Linggo, Mayo 25, 2025

Gasoline Boy 2 (Part 3/3)

 


Gasoline Boy 2 (Part 3/3)

 

Lian

Unang kita ko pa lang ay nagkaroon na ako ng pagnanasa kay Elias, ang jowa ng bestfriend kong si Nesty. Nagkataong kinailangan siya ng kanyang boss sa parlor na pinagtatrabahuhan kaya naiwan kaming dalawa nang kanyang Jowa. Nagkaroon ako ng pagkakataon na tuksuhin si Elias, nagtagumpay naman ako at may nangyari na sa amin.

MalakiNg kasalanan ang nagawa ko sa aking kaibigan, pero tao lang ako. Wala siyang kamalay-malay sa kataksilang naganap kanina lang. Naabutan niya kaming umiinom na nang beer.

-----o0o-----

Elias

Makaraan ang dalawang lingo, matapos dalawin ni Lian ang partner kong si Nesty, ay nakarecib ako ng message buhat sa kanya. Inaaya ako na makipagkita sa kanya. Nang tanungin ko kung bakit, ang sabi lang ay dahil na miss daw niya ako, hindi na raw siya makatulog dahil sa kaiisip sa akin.

Naalala ko ang nagngayari sa amin, dahilan para tigasan ako. Sadyang nasarapan ako sa ginawa niya sa akin. Sinabi kong may trabaho pa ako at Lunes lang ang aking dayoff. Pumayag naman siya na Lunes kami magkita, mag-paalam na lang daw siya na hindi makapapasok ng Lunes sa kanyang trabaho.

-----o0o-----

Lunes, nagpaalam ako kay Nesty na dadalawain ang isa kong kapatid na may sakit. Totoo naman na may sakit, lagnat nga lang. Gusto pa niyang sumama, sinabi ko na lang na magpahinga na lang dahil sa ngayon lang siya makapapahinga. Hindi na siya nagpumilit pa.

Nagkita naman kami ni Lian, sa condo niya ako dinala sa may Ortigas. Muli ay nangyari ang hindi dapat na mangyari. Naulit pa ang pagkikita naming iyon, minsan ay dito pa mismo sa gasolinahan, kakutsaba ko ang mga kasamahan ko kaya hindi nakarating kay Nesty ang kalokohan kong ginagawa.

Dahil sa madalas naming pagkikita, nahulog na din ang loob ko sa kanya. Isa pa, marami siyang naibibigay sa akin, pera  at ilang bagay gaya ng CP, at kung ano-ano pa. Ang pera ay naipapadala ko sa aking pamilya sa probinsya, malaking bagay iyon para sa akin. Hindi naman dahil sa hindi ako natutulungan ni Nesty, mas natutuhan ko naman talagang mahalin si  Lian. Kailan man ay hindi ko nasabi ang mga katagang “I Love You” kay Nesty, pero kay Lian ay nasabi ko iyon, dahil totoong naramdaman ko.

Unti-unti ay nawawala ang paglalambing ko kay Nesty, madalas ay sa gasolinahan na ako natutulog. Iyon kasi ang gusto ni Lian, ayaw na nito kasi akong pasipingin kay Nesty.

Ganun pa man, patuloy pa rin niya akong dinadalhan ng pagkain sa agahan at pang-tanghalian. Sobrang bait ni Nesty sa akin kaya lang ay mas mahal ko na si Lian. Nakukunsensya na ako kaya kinausap ko na siya para sabihin ang totoo.

 

Nesty

May napapansin ako kay Elias nitong mga nakaraang araw, nanlalamig na siya sa akin. Ilang Lunes na siyang umaalis at kung ano-ano ang dahilan.

Maging sa aming pagsisiping ay tumatanggi na siya, dati rati ay gusto niyang araw-araw kaming magsisiping, ngayon ay parang ayaw na niya.

Maging sa pagtulog ay doon na siya sa gasolinahan natutulog. Naisip kong kausapin na siya, para malaman ko kung ano ang dahilan  kung bakit ganon ngayon ang kanyang inaasal.

Pag-uwi ko ng hapon ay dumaan ko sa gasolinahan, sinabihan ko siya kung pwede kaming mag-usap pagkasara ng gasolinahan. Umoo naman siya. Hinintay ko talaga siya. Pagdating sa bahay ay medyo late na, amoy alak pa. Mukhang nakipag-inom pa sa kasamahan.

“Elias, may problema ba tayo? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Ano ba ang pagkakamali kong nagawa para maituwid ko,” sunod-sunod kong tanong.

“Sorry,” ang sagot lang niya.

 “Sorry? Bakit ka nagso-sorry? Para saan ang pagso-sorry mo. Wala naman akong alam na ginawa mo para magsorry sa akin.”

 “Sorry Nesty, hindi ko sinasadya.”

“Ang alin, sabihin mo.”

“Hindi namin sinsadya.”

“Namin? Anong namin? Hindi kita maintindihan Elias.”

“Matagal na kitang gustong makausap Nesty, Kasi mahal ko na siya.”

“May mahal ka na, kaya ba hindi mo man lang masabi sa akin na mahal mo ako dahil may mahal kang iba. Matagal na ba ito. Sino ang babaeng ito. Maiintindihan naman kita.”

“Hindi siya babae, isa rin siyang bading si Lian, ang bestfriend mo. Natutuhan ko siyang mahalin dahil mahal din niya ako.”

Natigilan ako, hindi ako makapaniwala. Ang bestfriend ko pa ang siyang aagaw ng aking mahal. Paano kaya niya nagawa iyon sa akin. Ang tagal naming naging magkaibigan, maluha-luha ako sa aking nalaman.

“kailan pa?”

“Simula nang dalawin ka niya, madalas niya akong tawagan, gustong makipagkita. Kaya nga umaalis ako kapag dayoff ko. Minsan ay dito mismo sa gasolinahan kami nagkikita. Kinutsaba ko ang mga kasamahan ko na huwag sasabihin sa iyo.”

“Matagal mo na pala akong niloloko, bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin, mauunawaan ko naman kung ayaw mo na. Alam kong hindi mo ako mahal, kahit nga minsan ay hindi mo nasabi na mahal mo ako.?”

“Ewan ko, mabait ka, maalalahanin at alam kong mahal na mahal mo ako, dama ko iyon. Kaya lang, totoong wala akong nararamdaman sa iyo.”

“Sex lang ang nagustuhan mo sa akin, ang pagparausan ako. Kung alam ko lang na ganoon lang pala, sana hindi ka na nakisama sa akin, panloloko ang ginawa mo sa akin, pinaasa mo lang ako.”

“Kaya nga humihingi ako sa iyo ng tawad”

“Masaya ka ba sa kanya?”

Tango lang ang sagot niya.

“Dahil ba naibibigay sa iyo ang luho, ang materyal na bagay, pera? Siya ba ang may bigay sa iyo ng CP na sabi mo ay binili mo ng hulugan at second hand pa. Ang sapatos, damit, at kung ano ano pa.”

“Kusa niyang ibinibigay iyon, hindi ko hinihingi.”

“Alam mo Elias, bestfriend ko siya, hindi ko siya pwedeng kamuhian. Malaki rin ang naitulong niya sa akin. Kung liligaya kayo sa piling ng isa’t-isa, suportado ko kayo.”

“Hindi ka ba magagalit? Hindi mo man lang ba ako mumurahin? Ang laking kasalanan ang nagawa ko sa iyo, tapos suportado mo pa kami. Anong klaseng kaibigan ba para sa iyo si Lian. Sayang lang talaga at hindi kita natutuhan mahalin.”

“Para ano pa, babalik ka ba kung magagalit ako? Mapipigilan ba kita? Mahalin mo siya ng tapat Elias, huwag mo siyang lolokohin, kaibigan ko siya. Pakisabi, siya pa rin ang bestfriend ko, Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.”

“Napakabait mo talaga Nesty, masasabi kong isa kang martir.”

“Nagmahal lang ako, at ang nagmamahal ay nagiging tanga dahil sa minamahal.  Paano iyan Elias, sa kanya ka na ba uuwi, malayo itong gasolinahan sa condo niya.”

“May isa pang branch ang amo namin, malapit sa inuuwian niya, magpapalipat na lang ako roon.”

“Good luck, sana maging maligaya ka sa kanya.”

Niyakap pa ako ni Elias, gusto pa sana niya akong hilikan, pero umiwas na ako. Umalis na rin siya matapos kaming mag-usap.

-----o0o-----

Iniisip ko pa rin kung bakit nagawa sa akin ito ni Lian. Kung kinausap sana niya ako, hindi sana sasama ang loob ko sa kanya. Hindi ko na rin hiningi pa ang paliwanag niya. Idinalangin ko pang maging maligaya silang dalawa.

Naawa rin ako kay Elias. Alam ko ang ugali ni Lian, masawain siya. Kapag nagsawa na sa isang bagay, ay pababayaan na lang. Maging sa relasyon, kapag nagsawa ay nakikipagkalas na lang basta, walang paliwanag, basta hihiwalayan na lang. Hindi ko na sinabi kay Elias ang ugaling iyon ni Lian, baka isiping sinisiraan ko lang ang aking kaibigan.

Akala ko noon ay magiging kami ni Lian, pero dahil sa ugali niyang iyon, minabuti ko nang huwag tuluyang mahulog sa kanya, at nagawa ko naman.

-----o0o-----

Halos nalimutan ko na si Elias. Maganda nga ang nangyari na umalis siya sa gasolinahang dito, at lumipat sa ibang branch. Dahil hindi ko na siya nakikita ay kaagad ko rin siyang nakalimutan.

Tatlong buwan ang matuling lumipas. Kinausap ako ng dati niyang kasamahan at ibinalita sa akin na wala na raw sina Elias at Lian. Ngayon ay muli na namang lilipat dito sa branch na ito.

Mixed ang aking emotions, dapat ba akong matuwa na hiwalay na sila, malulungkot ba ako para kay Elias. Sino kaya ang may kasalanan? Sigurado naman ako na si Lian ang may kasalanan at hindi si Elias.

-----o0o=====

Naglalakad ako pauwi, nakita ko si Elias sa gasolinahan. Iiwas pa siya sa akin, pero tinawag ko. “Elias, bakit ka narito?” Kunwari ay wala akong alam.

Hindi na siya nakaiwas. Sinabi na lang na pupuntahan daw niya ako pagkasara ng gasolinahan.

-----o0o-----

Pinuntahan nga ako ni Elias, amoy alak. Siguro ay umnom muna para magkaroon ng lakas ng loob ng magsabi ng kanyang saloobin.

“Lasing ka?” bungad kong tanong.

“Nakainom lang.”

“May sasabihin ka?”

“Wala na kami ni Lian, iniwan na niya ako. May bago na siya. Ang masaklap pa nito, harap-harapan niya akong niloko. Kahit naroon ako ay isinasama niya ang bago niyang lalaki. Napakasakit pala talaga ang maloko, ngayon ko naranasan ang ginawa ko sa iyo, karma ang inabot ko. Sana napatawad mo na ako ng tuluyan,” nakayuko ang ulong pahayag ni Elias.

“Wala na iyon sa akin. Noon pa man ay pinatawad na kita. Baka naman may nagawa kang hindi niya gusto, maaring hindi ka lang aware.”

“Wala akong matandaan. Ang madalas lang naming pag-awayan ay ay parang lagi kong naiko-compare ka sa kanya.  Halimbawa, sabi ko ikaw maalalahanin, maalaga, palagi akong pinagluluto ng kakaini. Yun magagalit na, kung ano-anong sasabihin.”

“Ganun ba. Hindi naman talaga maganda na i-compare mo ang isang tao sa iba. Para bang hindi mo lang masabi ng diretshan na magaling ang isa kesa sa kanya. May kanya-kanya namang katangian ang bawat tao.”

“Kahit na, hinahanap-hanap ko kasi ang pag-aalaga mo sa akin na hindi ko naranasan sa kanya. Magkaibang-magkaiba kayo. Nagkamali ako sa pagpili.”

“Huwag mo namang sisihin ang sarili mo. Wika mo nga, mahal mo eh, at hindi mo mahal ang isa. Syempre ang pipiliin mo ay yung mahal mo.”

“Alam mo Nesty, hindi lang pala komo’t mahal mo ay iyon na. Dapat pala ay susuriin mo rin kung magkakasundo kayo, kasi mahal mo nga, tapos palagi kayong magka-kontra, nawawala rin ang pagmamahal.”

“Makakahanap ka rin ng mamahalin mo at mamahalin ka kahit sino o ano ka man. Maghintay ka lang.”

“Ikaw Nesty, kumusta ang love life mo. Meron ka na bang ipinalit sa akin?”

“Wala pa akong panahon sa bagay na iyon. Umasa na lang ako sa tadhana. Kung may darating, eh di tanggapin, kung wala naman, okay lang.”

“Sayang. Nanghihinayang talaga ako at hindi ko pinahalagahan ang pagmamahal mo sa akin. Siguro, kung hindi ako nagtaksil sa iyo, masaya pa rin tayo hanggang ngayon. Noon ko napagtanto na mahal pala kita, totoo yun. Kaya nga siguro palagi kaming nag-aaway ni Lian ay dahil bukang-bibig kita sa kanya. Iba ka kase. Sayang talaga.”

“Maghintay ka lang Elias, makatatagpo ka rin ng magmamahal sa iyo ng tapat.”

“Nesty, kaya mo pa akong bigyan pa ng second change?”

Hindi ko siya masagot kaagad. Ang alam ko, hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya lang, ayaw ko na nang padalos-dalos. Ngayon pang nakaka move-on na ako kahit papano.

“Magkaibigan pa naman tayo eh. Lahat naman ay may second chance, third chance o kahit ilang chance, hanggang sa makamit mo ang last chance, ibig sabihin, final na iyon. Siya na ang magiging forever mo. Ang pagmamahal naman kung minsan o baka madalas nga na naguumpisa sa pagkakaibigan. Nagkakakilanlanan kayo ng ugali, hanggang sa nauuwi na sa pagmamahalan.”

“Sige Nesty, magpapa-alam na ako. Alam kong pagod ka na.”

“Ikaw rin naman. Magpahinga ka na. Bukas, trabaho na naman, kelangan me lakas ang katawan natin. Goodnight Elias.”

-----o0o-----

Magmula noon ay parang muling nanliligaw sa akin si Elias. Dinadaan niya ako sa pagbibigay ng kung ano-ano, pagkain. Basta mga bagay o pagkain na gusto ko. Inaaya pa ako na mamasyal, manood ng sine na dati naming ginagawa. Mahal ko pa rin naman siya, hindi naman nawala. Kaya lang, gusto ko na makasiguro na ako na nga ang final chance niya hehehe, Kung siya ang para sa akin, mas maganda dahil mahal ko siya. Sana nga matutuhan na niya akong mahalin ng totohanan.

 

 

Wakas…..

 

1 komento:

Mahal Kong Kababata (Part 7/7) By: Anonymous

  Mahal Kong Kababata (Part 7/7 ) By: Anonymous   Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Al...