Kababata (Part 17)
Finale
Alaalang Nagbalik
Jonas
Nalaman ko na ang
buong katotohanan, nagkaroon pala ako ng memory loss dahil sa trauma na
naranasan ko kaya wala akong naaalala nong bata pa ako. Pero ngayon ay
unti-unti nang nagbabalik. Lumilinaw na ang mga nangyari sa aking panaginip.
Walang inilihim ang
mga nag-ampon sa akin. Napakaswerte ko pa nga at sila ang nag-ampon sa akin,
ibinigay nila ang lahat sa akin, hindi lang materyal na bagay, pati na ang
pagmamahal.
“Mahal na mahal ko
po kayo ‘Ma, ‘Pa. Salamat po sa pag-aaruga at pagmamahal.”
Yumakap ako sa
kanila, damang-dama ko ang kanilang pagmamahal parang nayakap ko talaga ang
aking mga tunay na magulang.
“Mahal na mahal ka
namin anak, pakatatandaan mo iyan,” wika nina Papa at Mama.
Nagpaalam na rin
ako na babalik ng isla dahil gusto kong humingi ng tawad sa tunay kong
magulang. Ang tagal silang nawala sa aking alaala at hindi ko na nadalaw kahit
minsan.
-----o0o-----
Payapa ang aking
pagtulog. Nanaginip uli ako, yung masasaya naming kabataan ni JM at maging ang
aming aksidente. Malinaw ko nang naalala lahat ng pangyayari.
Nakausap ko rin sa
aking panaginig ang aking mga magulang. Masayang-masaya raw sila kung saan sila
naroon. Masaya rin sila dahil nasa mabuti akong kalagayan. Magpakabait daw ako at
huwag kalilimutan ang mga taong tumulong sa akin lalo na ang kinikilala kong
mga magulang.
Sa huling
pagkakataon, kahit na sa panaginip lang, nayakap ko uli sina Nanay at Tatay.
-----o0o-----
John Mark
Padaon na uli kami
sa isla. Sobrang excited si Jonas, hindi tulad ng una kaming umuwi. Ngayon ay
halos hindi na siya makapag-hintay, sabik na sabik. Kasi nararamdaman na niya
ang naramdaman niya noong bata pa kami, ngayon lang nya uli nadama ang ganon.
Pagbaba namin ay
kaagad naming nakita si Tatay, kasama pa si Edwin. Nagmano ako sabay yakap kay
Tatay, nakimano na rin at nakiyakap si Jonas. Tuwang-tuwa rin si Edwin na
kaagad na tinanong kung kasama namin si Simon. Para pang nalungkot nang sinabi
naming hindi na pinayagan ng kanyang Mama.
Dahil umaga kami nakarating,
una naming pinuntahan ay ang sementeryo, kasama din si Edwin.
Para talagang
kausap ni Jonas ang mga magulang, nagkwento nang nagkwento ng kung ano-ano, buo
na yatang talambuhay. Inabot kami ng magtatanghalian na.
Nang inaya kong
umuwi na at gutom na ako ay umakto pa siyang may kayakap, para tuloy akong
natakot bahagya. Nanlamig ang aking mga kamay. Pati pala si Edwin ay ganon din
ang naramdaman.
“Hala, hindi kaya
talagang kausap ni Jonas ang mga magulang niya?”
“Nako ha. Malay
natin.”
Kitang kita sa mga
mata at ekspresyon sa mukha ni Jonas ang lubos na kasiyahan. Pati kami ay
nahawa na yata sa kasiyahan niya.
“Nakita ba ninyo
ang Tatay at Nanay ko, siya ang kausap ko kanina pa simula ng dumating tayo sa
puntod niya,” sabi ni Jonas, bigla tuloy akong nangilabot.
“Weh. Kung totoo,
idescribe mo nga ang anyo nila.” Sabi ko.
Sinabi naman niya
na may ganon at ganito, ang damit na suot. Ang ganda-ganda raw nang nanay niya,
na mahaba ang buhok at ang gwapo ng tatay niya.
“Weh, syempre,
tanda mo pa sila kaya alam mo. Kaso hindi ko na rin kasi matandaan ang itsura
nila kaya hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo eh,” sabi ko.
“Eh huwag kayong
maniwala, hindi naman ako magsisinungaling.”
“Itatanong ko kina
tatay kung ganon nga pati ang damit na suot nila.”
“Sige, basta ako,
nakausap ko sila at nayakap. Hehehe.”
-----o0o-----
Binalik-balikan
namin ang mga lugar na pinupuntahan namin noong mga bata kami, sa dagat, sa
pamamayabas, sa palengke at nakipaglaro pa kami sa dati naming kalaro kahit
malalaki na kami.
Nagbalik talaga
kami sa pagkabata. Sayang nga lang at isang lingo lang kami. Malapit na kasi
ang pasukan.
Pagbalik namin ay
kasama na namin si Edwin, Nangako si Tita na bibigyan ng trabaho at
papag-aaralin pa. Dalawa na raw kaming anak niya kaya tuwang-tuwa ang Edwin.
Maging ang mga magulang nito ay sobrang tuwa. Huwag daw mag-alala sa kanila
dahil kaya pa naman magtrabaho na tatay niya. Hindi pa naman talga katandaan ng
mga magulang namin.
Inihatid kami ng
tatay ni Edwin at ni Tatay sa pantalan.
-----o0o-----
Pagdating namin sa
village namin, aba ang Simon, nakaabang na rin. Pagkakita kay Edwin ay
tuwang-tuwa, akala mo talaga ay matagal nang magkaibigan na matagal na
nagkalayo, may kislap pa pareho ang mga mata nila.
“Alam mo ba ang
naiisip ko JM?” tanong ni Jonas sa akin.
“Tunay, malamang
ang naiisip ko ay siya mo ring naiisip.”
“Eh tayo, paano.”
“Oy ha, para kang
timang. Hindi pwede, pareho kaya tayong lalaki.”
“Eh bakit sila o,
sweet na sweet, gayahin din natin, nakakainggit eh.”
Kinikilig talaga
ako. Tunay naman, para bang may unawaan na ang dalawa. Nang minsan
magkasariilinan kami ni Simon ay tinanong ko siya. “Ano na ang lagay ninyo?”
“Anong lagay? JM ha
gumagawa ka nang isyo. Nagseselos ka ba?”
“Bahala ka,
sisiraan kita kay Edwin, dito kaya siya sa amin titira.”
“Huwag naman. Oo
na, pasensya ka na ha, kay Jonas ka na lang, alam ko naman na siya ang gusto mo
at hindi ako. Akala ko nga ay gusto kita, hindi pala. Si Edwin kasi, pagkakita
ko, parang… basta.”
“Kayo na ba?”
“Hindi pa naman.”
“Pero alam mo ba na
nang dumating kami sa isla, ikaw kaagad ang hinanap. Nalungkot nang hindi ka
namin kasama. At alam mo ba, kaya siya sumama na, dahil siguro sa iyo, kaya
pakabait ka sa akin ha.”
“Oo na, oo na.
Basta, i-build up mo ako sa kanya hehehe.”
“Ang lagay ba naman
eh.”
-----o0o-----
Ayaw na munang
papagtrabahuhin ni Tita si Edwin, mag-aral daw muna. Pero nagprisinta naman
kami na sasama sa kanya sa office tuwing
Sabado at kung walang pasok para naman tumulong ng konti kahit na mag-file lang
ng kung ano ano sa office nila, para na rin matutunan namin ang pasiskot-sikot
sa pamamahala ng negosyo ni Tita.
Kami ni Jonas,
syempre bestfriend forever at lalong tumitibay ang aming pagkakaibigan. Panay
pa rin ang ungot na maging kami na, na lagyan na raw namin ng label ang
pagkakaibigan namin. Kaso, ayaw ko. Gusto ko munang maging Doctor ako. Sabi ko,
para na rin naman kami eh, kasi pareho kaming walang nililigawan.
Pero sina Simon at
Edwin, sila na daw.
Matagal-tagal pa
ang ipagsasama namin, matagal pa akong mag-aaral, pero hindi naman ako naiinip.
Kasi ang bestfriend ko, ang mahal ko, palagi lang nasa tabi ko. Suot na niya
palagi ang kwintas na bigay ko. Yung pulseras naman niya ay nilagyan ko na lang
nang perdible at ikinawit sa may bulsa nang aking pantalon. Maraming
pumapansin, ang sabi ko, anting-anting. Marami namang naniniwala, kasi taga
isla ako hehehe.
Hanggang dito na
lang muna, marami pang mangyayari, at aking itatala iyon sa aking diary. Malay
ninyo, makagawa uli kami ng kwento hehehe.
Salamat. Comment
naman diyan.
Wakas………………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento