy with what you have, and be a positive contribution to the human kind,” Pahabol niyang sabi bago tuluyang lumabas ng conference room at isinara ang pinto.

Para akong napako sa pagkakaupo at sinampal ng maraming beses. Hiyang-hiya ako sa sarili, ‘di malaman kung anong gagawin. Umuwi ako ng bahay na puno ng kalituhan, pagsisisi at panghihinayang. ‘Di ko alam kung bakit ako nalulungkot at tumulo na lang ang luha. Siguro ay dahil sa mga sinabi niya na tumatagos sa puso at isipan ko, lalo na nung malaman kong galing din pala siya sa kahirapan, naghirap ang mama niya at nagbanat siya ng buto para lang makatulong sa pamilya at makamit ang tagumpay.

Naalala ko ang Mom ko, ang mga paalala niya, ang mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay sa pagkamatay ng Dad, ang mga paghihirap niya sa pagpapalaki sa akin, at ngayon, heto ako, malaki na sana at imbes na tatayong katuwang at kakampi niya sa dinaanang hirap, ako pa itong nagdagdag-pahirap sa kaniya, at binale-wala ang mga bagay na nakamtan at tinatamasa ko dahil sa pagsisikap niya. “Tama si Sir James, napakaganda ng mga sinasabi niya,” ang bulong ko sa sarili.

Kinaumagahan, sinadya kong pumunta ulit ng school. Bulung-bulongan na ang pag-resign ni Sir James. Marami ang nanghihinayang. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, at ‘di maipaliwanag ang nararamdaman. Halos tumulo na ang luha ko nung maisipang puntahan ang Faculty Room at alamin kung umalis na ba talaga si Sir. “Ay, Mr. Miller, I think he’s still on his way to the bus terminal papuntang airport,” ang sabi ng isang gurong napagtanungan ko. Dali-dali akong pumuntang terminal. Hindi ako nahirapang hanapin si Sir James dahil pinapaligiran siya ng maraming mga estudyanteng nag send-off sa kaniya sa terminal, yung iba ay umiiyak.

Nung mapansin nilang nandun ako, nagbigay-daan sila para makalapit ako kay Sir. Ramdam ko sa mga tingin nila ang matinding galit nila sa akin. Nung magkaharap na kami, lumakas ang kabog ng dibdib ko, at ‘di malaman kung ano’ng sasabihin. Hiya, panghihinayang, lungkot at pagsisisi ang naghalong nararamdaman. ‘Di ko rin maintindihan ang excitement na nadama nung makitang nakangiti siya sa akin. Parang gusto kong umiyak.

“Hi James...” ang nasambit ko lang.

“Hi, Carl!” ang maigsi rin niyang tugon.

“E... Sorry nga pala sa lahat. Marami akong mga pagkakamali at hindi ko alam kung paanu mai-prove ang pagsisisi ko. Sana, nandito ka pa sa school. Dito, maraming nagmamahal sa iyo, marami ka na ring nagawa at nasimulan. At nahirapan akong patawarin ang sarili dahil sa pagiging dahilan ng iyong pag-alis. Hiyang-hiya ako sa iyo, sa mga estudyanteng nagmamahal sa iyo,” ang sabi ko. Hindi ko malaman ang sunod pang sasabihin.

“Hahaha! Huwag ka ngang mag-drama d’yan Carl. Wala na sa akin ‘yun. Pinatawad na kita at masaya ako at nakapag-isip-isip ka rin. At, tungkol d’yan sa pruweba na nagsisi ka, isa lang ang gusto kong gawin mo. Puntahan mo si Prof. Fuentes, nandun lahat ang instruction ko para sa iyo, kung ano ang dapat mong gawin para mabura ang INC mong grade. Pag ipinasa mo iyon ng maigi, maniniwala na talaga ako na nagsisisi ka na.”

“I’ll do it, James, thank you,”

“And I want your best, Carl. Show it to me!”

“Yes Sir!” Nag-offer na siya ng shakehand dahil umandar na rin ang bus. Ngunit imbis na tanggapin ko ang kamay niya, niyakap ko siya ng mahigpit. Natawa nalang siya at tinugon niya na rin ang yakap ko. Nagpalakpakan ang mga estudyanteng kapaligid at nakatingin sa amin.

Habang papalayo na ang sinasakyan in James ay, binuksan niya ang bintana at pahabol siyang sumigaw sa akin, “Hey, hindi nga pala tinanggap ang resignation ko!”

“Ha? Talaga?” ang sagot kong patakbong hinahabol ang bus. Hindi ko na rin narinig ang sagot pa niya at nag-gesticulate na lang siyang parang ang ibig sabihin ay “Sa pagbalik na lang niya..”

Parang gusto kong maglulundag sa tuwa sa narinig kong pahabol niyang iyon. Itatanong ko pa sana kung bakit pa siya aalis kung hindi naman pala tinanggap ang resignation niya. Pero hinayaan ko nalang at napakalayo na ng bus. Ang mahalaga, hindi pa rin pala siya mawawala sa sunod na pasukan. At sa oras na iyon pa lang hindi ko na napigilan ang excitement na nadarama na makita siyang muli, at maipakita sa kaniya kung paano ko galingan ang task na ibinigay niya sa akin.

Pinuntahan ko si Prof Fuentes sa mismo ding araw na galing akong mag-send-off kay Sir James. Doon ko nalaman ang dahilan ng pag-alis niya. Ipinadala pala siya sa isang National Convention sa Maynila at pagkatapos, dideretso na sa isang special training. Mga dalawang buwan din siya dun. Imbis daw kasi na tanggapin ng school president ang resignation niya, binigyan pa siya ng promotion bilang Dean ng Student Affairs ng College.

“Ang tindi talaga ni Sir James! Nag bagsik!” sabi ko sa sarili. Dun ko na rin napag-alaman ang assignment ko, “Immersion”.

“What is that, professor?” ang tanong kong parang biglang kumati ang anit ng ulo.

“Mr. James Cruz had contacted a family in the rural area to be your adoptive family. You will stay with them for two months, share family works and routine, eat what they eat, and live like you were a true member of the family. You will be required to make anecdotals or daily journals of your experiences and at the end of your immersion, you need to submit a detailed report, stating the lessons and values learned if any, and an analysis of societal and/or political impact of the lives of the people with whom you were ‘immersed’ with.”

Parang gusto kong matulala sa narining. “Medjo malalim at mahirap. Pero, kayang-kaya ko yan,” ang bulong ko sa sarili.

“And, you are not allowed to bring with you any electronic gadgets, not even your CP which will be of no use anyway because there is no signal in the area. You need only to bring a handful of shirts, jeans, shorts and underwear. You can bring cash but you are not required to use it unless in an emergency situation. The family will take care of your needs. Take note that Mr. James Cruz will be checking with the family whether you have fully complied with the rules. And one thing more, I need you to fill this up, to be signed by your parent or guardian.”

Iniabot in Mr Fuented ang isang papel na parang waiver.

“Is there any question?” Magreklamo sana ako ngunit naalala ko ang promise sa sarili.

“Ganun ba ka-delikado yang immersion na yan na kailangan pa ng... Ahhhh! Hanggang dito ba naman, pinapahirapan pa rin ako ni Sir? Pero, Kakayanin ko to para sa iyo Sir James, at para na rin sa sarili ko at sa Mom ko,” pang-aamo ko sa sarili.

“I have no questions, professor.” ang sagot ko nalang,

“Ok, then, good luck, Mr. Miller and tomorrow, you should be here at 7am with the signed waiver. Someone will pick you up to drop you to your assignment.”

Kinabukasan, wala pang alas syete nandun na ako sa school, dala-dala ang waiver at ang kakaunting personal na gamit sa isang knapsack base sa instruction sa akin ni Prof Fuentes. Sinundo nga ako at inihatid sa lugar. May mahigit apat na oras din ang biyahe at dahil sa dumating na kami sa kung saan makitid at mahirap ang daan papasok, naglakad pa kami ng halos dalawang oras. Puro malalaking kahoy, mahahabang damo, kawayan at pataniman ng niyog ang nadadaanan namin. Tumawid din kami ng dalawang maliliit na ilog, at umakyat sa isang matarik na burol. Halos mawalan na ako ng ulirat sa hirap ng paglalakad at dinaanan namin. Hingal-aso ako nung makarating.

“Sa wakas!” sigaw ko sa sarili.

 

Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...