Apoy (Part 1/4)
By: Migs
(From: AsianBearMen)
“P’re hanggang kailan kaya tayo?” ang tanong
ni Lance sa kumpare niyang si Sam habang nakahiga pa sila sa kama matapos ang
mainit nilang pagtatalik.
“Sa totoo lang hindi ko
din alam. Kahit na medyo may feeling of guilt na ako kay kumare, heto pa rin
ako, niyayaya ka pa rin na gawin itong bawal na gawain natin,” ang tugon naman
ni Sam.
“Ewan ko nga p’re bakit
ang lakas mo sa akin. Sobra na yata ang pagmamahal ko sa iyo at lahat ng
dahilan ay gagawin ko makasama ka lamang,” ang sabi naman ni Lance.
“Kailan na nga yun noong
una tayong nagkakilala? Ah oo nga pala, buntis pa si kumare sa bunso mo. Sixth
birthday yung huling celebration n’ya ‘di ba?” ang tanong ni Sam.
“Oo p’re. Anim na taon na
yung inaanak mo. At tanda mo pa pala yung panahon na iyun,” ang sabi naman ni
Lance.
“Sino ba namang
makakalimot noong mga panahong iyon na may isang sobrang makulit ng straight
guy kuno sa bisexual chat room. ‘Yun bang ang yabang-yabang na otcho pulgada
daw at super hot na daddy,” ang sabi ni Sam.
Biglang pinisil ni Lance
ang matangos na ilong ni Sam.
“Grabe ka naman pare. Hindi
ko naman sinabi ang mga yun,” ang biglang sabi ni Lance.
“Bakit sinabi ko ba na
ikaw iyun? Guilty ka lang pare,” ang sabi ni Sam.
Nagharutan ang dalawa sa
ibabaw ng kama at nagbibiruan tungkol sa chat nila sa internet noong hindi pa
sila nagkikita. Nagkakilala silang dalawa sa isang chat room sa internet. At
iyon ang simula ng kanilang relasyon bilang magkaibigan, sexual partner at bilang
magkumpare na din.
Buntis noon ang asawa ni
Lance sa pangatlo at bunso nilang anak. Samantalang si Sam ay nag-eenjoy sa
pagiging chick-boy niya, yung pwede sa chick pero pwede din sa boy. Inaanak sa
biniyag ni Sam ang bunsong anak ni Lance. Mahigit anim na taon na din nilang
naitatago ang kanilang kakaibang relasyon sa pamilya ni Lance. Subalit tanggap
naman si Lance sa mga magulang ni Sam. Nag-iisang anak lamang si Sam at simula
ng magtapat siya sa kaniyang mga magulang patungkol sa kaniyang kasarian ay
buong puso nilang tinanggap ang kakaibang pagkatao ni Sam.
“P’re sa weekend pala
meron celebration sa bahay. Punta ka ha.” ang paanyaya ni Lance kay Sam.
“Bakit? Sinong may
birthday?” ang tanong ni Sam.
“Walang may birthday.
Darating sa Tuesday yung kapatid ni misis. Si Edward, yung halos sampung taon
na yatang pabalik-balik sa Saudi,” ang tugon ni Lance.
“Gusto niyang maghanda
kami sa Sabado para sa kaniyang permanente ng pagbabalik sa Pilipinas. Hindi na
daw siya babalik sa Saudi. Mag-start na lang daw siya ng business niya dito,”
ang dugtong pa ni Lance.
“Bakit sa bahay n’yo?
Dapat doon siya sa province nila maghanda. Nandoon mga kamag-anak niya at yung
mga magulang niya,” ang sabi naman ni Sam.
“Ayaw niya doon. Sa bahay
daw muna nga siya titira habang naghahanap pa ng mabibiling condominium unit.
Kahit nga magbakasyon lang eh ayaw niya pumunta sa probinsiya nila. Yung mga
byenan ko na lang ang luluwas bukas.” ang tugon ni Lance.
“Wala pa bang asawa yung
bayaw mo?” ang tanong ni Sam.
“Ang alam ko nagpakasal na
siya sa Bulacan noong huli niyang uwi more than three years ago. Pero sabi ni
misis naghiwalay na daw sila. Nagpunta na daw sa US yung babae, nurse kasi iyun.
Dati din sa Saudi nagtatrabaho,” ang sabi ni Lance.
“So for good na siya
mag-stay ng Pilipinas. Tama na din na magnegosyo na lang siya. Malaki na din
yata ipon niya sa sampung taon niyang pagtatrabaho sa Saudi,” ang sabi naman ni
Sam.
“Balita ko nga kay misis, malaki
ang sweldo niya sa Saudi at naipaayos niya nga daw bahay nila sa province. Sabi
nga niya samahan ko nga daw maghanap ng condominium unit na bibilhin niya para
may tirahan siya dito sa Manila,” ang salaysay pa ni Lance.
“Sige p’re. Pupunta ako sa
Saturday. Sa susunod na Sabado ko na lang dadalhin sina Mommy at Daddy sa
Tagaytay. Gusto nilang mag-spend ng weekend sa bahay namin doon,” ang pangako
naman ni Sam.
Nagkayayaan ang dalawa na
lisanin na ang motel na iyon. Sabay silang bumangon at tinungo ang banyo upang
maligo. Matapos makapaligo at makapagbihis ay tuluyan na nilang nilisan ang
motel. Kotse ni Sam ang dala nila. Idinaan ni Sam sa Lance sa isang parking lot
upang daanan naman ang kaniyang kotse. Doon na naghiwalay ang magkumpare.
-----o0o-----
Dumating na ang Sabado na
welcome celebration ng bayaw ni Lance. Medyo na-late si Sam sa dinner
celebration dahil may inasikaso pa siyang client. Halos lahat ng bisita ay
nakapag-dinner na at kumakain na lamang ng panghimagas o kaya naman ay may
hawak na baso ng inumin. May dala ding cake si Sam upang maihanda din bilang
panghimagas sa hapunang iyon.
“Sam, bakit late ka naman
pare?” ang bati ni Emily, ang misis ni Lance na siyang sumalubong sa pagdating
ni Sam. “Halika, pasok ka sa loob,” ang yaya pa nito kay Sam.
“Sorry mare, may urgent
lang akong client na pinuntahan pa,” ang tugon naman ni Sam.
Ipinakilala si Sam ni
Emily sa ilang bisita na nadaanan nila sa pagpasok ni Sam sa loob ng bahay.
Inihatid ni Emily si Sam sa gilid ng bahay na kung saan naroroon sina Lance at
ang bayaw nito kasama ang mga kalalakihang bisita na umiinom na ng alak.
“Pare, bakit ngayon ka
lang?” ang bungad ni Lance.
“Medyo naipit lang sa
isang client. Pasensiya na pare,” ang sagot naman ni Sam.
“Sige pare maiwan muna
kita. Aayusin ko lang ang mesa ng makakain ka na din,” ang paalam ni Emily kay
Sam.
“Salamat mare. Pero
nakapag-dinner na rin ako kasama yung client ko,” ang sabi naman ni Sam.
“Sure ka pare. Anyway,
kapag gusto mong kumain pasok lang sa may dinning room at nandoroon lang ang
mga pagkain,” ang sabi naman ni Emily.
“Salamat mare.”.
“Honey, ikaw na bahala kay
pareng Sam,” ang bilin ni Emily sa kabiyak bago niya tuluyang nilisan si Sam.
Pagpasok ni Emily sa loob
ng bahay ay ipinakilala ni Lance ang kaniyang kumpare sa mga kalalakihang umiinom
doon pati na rin sa kaniyang bayaw na kapatid ni Emily.
“Pareng Sam, siya pala
yung sinasabi kong bayaw ko na galing Saudi. Sam si Edward, Edward si Sam,” ang
pakilala ni Lance sa bayaw nito.
Nagkamayan ang dalawa.
Matapos maipakilala ni Lance sa lahat ng naroroon ay naupo na ito sa upuang
itinabi sa upuan ni Lance. Inabutan din ng baso si Sam at tinagayan ng alak.
Nagsimula na din makipag-inuman ito sa grupo ng magbayaw. Si Lance ang naging
bangkero sa kwentuhan ng grupo. Subalit paminsan-minsan ay si Edward ang
nagkwekwento tungkol sa naging karanasan niya sa Saudi. Si Sam ay talagang
nanahimik na lamang at sumasabay na lamang sa tawanan kung may nakakatawang
naikwento.
Hanggang sa tawagin ni
Emily si Lance dahil gusto daw siyang kausapin ng isang kamag-anak ng kaniyang
biyenan. Pag-alis ni Lance ay sumunod din si Edward na nagpaalam na pupunta
lamang sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay nagbalik na si Edward at naupo
siya mismo sa tabi ni Sam. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ng mag-usap ang dalawa
ng malapitan. Medyo nagkaniya-kaniya na rin kasi ng kwento ang mga naroroon ng
umalis si Lance.
“Madalas kang maikwento ni
Lance sa akin. Binibiro nga ako na hanapan nga daw kita ng maliligawan,” ang
panimula ni Sam.
“Si kuya talaga. Gusto pa
rin niya ako na mag-asawa. Alam mo bang madami na rin siyang niretong babae sa
akin. Ewan ko ba kung bakit hindi ako successful sa mga nakaraan relationship
ko,” ang sabi ni Edward.
“Pero sabi din ni Lance na
may asawa ka na,” ang sabi ni Sam sa kaniya.
“Noon yun. Hindi kami
nagkasundo. Kaya naghiwalay din kami,” ang sabi naman ni Edward.
“Ganoon ba. ‘Di bale
marami d’yan na makikilala mo pa at magmamahal sa iyo,” ang sabi naman ni Sam.
“Sana nga,” ang maikling
nasabi ni Edward.
“Oo naman lahat tayo may
nakalaang soul mate,” ang dugtong pa ni Sam.
“Ang baduy naman nun.
Soulmate? Meron ba nun? Naniniwala ka ba sa ganun?” ang mga tanong ni Edward.
“Malay mo. Just keep
hoping. Someday darating din siya,” ang sabi naman ni Sam.
“Ikaw ba Sam natagpuan mo
na soulmate mo?” ang tanong naman ni Edward.
Biglang tumahimik si Sam
at tila ‘di makasagot sa tanong ni Edward.
“Wala pa. Pero darating
din ang panahon na makikilala ko siya,” ang tugon ni Sam na medyo natagalan
bago niya nasabi.
“So ikaw din pala eh
single pa? Or married na din pero naghiwalay din kayo?” ang mga tanong ni
Edward.
“Legitimate single pa ako,”
ang tugon ni Sam sabay tawa.
Nagtawanan ang dalawa ng
malakas. Nabigla ang mga kasama nila sa mesa. Kaya naman nagtanong ang isa sa
kanila kung ano ang pinagtatawanan nina Sam at Edward. Biglang binulalas na
lamang ni Edward na meron din tulad niyang tumatanda na zero pa din ang
lovelife. Nakitawa na rin ang buong grupo. Siya namang pag-balik ni Lance.
“Mukhang nagkakasiyahan
kayo ng lubusan,” ang bungad ni Lance.
“Bayaw, single din pala
itong si Sam at zero lovelife,” ang sabi ni Sam kay Edward.
“Ganun ba. Zero lovelife
ka ba ngayon pare?” ang tanong ni Lance kay Sam.
Parang may kakaibang
pahiwatig ang pagtatanong na iyon ni Lance kay Sam. Nakailang taon na din ang
kanilang tagong relasyon. Tila ‘di mawari ni Sam kung sasagutin niya ang tanong
ni Lance. Pero nag-isip pa rin si Sam ng maisasagot kay Lance.
“Pare naman. Parang hindi
mo alam ang tungkol sa lovolife ko. Ikaw yata ang adviser ko sa tuwing meron
akong popormahan. Ikaw din ang takbuhan ko sa tuwing basted ako or may break-up
na nangyari.” ang sabi naman ni Sam kay Lance.
“Kaya naman pala pareho
tayong zero lovelife eh si kuya Lance pala ang parehong adviser natin sa ating
lovelife,” ang biro naman ni Edward.
“Kayong dalawa talaga puro
kayo biro. Malay ko sa lovelife n’yo. Basta ako magaling pumili ng mamahalin
ko. Masarap kasi ako magmahal kaya hindi din ako mahirap mahalin,” ang sabi
naman ni Lance.
Mas lalong kinantyawan si
Lance ng dalawa pati na rin ang mga kainuman nila. Nagpatuloy pa ang masayang
kwentuhan ng grupo hanggang sa isa-isa ng nagpaalam ang ilan sa kanila. Si Sam
ang pinakahuling nagpaalam kasi siya naman daw ay late na dumating.
“Hindi na rin ako magtatagal.
Aalis na din ako,” ang paalam ni Sam kina Lance, Emily at Edward.
“Pare, kaya mo pa bang
mag-drive?” ang tanong naman ni Emily.
“Ayos lang ako mare.
Kayang-kaya ko pa,” ang sabi naman ni Sam.
“Pare, lasing ka na.
Tignan mo nga sarili mo at hindi na tuwid ang lakad mo. Mabuti pa kaya na dito
ka na lang matulog,” ang sabi naman ni Lance.
“Oo nga naman. Dito ka na
matulog,” ang pagsegunda ni Edward.
“Kaya ko pang mag-drive.
Don’t worry,” ang pagpupumilit ni Sam.
“Pare, kilala kita. Hindi
ka naman ganoon karaming uminom. Sinabayan mo kasi itong si Edward eh malakas
uminom ang lokong ito. Delikado ka niyan sa daan,” ang pagtutol ni Lance sa
pag-uwi ni Sam.
“Ayos lang ako pare,” ang
maikling nabanggit ni Sam.
“Tutal mapilit si Sam na
makauwi, ako na lang ang maghahatid sa kaniya.” ang alok naman ni Edward.
“Lasing ka na din kaya,”
ang sabi naman ni Emily kay Edward.
“Ate, madami lang akong
nainom pero hindi pa ako lasing. Kahit byahe pa tayo ng Baguio ngayon ay kaya
ko pang mag-drive,” ang sabi naman ni Edward.
“Mas mabuti nga siguro.
Kilala ko itong bayaw ko. Wala sa vocabulary niya ang word na lasing. Sige,
sasama na din ako sa paghatid sa kanya,” ang sabi ni Lance.
“Eh papaano ang kotse ko?”
ang tanong naman ni Sam.
“Iwan mo muna at bukas
ihahatid namin ni Edward sa inyo. Tutal Linggo naman bukas,” ang sabi naman ni
Lance.
“Bayaw, ako ng bahala kay
Sam. Maiwan ka na dito at ilapit mo na lang sa harapan ng bahay yung kotse ni
Sam.” ang sabi naman ni Edward.
“Mabuti pa nga honey.
Madami pa tayo ililigpit para bukas may time pa tayo magsimba at mag-grocery,”
ang pagsang-ayon ni Emily sa kaniyang kapatid.
“Ok. Sige bayaw, ikaw na
maghatid kay Sam. Pero mag-ingat ka sa pagda-drive,” ang pagsang-ayon din ni
Lance.
Gamit ang kotse ni Lance,
binaybay na nina Sam at Edward ang daan patungo sa bahay ni Sam. Muling
nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang personal na buhay, sa trabaho at sa
kung anu-ano bang bagay. Nang makakita ng isang coffee shop si Edward ay niyaya
niya si Sam na magkape muna. Hindi naman tumanggi si Sam. Sa pagbaba ni Sam ng
sasakyan ay nahalata pa din ni Edward ang di tuwid na paglalakad ni Sam. Kaya
naman inalalayan niya ito. Ini-akbay ni Edward ang isang kamay ni Sam sa kaniya
at niyapos niya ng bahagya si Sam upang hindi na gumewang-gewang ang paglalakad
nito. Damang-dama ng dalawa ang init ng katawan ng isa’t isa.
Si Edward ang nag-order ng
kanilang kape at habang nagkakape ay nagpatuloy pa din sila sa kwentuhan.
Makalipas ng ilang minuto ay medyo nabawasan na ang tama ng alak ni Sam.
Nagsabi tuloy siya kay Edward na magtataxi na lamang siya mula doon at pwede ng
umuwi si Edward. Pero nagpumilit pa din si Edward na maihatid si Sam sa kaniyang
bahay, kaya naman hindi na nakatanggi si Sam. Ilang minuto pa ay muling nasa
daan na naman ang dalawa at binabaybay ang daan patungo sa bahay ni Sam. Hindi
nagtaggal ay narating na din nila ang bahay nito. Pinapapasok pa sana nito si
Edward sa loob ng bahay pero tumanggi na siya. Agad na din nagpaalam si Edward.
Kinabukasan, sunud-sunod
na mga katok sa pinto ng kaniyang silid ang gumising kay Sam.
“Kuya, kuya, may
naghahanap po sa iyo,” ang boses na narinig ni Sam sa may pintuan.
Ayaw sanang bumangon ni
Sam dahil inaantok pa siya. Pero naging makulit ang kumakatok sa kaniyang
pinto.
“Kuya, pasensiya na po.
Dala niya po yung kotse ninyo,” ang sabi ng babae sa may pintuan.
Inakala ni Sam na si Lance
iyon pero bakit tila hindi kilala ng kanilang katulong. Kaya naman minabuti na
lamang niyang bumangon.
“Sino daw siya?” ang
tanong ni Sam pagbukas niya ng pintuan.
“Hindi ko pa naitanong,
kuya” ang tugon naman ng katulong.
“Sige, sandali lang at
maghihilamos lang ako,” ang sabi naman ni Sam.
Makalipas ng ilang minuto
ay lumabas na sa kaniyang silid si Sam at tinungo ang garahe kung saan naroroon
daw ang naghatid ng kaniyang kotse.
“O ikaw pala Edward.
Nasaan si Lance? Akala ko dalawa kayong maghahatid ng kotse ko,” ang bungad ni
Sam na medyo nabigla ng makita si Edward.
“Hindi na siya pinasama ng
ate. Tutal naman daw eh nalaman ko na ang papunta dito,” ang tugon ni Edward.
“Eh papaano ka uuwi?
Susunduin ka ba ni Lance?” ang mga tanong muli ni Sam.
“Magta-taxi na lang ako,”
ang tugon naman ni Edward.
“Si Lance talaga, basta ka
na lang pinabayaan. Don’t worry after ng breakfast ay ihahatid na din kita,”
ang sabi naman ni Sam. “Kumain ka na ba?”
“Coffee lang ako sa umaga.
Nasanay na akong ganoon,” ang tugon ni Edward.
“Halika muna sa loob at
magkape ka kung ayaw mo akong sabayan sa almusal,” ang alok ni Sam.
Sa mismong hapag-kaininan
uminom ng kape si Edward. Dahil sa sarap ng naihandang almusal at dahil din sa
sarap ng pagkain ni Sam ay naenganyong kumain si Edward. Matapos
makapag-almusal si Sam ay nagpaalam siyang maliligo muna bago niya ihatid si
Edward. Matapos makaligo si Sam ay nilisan na nila ang kaniyang bahay. Ang
buong akala ni Sam ay magpapahatid na si Edward sa bahay nina Lance. Subalit
nag-request siyang dumaan sila sa isang mall para bumili ng kaniyang mga damit.
Medyo out of fashion na daw kasi mga dalang damit ni Edward mula sa Saudi.
Pumayag naman si Sam dahil
wala naman siyang gagawin sa araw na iyon maliban lamang sa pagsisimba na pwede
naman daw niyang gawin sa hapon. Nakipag-deal naman si Edward na pagtapos nila
sa mall ay sasamahan naman niya si Sam sa pagsisimba nito.
Nawili si Edward sa
pamimili ng kaniyang mga damit. Gayun din naman si Sam na napabili na din ng
ilang damit niya. Doon na rin sila nag-lunch at nagmeryenda kinahapunan. Tulad
ng pangako ni Edward, sumama siya sa pagsisimba ni Sam sa simbahang madalas
niyang pinpuntahan. May kadiliman na ng ihatid ni Sam si Edward kina Lance.
“O bayaw, ang bait nitong
kumpare mo. Sinamahan ako sa pamimili ko ng mga bagong damit ko.” ang bungad ni
Edward ng pagbuksan sila nito ng gate ng bahay.
“Sabi nga niya sa text na
magkasama kayo sa mall,” ang sabi naman ni Lance na tila nagseselos sa kaniyang
bayaw sa ginawang pagsama ni Sam dito.
“Para makabawi naman sa kaniya
ay sinamahan ko siyang magsimba. Kaya medyo ginabi kami kasi nga nagsimba pa
kami,” ang dugtong pa ni Edward.
“Ah ganoon ba. Akala ko
binili n’yo na ang buong mall sa tagal mong makauwi.” ang sabi ni Lance na
pilit pa rin itago ang nararamdaman nitong pagseselos sa bayaw.
Batid ni Sam na ganoon nga
ang nararamdaman ni Lance. Nais man niyang magpaliwanag pero baka makahalata si
Edward sa nararamdamang iyon ni Lance. Minabuti na lamang niyang magpaalam na.
“Sige pare, Edward, uwi na
din ako,” ang paalam ni Sam.
“Dito ka na mag-dinner.”
ang alok ni Edward.
“Hindi na. Sa bahay na
lang. Baka dumating na sina Mama at Papa. Hindi pa nila ako nakikita simula
kaninang umaga,” ang sabi naman ni Sam.
Tila walang imik si Lance
habang nag-uusap ang dalawa.
“Sige, ingat na lang sa
pagmamaneho,” ang sabi na lamang ni Edward ng hindi na niya mapilit si Sam.
“O pare nandyan ka pala,”
ang bungad naman ni Emily ng lumabas ito ng bahay.
“Oo mare. Pero pauwi na
din ako. Inihatid ko lamang si Edward,” ang sabi naman ni Sam.
“Mukhang ang daming
pinamili mo bro,” puna naman ni Emily kay Edward ng makita ang mga pinamili
nito.
“Syempre ate. Kailangan
palitan ko na ang mga hindi usong damit ko. Ayos nga itong si Sam sa pagpili ng
mga damit ko. Bagay na bagay lahat ng pinili niya para sa akin,” ang sabi naman
ni Edward.
“Sige, hindi na ako magtatagal.
Aalis na ako,” ang muling paalam ni Sam.
“Sige pare, ingat na lang”
ang sabi ni Emily.
“Ingat sa pagmamaneho Sam,”
ang sabi naman ni Edward.
Nagsalubong lamang ang mga
mata nina Sam at Lance pero walang nasabi si Lance. Batid talaga ni Sam na may
nararamdamang selos si Lance sa pagsasama nilang dalawa ni Edward sa araw na
iyon. Lalong-lalo na ng malaman nito sa pagsama ni Edward sa kaniyang
pagsisimba. Nabanggit kasi ni Sam kay Lance noong bago pa lamang silang
magkakilala na kapag naisama niya sa kaniyang pagsimba ang isang tao ay may
kakaiba na siyang nararamdaman dito at dahil nga isinama niya ay
ipinapanalangin niya at humihingi ng sign na iyon na ang taong kaniyang
pakamamahalin. Ilang araw pa lamang kasi silang magkakilala noon ay nagsimba na
silang dalawa. Iyon ang simula ng kanilang pagtagong relasyon.
Sa mga text ni Sam kay
Lance ng araw na iyon ay hindi niya nabanggit na pati sa simbahan ay magkasama
sila. Kaya batid ni Sam na magtatampo si Lance sa kaniya ng banggitin ni Edward
ang tungkol sa kanilang pagsisimba.
Umuwi si Sam na may
bumabagabag sa kaniya. Alam niyang mahal niya si Lance at ganoon din naman si
Lance sa pagmamahal sa kaniya. Ilang taon na nilang itinatago ang kanilang
relasyon at kahit isang malaking pagtataksil iyon kay Emily ay tumagal pa din
sila dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Pero ng araw na iyon ay may
kakaiba siyang galak na naramdaman habang kasama niya si Edward. Nakuha din
niyang hindi magsabi na katotohanan kay Lance. Hindi pa niya kilala ng lubusan
si Edward subalit maligaya siyang nakasama niya ito sa araw na iyon.
Sa paglipas pa ng mga araw
ay hindi talaga nagkaroon ng lakas ng loob si Sam na kausapin si Lance. Alam
niya na may hinanakit pa din ito sa kaniya dahil wala pa din siyang natatanggap
na tawag o text man lamang mula dito. Tanging mga tawag at text mula kay Edward
ang kaniyang natatanggap. Hanggang sa dumating muli ang weekend.
“Are you free tonight?”
ang text na na-receive ni Sam mula kay Edward habang naghahanda na siya sa
pag-alis sa kaniyang opisina.
Ayaw na sana niyang
sagutin iyon. Dahil balak niyang kausapin si Lance ng gabing iyon kung maaari
lamang. Subalit parang may nag-udyok sa kaniya na sagutin na ang text ni Edward
at tiyak na yayayain siya nito na gumimik.
“Yes, i’m free tonight.”
ang text naman ni Sam.
“Just want to invite you to
a bar at The Fort. Never been there,” ang sumunod na text ni Edward.
“Sure,” ang maikling text
ni Sam.
Nagpatuloy pa ang palitan
nila ng text messages at na-set nga ang lakad nila. Nagkasundo din sila kung saang
bar sila pupunta.
Sa loob ng bar na napili
nila ay umorder sila ng kanilang inumin at pulutan. Masayang nagkwentuhan ang
dalawa hanggang naparami na ang kanilang nainom.
“You know Sam, I like
you.” ang biglang sinabi ni Edward na ikinagulat ni Sam.
Itutuloy…..
Mukhang exciting to! ;-)
TumugonBurahin