Biyernes, Disyembre 6, 2024

Anton’s Love ang Sex Stories (Part 18) Si Cyrus

 


Anton’s Love ang Sex Stories (Part 18)

Si Cyrus

 

 

“Jay… maraming babae, mas higit pa siguro sa ex mo. Sa gandang lalaki mong iyan? Doctor ka pa. Siguradong makakakita ka ng mas higit pa sa babaeng iyon.”

“Hindi siya babae Anton, lalaki siya, isa akong bisexual. Ang pagiging ganito ko kaya halos itakwil ako ng aking mga magulang.

Hindi ako makapaniwala, pero siya mismo ang umamin sa akin. Alam kaya niyang pareho lang sila ni Jaz? Paano kung malaman din ng parents nila na pati si Jaz ay bading din.

-----o0o-----

Hindi ko alam kung paano siya aaluin, patuloy siya sa pag-iyak. Nakinig na lang muna ako sa sinasabi niya.

“Minahal ko siya ng totoo, ipinaglaban ko siya sa aking magulang kahit na mangahulugang itakwil pa ko. Pero anong ginawa niya, iniwan pa rin ako at heto siya ngayon, magpapakasal sa iba. Ang tanga tanga ko,” wika niya na humahagulgol.

“Bakit ganon Anton. Wala na ba akong karapatang umibig? Umasa ako na babalikan niya, alam niyang hinihintay ko siya tapos… tapos… uhuhuhu!”

“Gusto ko nang mamatay kung mawawala siya sa akin Anton.”

Naalerto ako sa sinabi niyang iyon. Hala, baka madamay pa ako. Bata pa ako at baka mapagkamalang mamamatay tao.

“Hoy Jay, huwag ka nga. Ano bang kalokohan iyan. Lalaki lang iyan.”

“Hindi mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko,” sabi ni Jay.

“Alam ko, nararamdaman ko, naranasan ko, dalawang beses na Jay.”

Natigilan si Jay sa sinabi kong iyon, tinitigan ako, mata sa mata, titig na tila nagtatanong, titig na hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo, napakabata mo pa, naranasan mo na bang magmahal?”

Ikinuwento ko sa kanya ang mga naging karanasan ko, ang tungkol sa amin ni Cyrus at itong huli, si Xander.

“Totoo ba ang sinasabi mo? Nahuli mo sa akto na nagpachupa ang boyfriend mo sa kaibigan niya, doon mismo kung saan kayo nagpunta, wala namang delikadesa ang BF mo!”

“Tama ka, kaya iniwan ko, nakipaghiwalay ako. Hindi ko kayang magpatawad sa ginawa niya sa akin.”

“At yung Xander, nagpakita sa iyo na may asawa na at anak?”

“Tama, totoo iyon. Pero anong magagawa ko, lalaki ako, lalaki rin siya, dahilan niya ay hindi tanggap ang ganoong relasyon. Tinanggap ko lahat iyon kaya madali akong naka-move-on.

“Pero ang bata mo pa?”

“Iyun na nga, bata ako, kinaya ko. Eh ikaw, nasa tamang gulang na, pero nagpapaka-tanga.”

“Ang sakit mo namang magsalita.”

“Kailangan ka talagang saktan para magising ka.”

Medyo kumalma na si Jay. “Anton, wala ka na bang nararamdaman kay Cyrus o kay Xander?”

“Hindi ko alam. Hindi ko pa uli nakikita si Cyrus. Si Xander? Oo, mahal ko pa, pero tinanggap ko na sa sarili ko na hindi magiging kami. Sinimulan ko na siyang kalimutan. Kaya ikaw Jay, simulan mo na. Sabi mo nga ay ikakasal na. Maligaya na siguro siya at kung mahal mo talaga siya, hindi ba dapat ka ring maging masaya dahil ang minahal mo minsan ay maligaya na?”

“Tama ka Anton. Bilib ako sa iyo, ang bata-bata mo pa, pero parang mas matatag ka pa sa akin.”

“Okay lang iyan Jay, mabuti rin na ma-experience mo, maging lesson sa iyo.”

Nahimasmasan na rin si Jay, mahigpit akong niyakap at nagpasalamat. Tinapik-tapik ko lang siya sa balikat dahil alam kong nakakapag-pagaan ng mabigat na problema ang pakikinig.

“Anton, pwede kayang maging tayo, tutal naman… pareho tayong bigo, dapat ang mga bigo ang nagsasama-sama.”

“Ewan ko sa iyo! Patawa ka. Pero okay lang iyan ang magpatawa. Wika nga sa ‘Reader’s Digest”, “Laughter is the best medecine”, tawanan lang natin ang problema. Okay ka na. Uwi na ako at may gagawing pa akong assignment.

“Salamat ha, best friend na tayo.”

-----o0o-----

Pagdating ko sa boarding house ay sa karinrerya ni kuya ako nagdiretso, nagutom kasi ako, hindi man lang kasi ako pinamiryenda ni Jay.

“Saan ka galing Anton? Halika at ipakikilala ko sa iyo ang bago nating kasamahan dito,” wika ni Rolly na hinila na ako sa isang mesa.

“Anton, sila yung nasa room 33, sina Cyrus at Aaron.. Cyrus… Aaron, si Anton, sa room 22,” pakilala ni Rolly.

“Dito ka rin pala Anton, bakit ngayon ka lang namin nakita?” – si Aaron.

“Magkakilala kayo?” – si Rolly.

“Ah oo, magkababayan kami,” tugon ni Aaron.

Walang kaimik-imik si Cyrus, lumamlam ang mga mata. Bakit kasi dito pa tumira. Mayayaman na sila, bakit hindi sa apartment tumira?

“Oo Rolly, magkababayan kami. Nakaklase ko pa nga sila dati sa high school. Hello! Sandali lang ha at mamimili pa ako ng gusto kong kainin.” Tinalikuran ko na sila. “Rolly, yun na lang spaghetti. Sa room ko na lang kakainin ha, ibaba ko na lang yung pinggan mamaya. Medyo kailangan ko munang magbanyo hehehe.”

Minabuti ko na lang na magdahilan para makaiwas sa kanila. Umakyat na ako. Nawalan ako ng ganang kumain, nawala ang aking gutom.

Bakit ganon, bakit parang naiinis pa rin ako, lalo na kay Aaron. Akala ko ay naka-move-on na ako, pero bakit ba parang nagbalik ang sakit na pinaramdam nila sa akin. Tapos dito pa tumira.

“Matatag ako, hindi ako paaapekto sa kanila,” pilit kong isinisiksik sa aking isip. Nagpahinga na muna ako at pagkatapos ay nag-shower.

Nakapag-shower na ako ay hindi pa rin nawawala sa isipan  ko si Cyrus. Bakit ba nagpakita pa sa akin ang pesteng Cyrus na iyon? Okay na ako eh.

“Anton! Anton! Tok tok tok,” malakas na tawag sa akin at katok sa pinto.

Si Justine ang tumatawag sa akin, kaagad kong binuksan ang pinto. “Justine, halika… pasok ka. Anong aten?” bati ko.

“Pareho lang ang aten ano ka ba?” birong tugon ni Justine. “Sabay tayong mag dinner mamaya ha, wala akong kasabay,” aya ni Justine.

“Sige. Dito ka muna. Ano bang ginagawa mo?”

“Wala lang. Kumakatok ako kanina diyan, wala ka pala. Saan ka galing?”

“Ah… sa isang kaibigan. May problema daw, gusto nang kausap, iyak ng iyak sa telepono kaya pinuntahan ko na.”

“Ano daw ang problema?”

“Ah… sa love, broken hearted. Nag-asawa ang nobya. Matagal na rin silang wala, pero nang malaman na ikakasal na ay hayun nagwala at magpapakamatay daw. Napuntahan ko tuloy ng hindi oras. Kalmado na naman.”

“Kapag ako ay nagka-problema sa love Anton, sa iyo rin ako hihingi ng payo ha?”

“Haay naku Justine. Tumigil ka. Mag-jowa ka na muna uli.”

“Mabuti pa ay kunin ko yung gamit ko at dito ko na gawin ang assignment ko,” paalam ni Justin.

“Mabuti pa nga, may gagawin din akong assignment.”

-----o0o-----

Nauna akong nakatapos kay Justine, nahiga muna ako at nag-unat-unat. “Gisingin mo ako kapag nakatulog ako ha kung kakain na tayo,” bilin ko.

“Huwag ka nang matulog, matatapos na ako, baba na tayo para kumain pagkatapos ko. Gusto kong kumain ng maaga nang makatulog din ako ng maaga,” sabi ni Justine.

Pagbaba namin ay nakasabay pa namin sina Aaron at Cyrus, nauna lang kami ng bahagya. Nakaupo na kami sa mesa at hinihintay na lang namin i-sere ang order namin.

Maya-maya ay lumapit sa mesa namin si Cyrus. “Dito na rin kami ha, share na tayo sa mesa,” sabi ni Cyrus na nakatingin sa akin.

“Sure, okay lang, apatan naman ang mesang ito. Anton, na meet mo na ba sila, si Aaron at Cyrus,” sabi ni Justine.

“Ah oo kanina,” sagot ko.

“Magkakilala talaga sila Justine, magkababayan sila. Kanina ko lang nalaman ng ipakilala ko,” sabad ni Rolly na siyang nagdala ng aming order.

“Ah ganon ba. Mas mainam. Biruin ninyo, nagkatagpo-tagpo kayo dito.”

Hindi na muna ako umimik, sinimulan ko nang kumain. “Bilisan mo na Justine at may gagawin pa akong assignment,” sabi ko.

“Akala ko ba ay natapos na natin kanina pa.”

“Meron pa, sa iban subject naman,” palusot ko. Ang totoo ay gusto ko lang makaiwas sa dalwang tukmol na ito. Nawawala kasi ako sa mood.

Maging si Cyrus ay wala ring imik. Ewan ko kung anong iniisip at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Justine, para kasing ang sama ng tingin kay Justine.

-----o0o-----

Mabuti na lang at itong linggong ito ay hindi kami nagkikita nina Aaron at Cyrus, talagang iniiwasan ko siya.

Sabado na naman, umuwi na naman si Jaz, gayon din si Justine. Pati ang ibang kasama namin sa boarding house ay nagsiuwian din yata, wala na akong kasabay sa pagkain.

Nag-stay lang ako sa aking silid, tamad na tamad akong kumilos. Matapos akong maglinis ng silid ay nahiga na uli ako.

“Tok tok tok!”

May kumatok. Baka si Justine, baka hindi talaga umuwi. Pagbukas ko ng pinto ay gulat ako, si Cyrus pala. Isasara ko na sana kaagad ang punto, pero maagap siyang naiharang ang kamay.

“Anong kailangan mo?” galit kong tanong.

“Anton naman, mag-usap naman tayo, kahit sandali lang.”

“Ano pang pag-uusapan natin Cyrus. Baka malaman pa ni Aaron na nagpunta ka sa silid namin ay mag-away pa kayo. Alam mo naman ayaw ko ng gulo. Umiiwas na nga ako sa inyo eh.”

“Wala siya dito, may pinuntahan. Kung narito man siya ay wala akong pakialam malaman man niyang pinuntahan kita.”

“Ano nga bang kailangan mo, sabihin mo na at may gagawin pa ako.”

“Papasukin mo muna ako. Mabuti at walang tao, baka isipin na nag-aaway tayo.”

Pinapasok ko siya, naupo ako sa gilig ng aking kama, siya sa isang monoblock sa gilid. “Sige, sabihin mo na.”

“Anton, gusto ko sanang magsimula tayo uli, maging magkaibigna muli. Naging magkaibigan naman tayo ah. Naging mabuti rin naman akong kaibigan sa iyo.”

“Sa tingin mo ba ay maibabalik pa ang dati nating pagkakaibigan lalo na at kasama mo pa rin si Aaron. Siguro kung si Allen ang kaama mo diyan, baka mapagbigyan pa kita.

“Wala kami ni Aaron. Kung may nangyari man sa amin noon ay dahil lasing lang ako. Hindi na iyon naulit pa.”

“Dapat ba kitang paniwalaan? Magsasama ba kayo sa iisang silid na ganon lang. Alam na alam mong may gusto siya sa iyo. Hindi mo ba siya kayang layuan? Bakit si Allen ay nagawa mong layuan?”

“Wala na si Allen?”

“Ha, anong wala na?”

“Nasa ibang bansa na si Allen, ang pamilya niya. Nag-migrate na sila roon simula ng mag-graduate, doon na rin siya nagpatuloy ng pag-aaral.

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kasing nawala ay namatay na siya.

“Anton, mahal pa rin kita, hindi kita makayang limutin, ikaw lang ang tanging minahal ko, maniwala ka sana. Wala nang nangyayariu pa sa amin ni Aaron. Matagal na kaming magkaibigan at hindi ko lang talaga kayang makipagkasira sa kanya. Mabait si Aaron, kung makikilala mo lang sana siya ng lubos, magkakasundo rin kayo. Ang hinihiling ko lang naman sa iyo ay maging magkaibigan tayo, wala na. Ayaw ko na nagiisnaban tayo.”

“Sa palagay mo ba ay papayag si Aaron ng ganon lang. Alalahanin mo, hindi ka kayang iwan ni Aaron. Bakit ba hindi mo siya kayang mahalin?’

“Dahil ikaw ang mahal ko.”

“Hindi na kita mahal kaya ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo.”

“Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa iyo, gusto ko lang talagang magkasundo tayo. Muling mabalik ang pagkakaibigan natin.”

“Hanggat kasama mo si Aaron, hindi mangyayari ang gusto mo. Malaki ang galit niya sa akin, aminin mo man o hindi. Hindi ako galit sa kanya, naawa ako sa kanya. Nagmahal lang ang tao. Alam mo ba kung gaano ko siya sasaktan muli kapag nakipagmabutihan uli ako sa iyo. Kahit pa sabihing bilang kaibigan lang. Sige, babatiin kita kapag nagkasalubong tayo, ngingitian kita, pero hindi ako makikipag-usap sa iyo na tila walang nangyari sa atin.”

“Bigyan mo naman kami ng chance. Ang totoo ay siya ang may gustong makipagbati na ako sa iyo. Maging siya ay gusto na rin makiapagkasundo. Ayaw na rin niya ng away.”

“Okay sige, pagbibigyan ko kayo, pero huwag mong hahaluan nang iba pa dahil hindi na kita kayang mahalin pa. Sana lang pag-aralan mong mahalin din si Aaron. Mahal na mahal ka niya.

-----o0o-----

 

>>>>>Itutuloy<<<<<

2 komento:

  1. Team Cyrus! Sana magkabalikan sila muli. ;-)

    TumugonBurahin
  2. Hays sana para sa kanya na si Justine!! 2 seasons na sya sa boarding house! HAHA

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...