Huwebes, Hunyo 1, 2023

Ang Dati Kong Bayaw (Part 6)

 


Ang Dati Kong Bayaw (Part 6)

Ismael

Nagsimula na ako sa aking trabaho. Bale sa kaibigan ni Kuya Nick ako na-under. Boss ko ngayon si Engineer De Vega, Caloy De Vega. Gwapo siya, maganda ang pangangatawan at kalog din naman. Masarap kasama sa trabaho at hindi kami itinuturing na under niya. Under niya kami pagdating sa trabaho dahil siya ang nagbibigay ng aming gagawin, pero bilang katrabaho ay pare-pareho lang ang treatment niya sa amin. Kasabay namin sa pagkain at walang ere sa ulo kaya marami ang hanga sa kanya.

Sa ngayon ay isinasama niya ako sa mga trabaho niya sa labas dahil ang ibinigay niya sa akin ay field engineer na kailangan naming puntahan ang iba-ibang on-going project. Isang linggo pa lang ako ay marami na akong natutuhan, Kailangan ko lang daw na makapasa sa board para maitalaga na akong permanenteng empleyado ng kompanya kaya nga pinag-rereview niya ako kaagad. Sinabi ko naman na sisikapin ko sa susunod na schedule ng exam para makapag-enroll sa review school.

Unang sweldo at kinantyawan ako ng mga kasamahan ko, kabilang na si Engr Caloy na magpainom daw. Pumayag naman ako pero sinabi kong hindi ko kayang magpainom sa mga bar o club, pwede ay sa bahay na lang at doon na lang magluluto ng pulutan. Mas mainam naman daw. Tanghalian ang usapan namin kaya maaga pa ay namalengke na ako. May kapitbahay naman kami na marunong magluto at nagpapa-upa para magluto kaya inarkila ko na ang serbisyo nito. Konti lang naman, fried chicken lang, kare-kare at kaldereta. Gabi pa pagkagaling sa opisina ay bumili na ako ng alak, mahal ang beer kaya alfonso na lang hehehe.

Maaga pa ay dumating na si Engr Caloy, nakatulong ko tuloy sa pag-prepara ng mesa, pag-aayos ng mga paper plate. Bumili na rin ako ng maraming yelo. Wala pa akong ref kaya nanghiram muna ako ng styro para siyang paglagyan ng  yelo para hindi kaagad matunaw.

Sandali lang naman. Naglolokohan kami ni Engr Caloy na aakalaing naglalambingan kami nang biglang sumulpot si Kuya Nick.

“Uy ha, ang sweet namn ninyo, baka langgamin kayo ha,” bungad niyang biro. “Kayo na ba?” dugtong pa niyang tanong.

“Kuya! Buti nadalaw ka,” masigla kong bati. Hindi ko alam na dadalawin kasi ako ni Kuya Nick. Nasorpresa tuloy ako.

“Ano bang meron? Bakit hindi yata ako imbitado. Pareng Caloy, kumusta na. Ano nang balita,” may tila tampong tanong ni Kuya Nick bago binaling ang atensyon kay Engr Caloy.

“Mabuti naman pare. Alam mo ay unang sweldo nitong bayaw mo eh nakantyawan ng grupo na magpainom, kaya heto. Hindi raw niya kaya kaming painumin sa bar o club kaya dito na lang sa bahay. Pare ikaw, kumusta ka na rin.” Sagot mula kay Engr Caloy.

“Well, ayos lang. Na miss ko kasi itong bayaw ko kaya napasyal ako dito. Alam mo kasi pare, simula ng maghiwalay kami ng asawa ko ay siya ang naging hingahan ko ng sama ng loob kaya lalo kaming nagkalapit. Saka na miss ko na ang mga luto niyan. Ngayon puro order sa labas na lang ang aking kinakain. Kumusta naman siya bilang empleyado,” – si Kuya Nick.

“Ay nakakatuwa, magaling siya at madaling matuto. Saka masipag. Kabado nga ako eh, baka masapawan na ako pagdating ng araw. Pero mahusay pare, the best. Mabuti at inerekomenda mo sa akin.” – si Engr. Caloy.

“Hindi ko naman siya irerekomenda ko sa iyo kung mapapahiya lang ako pare. Iba talaga itong bayaw ko,” wika ni Kuya Nick na inakbayan pa ako at pinisil pa ang aking braso. Naramdaman ko tuloy ang mainit niyang katawan. Ikinawit ko naman ang isa kong braso sa kanyang baywang para ipakita kay Engr Caloy kung gaano kami ka close, Napansin kong iba ang titig niya sa aking ginawa. Humiwalay ako dahil sa may nag-door bell.

“Hi! Hahaha, bakit ngayon lang kayo. Tuloy, tuloy kayo sa munti kong palasyo. Narito na si Engr. Caloy,” bati ko sa bagong dating kong officemate, anim silang sabay-sabay nang dumating. Ipinakilala ko sa kanila ang aking bayaw.

“Mabuti pa ay kumain na tayo. Kanya-kanya na lang sandok ha, maliit lang ang mesa hahaha, bupey na lang tayo.

Kwentuhan habang kumakain, nagkakatuwaan at nagkabiruan. Ang nakakatuwa ay tinutukso nila ako kay Engr, Caloy. Pangiti-ngiti lang naman si Engr na ewan kung ano ang saloobin. Tila patola rin naman itong si Engr. Ito lang ang gusto ko sa aming kompanya at sa mga empleyado nito, hindi sila nagde-descriminate ng tao maging sino ka man. Okay lang sa mga ito ang same sex relation. Napag-alaman ko kasi na ang may-ari ay bading at may karelasyon na hayagang nitong isinasama sa lahat ng okasyon ng kompanya. Mayaman din daw ang jowa nitong lalaki at isa ring businessman.

“Swerte ko kapag nagustuhan ako nitong bago natin. Pumapapel ng nga ako kaya ang aga ko rito para tumulong hahaha,” wika ni Engr. sabay kindat sa akin. Alam ko namang sinasakyan lang niya ang mga kasamahan namin. Pero kinilig din naman ako at napansin yata ni Kuya. Nagiba kasi ang timpla ng mukha, parang hindi nagustuhan ang paglandi ko kay Engr. Caloy.

“Ikaw naman Mael, pasado ba sa iyo itong manok namin sakaling ligawan ka?’ tanong ng isa kong kasamahan.

“Aba, magtapat lang siya ngayon ay sasagutin ko na siya kaagad hahaha,” biro ko ring sagot.

“Uhu uhu uhy ehmmmmm ughhhhh.” Si kuya naubo, nasamid yata.

“Kuya sandali lang, ikuha kita ng tubig.” Taranta akong kumuha ng tubig at ibinigay kay kuya. “Okay ka na Kuya?” tanong ko pagkainom niya ng tubig.

“Okay na ako, don’t panic. Ano ka ba naman Ismael!” tugon ni Kuya.

Nagtawanan pa ang mga kasamahan ko pati na rin si Engr, Caloy dahil sa ako daw ang namutla at ninerbyos. “Sino ba naman ang hindi matataranta ay dalahit ng ubo, baka kasi nabarahan ng pagkain sa lalamunan. May namamatay kaya sa ganoon,” rason ko.

Back to normal muli. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Konting pahinga lang at inuman naman ang kasunod. Hindi pa kami nakakaubos ng isang bote ay nagpaalam na ang iba naming kasamahan. Yung may asawa ay may lakad daw ang mag-asawa at yung binata ay dadalwain daw ang nililigawan.

“Ikaw ba pareng Caloy, wala ka bang dadalawing nobya o nililigawan?” tanong ni Kuya Nick.

“Eh narito na nga ako sa bahay ng nililigawan ko, bakit ako aalis kaagad hehehe,” sagot ni Engr. Caloy

“Hala, akala ko ay tapos na ang biruan tungkol doon. Si Engr. talaga, sobrang mapagbiro,” ika ko naman.

“Naku ha! Hindi ako nagbibiro.” Sagot naman ni Engr.

“Pare ha! Bayaw ko iyan. Kaingat ka hehehe. Kargo ko pa rin siya.” Sabad naman ni Kuya Nick.

“Haay naku, baka kung saan mapunta ang biruang iyan at magkapikunan pa kayong magkaibigan. Inom na lang uli tayo,” pagsansala ko sa kanila.

Inubos na lang naman namin ang natirang alak kanina at tumigil na kami. Mahina kasi akong uminom mapa-hard o sa beer lang. Alas kwatro pa lang ay nagpa-alam na si Engr.

“Sige Mael, kita na lang tayo sa office. Pareng Nick, hindi ka pa ba sasabay sa akin?” yaya ni Engr. Caloy.

“Mauna ka na pare at gusto ko lang kausapin ng sarilinan itong bayaw ko,” tugon ni Kuya.

“Okay, mauna na ako.” Paalam ni Engr, Ihinatid ko pa siya sa sasakyan niya. Bago pumasok ay kinamayan pa ako sabay yakap at tapik sa aking likuran. Ewan ko kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Napalingon ako sa may pintuan, naroon pala si Kuya at parang naka-ismid. Ano ba ito? Bakit ganon itong si Kuya?

Balik uli ako sa loob at naupo sa mahabang monoblock. “Anong pag-uusapan natin kuya?”

”Wala lang, gusto ko lang magpamasahe uli sa iyo. Ang sakit kasi ng likod at balikat ko. Nangalay yata sa paghiga. Ayaw ko sa massage parlor, mas gusto ko kasi ang masahe mo,” wika ni kuya.

“Si kuya, nambola pa. Doon na tayo sa silid, sa kama. Kung makatulog ko man ay okay lang,” yaya ko kay Kuya.

Sabay na kaming pumasok ng silid ni Kuya. Kusa nang naghubad ng kanyang damit si Kuya Nick, maliban sa kanyang brief saka dumapa na. Nakita ko na naman ang magandang katawan ni Kuya, ang katawang noon ko pa pinagpantasyahan. Napadasal ako. “Bigyan N’yo po ako ng tatag ng kalooban na makaiwas sa tukso.”

Naupo ako sa may balakang ni Kuya, mas komportable ako na doon maupo dahil hindi ako mahihirapan na abutin ang braso at balikat ni Kuya maging ang malapad nitong likod.

Napakagaan ng kilos ko sa tuwinang nagpapamasahe sa akin si Kuya Nick. Kahit yata maghapon kaming maghilutan ay hindi ako makararamdam ng pagod. Kaya lang, ay baka hindi ko na makayanan ang pagtitimpi at tuluyan na akong bumigay. Mabuti na lang at may natitira pa akong tatag ng kalooban para mapaglabanan ang aking matagal ng itinatagong  damdamin sa kanya. Mahirap nang mawala ang tiwala niya sa akin. Itinuturing niya akong tunay na kapatid at baka dahil lang sa aking kalibugan ay dagliang masira. Isa pa, sakaling magawa ko iyon ay baka saktan pa niya ako. Saka ayokong makasakit ng tao gaya noon ni Ate at ngayon naman ay si Zion. Alam kong may unawaan na sila. Kung wala ay bakit siya makikipag-talik sa lalaking iyon.Nakatulog na si Kuya kaya huminto na ako.

Humiga na rin ako sa tabi niya at agaran ding naidlip. Nagising ako dahil sa pag-ring ng CP. Akala ko ay sa akin, pero nadinig kong sinagot iyon ni Kuya.

“Hello Zion,” sagot ni Kuya. Si Zion pala ang tumawag at hindi ko na narinig pa ang sinabi nito. Nadinig ko na lang na sinabi ni Kuya na papunta na siya.”

Nagkunwari akong tulog pa habang nakita kong nagbibihis si Kuya. Lumabas na siya ng silid. Nadinig ko na lang ang tunog ng lock sa aking entrance door. Hindi na siya nagpaalam pa sa akin. Sobra talaga akong nalungkot. Kasi nagmamadali siyang nagbihis sa isang tawag lang ni Zion at hindi na nakuha pang magpaalam sa akin, hindi man lang niya ako ginising para magpaalam.

Bumangon na ako na mabigat ang kalooban. Tumunog an aking CP at nagpop-up ang message ni Kuya. “Hindi na kita ginising para magpaalam. Alam kong pagod ka kaya hinayaan ko na lang makatulog ka muna. Naalala ko kasing may pupuntahan akong importanteng bagay.”

Gusto ko sanang mag-reply at sabihing, “pupuntahan mo si Zion kaya nagmamadali ka”, pero hindi ko na itinuloy. Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata at muling nakatulog. Hapon na ng magising akong muli.

Naligo na ako at pagkaligo ay nanood muna ng balita sa TV. Pagkatapos ng palabas aynaghapunan na ko. Nag-ring ang aking phone, tumatawag sa akin si Kuya. Hindi ko na lang sinagot, ayaw ko kasing marinig pa ang dahilan niya. Alam kong magpapaliwanag siya sa walang paalam na pag-alis, pero bakit ko pa pakikinggan kung hindi naman siya magsasabi ng totoo. Isang message naman ang nag-pop-up uli. “Pasensya ka na talaga ha. Baka kasi nagtampo ka kaya hindi ka nagre-reply at hindi rin sinasagot ang aking tawag. Sorry!”

Hindi na muli pang tumawag o nag text si Kuya after nun. Mabuti na rin dahil sa unti-unti ay nakakalimutan ko na rin siya. Siguro, ilang buwan pang ganito ay hindi ko na siya mami-miss at hindi ko na maaalala pa.

Friday, sa office. “Ismael, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Engr, Caloy.

“Syempre meron, maglalaba ako, magplantsa at maglinis ng bahay. Bakit mo naitanong?”

“Wala lang. Kasi gusto kong panoorin yung plabas ngayon sa mall, kaya lang ay wala akong kasama. Eh hindi ko naman gustong manood na nag-iisa. Samahan mo naman ako. Nakabili na ako ng ticket for two, 3 o’clock screening. Doon sa mall na tayo mag lunch. Sige na naman oh, samahan mo naman ako, gusto ko talagang panoorin ang pelikulang iyon. Pleaseeeee,”pakiusap ni Engr. na may paawa epek pa hehehe. Hindi ko naman magagawang hindian ang nakikiusap lalo na at kasing cute ni Engr. Caloy ang nakikiusap.

“Sunduin kita sa bahay n’yo ng 11:30 Okay?” masayang wika ni Engr.

On time si Engr. 11:30 ay bumusina na siya sa tapat ng aming bahay. On time din naman ako dahil sa hindi ko gusto na may naghihintay sa akin. Lumabas na ako at diretso nang sumakay sa kotse ni Engr. Caloy.

Sa restaurant na kami kaagad na nagtuloy ni Engr. Doon kami sa may salamin nakapwesto. Ako ang pumili sa lugar na iyon, gusto ko kasing nakakakita ng mga taong naglalakad, pagmasdan ang iba-ibang emosyon at aksyon ng mga tao, naaliw ako sa ganoon at nalilibang.

Abala ako sa pagmamasid ng makita ko si Zion at Kuya Nick na marahang naglalakad, masaya ang nakarehistro sa kanilang mga mata at ekspresyon ng mukha. Napatingin siya sa lugar namin ni Engr., ewan ko lang kung nakita ako. Iniwas ko kasing makita niya ako. Kaya lang ay dito rin sa restong ito sila papunta. Tinatanaw ko sila sa gilid ng aking mga mata, palinga-linga si kuya na tila naghahanap na mauupuan. Siya namang pagdating ng waiter para i-serve na ang aming inorder. Natakpan na ng waiter ang tinatanaw ko kaya hindi ko na nakita pa ang dalawa kung saan napa-pwesto. Ayaw ko namang magpalinga-linga at baka mahalata ni Engr, na may hinahanap ko.

Nagmamadali ako sa pagkain, halos hindi ako nagtataas ng ulo dahil sa natanaw ko na sina Kuya, hindi kalayuan sa mesa namin. Ayaw kong makita niya ako. Hindi ko naman maiwasan na hindi sila tanawin. Masaya silang nag-uusap habang hinihintay ang kanilang order. Masaya na si Kuya, nakalimutan na siguro ang tungkol sa kanila ni Ate. Naka move-on na at dahil siguro iyon kay Zion.

“Nagmamadali ka yata sa pagkain Ismael. Mamaya pa ang sched natin. Mahaba pa ang oras.” Puna sa akin ni Engr.

“Gusto ko kasing dumaan muna diyan sa department store, may gusto akong bilhin para sa bahay. Alam mo namang kulang pa ako sa gamit.” Pagdadahilan ko.

“Ganun ba. Sige, bilisan na natin. Marami ka bang bibilhin?”

“Hindi naman. Gusto ko lang makabili na nang hindi ko na makalimutan pag-labas natin sa sinehan.

Napilitan nang magmadali rin ni Engr. Matapos kumain at mabayaran ang bill ay tumayo na kami. Hindi ko inaasahan na matanaw niya si Kuya Nick. Kaibigan niya ito kaya nilapitan sa mesa nila. Inililihis ko na nga siya ng daan pero nakita pa rin niya si Kuya. Hindi na ako nakaiwas.

“Pare, kanina pa kayo?” tanong ni Engr. Caloy.

“Kase-serve lang ng food namin. Kakain ba kayo?” sagot na tanong ni Kuya.

“Tapos na. Nagmamadali kasi itong si Ismael at may bibilhin daw.”

“Saan pa ang punta ninyo pagkatapos?”

“Papanoorin namin yung pelikulang gusto ni Ismael. Mamayang 3 ang scheduled screening. Sige na, at hindi na namin aabalahin ang pagkain ninyo. May bibilhin pa kasi si Ismael.”

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nagkatinginan lang kami ni Kuya, wala akong nasabi. Para naman kasing hindi niya ako napansin. Bakit ba ako umiiwas na makita niya gayong hindi naman pala ako pansin.

Tinungo na namin ni Engr. Caloy ang department store, wala naman akong nabili. Ang dahilan ko ay wala akong nagustuhan. Paglabas namin ay sa sinehan na kami nagtuloy.

-----o0o-----

Naisipan kong magpalit ng kubre-kama at mga punda ng unan. Dalawang linggo na kasing hindi ako nagpapalit pati na rin kumot. Inipon ko ang aking labahin, pinili ko yung mahirap labhan at yung madadali lang tulad ng brief at kamiseta ay ibinukod ko para mano-mano na lang lalabhan. Inilagay ko sa isang plastic bag ang maruming labahin at nagtungo na ako kina Kuya Nick para makilaba at para na rin malabhan kung ano man ang lalabhan doon.

Tuloy-tuloy na ako sa condo ni Kuya, may susi pa naman ako. Tahimik pa sa loob, tulog pa siguro si Kuya. Sa kusina na ako nagtuloy. Isinalang ko na ang labahin ko sa washing machine at habang nakasalang ay nagluto naman ako ng pang-almusal ni Kuya pagka-gising. Naglabas na rin ako ng pwedeng lutuin para sa kanyang tanghalian. Manok lang ang naroon. Naghanap ako ng gulay na pwedeng isahog. Carrots at patatas lang at bell pepper. Pwede na ito para sa kalderetang manok. Ibinabad ko na ang manok sa tubig dahil frozen pa ito.

Prinepara ko na ang sibuyas, bawang, carrots, bell pepper at iba pang ingredients. Habang hinihintay ang pagtunaw ng yelo sa manok ay tinungo ko na ang silid ni Kuya para kuhanin ang labahin niya. Kumatok ako sabay bukas ng pinto. Ganoon naman ako dati. Nasorpresa na naman ako dahil sa naroon pala si Zion at pareho silang walang saplot sa katawan, at nakadagan sa kanya si Kuya, mabuti na lang at natakpan ng kumot ang maselang bahagi ng kanilang katawan. Hindi ako kaagad nakakilos, sumakit kasi ang aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit naapektuhan pa ako sa tuwinang nakikita ko sila, lalo na sa ganitong sitwasyon.

Bakit ba ako nasasaktan? Wala akong karapatan. Kahit kelan ay hindi ako magkakaroon ng karapatan sa kanya dahil hindi niya ako kayang mahalin na gaya ng nararamdamn ko. Isang kapatid lang ang turing niya sa akin, wala nang hihigit pa roon.

Nakatayo pa rin ako sa may pintuan nang magising na si Kuya. “Ismael?” gulat niyang sabi. Taranta siyang pinulot ang nakakalat na boxer short at sando saka mabilis na isinuot.

“Kukunin ko kasi ang labahin mo Kuya. Naglaba kasi ako at isasabay ko na ang sa iyo. Sorry at basta na lang ako pumasok, akala ko kasi ay wala kang kasama. Babalikan ko na lang kuya. Nagluto ako ng pang-almusal, kasya na siguro sa inyong dalawa ang niluto ko,” wika ko sabay talikod at lumabas na ng silid, hinatak ko pa pasara ang pintuan.

Walang naisagot si Kuya Nick. Napahawak na lang sa buhok at parang nasabunot pa.

Hindi kaagad lumabas ng silid si Kuya. Ewan ko kung ano ang saloobin. Alam kong napahiya siya sa aking nakita. Wala naman siyang dapat na ipag-alala, binata siya at pwede niyang gawin ang anu mang gustuhin niya. Pwede siyang magsama ng kahit na sino dahil condo niya ito. Kung tutuusin ay hindi na ako dapat na basta-basta na lang pumasok sa kanyang tirahan.

 

 

--Itutuloy--

 

8 komento:

  1. very exciting, hoping mas mahaba ang mga susunod na part at may detakye na ang mga sex scenes hehe. thanks author!

    TumugonBurahin
  2. Tama na masakit na HAHAHAHAHAHAH pwede bang one and done nalang kung may mangyari sakanila HAHAHAHA para di ma prolong yung sakit sa puso ni ismael HAHAHAHA

    TumugonBurahin
  3. huwag po sana tayo maki alam sa diskarte ni author. hayaan natin sya sa creative independence nya kung ano gusto nya mangyari. kung gusto nyo gumawa kyo sarili nyo kwento hehehe. sana ma bottom din si bayaw ng mas barako sa kanya. pwede bang mag crossover sa story yung bida natin barako sa yummy kong step brother hahaha. sarap nun sa rough sex hehe

    TumugonBurahin
  4. Another good episode, Author. Kudos! Pero suggestion lang nga sana kung ok lang po to have a detailed sex scene kahit pa si Nick at Zion or Ismael at Engr. 😅

    TumugonBurahin
  5. Kung ako lang masusunod, magkatuluyan nlng sna sina engr.at mael, hayaan nya na si nick kay zion

    TumugonBurahin
  6. Author ang dami n nmin nag comment. Sana mabilis update hahaha demanding. Gaya ng sabi ko sana mas detailed yung sex scenes! Mas masarap at mapapajakol kmi hahaha

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...