Lunes, Hulyo 22, 2024

Kwento ni Ambeth (Part 15) - Ang Delivery Boy na si Erwin

 


Kwento ni Ambeth (Part 15)

Ang Delivery Boy na si Erwin

 

Mula sa dati kong tinitirhan ay lumipat ako sa Dormitory ni Kuya na malapit lang sa aming inibersidad, walking distance nga lang, mura pa ang bayad at may kainan pa sa ibaba.

Na-meet ko na ang aking roommate, isang gwapong lalaki na sa kalinisan ay walang kaparis. Nakilala ko na rin ang iba kong ka-dormmate.

May mga tsismis ako kaagad na nasagap, courtesy of Rolly, ang anak ni kuya na may-ari ng dormitory, pero hindi naman ako interesado. Normal na naman ang pang-araw-araw na takbo sa aking pagpasok. 9AM ang unag subject ko at nagtatapos ng 3Pm.

Naglalakad na ako pauwi ng hapon na iyon ng ma-pahinto ako dahil parang nakita ko si Ernest sa tapat ng dormitory. Kinabahan ako bigla. Kung siya man iyon ay parang hindi pa ako handa na makipagkita o makipag-usap sa kanya. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niya sa akin. Oo, dalawang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko siya.

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki, nagtataka ako kung bakit nagbubuhat siya ng mga basyong bote ng softdrinks at beer. Ang aking akala kasi ay pinapag-aaral siya ng baklang nakita kong kasiping niya, pero bakit kargador pa rin siya, hindi na nga lang sa palengke, kargador na siya ng soft drinks.

Napako na yata ang paa ko sa pagkakatayo sa lugar na iyon, ayaw kong lumapit at baka si Ernest nga iyon. Hihintayin ko na lang na makatapos siya.

Nagulat ako ng may biglang tumapik sa aking balikat. “Hoy! Anong tinutunganga mo diyan, Crush mo ba yung nagdedeliver ng soft drinks at beer, halika at ipakikilala kita,” wika ni Rexy na hindi ko namalayan na nasa likoran ko na pala.

“Hindi, me tinatanaw lang ako.”

“Alam ko, tinatanaw mo si Erwin, gwapo ano, ang ganda pa ng katawan, crush ko dati iyan, kaya lang ay mailap. Halika na at baka maka-alis na, tapos na yatang mag-deliver,” wika ni Rexy na nagmamadaling hinatak na ako. Medyo lumuwag na ang aking dibdib dahil sa Erwin pala ang pangalan niya at hindi Ernest, ang kaba ko talaga.

Nang makalapit kami ay pinagmasdan ko talagang mabuti ang kargador. Grabe, ang laki ng pagkakahawig kay Ernest, sa katawan, sa tindig. Mapagkakamalang magkapatid ang dalawa kung magkakatabi.

“Erwin, may gustong makipagkilala sa iyo, siya si Ambeth, dormmate ko dito kay kuya, Ambeth, siya si Erwin, sayaw kayo, hehehe,” wika ni Rexy na may pagbibiro pa. Para tuloy akong napahiya. Hindi ko naman talaga gustong makipagkilala, kaya lang nakita niyang titig na titig ako sa Erwin na ito kanina, Hindi kasi alam ni Rexy kung bakit ganon na lang ang titig ko sa kanya.

Pero nang ngumiti siya ay parang may palasong tumama sa aking dibdib, ang ganda ng ngipin, puting-puti at pantay-pantay at may isang dimples pa sa kaliwang pisngi, ang gwapo niya sa malapitan. SA biglang tingin lang pala kahawig ni Ernest, sa malapitan ay mas gwapo ang Erwin na ito.

Inabot ko sa kanya ang aking kamay para pormal na makipagkilala “Heillo, ako si Ambeth.”

Alanganin naman nitong abutin ang aking kamay, tama, alangan nga siya dahil sinabing, “ Ma-ma-madumi kasi ang kamay ko.”

“Okay lang, marumi din naman ang kamay ko eh,” sabi ko naman. Ako na ang kusang umabot sa kanyang kamay.

“Ambeth, ako ang nagdedeliver ng soft drinks kay kuya, ganitong araw ng Friday,” sabi ni Erwin.

Hala, sinabi pa ang araw, pero bakit hindi sinabi ang oras para maabangan ko na. “Nice meeting you Erwin, ang sipag mo naman. Alam mo, sa gwapo mong iyan, baka pati ikaw ay mabili hehehe. Joke lang.” Hala, bakit ko nasabi ang ganon. Baka kung anong isipin ng mokong na ito.

“Ayiihhhhh, dalaga na talaga si Ambeth hihihi,” wika ng malanding si Rexy.

“Ano ka ba Rexy, napapahiya ako sa iyo.”

“Okay lang iyon Ambeth, matagal ko nang kilala iyan, talagang palabiro iyan, pero mabait naman. Salamat ha at hindi ka nandiri sa akin.”

“Hala, bakit naman ako mandidiri?”

“Kasi pawis na pawis ako at madumi pa ang kamay.”

“Wala iyon.”

“Minsan, magkwentuhan naman tayo, pwede ko bang makuha ang number mo? Pati na ang account mo sa FB para matawagan kita sa FB messenger, hehehe, pwede ba.”

Medyo natigilan ako, kakikilala lang namin, pero gusto pang kunin pati account ko sa FB.

“Hoy, ibigay mo na, ako nga pilit kong ibinibigay ang account ko eh ayaw niya.” Sabi ni Rexy.

“Hindi naman, friend ko din si Rexy sa FB. Sige na, gusto talaga kitang makilala,”

“Ang bilis mo Erwin ha. Kapag type mo pala eh hindi ka mahiyain, gusto mo kaagad ma makuha ang number, pati na sa FB,” tukso ni Rexy. “Hoy, ano ka ba? Pakipot pa eh. Ako na nga ang magbibigay,” sabi ni Rexy.

“Hindi, gusto ko sa kanya manggaling,” wika ni Erwin.

Kahiyaan na kaya napilitan na akong ibigay sa kanya ang aking phone Number at account ko sa FB. Kaagad naman siyang nag friend request na inaccept ko naman kaagad din.

“Thank you Ambeth ha, sige, may dedeliveran pa akong iba.”

Umalis na siya sakay ng tricycle na ibang klase ang sidecar, yung nakikita kong gamit sa pagdedeliver naman ng tubig.

Naiwan na kami ni Rexy, habol ko pa rin siya ng tingin. Malaki talaga ang hawig kay Ernest.

-----o0o-----

“Hoy Justine, talaga bang ganyan ka palagi kapag nasa silid na, bakit ka lagi na lang walang pang-itaas at saka lagi ka ring naka boxer lang. Tinutukso mo ba ako? Hindi tatalab sa akin iyan, ligawan mo ako at baka magustuhan pa kita,” wika ko kay Justine Biniro ko siya ma may katotohanan naman. Ewan ko lang kung ganon talaga siya nong hindi ako ang roommate niya.

“Gaga! Mainit kaya. Siguro, mag-request na tayo na lagyan ng aircon itong silid natin.”

“Eh di tataasan ang renta natin, tapos eh tataas na naman ang ibabayad natin sa Kuryente. (May sub-meter ang bawat kwarto at doon binabase ang share namin sa kuryente) At sino naman ang bibili ng aircon, aber! Tig-isa naman tayo ng electric fan ah.”

Muli kong pinuna ang kanyang suot. “Magbihis ka nga, para kang bold star niyan. Baka may makakita sa iyo niyan eh kung anong isipiin. Tandaan mo, hindi kita type.”

“Eh sino naman ang type mo? Si Erwin? Nakita ko kayo, nilalandi mo ang delivery boy na iyon.”

“Hala, paano ko naman siya nilandi, nakipagkilala lang eh nilandi na. Ikaw kaya ang landiin ko.”

“Sige, payag ako.”

“In your dreams. Bahala ka na nga.”

Ganon palagi kami ni Justine, asaran. Talagang naghahanda siya palagi na ipang-aasar sa akin, hindi naman niya ako kayang asarin, sanay na kaya ako hehehe.

-----o0o-----

Boring talaga kapag Sabado, halos ako lang ang naiiwan dito sa dormitory. Ayaw ko kasing umuuwi ako sa amin sa Bulacan ng lingo-linggo, buwanan ako kung umuwi, misan nga eh higit pa. Sayang kasi ang pamasahe at saka minsan ay may ginagawa kami sa school. Full scholar kasi ako at may allowance pa kaya sa mga activities ay kailangan kong active ako. Araw-araw nga ay nasa bookstore at office supplies store ako ng unibersidad, tuwing break-time ko, assignement ko iyon bilang scholar.

Matapos makakain ng tanghalian ay naligo na ako, tapos na akong maglaba ng aking damit at nakapaglinis na rin ng kwarto, nakakahiya kasi sa aking roommate na sobra sa kalinisan. Hindi ko nakitang gusot ang cover ng kanyang kama, talagang ayos na ayos pag-alis niya.

Naisipan kong magpunta sa Mall sa Cubao, sumakay ako ng LRT para mabilis. Kahit na maraming bakanteng upuyan ay pinili ko pa ring tumayo, doon ako sa may pintuan. May isang gwapong lalaki na na naka tayo rin sa may pintuan sa harapan ko. Hala nginitian ako at kinausap, “Kumusta!”

Kilala ko ba ito, bakit kinukumusta ako. Lumingon pa ako sa gilid ko at sa likuran, baka kasi hindi ako ang kinakausap.

“Suplado mo pala,” sabi ng gwapong lalaki sa akin.

“Hah! Eh hindi naman kasi kita kilala eh. Sorry naman. Okay lang naman ako,” ang naging sagot ko. Tinugon ko na ang panungumusta niya. Pinagmasdan ko pang mabuti dahil baka nga kilala ko, pero hindi ko talaga makilala, naka-shades pa kaya hindi ko lalo mamukhaan.

“Saan ang punta mo? Saan ang baba mo?”

“Hah?” dapat ko bang sagutin ang mga tanong na iyon? Bakit hindi muna siya magpakilala? “Eh brad, kasi eh hindi talaga kita makilala o matandaan na nagkakilala na tayo. Pasensya ka na ha kung tila nagiging suplado ako.”

“Hahaha, ano ka ba Ambeth? Hindi mo ba talaga ako nakilala o natandaan? Ako lang ito si Erwin,” sabi nito sabay alis ng kanyang shades.

Kahit na naman wala na siyang shades ay hindi ko talaga kaagad na kilala, ibang-iba kasi ang itsura. Sobrang gwapo. Oo, gwapo naman talaga siya nang makilala ko, pero iba ang porma niya, jojowain talaga ang porma niya.

“Ikaw ba talaga iyan Erwin? Peksman, hindi talaga kita nakilala. Grabe ang gwapo mo pala kapag nakaporma na,” sabi ko na hinawakan ko pa siya sa baba at ipinihit-pihit. “Ikaw nga, may dimples ka sa kaliwang pisngi. Sorry talaga. Sa totoo lang talagang palihim kitang pinagmamasdan doon pa lang sa parteng iyon, kaya ako lumapit ay para mapagmasdan ka ng malapitan hehehe.”

“Talaga? saan ang lakad mo?”

“Diyan lang sa Cubao, wala akong magawa sa dorm eh, na bore ako kaya pumasyal na lang ako. Ikaw ba?”

“Doon din, may bibilhin kasi ako. Saka palagi akong napasayal kapag araw ng Sabado, boring din kasi sa bahay, palaging may pinagagawa si Nanay hehehe.”

“Cubao station na pala, sige ha,” Sabi ko. Lumipat na ako sa katapat na pinto at humanda na para bumaba.

“Sabay na tayo. Mabuti at nagkita tayo, may nakasabay ako,” sabi ni Erwin.

Natuwa din naman ako dahil isang gwapong lalaki ang kasabay ko. Siguradong maraming bading ang maiingit sa akin nito hehehe.

Sinamahan ko siyang bumili ng bibilhin niya, at pagkabili ay wala na raw siyang bibilhin pang iba. Tinanong ko kung uuwi na siya, hindi pa raw hangga’t hindi pa ako umuuwi, sasabay na raw sa akin.

Wala naman talaga akong ibang gagawin, ang ginawa niya ay pumunta ng grocery para iwan lang ang pinamili. Tapos ay naglakad-lakad na lang kami. Inaya pa ako kung gusto ko raw manood ng sine, siya raw ang taya, pero tumanggi ako. Sumama naman ako sa kanya ng kakain na hehehe, libre kaya at gutom na rin ako. Dahil sa mainit ay halo-halo lang sa fast food ang binili ko at saka siopao.

Marami kaming napagkwentuhan, kung ano ano lang naman. Nalaman kong nag-aaral pala siya at engineering ang kurso doon din sa unibersidan na pinapasukan ko. Hapon daw ang schedule niya ng klase. Dealer pala ang parents niya ng softdrinks at beer, at hindi siya delivery boy. Mayroon din daw silang maliit na bakery shop. Nang tanungin ko kung anong pangalan ng kanilang bakeshop ay alam kong malaking bakeshop iyon, sikat na rin naman at nakikita ko na ang product nila sa mga grocery, lalo na ang kanilang pandesal.

“Mayaman pala kayo, bakit ikaw ang nagdedeliver?” tanong ko.

“Hindi naman. Kay kuya lang ako nagde-deliver at sa isang malaking tindahan sa malapit kina Kuya. Saka minsan lang sa isang linggo,” sabi pa niya.

“Kaya pala nakagwantes ka noon, ayaw mong magkakalyo ano hehehe.”

“Syempre naman, baka wala akong makuhang chicks kung makalyo ang palad ko hehehe.”

Nagtanong din siya tungkol sa akin. Nagyabang na ako na scholar sa sa unibersidad. Sinabi ko rin na isang manager ng isang kompanya sa Bulacan ang father ko at ang aking nanay naman ay sa bahay lang.

“Hindi kami mayaman, pero ang lola ko ay malaki ang sakahan sa Quezon, kaya hindi namin problema ang bigas, kasi ay may kahati rin kami sa ani kahit papano.”

Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin hanggang sa mapunta kami sa usapang girlfriend boyfriend.

“May GF ka na ba Erwin?”

“Dati, pero kabe-break lang namin. Sobra kasing maarte, mahilig pa sa “bilmoko”.

“Hala, mabuti na lang at nakipag-break ka na.”

“Alam mo bang siya pa ang may ganang makipag-break. Aba, akala sa akin eh mayaman, nagpapabili ba naman ng mamahaling CP, CP ko nga eh hulugan ko, kaya nga nagdedeliver din ako eh para may pambayad.”

“Ha! Paano yun.”

“Marami kasing kumuha ng beer at softdrinks si Kuya at yung isang malaking tindahan sa kanila, me commission ako sa delivery ko sa kanila, malaki-laki rin. Ikaw Amberth me boyfriend ka na ba?”

“Dati rin, pero ipinagpalit ako sa mayamang bading.”

“Single ka rin ngayon. Eh di pwede ka uling ligawan?”

“Sino naman ang manliligaw sa akin? Bading nga eh. Karaniwan na ang bading ang siyang nanliligaw at dapat mapera.”

“Ikaw ba ang nanligaw sa ex mo?”

“Hindi ah. Niligawan ako, nadalaw pa nga sa bahay eh. Nagpaalam pa kay Nanay na liligwan ako. Kargador lang sa palengke. May ambisyon siya na makapagtapos ng pag-aaral at nag-iipon para sa tuition. Hayun, nakatagpo ng mayamang bading. Ewan ko lang kung nakapag-aral nga, dalawang taon na kaming hindi man lang nagkikita o nag-uusap.”

“Kung gayon, pwede ka na pala uling ligawan.”

“Bakit? Liligawan mo ako? Para kang tanga. Gusto mo bang pagtawanan ka ng mga tao? Baka naman gusto mo lang ng ka sex, pwede naman, gusto mo ba? Tara… motel tayo.”

“Hindi ha, Iginagalang ko ang mga bading. Hindi ako nanloloko para lang sa sex. Ang totoo eh… nakakahiya hehehe.”

“Ano yun, ang ang totoo?”

“Huwag mo akong pagtatawanan ha!”

“Bakit naman kita pagtatawanan?”

“Kasi…” dumukwang pa siya sa akin at may ibinulong. “Virgin pa ako kahit sa babae man o bading.”

“Talaga lang ha! Hindi ako naniniwala. Sa gwapo mong iyan.”

“Oo nga, minsan nga para lang magkaroon ako ng… ganon… gusto ko nang patulan si Rexy eh. Saka si Rolly, yung anak ni Kuya, bading din pala iyon, astang lalaki, paminta hehehe, madalas na hinihipuan ako kapag nagsasalansan ako sa bodega nila.”

“Pumapayag ka naman?”

“Hindi no, sinasabi kong isusumbong kay Kuya kaya tumitigil.”

“May chance pala na matikman ko ang mokong na ito. Huwag kang gumanyan ganyan sa akin, papatulan kita, Hetong tigang na tigang na ako eh,” ang naglalaro sa aking isipan, Tuloy ay tinigasan ako.

“Tara na, uwi na tayo. Saan ka nga pala nauwi?”

“Malapit lang ang bahay namin sa dormitory ninyo, dalawang kanto lang. Pero ang bodega at bakeshop namin ay me kalayuan ng konti, doon pa rin naman sa lugar natin. Minsan ayain kita ha, maglaro lang tayo ng computer game.”

“Sige ba. Tara na at sisimpangin ko pa ang sinampay ko, mag-plantsa pa ako ng aking susuutin sa Lunes.”

Nag-LRT uli kami, Natanaw ko pa ang sinehan sa may istasyon. “May nanonood pa ba ngayon sa ganyang sinehan?” tanong ko.

“Meron, pero alam mo ba na maraming kababalaghan ang nangyayari sa sinehan na iyan?”

“Hala, may multo ba?”

“Buhay na multo, nagnanakaw ng katas ng lalaki hehehe.”

Naunawaan ko naman na ang ibig niyang sabihin. “Talaga?”

“Talagang-talaga.”

Parang nagkaroon ako ng interest hehehe.

 

 

 

>>>>>Itutuloy<<<<<

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...