Gwapong Estranghero (Part 2)
Sabay nang naligo sina Nomer at Elmo, wala naman
kasing magbobomba ng tubig para sa kanya. “Tingnan mo yung tubig sa timba kung
tama na ang init para sa iyo, magbobomba pa ako sa isang timba para sa akin
naman,” wika ni Elmo.
Naghubad na sila pareho ng damit, walang itinira
si Elmo samantalang iniwan pa ni Nomer ang kanyang brief. “O, hubarin mo na
iyan at baka mabasa. Nasa labahan pa ang marumi mong damit. Wala ka nang
ekstrang brief hehehe. Pwede namang hindi ka na mag-brief mamaya hehehe. Baka
naman nahihiya ka pa. Ilang beses ko na bang nakita iyan at nahawakan. May
ipagyayabang naman yang alaga mo eh,” wika ni Elmo.
“Nahiya nga ako sa iyo eh,
halimaw hehehe. Saka ang ganda pala ng katawan mo, ang dami mong pandesal, sana
ako rin,” sabi ni Nomer na tila nainggit sa magandang katawan ni Elmo.
“Resulta iyan ng mabibigat kong gawain. Maganda
din naman ang katawan mo, dalasan mo lang ang pag-gym. Alam kong nadyi-gym ka rin,”
wika ni Elmo.
“Madalang na eh. Busy ako
palagi sa opisina kaya wala na akong oras magpunta ng gym.” Sabi naman ni
Nomer.
Nagbuhos na ng tubig si
Elmo, nagsabon muna at nagbanlaw. Ganon din naman si Nomer, kaya lang ay tipid ang tubig niya dahil sa
may halong mainit na tubig iyon. Wika kasi ng Nanay Maring ay dapat daw
maligamgam munang tubig ang gamitin dahil may trangkaso ito kagabi.
“Hiluran ko ang likod mo, bato ang panghilod dito
hehehe, tapos ay ako naman. Minsan lang mahiluran ang likod ko eh, wala kasing
maghilod,” sabi ni Elmo.
Nagsabunan din sila. Sa pagsabon ni Elmo sa
katawan ni Nomer ay nasagi niya ang ang ari ng huli. Medyo tumigas iyon at
pinansin pa niya. “Hala, bakit tumigas iyan, konting sagi lang eh. Hahaha, Ang
laki talaga ng alaga mo. Siguro ang libog mo ano hehehe.” Pagbibiro ni Elmo.
“Gagi. Sensitive talaga ang alaga ko, kaya nga
nahihiya akong sumabay sa iyo eh. Tama na nga. Ako naman ang magsasabon sa iyo,”
wika ni Nomer. Sinadya niyang sagiin din ang alaga ni Elmo. Biglang tawa niya
ng malakas. “Hahahaha, hahahaha, tingnan mo ang alaga mo, walang hiya, naglabas
pa ng pre-cum hahahaha. Mas malibog ka.”
Napakamot na lang sa ulo si
Elmo, medyo napahiya sa bagong kaibigan. ”Ilang beses mo ba namang sagiin eh. Gumaganti ka lang. Saka matagal
kasi akong walang bate, ganyang talaga ako, kusa ng lumalabas ang malabnaw na
katas. Kasi iyang sa iyo, gamit na gamit na hahaha!”
Tinapos na nila ang paliligo dahil tinawag sila
ni Nanay Maring dahil sa may bisita raw si Nomer. Doctor na padala ng kanilang
mayor.
Nagbihis lang muna sila. Tsinek-up ng doctor si
Nomer, Tinanong kung may kakaibang nararamdaman Wala namang sugat o ibang
karamdaman. Binigyan na lang siya ng gamot at pinaiinom ng maraming tubig.
“Maswerte ka pa rin Nomer dahil may nakakita sa
iyo kaagad. Na dehydrate kang masyado kahapon dahil sa init. Tama ang ginawa sa iyo na
pinainom ka muna ng tubig. Magpahinga ka muna ha bago ka lumarga pauwi. Mas
mahirap ang mabinat.” Sabi nang
doctor na nagpaalam na rin. Hindi na nga nakain ang pinamiryendang biscuit.
“Elmo, halika muna at tulungan mo ang aking
driver para maibaba itong padala ni Mayor. Pakiusap daw iyan ng mayor sa
kabilang bayan na ibigay sa inyo, pinaabonohan muna sa ating mayor dito.
Nagpapasalamat sa kabutihang palad nang inyong pamilya.
Isang sakong bigas na 25 kilos, mga de lata,
asukal, kape at biscuit. May padala rin ang kanilang mayor ng daing, tuyo at
noodles.
“Paano ba namin mapapasalamatan ang mayor ng
kabilang bayan. Pakisabi na lang po Doc na maraming maraming salamat sa ayuda.
Pati na rin kay mayor. Mag-ingat po kayo,” wika ni nanay Maring.
-----o0o-----
Kinabukasan ay dumating doon ang magulang ni
Nomer, alalang-alala sa anak. Sinadya talaga ang bayan nina Elmo para
magpasalamat. Nagbibigay pa ng pabuya, pero tinanggihan naman ni Elmo at ng
kanyang ina.
“Hindi naman po ito bayad sa ginawang kabutihan
ng inyong anak Maring. Hindi kayang bayaran ng anumang salapi ang buhay ng
aking anak. Baka kako makatulong din kahit papano. Pero sige,
makagaganti rin kami ng utang na loob sa ibang paraan.
Hindi pa muna sumama si
Nomer sa magulang at nakiusap na manatili muna kahit isang linggo kina Elmo.
Pumayag naman ang magulang nito. Sa susunod na linggo ay ipasusundo kita ha,
bale higit pang isang linggo iyon. Mag-ingat ka dito ha. Maring, bahala ka na
sa anak ko ha. Mabuti at nagdala kami ng ilang pirasong damit niya. Alam kong
marumi na ang damit na dala niya.” Wika ng Mama ni Nomer.
-----o0o-----
Hindi muna nagpunta ng bukid
si Elmo para masamahan muna si Nomer. “Kapag magaling na magaling ka na bukas
ay isasama kita sa bukid. Nakatanim
na naman kami ng palay at konting gamas na lang ng damo ang ginagawa ko. Si
Tatay ay nag-aarato dahil tatanim kami ng pakwan at melon.” Wika ni Elmo.
Excited naman si Nomer, Bago kasi sa kanya ang
ganito kaya sabik siyang maranasan. Lalo pang nasabik nang sabihin ni Elmo na may
malapit na ilog sa kanila na pwedeng mamangka at mamingwit.
Maghapong nagkwentuhan ang bagong mag bestfriend.
Ipinakita ni Elmo ang
kanyang bingwit na yari sa kawayan. Ipinagmalaki niya na marami nang nahuling
isda ang bingwit na iyon. “Alam mo Nomer, kapag wala kaming mai-ulam ay
nagpupunta kami ni Tatay diyan sa ilog at namimingwit, Maraming isda roon, may
biya, ayungin, tilapya, kanduli. Kadalasan ay ako ang maraming nabigingwit, ayungin at biya ang
karmihan. Paborito ni Nanay ang ayungin. Masarap naman talaga at
mahal pa kung bibilhin sa palengke.” Pagbibida ni Elmo.
“Talaga? Kelan mo ako
isasama doon, Magaling na ako, kaya ko nang maglakad. Nakaka-akyat nga ako ng
bundok eh,” sabi ni Nomer. Sobra nang nasasabik sa mga kinukwento ni Elmo sa
kanya. Gustong-gusto talaga niyang maranasan ang ganoon. Madumi na kasi ang
ilog sa Maynila at hindi na yata nakakain ang isdang nahuhuli roon, kaya wala
nang namimingwit pa.
“Meron ka pa bang ibang
bingwit?” tanong ni Nomer
“Huwag kang mag-alala,
marami kaming bingwit, magpapamili-mili ka hehehe. Excited hehehe.” Wika ni
Elmo.
Hindi sila nauubusan ng
pagkukuwentuhan. Ngayon
naman ay si Nomer ang bumida. Ipinagyabang naman niya ang mga bundok na naakyat
nila. Matagal na siyang umaakyat ng bundok, college pa lang siya ay tatlong
bundok na ang naakyat.
Ă„nong pakiramdam ng maka-akyat ka ng bundok.
Nakakapagod ang umakyat ‘di ba?” tanong ni Elmo.
“Oo naman. Iba ang feeling, yung parang may na
conquer ka. Dati ay takot ako sa matatas na lugar, pero simula ng sumama ako sa
pag-akyat ay nawala na ang takot ko,”wika ni Nomer.
“Mapanganib?”
“Tama ka. Ilang beses na
nalagay sa peligro ang buhay na ilan sa amin, pati ako. Tulad ngayon, muntik na
akong madedo hehehe. Salamat uli ha.”
Patuloy sila sa kwentuhn.
Hanggang sa pagtulog ay kung ano ano pa rin ang kanilang pinag-uusapan. Masiglang masigla ang dalawa na para bang matagal
na nagkalayo at muling nagkita.
-----o0o-----
Bago pa mag-bukang liwayway ay gising na si Elmo.
Naginit na siya ng tubig para magkape. Habang nakasalang ang tubig ay ginising
na rin niya si Nomer.
“Nomer, gising na. Sasama ka ba sa akin sa
bukid?” sabi ni Elmo na niyugyug pa ang kaibigan.
Napabalikwas bigla si Nomer, kaagad na bumangon.
Nagpakita ng pagkasabik. “Oo naman. Hindi nga ako nakatulog agad dahil sa
excited na ako eh,”sabi ni Nomer.
“Kaya mo na ba ang katawan
mo,”
“Naku naman! Masyado mo naman yata akong bine-baby, Daddy ah
hehehe.” Pagbibiro ni Nomer.
“Oh siya, maghanda ka na, tapos ay magkape na
tayo bago lumakad.”
“Hindi ba tayo maliligo muna.”
“Hindi na, ano ka ba, pupunta tayo sa bukid,
Siguradong babaho din tayo sa pawis. Mag-ayos ka na ha tapos dumulog ka na at ihahanda
ko na ang almusal natin.
-----o0o-----
Naghanda ng ng babauning
pagkain si Elmo. Nagbalot siya sa dahon ng saging ng kanin at inibabaw ang piniritong
daing at tuyo na padala ng mayor sa kabilang bayan. Nag-dala rin siya ng hinog
na kamatis para gawing sawsawan at syempre, tubig.
”Pare, ano yang hinahanda
mo?” tanong ni Nomer.
”Pagkain natin mamayang
tanghalian,” sagot ni Elmo. ”Tara na, ikaw na ang magbitbit nireng basket.
Tinungo na nila ang kulungan
kung saan naka-suga ang kalabaw nina Elmo.
”Alam mo ba na dito kita isinakay
nung nakita kitang nakahandusay sa linang. Ang bigat mo pare, ang laki mo kasing
lalaki eh.”
”Talaga? Diyan ba tayo
sasakay?” tila batang tanong ni Nomer, sobrang excited sa bagong magiging
karanasan.
”Oo. Marunong ka na bang
sumakay sa likod ng kalabaw? Para lang ding kabayo ito,” tanong ni Elmo.
”Turuan mo ako pare, first
time ko na may malay ako hehehe,” natatawang wika ni Nomer.
Sa madaling salita,
nakasakay naman si Nomer matapos ang maraming pagtatangka, pinagtawanan pa siya
ni Elmo dahil sa ilang beses siyag nahulog. Dahil si Elmo ang siyang magmamando
sa kalabaw ay nasa unahan siya, nasa likuran naman si Nomer na kapit na kapit
sa bewang ng una, halos yakapin na niya ang bagong kaibigan.
”Nomer ano ka ba, baka
mapagkamalan na tayo ng makakakita sa atin, ang higpit namang masyado ng yakap
mo, baka kung saan na mapakapit ang kamay mo niyan hala ka, nanunuklaw iyan at
nandudura pa,” biro ni Elmo na medyo may pagka green.
”Ay naku Elmo, puro ka biro.
Kung sabagay, matibay naman yata itong kahoy sa harapan mo, hindi basta-basta
mababali,” ganting biro ni Nomer sabay pisil pa sa harapan ni ya. ”Wala kang
brief?”
”Wala, bakit ba, wala namang
ibang taong magagawi roon. Umusod-usod ka ng konti at natutusok na ako niyang
armas mo, baka lumusot ha!” biro uli ni Elmo.
Habang naglalakad ng mabagal
ang kalabaw ay patuloy ang kanilang kwentuhan. Itinuturo ni Elmo ang landas
patungo sa bukirin nila, matamang tinatandaan naman iyon ni Nomer.
Nagtuloy muna sila sa kubo
kung saan nila iniwan ang baon nilang pagkain. Itinali na rin nila ang kalabaw
sa isang mataas na puno na may damong makakain.
”Hawakan mo ito Nomer,
gagamitin nati iyan mamaya,” wika ni Elmo na inabot sa binata ang isang gulok.
”Anong gagawin ko dito?”
tanong nito.
”Magtatabas tayo ng damo.”
Tinuruan ni Elmo na lumusong
sa maputik na palayan itong Manilenyo, hirap na hirap itong lumakad dahil
lumulubog ang paa sa malambot na lupa, Pinagbunot niya ito ng damo at kung
masyadong malalim na ay pinatatabas na lang gamit ang itak. ”Ingatan mo lang
ha, baka hindi damo ang matabas at mabunot mo.”
”Akong bahala, alam ko na
ito,” may pagyayabang pang wika ni Nomer.
Makaraan ang isang oras ay
pawisang-pawisan na itong estranghero, namumula na ang pisngi dahil sa sikat ng
araw. Napansin ni Elmo na tila hindi na kaya pa ni Nomer kaya naman pinaahon na
niya ito at doon na sa kubo pinapag-pahinga.
Nahihiya man dahil sa
mayabang pa ito kanina ay napilitan na ring umahon itong si Nomer. Pagdating sa
kubo ay hingal kalabaw at paypay ng paypay gamit ang sumbrero, init na init.
Halos maubos niya ang isang boteng tubig na baon nila.
Tinatanaw nito ang kaibigan
na patuloy na nagtatrabaho, hunanga ito sa tibay sa initan ng binata,
dire-diretso lang sa ginagawa at hindi makikitaan ng pagkabagot at pagkapagod.
Sadyang nasanay na sa gawain sa bukid.
Tumingin sa itaas si Elmo,
tinatantiya ang oras, tapos ay umahon na rin siya. Naabutan niyang nakahiga
itong si Nomer at pikit ang mga mata, nakatulog na yata.
Ngayon lang niya
napagmsadang mabuti ang estranghero, Humanga siya sa napakagandang mukha nito,
ang manipis at mapupulang labi na bumagay sa ngayon ay mamula-mula ring kutis
dahil sa nainitan ng araw.
”Andyan ka na pala,
nakatulog ako eh. Anong tinitingnan mo sa akin ha? Gwapong-gwapo ka ba sa akin,
baka naman nababakla ka na ha hehehe!” pagbibiro ni Nomer.
”Ulul! Ngayon ako naniniwala
na hindi ka nababagay saganitong gawain. Tama lang talaga sa iyo na doon ka sa
isang silid na may aircon at ballpen at papel ang hawak,” wika naman ni Elmo.
”Masyado mo naman akong
hinahamak niyan, natural lang dahil sa bago lang ako sa ganito, pasasaan ba at
masasanay din ako.”
”Huwag mo nang sanayin pa,
napaka-swerte mo nga dahil hindi mo naranasan ang ganitong klaseng trabaho na
hinahamak ng karamihan, Ang katuwang ko rito sa araw-araw ay ang aking kalabaw,
sabay kaming lumulublob sa putikan, nasusunog na ang balat at nagbibitak na ang
mga paa sa init at tigas ng lupang inaapakan. Huwag mo nang ambisyunin pa.”
”Huwag mo namang hamakin
masyado ang trabhong iyan, kung wala kayo, paano na kami, anong aming kakainin
sa araw-araw. Ganun lang talaga.”
”Alam mo ba Nomer, walang
magsasaka na gaya namin ang yumaman. Swerte kami kapag nakapag-ani ng
marami-rami, pero kadalasan din ay minamalas lalo na kapag panahon ng bagyo,
Halos hindi masambot ang ipinuhunan naming pera at pagod dahil sa isang iglap
lang ay wala, sinira na ang aming pananim.”
”May pagdaramdam ka bang
nararamdaman Elmo? Pangarap mo na makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho ng
may malaking kita para maiahon sa hirap ang iyong magulang, pero wika mo nga,
dahil sa kakulangan sa pangtustos ay nawawalan ka na nang pag-asa. Bakit hindi
mo subukan tangapin ang inaalok ko sa iyo.”
”Iniisip ko nga iyan kanina
habang nagbubunot ako ng damo. Nakita kita kung paano ka nahirapan. Ako man
noong una ay gaya mo rin, sumusuko ako sa pagod at init ng araw, nahihirapan.
Pero nasasanay din pala ang tao, namamanhid
din ang aking pakiramdam, halos hindi na nakakaramdam ng sakit ang aking paa
kapag napapayapak sa matigas na bagay, puro kalyo na kasi. Naiisip ko rin si
Tatay at Nanay, natanong ko ang aking sarili kung hanggang dito na lang ba
kami, magsasaka ang magulang, ang anak at ang magiging apo.” Maiiyak na wika ni
Elmo.
”Nagbago na ba ang isip mo?
Sasama ka na ba sa akin sa Maynila?”
”Pinag-iisipan ko pang
mabuti, iniisip ko rin si Tatay, wala siyang makakatuwang sa pag-sasaka.”
”Wala ba kayong kamag-anak
na pwedeng makatulong ng Tatay mo, ni Tatay Pedring? Baka may kakilala kayong
kaibigan o kapitbahay. Pwede naman sigurong mapag-usapan, halimbawang kung
paano hahatiin ang kita sa ani. May kikitain ka rin naman habang nagtatrabaho
ka na maipadadala mo sa magulang mo.”
”Saka na lang natin pagusapan
uli ang bagay na iyan Nomer, hindi ka pa naman uuwi ng Manila, di ba? Halika na
at mananghalian na tayo, tila gutom ka na eh.”
Inihanda na ni Elmo ang baon
nilang pagkain. ”Wow! Ang bango naman niyan, parang natakam na akong kumain!”
komento ni Nomer.
Ganado ngang kumain itong si
Nomer. Ngayon lang yata nakakain ng pagkain na binalot sa dahon ng saging at ng
daing at tuyo at kumain pang naka-kamay.
Walang natira sa pagkaing dala ni Elmo, naubos nila lahat.
”Busog na busog ako Elmo,
Ang sarap palang kumain ng naka-kamay at kanin at ulam na binalot sa dahon ng
saging. Alam mo ba na ngayon lang ako nakakain ng daing na isda at tuyo? Ang
sarap pala.” Wika ni Nomer.
”Masarap kasing kumain dito
sa bukid, lalo na at may kasabay. Natutuwa ako at sinamahan mo ako dito Nomer.”
”Mas naman ang saya ko, aba
ibang experience ito para sa akin. Salamat Elmo at iniligtas mo ako, Salamat at
nakilala kita.”
Nagkatitigan sila. Kitang
kita sa mga mata ni Nomer ang wagas na pasasalamat. Tila naman napaso sa titig
na iyon si Elmo, nauana siyang nagbaba ng tingin.
”Wala iyon Nomer, kahit na
namang sinong taga-rito ay gagawin ang ginawa ko, Sadyang matulungin ang mga
tao sa aming munting baranggay. Halika, umidlip muna tayo sandali.”
Nahiga na si Elmo sa papag
na walang sapin. Nahiga na rin si Nomer sa tabi niya. Kaagad naidlip si Elmo
habang si Nomer naman ay pinagmamasdan ang natutulog na kaibigan. Natatawa pa
ito dahil sa tila pagsipol ng mahina ng binata. Me kapilyuhang taglay din naman
itong si Nomer, hinipan nito ang tenga ng natutulog na si Elmo na siya namang
ikinagulat niya. Biglang lingon niya at saktong nagdikit ang kanilang mga labi.
Pareho silang natigilan,
nanlaki pa ang mga mata ni Nomer, si Elmo naman ay napahawak sa kanyang labi,
tila nagkahiyaan pa ang dalawa. Nawalan sila ng kibo, natahimik ng may ilang
segundo. Si Elmo na ang siyang naunang nagsalita. ”Sinadya mo iyon ano? Hahaha,
siguro gwapong gwapo ka sa akin, aminin hahaha,” wika ni Elmo na may pagbibiro.
Ginawa niya iyon para pareho silang hindi mapahiya sa kanilang naging reaksyon.
”Hala, nagtulug-tulugan ka
talaga at talagang idinikit mo sa bibig ko, gandang ganda ka sa labi ko ano,
mapula kasi hahahaha.”
Nauwi sa kulitan ang
kasunod, bawat isa ay ayaw patalo sa biruan. Nagkilitian habang nagbibiruan, tawa
sila ng tawa. ”Tama na hoy! Nomer, ayoko na, magtatrabaho na ako ng makauwi
tayo ng maaga. Hahaha.”
”Ikaw kasi, ang kulit-kulit,
halikan kaya kita talaga diyan eh,” ganting biro ni Nomer na patuloy pa rin
nangingiliti.
”Gawin mo! Para ka kasing
babae, puro dada.”
”Ah ganon ha hehehe!”
Mabilis na nakabangon si
Elmo at nagtatakbo palinang, patuloy na tumatawa. Hindi na naman humabol pa si
Nomer.
Para namang bata itong si
Elmo na nangulit na nanaman. ”Nye nye nye nye nye. Habol hahaha.”
Napailing na lang si Nomer
at nagbalik sa kubo. Muling nahiga sa papag na nakangiti, hindi maikakaila ang
saya.
-----o0o-----
Maagang nakatapos sa kanyang
gawain si Elmo kaya maaga rin silang nakauwi.
”Tamang-tama ang dating
ninyong dalawa mga anak. Nag-prito ako ng kamote. Naglaga rin ako ng kape,
masarap magkape habang sinasawsaw sa asukal ang pritong kamote.”
”Masarap iyan Nanay,” wika
ni Nomer.
”Maupo na kayo at ihain ko
na sa mesa. Maglagay na rin ako kape sa tasa.”
Tahimik silang kumain, halos
maubos ang nilutong kamote ni Nanay Maring.
”Bilisan mo na Nomer,
maliligo pa tayo.”
”Mauna ka na!”
”Sabay na tayo para may taga
bomba habang naliligo ang isa.”
Habang naliligo ang dalawa
ay siya namang dating ni Mang Pedring. Kaagad na ipinag-ahin ng miryendang
kamote ng asawa.
Itutuloy..............
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento