Sabado, Disyembre 14, 2024

Anton’s Love ang Sex Stories (Part 22) Natukso na naman

 


Anton’s Love ang Sex Stories (Part 22)

Natukso na naman

 

Anton

Naalimpungatan ako dahil sa kakaibang ungol na narinig ko. Nag-alala ako na baka may binabangungot sa kanilang pagtulog. Pagmulat ko ng mata ay nakapatong si Justine kay Jay at tila sarap na sarap ang dalawa sa kanilang ginagawa. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na kaagad na may mangyayari sa dalawa.

Plinano kong ipakilala si Justine kay Jay, nagbabaka-sakali akong mabaling ang pansin ni Jay rito dahil sa isang magandang lalaki talaga si Justine. Gusto ko ring na may makilalang iba si Justine dahil sa baka masyadong ma-lulong sa akin. Totoo naman crush ko siya, pero hindi nangangahulugan na love ko na siya. Hindi pa ako handa na umibig muli.

Sa pagkakita ko sa kanilang ginagawa, aaminin ko na may konti akong inggit, basta, mahirap ipaliwanag. Maaring libog lang. Sino ba naman ang tatanggi sa kanya kung kalibugan ang basehan, sa ganda niyang lalaki at pamatay na katawan, ano pang hihilingin mo.

Kinabukasan ay nagkunwari akong walang alam, hindi ko naman gustong malagay sa alanganin itong si Justine. Mapapahiya siya sakaling bistuhin ko.

Naglangoy pa kami sa dagat ng may isang oras pang mahigit. Mami-miss ko ang ganito. Bago magtanghalian ay umuwi na rin kami, inihatid kami ni Jay sa aming boarding house.

“Maraming salamat Jay ha. Nag-enjoy ako talaga,” sabi ko kay Jay bago siya umalis.

Samantala ay hindi man lang lumingon si Justine pagbaba ng sasakyan, hindi man lang niya pinansin si Jay at tuloy-tuloy na umakyat patungo sa kanilang silid, basta na lang ako iniwan at hindi na hinintay.

Kaagad na akong nag-shower at pagka-shower ay kinatok ko si Justine para kumain ng tanghalian.

Pagbukas ng pinto ay pupungas-pungas pa si Justine, nakatatulog pala. “Hindi ka ba nagugutom? Magwa-one na. Kain na tayo,” aya ko kay Justine.

“Mauna ka na Anton, wala akong gana eh.”

“May dinaramdam ka ba?” tanong ko. Nilapitan ko siya at dinama ang ulo. “Wala ka namang lagnat, tara na at baka malipasan ka ng gutom,” pagpilit ko, pero ayaw niya talaga. Hinayaan ko na lang. Sa tingin ko ay iniisip pa niya ang nangyari sa kanila ni Jay kagabi.

Pagbaba ko ay nakita ko kaagad ang dalawa ni Aaron at Cyrus na kumakain din. Parang gusto kong umatras, pero itong si Rolly ay kaagad akong natanong kung saan galing.

“Sa Real, sa Quezon, inaya ako ng kaibigan ko na mamasyal. Kasama ko si Justine,” sagot ko kay Rolly.

“Wow, maganda raw doon ang beach ah. Nag-enjoy ka siguro ng husto ano?”

“Tinanong mo pa. Grabe, ang sarap maglangoy, enjoy na enjoy talaga kami.”

“Sino nga pala yung sumundo sa iyo? Ang gwapo ano. Mukhang mayaman, ang ganda ng kotse, mamahalin.”

“Ah, si Jay. Doctor iyon. Gwapo talaga, mapapaibig ka talaga hehehe,” sabi ko na sadyang pinaririnig ko kay Cyrus. Alam kong nakikinig siya sa usapan namin.

“Ano nga pala ang order mo?”

“Ah gulay na lang, nagsawa kasi ako sa mga sea foods doon eh, ang sarap kumain doon  lalo na sa malapit sa dagat, gaganahan kang kumain,” tugon ko.

“Doon ka na lang umupo ha? Doon ko na ise-serve ang order mo,” sabi ni Rolly na itinuro ang isang mesa na may isang lalaking nakaupo. “Ipakikilala ko sa iyo ang kaibigan ko, dati ring siyang dito tumira, doon mismo sa room ninyo ni Jaz,” dugtong pa ni Rolly.

Pag-upo ko ay kaagad akong nagpakilala. “Hello, ako nga pala si Anton,” bati ako at nakipag-kamay.

“Arnold,” tugon naman niya sabay abot sa aking kamay. “Kaibigan ko si Rolly, dati ako dito nakatira sa room 22,”

“Nasabi nga sa akin ni Rolly. Nice meeting you ha. Buti ka pa, nakatapos na. Nagtatrabaho ka na ba?”

“Oo, swerte lang na nakahanap talaga.”

“Kaya papasyal-pasyal na lang. Buti at nadadalaw ka pa dito.”

“Oo naman.”

Sa oras na ito ay inilapag na ni Rolly ang aking order na gulay at kanin. Naupo pa siya at nakipag-tsikahan sa amin. Palihim kong nililingon sina Cyrus, nagkasalubong pa ang tingin namin, pinagmamasdan talaga kami, o marahil ay ako lang, nakasimangot.

“Nagkakilala na kayo?”

“Oo naman. Bakit parang ang saya mo ngayon Rolly, inspired ka yata ngayon at ikaw ang nakabantay sa karinderya ninyo.”

“Pinagpahinga ko muna si Tatay. Ang dami kasing kumain kanina. Kaya ko na kapag ganitong oras, konti na lang ang kumakain. Mamaya uli ang bugso kapag oras ng miryenda.”

“May nagpapasaya yata sa iyo eh, ihhhhh hahaha.”

Kinilig pa si Rolly sa sinabi ko. “Jowa mo?” bulong ko sa kanya. Tumango naman siya na nakangiti, iba talaga ang aura niya. Iba talaga kapag nagmamahal.

“Huwag kang maingay ha, baka makahalata si Tatay, lagot ako. Hindi pa niya alam na jowa ko itong si Arnold,” mahina niyang wika na narinig din naman ni Arnold.

“Binalaan ko na iyan na kapag hindi pa inamin sa tatay niya ay hihiwalayan ko siya,” sabad ni Arnold.

“Hala Rolly. Ang swerte-swerte mo pala. Biruin mo? Saan ka hahanap ng lalaking magmamahal sa iyo na hindi ka ikakahiya. Hindi mo ba kayang ipaglaban sa Tatay mo ang mahal mo. Bahala ka, sa gwapo nitong si Arnold, maraming nag-aabang diyan.”

“Huwag mo naman akong takutin Anton, hindi ko makakaya na mawala siya sa akin,” sagot ni Rolly.

“Kaya nga. Bakit ba hindi mo pa maamin. Graduate na tayo pareho, may trabaho na ako,”

“Baka itakwil ako ni Tatay!”

“At bakit naman kita itatakwil. Siya ba ang jowa mo? Hoy Arnold, binabalaan kita, ayaw kong masasaktan ang anak ko, kaisa-isahan yan. Lagot ka sa akin kapag nakita kong umiyak iyan ng dahil sa iyo,” sabad ni Kuya na naririnig pala ang usapan namin.

“’Tay… hindi ka galit?” nagtatakang tanong ni Rolly sa Ama.

“Galit! Dahil kung hindi ko pa narinig ang pinag-uusapan ninyo ay hindi ko pa malalaman ang tungkol sa inyo. Matagal ko nang alam na bading ka, ama mo ako. Hinihintay ko lang na magtapat ka sa akin. Anak kita at mahal kita. Kaya tandaan mo Arnold, mananagot ka sa akin kapag nakita kong sinaktan mo ang anak ko,” wika ni Kuya.

“Kuya, mahal ko po si Rolly. Ang tagal ko na pong sinasabi sa kanya na aminin na niya ang tunay niyang pagkatao nang masabi na rin namin ang tungkol sa amin, ayaw po niya, natatakot daw sa iyo. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po siya sasaktan,” paliwanag ni Arnold.

Tumayo na si Arnold at nilapitan si Rolly, niyakap niya ito saka sila lumapit kay Kuya at yumakap din. Maiyak-iyak pa ang mag-ama sa kanilang drama.

Samantala, nakita kong tumayo na sina Cyrus at Aaron, tapos na silang kumain. Pagdaan sa akin  ay nasagi ko ni Cyrus o sadyang sinagi. Muntik na akong matumba, naging maagap lang si Rolly.

“Dahan-dahan naman, nakakasagi na kayo eh ang lapad-lapad ng daraanan,” pagalit na wika ni Rolly.

Sa halip na mag-sorry ay inismiran lang ni Cyrus si Rolly.

“Hayaan mo na lang siya Rolly, inggit lang ang mga iyan,” malakas kong wika habang sinusundan ko sila ng tingin. Alam kong narinig ni Cyrus iyon. Nanlilisik ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin.

“Anton, magkababayan kayo di ba? Bakit parang hindi kayo close, para pa ngang magkagalit kayo eh,” tanong ni Rolly.

“Ewan ko ron, mayabang lang talaga ang mga iyan,” tugon ko.

“Mabait naman sila, sa iyo lang ganyan iyan. Marunong naman makisama sa mga tenant dito eh,” sabi pa ni Rolly.

“Ewan ko sa kanila. Huwag na nga natin silang pag-usapan, hindi siya importante. Paano, masaya na kayo?”

“Sobra!” sabay pang sagot ni Arnold at Rolly.

-----o0o-----

Nakatapos na akong kumain ay hindi pa rin bumababa si Justine. Hindi na muna ako nag-usisa, kung ano man ang gumugulo sa isipan niya, alam kong makakayanan niya iyong lutasin.

Gaya ng dati, sabay pa rin kaming pumapasok sa eskwelahan ni Justine, kaso nga lang ay tahimik lang siya, naninibago ako dahil nawala ang kakulitan niya. Ayaw naman magsalita kung ano ang problema.

Sina Cyrus at Aaron ay hindi ko rin napagkikikita nitong nakaraang araw. Ewan ko ba kung bakit gusto ko pa rin siyang nakikita, kaya lang ay nawawala ang mood ko kapag kasama niya palagi ang epal na si Aaron.

Minsan na medyo late akong nakauwi ay nakita kong naglalakad si Roi, ang roommate ni Justine, pauwi na rin siya.

“Roi!” tawag ko sa kanya.

“Uy Anton! Late ka yatang umuwi ngayon.”

“Oo eh, me ginawa pa kasi ako sa library. Me gusto lang akong itanng sa iyo. Kumusta si Justine?”

“Hindi ba palagi kayo ang sabay sa pagpasok? Bakit?”

“Kasi Roi, itong nakaraang ilang araw ay palagi siyang walang kibo, nawala ang kakulitan. Baka kako may problema eh ayaw namang magsabi sa akin. Me alam ka bang problema niya.”

“Ganon? E sumobra pa nga yata ang kakulitan niya eh. Wala akong nakikitang pagbabago sa kanya, gaya rin ng dati, masayahin, mapagbiro. Kung hindi masyadong nakibo, baka may sama ng loob sa iyo.”

“Wala naman kasi akong alam na ikasasama niya ng loob sa akin.”

“Hala, iisa lang ang ibig sabihin niyan, sigurado ako, nagkakagusto na siya sa iyo, hindi lang makapagtapat dahil nahihiya, kaya hindi na lang kikibo.”

“Hala, may ganon? Kaya ba kapag nagkakaharap kayo ni Darryl kapag nagkakasabay tayong kumakain ay natatameme ka? Ibig bang sabihin ay napo-fall ka na sa kanya? Aminin mo Roi.”

“Anton! Baka may makarinig sa iyo.”

“Tama ako ano?”

“Tama ka Anton, pero hirap diskartehan eh, masyado siyang tahimik, hindi ko matantiya kung kelan ako dapat magpahaging ng salita,” pag-amin ni Roi.

“Kaya mo yan, ikaw pa eh nahawa ka na rin yata sa kakulitan ni Justine. Ano, wala ka bang napapansin na kakaiba sa mokong na iyon.”

“Wala talaga, sumobra pa nga yata ang kakulitan eh.”

-----o0o-----

Isang lingong ganon palagi si Justine sa akin. Dumating na naman ang Sabado, wala na namang tao. Sobrang tahimik sa paligid. Naisipan kong i-chat si Justine, tinanong ko kung umuwi sa kanila. Hindi raw, tinatamad daw siya. Inaya kong gumala, wala raw sa mood. Hindi ko na siya pinilit.

Naglaba na lang ako at naglinis ng kwarto at nagshower na. Saktong 12 kaya kinatok ko uli si Justine para kumain. Sumabay naman siya. Tahimik pa rin siya, pagkakain ay balik uli sa kwarto. Haay naku, minsan ay nakaiinis din ang ganon, siya na nga ang inaalala eh siya itong… ah ewan.

Alas tres ng hapon, tsinat ko uli si Justine, inaya kong lumabas, pero hindi niya sinasagot ang message ko. Nagpasya na lang akong lumabas uli. Pagbukas ko ng pinto ay bumulaga naman sa pintuan si Jaz.

“Saan ang lakad mo?”/”Bakit naandito ka na?” panabay naming tanong sa isa’t isa.

“Hindi naman ako umuwi, kina kuya ako natulog. Saan nga ang lakad mo?” sagot at muling tanong ni Jaz.

“Nabo-bore ako dito eh, nag-iisa ako. Magmo-malling sana ako,” tugon ko.

“Sandali, ipasok ko lang itong bag ko. Sama ako sa iyo.”

-----o0o-----

Naglalakad na kami ni Jaz sa loob ng mall nang masasalubong naman namin sina Cyrus at Aaron. Dati rati ay iiwas na lang ako, pero naisip kong bakit ba ako iiwas, hindi na naman sila nakaka-apekto sa akin.

“Hindi ba sina Cyrus iyon?” tanong ni Jaz.

“Jaz… akbayan mo ako.”

“Hah! Bakit?”

“Basta!”

May pagtatakang inakbayan naman ako ni Jaz, para kaming magsyota sa arte ko. Nang magtapat kami ay naunang bumati si Aaron.

“Saan ang punta ninyo? Date na ba iyan?” bating tanong ni Aaron.

Sasagot sana si Jaz, pero inunahan ko siya. “Inaya akong manood ng sine nitong si Jaz eh. First date namin hehehe,” sabi ko.

Nag-iba na naman ang tingin sa akin ni Cyrus, nakasimangot na naman. “Mauna na kami, enjoy your date,” paalam ni Cyrus sabay lakad papalayo. Napatunganga na lang si Aaron, mabilis naman niyang hinabol ito.

“Anong first date? Talaga lang ha, tayo na ba?” birong tanong ni Jaz.

“Hoy! Tumigil ka. Sinabi ko lang iyon para mainggit ang Aaron na iyon. Hindi ba close na kayo ni Aaron?”

“Hindi ah. Ayoko kaya sa kanya, ang yabang ng dating niya sa akin. Manood ba tayo?”

“Hindi no, gusto ko lang magpalamig dito, ang init kaya sa room namin. Tara, magmiryenda na lang tayo. Gusto ko ng pizza.”

“Okay, sinabi mo eh.” Iyon lang ang nasabi ni Jaz.

Masarap din namang kasama itong si Jaz, huwag lang sanang ipipilit ang panliligaw niya ay okay na siya para sa akin. Hindi naman mahirap mahalin itong si Jaz, gwapo rin siya, mabait, maalalahanin. Kaya lang ay talagang hindi ko siya Type. Kapag-nagpapahaging siya ay kaagad ko siyang sinasabihan ng “hindi kita type”. Gaya ngayon, tinanong ako kung type ko raw ba si Cyrus.

“Hala, inis nga ako sa kanya eh.”

“Eh bakit iba ang nakikita ko sa ikinilos mo kanina, parang gusto mong pagselosin eh. Kayo ba dati?”

“Walang kami at walang dati. Umayos ka nga Jaz.”

Nag-ring ang phone ni Jaz, kaagad namang sinagot. Sandali lang naman ang pag-uusap nila. Nadinig ko pang sabihin ni Jaz na, “Sige kuya, puntahan kita uli diyan”.

“Anton, pinapupunta uli ako ni Kuya sa kanyang Condo. Balik muna ako sa boarding house, kunin ko ang bag ko. Hindi ba nakakahiya sa iyo kung mauuna na ako sa iyo?”

“Walang problema, mauna ka na at maglilibot-libot muna ako. Magsosolo nga sana ako kanina sa pagpunta rito eh.”

Iniwan na ako ni Jaz, nagmamadali na siya. Mag-e-LRT lang naman siya.

Naglibot-libot nga ako, tingin dito, tingin doon, wala naman akong bibilhin. Nang mapagod na ako ay nagpasya na akong umuwi. Pasakay na ako ng LRT ng makita kong lumabas si Rexy sa isang sinehan na halos katapat ng LRT Station. Sa pagkaalam ko ay mga lumang pelikula ang ipinalalabas doon. May nakapag-sabi kasing pugad iyon ng kalaswaan.

-----o0o-----

Napagod din ako sa kalalakad sa mall, kaya pagdating ko ay kaagad akong nahiga, nakataas pa ang paa ko dahil ang sabi ay madali raw makakaalis ng ngalay kapag nakataas ang paa habang nakahiga.

7PM na ay hindi pa ako nakararamdam ng gutom, marami kasi akong nakain na pizza, hindi na lang ako kakain ng hapunan. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan, si Justine.

“Anton, mag-usap tayo, hindi ko na talaga kaya,” wika ni Justine na tila iiyak na.

“O, ano ba iyon. Problema ba? Matagal ko na kaya akong nagtatanong sa iyo kung anong problema. Ano… malala na ba?” – ako.

“Pasensya na, nahihiya kasi ako sa iyo, ang laking kasalanan ko sa iyo.”

“Anong kasalanan iyon?” Tanong ko.

Inakbayan ko siya at inakay para maupo sa silya. Nagkwento naman siya tungkol sa nangyari sa kanila ni Jay sa Resort sa Quezon.

“Natukso lang ako, hindi ko gusto ang nangyari, maniwala ka. Ikaw ang gusto ko, totoo iyon. Pakiramdam ko kasi ay pinagtaksilan kita kaagad,” ang tumutulong luha ni Justine habang nagpapaliwanag.

Inakbayan ko uli siya, inakbayan, tinapik-tapik sa likod. “Ano ka ba naman Justine, ano at pinoproblema iyon. Lalaki ka, natutukso. At bakit mo iisipin na nagtaksil ka sa akin, hindi pa naman tayo.”

“Iyon na nga eh, hindi pa tayo eh nakagawa na agad ako ng kataksilan, doon pa mismo kung saan ka rin naroon. Patawarin mo ako Anton. Nakokonsensya kasi ako Anton.”

“Sige, para sa ikatatahimik mo, pinatatawad na kita, tahan na. para kang bata, iyakin.”

Sa pagkakataong iyon ay tumayo siya at niyakap niya ako, sobrang higpit. Naramdaman ko tuloy ang init ng kanyang katawan. Na-imagine ko tuloy ang napakaganda niyang katawan na talagang naman kanasa-nasa. Naramdaman ko rin ang kanyang pagkalalaki, daks itong si Justine, sigurado ako. Hindi ko naman kasi nakita ng husto ang kanyang ari nang nagkakantutan sila ni Jay.

Maraming salamat Anton, pangako, hindi na mauulit, hindi ko na kakausapin pang muli si Jay. Ilang beses niya akong tinatawagan, pero hindi ko siya sinasagot.

Umupo na siya sa aking tabi at inakbayan ko naman, humilig naman siya sa aking balikat at parang baby na naglalambing.

“Ang bait mo talaga Anton. Nagpapasalamat ako at nakilala kita. Sana, tayo na lang ang magka-roommate,” sabi pa niya.

Nag-angat siya ng ulo at tinitigan ako. Hinawakan pa ako sa aking baba para magtapat ang aming paningin. Nagulat ako ng halikan niya ako sa aking labi. Dampi lang, banayad na halik, pero nagdulot naman sa akin ng kakaibang init. Napabuka ang aking bibig, siniil na niya ako ng nagbabagang halik. Hindi ko naiwasan, maaga akong nadarang. Ilang sandali lang ay nakikipaglaplapan na ako sa kanya, nagawa niyang maipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko, mainit, tila may hinahanap na kung ano.

Nang magkabungguan ang aming mga dila ay tuluyan na kaming nakalimot. Habang naghahalikan kami ay nilalamas nya ang aking dibdib. Lalo akong nakadama ng libog. Matagal na rin kasi na matukso ako kay Jaz at ngayon ay dito naman kay Justine. Sadya yatang marupok ako, hindi ko kayang iwasan ang tukso.

Hinawakan ko na ang kanyang batok at lalo kong ipinagdiinan ang mukha niya sa akin. Nakipagsipsipan na ako sa kanya ng dila at laway, ang sarap niya, ang bango ng hininga, tuluyan na akong nawala sa sarili.

Tinanggal niya ang suot kong Tshirt at siya din ay hinubad ang usot na damit. Nakita ko na naman ang matipuno niyang katawan, gayong napakabata pa niya. Nagdikit ang mainit naming katawan, tuluyan nang nagdingas, nagliyab na tumutupok sa aming pagnanasa.

Dinilaan niya ang tenga ko at napapa-angat ang pwet ko sa sarap. Hiniga nya ako sa kama habang bumababa ang dila nya mula sa tenga papunta sa aking leeg, balikat at dibdib hanggang sa matumbok ng kanyang labi ang aking mga utong. Dinila-dilaan niya iyon bago tuluyang isinubo at sinipsip. Napahalinghing na ako sa sarap, ang galing niyang magromansa.

“Ooohhhhhh ahhhhhhh ahhh ahhh!” ungol ko.

Halos manigas ang aking katawan habang patuloy niyang sinisipsip ang aking utong, ang isa niyang kamay ay naglakbay na patungo sa aking harapan na kinalalagyan ng itinatago kong pagkalalaki. Nang matagpuan ay mahigpit iyong pinisil, naramaman kong ipinasok na niya ang isa niyang kamay sa loob ng aking short at brief, lalo lang akong nakaramdam ng sarap at libog.

Patuloy pa rin siya sa pagsupsop sa aking utong hanggang sa magsawa na yata at ang aking tiyan naman ang binigyan pansin. Pinaikot-ikot niya ang dulo ng kanyang dila sa aking tiyan, parang may humahalukay sa aking tiyan sa tuwinang lalapat ang kanyang dila sa aking tiyan. Bumaba pa ang kanyang dila at bibig, sa pusod ko naman naglumikot ang kanyang dila, sinungkal-sungkal niya ang loob ng aking pusod na tila baga nililinis.

Hinatak na niya ang aking short, inangat ko ng konti ang aking pwetan para madali niyang mahatak ang aking brief at short, tapos ay tumayo siya para siya naman ang maghubad ng kanyang short at brief. Nagkataong natapat sa may banda ng mukha ko ang harapan niya, natakam ako sa aking nakita, ang taba at ang haba ng kanyang titi. Naengganyo akong hawakan iyon at igalaw ang aking kamay na tila baga jinajakol ko na iyon.

“Aahhhmmmmmm uuhhmmmmmmmm” ungol kaagad si Justine.

Nang mabitawan ko ang kanyang titi ay lumuhod siya sa sahig at dinilaan naman ang aking hita, tuhod hanggang sa aking talampakan. Napahiyaw ako sa sobrang sarap, kiliting-kiliti ako, ibang sensasyon talaga.

Hindi naglaon ay ang aking burat na ang kanyang isinubo, napamura na ako ng tuluyan.

“Tangina Justine, anong ginagawa mo? Bakit mo ginagawa sa aking ang ganyan, bakla ka ba?” ang aking nasambit.

“Kahit ano ay kaya kong gawin sa iyo mapaligaya ka lang. Hindi ako bakla, nagkataon lang na sa iyo ako nagmahal na isa ring lalaki. Masama ba iyon?”

Hindi na ako sumagot pa. Hinatak ko na lang siya para sumampa ng kama. Dinaganan niya ako at muling naglapat ang aming mga labi. Grabeng halikan na naman ang kasunod, humamalukay ang dila namin sa loob ng mga bunganga namin, sobrang sarap, matindi na ang aming libog.

Inangat ko siya, aking inaabot na pilit ang kanyang utong habang hinihimas ko ang malago na rin niyang buhok sa kilikili. Gusto ko uling maranasan ang rumomansa kaya siya naman ang aking pinahiga at ako ang pumaibabaw. Muli ay laplapan kami. Pinagapang ko ang aking dila sa kanyang leeg papunta sa balikat. Itinaas ko ang kanyang braso at aking sinibasib ng brotsa ang kanyang kilikili. Ang bango ng kanyang kilikili, walang putok.

Nagkikiskisan na ang aming mga titi, tumutusok sa puson ko ang ulo ng kanyang titi, mainit-init iyon at tila dumudulas, malamang ay may nauna nang katas na lumabas sa kanyang titi.

Bumaba pa ako, dinilaan ko ang kanyang tiyan papunta sa kanyang pusod, Pinaikot ko ang dila ko sa pusod niya, napahalinghing na siya. “Aaahhhhhhhhh ang sarapphhhhh ahhhhh ooohhhhhh ang galing mo.”

“Magaling talaga ako,” sabi ng aking isipan. Marami-rami na rin naman kasi akong karanasan simula pa nang bata ko, paanong hindi ako gagaling.

Nagpatuloy ako sa pagdila, hanggang sa makarating ako sa kanyang hinaharap. Nakita ko na ng close-up ang kanyang burat, ang gwapo pala talaga, at daks nga si Justine. Mangyayari din pala ang ganito sa amin, kung bakit pinauna ko pa si Jay.

Dinilaan ko na ang ulo ng kanyang titi. Lalo iyong tumigas ng isubo ko ng buo. Ang sarap ng titi nya, mainit, matigas, makinis. Nagbaba-taas na ang aking ulo sa kanyang burat, labas-masok na iyon sa aking bibig, sumasabay pa ang galaw ng kanyang bewang, kumakadyut-kadyut na tila kinakantot ang aking bibig.

“69 tayo Anton,” sabi ni Justine.

Umayos kami ng higa, pumuweto kami na magkabaliktaran, sabay naming isinubo ang mga titi namin. Habang subo niya ang akin ay nilaro din nya ang bayag ko. Ako naman ay ang butas niya sa pwet ang hinihimas.

Hindi pa kami gaanong nagtatagal ay nakaramdam na ako ng napipintong pagputok.

“Lalabasan na ako Justine,” sabi ko.

Halos hindi ko pa natatapos sa pagsasalita ay pumutok na ako sa loob ng bibig niya. Hindi niya iniluwa ang aking katas, manapa’y nakita ko ang pag-galaw ng kanyang adam’s apple, nilunok niya ang aking tamod.

Maya-maya lang ay nanigas na ang mga hita ni Justine, senyales na lalabasan na rin siya. Sa loob din ng bibig ko sumabog si Justine, nilunok ko rin lahat ng kanyang katas, masarap naman iyon.

Sa pagod ko ay hindi ako kaagad nakakilos, nanatili akong nakahiga na sa may paanan niya ang ulo

Nang manumbalik ang aking katinuan ay kaagad akong nagtungo ng banyo, naglinis at nagbihis na, paglabas ko ay nakabihis na rin si Justine at sa kanilang banyo na lang daw siya magsa-shower.

Kinausap ko naman siya, nanghingi ng sorry. “Justine, sorry. Gaya mo ay natukso lang ako. Sana ay maunawaan mo ako. Hindi pa ako handa na makipag-relasyon, gusto ko munang tuparin ang aking pangarap at pangarap din ng aking mga magulan. Manatili na lamang tayong magkaibigan.”

“Ikaw ang masusunod Anton, mahal kita at ikaliligaya ko rin ang tagumpay mo. Hihintayin ko ang panahon na handa ka na, pangako, hihintayin kita.

 

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

 

 

2 komento:

  1. Hays Justine! Ikaw pa naman bet ko since Ambeth! Haha

    TumugonBurahin
  2. Sana meron ding Justine's Love & Sex Stories! Hi hi hi!!! ;-)

    TumugonBurahin

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...