Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

Anton’s Love and Sex Stories (Part 7) Cyrus at Aaron

 


Anton’s Love and Sex Stories (Part 7)

Cyrus at Aaron

 

 

“I love you Anton,” sabi sa akin ni Cyrus matapos naming magtalik.

“I love you too Cyrus. Sana hindi ka magbago pagkatapos nito,” sabi ko naman.

“Hinding-hindi. Ikaw lang ang tanging lalaking nagustuhan ko. Hindi ko nga maipaliwanag, kung bakit. Sinusunod ko lang naman ang idinidikta ng aking puso at isipan.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi bago kami natulog na masayang-masaya.

-----o0o-----

Simula noon ay lalo pang tumibay ang aming samahan. Nakilala ko na rin ang parents ni Cyrus at natutuwa raw sila sa malaking pagbabago ng kanilang anak simula ng malipat sa aming eskwelahan at nang maging kaibigan daw ako. Lagi daw akong nakukuwento ni Cyrus na ako raw ang nagtuturo sa kanilang magkakaibigan sa mga lesson na nahihirapan kami. Naging maganda raw ang grades nila dahil sa akin.

“Naku, matalino naman po ang anak ninyo Ma’am Agnes, Sir Johnny. Tamad lang pong mag-aral. Ang tangi ko lang pong tulong ay ayain na mag-aral, sila pong tatlo na magkakaibigan ay malaki ang imrprovement sa grades.”

-----o0o-----

Naulit pa ang aming pagtatalik, at sa tuwing magtatalik kami ay napapatunayan ko kung gaano ako ka espesyal kay Cyrus. Palihim man ang aming relasyon ay masaya naman kami. Gusto na niyang aminin namin sa mga kaibigan ko ang tunay naming relasyon pati na rin sa tropa niya, ako lang ang ayaw. Sabi ko ay hayaan na lang na ganito kami para walang tsimis na hindi maganda dahil alam kong maraming hindi sasang-ayon. Maaring matuwa ang mga kaibigan ko, pero hindi lahat. Syempre, una nang tututol ay ang aming mga magulang dahil sa kanila, mali ang relasyon ng parehong lalaki.

Pero dahil sa nakikitang sobrang close namin sa isa at isa, na kung minsan ay hindi namin na maitago ang aming pagiging malambing, ay naghihinala na ang aking mga kaibigan.

Marahil ay pati na ang dalawang malapit na kaibigan ni Cyrus ay naghihinala na. Minsan nga ay natanong na ako ni Allen kung kami na daw. Syempre sinabi kong hindi, sadya lang na naging close friend na kami.

Pero iba si Aaron, kasi ay feel ko na parang naiinis siya sa akin kapag sa akin nakadikit si Cyrus. Feeling ko ay nagseselos siya. Hindi ko naman maalis na talagang may ganon, kasi ako din naman ay nagseselos kapag ang kaibigan ko, lalo na ang aking bestfriend ay tila may iba nang palaging kasama. Ganon siguro ang nararamdaman ng dalawang kaibigan ni Cyrus, kasi nga ay sila ang dating magbe-bestfriend. Sa lahat ng kalokohan ay damay-damay sila.

Simula ng maging close kami ni Cyrus ay palagi na niya akong isinasama sa lakad nilang magbabarkada, sa mga gimikan, sa kainan, sa biyahe-biyahe. Minsan nga ay ayoko nang sumama, kasi kapag may ambagan ay wala naman akong mai-ambag dahil wala naman talaga akong pang-ambag. Ang aking allowance ay sapat lang na pangastos ko sa pagkain at transpo at wala sa mga gimikan. Si Cyrus palagi ang sumasagot sa share ko dahil siya daw naman ang nag-sama sa akin. Nahihiya rin ako syempre.

Bukod kay Allen at Aaron, may iba pa silang barkada na nakakasama, mga mayayaman din. Okay naman sila, mababait din naman sa akin. Mas okay pa nga silang kasama kesa kay Aaron.

Noon ko mas lalong nakilala ang dalawang pinakamalapit na kaibigan ni Cyrus, sina Aaron nga at Allen.

Sa dalawa ay nababaitan ako kay Allen, mas malapit siya sa akin, pero si Aaron, may time na gusto kong mainis. Minsan kasi ay nadinig ko na sinabi niya kay Cyrus na huwag na raw akong isama kapag may lakad silang magbabarkada, dagdag gastos lang daw.

Ewan ko kung anong papel niya sa buhay ni Cyrus, kung baga, para siyang secretary ni Cyrus. Siya lahat ang nakakaalam kung ano ang dapat na dalhin, kung ano ang kakainin basta tungkol kay Cyrus, siya ang bahala.

Minsan na napasama ako sa outing nila sa Tagaytay, kasama ang ibang barkada pa nila, syempre, hindi ko naman talaga kilala ang iba niyang barkada, pero welcome naman ako sa kanila. Napansin ko na dahil palagi akong nakadikit kay Cyrus ay panay naman ang dikit din ni Aaron, para bang nakikipag-compete sa akin, kaya ang ginagawa ko na lang ay kay Allen ako nakiki-join.

Mas okay si Allen. Hindi niya ako pinababayaan na mag-isa, lalo na kapag parang na-a-out of place ako dahil ako lang ang naiiba. Ewan ko lang kung may alam siya tungkol sa relasyon namin ni Cyrus.

“Allen, bakit ganon si Aaron sa akin. Dati kasi ay okay naman siya sa akin, lalo na noong una ko kayong i-tutor sa Math, pero bakit ngayon ay parang nagbago na siya, para bang galit sa akin kapag nakikita kaming magkasama ni Cyrus, feeling ko tuloy ay nagseselos siya. Hindi naman siguro inggit dahil wala naman ikaiinggit sa akin. Pobre lang kami at walang yaman na gaya ninyo.” Ang naihinga kong saloobin kay Allen.

“Pwede ba kitang sabihan ng sikreto?”

“Oo naman, ako pa, hindi naman ako tsismoso.”

“May gusto si Aaron kay Cyrus, pero ayaw naman ni Cyrus. Syempre, pareho silang lalaki. Hindi pumapatol si Cyrus sa lalake,” kwento ni Allen.

“Alam ba ni Cyrus? Nagtapat ba siya?”

“Oo, inamin niya, pero talagang kaibigan lang ang kayang ibigay ni Cyrus. Kahit na naman ganon nga, ay hindi naman nilayuan ni Cyrus si Aaron, kaibigan pa rin.”

“Paano kung may magustuhan na si Cyrus, maraming nga sa school na crush siya eh. Pati sa inyo. Ang gaganda kasi ninyong lalaki, mayayaman pa.”

“Matanong lang kita Anton, ikaw ba ay pwedeng magmahal din ng kapwa lalaki?”

“Hindi ko alam. Pwede siguro kung magpapakita ng kagandahang asal, katapatan, ewan. Ayaw kong sabihin na hindi pwede, posible.”

“Nice!”

“Anong nice?”

“Basta. Isa pa, natanong ko na dati kung kayo ni Cyrus.”

“Oo nga pala, bakit ka nagtanong ng ganon sa akin, huwag mong sabihin na may gusto ka rin kay Cyrus.”

“Hindi no. Pero may nagugustuhan na rin ako. Pero dun sa dahilan kung bakit ako nagtanong kung kayo ni Cyrus, kasi iba eh, iba ang vibes ko. Sobrang bait sa iyo ni Cyrus, tapos, minsang eh parang ang sweet nyo sa isa’t-isa. Alam mo iyon, yun bang parang mag-sweetheart.”

“Talaga? May napapansin kang ganon sa amin ni Cyrus. Eh tayo, ano bang trato ko sa iyo? Hindi ba, sa mga ganitong lakad ninyo ay ikaw palagi ang kausap ko? Sweet din ako sa iyo, kasi mabait ka. Ibig bang sabihin, may something na tayo?”

“Ewan ko ba. Iba talaga ang vibes ko sa inyong dalawa.”

“Hay naku, basta hindi kami. Teka nga pala, sino naman yung nagugustuhan mo, kaklase ba natin? Maraming magaganda sa klase natin.”

“Kung sabihin kong ikaw ang crush ko, maniniwala ka?”

“Hala… ano ba iyon. Ikaw talaga Allen ha, walang ganyanan.”

“Totoo naman eh, sinabi ko iyon kay Cyrus, alam mo ba kung anong reaksyon niya?”

“Hindi syempre… ano ba?”

“Nagalit siya, huwag na huwag ka daw tatalunin, mag-aaway daw kami. Nang tanungin ko kung bakit ayaw niya, wala naman siyang isinagot, basta, huwag ka daw pakikialaman.”

“Allen ha, wala namang lokohan. Nakikisama naman ako sa inyo ah.”

“Totoo naman ang sinasabi ko, kaya nga naghinala akong kayo na eh. Kung hindi kayo, baka pwedeng ako na lang. Sabi mo naman ay posible kang magmahal ng kapwa lalake.”

“Bading ka ba?”

“Hala. Tunay akong lalake. Iyon din kasi ang ipinagtataka ko, kung bakit parang nagkakagusto ako sa iyo eh lalaki ka rin. Talaga bang hindi pwede ang parehong lalaki? Ang totoo, gusto na nga kita eh.”

“Allen, tigilan mo nga iyan. Hindi maganda. Wala namang lokohan oh. Kaibigan na ang turing ko sa inyo, sobrang close ko na nga sa inyo eh. Mas naging close pa nga ako sa inyo kesa sa dati ko nang kaibigan.”

“Eh iyon ang totoo eh. Pero huwag kang mag-alala. Kasi ngayon pa lang ay alam ko nang rejected ako hehehe. Hindi ko na itutuloy pa, kalilimutan ko na lang ang feeling kong ito.”

“Anton… narito ka lang pala.” Si Cyrus, na inakbayan ako kaagad at naupo sa tabi ko.

“Lasing ka na yata ah,” sabi ko.

“Oo eh, napasarap kami sa pag-inom. Allen ha, madaya ka, nawala ka na roon,” sabi ni Cyrus.

“Walang kasama at kausap si Anton, alam mo naman na hindi siya umiinom at bawal, baka hindi na siya payagan na sumama sa mga lakad natin kapag nalaman na pinaiinom natin siya,” sagot naman ni Allen.

“Sorry Anton ha, nakalimutan na kita. Ako pa naman ang nag-aya sa iyo,” sabi ni Cyrus.

“Naku naman, huwag mo akong intindihin. Pasensya na talaga at talagang hindi ako umiinom. Mag-enjoy lang kayo. Allen sige na, sama ka na sa kanila.”

“Tama! Allen, bakit ka ba narito. Hayaan mo lang siya, killjoy eh.” Biglang singit ni Aaron na sinundan yata si Cyrus.

“Pasensya na Aaron. Kesa maging parang tanga lang ako doon kaya dumito na ako. Sige na, galit na si Aaron, baka awayin pa ako sa ka-killjoyan ko,” ang nasabi ko tuloy.

“Huwag ka ngang makialam dito Aaron. Bakit ba sinundan mo pa ako dito.”

“O… o, walang pikunan. Sige na Allen, Cyrus, tara na. Gusto yata ni Aaron na kaharap ako roon. Hindi yata masaya na wala ko roon,” sarkastiko kong sagot. Alam ko na yata ang lihim niya.

Minabuti ko nang maki-grupo sa kanilang pag-iinuman. Naupo ako katabi ni Allen, samantalang si Cyrus ay tinabihan naman ni Aaron. Kumuha ako ng sariling baso at sinabi kong hindi ako sasali sa tagayan nila. Nilagyan ko ng maraming yelo ang aking baso para maging tubig na lang ang alak hehehe.

Sa umpukang iyon ay naging curious tuloy ako kay Aaron dahil sa sinabi sa akin ni Allen. Tila may katotohanan nga yata ang sinabi niya tungkol rito. Hindi na maitago ang panglalandi niya kay Cyrus na hinayaan lang naman nito. Akala mo talaga ay sila ang mag-jowa.

“Halika Anton, langoy tayo,” aya ni Allen sa akin na kaagad ko namang sinang-ayunan. Ayoko kasi sa aking nakikita, parang nagseselos na kasi ako.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Magaang kasama si Allen, hindi ka maiilang. Pwede mong sabihin kahit ano.

Lumalalim na ang gabi. Patuloy pa rin ang inuman nila. “Ganun ba talaga kayo kapag nagkasama-sama? Hangga’t hindi nauubos ang alak ay hindi kayo titigil?” ang naitanong ko kay Allen.

“Oo eh. Ako lang talaga ang mahilig tumakas, hindi ako nagpapaka-lango.”

“Saan ka matutulog?”

“Maraming kwarto dito Anton. Pwede nga tayong lahat ay sa isa lang silid, maraming double decker na kama sa isang silid, yung iba ay pang apatan, Meron ding dalawahan lang.”

“Magbanlaw na tayo, tapos gusto ko nang matulog, sama na lang tayo sa isang silid.”

Umahon na kami ni Allen, doon kami nagdaan sa gilid na hindi nila makikita. Matapos magbanlaw ay namili kami ng silid na dalawahan lang ang kama.

Dahil talagang antok na ako ay kaagad akong nakatulog. Ewan ko kung gaano na ako katagal nakakatulog dahil nang magising ako ay tahimik na sa paligid, tapos na yata silang mag-inom. Wala sa kama si Allen, lumabas pa siguro nang makatulog na ako.

Nag-aalala ako kay Cyrus, baka kasi kung saan na nakatulog. Bumangon ako at tinanaw ang pinag-inuman nila, wala nang tao. Lumabas ako ng silid at sinilip ang isang sllid, baka doon natulog si Cyrus sa kalasingan, walang laman ang silid na iyon.

Yung kasunod na silid ang tiningnan ko, me dalawang natutulog, pero wala roon si Cyrus.

Natingngan ko ang lahat ng silid, pero wala roon si Cyrus at maging si Aaron.

Lumabas na ako ng building, baka kasi naiwan doon sa may pool ang dalawa kung saan sila nag-inom. Papunta na ako sa lugar na iyon ng makasalubong ko si Allen. “Saan ka galing Allen, nawala ka sa kama.”

“Ah, sumama ang tiyan ko, walang CR yung napili nating silid,” sabi niya.

“Nakita mo ba si Cyrus, wala siya sa kahit saang silid, baka kasi kung saan na lang nakatulog sa kalasingan.” Sagot ko.

“Uyy concerned. Bakit kaya hehehe. Totoo yata ang hinala ko sa inyo eh.”

“Hus! Ano ka ba? Nag-aalala lang ako. Alam kasi sa kanila na kasama niya ako at bantayan ko nga raw at baka malasing. Malay natin, baka nalunod na.” – ako.

“Oo nga ano. Tara, hanapin natin,” aya ni Allen.

Tinanaw namin ang paligid muna, malinis naman, walang tao, gumawi kami doon sa may pool, may mga halaman kasi roon  sa isang side. Nagkatinginan kami ni Allen ng may marinig kaming ungol.

“Shit, malapit na ako, bilisan mo pa, higpitan mo,” sabi ng isang boses na hindi ako maaring magkamali, kay Cyrus iyon.

Nagmamadali naming hinanap ang pinanggalingan ng ungol, kaagad naman naming natunton at sakto…

“Ayan na, ayan na ako ahhhhhhhh ahhhhhhhhh ahhhhhhhhh.”

Kitang kita namin ni Allen, si Aaron, nakaluhod sa harapang ni Cyrus at subo ang mahaba nitong burat habang nilalabasan. Para kaming naging-estatwa, hindi makakilos, umiwas kaming makagawa ng kahit anong ingay o kaluskos.

Kitang-kita namin na hugutin na ni Cyrus ang kanyang burat sa loob ng bibig ni Cyrus. Si Aaron naman ay panay ang lunok ng katas na inilabas ni Cyrus.

“Tara na Allen, hayaan na lang natin sila,” mahina kong bulong.

Palayo na kami nang marinig pa namin na nagsalita si Aaron. “I like you Cyrus. I really like you.”

Napahinto kami ni Allen, gusto kong madinig ang sasabihin ni Cyrus.

“Gusto na kita noon pa, matagal na. Bakit ba hindi mo ako magustuhan?” ang umiiyak na wika ni Aaron.

“Pinagbigyan na kita, hanggang iyon lang ang kaya kong ibigay sa iyo. Kaibigan lang ang turing ko sa iyo, hindi na hihigit pa roon,” sabi ni Cyrus.

“Dahil ba kay Anton. May gusto ka ba kay Anton? Kaya ba palagi mo siyang isinasama?”

“Tara na Allen, ayaw ko nang marinig pa ang pag-uusap nila. Pero dinig ko pa rin, kahit mahina ang isinagot ni Cyrus. Ewan ko lang kung narinig din ni Allen

“Oo gusto ko siya, mahal ko siya at siya lang ang nag-iisang lalaking mamahalin ko,” sagot ni Cyrus.

Sa silid….

“Naniwala ka na, may nasaksihan ka na. Mas malalang ebidensya hahaha. Ang gago ni Aaron, dito pa gumawa ng kababalaghan,” ani Allen

“Mas gago si Cyrus, bakit siya pumayag. Gusto rin siguro niya, hindi lang maamin, kasi nga, may pride. Nasabi nang hindi pumapatol sa kapwa lalaki. Papayag na lang ba na pachupa kung hindi gusto,” ang nasabi ko naman.

“Bakit ka galit?”

“Hah! Sinong galit? Bakit ako magagalit. Ikaw ha Allen, gumagawa ka ng issue.”

“Hindi na kung hindi. Tulog na tayo.”

-----o0o-----

Ewan ko kung nadinig ni Allen ang huling mga katagang sinabi ni Cyrus, na gusto niya ako. Oo, natuwa ako dahil inamin niya na may gusto siya sa akin, na hindi niya kayang mahalin si Aaron dahil ako ang mahal niya, pero, nasaktan din ako sa aking nakita. Bakit siya nagpachupa sa baklang iyon?

Parang gusto kong gumanti, Ano kaya kung akitin ko ang kanilang hardinero? Bwisit siya, bwisit ka Aaron!

Nakatulog ako na may tumulong luha sa aking mata.

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...