Ang Barkada (Part 10)
Putukan sa Bagong
Taon
Narrator
Dalawang araw bago
magpalit ang taon, bale December 30 iyon, ay nakabalik na ang mga bakasyonista,
kaya kompleto na naman ang barkada. Wala na namang katapusang kwentuhan at kung
ano-ano pa.
“Siguro naman, ay
pwede na tayong mag-party niyan, ilang araw na lang at bagong taon na at
pagkatapos balik eskwela na tayo, may kokontra pa ba,” sabi ni Aldrin.
“Oo nga. Frist time
natin na sasalubong sa bagong taon na sama-sama. Siguro naman ay papayagan na
kayo sa inyo na tayo naman ang magsama-sama,” wika ni Denver.
“Sige, dito uli sa
amin tayo mag-party, magpapahanda ako ng pagkain at kayo, kung gusto ninyong
magdala ng handa ninyo nang medya noche eh magdala kayo. Kung may alak, lalong
ayos, pero maghahanda rin ako dito, baka lang kulangin,” segunda ni Tyrone.
“May exchange gift
ba tayo ulit?” tanong ni Glen.
“Wala nang ganon,
hindi naman nasusunod ang usapan, saka palagi namang walang kwenta ang
napupunta sa akin,” – si Calyx
“Ano bang nakuha mo
noon?” tanong ni Glen.
“Ewan ko sa iyo, sa
iyo yata galing yun eh. Vibrator ba naman ang nasa loob, gago!” inis niyang
wika.
Ang totoo ay
gustong-gusto naman niya talaga ang natanggap, doon nga nagsimula ang
pagkalibog niya.
Tawanan ang
barkada. Nagkasundo silang wala nang exchange gift at bahala na daw sila kung
anong gustong dalhin. Nangako si Jeff na ang dadalhin na lang niya ay ilang
paputok at mga kwitis.
“Pwede bang magsama
ng kaibigan. Kasi, nagkausap kami ni Mac na sa amin daw mag celebrate ng bagong
taon, hindi ko naman alam na magkakaroon tayo ng party. Mabuti nga ng
madagdagan tayo, mabait at saka okay naman siyang kasama,” sabi ni Aldrin.
“Walang problema sa
akin, ang kaibigan mo ay kaibigan din namin, basta ba okay makisama eh. Okay
din ba sa inyo?” – si Tyrone.
Nagkasundo naman
ang lahat na payagan ang request ni Aldrin.
“Matutuwa pa iyon,
marami na kasi akong naikwento tungkol sa samahan natin noong wala kayo rito.
Siya kasi ang nakasama ko palagi.” – si Aldrin.
“Ten pm, nasa amin
na kayo lahat, okay?”
Hindi naman sila
kaagad naghiwa-hiwalay, Nagkasayahan pa sila, puro biruan, kwentuhan ng mga
happenings at napuno ng tawanan ang tambayan. Naghiwa-hiwalay lang sila ng
dumilim na.
-----o0o-----
Bago pa lang mag
10PM ay isa-isa nang nagsidating ang barkada, nauna si Aldrin at kasama na ang
kaibigan nitong si Mac. Winelcome naman siya ni Tyrone at nag iba pang barkada
na sunod-sunod nang dumating, lahat ay may dala, pagkain, inumin, mga paputok
at kwitis.
Madali naman nilang
nakapalagayang loob si Mac, kalog din kasi ito at hindi maarte, mahusay pang
makisama, kaya pasado na sa barkada.
Gaya ng dati, doon
sila nagtipon-tipon, Inihanda naman ni Jeff ang mga kwitis kung saan sila
magsisindi at magpapaputok.
Nagsimula na ang
inuman, walang nagdala ng beer, puro mga hard drins ang dinala na mga mamahalin
pa. “Kapag naubos natin ito, siguradong may paglalagyan sa ating lahat,” biro
ni Glen na palaging kausap si Jeff.
Kapansin-pansin din
na palaging pagtabi ni Denver kay Calyx, at ito namang si Calyx ay tila umiiwas
at lilipat sa tabi ni Tyrone, para talagang may rigodon na nagaganap. Sa simula
pa lang ay may gusto na itong si Tyrone kay Denver, kaso itong si Denver ay si
Calyx ang gusto habang si Calyx ay si Tyrone naman yata ang napupusuan, ang
gulo nila.
Sina Aldrin at Mac naman ay tila hindi na yata
kayang itago ang ka-sweet-tan. Wala namang pumapansin sa kilos ng dalawa.
Masaya naman ang
inuman, maingay at puno ng tawanan, kantahan at kantyawan. Syempre kapag nariyan
si Calyx at Jeff ay hindi mawawala ang kantahan na sinasaliwan naman ng Gitara
ni Glen. Sa pagkanta kasi mahusay ang dalawang nauna at sa pag-gitara naman si
Glen.
Hindi naman
pahuhuli si Mac at si Aldrin kung sayaw ang pag-uusapan, nagpakita nga ang
dalawa sa galing sa pagsyaw sa tugtog na “APT APT” na uso ngayon. Hindi naman maipakita
ni Tyrone ang galing sa drum at ni Denver sa Piano
Ginawa nilang
pulutan ang dala nilang mga pagkain tulad ng lechon, barbe-q, at de putaheng
karne.
“Game naman tayo,” ang
naisip ni Denver para maiba daw naman. Ang naisip niyang game ay yung “spin the
bottle” at ang matatapatan ay mamimili kung ano ang gagawin, “Truth or
Consequence”.
“Wala na bang iba?
Wala namang magsasabi talaga ng truth eh.” Sabi ni Aldrin. “Sino ba ang
magsasabi sa inyo ng inyong mga secret,” dugtong pa niya.
“Ah basta,
malalaman naman natin kung magsasabi ng totoo o hindi, bahala sila, pwede
namang mamili. Walang maarte, malapit nang mag-twelve, isang oras na lang at
dapat hindi tayo malasing muna,” sabi ni Denver.
Nag-agree na ang
lahat. Si Mac ang malas na naunang matapatan ng bote.
“Dahil ako ang
unang nagpaikot, ako ang magpaparusa,” sabi ni Denver. Mamaya si Mac naman ang
magpapaikot. Ano Mac, truth or consequence?”
Consequence ang
pinili ni Mac at ang parusa ni Denver ay halikan sa labi si Aldrin for 15
seconds.
“Wala namang
ganon,” pagtutol ni Mac.
“Consequence ang
pinili mo, sige na, halik lang naman eh, sa ka-sweet-tan ninyong dalawa ay
kulang na lang ang halik eh, pansin n’yo ba?” – si Denver na mapilit talaga.
Tumayo na si Mac,
nakaramdam ng hiya na may halong kaba. Pero nang halikan na niya si Aldrin ay
tila wala na silang nakitang tao sa paligid, torrid kissing na kasi ang ginawa
nila at lumagpas pa sa 15 seconds ang naging halikan, palakpakan tuloy ang
grupo.
“Okay ka talaga
Mac, member ka na namin simula ngayon,” wika ni Denver na ikinatuwa naman nina
Aldrin at Mac.
Pinaikot na ni Mac
ang bote at saktong-sakto na tumapat kay Calyx. Truth ang pinili niya, baka
kasi hindi lang halik ang ipagawa ni Mac, kaya minabuti na lang truth ang
piliin.
“Eto ang tanong,
kung magjojowa ka ng lalaki, sino sa grupong ito ang iyong pipiliin at bakit?”
tanong ni Mac.
“Hala, lahat kayo
okay lang sa akin, kahit sino sa inyo,” sagot ni Calyx.
“Isa lang ang dapat
piliin at syempre, kailangang may dahilan,” si Mac.
“Hoy ha, wala dapat
maging issue, game lang ito at huwag lalagyan ng malisya. Ako, kung magjojowa
ng lalaki sa grupo, ang pipiliin ko ay si Tyrone. Kasi mabait siya at jowable,
mayaman pa hehehe,” tugon ni Calyx.
“Denver, bakit
parang nalungkot ka, kanina, panay ang ngiti mo, expected mo bang ikaw ang
pipiliin ni Calyx?” biro ni Aldrin. “Joke lang ha. Tuloy na, ikaw naman ang
magpaikot ng bote Calyx.”
Kay Jeff natapat at
ang pinili niya ay truth din. “Madaling tanong lang Calyx.”
“Wala namang
mahirap na tanong kung totoo ang magiging sagot mo, wala namang malisya eh,
katuwaan lang,” wika ni Calyx. “Heto na. Jeff, may karanasan ka na ba sa same
sex? Sino sa grupo ang pinagpapantasyahan mong maka-score sa iyo o ma-iskoran
mo?”
“Grabe namang
tanong iyan, ibahin na lang,” protesta ni Jeff.
“Sagutin mo na
lang, sinagot ko ang tanong sa akin,” – si Calyx.
“Meron na, siguro
naman lahat tayo, ang lalandi kasi natin. Sa grupo, sino pa, ang palagi kong
kausap, si Glen, gusto ko na tikman niya ako at titikman ko rin siya hehehe.
Ano… masaya ka na Calyx?” wika ni Jeff.
Palakpakan ang
lahat, panay ang kantyaw sa dalawa. “mamaya, tabi kayo sa pagtulog ha hehehe,
magtikiman na kayo,” biro ni Calyx.
Umikot ang bote at
natapat naman kay Aldrin. “Consequence na lang. Ang mga tanong kasi ninyo,
personalan eh.” Si Aldrin.
“Eto, kung
pahahalikan ko sa iyo si Mac, kayang-kaya mo nang gawin, baka nga gustong-gusto
mo pa. Heto madali lang ang ipapagawa ko, Halimbawa na may napupusuan ka sa
grupo, paano mo ipagtatapat ang iyong pag-ibig, Sabihin mo kunwari sa
napupusuan mo.” – si Jeff.
“Bago ka sumagot Aldrin,
toast muna tayo, nakalimutan na nating uminom, Ang mga baso ha,” wika ni
Tyrone. Sinalingan niya ang mga baso at nag-toast. “Bottoms up!”
Palakpakan na
naman. Sumagot na si Aldrin.
Nilapitan niya si
Mac. “Mac, dalawang taon na nang huli tayong nagka-usap tapos bigla ka na lang
hindi nagparamdam, noon ko lang napagtanto na may-gusto pala ako sa iyo, at
ngayong na muli tayong nagkita, sasabihin ko na sa iyo, mahal Kita Mac, I love
you, I really love you.”
Natigilan ang
lahat, para kasing totoong nagtatapat ng pag-ibig si Aldrin, kumikislap ang mga
mata niya habang nagsasalita, at itong si Mac naman ay ngiting-ngiti, masaya sa
ipinagtapat ni Aldrin.
“Ano ba iyan,
totohanan ba iyan. Hoy, kayong dalawa, magsalita na. Anong sagot mo Mac.
Sagutin mo na.” – si Jeff. ang barkada at may pag-kalabog pa sa mesa.
“Hala, game lang
ito, walang malisya. I love you too Aldrin,” wika ni Mac.
Lalong naghiyawan
ang barkada, para bang totoo talaga. Nagsigawan pa ng “kiss… kiss”. Game na
game naman ang dalawa at sandaling nag-kiss, smack lang naman.
“Masaya na kayo?” –
si Aldrin.
Hala, malapit na
palang mga 12, mamaya na nating ituloy ang game, countdown na.
Naghawak sila ng
lusis, pati ang parents ni Tyrone at kapatid na si Keith ay lumabas na nang
bahay at nakisali.
“10… 9… 8… 7…6… 5…
4… 3… 2… 1 Happy new year!” hiyaw ng lahat. Sinidihan na ni Jeff ang paputok at
ang iba ay ang iba pang fireworks tulad ng trumpilyo, fountain at ang hawak na
lusis. Lahat ay masaya sa pagsapit nag bagong taon.
“Keith, narito ka
pala, bakit hindi ka sumalo sa katuwaan namin,” bati ni Denver.
“Baka maging
killjoy lang ako kay Tyrone, alam naman ninyong pinangangalagaan ko iyan. Kung narito ako ay
baka pagbawalan kong uminom iyan hehehe. Enjoy lang kayo,,” wika ni Keith.
Makalipas ang 30
minutos ay balik sila sa game, pumasok na rin sa loob sina Keith at ang parents
niya. Pinaikot na ni Aldrin ang bote at tumapat kay Glen. Consquence din ang
pinili nito.
“Since ikaw Glen
ang gustong makatikiman ni Jeff, tikman mo na siya, Sipsipin mo ang magkabila
niyang nipples for 20 seconds. Go.” Utos ni Aldrin.
“Sisiw!” sagot ni
Glen. Nauna pang itinaas ni Jeff ang kanyang t-shirt, tuwang-tuwang hinintay si
Glen, May pag-ungol pang nadinig buhat kay Jeff ng lumapat na ang labi at dila
ni Glen sa kanyang nipples.
Nagkaingay na naman
ang barkada, walang tigil ang hiyawan.
Time naman ni Glen.
“Sandali lang, si Tyrone at Denver na lang pala ang hindi natatapatan ng bote,
para fair, huwag na nating paikutin ang bote at sila na lang ang pamiliin natin
kung anong gusto. Okay ba sa inyo?” sabi ni Glen.
Sumang-ayon naman
ang lahat, pati na rin ang dalawa ni Tyrone at Denver. Nagpauna na si Tyrone at
truth ang pinili. Tinanong siya ni Glen ng ganito, “Kanina, tinanong si Calyx
kung sino sa grupo ang pipiliin na maging jowa, at pinili niya ikaw Tyrone,
ikaw ba ay payag na maging jowa si Calyx? O may iba ka na gustong jowain at
hindi si Calyx?” – si Glen.
“Hoy ha, baka
ginagawan mo na kami ng issue niyan ha, game lang ito. Okay lang naman na
jowain ako ni Calyx, pero me karapatan naman siguro akong mamili. Kung pipili
ako si Denver naman ang pipiliin ko hahaha. Parang me love triangle na ano
hahaha. Grabe kasi ang mga tanong eh. Tanungin naman natin si Denver, sino sa
amin ni Calyx ang pipiliin hahaha,” natatawang wika ni Tyrone.
“Papatulan ko na
nga ang tanong na iyan,” sabi ni Denver. “Magtatapat na ako sa inyo, at totoo
ito, si Calyx ng gusto ko. O anong komento ninyo. Inom na lang tayo.”
Natigil na ang laro.
Madaling araw na at sige pa rin sila sa pag-inom, tila hindi tinatamaan ng alak,
alive na alive pa rin maliban kina Calyx, Tyrone at Denver, medyo natahimik
sila panay lang ang lagok, nauna tuloy silang tinamaan.
“Kaya pa ba Tyrone,
tigil na tayo, alas tres na, pahinga na,” sabi ni Aldrin.
“Mabuti pa nga,
bukas na nating linisin itong kalat natin. Wala pa kasi ang mga kasambhay namin
eh. Tara na.”
Hindi na diretso
ang paglakad nila, balbal na rin kung magsalita. “Sinong gusto sa guest room,
pwede kayo roon,” sabi ni Tyrone.
“Sa silid mo na
lang kami, walang iwanan, sama-sama na lang tayo,” sagot naman ni Aldrin.
Nakalatag na naman
ang kutson sa sahig at kasya roon kahit na lima. Si Tyrone ay nauna nang nahiga
na tinabihan naman ni Calyx. Hindi napahuli si Denver at nahiga na rin katabi
rin ni Tyrone, bale napagitnaan siya ng dalawa.
Ang apat naman ay
sa nakalatag na kutson na nahiga. Magkatabi sina Glen at Jeff sa isang panig,
sa kabilang panig ay sina Aldrin naman at Mac na nagbubulungan pa.
“Baka maniwala sila
na totoo ang sinabi mo kanina,” nag-aalalang wika ni Mac.
“Totoo naman talaga
ah, Pinagtapat ko na sa iyo noon pa. Hindi ka pa ba naniniwala, sa harap nila
ay muli kong sinabi,” wika ni Aldrin.
“Naniniwala..,
sinagot naman kita ah!” sagot ni Mac.
“Kaya ang saya ko
eh. Bahala sila kung anong isipin, hindi naman ako magde-deny, gusto ko nga na
ipaalam na sa kanila ang totoo eh.” – si Aldrin.
“Huwag muna, hindi
pa ako ready.” Sabi ni Mac.
Hinatak ni Aldirn
ang kumot at nagtalukbong.
“Oh, bakit?” si Mac.
“Gusto ko uli nang
kiss mo. Pa kiss uli,” hiling ni Aldrin.
“Ano ka, baka may
makakita sa atin!”
“Wala, tulog na
sila, nakataklubong pa tayo.”
“Sige na nga
hihihi.”
Masuyo silang
naghalikna, nagyakapan.
-----o0o-----
Silipin namn natin
sina Glen at Jeff.
“Hala, anong
ginagawa nung dalawa o, nagtalukbog pa,” nagtatakang tanong ni Glen kay Jeff.
“Siguro, yung gusto
kong gawin din natin, pwede ba?”
“Sira ulo nito,
ayoko nga,” tugon ni Jeff, na nagtaklubong na rin ng kumot.
Pumasok na rin ng
kumot si Glen. “Tamo ito, nagtaklubong eh hindi ako kasama. Gusto mo rin ano
hehehe,” – si Glen na may pagkalabit pa kay Jeff.
Hindi na nakatangi
pa si Jeff ng halikan ni Glen, Ang simpleng halik ay naging mapangahas, naging
torrid, laplapan nang matatawag., nakapag-iinit ng katawan. Hindi na nila
alintana na may katabi sa higaan, hindi na namalayan na wala na ang taklubong
na kumot, nakita na sila ni Mac at Aldrin na mahigpit na magkayakap at sige sa
pagsisipsipan ng labi at dila.
Nagtama pa ang mga
mata nina Aldrin at Jeff, na noon ay mahigpit ding nakayakap kay Glen at sige
rin ang walang patid na halikan, Nag thumbs up pa si Jeff at muling
nagtalukbong.
“May ginagawa rin
yung dalawa, sabi ko na nga ba at totoo ang tapatan kanina eh, iyon talaga ang
hinala ko,” bulong ni Jeff kay Glen. “Tayo rin, ituloy na natin gaya nung
una hehehe.”
“Maliwanag eh,
patayin natin ang ilaw,” wika ni Glen.
Tumayo si Jeff,
hinanap ang switch ng ilaw at pinatay iyon. Tanging ang ilaw sa garden na lang
ang tumatanglaw sa silid.
-----o0o-----
Nagkaunwaan na ang
apat. Ating silipin naman ang tatlo sa kama.
Tulog na ang
dalawang katabi ni Tyrone sa kama na sina Denver at Calyx. Lasing si Tyrone at
gusto na ring matulog, pero kung bakit hindi siya datnan ng antok. Hindi tuloy
mawala sa isipan ang nalaman, na ang mahal niya ay iba ang gusto, at ang may
gusto naman sa kanya ay hindi naman niya gusto at rito may gusto ang gusto
niya, ang gulo.
Nakatagilid sa
harap niya ang dalawa, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang barkadang
natutulog, parehong gwapo, parehong jowable, pero bakit ganon, ang gusto mo ay
may gustong iba. “Paano kaya kami magkakatagpo, magkakasundo. Kung pwede lang
na kami na lang tatlo,” ang nasabi niya sa isipan. “Bakit kasi ikaw pa Denver
ang nagustuhan ko at hindi si Calyx, disin sana ay walang problema,”
Tumagilid si Tyrone
paharap kay Denver, hinaplos ang makinis nitong pisngi. Nakabuka bahagya ang
labi nito, tila nang-aakit ang mapupula nitong labi na halikan. “Anong gagawin
ko, naguguluhan ako, iba na ang tumatakbo sa aking isipan,” ang naglalaro sa
isipan ni Tyrone.
Nanatili ang palad
ni Tyrone sa pisngi ni Denver, nagulat pa siya nang may dumampi sa kanyang
kamay na nasa pisngi naman ni Denver.
Napatingin siya
rito, inalam kung gising, pero pikit ang mga mata at tila tulog na tulog pa
rin. Magkapatong ang kanilang mga kamay na ewan kong sadyang ipinatong doon ni
Denver. Kinabahan siya, naisip na baka nagtutulug-tulugan lang ito. Gusto na
sanang bawiin ni Tyrone ang kanyang kamay, subalit tila napakabigat ng kamay
nito at hindi mahatak ang kamay.
Matindi talaga ang
pang-akit ng mga labi ni Denver, ngali-ngali nang hagkan talaga ni Tyrone ang
mauplang labing iyon, kung wala lang ibang tao sa silid, kung sila lang dalawa
sana, kahit pa masaktan siya ay ginawa na niya sana.
Ipinikit na ni
Tyrone ang kanyang mga mata, gusto na niyang matulog. Subalit bago pa lang siya
nakakaramdam ng antok ay may naramdaman siyang dampi sa kanyang batok at sa
kanyang labi. Lalo lang siyang kinabahan, lalong hindi malaman ang gagawin.
-----o0o-----
Hala ano ito. Tama
ba na may naramdaman si Tyrone na dampi sa batok at sa bibig? Abangan na lang
po ang karugtong.
>>>>>ITUTULOY<<<<<
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento