Lunes, Marso 31, 2025

Sa Tabing Dagat……. (Part 10) Finale

 


Sa Tabing Dagat……. (Part 10) Finale

 

 

Nakilala, naging kaibigan ni Raffy ang isa nilang guest na nagkroon ng problema dahil sa dati nitong boyfriend, inakala pa nga niyang magpapakamatay nang lumakad ito papuntang dagat gayong napakalakas ng alon at delikado sa gustong lumangoy. Napatakbo siya para pigilan ang binata. Noon nagsimaula ang kanilang pagkakaibigan.

Nanatili roon ang binata na nagngangalang Alex, para daw makalimot. Dahil din sa presenensya ni Raffy kaya tila nakaka-move-on na rin at nakakalimot na sa kasawaian. Ito namang si Raffy ang tila na fall na sa binatang guest. Dahil sa lagi siyang kasama, kausap at nagkakilanlan na sila ng mabuti hanggang sa hindi man niya aminin sa binata ay nagugustuhan na niya ito. Hindi na rin kasi niya naalala pa si Marlon na matagal na rin niyang hindi man lang nakaka-usap.

Samantala ay palagi ring magkasama sina Marlon at Warren. Tila nga may relasyon na ang dalawa, hindi pa lang formal dahil may alinlangan pa ang una, naiisip pa rin kasi niya si Raffy na minsan din niyang nakapalagayang loob. Muntik na nga niyang sagutin kung hindi lang talaga nawala at hindi na nagparamdam.

Magkasama noon si Marlon at Warren sa condo ng huli. Katatapos lang nilang magtalik nang nagpaalam si Marlon. “Bukas pupunta ako nang resort, yung resort kung saan tayo nagkakilala,” sabi ni Marlon.

“Tangina naman eh. Sinong pupuntahan mo roon, si Raffy?”

“Oo, gusto kong makasiguro bago kita sagutin. Kung gusto mo sumunod ka, pero sa sunod na araw na. Sa harap ninyong dalawa ko kayo tatapatin,” sabi ni Marlon.

Wala nang nagawa pa si Warren. Mainit ang ulo na tumagilid at hindi na umimik. Niyakap naman siya ni Marlon buhat sa likuran.

-----o0o-----

Magkahawak kamay na naglalakad sa dalampasigan sina Raffy at Alex. Simula kasi nang magkapalagayang loob ang dalawa, araw-araw, bago mag-bukang liwayway ay naglalakad ang dalawa.

Si Raffy ang nakaisip niyon para makatulong sa madaling paglimot ni Alex. Wika niya, kapag nakita daw nito ang pagsikat ng araw, gagaan daw ang pakiramdam dahil kahit anong unos daw ang dumating sisikat-at sisikat din ang araw.

“Alam mo, hindi ko alam kung magagawa ko pang maunang magising bago pa man sumikat ang araw kapag bumalik na ako ng Manila. Ini-imagine ko kasi, saan ko aabangan eh sa kapal ng smog doon at sa nagtataasang building, hindi ko na yata makikita pa ang ganito kagandang tanawin habang papasikat pa ang araw,” wika ni Alex.

“May solusyon diyan Alex, huwag ka nang bumalik ng Manila, dumito ka na lang hehehe.”

 “Hay naku Raffy, kung pupwede nga lang. Magagalit sa akin si Mama. Mabuti na lang at pumayag siyang mag-extend pa ako dito. Matagal na niya akong hinihimok na tulungan siya sa pagpapatakbo ng  kanyang negosyo. Nangako ako dati na pagka-graduate ko, pero ano, inuna ko itong aking kalandian hehehe. Anong nangyari, naloko.”

“Ayan ka na naman, sinabi ko na sa iyo, para madali kang makalimot, lahat ng tungkol sa nakaraan ninyo, huwag na huwag nang alalahanin pa. Mamaya niyan, tutulo na naman ang luha mo.”

“OA ka naman, wala na, thanks to you. Hindi na kayang sirain pa, nang kahit anong alaala ang mood ko, kita mo, kahit na may sama ng panahon, nagpipilit na sumikat ang araw, gagayahin ko ang araw hehehe.”

“Ganyan dapat.”

“Ano nga palang breakfast ninyo ngayon?”

“As usual hehehe. Itlog, hotdog o ham. Pero pwede kang mag-order ng gusto mo, ordering mo ako hehehe.”

Masaya ang tila paglalambingan at kulitan ng dalawa, tanging ang karagatan lang at kalangitan ang saksi, natutuhan nang mahalin ni Raffy ang binata dangan at nag-aalangan na magtapat dahil baka isiping sinasamantala ang sitwasyon ng binata.

Ramdam naman iyon ni Alex. Maging siya ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob kay Raffy, gwapo na, responsible pa. Hinihintay lang niyang magtapt at talgang susunggaban na niya. Ayaw naman niyang pangunahan dahil baka talagang pakikipagkaibigan lang ang layunin lalo na at nakwento sa kanya ang tungkol kay Marlon.

Dahil sa hindi na yata sisikat ang araw ng buong-buo, nagpasya na silang bumalik para naman kumain ng breakfast. Maging sa kanilang pagkain ay sobrang sweet ang dalawa, kulang na lang ay langgamin ang dalawa sa ka-sweetan. Maging ang kanilang staff ay napapansin iyon. Wala naman silang masasabi, mahal din nila ang kanilang boss, para sa kanila, kung saan ito liligaya.

“Sana Alex, palagi ka na lang ganyan, masaya, palaging nakangiti, tumatawa, lumilitaw lalo ang kagwapuhan mo hehehe.”

“Dahil sa iyo, Kengkoy ka kasi.”

“Hala, komedyante na pala ako. Kung sabagay, talaga lang masayahin ako.”

“Mami-miss kita kapag bumalik na ako ng Manila.”

“Mami-miss kita lalo, alam mo ba iyon Alex? Kasi… kasi…”

“Boss, may naghahanap po sa iyo,” wika ng isang staff, hindi na niya naituloy ang sasabihin. “Sino daw? Marlon?”

“Ako nga, bakit ba naman parang natuka ka nang ahas diyan. Naabala ko ba ang pag-uusap ninyo?” – si Marlon

“Hi-hindi naman, nagulat lang ako. Halika, upo ka, Nag-breakfast ka na ba. Nagbe-breakfast kasi kami, anong gusto mong kainin?”

Tarantang-taranta si Raffy pagkakita kay Marlon, hindi malaman ang gagawin, napansin iyon ni Alex kaya minabuti na lang niyang tumayo para makapag-usap sila. Natandaan kasi niya ang pangalang Marlon na ikinuwento sa kanya ni Raffy.

“Excuse me Raffy, tapos na rin lang akong kumain, maiwan ko muna kayo ha, mukhang may pag-uusapan pa kayo.”

“Sa-sandali lang, sandali lang Alex. Ipakilala ko lang sa iyo ang kaibign ko. Alex, siya si Marlon, isang abogado, kaibigan ko. Marlon, si Alex, guest namin dito at kaibigan ko na rin.”

Nagkamay naman ang dalawa bago tuluyan silang iniwan ni Alex at nagtungo na sa kanyang silid.

-----o0o-----

“Napasyal ka. Baka gusto mo munang mag-breakfas?” alok ni Raffy.

“Yeah, please, yung paborito ko,” tugon ni Marlon.

Tinawag ni Raffy ang isang waiter at nagpadala ng sinangag, daing na pusit, sunny side-up na itlog at brewed coffee.

“Alam mo pa rin pala ang paborito ko,” wika ni Marlon

“Of course, malilimutan ko ba iyon. Kumusta, long time no see ah. Anong balita sa iyo.”

“Eto, busy simula ng dumami ang hinahawakang kaso, ngayon lang ako medyo nagkaroon ng time. Alam mo, naipanalo ko ang kaso, yung unang kaso na napanood mo na bigla ka na lang nawala at hindi nagpakita sa akin. Gusto kong malaman kung bakit, matagal na, pero palaisipan pa rin sa akin.”

“Alam ko naman maipapanalo mo iyon, ang galing mo nga eh, hindi makasagot ng maayos ang nasasakdal ba yun?: tugon ni Raffy.

“So naroon ka nga, sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko eh. Bakit ka nagsinungaling? At bakit ka hindi nagpakita sa akin simula noon, hindi mo sinasagot ang tawag ko hanggang sa nagpalit ka na siguro ng number. Pati message ko sa messenger, hindi mo man lang binabasa. Ano bang dahilan?”

Hindi makasagot si Raffy, nasukol siya. “Marlon, pwede bang sa ibang lugar tayo mag-usap, bilisan mo na lang ang pagkain mo. Hindi kita masasagot ng maayos kapag may ibang makakadinig.”

-----o0o-----

Dahil kulimlim at walag masyadong araw, sa tabig dagat naisipan dalhin ni Raffy si Marlon. Habang naglalakad ay nag-uusap na sila.

“Teka muna, mag stay ka ba dito, nag-book ka na ba ng room o hindi pa?” tanong ni Raffy.

“Iniisip ko pa, baka kasi bigla akong kailanganin sa Manila eh, wala akong choice kundi ang bumalik.”

“Yung tanong ko kanina, sagutin mo na ngayon.”

“Alin dun? Madami yun eh.”

“Hindi ka pa rin nagbabago, patawa ka pa rin eh hindi ka naman kalbo. Lahat.”

Nakarating uli sila doon sa may bench, sa pagkakataong ito ay maliwanag at hindi madilim bagaman wala ring katao-tao. Dahil kasi sa paparating ng bagyo.

“Ano, uulitin ko ba ang mga tanong ko?” – si Marlon.

“Sorry kung hindi ako nagpakita, minabuti kong huwag na.Alam ko naman na hindi mo ako expected na pupunta, kasi may isinama ka nung araw na iyon, nakita ko kayo bago pa man ako makalapit sa iyo. Kilala ko siya, naging guest din namin noon kasabay mo at alam mo na, dito rin sa lugar na ito. Inisip ko na kayo na base sa nakita ko. Nasabi mo kasi sa akin noon na type mo siya. Talo na ako kaya bakit pa ako magpapakita sa iyo. Alam mo ba na umasa ako? Basta.”

“Ganon… basta ka na lang umatras, hindi mo man lang inalam kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko rin alam na pupuntahan ako ni Warren nung araw na iyon, wala siyang sinabi, basta na lang sumulpot at gusto raw akong i-treat, mag-celebrate sa success ng una kong pagharap sa husgado. Hinanap kita dahil sinabi mong panonoorin mo ako, kaya lang hindi kita nakita sa loob. Inisip ko na lang na hindi ka natuloy, kaso nung papalabas na kami, parang natanaw kita, kaso malayo ka at hindi ko masigurado kaya nga tinawagan kita kaagad. Alam mo na naman ang sinagot mo. Bakit hindi mo sinaagot ang mga tawag ko, magpapaliwanag sana ako.” Mahabang paliwanag ni Marlon.

“Sorry kung naging duwag ako, kasi takot talaga ako, takot na ma-reject. Naisip ko na bakit pa ako makikipag-usap kung alam ko na naman ang sasabihin sa akin. Saka, base sa nakita ko talaga, yung pagkaka-akbay sa iyo at yung tuwa mo, alam ko may something na between you, Naisip ko lang, paano ang nobya niya.”

“Wala kaming relasyon kahit na hanggang ngayon, kahit na alam kong wala na sila ng nobya niya. Kasi may gusto akong malaman sa aking sarili. Isang taon din siguro ano na wala man lang balita sa ating dalawa. Gusto ko lang ikwento sa iyo, para malaman mo. Noong makita mo kami, huli na iyon na pagkakita namin, naulit muli after six months siguro, wala na sila ng nobya niya, may pinag-awayan daw na hindi ko na inalam kung ano, hanggang sa nag-break. Noon lang nagsimula ang pagkikita namin ng madalas, pero bago iyon, ikaw lagi ang naiisip ko, masama kasi ang loob ko na kung bakit basta ka na lang ayaw makipag-usap. Kasi ayaw kong mawala din ang pagkakaibigan natin. Alam mo iyon, masakit para sa akin ang mawalan ng kaibigan, lalo na at hindi malinaw sa akin ang dahilan.

“Sorry!”

“So iyon ang dahilan, natakot kang ma-reject, ang babaw nun. Pero okay lang din. Me sumalo naman sa iyo, si Warren.”

“Ano naman ngayon ang tunay mong sadya sa akin. Ramdam ko kasi na may inaarok ka sa iyong kalooban,”

“Oo, tama ka, hindi kasi ako handang makipag-relasyon sa iba hanggat hindi ako sigurado sa damdamin ko, ngayon, sigurado na ako. Tatapatin na kita, talagang nagkaroon na ako ng feelings sa iyo, kaya kung nagkita tayo noon, baka naging tayo na kaso hindi nga. Naisip ko na hindi totoo na mahal mo ako, kasi kung totoo, bakit basta ka na lang nangiwan sa ere. Pero lahat naman ng kabiguan eh me katapat na kasiyahan, hindi nga lang agad-agad. Siguro natagpuan ko na. Ikaw, kumusta ang love-life mo. Yun na bang Alex na iyon?”

“Sana lang, pero… Marlon, kaya ka ba nagpunta rito na walang pasabi ay dahil gusto mo lang malaman kung meron na akong iba?”

“No… no Raffy. Gusto kong malaman kung may space ka ba ba dito,” wika ni Marlon na itinapat ang palad sa dibdib niya.

“Ano ang naging sagot?”

“Meron pa eh, hindi pala basta nawawala,”

“Pe-pep-pero Marlon…”

“Hep! Patapusin mo muna ako.” Nagbuntong hininga pa muna si Marlon bago nagpatuloy. “Meron ka pa namang puwang dito sa dibdib ko, pero bilang kaibigan na lang, wala na yung ibang pakiramdam, yun bang kung baga, walang nang bell na tumunog, pero  yung saya, narito pa rin dahil sa naging magkaibigan naman tayo at napasaya mo ako. Ngayon… ikaw naman, ano ang pine-pero mo”

“Haahhhhhh, alam mo Marlon, pinaluwag mo ang dibdib ko,” pailing-iling na paunang salita ni Raffy. “Kasi, sa tagal na hindi tayo nagkita, totoo, nawawala yung batingaw, wala nang tunog ang kuliling hehehe, alam mo iyon. Kaya naman nagluwag ang dibdib ko, akala ko ay sasabihin mo sa akin na gusto mo na ako. Alam mo iyon, mahirap kayang bumigo ng tao, naramdaman ko eh, kahit hindi naman pala. Ayaw ko kasing makasakit ng damdamin.”

Nilapitan niya si Marlon at niyakap.

“Anong ibig sabihin nito Marlon?”

“Warren!”

“O, bakit ka namutla, nakita mo lang ako eh, Anong dahilan?”

“Magpapaliwanag ako.”

“Ano pang paliwanag. Nadinig ko na lahat! Ibig bang sabihin, akin ka na?”

Napatakbo si Marlon palapit kay Warren at niyakap ito. Halik naman ang isinalubong ni Warren, napakatamis na halik na kahit na si Raffy ay naramdaman.

“Buti pa ay doon na kayo sa silid, free of charge. Hanggang kelan kayo dito. Tatawag ako sa staff ko para i-book kayo.”

-----o0o-----

Kumatok si Raffy sa silid ni Alex. Walang nagbubukas, tahimik at parang walang tao. “Alex, lunch time na, hindi ka ba lalabas para kumain?”

Binuksan na ni Alex ang pinto, napansin kaagad ni Raffy na tila umiyak ang lalaki. Nakita rin nito ang luggage sa ibabaw ng kama.

“Oh bakit nakabasta na ang gamit mo, akala ko ba ay hanggang next week ka pa dito? Bakit tila yata nagbago ang isip mo?”

“Tumawag si Mama, kailangan na raw ako sa Manila.”

“Talaga? Kausap ko lang ang Mama mo eh, tinatawagan ka raw, ayaw mong sumagot, kaya ako ang tinawagan. Kinukumusta ka lang, pinababantayan ka nga sa akin eh. Ang dami na palang alam ng Mama mo tungkol sa akin. Hindi mo naman sinasabi na ikinukiwento mo na ako sa kanya.”

Bigla na lang humagulgol si Alex. “Ayaw ko nang masaktan Raffy. Hindi ko na kakayanin pa!”

“Sinong mananakit sa iyo, ako? Sabihin mo nang mabugbog ko.”

“Kayo na ba ulit nang Marlon na iyon?”

“Nagseselos hehehe. Halika nga dito, huwag ka nang magkunwari pa, bistado ka na. Halika dito.’

Dahil  nagpakipot pa si Alex, si Raffy na ang lumapit at kaagad na niyakap at hinalikan. “Ikaw, ikaw ang mahal ko. Iyon sana ang ipagtatapat ko sa iyo kaninang nagbe-breakfast tayo, kaya lang ay hindi natuloy sa pagdating ni Marlon. Magpapaliwanag pa ba ako ay bistado ka nang gusto mo rin ako?”

“Akala ko kasi eh.”

“Maraming namamatay sa akala.”

Yumakap na rin si Alex at tinugon ang halik ni Raffy. “Mangako ka Raffy, hindi mo ako iiwan at sasaktan?”

 

“Oo naman, mahal kita eh. Kaya humanda ka sa akin kapag ako naman ang niloko mo. Kahit saan sulok ka ng daigdig naroroon, hahanapin kita hahaha.”

“Naks! Talaga lang ha. At paano mo naman ako hahanapin ha Raffy?”

“Sa ‘Google’, malay mo, nasa Wikepedia ka na hehehe.”

“Puro ka biro.’

“Halika na, naghihintay sila sa atin Alex.”

“Sinong sila?”

“Yung pinagselosan mo, nariyan ang jowa niya, sinundan hehehe.”

-----o0o-----

Masayang nagkwentuhan ang apat, nagkaroon pa ng biruan at asaran, wala naman napikon. At nung gabi na ay apat silang naglalakad sa tabing dagat, holding hands ang bawat pareha, masyang-masaya.

Pagdating sa may bench, sa madilim na parte ng dalampasigan ay nagkahiwalay na ang dalawang pares, pero madidinig ang halingingan, ang ungulan.

 

 

>>>>>Wakas<<<<<

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...