Huwebes, Abril 24, 2025

Sa Boarding House ni Kuya (Part 5) Aris 4

 


Sa Boarding House ni Kuya (Part 5)

Aris 4

 

Semestral vacation, walang naiwan sa boarding house ni Kuya dahil nagsi-uwian ang mga estudyante, maliban sa magkaibigang sina Noland at Bernard at si Aris. Maging si Noel ay umuwi rin nung araw ng Byernes na iyon dahil miss na raw ang pamilya.

Nag-ayang mag-inom na lang si Aris na pinaunlakan naman ng magkaibigan, at doon nabisto ni Aris ang pagiging mahilig sa lalaki ng magka-roommate. Dahil sadyang malibog ay napatukso o nanukso si Aris, at nangyari ang kalibugan ng tatlo.

-----o0o-----

Lingo ay nakabalik na sa boarding house si Noel, naabutan pa niyang natutulog si Aris. Dahil pagod sa biyahe ay nahiga siya kaagad at nakatulog na rin.

Gabi na nang magising si Noel, wala na si Aris. Sa loob-loob niya’y baka bumaba na at sa karinderya tumambay.

Naalala ni Noel na may ibinilin siya kay Aris na hanguin lang ang ilang pirasong damit na isinampay niya, pero wala siyang nakitang nakasabit sa dinding. Minabuti niyang puntahan at baka nalimutan. Umakyat iya sa third floor. Naroon nga at hindi nahango ni Aris, nalimutan siguro.

Pababa na siya uli nang may naulinigan na tila umuungol sa silid nina Bernard, sumilip siya sa may bintana, nagkataong na nililipad ang kurtina sa may bintana dahil siguro malakas ang hanging buhat sa electric fan. Nasulyapan niya na tatlo ang nasa kama, pare-parehong hubo at hubad, nakilala niya ang pangatlo, si Aris.

Nanginig ang tuhod niya, tila ba babagsak na siya dahil sa nakita, nasaktan siya ng husto sa nakita. Tuliro ang isipan na bumaba na lang. Gusto niyang maiyak, pero walang luhang tumulo, galit ang naramdaman niya. Minahal niya talaga ang ka-roommate. Hindi niya akalain na ganon na pala katindi ang kalibugan ng minahal niya ng labis na si Aris.

Hinintay pa rin niya ito, para sana kumain na nang hapunan, pero 7:30 na ay hindi pa bumababa, Naisipan na niyang kumain na mag-isa. Tapos na siyang kumain na makita niyang papasok ng karinderya si Aris.

“Kumain ka na, hindi mo ako hinintay?” sita ni Aris kay Noel.

“Hindi ko kasi alam kung saan ka nagpunta. Gutom na kasi ako, hindi man lang ako nag-miryenda kasi sa biyahe. Baka kasi lumabas ka at mamaya pa ang balik. Sige na kumain ka na, iwan na kita ha,” – si Noel.

Nawalan ng kibo si Aris, hindi na nakapangatwiran dahil iniwan na siya ni Noel.

Winalang bahala na lang ni Noel ang nakita. Normal pa rin ang pakitungo niya sa binata, pero kahit papano ay nabawasan na ang respeto niya rito. Alam naman niya ang kahinaan nito, sobrang mapagbigay basta sa sex.

Nakakaramdam din naman kahit konti si Aris sa panglalamig ni Noel, pero hindi namn niya iyon inintindi. Sa loob-loob niya ay wala naman siyang nagagawang masama at wala silang relasyon.

Isang gabi ay hindi na naman kaagad na nakauwi si Aris. Kahit na naman may lihim siyang tampo o galit ay nag-aalala pa rin siya kapag ganong hindi kaagad nakakauwi lalo na at hindi man lang nagte-text.

Magsasara na ang gate, nagtext naman si Noel pero walang reply. Inabot na siya bale ng curfew kung baga, alas dose na at sarado na ang gate ng boarding house. Nag-aalala man, nakatulog pa rin nang mahimbing si Noel.

Naalimpungatan siya dahil tila may tumunog sa gate, parang may nagbukas. Bumangon siya at sumilip. Kitang-kita naman ang gate sa taas ng hagdan, Si Rolly, marahil ay tinawagan  tinext para pagbuksan siya. Akala ko ay aakyat na, pero hindi pa pala. Pagsilip ko uli ay naghahalikan na sila at tinungo ang bodega. Napailing na lang si Noel sa nasaksihan. Kung noon ay sobra siyang nasasaktan ngayon ay bale wala na lang. sa isip-isip siguro ay buhay niya iyon, hindi niya dapat pakialaman. Nagbalik na siya uli sa silid, ini-lock at natulog na muli.

-----o0o-----

Bihis na si Aris nang magising si Noel. “Paalis ka na. Ang aga mo yata. Paano ka nakapasok kagabi? Alas dose na kasi at sarado na ang gate ay wala ka pa,” usisa ni Noel.

“Nag-text ako kay Rolly, nakiusap ako na pagbuksan ako ng gate. Mabuti at pinagbuksan ako.”

“Pwede pala iyon.”

“Minsan lang iyon, saka huwag kang maingay hehehe. Sa iyo ko lang sinabi.”

“Ang lakas mo kay Rolly ah hehehe.”

-----o0o-----

Patuloy pa rin ang gawain ni Aris basta sa kalibugan, palagi pa rin siyang nakikipag-inuman kina Bernard at Noland na nauuwi sa tatluhan. At kapag gagabihin naman ay siguradong si Rolly ang katsuktsakan.

Bakasyon na naman, sa pagkakataong ito ay silang dalawa na lang talaga ang naiwan, lahat ay nasa kanikanilang probinsya para magbakasyon.

Lumamig lalo ang pakikitungo nina Aris at Noel sa isa’t-isa. Wala namang mangahas sa kanila na mag-usisa, magpaliwanagan, hinayaan na lang nilang ganon sila. Sa pagkakataong iyon ay nagtatanong sa sarili si Noel kung paano nairaraos ni Aris ang kalibugan nito. Ang tanging alam lang kasi niya ay ssina Noland at Bernard at si Rolly ang naging parausan nito.

-----o0o-----

Magbubukas na muli ang klase, may mga nagpaalam na kay Kuya at meron naman nagtatanong kung may bakante. Sina Elmer at Joel na taga Lucena ay doon lang daw mag-aaral sa probinsya nila. Isa pang hindi na bumalik ay si Rene na taga Bicol.

May mga bago rin na pumalit, isa na si Rexy na doon sa room 31, siya bale ang pumalit kay Rene. Si Arnold sa Room 22 at bagong kasama niya si James na lumipat lang galing Room 32 na pinalitan naman ng bagong si Wesley.

Pinalitan na ni Kuya ang nakapaskel sa kanyang board na mga tenant niya, bale nag-update lang naman siya. Narito ang listahan.

Room 21                         Aris at Noel

Room 22                        Arnold at James

Room 23                        Mike at Dennis

Room 24                        Ram at Uly

Room 31                         Ryan at Rexy

Room 32                        Renz at Wesley

Room 33                        Bernard at Noland

-----o0o-----

Balik na naman sa dati, magulo sa karinderya kapag nagkakasabay-sabay na kumain ang mga tenant ng hapunan. Masaya naman si Kuya dahil nagkakasundo-sundo sila.

Kalagitnaan ng taon ng magpaalam si Noel na aalis na rin sa boarding house. Nalipat daw siya sa branch nila sa Cavite at masyadong malayo kung mananatili dito sa boarding house. Wala namang magagawa si Kuya, ganon talaga,

Bago naman tuluyang umalis si Noel ay nakipagusap siya ng masinsinan kay Aris. Sinabi niya ang dahilan kung bakit siya nanlamig rito, selos na may halong galit at inggit ang dahilan niya dahil sa ilang beses na nasaksihan ang pakikipagtalik sa magkaibigang Noland at Bernard at maging sa anak ni Kuya na si Rolly.

Noon lang nalaman ni Aris na may nasaksihan hindi maganda sa ginawa niya ang ka roommate, nahiya siya at humingi ng dispensa,

Inamin pa rin naman ni Noel na hindi naman nawala ang pagtingin niya rito, nabawasan lang.

“Dadalaw-dalaw naman ako dito kapag may time, friends pa naman tayo hindi ba,” sabi ni Noel kay Aris.

-----o0o-----

Naglalakad sa parteng EspaƱa si Aries na may tila lalaking nahilo at pabagsak malapit sa kanya. Mabuti na lang at naging maagap siya at nasalo ang lalaki, hindi naman ito nawalan nang malay, may huwisyo pa naman. Dahil sa may alam siyang malapit na clinic ay kaagad na nadala ang lalaki roon, nakapaglakad pa naman ang lalaki.

“Walang anuman ito, nahilo lang dahil sa init at gutom. Kumain ka na ba iho?” tanong ng doctor.

“Hindi pa nga po, gutom na gutom na po talaga ako, kaya lang ay naubos ko na ang dala kong pera, galing po kasi ako sa paghahanap ng trabaho,” tugon ng lalaki.

“Doc, hindi mo ba reresetahan?” tanong ni Aries.

“Pakainin lang iyan, malusog pa sa kalabaw iyan hhehe,” sagot ng doctor na may pagbibiro pa.

“Eh doc, magkano po ang…”

“Wala namang ibabayad yan eh, hindi nga makakain eh hehehe. Biro lang iho ha, wala na, sige na.

“Ano nga pala ang pangalan mo?”

“Wilson.”

“Wilson, ako naman si Aris, halika… sumama ka muna sa akin, malapit lang ang boarding house ko dito at may karinderya doon, doon ka na lang kumain, sagot ko na, ililista lang naman eh hehehe.

-----o0o-----

Naikwento ni Wilson ang kasalukuyan niyang kalagayan, kagagraduate lang daw niya at naghahanap ng trabaho. Pati ang pagpapa-alis sa kanya ng kasera ay nabanggit din niya, kaya baka wala na siyang datnang tirahan pag-uwi niya.

Naawa naman si Aris at sinabihang dumito na muna sa boarding house dahil umalis ang kasama niya sa silid. Siya na daw muna ang bahala sa renta at tutulungang makahanap ng trabaho.

Swerte naman itong si Wilson dahil naipasok siya sa isang fastfood chain ng kaibigan ni Aris, kaya naman ang laking pasasalamat niya. At dahil medyo malapit lang ang branch sa boarding house ay doon na rin siya nanirahan.

Naging maayos naman ang samahan nila, dahil may utang na loob si Wilson ay nagprisinta siyang siya na ang bahala sa paglilinis at maging sa paglalaba ng damit ni Aris kahit na ayaw nito dahil sa nagpapa-laundtry naman daw ito, kaya iyon na lang maliliit tulad ng brief, medyas o panyo.

Sa pagdaan ng mga araw ay tila nahuhulog na ang loob ni Wilson sa kanyang roommate na itinuring ding kanyang besrfriend. At sa pagdaan din ng mga araw ay unti-unti rin niyang nakilala ang tunay na pagkatao nito.

May pagkaburara ito dahil minsan naglinis siya ay may nakita pa siyang gamit na condom sa ilalim ng kama at maging sa kobeta. Nasaksihan din niya ang minsan pakikipagtalik nito sa dating ka rooomate doon mismo sa kanilang silid habang natutulog siya. Maging ang pakikipag-tatluhan sa ka boardmate na sina Noland at Bernard na natuklasang niyang mga bading pala at sa anak na kuya na si Rolly.

Dahil doon ay unti-unting nawawala ang paghanga niya rito, nabawasan kahit papano ang tiwala at respeto. Wala namans siyang sinabi rito na kung ano, walang isinumbat, hinayaan lang niya dahil sa loob-loob niya ay wala naman siyang pakialam dahil sa buhay nito iyon at wala naman silang relasyon.

Ngunit isang pangyayari ang hindi niya sukat akalain na mararanasan niya. Pinuntahan sila ni Noland, dormmate din nila at personal na inimbitiahan dahil birthday nito. Umoo naman si Aris at si Wilson na pupunta. Sa third floor lang naman ang kainan at inuman.

Medyo nahuli na nang konti si Wilson dahil magkasama pa sila ni Wesley na nag-malling at manood ng sine at inabot na nang gabi. Pag-balik nila ng nang bording house ay naalala niya na ngayon na pala ang handaan ni Noland.

“Wesley, inimbitahan ka ba ni Noland sa birthday niya, diyan lang sa rooftop ang kainan?” tanong ni Wilson.

“Hindi ah, hindi naman kasi kami masyadong close, minsan nga ay hindi pa niya ako binabati eh.”

“Ganun ba? Sige, saglit lang ako doon, nakakahiya naman kung hindi ako magpapakita, nakasagot kasi ako eh,” – si Wilson.

Naghiwalay na sila, diretso na si Wesley sa silid nila.

Nadatnan ni Wilson doon si Aris, Rexy, Rolly, Arnold, Renz at dalawang hindi niya kilala na mga kaklase siguro ni Noland, syempre, present doon si Bernard at ang may birthday na si Noland..

“Bakit ngayon ka lang, kanina ka pa namin hinihintay, sabi ni Aris ay lumabas pa daw kayo ni Wesley,” bati ni Noland.

“Oo, nagpasama kasi sa akin, umabot naman ako, di ba? Happy birthday ha,” bati ni Wilson sabay kamay rito.

“Kumain ka na muna, mamaya ka na namin tatagayan,” wika pa ni Noland.

“Pwede bang pass muna ako sa inom, medyo napagod din ako at may konting sakit na ulo hehehe,” pakiusap ni Wilson.

“Basta kumain ka muna, mamaya na natin iyan pag-usapan.” – si Noland, nakamasid lang si Aris at Rexy.

Hindi naman nagpa-importante pa si Wilson, kumain siya kahit konti dahil busog na sa kinain nila ni Wesley kanina. Umupo na rin siya sa umpukan at tinanggap ang tagay buhat kay Noland.

Nag-stay naman siya at uminom kahit konti, nakipagkwentuhan na rin. Nalibang siya sa kwentuhan at hindi namalayang inabot din siya roon nang fast 12 sa gabi. Umuwi na ang mga bisita ni Noland dahil sa  bawal ang magpatulog doon ng bisita.

Nauna nang bumaba sina Arnold at Rolly, na noon ay tila nagkakaunawaan na, pati na rin si Renz. Naiwan pa si Rexy at Aris at si Wilson na pinapaubos na lang ang huling tagay daw nito.

Para makababa na ay tinungga na ni Wilson ang laman ng baso nang walang babaan, tapos ay tumayo na para umalis na. Subalit pag-tayo niya ay muli siyang napaupo.

“Bakit?” tanong ni Aris, nakamasid lang sina Bernard at Noland.

“Wala… wala. Para lang akong nakaramdam ng hilo, nabigla yata ako sa mabilisang inom,” tugon ni Wilson.

“Maupo ka muna, sabay ka na lang sa aking bumaba, sandali na lang ito,” sabi ni Aris.

Hindi mapalagay si Wilson, may kung anong nararamdaman sa sarili, kakaiba na hindi niya maunwaan. nag-iinit ang kanyang pakiramdam, yun bang parang nalilibugan.

“Bakit Wilson? Bakit parang alis-is ka at hindi mapalagay, nahihllo ka pa ba, halika at bumaba na tayo nang makahiga ka na nang ayos,” aya ni Aris.

“Nahilo ka ba,” tanong naman ni Bernard na inakbayan siya at hinimas pa ang kanyang braso.

Iba ang pakiramdam ni Wilson sa himas na iyon, iba lalo na at may pag-pisil pa, kaya tinabig niya ang kamay, lalo lang kasing tumindi ang nararamdamang init ng katawan. Nalilibugan talaga siya.

Maya-maya ay si Noland naman ang tumabi kay Wilson, pinausod si Bernard. Naging mapangahas ito dahil sa hinahalik-halikan na si Wilson sa batok at sa leeg. Nakaramdam siya ng kiliti, nasasarapan, ayaw ng isipan pero gusto ng laman, napatingin siya kay Aris at kay Rexy na naroon pa rin, tila humihingi ng tulong at nagtatanong ng wala namang lumalabas sa bibig.

“Bernard! Noland! Anong ginagawa mo tangina kayo ah!”

Napatingin sa kanya si Aris na tila naguguluhan.

Oo nga’t matindi ang init ng katawan nararamdaman, ng matinding libog na hindi niya mawawaan kung bakit nangyari, nagawa pa ring kontrolin ni Wilson ang nararamdaman, pilit na ginagapi ng utak ang hindi pangkaraniwang init na iyon na lumukob sa kanyang katawan, naitulak niya si Bernard dahilan para malaglag sa silya.

“Putangina, pakipot ka pa, gusto mo naman,” sigaw ni Bernard.

Hinawakan siya ni Noland sa balikat at kaagad na hinalikan sa labi. Hindi siya nakaiwas, tila ba gustong tugunin ang mga halik na iyon, tinatablan siya ng sarap, subalit malinaw pa ang isipan niya, naisip na marahil ay hinaluan nang kung anong tabletas para siya ay malibugan. Nakagat niya ang labi ni Noland kaya napabitiw ito sa paghalik. Mas malakas ang sinasabi ng utak kesa sa  nararamdaman nang laman. Ginamit niya ang natitirang lakas at binigwasan  ng isang malakas na suntok si Noland sa panga.

Mabilis ang naging aksyon ni Wilson. “Mga walanghiya kayo! Ano ang inilalagay ninyo sa inumin ko. Gusto ninyo akong gahasain mga baboy kayong mga bakla. Sige, subukin ninyo at ipapupulis ko kayo. Tandaan ninyo ito, hindi pa tayo tapos. Mga kapit-bahay, mga kasama, me mga lalaki rito na gustong mang rape ng kapwa lalake. Tandaan ninyo kung sino sila at baka mabiktima kayo,

Ipinagsigawan ni Wilson ang mga pangalan ni Bernard, at Noland, nakasama pa si Aris na sa kalituhan din ay walang nagawa. Maging si Rexy ay nakatanga lang sa pangyayari.

“Wala akong kinalaman diyan, maniwala ka,” protesta ni Aris. Isang suntok at ibinigay sa kanya ni Wilson.

Nagkaroon ng komosyon, Maraming kapitbahay ang nakarinig dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Wilson, mabilis namang rumesponde si Kuya, maging si Wesley na nasa kabilang silid at narinig ang sigaw na iyon.

“Anong nangyayari dito, bakit ka sumigaw Wilson?” – si Wesley.

“Wesley, tulungan mo ako, pwede bang doon muna ako sa silid ninyo. May mga manyak dito.”

“Anong kaguluhan ito? Wilson anong nangyari?” si kuya, nag-aalala

“Kuya, sila… silang tatlo, pinainom ako ng kung anong pampalibog, gusto nila akong gahasain.” Nahihintakutan itinuro ni Wilson sina Bernard, Noland at Aris.

-----o0o-----

Ilang oras na nagbabad sa malamig na tubig si Wilson sa silid nina Wesley, natatakot siya na makasama si Aris. Kinabukasan ay kinausap siya ni Kuya. Tinanong kung magrereklamo siya.

Napag-isip-isip ni Wilson na wala namang masamang nangyari sa kanya at malaking abala pa sa kanyang pagtatrabaho at kahihiyan rin para sa kanya ay tumanggi na siya.

Maging si Wesley at Renz ay sumang-ayon sa pasya ni Wislon, Si Kuya naman, bilang tagapamahala ng boarding house ay napilitang paalisin sina Bernard at Noland. Hindi na rin maganda ang naging reputasyon ng dalawa sa loob ng bording house at maging sa lugar, kaya walang pagtutol na umalis ang dalwa. Bago iyon ay nakahingi naman sila ng tawad ky Wilson

Si Aris ay napatunayang walang kinalaman ay pinayagan ni Kuya na manatili, kalaunan ay umalis na rin.

Napilitan si Wilson na magpalipat ng branch, malayo sa dati at sa Boarding house ni Kuya sa takot na baka balikan siya ng dalawa. Lumipat din nang tirahan si Wilson sa isang apartment na wala siyang sinabihan kung saan, maging kay Kuya. Kasama niya si Wesley at Renz.

“Alam n’yo… hindi ko talaga akalain ng gagawin nila iyon sa akin, wala naman akong ginawang masama kahit na sino man sa kanila, pinakisamahan ko naman sila lahat. Kung masama akong tao, disin sana ay isiniwalat ko na lahat ang aking nalaman tungkol sa mga pinaggagagawa nilang kabaklaan, si Aris, si Noland at si Bernard, si Rolly at ang huli ay ito ngang si Rexy. Mga walang kwentang tao,” wika ni Wilson kina Renz at Wesley habang nag-aayos ng kanilang gamit sa isang maliit na apartment na nilipatan nila.

“Kalimutan mo na iyon, nakalipas na. Isa pa, bakit hindi ka na lang magpakatotoo, tutal naman sinabi mo na sa amin ang totoo. Tanggap ka naman namin. Mabuti kang tao, hindi ka naman malandi,” sabi ni Wesley.

“Ibig mong sabihin, pwede akong lumandi?”

“Hala, walang ganon, ibig kong sabihin ay huwag mo nang itago kung ano ka, ang hirap kaya niyon. Pero hindi malandi, disente pa rin.” – si Wesley

“Alam n’yo, nanghihinayang ako kay Aris, alam kong mabait siya, siya nga ang tumulong sa akin noong time na gipit ako, siya rin ang naging daan para makakita ako ng trabaho, kaya lang, ewan ko ba, malibog masyado, at hindi ko gusto ang ganon,” sabi ni Wilson.

“Kasi mahal mo, kasi gusto mo pa rin siya at gusto mong ikaw lang. Aminin.”

“Yun nga eh. Ewan ko ba, narito pa rin siya sa puso ko. Mahal ko pa rin siya kahit na hindi naman niya ako gusto.”

-----o0o-----

Dalawang buwan na ang nakaraan matapos ang pangyayaring iyon. Gulat pa si Wilson ng biglang sumulpot si Aris sa tinutuluyang apartment.

“Paano mo nalaman dito kami tumutuloy?” tanong ni Wilson na ayaw pa ring patuluyin sa loob si Aris. Nagmakaawa na ito dahil sa gusto lang daw maibalik ang tiwala sa kanya.

Napaamin naman niya si Wedsley na siyang nagsabi kay Aris sa nilipatan nila, naawa raw ito kay Aris dahil sa nagmamakaawa na, mahal na mahal daw nito ang kaibigan at mababaliw kapag hindi napatawad ng tuluyan.

Natutong manligaw ni Aris, Halos araw-araw ay pinupuntahan ang binata sa  restong pinagtatrabahuhan at inihahatid pauwi. Matagal na palang wala sila ni Noel, kahit na noong magawi ito sa boarding house ni kuya,

Ngali-ngali nang sagutin ni Wilson si Aris, pero takot pa rin siya dahil sa kahinaan nito pagdating sa sex. Gusto kasi niya na siya lang at wala nang iba.  Kahit anong pilit ni Aris na nagbago na siya, ay ayaw pa ring maniwala kaagad ni Wilson.

-----o0o-----

Isang gabi ng Sabado, pag-uwi ni Wilson sa apartment ay hindi nadatnan sina Renz at Wesley. Nag-iwan naman sila ng note na uuwi sila sa kani-kanilang bahay. “Grabe ang mga ito, hindi na lang nag-text o nag-message, me pa note note pang nalalaman,” sa loob-loob ni Wilson.

Nagpalit na siya ng damit pantulog nang may kumatok. Nang pag-buksan niya nang pinto ay si Aris pala. Pinatuloy naman niya ito, nakiusap pa na kung pwede raw na makitulog dito sa bahay nila.

“Wala dito sina Wesley, hindi pwede,” tutol ni Wilson.

“Alam ko, sila nga ang nagsabi sa akin eh, masasarili daw kita ngayon.”

“Aris ha, ayoko ng ganyan.”

“Wala akong pampainit na ipapainom sa iyo pero papagiinitin ko ang buo mong katawan hehehe,” sabi nito.

Nagtakot-takutan si Wilson, kunwari ay tatakbo. Gulat pa si Aries dahil sa halip na papalayo ang pagtakbo, ang ginawa ay papalapit rito, saka niyakao nang mahigpit. Napangiti ito, labis na nasiyahan dahil nabatid nitong tuluyan na itng pinatawad at sa ginawang iyo ay walang duda na mahal niya ito.

 “Sige, gawin mo na, ang tagal ko na kayang gustong gawin mo iyan sa akin,” sabi niya sabay halik sa labi nito, Mahal na mahal naman talaga niya si Aris kahit na noon pa, dangat me nobyo pa ito noon. Ang ayaw lang kasi niya, ay dahil sa sobrang bait nito, kahit na sinong bading ay pinatulan. Pero hindi na daw ngayon dahil kay Wilson na lang siya mabait.

Sa ngayon ay nagsasama na ang dalawa sa apartment na iyon, iniwan na si Wilson ng dalawang kaibigan dahil naka-graduate na ang mga ito. Nakaresib na lang siya ng inbitasyon sa kasal ni Wesley dahil usapan nang GF nito na pagka-graduate ay magpapakasal na sila. Sayang nga daw at wala na si Renz dahil nasa Japan na at doon nakakita ng trabaho.

 

Wakas…. Ang kwento ni Aris pero Itutuloy pa rin ang kwento sa Bording House ni Kuya.

 

 

…..Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa Babuyan at Manukan (Part 13)

  Sa Babuyan at Manukan (Part 13)   Kuya Zaldy’s POV Hindi ako dalawin ng antok, naisip ko si Mikel. Ngayon lang parang luminaw ang ak...