Biyernes, Nobyembre 1, 2024

Ang Jeepney Driver Na Si Theo (Part1/2)

 



                                Ang Jeepney Driver Na Si Theo (Part1/2)


Sa araw-araw kong pagbibiyahe papasok sa pinagtatrabahuhan kong kompanya ay palagi akong nakakasakay sa isang jeep na minamaneho ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa early 30’s na. Tyempo na kapag nag-aabang na ako ng jeep sa may jeepney stop, ay saka naman siya daraan at swerteng palaging bakante ang unahan. Gusto ko na doon palagi sa unahan mapasakay para hindi ako usod ng usod. Halos araw-araw iyon.

May araw din naman na hindi ako sa kanya nasasakay. Hindi ko naman talaga siya hinihintay. Pero dahil nga sa madalas ay sa kanyang jeep ako napapasakay ay sinasadya ko na talagang hintayin ang pagdaan niya, tulad ngayon. Ilang jeep na ang nagdaan at maluwag iyon, pero pinalampas ko.

Kilalang kilala ko na ang jeep ni Kuya, tunog pa lang ay alam kong siya na iyon. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi magsakay sa unahan para ako ang maupo roon.

Gwapo si Manong, mas maitim sa moreno. Mulato yata ang tawag sa ganoong kulay ng balat. Marahil, nangitim lang siya dahil sa palaging nasa karsada at nagmamaneho ng jeep. Hindi na ako nakatiis pa, kinausap ko na siya.

“Alam mo Kuya, para talagang ako ang pinaglalaanan mo ng upuan dito sa harapan, palagi kasing bakante pag tatapat sa abangan ko,” sabi ko.

“Tama ka, gusto kong ikaw ang mapaupo diyan, kasi ay nakatutulong ka sa pag-abot at pagsukli ko sa bayad. Parang konduktor ko ikaw hehehe,” tugon ni kuyang driver. “At ikaw naman, siguro ay ako ang inaabangan mo hehehe,” sabi naman ni kuya.

“Dati hindi, pero nung madalas na makasakay ako sa iyo ay inaabangan na talaga kita. Hindi ako sasakay hanggat hindi ka dumadaan. Minsan tuloy ay nale-late ako sa trabaho lalo na kapag hindi ka talaga pala bumiyahe,” pag-amin ko. “Kuya… ano nga pala ang pangalan mo? Ako po pala si Eugene.

“Theo ang pangalan ko,” sabi naman ng driver.

Medyo malayo-layo rin ang pinapasukan kong kompanya, inaabot ang byahe ko ng isang oras o mahigit pa kasama na ang traffic. Sa araw-araw kong pagsakay sa jeep ni Theo ay medyo may ideya na ako sa ugali niya. Tahimik lang siya at hindi madaldal. Hindi siya magsasalita kapag hindi kinakausap.

May kabaitan din itong taglay. Nasabi ko iyon dahil sa madalas kong nakikita na kapag may batang estudyanteng sumakay ay ibinabalik niya ang bayad nila at sinasabing idagdag na lang sa baon nila. Tuwang-tuwa naman ang ilang bata.

Maingat din siyang magmaneho, hindi barumbado sa daan. Magalang din siya lalo na sa nakatatanda.

Dahil sa madalas na akong nakakasakay sa kanya ay naging magkapalagayan na kami ng loob. Totoo daw na reserve na ang upuan sa unahan tuwing umaga, gusto niyang ako ang maupo roon. Ayaw nga niya akong pagbayarin ng pasahe dahil nakakatulong daw ako sa pag-abot-abot ko ng bayad ng ibang pasahero pati pagsusukli. Nakabisa ko na tuloy ang pasahe ng mananakay base sa kung saan sila sumakay at saan bababa.

Isang araw ng Sabado ay nagulat pa siya ng makita niya akong nag-aabang ng sasakyan sa kagayang oras kapag may trabaho. Wala kasi kaming trabaho kapag Sabado.

“Eugene, mag-overtime ka?” bating tanong niya sa akin.

“Hindi. Buti at walang nakaupo dito sa unahan. Gusto ko lang sumama sa byahe mo Theo. Wala kasi akong magawa sa bahay. Mag-konduktor muna ako sa iyo hehehe.”

“Aba talaga! Aba’y napaka-swerte ko naman. Siguradong malaki ang kikitain ko, kasi ang gwapo ng aking konduktor hehehe..

Para talaga akong konduktor, nagtatawag ako ng pasahero kapag maluwag pa. Naka-ilang ikot din kami at yung huling ikot namin ay saktong tanghalian na. Kumain kami sa isang karinderyang suki niya at pagkatapos ay nagpahinga sa kanyang jeep na nakaparada sa isang malilim ng tabi ng karsada.

Nagkwentuhan lang kami, nalaman kong may asawa na siya at may dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay grade 1 na at ang bunso ay dalawang taon pa lang. Bata daw siyang nakapag-aawa kaya hindi na nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Nakarating naman siya ng frist year sa college, hindi lang nakapagpatuloy dahil nga nabuntis ang nobya at maagang nagpakasal. 30 years old na siya ngayon.

Ewan ko kung bakit nalungkot ako nang malaman kong may asawa na siya, may kung anong tila tumusok sa aking dibdib. Nawalan ako bigla ng kibo sa aking nalaman.

“Bakit natahimik ka Eugene?” tanong ni Theo (Ayaw niyang tawagin ko siyang kuya Theo, Theo na lang daw dahil hindi pa naman masyadong malaki ang agwat ng aming edad. 24 na kasi ako.)

“Hah, may naalala lang ako. Iniisip ko kasi kung naalis ko ang saksak ng plantsa, Natangal ko naman ang pagkakasaksak. Alam mo na, baka kasi maging sanhi ng sunog,” dahilan ko. Totoo naman kung minsan ay nagiging makakalimutin ako.

Bandang tanghali ay bumaba na ako ng jeep pagtapat sa abangan ko. Sabi ko ay sobrang mainit kapag tanghali na. Magpapahinga rin daw naman siya at bibiyahe uli bandang 3 PM.

Sa aking pag-iisa sa aking silid sa inuupahan kong boarding house ay parang tamad na tamad akong kumilos, wala akong sigla. Nakahiga lang ako at nasa isipan ko si Theo. Nagtataka ako kung bakit tila ako nasaktan nang malaman kong may pamilya na siya. Naisip ko na dahil sa sobra akong naging close sa kanya, naging palagay ang aking loob dahil na rin sa maganda siyang makisama at likas ang kabaitang taglay.

Nang mga sunumod na araw ay sinadya kong hindi hintayin ang pagdaan niya. Ilang araw na sunod iyon. Ang hindi ko maipaliwanag ay nag-aalala ako na baka nag-aalala rin siya kung bakit hindi ako nakakasakay sa kanya. Baka kung ano ang isipin. Hinahanap-hanap ko rin ang presensya niya, gusto kong nakikita siya kahit sandali sa bawat araw. Noon ko napagtanto na umiibig na ako sa kanya. Alam kong mali, kasi, unang-una ay pareho kaming lalaki, pangalawa ay may asawa at anak na siya. Maling-mali kaya naman gusto kong iwaksi ang damdamin kong ito dahil masasaktan lang ako.

Isang lingo rin na hindi ako nagpakita sa kanya. Kahit na sabik na sabik na akong makita siya ay pinilit ko pa ring umiwas na magtagpo ang aming landas

Pero isang araw ng Lingo ay nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot sa tinitirhan kong boarding house si Theo. “Theo! Anong ginagawa mo rito? May pinuntahan ka bang kakilala dito?” sunod-sunod kong tanong.

“Ikaw talaga ang sadya ko. Nag-aalala kasi ako dahil isang lingo kang parang hindi pumasok sa trabaho.mo. Baka kasi nagkasakit ka kaya ipinagtanong ko kung saan may boarding house malapit sa abangan mo ng sasakyan. Dito nga ang itinuro. Ano, kumusta ka? Nagkasakit ka ba?” mahabang paliwanag ni Theo.

“Naku, sinabi ko na nga ba at mag-aalala ka. Kasi, nitong nakaraang lingo ay mas maaga akong napasok. May nira-rush kasi kaming trabaho. Ino-audit kasi kami ngayon kaya maraming trabaho. Sorry ha kung nag-alala ka. Bukas ay regular na uli ang pasok ko,” pagdadahilan ko.”Halika sa loob, doon tayo sa silid ko mag-usap,” aya ko sa kanya.

Matagal-tagal din kaming nag-usap. Wala lang naman, hindi naman mahalaga dahil sa wala namang kaugnayan sa amin ang aming pinag-usapan. Gusto ko sanang itanong kung ano talaga ang dahilan at nag-abala pa talagang hanapin ang tinitirhan ko gayong wala naman siyang mapapala. Kung sabagay, itinuring na siguro akong isang matalik na kaibigan. Maging ako siguro ay hahanapin ang nawawalang kaibigang matalik.

-----o0o-----

Para wala na siyang isipin na kung ano, ay balik ako sa normal na pag-aabang sa pagdaan ng jeep ni Theo. Ang problema lang talaga ay lalo lang sumisidhi ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya gayong wala naman akong aasahan pa dahil nakatali na siya. Pilit ko namang itinatago ang pagkakagusto ko sa kanya at hindi pinapahalata.

Biyernes, natyempuhan kong siya ang nasakyan ko papauwi, may nakaupo na sa unahan kaya sa loob na ako nakaupo, pero ng bumaba na ang pasahero sa unahan ay pinalipat naman na niya ako roon.

“Eugene, may gagawin ka ba bukas?” tanong niya sa akin ng malapit na ako sa aking bababaan.

“Wala naman, bakit?” tanong ko.

“Sama ka naman sa byahe ko o, kahit hanggang tanghali lang,” pakiusap niya.

“Bakit?”

“Wala lang naman. Gusto ko lang may makausap habang nabyahe. Alam mo naman na wala masyadong pasahero kapag Sabado dahil walang estudyante. Nakakainip kasi, nakakalibang kasi kapag may kausap at hindi nakakainip.”

“Ganon ba. Eh sige. Anong oras kita aabangan?”

“Yung kagaya kapag napasok ka sa trabaho, abangan mo ako ha!”

“Sige, malakas ka sa akin eh,” sabi ko. “Baka makalampas ako, konting menor na at malapit na ako,” sabi ko. Bumaba na ako pagtapat sa may papunta sa amn.

Ewan ko, napansin ko na parang may ningning sa kanyang mga mata ng pumayag akong sumama sa byahe niya. Para bang tuwang-tuwa siya.

-----o0o-----

Inabangan ko nga ang pagdating ni Theo. Malayo pa ay tanaw ko na ang jeep niya. Bakit ba hindi mawala sa akin ang saya kapag papalapit na ang sasakyan niya, kasi ay makikita ko na naman siya. Masaya na ako na makita siya.

Aba, si Theo, ang laki ng ngisi nang makita naman ako na nakatayo na sa jeepney stop na iyon. Kaagad na bumusina pagtapat sa akin. Kaagad naman na akong sumakay. Pagkasakay ko ay inabot sa aking ang isang supot.

“Ano ito,” tanong ko.

“Tingnan mo,” sabi naman niya.

Nang aking bulatlatin ay pande-coco pala. “Almusal o miryenda mo. Alam kong paborito mo iyan hehehe. Espesyal iyan!” sabi niya.

Yung konting lambing niya, yung konting pag-aalala niya sa akin ay sobra-sobra ang ligayang dulot sa akin. Ewan ko lang kung nahahalata niya. Sa tingin ko naman ay hindi. Sa buong pagbiyahe namin, sa ilang ikot na nagawa namin ay kitang kita ko naman ang sigla niya. At nang sabihin ko na bababa na ako bago magtanghaling tapat ay nag-iba na ang kanyang mood.

Nang ayain ko na kumain muna kami ay sinabi niyang hinihintay siya sa bahay, nagluto raw ng paborito niyang ulam ang asawa niya. Ako naman ang nakaramdam ng pagkadismaya. Nakaramdam ako ng lungkot.

-----o0o-----

Isang umaga, pagtapat ng jeep ni Theo sa abangan ko ay may sakay siyang babae sa unahan. Sa loob sana ako uupo,pero sinabi niyang doon na lang ako sa unahan, kasya daw naman ang dalawa doon. Kasi, kapag sakay niya ako ay ako lang at hindi siya nagpapasakay sa unahan ng iba pa.

“Misis ko, si Edna,” pakilala sa akin ni Theo sa babaeng katabi namin. “Edna, siya yung naikukuwento ko sa iyong araw-araw ay naisasakay ko at nagiging konduktor ko pa hanggang sa bumaba papuntang opisina nila,” dugtong pa ni Theo.

Tinanguan ko naman ito na nakangiti.

“Ah… ikaw pala iyon, gwapo ka pala hehehe. Mamalengke kasi ako kaya napasabay na ako dito kay Theo. Doon ako namamalengke, mura kasi ang gulay at isda diyan,” sabi ni Edna na bumaba na rin pagtapat papuntang palengke.

Maganda rin ang asawa ni Theo, parang hindi pa nagkakaanak. Seksi ika nga at parang isang dalaga kung magbihis at mag-ayos. Hindi mapagkakamalang may asawa na.

“Ang ganda naman pala ng asawa mo Theo, jackpot ka roon ha! Hehehe.”

“Bakit? Gwapo rin naman ako ah. Swerte niya at pnatulan ko siya,” tugon naman niya.

“Yabang mo talaga. Oo na, Gwapo ka na nga,” sabi ko.

Hindi ko man aminin ay nakaramdam ako ng selos. Mukhang maligaya naman ang kanilang pagsasama. Naisip ko na talagang kalimutan ano mang dandamin meron ako sa kanya. Pero paano kung palagi pa rin kaming nagkikita? Mahirap gawin iyon. Kung gagawin ko naman ay ang huwag na uling sumakay sa kanya gaya ng una kong ginawa ay baka kung anong isipin, baka mahalata pa ang pagkakagusto ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay ilihim na lang ang nadarama ko.

Maraming araw ang nagdaan, nagawa ko namang huwag ipahalata o iparamdam man lang ang aking nadarama sa kanya. Masaya ako habang kausap siya, habang nakasakay sa kanya. Ramdam ko rin ang saya niya kapag nagkikita kami lalo na kapag sumasama ko sa biyahe niyang tuwing Sabado. Opo, pumayag ako sa pakiusap niya na sumama ako sa biyahe niya. Para talaga kaming mag-bestfriend., iyon naman ang turing ko na sa kanya.

Ngunit isang gabi ay kumatok siya sa pintuan ng aking silid, mukhang nakainom, tila may problema. “Theo, gabing-gabi na ah, bakit napasugod ka? May problema ka ba? Amoy alak ka, uminom ka ano?” sunod-sunod kong tanong.

Pumasok na siya sa loob ng aking silid, hindi ko pa man pinapapasok, saka pasalpak na naupo sa gilid ng kama. Nang lapitan ko ay yumapos sa bewang ka na umiiyak, Nahaplos ko tuloy ang kanyang buhok, ramdam ko na mabigat ang kanyang problema. At bilang kaibigan ay inalo ko siya.

“Ano bang nangyari, ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako,” sabi ko na naupo na rin sa tabi niya at inakbayan ko pa siya at tinapik-tapik ang balikat.

Parang bata namang nagpatuloy sa pag-iyak si Theo na ipinatong pa ang ulo sa balikat ko at ang isang kamay ay ikinalawit sa bewang ko. Sa paputol-putol na pagsasalita ay nalaman kong iniwan daw siya ng kanyang asawa at sumama sa ibang lalaki na taga malayong lugar. Ayon sa iniwan daw sulat ay sumama siya sa isang taga Cebu.

Nang itanong ko kung kasama ang mga anak, ay iniwan daw yung panganay at isinama ang bunsong anak. Ang panganay na anak ay iniwan muna sa kanyang Nanay, bale lola ng anak niya.

Ayon sa kwento ni Theo, naging madalas daw ang pag-tatalo nila. Palagi daw wala sa bahay kapag dumarating siya. Ang sabi ng panganay na anak ay madalas daw umaalis at hindi alam kung saan pumupunta. Iniiwan daw ang mga bata sa kanilang Lola na malapit lang naman ang tinitirhan sa bahay nila.

Minsan daw na nagtalo sila ay nakasama pa ako sa away nila. Tila nagseselos daw sa akin dahil bukambibig na lang daw ako lagi sa tuwing ang-uusap sila. Naghinala daw yung si Edna, asawa ni Theo na may relasyon kami dahil minsan nagtatalik sila ay pangalan ko ang nabanggit. Nagselos daw ang asawa niya sa akin. Iyon daw ang dahilan para magloko ang asawa dahil gusto siyang gantihan.

“Pero, hindi naman totoo iyon, wala naman tayong relasyon. Hindi mo ba ipinaliwanag sa kanya?” sabi ko.

“Sinabi ko, pero ayaw niyang maniwala. Isa sa naging basehan niya ay nung minsan na makita niyang kasama kita sa biyahe.” Sabi niya.

Hindi ko masabi kung anong naging damdamin ko sa aking nalaman na naging dahilan pala ako ng pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa. Hindi ko malaman kung dapat ba akong ma-guilty. Dapat bang hindi na ako nakipag-kaibigan pa sa kanya? Dapat bang hindi ko sinunod ang pakiusap niyang sumama sa kanya sa biyahe? Kasalanan ko ba iyon? Totoo naman kasi na gusto ko na si Theo, na mahal ko na siya, pero wala naman kaming naging relasyon. Ang alam ko nga ay maligaya sila sa kanilang pagsasama.

Nakahiga na si Theo at tila nakatulog na. Malikot siya sa pagkakahiga, marahil ay naiinitan dahil sa pagkalasing. Minabuti kong punasan siya ng malamig na tubig. Bumili muna ako ng yelo sa tindahan tapos ay naglagay ng tubig sa isang maliit na planggana at doon ko inilagay ang yelo. Sabi ng iba ay maganda raw pampunas sa mga lasing ang malamig na tubig kaya iyon ang ginawa ko.

Aking hinubad ang kanya munang sapatos tapos ay ang kanyang tshirt. Napahanga naman ako sa hubad niyang katawan. Napakaganda naman pala ng kanyang katwan, para bang katawan ng nagbabad sa gym dahil may six pack abs siya. Parang inukit ang kanyang muscles sa katawan. Ewan ko kung bakit nagawa pang iwan ng asawa gayong isang adonis pala itong si Theo.

Akin na ring hinubad ang kanyang pantalon. Sa totoo lang, nagpipigil lang ako sa aking sarili, dahil kung hindi ko pipigilan ang aking sarili ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanyang kahalayan lalo na ng aking pinupunasan ang buo niyang katawan. Pati kasi brief niya ay aking hinubad. Kahit malambot pa ang kanyang alaga ay alam kong may kalakihan iyon kapag nagalit. Binihisan ko na siya, mabuti na lang ay may malalaki akong tshirt, short at brief na nagkasya sa kanya.

Nakontrol ko naman ang aking libog. Matino pa naman ang aking kaisipan. Pero paano ko ipaalam sa magulang niya na narito siya at lasing na lasing gayong hindi ko alam kung saan siya nakatira. Alam kong mag-aalala rin kahit papano ang mga magulang niya pati na rin ang kanyang anak.

Gabing-gabi na rin. Payapa na naman ang pagtulog ni Theo. Nahiga na rin ako sa tabi niya dahil wala naman akong ibang tutulugan. Nakatulog din naman ako kaagad.

Nasa kalaliman na ang gabi at nasa kasarapan na ako sa pagtulog nang magising ako dahil may naramdaman akong parang mabigat na nakadagan sa aking katawan. Pagmulat ko ng mata ko ay nakadantay pala ang mga hita ni Theo sa aking bewang, Nakatalikod kasi ako sa kanya ng makatulog ako.. Ang isa pa niyang braso ay tila nakayakap pa sa akin.

Hindi ako mapakali dahil sa may kakaiba rin akong naramdaman sa pagkakadagan na iyon sa akin. Napakainit ng pakiramdam ko, tila ako inaapoy ng lagnat. Hindi ko alam ang aking gagawin, gusto kong itulak ang binti niya, gusto ko siyang gisingin para maalis ang pagkakadagan sa akin, pero parang gusto ko rin. Gusto kong nakayakap siya sa akin, kasi nga iyon naman di ba ang gustong mangyari ng taong nagmamahal? Ang mayakap ng taong iyong minamahal.

Pero hindi yata tama na samantalahin ko ang pagkakataong ito lalo na at may dinaranas na matinding problema itong si Theo. Isa pa, kung sasamantalahin ko at magising siya at hindi magustuhan ang ginawa ko ay baka saktan pa ako at ma-eskandalo. Pero, ano na ba ang aking gagawin?

Nakakaramdan na ako ng pagnanasa, ng libog lalo na at naramdaman kong may matigas na bagay na nakatutok sa aking likuran. Para hindi ako tuluyang matukso ay itinulak ko ang hita niyang nakadagan sa akin. Sa pagkakatulak kong iyon ay gumalaw siya, nagising na yata.

 

 

>>>>>TATAPUSIN<<<<<

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...