Lunes, Oktubre 28, 2024

Hottie Kong Co-Teacher (Part 1/2)

 


Hottie Kong Co-Teacher (Part 1/2)

 

Hello mga fellow readers ng blog na ito. May gusto lang akong ikuwento sa inyo. Totoo ito na hinaluan ko lang ng konting palabok para mas magustuhan ninyo ang pagbabasa.

Ako nga pala si Nilo, isang public school teacher dito sa isang bayan sa Laguna, hindi naman kalayuan sa MM. Kung tatanungin ninyo kung ano ang itsura ko ay so-so lang, pangkaraniwan lang, medium built ang katawan at may katangkaran ng konti at maputi. Iyon lang, ayaw kong sabihing gwapo ako dahil hindi naman talaga. Mas hindi ko naman pipintasan ang sarili ko. Basta pangkaraniwan lang, iyon lang hehehe.

Bago lang akong teacher dito sa school na ito at ang itinuturo ko ay Math sa high school. Dito ko nakilala ang isang simpatiko at ang lakas ng sex appeal na si Teacher Hector na MAPE naman ang itinuturo.

Halos magsing-tangkad lang kami ni Teacher Hector, moreno siya. Gwapo siya, ang ganda ng tindig, ang ganda ng katawan, tamang-tama naman dahil Physical Education ang isa sa kanyang itinuturo. Isa pang asset niya ay ang kanyang pagiging palangiti na halos mawala na ang mga mata kapag nakangiti. Hindi naman siya singkit, basta, kapag nakangiti siya ay hindi na makita ang mga mata, parang nakapikit na. Maging ang boses niya ay malagong, lalaking lalaki.

Dahil baguhan lang ako ay hindi ko pa siya talaga nakikilala, wala pa kasing nagpapakilala sa kanya sa akin, pero dahil sikat talaga siya sa school dahil sa angking kagwapuhan ay kaagad kong naitanong sa isa ring babaeng guro na kakilala ko na.

“Crush mo?” tanong kaagad ni Teacher Lorna.

“Hala, walang ganon. Naitanong ko lang dahil kokonti pa lang ang kakilala ko dito,” sabi ko naman. Kao-open pa lang naman kasi ng klase.

Syanga pala, isa akong bading na hindi masyadong halata kung hindi magsasalita at basta nakaupo o nakatayo lang, yung hindi gumagalaw. Pero kapag nagsalita na at lumakad ay medyo iba, may kahinhinan kasi ako hehehe, bading baga. Pero kapitapitagan din naman dahil sa wala akong record na naging malandi.

Sa unang tingin ko pa lang kay Hector ay iba na pakiramdam ko sa kanya, iba eh, parang may something, pero hindi ko naman alam o maipalaiwanag kung anong something iyon.

Biyernes, nagkaroon kami ng meeting ng lahat ng guro sa high school, maagang pinauwi ang mga estudyante. Iyon daw ang araw para maipakilala ang mga bagong guro at mga bagong lipat sa paaralang iyon. Ang meeting ay ginanap doon lang sa isang silid. Me painom namang palamig at banana-Q ang aming prinsipal.

Nakatabi ko sa upuan si Teacher Hector. Weasknes ko talaga ang moreno at maganda ang katawan, kaya medyo awkward ako, parang nagkaroon ako ng hiya at hindi makakibo gayong bibong-bibo ako sa pakikipag-usap sa iba. Mabuti na lang at siya na ang unang bumati,

“Hi! Ako nga pala si Teacher Hector, Mape ang hinahandle kong subject,” pakilala niya sabay abot ng kamay para makipag handshake.

“Ako naman si Teacher Nilo, math ang itinuturo ko,” pakilala ko rin habang nakikipag-kamay sa kanya.

Kwentuthan lang muna ng konti. Sana lang ay hindi Obvious ang kilos ko na kinikilig. Konti pa lang naman ang alam ko sa kanya, pero attracted na talaga ako sa kanya, tingin ko kasi ay, sabihin nating may good qualities. Bias assessment man, pero iyon talaga ang feeling ko.

Nahinto lang ang aming usapan ng magsimula na ang meeting. Ang aming prinsipal ang namuno. Bading din nga pala ang aming prinsipal, pero gaya ko rin siya, very respectable pati kilos kahit na babakla-bakla.

Kaming mga baguhan lang naman ang nagpakilala, konting background kung saan nag-aral at  kung ano-ano pa. Pagkatapos naming magpakilala ay nilapitan namin ang ibang dati ng guro para kilalanin sila at tandaan daw namin  sila dahil palagi namin silang makakasalamuha.

Natapos ang meeting, uwian na. Nagmamadali ang mga babaeng guro sa pag-uwi. Paalaman na.

“Saan ka nga pala umuuwi Techer Nilo,” tanong ni Teacher Hector. Gosh ang ganda niyang magdala ng damit, parang model, bagay na bagay ang long sleeve na polo na may kurbata- pero inalis na niya dahil pauwi na.

“Nilo na lang at Hector na lang din ang itawag ko sa iyo. Alam naman nating pareho na teacher tayo hehehe. Nag-rent lang ako ng room diyan sa hindi kalayuan, Hindi naman talaga ako taga-rito, dayo lang baga. Nilalakad ko lang kapag ganitong maganda ang panahon,” sabi ko. “Ikaw?” balik tanong ko.

“Diyan lang din sa malapit, sa ganitong street. Baka nga iisa pa ang boarding house na tinirhan natin ah” sabi niya.

“Doon nga hahaha. Bakit hindi kita nakita, isang lingo na rin naman ako roon.” Sabi ko.

“Ewan ko, hindi naman kasi ako pala-labas ng room kapag nakauwi na. Saan ka nga pala kumakain ng dinner. Gusto mo sabay na lang tayo para may kausap naman ako. Sa isang karinderya lang naman ako nakain, alam mo ba yung kay Aling Tinay?”

“Doon din ako bumibili ng pagkain. Sa umaga ay nagkakape lang ako at palagi akong may tinapay at biscuit, iyon lang ang agahan ko. Tapos sa tanghalian ay sa canteen na ng school para mura. Sa coop na rin ako bumibili ng konting grocery ko, noodles, sabon. Magme-member na nga ako eh.” – ako.

Dahil sa naguusap kami, hindi namin namalayan na nakarating na kami sa aming tinitirhan.. Itinuro ko ang aking room sa second floor at ang pagkakataon nga naman, magkatapat pa kami ng room. Iyon ang pinili kong room dahil sa may sarili nang banyo at hindi ako makikipag-agawan sa pagpaligo sa ibang boarder. Yung sa kanya ay meron din daw, kaya medyo mahal ang renta namin kesa sa iba..

“Kain tayo ng 7 ha, kakatukin kita,” sabi ko.

-----o0o-----

Marami na akong nalaman tungkol kay Hector, personal at professional. Ang pinakamahalaga ay ang single pa daw siya. 27 na siya at still single. Buwanan daw siya kung umuwi sa probinsya niya sa Bulacan

Ako naman ay linguhan sana, dahil Antipolo lang naman ang bayan namin, pero dahil buwanan siya ay buwanan na rin ako kung umuwi. Sa aming labahan ay nagpapa-laundry na lang ako at sa month end ay inuuwi ko na lang ang madumi kong damit para sa amin na lang labhan.

Dahil nga palagi kaming nagkakausap ay naging malapit na rin kami sa isa’t-isa. Pasalamat na lang ako at hindi siya naiilang na ang palagi niyang nakakasabay sa pagpasok at pag-uwi ay isang bading na katulad ko. Kung sabagay, kaming mga guro ay open minded, nakakaunawa kami ng pag-uugali ng mga tao. Kaya naming pakisamahan ang kahit anong uri nag pag-uugali meron ang isang tao, kahit pa may saltik hehehe.

Ang palagi kong inaabangan kay Hector ay ang pagtuturo niya ng PE. May ground field naman ang loob ng aming paaralan at doon siya nagtuturo. May uniform ang mga estudyante na jogger pants, pero siya ay palaging white short na above the knee ang suot na bagay na bagay naman sa kanya, kitang kita ang hubog ng katawan niya dahil fit lagi ang tshirt niya at ang pwet, pamatay sa tambok, Grabe, naglalaway talaga ako. Ang mga balahibuhin niyang binti ay talagang parang sa isang atleta.

Minsan ay calisthenics lang, minsan naman ay track ang field, kung ano ano lang. Pati nga patintero at luksong baka ay itinuro din niya hehehe.

Pagkatapos niyang magturo ay papasok agad iyon sa teachers lounge kung saan ko siya inaabangan. “Pinagpawisan ka yata ng husto,” bati ko. Basang basa kasi siya ng pawis. Kaagad na kumuha ng towel sa kanyang bag at pinunasan ang kanyang pawis.

“Gusto mo ng tubig?” ikuha kita.

“Sige please” sabi naman niya.

Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig, kinuha ko ang twalya na pinampupunas niya at sinabing punasan ko ang likod niya. Doon naman sa may tabing siya naghubad, nakakahiya kung may babaeng guro na makikita siyang walang pang-itaas. Kung sabagay, gustong-gusto naman nila. Hayun, pinunasan ko na ang likod niya habang umiinom. Nakakahiya naman kung pati ang harapan ay punasan ko, magiging obvious na nananatsing na ako hehehe. Ang hot niya talaga. Kanasa-nasa talaga hehehe.

-----o0o-----

Minsan na nag-lunch kai sa lounge kasabay ang ibang babaeng guro ay may nagtanong kay Hector na isang guro. ”Teacher Hector, may GF ka ba?”

Napatigil ako sa pag-subo. Kasi ang sabi niya sa akin noon ay single daw siya. Hinintay ko ang sagot niya.

“Yes, kababayan ko. Isa siyang governemnt employee, nagtatrabaho sa aming munisipyo,” sagot ni Hector.

Nawindang ako bigla, napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong. Kaagad naman niyang inilayo ang tingin sa akin.

Nagtanong pa ang nasabing guro. “Hindi ba mahirap ang long distance relationship?”

“Long distance na ba iyon? Palagi pa rin naman kaming nagkikita buwan-buwan. Saka palagi kaming nagkakausap sa phone. Hindi naman kalayuan ng Bulacan dito,” tugon niya.

Parang gusto ko nang mag-walkout, pero bakit naman? Anong dahilan? Nasasaktan ako eh, iyon ang dahilan.

“Eh 27 ka na, may balak ka na bang magpakasal?” tanong uli ng malditang guro na iyon.

“Hindi pa naman namin napag-uusapan, gusto pa namin pareho na makabili muna ng bahay para kapag ikinasal kami ay may titirhan na kami kaagad at hindi makikitira sa mga bibiyenanin,” sagot ni Hector.

“Hoy, bruha, bilisan mo na ang pagkain at malapit na uling mag-bell, Kung ano-ano yang itinatanong mo kay Sir. Sir Hector, pagpasensyahan mo na lang siya, ‘marites” iyan eh,” sabad ni Lorna, ang bestfriend ko dito.

Tawanan sila, pero ako seryoso at hindi nakitawa. Nagmamadali ko nang tinapos ang aking pagkain.

-----o0o-----

Uwian na naman, nasa lounge na ako at kunwari ay busy sa aking ginagawa. Kasama ko si Lorna na may tinatapos na tsekan na test papers. Siyang pagdating naman ni Hector at kinuha ang kanyang gamit.

“Hindi ka pa ba uuwi Nilo?” tanong sa akin ni Hector.

“Mauna ka na Nilo, tatapusin ko lang ito,” tugon ko.

“Matatagalan ka pa ba? Hintayin na kita,” sabi naman niya.

“Huwag na. Sasabayan ko na lang si Lorna, baka gabihin siya eh walang kasabay.”

“Okay sige, mauna na ako sa inyo.”

Umalis na siya na pakamot-kamot sa ulo. Ewan ko, iba kasi ang tono ng mga sagot ko sa kanya. Nagtataka siguro kaya hindi na nagpumilit.

“Hmmm ano ito, LQ?” sabi ba naman ni Lorna.

“LQ ka diyan.”

“Hus! Halatang-halata ka. Nagselos ka ano? Dahil nalaman mong may GF na siya. Bakit kayo na ba?”

“Huy grabe ito, advance mag-isip. Bakit naman ako magseselos, wala naman kaming relasyon.”

“Eh ikaw eh. Obvious. Halatang-halata ka, kanina pa habang kumakain. Ang daldal mo kaya noong simula, pero nang may nagtanong kung may GF na si Hector, nawalan ka na ng kibo. Ako pa eh ang lakas na radar ko sa ganyan.”

“Matagal ka pa ba?” taong ko kay Lorna. Medyo naasar ako eh.

“Hindi pa, pero pwede ko namang ituloy ito sa bahay. Gusto mo nang umuwi? Bakit hindi ka pa sumabay kay Hector. Huwag ka ngang ganyan. Kung hindi kayo, huwag kang kaasa. Masasaktan ka talaga.”

Napaupo akong bigla. “Ano naman ang dapat kong gawin. Ang sabi niya noong una ay single pa siya, tapos ngayon sasabihin ay may jowa na.”

“Ayun, nagsabi rin ng totoo. Tatanggi-tanggi pa. Hoy, bakit ka umaasa, lalaki yung tao. Malay mo naman, noong sabihin sa iyo ay wala pa, Hindi na ba siya umuwi sa kanila at nanligaw? Sana itinanong mo kung kelan pa. Ikaw talaga.”

“Bakit ganoon Lorna? Ang sakit pala ng mabigo.”

“Nabigo ka na ba. Niligawan mo ba?”

“Hindi, pero ang sakit pa rin kahit na hindi kami, Kasi nahulog na ako sa kanya at ang sakit ng pagbagsak ko.”

“Hay naku Nilo, bakit kasi umasa ka eh wala ka naman palang sinasabi.”

“Paano ko naman sasabihin eh alam ko naman walang mangyayari.”

“Yun naman pala eh, alam mo. Bakit ka masasaktan?”

“Hindi ko nga alam, basta nasaktan ako.”

“Ikaw ba ay may naging syota na. Umibig ka na ba.”

“Wala pa akong naging syota, pero marami akong naging crush. Pero iba kay Hector eh, love na.”

“Mabuti rin na nalaman mo hangga’t maaga, para hindi ka na aasa. Humanap ka ng iba, si Jaime na lang kaya.”

“Ikaw talaga, mas bading pa iyon sa akin  eh. Tara na nga, madilim na sa labas.”

-----o0o-----

Kumain na muna ko kay Aling Tinay bago ako tuluyang umuwi. Pagpasok ko ng aking silid ay may kumatok. Pagbukas ko ng Pinto ay si Hecto pala.

“Tara kain na tayo, kanina pa kita hinihintay,” sabi ni Hector.

“Kumain na ako diyan kay Aling Tinay. Hindi ko naman alam na hinintay mo ako. Sorry naman,” sagot ko na may panghihinayang.

“Okay lang. Kakain na muna ako, gutom na rin kasi ako. Sige.” Paalam ni Hector. Tanaw-tanaw ko pa siya habang bumababa.

-----o0o-----

Dumaan ang maraming araw at linggo, Nageenjoy na ako sa aking pagtuturo. Wala naman akong naging problema sa aking mga student, Nag-aaral naman sila at ginagawa ang mga assignment na pinapagawa ko. May ilang pilyo, hindi naman mawawala iyon,pero tolerable naman. Huwag lang mambabastos dahil kahit bading ako ay kaya ko rin naman na makipag-away.

Sa mga guro, okay naman sila. May mga guro din naman tsismosa at inggetera. Sila yung mga hindi ko talaga makasundo kahit na anong pakikisama ko. Halatang-halata naman kasi sa kilos. Sabi nga ni Lorna ay dahil matatanda nang dalaga hehehe. Tama naman si Lorna, mga hindi man lang yata naligawan. Me mga itsura naman hehehe.

Isang umaga ay pinatawag ako ng aming prinsipal sa opisina nito. Pagdating ko sa opisina ni Sir ay naroon na si Hector.  Syempre nag-good morning muna ako.

Sinabihan kami ng aming prinsipal na mag-aattend daw kami ng seminar na gagawin sa Buguio. Isang seminar daw iyon na ang topic at about technology, computer at iba pa. 3 day seminar daw iyon at next Wednesday na ang simula. Kami lang daw dalawa ang pinadala. Sagot naman ng paaralan ang gastos

Kaya ng sumunod na Martes ay bumiyahe na kami papuntang Baguio, madaling araw iyon dahil sa wala pa kaming na-book na hotel. Dumating kami ng Baguio ng mga 10 am. Kaagad kaming nagpahatid sa hotel kung saan gaganapin ang seminar para mas magaan para sa amin ang pagpunta, hindi na namin kailangang bumiyahe pa. Dahil sa maraming mag-aattend ng seminar na doon din nagpabook ay halos wala nang available na room. Iisa na lang daw at matrimonial room pa, hindi twin bed.

“Paano ito, maghahanap pa ba tayo ng iba,” sabi ko kay Hector.

“Baka mapalayo tayo. Sandali, magtanong tayo sa front desk officer kung saan pa ang malapit na hotel dito,” sabi ni Hector.

May malapit naman daw, isang sakay, kaya lang ay baka daw fully booked na rin. Marami raw yata ang mag-aattend ng seminar, Ayaw din daw sa matrimonial room dahil gusto nila ay twin sharing kaya nagsilipatan na kahapon pa.

Gusto ko sanang kunin na yung room, pabor kasi sa akin hehehe. Pero syempre, ayaw kong mag-suggest, bahala siya.

“Okay lang ba na dito na lang tayo. Malaki naman yung kama, baka lalo lang tayong walang mapag-stay-an,” sabi ni Hector.

“Ikaw! Okay lang ba sa iyo? Sa akin okay lang.”

Kinuha na namin yung room, pero 12 pa raw ang check-in time. Kaya iniwan na muna namin ang aming gamit doon at lumabas muna kami para mamasyal na muna. Ibinilin na lang namin na ipakidala na lang ang gamit namin sa room.

Kumain, kongting pasyal, usap ang ginawa muna namin, pampalipas oras. Kung kami na sana eh di ang saya ko. Pwede ko siyang lambingin.

Mga 3PM na nang kami ay bumalik sa Hotel. Pareho kaming pagod dahil sa haba ng biyahe at puyat pa kaya gusto ko munang matulog.

Malaki naman ang kama, king size bed iyon at may kalakihan din ang room. Kaya pala mas mahal pa ng konti. Kahit na sa isang kama lang kami ay hindi kami magkakadikit, maliban na lang kung sasadyain.

Dahil sa malamig at pagod, kaagad kaming nakatulog. Nauna pa akong nagising kay Hector. Naupo lang naman ako sa gilid ng kama at pinagmamasdan ko siya. Ang gwapo talaga niya, swerte ang jowa niya. Ano ba ang itsura ng jowa niya? Maganda kaya? Bagay kaya sila. Hindi na kasi ako nag-usisa pa tungkol doon, wala naman kasi akong paki.

Bigla na lang siyang nag-mulat ng mata, bigla kong naibaling ang aking tingin sa may bintana. Ewan ko kung nakita niya akong nakatitig sa kanya.

“Gising ka na pala,” sabi niya.

“Kagigising ko lang. Ang sarap matulog ano. Sana ganito din ang klima sa Manila ano?” sabi ko

“Sinabi mo pa,” tugon niya. Bumangon na siya at kaagad na angtungo ng banyo, Umihi pala, dinig ko pa ang lagaslas ng ihi. Hindi man lang nagsara ng pinto. Paglabas ay nag-aya na bumaba kami. “Tara, baba muna tayo at magtingin-tingin sa paligid ng hotel. May liwanag pa naman ang araw eh, picture-picture muna tayo,”

Libot-libot lang sa lobby at paligid ng hotel hanggang abutin na kami ng dinner time. Pagka-alam ko ay lunch lang ang libreng pagkain. Yung breakfast ay libre ng hotel, kasama sa bayad, at yung dinner ay sagot na namin. Para makatipid sana ay sa labas ko gustong kumain, pero tinatamad na kami kaya sa hotel na rin kami kumain.

Pagkakain ay umakyat na uli kami. Dahil sa wala pa kaming kakilalang pwedeng kausapin, kami pa rin ang siyang magkaharap at nag-uusap. Gusto ko sanang ayain na lumabas uli at mag-bar man lang, pero ayaw niya. Sa last day na lang daw namin.

Sa aming pag-uusap ay nabanggit ko ang kanyang jowa. Kinumusta ko ang kanilang relasyon.

“Wala na kami, break na kami.” Sabi niya na tila wala lang, wala mang lang panghihinayang.

“Hala bakit? Sayang naman ang pinagsamahan ninyo. Matagal na ba kayong mag-syota?”tanong ko. Biglang sumigla ang pakiramdam ko, parang ang saya-saya ko.

“Sandali lang kami. Hindi ba tinanong mo ako kung me GF na ako dati? Wala pa kami Non. Kelan lang kami naging mag-on. Wala pa yatang 4 months.” – si Hector.

“Grabe! Ano ba yan. Playboy ka siguro, ang dali mong magpalit ng syota.” – Ako.

“Hindi ah. Sadya lang hindi kami compatible. Yung iisa kong naging syota ay tumatagal naman kami ng 3 taon.”

“Tapos nag break din. Ano ba ang dahilan?” tanong ko.

“Isa lang, Nakakahiya man ay aaminin ko na sa iyo, lalaki ka pa rin naman. Dahil sa sex,” sabi niya.

“Ano! Sex ang dahilan ng pakikipag-break mo?”

“Aba syempre, part iyon ng isang magkarelasyon,” pagtatanggol niya.

“Anong inayawan mo?”

Walang kaabog-abog at diretsahan niyang singagot. “Kasi… gusto nila ay ako na lang nang ako ang kakain sa kanila. Sila ay ayaw akong kainin, ayaw isubo ang aking titi, pwede ba naman iyon?”

“Shet ka! Iyon lang?”

“Eh bakit, sa gusto ko na tsinutsupa ako. Kaya nga minsan ay gusto ko nang pumatol sa kagaya mo eh.”

Kahit na naman gusto ko ang mga sagot niya, ay pinamulahan pa rin ako ng mukha, uminit ang pisngi ng mukha ko. Iyon ba ang nakakapagpaligaya sa isang lalaki, ang tsupain ng karelasyon?

Tuwa rin ako, may chance ko naman siyang matikman, pero paano? Mabuti na lang at sa kanya nagmula ang ideya, hindi sa akin. Ewan ko kung sine-seduce na niya ako at baka nga naman kumagat ako, kasi ba naman ay gusto niyang masahihin ko siya dahil sumakit daw ang katawan niya sa haba ng byahe, Hindi daw kasi siya sanay sa mahabang biyahe.

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...