Apoy (Part 4/4)
By: Migs
(From: AsianBearMen)
Makalipas ng ilang araw ay
muling nagkausap sina Sam at Edward ng makasundo silang mag-jogging isang umaga
sa The Fort.
“Tama ka nga Sam. My
brother in law is acting so weird lately. Ang dami na niyang binibintang sa
akin. Masasakit na ang mga nabitiwan niyang salita sa akin,” ang bungad ni
Edward.
“Siguro lilipas din yan.
Soon mare-realize niya kung ano ang tama para sa aming dalawa. He's also trying
to talk to me again lately. Pero sabi ko nga na mas mabuti pa siguro na huwag
muna kami magkita. You know, I love your brother in law. Kaya lang sobra na
akong guilty sa ate mo. Sa tuwing magkakaharap kami ay labis-labis ang aking
pagpapanggap na ayos lang ako at walang itinatagong lihim sa kaniya,” ang nabanggit
naman ni Sam.
“Minsan nga naisip ko na
ipagtapat na kay ate ang nalalaman ko. Pero ikaw din ang iniisip ko. Then kapag
nalaman niya yun, pati ako damay na din sa gulo. Napaka-complicated ng
situation natin sa ngayon,” ang dagdag naman ni Edward.
“Sana nga matapos na itong
paghihirap natin,” ang hiling ni Sam.
“I hope so. Pero hindi
nangangahulugan na wala na tayong karapatang humanap pa ng makakapagpaligaya sa
atin,” ang sabi ni Edward.
“Oo naman,” ang
pagsang-ayon ni Sam.
“Pwede bang maging tayo na
lang?” ang tanong ni Edward.
“Ano ka ba Edward. Baka
mas lalong lumala ang situation kapag magiging tayong dalawa,” ang sabi ni Sam.
“Gusto ko sana patunayan
kay bayaw na mahal na mahal kita. At hindi kita gagamitin lamang para sa
personal kong ambisyon sa buhay. Dahil kasama ka sa lahat ng pangarap ko at sa
lahat ng gusto kong marating sa buhay,” ang pagpupumilit ni Edward.
“Pero baka mas lalong
gumulo ang sitwasyo. Hindi natin alam kung ano pa ang kayang gawin ni Lance,”
ang pag-aalinlangan ni Sam.
“Ako ng bahala kay bayaw.
Alam ko na mahal niya ang pamilya niya at hindi siya gagawa ng ikasisira niya
sa kaniyang pamilya,” ang pangako ni Edward.
“Parang mahirap Edward,”
ang maikling nabanggit ni Sam.
“Mahirap pero kakayanin
natin yun. Huwag kang mag-alala.” ang sabi ni Edward.
Biglang napayakap si
Edward kay Sam. Himigpit din ang pagkakayap ni Sam kay Edward. Tanda iyon ng
pagsang-ayon ni Sam sa nais mangyari ni Edward. Bumitaw lang sila sa yakapan ng
mapansin nila na pinagtitinginan na sila ng mga taong nagdya-jogging din sa
lugar.
-----o0o-----
Simula ng araw na iyon ay
nanirahan na din sa condo unit ni Edward si Sam. Bago nilisan ni Sam ang
kanilang bahay ay humingi muna siya ng pahitulot sa kaniyang mga magulang.
Suportado naman siya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang naging desisyon.
Naging masaya ang dalawa sa unang Linggo ng kanilang pagsasama.
Isang gabi, nag-set ng
dinner nila ni Sam si Edward. Hindi ipinaalam ni Edward kay Sam na kasama sa
dinner sina Lance at Emily. Kaya nabigla si Sam ng dumating ang mag-asawa sa
kanilang dinner.
“Mukhang the best of friends
na din kayo ng kapatid ko,” ang unang nabanggit ni Emily ng makalapit na sila
sa table nina Sam at Edward at habang kinakamayan si Sam.
“Oo naman mare,” ang
nabanggit na lamang ni Sam.
“Hi pare,” ang bati naman
ni Sam kay Lance sabay abot ng kamay nito.
“Ayos lang pare. Long time
no see pare,” ang sabi naman ni Lance.
“Sige, order muna tayo na
makakain natin. Then later ko na sasabihin what's this dinner is all about,”
ang sabi naman ni Lance.
“Oo nga. Sabi mo meron
kang sasabihing magandang nangyari sa buhay mo. Sa business mo ba yan?” ang
tanong naman ni Emily.
“Mamaya na ate. Let's have
dinner first,” ang sabi naman ni Lance.
Nag-order sila ng dinner.
Habang naghihintay sa pag-serve ng order nila ay nagkwentuhan muna sila. Normal
naman si Lance sa kaniyang pakikipag-usap kina Edward at Sam. Paminsan-minsan
pa nga ay nakikisama sa tawanan si Lance. Tila wala na kay Lance ang poot na
dating ipinadama niya sa bayaw.
Nang matapos na silang kumain
ay kumuha ng tyempo si Edward upang sabihin ang nais niyang ipaalam.
“Ate, bayaw, I want you to
know na natagpuan ko na ang mamahalin kong tao at makakasama habang-buhay,” ang
panimula ni Edward.
“Ha! Grabe ka naman
Edward. Bakit hindi mo siya isinama dito para nakilala na din sana namin agad,”
ang biglang nabanggit ni Emily.
“Ate, kilalang-kilala mo siya
at kasama natin siya now. Si Sam,” ang pag-amin ni Edward.
“Ano! Bading ka ba o
nababaliw ka lang? Kaya pala hiniwalayan ka ng asawa mo. Lalaki din ang gusto
mo. At si Sam pa,” ang nabanggit ni Emily sa kaniyang pagkakabigla sa narinig
mula sa kapatid.
“Ate naman. Mahirap
ipaliwanag. Pero bigla ko na lamang naramdaman iyon.” ang sabi na lamang ni
Edward,
Halata sa pagmumukha ni
Lance na nagpipigil siyang masabi ang nasa loob niya. Si Sam naman ay tila
nakaramdam ng pagkahiya kay Emily.
“Ano, pare. Totoo ba itong
sinasabi ng kapatid ko? Baka nahihibang lang ito?” ang mga tanong ni Emily.
“Mare, I guess it's time
for you to know the real score between us. Yes, it's true.” ang pag-amin ni
Sam.
“Oh my gosh, meron pala
akong kapatid na bading at kumpareng bading din.” ang medyo napalakas na boses
ni Emily.
“Calm down honey. Nasa
public place tayo. Maraming ibang tao dito sa restaurant,” ang biglang pagsingit
ni Lance sa usapan.
“Pareng Sam, baka pati
itong kumpare mo, pinagnasaan mo din? Oh my gosh, ilang taon na kayong
magkumpare. Baka may nangyari na din sa inyo?” ang mga tanong pa ni Emily.
“Honey, pwede ba! Huwag
mong isipin yun. Hindi ko din alam na ganyan pala si pareng Sam,” ang pagtanggi
naman ni Lance.
Napatingin na lamang sina
Edward at Sam kay Lance.
“Sana umamin ka pare na ganiyan
ka. Baka napagbigyan pa kita,” ang pilit birong binanggit ni Lance.
Hindi naman sumagot si
Sam.
“Sa totoo lang pareng Sam.
Was there an instance na nagkagusto ka sa asawa ko?” ang tanong ni Emily kay
Sam.
“Hindi ko type ang may
asawa. Turn-off ako sa kanila,” ang naisipang sabihin na lamang ni Sam.
“Pare naman, kilala mo
ako. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki.” ang sabi naman ni Lance.
“Hindi ko din pala type
yung masiyadong seryoso sa buhay. Mas ok sa akin ang tulad ni Edward,” ang
dagdag pa ni Sam na medyo naiinis din sa nabanggit ni Lance.
“Hay naku magtatalo pa
kayo. Pero honey, hindi mo ba nahalata noon pa na ganiyan pala si pareng Sam?”
ang tanong naman ni Emily kay Lance.
“Medyo, lalo na noong una
kaming sabay naligo pagkatapos ng basketball game namin. Panay sulyap niya sa
manoy ko,” ang tugon ni Lance.
“Uy hindi kaya. Kahit
maghubad ka sa harapan ko ay hindi kita pagnanasaan,” ang sabi naman ni Sam.
“O sige na nga. Naniniwala
na ako. Gusto ko lang makasiguro na di bading itong asawa ko.” ang sabi na
lamang ni Emily.
Natawa si Edward sa
nabanggit ni Emily.
“Bakit ate, anong gagawin
mo ba kung malalaman mong nanlalaki na din si bayaw?” ang tanong ni Edward.
“Mawawalan siya ng asawa
at mga anak. Lalayasan namin siya,” ang tugon ni Emily.
“Hindi naman mangyayari
yun honey,” ang sabi naman ni Lance.
“Siguraduhin mo lang. Kasi
puputulin ko si manoy mo para wala ng makinabang dyan,” ang biro naman ni
Emily.
Nagtawanan ang apat.
Nagkaroon pa sila ng kwentuhan hanggang sa muling tanungin ni Edward ang ate niya
tungkol sa kanila ni Sam. Sumagot na lamang ito na wala naman siyang magagawa
kung ganoon nga ang mga pangyayari. Basta susuporta na lamang daw siya sa
kapatid sa mga desisyon nito. Hindi nagtagal ay nahiwalay na silang apat. Sa
pag-uwi nina Sam at Edward, batid nila na kahit nakisama sa biruan at kwentuhan
si Lance ay may poot pa rin siyang kinikimkim sa dalawa.
Matapos ang usapan nilang
iyon during a dinner, naging maayos naman ang pagsasama nina Sam at Edward.
Iniwasan nilang dalawa ang madalas na makasama ang mag-asawang Lance at Emily
dahil nagbabakasakali silang tuluyan ng malimutan ni Lance ang lahat sa pagitan
nila ni Sam. Subalit nagkamali pala ang dalawa.
Nag-iisa noon si Sam sa
condominium unit ng marinig niya ang door bell. Laking gulat niya ng buksan
niya ang pintuan.
“Uy, Lance ikaw pala,” ang
sabi na lamang ni Sam na pilit itinago ang pagkakabigla niya ng makita si
Lance.
“Kumusta na? Kumusta na
kayo ni Edward?” ang mga tanong ni Lance.
“Ayos naman kami. Halika.
Pasok ka,” ang tugon ni Sam.
“Sobrang busy yata kayo ni
Edward at hindi na kayo napapasiyal sa bahay lately,” ang sambit ni Lance.
“Medyo, Lance. Sumaglit
nga kami last week sa China para bisitahin yung isang supplier niya doon. Medyo
gumaganda na ang takbo ng negosyo ni Edward,” ang sabi naman ni Sam.
Tila wala ng maitanong o
masabi man lamang si Sam. Nakaupo siya sa sopa at nakatigtig kay Sam.
“Gusto mo ba ng juice or
beer or anything?” ang tanong ni Sam.
“Beer will be fine,” ang
sagot ni Lance.
Kumuha ng isang boteng
beer si Sam. Binuksan iyon at iniabot kay Lance.
“Mas mabuti pa kaya dito
ka na mag-dinner. Katatawag lang ni Edward. Medyo male-late siya ng uwi kasi
personal niyang inaasikaso ang isa sa regular na client nila. Kung sabagay
hindi pa naman luto yung bulalo na niluluto ko. Favorite ni Edward yun.
Tamang-tama siguro pagdating niya eh luto na din yun,” ang sabi ni Sam.
Nanatiling tahimik pa din
si Lance at pinagmamasdan lamang ang bawat kilos ni Sam.
“Is there something wrong
Lance?” ang tanong ni Sam.
Parang walang narinig si
Lance. Nakatingin pa rin siya kay Sam.
“I'm sorry Sam kung
nagkulang man ang pagmamahal ko sa iyo. Kung gusto mo hihiwalayan ko na si
Emily. Then magsasama na tayo,” ang biglang bulalas ni Lance.
“What? Nahihibang ka na ba
Lance!” ang pagkagulat ni Sam sa nasabi ni Lance.
“Hindi ba ‘yun na lang ang
kulang sa atin before. Ang magsama na tayo sa iisang bubong. Katulad ng
ginagawa n’yo ni Edward?” ang dugtong pa ni Lance.
“Hindi yun Lance.
Nagi-guilty ako kay Emily at sa mga anak mo. Kaya dapat lang na itigil na natin
ang namamagitan sa ating dalawa,” ang sabi naman ni Sam.
“Pero I love you Sam and I
know deep in your heart ako pa rin ang mahal mo,” ang sambit naman ni Lance.
“Tama na Lance. Ayos na
ang sitwasyon natin. Manatili ka na lamang sanang faithful kay Emily. Mas
tahimik na ang buhay ko ngayon,” ang pakiusap ni Sam.
“Eh papaano ako. I still
love you Sam. I need you. Hindi mo na ba ako mahal?” ang mga tanong ni Lance ng
tabihan niya sa pagkakaupo si Sam.
Hindi makasagot si Sam.
“I know and I can still
see in your eyes that you still love me,” ang sabi naman ni Lance sabay yapos
kay Sam.
Parang kung anong kuryente
ang dumaloy sa katawan ni Sam at hindi siya makakilos. Sinimulan siyang halikan
sa labi ni Lance. Hindi niya makuhang iiwas ang kaniyang labi. Nagtagumpay si
Lance na mahalikan si Sam. Gumanti na din ng halik sa Sam kay Lance. Naging
mainit ang mga sumunod nilang ginawa. Ang mainit na halikan nilang iyon ay
sinundan ng unti-unti nilang paghuhubad ng lahat ng saplot nila sa katawan.
Tila na-miss talaga nila ang isa't isa. Isang mainitang pagtatalik ang sumunod
nilang ginawa.
Natigilan lamang sila sa
kanilang ginagawang pagtatalik ng maramdaman nilang bumukas ang pintuan.
“What are you doing? Sam!
Bayaw! Anong ibig sabihin nito?” ang mga pasigaw na tanong ni Edward matapos
niyang isara ang pintuan.
Nagulantang ang dalawa at
biglang tumigil sa kanilang pagtatalik. Kapwa hubo't hubad sina Lance at Sam na
humarap kay Edward.
“Akala ko tapos na ang
lahat sa inyo. You made me believe, Sam. Bakit ganoon?” ang sumbat ni Edward
kay Sam.
“I'm sorry Edward. Masiyadong
mabilis ang pangyayari. I am really sorry.” ang sabi na lamang ni Sam.
“It was my fault. I forced
him to have sex with me. Patawad bayaw pero namimiss ko na rin ang pagtatalik
namin ni Sam kaya pinilit ko siya,” ang paliwanag naman ni Lance.
“Ayaw ko ng marinig ang
mga paliwanag n’yo. Ginagawa pala ninyo akong tanga. Malay ko ba na hindi lang
pala ngayon nangyari ito. Ako naman si gunggong na pinaniwala mo Sam na wala na
kayo ni bayaw,” ang muling sumbat ni Edward.
“That's not true Edward.
Ngayon lamang nangyari ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyari ito. Pero
hindi kita niloloko,” ang paliwanag naman ni Sam.
“Eh anong tawag mo dito.
Hindi ba ito panloloko sa akin?” ang dugtong ni Edward.
“I am really sorry Edward,”
ang paghingi muli ng tawad ni Sam.
“Bayaw, ako ang may kasalanan.
Sa akin ka dapat magalit,” ang sabi naman ni Lance.
“Bullshit! Magsama kayo
muling dalawa! Mga manloloko!” ang sigaw ni Edward sabay labas ng condominium
unit.
Hindi na nakuhang habulin
ni Sam si Edward. Wala pa din siya kasing saplot sa katawan. Hinayaan na lamang
niyang umalis si Edward. Napaupo siya sa sopa at nagsimulang tumulo ang kaniyang
mga luha.
“Sorry, Sam. It was really
my fault,” ang paghingi ng tawad ni Lance kay Sam.
Hindi pa rin nagsalita si
Sam. Nagpatuloy lamang ang pagdaloy ng luha mula sa kaniyang mga mata.
“Don't worry Sam. Nandito
pa naman ako. Hinding-hindi kita iiwan. Tulad ng nasabi ko kanina, I am willing
to leave my family just to be with you.” ang sabi na naman ni Lance.
Biglang napatitig si Sam
sa mga mata ni Lance.
“No, Sam. I'd rather be
alone than ruin your family. Go home Lance and be a faithful husband again to
your wife and a good father to your children. I can't be truly happy with you
Lance. May nasasaktan tayo sa ating relasyon.” ang pakiusap ni Sam kay Lance.
“Pero....” may sasabihin
pa sana si Lance pero napigilan siyang magsalita ni Sam.
“I already made my
decision. Be with your wife and kids. Ayaw ko ng maglaro pa tayo ng apoy.
Napapaso na ako. Ayos lang kung ako lang ang mapaso at masaktan. Pero papaano
kung si Emily ang masaktan o ang mga anak mo. Ayokong lumaki ang mga anak mo na
kinamumuhian ka nila,” ang dugtong pa ni Sam.
Wala ng nagawa si Lance
kundi sundin si Sam. Isa-isa niyang pinulot ang kaniyang mga damit at isinuot
ang mga yun. Matapos maisaayos ang sarili ay nagpaalam na siya kay Sam.
Nang gabing iyon ay hindi
na umuwi sa condominium unit niya si Edward. Balisang-balisa si Sam sa kung
saan nagpalipas ng gabi si Edward. Kinaumagahan ay wala pa din si Edward. Kahit
anong tawag ni Sam sa celfone ni Edward ay hindi niya ito sinasagot. Batid ni
Sam na masama ang loob ni Edward sa kaniya. At sa sandaling panahon na
pagsasama nila ay hindi basta-basta napapaliwanagan si Edward para kumbinsihin
na baguhin ang kaniyang pananaw. Wala na din alam na paliwanag si Sam upang
maibsan ang sama ng loob ni Edward sa kaniya.
Minabuti na lamang ni Sam
na lumisan. Nag-impake si Sam ng kaniyang mga damit. Isang maikling liham ang
iniwan ni Sam sa condominium unit na nagsasabi lamang na “Thank you for loving
me and I'm really sorry. I will always love you.”
-----WAKAS-----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento