Linggo, Abril 6, 2025

Kababata (Part 16) Alaalang Nagbalik

 


Kababata (Part 16)

Alaalang Nagbalik

 

Jonas

Seryoso akong nakikinig sa kwento ni JM tungkol kay Jonas na kababata niya, ewan ko ba, nakakaramdam ako ng kilabot, nanayo ang mga balahibo ko sa braso. Para kasing ganon ang panaginip ko

Inabot kami ng hanggang eleven ng gabi sa pagkuwentuhan. Lahat ng alaala ni JM ng kanilang kabataan ni Jonas na kababata niya ay ikinuwento niya, pati na ang huling pamamaalam nila. Napaiyak din ako nahawa kasi ako kay JM. Talagang magkaibigan na magkaibigan ang dalawa.

Nagpaalam na ako, doon na ako pinatutulog, pero tumanggi ako, kasi naman ay hindi ako nagpaalam kay Mama.

Hindi pa rin ako dalawin ng antok, iniisip ko ang mga ikinuwento ni JM, pati na ang pulseras na buto na kulay pula at itim at ang kwintas na ngipin ng buwaya.

Sa kaiisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

-----o0o-----

“Sana hindi tayo magkalayo, manatili tayong mag bestfriend forever.”

“Oo naman, walang makapag-hihiwalay sa atin. Mangako tayo, walang iwanan, palagi tayong magtutulungan. Kung sakaling maging mayaman ako, hindi kita kalilimutan, promise ko iyan sa iyo.”

“Promise ko rin sa iyo, ikaw lang ang magiging bestfriend ko, wala nang iba. Walang iwanan ha. Sakali mang kailangan nating magkalayo, baka kasi paglaki natin ay makapagtrabaho tayo sa malayo ay wala ring limutan, mangako tayo na hindi natin kalilimutan ang bawat isa.”

“Promise. At para talagang hindi mo ako makalimutan, saan ka man mapadpad, ibibigay ko sa iyo itong aking kwintas. Anting-anting ito ng aking lolo na ipinamana sa akin. Kapag suot daw ito ay maililigtas sa kapahamakan ang may suot nito. Sa iyo na ito at sana huwag mong huhubarin,” wika ko sabay suot sa kanyang leeg.

“Salamat JM.”

“Nanayyyyyyy! Tatayyyyyy! Tulonggggggggggg!”

Hahhhh hahhhhh hahhhhhh. Nanaginip na naman ako.

Napabalikwas na naman ako, nanaginip na namn ako. Uminom ako ng tubig dahil uhaw na uhaw ang pakiramdam ko. Pilit kong inaalala ang napanaginipan ko. Oo parang may naalala ako, tungkol sa kwintas at parang nabanggit ko ang pangalan ni JM. Pero bakit, Anong kaugnayan ni JM sa mga panaginip ko. Hindi kaya dahil iyon ang usapan namin kanina?

Hindi na ako makatulog. Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga maalala ang buong panaginip ko.

-----o0-----

“Good morning ‘Ma.” bati ko kay Mama na bihis na at paalis na papuntang opisina.

“Good morning anak. Maaga ka yata ngayon.”

“Hindi na kasi ako nakatulog ‘Ma. Nanaginip kasi na naman ako eh.”

“Ano ba kasing iniisip mo anak at palagi ka na lang nananaginip. Tungkol saan na naman ba. Naalala mo na ba?”

“Yun nga po ang problema eh, hindi ko maalala lahat. Pero may naalala akong kwintas at parang nabanggit pa ang pangalan ni JM, pero hindi ko naman maalala kung bakit. Ewan ko ba.”

“Syanga pala Jonas bago ko makalimutan, pakihanap nga doon sa bodega yung isang box, yung may mga dokumento. Baka napasama doon yung isang hinahanap kong dokumento. Basta may label naman yung box na documents ha, pakilabas mo na lang at mamaya pagbalik ko na lang titingnan kung naroon nga.”

“Sige po Ma. Ayan na si Papa. Good morning po ‘Pa.”

“Good morning din anak. Kami’y aalis na ha. Kung naiinip ka rito sa bahay ay punta ka muna sa mga kaibigan mo, tumambay ka muna roon, paalala lang, iwas sa gulo at bisyo ha.”

“Opo pa, ingat po kayo. Ihatid ko kayo sa gate, ako na ang magbukas.”

-----o0o-----

John Mark

“Hoy, Mark… ano at nakatunganga ka na naman diyan? Iniisip mo na naman si Jonas?” – si Nora

“Oo eh. Hala, bakit ngayon ko lang naalala, anak naman ng huweteng oo!”

“Hala! Nakakagulat ka naman Mark. Ano ba yun?”

“Wala Nora, wala lang. May naalala lang ako,” sabi ko. Umakyat kaagad ko sa aking silid para doon ko na lang tawagan si Nanay.

Ako:           Hello ‘Nay.

Nanay:       Hello anak, napatawag ka. May kailangan ka ba?”

Ako:           ‘Nay, may naalala kasi ako. Kung bakit kasi ngayon ko lang naisip. “Nay, natatandaan pa ba ninyo ang pangalan ng mag-asawang umampon kay Jonas. Hindi ba pumirma rin kayo ni Tatay doon sa papel pati na yung nag-ampon?

Nanay:       Naku, hindi ko na matandaan ang pangalan eh, matagal na kasi. Pero may kopya ako nung pinirmahan naming papel. Bakit ba.”

Ako:           ‘Nay, kasi po, baka yung Mama ni Jonas ay iyon din ang pangalan, ibig sabihin ay si Jonas Vergara at si Jonas na kababata ko ay iisa. Espiritu kasi ang apelyido nila ‘di ba. Yun ang nakasulat sa nitso nila eh.

Nanay:       Sige, hahanapin ko. Sana lang ay nakatago pa. Kung wala, baka naman may naitatago pa si Kapitan. Tatawagan kita mamaya.

Ako:           Sige po ‘Nay. Kumusta kayo diyan. Tulog po si Tatay?

Nanay:       Okay lag kami, huwag mo kaming alalahanin. Si Tatay mo ay nasa kumpare niya, nag-aayos ng lambat.

Ako:           Ikumusta mo na lang po ako kina Tintin at Dodong ha. Sige po ‘Nay.”

Naku, sana mahanap ni Nanay. Kapag nagkataon, kumpirmado si Jonas na kababata ko nga siya. Pero… kung siya nga iyon, bakit hindi niya alam, bakit hindi niya matandaan ang pinanggalingan niya. May isip na naman kami noon.

-----o0o-----

Jonas

Alin kaya dito, ang dami naman kasing alikabok dito sa bodega, minsan nga ay ipalinis ko sa kasambhay. Ah hayun, ang taas naman. Buti at may hagdan dito.

Aba, mabigat din pala uuppssss. Muntik pang bumagsak, hehehe. Ano bang mga laman nito.

Binuksan ko ang kahon. Nagtingin-tingin ako, isang folder ang inangat ko nang may bumagsak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bagay na bumagsak, kwintas na tulad ng sinasabi ni JM, Kwintas na may palawit na ngipin ng buwaya, ito ang sinasabi ni JM na ibinigay niya kay Jonas, at ako iyon.

Dinampot ko ang kwintas, ang laman naman ng folder ang nahulog. Isang papel lang naman, dinampot ko rin, may nakasulat.

“Ang kasulatang ito ay katibayan na ipinagkakatiwala ng Kapitan ng Barangay ng Bayang ito at Nina Ginoo at Ginang Ramon at Charing Vargas, mga pinakamalapit na kaibigan at kapit bahay ng yumaong mga magulang ng Batang si Jonas Espiritu na sina Sendong at Elsa Espiritu, ang pangangalaga sa nasabing bata……’

Marami pang nakasulat, pero hindi ko na binasa, interesado lang ako sa mga nakalagda, mga pangalan nang nanay at tatay ni JM at ang pangalan ni Mama at Papa, Fausto at Amada Vergara.

Ibig sabihin, ako nga ang hinahanap na kaibigan ni JM, ako si Jonas ang kababata ni JM.

Pero bakit wala akong matandaan? Bakit ganon na para akong nagkaroon ng amnesia. Naguguluhan ako. Ampon lang pala ako, hindi ako tunay na anak nina Mama at Papa.

Nagulat pa ako nang mag-ring ang aking CP.

“Hello JM, may kailangan ka?”

“May ibabalita ako sa iyo, punta ka rito, ngayon na.” excited na sabi ni JM sa kabilang linya.

“Ano ba iyon?”

“Basta, matutuwa ka, bilis na. Abangan kita sa gate ha.”

“Sige na, sige na,” sabi ko. Inilabas ko na ang kahon at dinala sa aking silid. Tapos ay nagtungo na ako sa bahay nina JM.

Nakita ko na kaagad si JM, napangiti ako, naka-abang na talaga, sobrang excited sa ibabalita. Kahit na naman ako ay natutuwa, nasisiyahan na nalulungkot sa aking natuklasan. Matagal na pala kaming nagkita ng aking kababata, ang besrfriend ko forever hahaha. Dalawang taon na hahaha.

“Pasok ka na, doon tayo sa may gazebo mag-usap, may ibabalita ako na ikatutuwa mo na ikalulungkot mo rin siguro.”

“Hala… ano ba iyon?”

“Upo ka muna, excited lang hehehe,” sabi ko na mahapo-hapo pa sa pagka excited. “Natagpuan ko na ang bestfriend ko, ang kababata ko hahaha. Tuwang-tuwa ako sobra.” – si JM.

Hala, ako kaya ang tinutukoy ni JM? At sino naman kaya ang sinasabi niyang kaibigan?

“Baka hindi ka maniwala, magugulat ka kung sino hahaha. Tuwang-tuwa talaga ako hahaha,” sabi niya. Hindi talaga maitago ang tuwa, halos maiyak pa at niyakap ako.

“Hoy, nasasakal na ako, hindi ako makahinga.”

Biglang bitiw ni JM. “Sorry, sorry hahaha. Kasi naman ang tagal kong inasam na magkita kami uli, after 14 years, magkikita na kami uli. Actual 12 years lang pala dahil nakita ko na pala siya 2 years ago pa hahaha. Hindi ko talaga akalain, miss na miss ko na ang kaibigan kong iyon.

“Ibig sabihin ba, hindi mo na ako bestfriend? May iba ka nang bestfriend? Nakakasama ka naman ng loob?”

“Huwag ka naman kaagad magtampo. Halika, tingnan mo ito, padala ni Nanay sa akin, basahin mo,” sabi ni JM. Ipinakita ang isang MMS. Excited talaga, nahapo eh.

Pagkabasa ko pa lang sa unang salita ay ibinalik ko na kay JM ang kanyang CP.

“O, basahin mo, hindi ka ba interesado,” may pagtatakang wika ni JM.

“Hindi ako interesado,” tugon ko.

Biglang napayuko si JM, nalungkot, dismayado, maiyak-iyak pa. “Hindi ako interesado dahil alam ko na, kanina ko lang aksidenteng nalaman. Tingnan mo ito o, nakikilala mo?” Ipinakita ko ang kwintas na nakita ko kangina lang sabay yakap sa kanya na may paglukso pa.

“Ibig sabihin ay naalala mo na lahat, kilala mo na ako?”

“Hahaha, pasensya na dahil hindi ko pa talaga alam,, wala akong maalala, pero ngayon, unti-unti nang nagbabalik sa akin ang lahat hahaha. Mamaya, sama ka sa bahay, hintayin natin sina Mama Itanong natin kung bakit hindi ko naalala ang aking kabataan, Bestfriend, wala ka bang lollipop diyan hahaha hahaha.”

Wala kaming pagsidlan ni JM ng tuwa, sobra. Ganon pa man ay may lungkot din ako, bigla kong naalala ang dinalaw naming puntod ng mga magulang ni Jonas, na ako pala iyon. Ang tagal kong hindi nadalaw man lang.

“JM, gusto kong magbalik uli sa isla, gusto kong dalawin ang puntod nina Nanay at Tatay. Gusto kong humingi ng tawad,” sabi ko na hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.

“Oo… oo, sasamahan kita. Ano pa at sinabing mag-bestfriend tayo walang iwanan hahaha. Pero teka, bakit mo nasabi ang lollipop. Natatandaan mo na ba iyon?” – si JM

“Hindi, basta ko na lang naisip hahaha. Saka, hindi ba, ikinuwento mo yung tungkol kay Jonas sa akin doon sa isla.”

“OO nga pala. Akala ko naman ay naalala mo na.”

Sobrang saya talaga namin. Nakwento ko rin kay JM na nabanggit ko sa aking panaginip ang pangalan niya at ang pagkatuklas ko ng kwintas at nang kasulatan.

“Dito ka na kumain,” aya sa akin ni JM.

“Naku, sa bahay na, baka nagluto ang kasambahay namin, ikaw na lang kaya ang sa bahay kumain, tapos hintayin na natin ang pagdating nina Mama at Papa.

‘Sige, pero matagal pa iyon. Kain ka muna, tapos balik ka dito, tawagan natin ang barkada, laro tayo ng basketball hahaha,” sabi ni JM.

“Okay… sinabi mo eh. Pa kiss naman,” sabi ko.

“Ulul hahaha.”

“Dati naman nating ginagawa iyon ah!”

“Sinong maysabi sa iyo. Uwi na, bilis, kakain na kami.”

-----o0o-----

Pagdating na pagdating natin dito sa Manila ay nagkasakit ka kaagad, palagi ka na lang biglang iiyak. Pabalik-balik ka sa ospital, hindi malaman ang sakit mo. Alalang-alala na nga kami sa iyo ng Papa mo eh, namayat ka nang husto. Akala nga namin ay kukunin ka na sa amin eh.

“Dito na po ba kayo nakatira?” tanong ni JM.

“Hindi pa, doon pa kami sa ibang village.”

“Eh paano po ako gumaling?”

“Ano, basta ka na lang walang naalala, hindi mo alam ang pangalan mo, kung sino ang nanay at tatay mo, kung saan ka galing. Basta, wala ka nang maalala. Ang sabi ng doctor ay memory loss daw dahil baka sa matinding trauma na naranasan mo. Ang sabi ay babalik din daw naman, hindi lang tiyak kung kelan.”

“Ahhh, kaya wala kang naalala, nagkaroon ka ng amnesia. Eh, Tita, bakit po iba na ang apelyido ni Jonas, hindi na “Espiritu”?” tanong ni JM.

“Nanghingi kami ng birth certificate, pero wala yung bata. Hindi yata napa-rehistro sa Munisipyo. Ang ginawa namin, ay pinarehistro na lang namin. Isinunod na lang namin sa aming apelyido, pero hindi na namin pinalitan ang first name niya. Alam naman ni Jonas ang birthday niya eh, noong hindi pa siya nagkakasakit ay naitanong namin,” sagot ni papa.

“Masama ba ang loob mo sa amin anak. Minabuti na naming hindi sabihin sa iyo, kasi baka lalong makasama kapag ipinaalala namin ang nakaraan mo. Eh nakalakihan mo na, nalimutan na rin namin. Hindi naman namin ililihim sa iyo eh. Mahal ka namin, anak na tunay na ang turing namin sa iyo, namin ng papa mo.”

“Hindi po, wala po akong sama ng loob. Natutuwa nga ako na kayo ang nag-ampon sa akin, Ramdam ko naman ang pagmamahal ninyo, saka, para nga po akong anak mayaman eh hehehe.”

“Mayaman naman tayo ah, anak ka na namin. Sana lang hindi ka magbago ha, at sana tuluyan mo nang maalala ang nakaraan. Bawi na lang kayong magkaibigan hahaha. JM, hindi kasi kita nakilala, saka hindi ko na natandaan ang pangalan ng Nanay at Tatay mo. Kung natandaan ko iyon, malamang matagal nang alam ni Jonas na magkababata kayo. Tingan mo  ano, dalawang taon na kayong magkakilala, pero hindi ninyo alam, magkababata pa pala kayo,” wika ni Mama.

“’Ma, ‘Pa, babalik akong isla hanggat wala pang klase, gusto kong madalaw ang Nanay at Tatay ko, hihingi ako ng tawad dahil hindi ko sila nadalaw. Mabuti na lang at naisama ako ni JM doon sa puntod.”

“Oo naman. Kaya rin pinasama kita noong una, baka may maalala ka para bumalik na ang alala mo. Kung sabagay, konti lang naman, dahil magpa-five ka lang noon. Pero iba rin yung saya ng kabataan. Tingnan mo si JM o, masayang-masaya rin dahil nagkita kayo sa wakas, ah, nagkakilala pala hahaha.” – si Papa.

“O kelan ang alis mo? Kasama mo ba uli si JM?”

“Opo, ipag-papaalam ko siya kay tita.”

“Dapat lang. O sya, kami’y magpapahinga na. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin.”

“Mahal na mahal ko rin po kayo ‘Ma, ‘Pa. Salamat po sa pag-aaruga at pagmamahal.”

Yumakap ko sa kanila, damang-dama ko ang kanilang pagmamahal parang nayakap ko talaga ang aking mga magulan.

 

 

Itutuloy………………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa Babuyan at Manukan (Part 13)

  Sa Babuyan at Manukan (Part 13)   Kuya Zaldy’s POV Hindi ako dalawin ng antok, naisip ko si Mikel. Ngayon lang parang luminaw ang ak...