Bestfriend/Boyfriend?
(Part 1/2)
From:
LagunaBatangasBi
“Matagal ka pa ba
diyan Marco?”
“Saglit na lang
‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.”
“Ikaw pa ngayon
nagpapahintay sakin. Lagi ka namang gwapo.”
“Patience, Anthony.
Syempre dapat gwapo ako for you.”
Nilapitan ako ni
Anthony at niyakap. “Okay na. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”
-----o0o-----
Five years ago…
“May ginagawa ka?”
Tumawag sakin si
Anthony. Mukhang may problema na naman ‘tong lokong ‘to.
“Saan?”
“Dun sa dati.”
High school pa
lang, magkaibigan na kami ni Anthony. Classmates kami simula first year. Dati
ay marami kami sa barkada pero mula ng mag-kolehiyo kami ay nabawasan.
Pareho kami ng
pinasukang school sa college, kaya mas naging close kami. Ngayon ngang second
year college students na kami, lalo pang tumibay at mas lumalim pagsasamahan
namin. Usually pag tumatawag iyan sa disoras ng gabi at gusto makipagkita, may
problema yan. Sanay na kong bigla na lang siyang tatawag at mapipilitan naman
akong iwan kung anuman ang ginagawa ko para puntahan siya.
Nandun na si
Anthony sa lugar kung saan kami madalas magkita, nakasandal sa puno. “Anong
problema?” tanong ko pagdating ko.
“Nakipagbreak siya
sa akin,” mahinang tugon ni Anthony.
“Sino?”
“Sino pa ba? Para
namang ang dami kong girlfriend. Marco naman eh. Inaasar mo pa ako,”
mangiyak-ngiyak na sagot ni Anthony.
Inakbayan ko siya
at tinapik ang balikat. “Ito naman, pinapatawa lang kita. Ikukwento mo ba?”
“Masyado daw akong
maloko. Parang hindi ko daw kayang magbago para sa kanya. Feeling niya hindi
ako nag-aaral ng mabuti at walang plano sa buhay.”
“Pinaliwanag mo ba
side mo?”
“Para saan pa? Eh
ayun na ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis lang, nakilala na niya akong
ganito tapos ngayon bigla siyang magrereklamo.”
“Pano yan? Hindi ka
na makikipagbalikan?”
“Alam mo namang
hindi ako nakikipagbalikan kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama.”
Hindi na ko sumagot
pa at tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya sa balikat ko at nagsalita ng
marahan. “Mukhang ikaw na naman ang mag-aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless
hanapan mo agad ako ng bagong girlfriend.”
Medyo ngumiti siya
habang nagsasalita.“May choice pa ba ko?
“Eh kung tayo na
lang kaya?” – si Anthony.
Tumayo si Anthony
mula sa pagkakahiga niya sa balikat ko at humarap sa akin. “Gago ka, sinabi
nang huwag kang magloloko ng ganyan eh, papatulan kita,” naiinis kong sabi
sabay palo sa braso niya.
“Joke lang. Hoy
ikaw Marco, subukan mo kong iwan, ipagkakalat ko sa campus na bading ka.”
“As if naman hindi
pa nila lahat alam. Kulang na nga lang sumali ako ng beauty contest para may
proof na bading ako,” natatawa kong sabi.
“Pag sumali ka dun,
promise ako escort mo kahit ano mangyari.”
“Natouch naman daw
ako dun. Ano malungkot ka pa ba?”
“Syempre naman.
Pero ayoko ng magdwell dun. Dito tayo matulog,” sabi ni Anthony sabay higa sa
damuhan.
“Baliw ka ba? Gusto
mong mamatay tayo sa kagat ng lamok?”
“Syempre prepared
ako. May dala akong kumot at Off.”
“Prepared ka nga.
Eh hello may pasok ako bukas. Tsaka may tinatapos akong paper kanina nang bigla
mo kong pinapunta dito.”
“Sa inyo na lang
kaya ako matulog? Wala naman akong pasok bukas eh. Buong araw lang ako hihiga
sa kama mo.”
“Bahala ka.”
Sumakay na kami sa
kotse ko para bumalik sa bahay. Nag drive-thru muna kami sa Jollibee dahil
hindi pa pala siya kumakain ng dinner. Pagdating namin sa bahay ay pumasok na
agad si Anthony sa loob. Nadatnan niya doon si Mama na nanood ng TV. Hinalikan
niya si Mama sa pisngi at umupo sa tabi nito at nanood din ng TV. Ganyan na ka-close
si Anthony at si Mama. High school pa lang kasi madalas na siya dito sa bahay.
Parang anak na ang turing ni Mama kay Anthony.
“Mama, dito daw
matutulog si Anthony,” sabi ko kay Mama matapos ko siyang halikan sa pisngi.
“Oh ok sige. Ayusin
ko ba yung guest room?”
“Ay hindi na po
Tita. Dun na lang ako sa room ni Marco matutulog,” sagot ni Anthony.
“Sige ikaw bahala.”
Umakyat na kami ni
Athony sa kwarto ko. Umupo siya sa computer chair ko at binuksan ang laptop ko.
Dumiretso naman ako sa closet at kumuha ng pamalit kong damit. Kinuhanan ko na
din ng damit si Anthony at ibinato ito sa kanya. Nagpalit na ko ng damit sa
kwarto.
Nagpalit na rin ng
damit si Anthony. Gwapong-gwapo ako dito kay Anthony. Sobrang amo ng mukha nya
at ang pupungay ng mata. Medyo payat lang siya pero hindi naman pangit tingnan.
Kung hindi ko lang talaga ‘to kaibigan matagal ko na ‘tong pinatulan.
“Anthony may tanong
ako sayo? Bakit parang sobrang komportable kang magbihis sa harapan ko eh alam
mo namang bading ako?”
“Kasi kaibigan
kita. Alam kong wala kang gagawing masama. Tsaka alam ko namang hindi rin ako
bibigay sayo,” natatawang sabi ni Anthony.
“Ang yabang mo.
Bakit, hindi ba ako gwapo?” naiinis kong tanong.
“Gwapo din naman.
Pero ‘di kasing gwapo ko,” natatawa niyang sagot.
“Ewan ko sayo.
Umalis ka na nga dyan sa computer chair ko, tatapusin ko na yung paper ko. Dun
ka sa kama.”
Umupo ako sa upuan
at binuksan ang file na kelangan kong tapusin. Niyakap ako ni Anthony mula sa
likod. “Uy nagtatampo si Marco ko. Sorry na.”
“Oo na. Dun ka na
sa kama. Huwag mo ko istorbohin ah. Kelangan ko ‘to matapos ngayong gabi.”
“Opo.”
Humiga sa kama si
Anthony at pinatugtog ang MP3 player ko. Puro lang mga kanta ni John Mayer ang
nandun.“Adik ka talaga sa kanya ‘no?” tanong ni Anthony.
“Gusto ko lang
talaga mga kanta niya.”
“So manonood ka ng
concert niya sa October?”
“Hindi, ang mahal
ng ticket eh,” sagot ko.
-----o0o-----
Alas dos na ng
madaling araw ko natapos ang ginagawa ko. Kanina pa nakatulog si Anthony. Nag-print
na ko ng paper ko tapos ay pinatay ang laptop. Pinatay ko na rin ang ilaw at
tumabi kay Anthony. Nakatagilid kami pero sa parehong side kami nakaharap.
Niyakap ako ni
Anthony. “Good night best friend.”
“Kala ko tulog ka
na?” tanong ko.
“Nakatulog na nga ako
pero nagising lang.”
“O sige. Good night
na.” Paano ba naman ako hindi magkakagusto dito eh sobrang sweet sa akin. Hindi
siya naaalangang yakapin o tumabi sa akin. Sobrang bait pa. Hay mahal ko na ata
talaga tong mokong na ‘to. Pero alam ko namang imposible.
Gumising ako ng 6
am para maghanda sa pagpasok. Kumain na ako ng breakfast tapos ay naligo at
nagbihis. Mga 7:15 ako umalis pero tulog pa rin si Anthony. Hindi ko na siya
ginising dahil alam ko namang madadatnan ko siya pag-uwi ko.
Pagpasok ko ng
classroom ay nadatnan kong andun si Sarah, ex-girlfriend ni Anthony.
“Marco nakita mo ba
si Anthony?” tanong sa akin ni Sarah.
“Wala siyang pasok
ngayon.”
“Alam ko ngang
walang pasok kaya nga tinatanong ko kung nakita mo eh,” masungit niyang tugon.
Hindi talaga kami
magkasundo nito. Mula pa ng maging sila ni Anthony, bihira ako sumama sa kanila
dahil hindi ko talaga gusto ugali niya. Maganda nga siya at matalino pero ang
pangit talaga niya umasta.
“Hindi,” maikli
kong sagot. Tinext ko si Anthony tungkol dito.
Ako: Huy hinahanap ka ng ex mo.
Anthony: Sino sa kanila?
Ako: Edi yung pinakabago.
Anthony: Ano sabi mo?
Ako: Sabi ko hindi kita nakita.
Anthony: Sige. Text ko na lang siya.
Ako: Makikipagbalikan ka?
Anthony: Oo eh. Mahal ko pala talaga siya.
Ako: Ewan
ko sayo. Pinuyat mo pa ko kagabi tapos ganyan lang din pala.
Anthony: Sorry
na. Nga pala, alis na ako maya-maya dito sa inyo ah. Makipagkita ako kay Sarah.
Ako: Ok.
Hindi naging
maganda ang takbo ng araw ako dahil sa text na iyon ni Anthony. Medyo nasaktan
ako at nagselos. Pakiramdam ko kasi kapag kami ang nag-away, hindi siya gagawa
ng paraan para magkaayos kami.
Pag-uwi ko ng bahay
ay hindi ko na nadatnan si Anthony tulad nga ng sinabi niya. Binato ko ang
gamit ko sa sahig at humiga sa kama. Kinuha ko ang MP3 player ko at pinatugtog
ito. Nagulat ako ng may isang kanta roon ni John Mayer pero cover lang. Mukhang
walang nagawa si Anthony kanina sa bahay kaya nagrecord ng kanta. Natawa ako
dahil wala siya sa tono.
Nagtext ako sa
kanya para asarin siya.
Ako: Hoy
Anthony, binaboy mo na naman MP3 player ko. Kung anu-ano pinaglalalagay mo.
Tsaka nabastos si John Mayer sa ginawa mo.
Hindi sumagot si
Anthony. Siguro ay magkasama sila ni Sarah kaya ayaw niyang magpaistorbo. Hindi
ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng tinawag na ko ni
Mama para maghapunan. Nang tiningnan ko yung phone ko, wala pa ring text si
Anthony. Medyo nalungkot ako. Hindi ko alam. Dapat natuwa ako na
makikipagbalikan siya dahil mahal naman talaga niya si Sarah, pero hindi ko
maiwasan malungkot dahil may gusto nga ako sa kanya.
Habang kumakain ay
may tinanong sa akin si Mama.
“Anak, kailan mo
balak sabihin kay Anthony yang nararamdaman mo?”
Nagulat ako sa
tanong ni Mama. Alam niyang noon pang high school ako may gusto kay Anthony.
“Never na mama.
Ayokong masira pagkakaibigan namin. Tsaka alam kong imposible namang ganun din
ang nararamdaman niya. Mawawala din tong nararamdaman ko.”
“Ayoko lang naman
anak na nakikita kang nasasaktan.”
“Hayaan niyo na
Mama. Mawawala din ‘to.”
-----o0o-----
Kinabukasan, sa
school ay nagkasalubong kami ni Anthony.
“Marco sorry hindi
ako nakapagreply sa ‘yo kagabi. Kasama ko kasi si Sarah nun.”
“Ok lang. Kamusta
na nga pala kayo?”
“Ayun nagkita kami
sa isang restaurant. Sinubukan ko siyang kausapin pero may gusto siyang gawin
ko na hindi ko kayang gawin,” tugon niya.
“Ano yon?”
“Wala. I guess I
just have to move on. Alam mo, honestly, she does not deserve me. And if she
cannot accept every aspect of who I am, then she does not deserve my love,”
madamdamin niyang sagot.
“Wow ang lalim
Anthony, ah. Sana nga makapag move on ka na talaga. Marami pa namang girls na
nagkakandarapa sa ‘yo eh,” sagot ko sa kanya.
Hindi na muna ako
maghahanap. Kelangan ko muna maglet go kay Sarah. Syempre kahit ganun yun,
mahal ko pa rin yun. Teka, san ka punta? Kakain ako sa labas. Itetext pa lang
sana kita”
“Sa library, may
ireresearch lang. Sunod na lang ako sa’yo, saglit lang naman ako eh.”
“Samahan na lang
muna kita. Wala din naman na akong gagawin.”
Tinulungan ako ni
Anthony magresearch tungkol sa Communication theory subject ko. Nakaupo kami sa
isang table ng lumapit ang isa kong classmate.
“Marco, may nahanap
ako tungkol dun sa assignment natin. If you want, ipa-photocopy mo na lang,”
sabi niya.
“Sige. Salamat.
Siya nga pala, Anne, best friend ko pala si Anthony. Anthony, classmate ko, si
Anne.”
Nagshake hands sina
Anne at Anthony. Nahalata kong medyo namula si Anne. Mukhang crush niya ang
best friend ko. Tumayo na kami ni Anthony at pumunta sa photocopying area. Nang
makuha na namin yung readings namin ay inaya na ako ni Anthony kumain.
“Anne, do you want to
join us? Kakain kami ni Marco diyan lang sa labas ng school,” paanyaya ni
Anthony kay Anne.
“Uhm, sige next
time na lang. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Thanks, though,” sagot ni
Anne.
“Oh okay. Sige nice
meeting you.”
“Nice meeting you
too.”
Lumabas na kami ni
Anthony at dumiretso sa fishball stand. Favorite snack kasi namin ni Anthony
ang fishballs. Simple joys in life kumbaga.
“Anthony, libre ko
na to total naman sinamahan mo ko sa library tsaka alam kong broken hearted ka
pa,” pang-aasar ko sa kanya.
“Alam mo hindi ako
maaasar sa iyo dahil ililibre mo naman ako,” natatawa niyang sagot.
“Ano naman tingin
mo kay Anne?” tanong ko kay Anthony.
“Well, ok lang.
Mukhang smart. Pero she’s too simple for my type.”
“Hindi ko naman
tinatanong kung type mo siya,” pang-aasar ko. “Just sayin’.”
Pag-uwi ko ng bahay
ay nakatanggap ako ng text mula kay Anne.
Anne: Marco,
hindi ko alam na friend mo pala si Anthony. Naging classmate ko siya before at
super crush ko siya. Alam kong hindi niya ako maalala. Wala lang, natuwa lang
ako na may common friend kami.
Ako: Napansin
ko nga kanina na namula ko nung pinakilala kita sa kanya. Well, marami talagang
nagkaka-crush dun. Pero playboy yun. Ingat ka lang. Haha
Anne: Alam
ko namang hindi ako magugustuhan nun. Ikaw ba Marco, wala ka bang gusto kay
Anthony? Super close kayo eh. At mukhang hindi siya nahihiyang kasama ka.
Ako: Ako
magkakacrush dun? Alam ko lahat ng baho nun. Magkaibigan na kasi kami since
high school kaya sanay na siyang kasama ako. Ganyan ang buhay namin ni Anthony.
Normal kung ikukumpara sa iba. Magkaiba kami ng course kaya wala kaming
parehong subjects. Nagkikita lang kami pag free time namin or kapag nagka-cut
ng classes ang isa sa amin para tumambay or mag-sit-in sa class ng isa.
Unti-unti na ring
nakalimutan ni Anthony si Sarah. Mas nag-focus siya sa pag-aaral niya. Ako
naman ay ganun din dahil iniingatan ako ang grade average ko para naman magka-honor
ako sa graduation.
-----o0o-----
October na. Buwan
na ng birthday ko. Si Anthony naman ay December ang birthday. Hindi namin
nakasanayan na magregalo sa isa’t isa. Madalas ay nanlilibre lang kami kasama
ng iba pa naming high school friends.
Isang araw habang
kumakain kami nina Anthony at Anne sa may fishball stand sa labas ng school ay
may inabot sa akin si Anthony.
“Uy Marco, ito na pala
birthday gift ko sa ‘yo. Ang tagal kong pinag-ipunan yan ah,”
inabot ni Anthony
sa akin ang isang envelope.
“Wow, first time mo
magregalo sa akin ah. Mukhang mapipilitan akong bigyan ka din ng regalo sa
birthday mo,” sagot ko.
“Aba dapat lang
ano.”
“Dali Marco buksan
mo na,” pangungulit ni Anne.
Medyo madalas na
din naming makasama si Anne dahil naging magpartners kami sa final project
namin. Binuksan ko na yung envelop at nagulat ako sa laman. Dalawang VIP
tickets sa concert ni John Mayer dito sa Manila.
“Oh my God Anthony,
pano mo nabili ‘to? Ang mahal nito ah.” Nakatitig lang ako sa ticket habang
nagsasalita.
“Siyempre humingi
ako ng extra allowance sa parents ko para makaipon. Tsaka binenta ko din yung
comics collection ko.”
“Binenta mo yun? Eh
‘di ba bata ka pa lang kinokolekta mo na yun?” gulat kong tanong.
Adik si Anthony sa
Spiderman comics at talagang kinukulit pa niya ang Tita niya sa Amerika para
lang padalhan siya ng mga issues nito. Hindi ako makapaniwalang binenta niya
yun para lang mabilhan ako ng tickets.”
“Sa pinsan ko lang
naman din binenta para sigurado akong maiingatan niya tsaka at least pwede ko
pa ring hiramin every now and then. Alam ko kasing crush na crush mo si John
Mayer kaya ko naisipang bilhan ka since minsan lang naman siya magconcert dito.
”
’Di ko napigilan
ang aking sarili at niyakap ko si Anthony sa harap ng maraming tao. “Thank you
so much Anthony.”
“Sus, wala yun.
Best friend kita eh. Pero teka kapag nagtagal pa tayong magkayakap dito baka
isipin nila ikaw na bago kong girlfriend,” natatawa niyang sabi.
Si Anne naman ay
nakatingin lang sa amin. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at pinalo siya
sa braso. “Gago ka. Wala naman yung malisya.”
“Syempre sa ating
dalawa wala yung malisya. Pero alam mo naman yung ibang tao, mga tsismosa. Sa
gwapo kong ‘to, malamang mabilis kakalat ang balita,” natatawa niyang sabi.
“Sabagay. Pero
bakit dalawa?”
“Syempre kasama mo
ako. Baka mabore ka kapag ikaw lang mag-isa.”
“Salamat talaga.”
-----o0o-----
Ilang araw din
kaming hindi nagkakasama ni Anthony dahil finals week na. Tinatapos na namin ni
Anne ang project naman at marami din akong ginagawang papers samantalang si
Anthony naman ay busy sa exams niya.
Araw na ng concert.
Sobrang excited ako dahil fan talaga ako ni John Mayer, tapos kasama ko pa si
Anthony manood. Buti na lang at weekend ang concert at wala kaming pasok
pareho. Seven p.m. ang start ng concert pero napag-usapan namin dati ni Anthony
na magkita na sa mall ng mga 4 p.m. para gumala muna ng kaunti.
Nasa mall na ako
kung saan gaganapin ang concert ng tawagan ako ni Anthony.
“Hey Marco.”
“Uy nasan ka na?
Andito na ko.”
“I’m sorry pero
hindi kita masasamahan tonight. May bigla kasi akong kelangan gawin eh.”
>>>>>Itutuloy<<<<<
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento