Huwebes, Pebrero 20, 2025

BestFriend/Boyfriend? (Part 2/2) From: LagunaBatangasBi

 


BestFriend/Boyfriend? (Part 2/2)

From: LagunaBatangasBi

 

Araw na ng concert. Sobrang excited ako dahil fan talaga ako ni John Mayer, tapos kasama ko pa si Anthony manood. Buti na lang at weekend ang concert at wala kaming pasok pareho. Seven p.m. ang start ng concert pero napag-usapan namin dati ni Anthony na magkita na sa mall ng mga 4 p.m. para gumala muna ng kaunti.

Nasa mall na ako kung saan gaganapin ang concert ng tawagan ako ni Anthony.

“Hey Marco.”

“Uy nasan ka na? Andito na ko.”

“I’m sorry pero hindi kita masasamahan tonight. May bigla kasi akong kelangan gawin eh.”

 

-----o0o-----

“Ano yan? Matagal na nating naplano ‘to ‘di ba?”

“Alam ko. Kaya nga sorry eh. Hindi ko pa pwede sabihin sa iyo. Nasa akin naman yung ticket ko. Susubukan ko talagang humabol. I’m so sorry Marco.”

“Bahala ka. O sige, good luck sa kung ano man yang gagawin mo. Bye.”

“Bye, Marco. Sorry.”

Sobra akong nalungkot dahil hindi ko makakasama si Anthony sa concert. Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to. Hay.

Pumila na ako ng maaga sa gate ng concert grounds. Nang makaupo na ako ay hindi ko mapigilang malungkot dahil bakante ang katabi kong upuan. Nagsimula na ang concert. Natuwa ako dahil sa wakas ay nakita ko si John Mayer mag-perform. Pero syempre mas masaya sana kung kasama ko si Anthony.

Mga 10 p.m. natapos ang concert. Nagpunta ako ng parking area. Ng malapit na ko sa kotse ko ay may nakita akong balloon na nakasabit sa side mirrors ko. Hinanap ko kung sino gumawa nito. Pagtalikod ko ay nakita ko si Anthony na may hawak na cake.

“I’m sorry hindi ako nakapunta sa concert kanina. Sinubukan kong pumasok pero hindi na ko pinayagan ng guard.”

Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya.

“Sorry talaga. Huy sorry na. Ito oh, advanced birthday cake. Blow mo na candle mo.”

Hindi na rin ako nag-inarte. Hinipan ko ang candle at ngumiti sa kanya.

“Ano wish ng best friend ko?” tanong ni Anthony.

“Na sana matuto yung bestfriend ko na tumupad sa pangako niya.”

“Sorry na talaga.”

“Ano ba kasi ginawa mo kanina?”

“Hindi ko pa talaga pwede sabihin eh.”

“Kelan ka pa naglihim sakin?”

“Uhm, ngayon lang. Kelangan lang kasi talaga.”

“Sige bahala ka. Uuwi na pala ako.”

“Pwede makisabay? Nag-taxi lang kasi ako kanina. Medyo naubos na pera ko dahil sa cake,” nakangiti niyang sabi.

“O sige sakay.”

Hinatid ko siya sa kanila tapos ay umuwi na ko. Kahit hindi siya nakasama sa concert ay natuwa pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina sa parking area.

Kinabukasan ay birthday ko na. Naghanda si mama sa bahay. Pumunta ang ilan naming kamag-anak. Hindi nakarating kahit sino man sa high school friends namin. Medyo nagtampo nga ako sa kanila eh. Si Anthony naman ay dumating kasama si Anne. Nagtaka nga ko dahil taga Manila si Anne tapos taga-Cavite lang din naman si Anthony kagaya ko kaya hindi ko alam kung bakit sila magkasabay.

“Happy birthday Marco!” bati sa akin ni Anne. May dala siyang cake.

“Thank you. Bakit kayo magkasabay ni Anthony?” tanong ko sa kanya.

“Ah kasi sinundo ko siya sa kanila dahil hindi niya alam papunta dito,” sagot no Anthony na parang kabado.

As usual, sobrang komportable si Anthony sa bahay. Tinutulungan niya si Mama sa pag-aasikaso sa bisita namin. Masaya ang buong araw pero hindi ko maiwasan mapansin na parang mas nagiging close sina Anne at Anthony.

Makalipas ang ilang araw ay mas naging malapit sina Anne at Anthony. Minsan nga ay nakakasalubong ko sila sa school na magkasama. Medyo nagdududa na ko na baka may hindi sila sinasabi sa akin. Minsan at tinanong ko si Anthony tungkol dito pero ang lagi lang niyang sinasabi ay nagpapatulong lang daw siya kay Anne o di kaya ay nagkita lang sila somewhere kaya magkasama sila.

Isang araw, pag-uwi ko ng bahay ay may sinabi sa akin si Mama na talaga namang ikinagulat at ikinalungkot ko.

“Anak, tumawag sa akin ang Daddy mo kanina. Ayos na ang papeles mo papuntang states. Dun ka na sa kanya titira para makapag-aral ka sa Amerika.”

“Huh? Bakit Mama? Ok naman ako dito ah. Ok naman yung college ko. Ayoko pumunta dun.”

“Matagal ka ng gusto makasama ng daddy mo. Pumayag din ako dahil para din naman sa kinabukasan mo.”

“Iniwan niya tayo nung bata pa lang ako. Tapos ngayon makikialam siya sa buhay ko?”

“Anak ‘wag kang ganyan. Nagkaayos na kami ng daddy mo. Makabubuti iyun para sa future mo.”

“Don’t I have a say on this?”

“I’m so sorry anak pero pareho naming gusto ‘to para sa ‘yo.”

“Mama naman eh.”

Niyakap ako ni Mama dahil nakita niya akong umiiyak.

“Kelan ako aalis?” naiiyak kong tanong.

“Sa December anak.”

“Sa December agad? Hindi ako dito magpa-Pasko? Ang bilis naman Mama. Hindi ba pwedeng Next year na lang?”

“Para kasi makahabol ka sa second term sa papasukan mong college. Sasama ako sa iyo para magkakasama tayo mag-Christmas, pero uuwi din ako dito.”

“Magstay ka na lang din dun Mama.”

“Hindi pwede anak. May bago ng family Daddy mo dun tsaka walang mag-aasikaso sa business natin dito.”

“Hindi ba talaga pwedeng next year na lang? Or better yet, never na lang.”

“Anak, we only want what’s best for you. Tsaka bakit ba ayaw mo dun? Bibisitahin naman kita minsan dun.”

“Syempre iba pa rin dito. Tsaka mami-miss ko mga friends ko.”

“Mami-miss mo ba talaga sila lahat o si Anthony lang?”

“Mama naman eh.”

Nagtext ako kay Anthony tungkol dito. Habang nakahiga sa kama ay tumawag siya.

“Hello Anthony, bakit ka tumawag?” tanong ko.

“Totoo ba yan o niloloko mo lang ako?”

“Totoo yun.”

“Punta ako sa inyo ngayon.”

“Seryoso ka? May pasok tayo bukas ah.”

“Oo. Dadalhin ko na uniform ko. Hintayin mo ko diyan.”

Makalipas ang isang oras ay narinig kong may kausap si Mama sa sala kaya bumaba ako upang tingnan kung sino yun.

“Tita naman eh. Bakit niyo ilalayo si Marco sa akin.”

“Para yun sa future niya.”

“Eh kung isama niyo kaya ako dun. Dun na din ako mag-aaral.”

“Gusto mo ba talaga yan?”

“Mami-miss ko lang po kasi talaga si Marco. As in big time.”

“Dun lang naman siya mag-aaral. Malay mo dito pa rin siya magtrabaho.”

Si Mama, kausap si Anthony. Medyo naiyak ako sa narinig ko. Pinahid ko ang luha ko at bumaba.

“Hoy Anthony, kinukulit mo na naman si Mama.”

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.“Tita, hindi ko ibibigay sa inyo si Marco. Hindi ko siya pakakawalan.

”Natawa si mama sa ginagawa ni Anthony. Ako naman ay halo ang emosyon. Gusto kong umiyak pero ayokong gumawa ng eksena.

“Hoy Anthony nakakatawa ka. Umayos ka nga. Mahiya ka kay Mama. Mamaya palayasin ka niyq dito.”

“Pag pinalayas mo po ako dito Tita, isasama ko si Marco.”

Ng tapos nang mag-asaran, pumunta kami sa dining area para mag-snack. Nilabas ni Mama ang ginawa niyang cheesecake. Dito na ikinuwento ni Mama kay Anthony kung ano nangyari kaya ako pupunta sa Amerika. Matapos ay umakyat na kami ni Anthony sa kwarto ko.

“So totoo pala talaga yun? Akala ko pinagtitripan n’yo lang ako ni Tita.”

“Ayoko ding umalis, pero mukhang wala naman akong magagawa eh.”

“Wag mo kong kakalimutan dun ah. Bawal ka magkaron ng best friend dun.”

“Ay ang selfish naman niyan,” natatawa kong sabi.

“Halika matulog na tayo, maaga pa pasok natin bukas.

”Matapos namin maligo ay humiga na kami.

-----o0o-----

“Seryoso Marco, huuwag mo talaga akong makakalimutan,” mahinang sabi ni Anthony.

“Oo naman. Ikaw din, huwag mo kong kaliimutan,” tugon ko.

“Promise, ikaw lang ang kaisa-isa kong gay best friend. Pwede akong magkaron ng maraming gay friends, pero never ko sila magiging best friend.”

“So kelangan pinapasok mo talaga yung pagiging gay ko?”

“Oo naman. Alam mo namang never naging issue sa akin yan di ba?” mas mahina niyang sabi. Halata kong malungkot siya.

“Alam ko. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil sinuwerte ako sa best friend ko. Gwapo na, mabait pa.”

Nakita kong napangiti siya sa sinabi kong yun. “Since aalis ka na pala, sasabihin ko na sa ‘yo yung secret ko.”

“It’s about time. Tungkol ba saan yun?” tanong ko.

“Nililigawan ko si Anne.” Medyo napapansin ko na yun noon pa pero nagulat pa rin ako ng inamin niya sa akin. Medyo may kurot akong naramdaman sa puso ko.

“Kelan pa?”

“Nung araw ng concert ni John Mayer. Kaya hindi agad ako nakapunta, dahil magkasama kami nun ni Anne.”

“Bakit hindi n’yo sinabi agad?”

“Di ko din sigurado. Siguro feeling namin magagalit ka.”

“Bakit?”

“Basta.”

“Hindi ka pa ba niya sinasagot?”

“Hindi pa. Pero alam mo Marco, hindi ko alam na magkakagusto ako sa kanya. ‘Di ba dati sabi ko sa iyo hindi ko siya type? Pero siguro nadevelop ako sa kanya. Simple kasi siya at hindi mahirap pakisamahan.”

“Mahal mo na?”

“Oo naman. Hindi naman ako manliligaw kung alam kong hindi ko pa mahal. Galit ka?”

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako galit pero syempre nasaktan ako. “Bakit naman ako magagalit? Pareho ko naman kayong kaibigan. Sana nga sagutin ka na niya para masaya. O siya matulog na tayo. Good night.”

“Good night best friend.”

Pinipilit kong matulog pero iniisip ko pa rin ang pag-alis ko at ang tungkol kina Anthony at Anne. ‘Di ko mapigilang umiyak.

Nang mga sumunod na araw ay inayos ko na ang papers ko sa school para sa pag-transfer ko. Sina Anne at Anthony naman ay palagi na kong sinasamahan. Sinusulit siguro nila yung mga remaining days ko sa school. Pero madalas din na kami lang ni Anthony ang magkasama. Madalas din na sa bahay na siya natutulog. Naintindihan naman ni Anne. Napansin ko din na mas nagiging sweet sila sa isa’t isa. Nararamdaman ko ng malapit nang maging sila. Masakit man, tinanggap ko na din. Siguro makakatulong ang pag-alis ko para makalimutan ko ang nararamdaman ko kay Anthony.

December na. Birthday na ni Anthony. Aalis na rin ako. Ang masakit pa dun, hindi ko na aabutan ang birthday ni Anthony. Naka-book kasi ang flight ko tatlong araw bago ang birthday niya. Sinubukan kong ipare-book ang flight ko pero wala ng flight na bukas pa kaya wala na akong nagawa.

“Ngayon ka na ba talaga aalis Marco.”

“Oo. Para namang hindi mo nakita yung ticket ko. Halos itago mo na nga para hindi ako makaalis eh.”

“Hindi ba pwedeng after na lang ng birthday ko?” malungkot na tanong ni Anthony.

“Hindi pwede eh. Sayang yung ticket tsaka wala nang ma-book na flight after ng birthday mo. ‘Di bale, binigyan naman kita ng regalo ‘di ba?”

“Hindi naman yung regalo yung habol ko eh.”

“Alam ko,” tugon ko. Niyakap ko na si Anthony.

Narinig ko ng tinatawag yung flight ko. Ito na talaga. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng Pilipinas. Maaaring ito na ang huling pagkikita namin ni Anthony. Niyakap ko ulit si Anthony, “O pano, goodbye na.”

“Mag-ingat ka dun ah.”

“Mag-ingat ka din dito. Alagaan mo si Anne. Mag-aral ka mabuti dito.”

“Oo. Hoy, pag ikaw nagkaboyfriend dun pakilala mo sa akin sa chat tsaka dapat alam ko facebook page niya para mabantayan ko.”

“Asa. Hindi ako magkakaboyfriend dun. Imposible.” Naiiyak na ko. At hindi ko na iyun napigilan. Nang makita yun ni Anthony, pinahid niya ang luha ko.

“Dapat masaya ka, makakakita ka na ng snow. Alam mo namang ikaw lang ang best friend ko. Hindi magbabago yun.”

“Alam ko.”

-----o0o-----

Now:

“Matagal ka pa ba diyan Marco?”

“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.”

“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sa akin. Lagi ka namang gwapo.”

“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for you.”

Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”

“I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride.”

Makalipas ang limang taon, graduate na ko sa Amerika habang sina Ann at Anthony ay nakagraduate na din. Pagkatapos ng graduation nila ay nagpasya silang magpakasal dahil nabuntis si Anne. Ginusto din naman nila pareho na magpakasal.

Ako? Ito makalipas ang limang taon ay hindi pa rin nagkakaron ng karelasyon. Makalipas ang limang taon, mahal ko pa rin si Anthony. Kaya nga ng tinawagan niya ko at sinabihang kukunin akong best man sa kasal nila, kahit masakit, ay pumayag ako at umuwi ng Pilipinas. Nakita ko namang masaya na sila kaya wala na kong ibang nagawa kundi ang maging masaya na lang din para sa kanila.

Habang nasa reception ay pinili ko munang mapag-isa sa garden na katabi ng reception area.

“Anong ginagawa mo dito? Nagdadrama ka?” tanong ni Anthony.

“Ah wala, nagandahan lang ako sa lugar. Congratulations. May asawa ka na at magkaka-anak na.”

“Oo nga eh. Sobrang saya ko, pero sana mapanindigan kong buhayin ang pamilya ko.”

“Kaya mo yan. Alam kong maloko ka pero alam ko din namang seryoso ka pagdating sa ganyang bagay.”

Nilapitan ako ni Anthony at inakbayan. “Na-miss kita sobra.”

“Na-miss din kita.”

Tumutulo na ang luha sa mata ko. Hinawakan ni Anthony ang mga balikat ko at iniharap ako sa kanya. “Hindi ko man masuklian ang pagmamahal mo, Marco, gusto ko malaman mo na minahal kita bilang kaibigan ko. Isa ka sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko.”

“Alam mo?”

“Na ano? Na mahal mo ako? Oo. Noon pa. Hindi mo man sabihin, nararamdaman ko naman at nakikita ko sa mga galaw mo.”

“Bakit wala kang sinabi tungkol dun?”

“May dapat bang sabihin? Hindi ko naman madidiktahan ang puso mo at hindi naman kita matuturuan sa kung ano dapat ang maramdaman mo.”

“Anthony, hanggang ngayon, mahal kita,” umiiyak kong sabi.

“Alam ko,” tugon niya sabay yakap. “Alam ko.”

-----o0o-----

Darating din siya. Alam kong darating din ang taong mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi man nasuklian ni Anthony ang pagmamahal ko sa kanya, alam kong minahal niya ko sa abot ng makakaya niya. Hindi man ako ang kasama niya habang buhay, alam kong may puwang ako sa puso niya. At habang hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin, nandito lang ako, magmamahal sa kanya, bilang isang taong malalapitan niya tuwing may problema siya, isang taong magpapasaya sa kanya, isang taong magiging best friend niya.

 

 

 

>>>>>Wakas<<<<<

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...