Idol
Ko Si Sir – Book 2 (Part 4)
By:
Mikejuha
(From:
Pinoy Gay Love Story)
Hindi pa raw nakakaranas na labasan ng tamod si Anton. Medyo naawa ako kaya
tinulungan ko siya. Ipinakita ko pa ang bold magazine kong dala. Dahil doon at
sa tulong na rin sa pagsusu at paghahalikan namin ay nilabasan din siya.
“O, anong feeling ng
nilalabasan?” tanong ko. “Nakakapanlumo, pero ang sarap pala! First time ko talagang maranasan ang
ganun. First time ko ring makakita ng tamod ng tao, lalo na tamod ko, ehehehe.”
“O kita mo na. Pero ’wag ka, baka hanap-hanapin mo ako, loko ka pinagbigyan
lang kita. Babae ang type ko,” sabi kong tumatawa. “Atsaka, dahil first time
mong makakita ng tamod, heto, amoyin mo at lasahan mo na rin.”
Pinahid ko ng daliri ang tamod niyang nagkalat sa tyan ko at biglang
iminudmod yun sa ilong at bibig niya.”
“Pwe! Mapakla!” sabi niya na ang mukha’y halos hindi ma-drawing. At bago pa siya makapagsalita
ulit, ipinahid ko naman ang buong palad ko sa tamod kong nagkalat sa tyan niya
at iyon naman ang biglaang iminudmod sa mukha niya.
“Urrrkkkkk! Salbahi ka talaga!” Pinabayaan na lang niya ang tamod ko sa
mukha niya at mabilis na pinahid din niya ang tamod niyang nagkalat sa tyan ko
upang makaganti. Ngunit naagapan ko siya at nagpambuno kami, hanggang sa
nagpapaikot-ikot na ang mga katawan namin sa papag sa pagtatagisan ng lakas.
Nung mapagod, tawanan na lang. Naglinis kami ng aming mga katawan, at bumalik
na si Anton sa kwarto nila ng kapatid niya.
-----o0o-----
Kinabukasan, parang wala lang nangyari sa amin. Walang nagbago. At simula
noon, ramdam kong nagsasalsal nang mag-isa si Anton dahil may mga araw na
hinihiram niya ang magasin ko, at may mga pagkakataon ding kusa nalang itong
nawawala at ibinabalik. At kahit nagpaparamdam sa akin si Anton na gawin muli
naming sabay ang ganun, hindi ko na pinatulan pa. Hindi na iyon nasundan. Yun
ang experience ko kay Anton sa dalawang buwan kong immersion sa pamilya nila,
tatlong taon na ang nakalipas. At nung bumalik ulit ako doon para kay Sir
James, 21 na ako at 19 na rin siya, si Sir James ay 26. Kaya ganun na lang ang
pangangamba ko na baka nahuli niya kami ni Sir James na naghalikan sa batis
dahil sa experience ko na iyon sa kaniya. Baka maisip niya, “Akala ko ba, babae
ang type ni Carl?” Ngunit may sumiksik ding konting sundot sa utak kong di
maiwasang magtanong, “Kumusta na kaya si Anton? May experience na kaya siya sa
pakikipagtalik?” At kapag binalik-balikan ko sa isip ang nangyaring iyon sa
amin lalo na’t sa akin niya naranasan ang unang halik at ang magparaos, parang
may kiliti na ring di maintindihan akong nararamdaman.
Napakasaya ko sa
araw na iyon sa muli naming pagsasama ni si Sir James pagkatapos naming malayo
sa isa’t-isa ng isang taon. Pagkatapos naming magtampisaw sa batis, umuwi na
kami sa bahay nina Tatay Nando at kinagabihan sa dating kwarto ulit kaming
dalawa natulog, sa kwarto na kung saan namin pinatibay ang pagmamahalan, sa
kwarto na kung saan nagkudlit kami ng balat, nagpaagos ng sariling dugo tanda
ng aming pagmamahalan. At doon, muli naming tinamasa ang bugso ng aming
damdamin, mas mainit, mas mapusok.
Ngunit tila may napapansin akong kakaibang lungkot at pag-alala sa mukha ni
Sir James. Hindi man niya ipinapahalata, dama ko na may bumabagabag sa isipan niya.
Gusto ko sanang itanong kung ano iyon ngunit hinayaan ko na lang, iniisip na
baka kapag handa na siya, sasabihin din niya sa akin kung ano yun. Kinabukasan,
umalis si Sir James papuntang syudad at may prospective sponsors daw sa project
at gustong makipagkita; doon na rin daw siya mag overnight dahil may iba pang
mga aasikasuhing bagay-bagay na may kaugnayan sa eskwelahan. Gusto ko sanang
sumama ngunit hindi siya pumayag gawa nang hindi naman daw siya magtatagal
doon. Dahil ako na lang mag-isa ang naiwan, hinanap ko si Anton upang hindi
naman ako mababagot habang wala si Sir James. Ngunit napag-alaman ko na lang
kay Tatay Nando na nagpunta daw ito sa kalapit baranggay, sa bahay ng pinsan niya
doon.
Nagtataka ako dahil
nung pagdating na pagdating ko pa lang sa baranggay, excited na excited siyang
makita ako at at ang sabi pa nga niya, pupunta kami ng ilog at maliligo,
manghuli ng isda, at mag-ihaw-ihaw. At gusto nga daw niyang ipakita sa akin ang
kubo sa tabi ng ilog dahil sa siya daw ang may gawa nun para sa akin. Kaya,
hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umalis. Iniisip ko na
lang na baka importante din yung pupuntahan niya. Ibinuhos ko na lang ang oras
ko sa sa pag-iikot sa baranggay, kasama si Dodong, ang 17 years old na
nakababatang kapatid ni Anton, nakikipag-usap sa mga tao, sa Kapitan, sinasagap
ang mga feedback nila tungkol sa school na donated ng mommy at sa pagpapatakbo
nun ni Sir James, at inalam na rin ang mga pangangailangan pa nila kaugnay sa
project, kagaya ng libro, papel, mga lapis at ballpens, etc.
Napakainit ng pagtanggap nila sa akin. Palibhasa, mommy ko ang sumasagot sa
mga pangangailangan ng mga batang mag-aaral nila at sa school na rin. Bawat
bahay na mabisita namin, inaalok kami na doon na kakain ng pananghalian. May
isang bahay din kaming napaunlakan. Mayroon ding nag-alok ng inuman na tuba,
yung indigenous wine na gawa sa niyog, at may napaunlakan din kami ni Dodong. Mag
aalas 5 na ng hapon nung maisipan kong bumalik na kami ni Dodong ng bahay. Mamumula-mula
na ang pisngi dahil sa may kaunti ding nainum sa ilang mga umpukang nadaanan
namin at nag-offer ng tagay. Parating pa lang kami, nung mapansing may
nag-gigitara, nakaupo sa ilalim ng puno sa harap ng bahay nina Tatay Nando. “Si
Anton!” sigaw ng isipan ko.
Pinagmasdan ko siyang
maigi, tila naka-inom at di maipagkaila sa mukha niya ang lungkot. “Hey, musta
tol!” ang sambit kong pagbati, si Dodong naman ay dumeretso na kaagad ng bahay at
pumasok sa kwarto nila ni Anton, nagpaalam na magpahinga muna. Matalas ang
isinukli na titig ni Anton sa akin.
“Bro, may problema
ba tayo?“ tanong kong naguguluhan sa reaksyon niya. Hindi siya sumagot,
pinagpatuloy ulit ang pag-strum ng gitara, tila walang kumakausap. Umupo ako sa tabi niya.
“May... galit ka ba sa akin?”
Tinapik ko siya sa likod. Huminto siya sa ginagawa, nanatiling nakayuko, at
pabulong na nagsasalita, “Sino ba ako para magalit sa anak ng taong nagpapaaral
sa akin at sa kapatid ko?”
Tila nabigla ako sa binitiwan niyang salitang iyon. Kahit
na pabulong lang, klarong-klarong nasagip iyon ng mga tenga ko. “Bakit tol, ano
bang problema? Lasing ka yata, ano.”
“Hindi ako lashing
Carl, nakainom lang, at wala kang pakialam kung nakainom ako,” ang sabi niyang
medyo may katigasan ang tono.
“OK, kung ganun, ano
ba ang drama mo? Kahapon nung dumating ako dito, excited mong sinabi sa akin na
pupunta tayo sa tabing-ilog at ipakita mo ang kubong ginawa mo para sa akin.
Tapos ngayong araw na to, umalis ka pala, ni hindi ka man lang nagpaalam sa
akin o kay Sir James. Alam mo bang ngayong araw na to wala akong kasama? Buti
na lang nandiyan si Dodong. Ano bang nangyari sa iyo?”
Tiningnan niya ako. May galit pa rin sa mga mga mata niya. “At pati na rin
ba si Dodong, dumaan na rin sa iyo?”
Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa narinig. Ngunit pinigalan ko ang
sarili. “Tol, ayusin mo ang pananalita mo... baka di ko mapigilan ang sarili at
masaktan kita.”
“Bakit, dahil ba sa totoo ang sinabi ko? Si Kuya James, kala mo di ko
nakita ang ginagawa ninyo? At ako... ’di ba ikaw ang nagturo sa akin kung paano
gawin yun? At ngayon... si Dodong naman?” sigaw niya.
Biglang nagdilim ang paningin ko at sa galit, pinakawalang ang napakalakas
na suntok. Nakita ko na lang ang pagbagsak ni Anton sa damuhan, haplos-haplos
ng isang kamay ang duguang bibig. “Sige, Carl, bugbugin mo ako. Ganiyan naman
talaga, e, ’di ba? Sige, kahit anong gawin mo sa akin, gawin mo, hindi kita
lalabanan. Kahit patayin mo pa ako... yan ay dahil anak ka ng nagpapaaral sa
akin at ng kapatid ko. Mahirap lang kami, kayang-kaya mong
gawin ano man ang gusto mo!” ang sabi niyang ang boses ay bibigay na’t iiyak.
At di na nga niya napigilan. Humagulgol na lang ito. Parang bigla na rin
akong naawa sa nasaksihan. Niyakap ko siya. “Tol, sorry,
sorry! Ano ba ang nangyari sa iyo? Ano bang nagawa kong kasalanan sa iyo?
Magsalita ka naman please.”
Nanatili lang siyang
nakayuko, pahid-pahid ng isang kamay ang luhang dumadaloy sa pisngi. Hinayaan ko na lang muna. At dahil sa tila ayaw pa ring
magsalita ni Anton, naisipan kong tumayo at aalis na lang sana. “Ok, kapag ayaw
mo pa ring magsalita, aalis na lang ako. Kung gusto mong kausapin ako, nasa
kwarto lang a---”
“Carl!” pag-cut niya sa sinabi ko. “Wag kang umalis, pwede?” Bumalik ako sa
inuupuan.
“Ano bang problema, tol?” tanong ko ulit.
“Pwede dun tayo sa tabing-ilog? Sa kubong ginawa ko para sa iyo?”
“A... oo ba. Ano
bang meron dun?”
“Wala lang, gusto
lang kitang makausap.”
Mga alas 6 na ng
gabi nung magpunta kami ni Anton sa kubo niyang ginawa. Habang tuluyan nang
lumubog ang araw, kitang kita naman sa pampang ng ilog sa labas lang ng kubo ni
Anton ang paakyat na bilog na buwan. Napakaganda ng tanawin, may kalamigan na
ang hangin at dinig na dinig ko ang ragasa ng tubig sa ilog. Naupo kaming
dalawa sa damuhang gilid lang ng pampang paharap sa ilog.
“OK, anong gusto
mong pag-usapan natin?” tanong ko.
“Hindi mo ba ako
na-miss?” tanong niyang sagot sa tanong ko.
“Hahahaha! Anong klaseng tanong yan? Syempre miss na miss. Pag nainip na ako
sa trabaho ko sa syudad, ang lugar na to kaagad ang sumisiksik sa isip ko. At
syempre, naiisip ko yung mga harutan natin, yung wrestling, yung mga kalokohan.
Bakit mo naman natanong?”
“Si Kuya, na-miss mo din?” ang tukoy niy kay Sir James na simula nung
inampon ng pamilya ay tunay na kuya na talaga ang turing nila, hindi binigyang
pan-sin ang tanong ko. Napahinto ako sa hindi inaasahang pagpasok sa pangalan
ni Sir James sa usapan. Syempre naman, guro ko iyon. Kung hindi sa kaniya,
hindi ako makakapunta dito, hindi tayo magkakilala...” ang sagot kong hindi
makatingin-tingin sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya, natahimik sandali. “Mahal mo ba si Kuya James?”
’Di ko maintindihan kung papatulan ang tanong o mapipikon. Ngunit nanaig pa
rin ang pagko-kontrol ko sa sarili, hindi nagpapahalata.
“Oo naman. Marami akong natututunan sa buhay dahil sa kaniya... at hindi
lang din naman ako ang nagmahal sa kaniya, e. Lahat kaming mga naging
estudyante niya, mahal na mahal siya.”
“Ang ibig kong
sabihin, yung romantic na pagmamahal” pag-klaro niya.
“Ano bang klaseng
tanong yan, Anton... diretsahin mo nga ako? Ano ba talaga ang gusto mong
tumbukin?” ang sabi kong pagpapahalatang nairita na.
“Ok, sorry, nalimutan kong wala naman pala akong karapatan. Sinubukan
ko lang namang itanong iyon dahil simula nung maging close tayo, wala naman
talaga tayong sikreto, di ba? Hindi nga lingid sa kaalaman mo na wala pa akong
karanasan sa sex nung maging magkaibigan tayo, at hindi rin lingid sa iyo na
wala pa akong kamuwang-muwang kahit sa pagma-masturbate. Ikaw pa nga ang
nagturo sa akin, diba? Ngunit kung nagbago ka na, ok lang. Sino nga lang ba ako
sa buhay mo; isang hamak na anak ng magsasakang pinapag-aral ng mommy mo...
Maging kaibigan ka nga lang na ganito, napaka-swerte ko na. Dapat masaya na ako
jan.”
“Hey... ano bang
pinagsasabi mo, tol! Tindi ng drama neto, ‘di ko naman maintindihan ang papel.
Ano ba talaga? Teka, hulaan ko.
Ah... inimbitahan mo ako dito para itanong kung na-miss kita? O,
teka, ah... upang i-remind sa akin na mommy ko ang nagpapaaral sa iyo? Tol, ano
ba? Di mo ba alam na naubusan na ng tropeo ang FAMAS at lahat ng mga
award-giving bodies sa Pilipinas? Sayang ang drama mo!” ang pabiro ko nalang na
salita, pag-divert sa seryoso niyang topic.
Hindi siya umimik,
nakayuko lang, ang mga tuhod ay itinukod sa baba, nilalaro ng isang kamay ang
buhangin na animo’y wala sa isip ang ginagawa at ang mukha’y napakaseryoso.
Tumayo ako upang maghanap ng mga tuyong kahoy at dahon ng niyog.
“Tol, mag-bonfire
tayo at mag-ihaw ng mais gaya ng dati nating ginagawa. Mangongolekta muna ako
ng tuyong ka-”
“Mahal kita Carl!”
ang madalian at halos pabulong na sambit niya, nakayuko pa rin. Parang napako ako ng sandali sa kinatatayuan. Bumalik ako
sa kinauupuan, nilapitan siya.
“Tama ba ang narinig ko? Mahal mo ako?”
“Oo.” Di pa rin siya natinag sa pagkakayuko.
“Hahahahaha!
Nagbibiro ka lang tol, sabihin mong nagbibiro ka, di ba?”
“Hindi.” Seryoso niyang
tugon. “At ewan ko, Carl. Simula lang ito nung tinuruan mo ako sa bagay na
iyon... at nung umalis ka nung isang taon, palagi ka nang nasa isip. Kaya nung
makita kita ulit kahapon, sobrang saya ang nadarama ko. Ngunit sobra din akong
nasaktan sa nasaksihang ginawa nyo ni Kuya James...” Sabi niyang tumulo na ang
luha.
“Kaya kita tinanong
kung mahal mo ba si Kuya James, e...” Hindi ko alam kung matatawa o maaawa. Umakbay ako sa kaniya.
“Tol, kung nami-miss mo man ang isang tao, hindi ibig sabihin nun mahal mo
na siya, na may romantic feeling ka na sa kaniya. Kagaya ko, nami-miss din
naman kita a, sobra. Natatawa ako kapag naaalala ang mga kabulastugang ginagawa
natin, ang mga harutan, pangbunuan ng lakas, ang mga paunahan sa languyan, o
paramihan ng mga naakyat na puno ng nyog. At syempre, na-miss ko sobra ang
ganitong nag-uusap lang tayo ng kahit anu, kahit walang ka-kwenta-kwentang
bagay. Pero hindi ibig sabihin makikipag-relasyon na ako sa iyo. Kasi, kapag
pumasok ka sa isang relasyon, dapat sigurado ka sa nararamdaman mo dahil ito’y
may mga kaakibat na responsibilities, mga bagay na i-give up, isakripisyo, at
ipaglalaban. Hindi ka pweding pumasok sa isang relasyon na wala kang
paninidigan; unless, naglalaro ka lang, dahil kung hindi ka sigurado sa isang
bagay, paano mo ito ipaglalaban? Kaya dapat na
siguraduhin mo muna kung ang naramdaman mo ay totoo, sagad sa puso at sa
isipan. Gawan mo ng paraan upang suriin ang sarili at matimbang kung totoo ka
nga bang nagmahal, o naguguluhan lang.”
Katahimikan.
“Naranasan mo nabang
magkaroon ng girlfriend?”
“Hindi pa.”
“Sinubukan mo na
bang manligaw?”
“Hindi pa rin.”
“See what I am
saying? Lalaki ako tol,
at lalaki ka rin. Ang nangyari sa atin nung tinuruan kita ng isang bagay na
ginagawa ng mga lalaki ay normal na nagyayari sa mga katulad ng ibang kabataang
nag-eeksperemento... Ako, nung high school pa, kapag pumasok sa utak ang
kalokohan sa magkakabarkada, nagpapaunahan pa nga kami, nagpapatalbugan kung
sino ang may mas malaki... Pero, hindi ako na-inlove sa kanila. Normal sa
magbabarkada ang gumawa ng kalokohan, gaya ng nangyaring iyon sa atin. Oo,
aaminin ko na kapag naisip ko iyong mga nangyari sa barkada o kahit iyong sa
atin, may kiliti rin akong naramdaman. Ngunit hindi sapat iyon ‘tol para masabi
kong mahal ko na iyong mga barkada ko na iyon at makikipagrelasyon na ako sa
kanila. Ang pagmamahal, ‘tol ay mas malalim pa kesa pisikal na pangangailangan.
Ang libog ay kusang umaatake ngunit kusa ding nalulusaw; ang pagmamahal ay
nananatili. Katulad ng pagkakaibigan natin. Walang pweding makakapaghiwalay sa
atin...”
Hindi siya kumibo. “Ok, upang masiguro mo sa sarili na
mahal mo nga ako, why not focus your atention sa babae muna. Manligaw ka at
i-try mong makipagrelasyon. Kung pagkatapos mong magkaroon ng girlfriend at
hanap-hanapin mo pa rin ako, baka maniwala na akong mahal mo nga ako... How
about that?” Nag-isip siya.
“Bakit ikaw... kayo
ni Kuya James?” Napabuntong-hininga
ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko akalain na igigiit pa rin niya ang tungkol
sa amin ni Sir James.
“Ok... aaminin ko sa iyo, dahil wala naman talaga tayong sikreto, diba? May
relasyon nga kami ni Kuya James mo. Ngunit pinagdaanan naming pareho ang
sakripisyo, ang subuking maglayo sa isa’t-isa at burahin ang kung ano man ang
nararamdaman. Bago dumating si Sir James sa buhay ko, iba’t-ibang klaseng babae
ang natikman ko, nakarelasyon. Akala ko nga, tuloy-tuloy na iyon. Ngunit nung
dumating si Sir James sa buhay ko, hindi ako makapaniwalang nangyari ang ganito
sa akin. Sabi ng iba, baka lang daw naghahanap lang ako ng father-figure dahil
sa wala akong naranasang tatay na gumabay sa akin simula nung bata pa lang.
Ngunit, ewan ko, hindi na maialis sa isipan ko si Sir James. Kaya
napagdesisyonan na naming papasok sa isang relasyon.”
“Paano kung si Kuya ay may iba?” Para akong natulala sa tanong na iyon ni
Anton. Tiningnan ko siya.
“Bakit, may alam ka ba?” Hindi na sinagot ni Anton ang tanong ko. Isinukli niya
ang isang makahulugang titig.
“Bakit hindi mo na lang ibaling sa akin ang pag-ibig mo?”
“Anton, hindi ka pa nga nagmahal. Ang pagmamahal ay
hindi kagaya ng isang bagay na pwedi mong ibigay sa kung sino man ang taong
gusto mong pagbigyan nito! Hindi ganiyan ang tunay na pag-ibig ‘tol.” ang sabi
kong mejo tumaas ang boses. “At sabihin mo sa akin, may iba bang mahal si Sir
James?”
Tila binuhusan ng malamig na Tubig si Anton sa tanong ko. “Hoy,
Anton! Tinanong kita! May iba bang mahal si Sir James?”
“A, e... wala Carl,
wala!” ang sagot niyang tila hindi makatingin sa akin. “’Tol, nagsisinungaling ka, alam ko. Meron kang alam na
hindi ko alam. Ano yun? Sabihin mo! Magdadamdam talaga ako sa iyo pag hindi mo
sinabi sa akin ang nalalaman mo.”
“Wala nga Carl...
cross my heart,” pagdiin niya. “Atsaka, wala ka bang tiwala kay kuya? Kung gusto mo,
itanong mo na lang sa kaniya pagdating niya.”
Tila nahimasmasan ako sa seryoso niyang paliwanag.
“O sige... maniwala na ako,” ang nasabi ko na lang, inisip na wala din
akong magagawa kung ayaw niyang magsalita talaga. At saka, sumiksik na rin sa isip
ko na kung mayroon man kaming problema ni James, kusa niyang sasabihin sa akin
yun.
“Oo nga pala tol,
may sinabi si Dodong na sayawan mamaya sa may baranggay hall. Gusto mo, punta tayo para makahanap ka na ng babae? Ano...?”
Ramdam ko ang
malaming niyang reaksyon. “Parang ayaw ko Carl. ‘Di naman ako marunong sumayaw e. Tsaka, nahihiya ako...”
“A, basta! Pupunta tayo mamaya sa sayawan. ’Di ba sabi ko sa iyo, dapat
buksan mo ang sarili para sa ibang bagay o possibilities? Makipagkaibigan
ka lang naman e, for you to get out from your shell, kumbaga. At kung kaya mo
na, manligaw ka. Ito na yung chance mo.”
“E... sige, bahala ka. Basta samahan lang kita dun.”
Itutuloy.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento