ROOM 21
(Part 13) – Malamig na Bakal
By: Iam Kenth
Pinalampas
namin ni El ang ginawang iyon nila Dante at JC. Kahit na ganid na sa galit si
El, ay pinilit ko siyang huwag na lang lumabas, kahit man ako ay galit na galit
na ng mga sandaling iyon. Sobra na kasi talaga, hindi na nagiging makatao. Sa
unang araw ng pasukan ay hindi muna kami pumasok ni El. Dalawa kaming
nag-ikot-ikot para makahanap ng malilipatan namin. Napagdesisyunan naming mas
malayo sa Bording House para malayo na rin kami kila Dante at JC.
Nakakuha
kami ng isang kwarto, medyo malaki para sa dalawang tao. Malaki ang kwarto na
pwedeng hatiin sa dalawa. May sariling banyo, kusina at may sala pa. Para
talagang bahay. Inupahan na kaagad namin, nagbayad na kami ng one month
deposit, one month advance. Naghati nalang kami ni El sa upa. Pero hindi pa
kami nakalipat kaagad duon dahil aayusin pa yung bubong at yung kitchen sink.
Bago
kami umuwi ni El ay kumain na muna kami. Pinag-uusapan namin yung mga bibilhin
namin gamit, nagbalak na din akong magtrabaho as working student sa isang
fastfood chain para naman hindi masyadong mabigat sa bulsa. Pagkatapos kumain
ay gumala muna kami ni El, pero bago mag-gabi ay umuwi na kami dahil papasok pa
siya sa trabaho nya. Pagpasok palang namin ay sumalubong kagad si Emil sa amin.
“Neth,
El yung kwarto n’yo. Pinasok ata.” sabi niya.
Hindi
na kagad nakasagot si El. Tumakbo na kaagad sya sa kwarto namin, sumunod kami
ni Emil. Sa hallway palang, kitang-kita na naming bukas ang pinto, sira ang
door knob. Madameng borders ang nagbubulungan, basta dumeretcho kami kagad sa
kwarto. Pumasok kaagad si El. At ng masilip ko ang loob. Hindi talaga ako
nakatagal. Mabaho, madumi, binaboy ang kwarto namin. May parang mga laman loob
ng baboy, at dumi ng tao. Malangaw. Nakadidiri. Napansin kong may hinahanap si
El. Kaya napatanong ako agad.
“Yung
wallet ko Neth. Wala dito. Nandun lahat ng pera ko.” sabi nya. Kaya agad ko
syang tinulungan hanapin. Pero wala talaga. Biglang lumabas si El. Kaya
sinundan ko kagad. Ramdam ko ang sobra ng kaniyang pagkagalit. At kagaya ng
inisip ko nuon ay kanila Dante sa taas siya pumunta. Sa hallway ng 4th floor
nandun si Dante at JC, meron pa silang ibang kasama. Kitang-kita ko na biglang
sinapak ni El si Dante. Natumba kagad si Dante.
“Putang
ina nyo! Ibalik nyo sa akin ang wallet ko. Mga Puki ng inang magnanakaw kayo!”
gigil na sabi ni El.
“Eh
Tarantado ka pala eh! Siguraduhin mong may katibayan ka sa pangbibintang mong
hayop ka!” bumangon agad si Dante. Nakalapit na ako. Ang bilis ng tibok ng puso
ko, kinakabahan kasi talaga ako.
“Mas
hayop ka Gago! Hindi ko kailangan ng ebidensya! Ilabas nyo ang wallet ko bago
pa tayo magkagulo dito!” galit na pagkakasabi ni El.
“El,
umalis nalang tayo dito. Pera lang yun, mapapalitan natin yun.” sabi ko kay El.
“Yan!
Yang bosero mong kasama sa kwarto mo ang pagbintangan mo, hindi yung kung sino
sino lang pagbibintangan mo. At saka, di ko kailangan ng pera mo! Baka doblehin
ko pa nawala mo, ulol ka!” sabi ni Dante. Mabilis na sinapok ulit ni El si
Dante at nagpang-abot na silang dalawa. Hindi ko sila magawang mapigilan dahil
parehas silang malakas. Nagkakapalitan sila ng suntok hanggang sa mapatumba na
ulit ni El si Dante at mapailaliman ito. Tinatakpan na ni Dante ang mukha nya
dahil nabubugbog na talaga siya ng husto.
Tumulong
na din ang iba pang pigilan si El. Pero sobrang galit na galit talaga siya na
para bang gusto nya ng patayin sa gulpi si Dante. Kaliwat kanang kamao ni El
ang tumatama sa sa mukha ni Dante. Pero mas nabigla ang lahat ng maglabas ng
baril si JC at itinutok sa nuo ni El, isang revolver.
“Putang
ina mo Mikel! Pasasabugin ko ang bungo mo pag di mo tinigilan si Dante!”
malakas na pasigaw na sabi ni JC. Napatigil si El at hinila ko siya kagad.
Bumangon si Dante na duguan ang mukha, halos mabaliko ang kaniyan ilong.
“Akala
nyo natatakot ako sa baril nyo? Mga gago! Hindi ako takot na mamatay,”
pag-aangas pa ni El. Hindi ko alam kong saan hinuhugot ni El ang lakas ng loob
nya, basta ang alam ko, galit na galit sya.
“Gago
wag mo akong sinusubukan! Ipuputok ko talaga to!” inihanda ni JC ang gatilyo ng
baril.
“Tang
ina! Iputok mo!” sabi ni El. Napatulo na luha kasi natatakot na talaga ako.
Saktong dumating ang may ari at agad na tinago ni JC ang baril sa likod nya.
Inawat ng may ari ang away.
“Mga
gago, malaman ko lang na kayo kumuha ng wallet ko at bumaboy sa kwarto namin,
wawasakin ko na mga bungo. Nagtitimpi lang ako, pero sumusobra na kayo!” sabi
ni El.
“Ulol
ka! Gaganti pa kami sa inyong dalawa. Hindi kayo makaka-alis dito agad agad!”
paninindak ni JC.
Hinila
ko na si El. At bumaba na kami sa kwarto namin. Nilinis namin ang aming kwarto
na halos masuka na talaga ako sa baho kahit may takip pa ako sa ilong.
Masang-sang na hindi ko maintindihan ang amoy, mabaho, malansa. nalinis na
namin ng silid at naalis na ang mabahong amoy.. Pero nandidiri na akong humiga
pa o matulog sa kwarto namin kahit pa bumili kame ng room freshener. Para
kasing dumikit na sa bawat sulok ang dumi at baho.
“Neth,
pasensya na sa nangyari kanina. Hindi ko na talaga napigilan pa ang galit ko
eh. Sobra na kasi sila talaga, inaalala ko ngayon kung saan ako kukuha ng
budget ko. Walang wala na talaga ako ngayon Neth,” malungkot nyang pagkakasabi.
“May natatabi pa naman ako, at magpapadala
sila Mama sa akin. Pagkasyahin na lang muna natin yun,” sabi ko sa kanya.
“Sige,
salamat. Bale pagnakaluwag ako, babawe ako sa iyo.”
“Matagal
ka ng nakabawi sa akin.” sagot ko.
Nang
gabi ding iyon ay inimpake na namin ang mga gamit ni El dahil balak na talaga
naming maglipat. Hindi na kasi namin matagalan sila Dante at JC. At para
makaiwas narin sa gulo. Pero ng gabing iyon hindi pa pala sila tapos sa amin.
Hating gabi na yun. Tulog na tulog na si El. Mula sa labas, sa pinto nagising
ako sa bulong-bulungan. Nadidinig ko ang boses nila Dante at JC, at meron pang
isa, pero hindi ko talaga mabosesan. Ginising ko kagad si El. Pero bago pa man
nagising si El sa lakas ng uga ko sa kanya ay bigla namang bukas ng pinto ng
kwarto namin. Hindi kagad nakakilos si El dahil may sinalpak kagad sa kaniyang
bibig. Hindi ako kagad nakasigaw para humingi ng tulong dahil sinalpakan din
ako sa bibig pero nakilala ko silang tatlo. Si Dante si JC at si Marvin. Bago
pa man nawala ang ulirat ko ay nadinig ko pa silang nagsasalita.
“Tang-ina
ninyong dalawa. Dusa kayo sa amin ngayon. Nagising nalang ako na nasa isang
kwarto kame. Sigurado akong nasa Room 53 kami, pero hindi ako makapagsalita
dahil may nakasapal sa bibig ko. Nakita ko kagad si El sa kama, nakahiga.
Nakaposas ang isang kamay niya sa estante ng kama, ako naman ay nasa sahig lang
nakatali din ang kamay ko. Pinipilit kong magsalita pero garalgal ang
pagsasalita ko. Maya-mayay nagising si El. At biglang pasok ni JC sa pinto.
Nakita ko kagad ang baril sa kaniyang tagiliran, kapansin pansin din ang
namumula niyang mga mata.
“Putang
ina n’yo! Ano bang gusto nyong gawin sa amin!” galit na pagkakasabi kaagad ni
El kay JC.
“Mikel,
huwag kang mag-angas-angasan, hawak namin buhay nyo ngayon!” sabat ni JC at
siya namang pasok nila Dante at Marvin.
“There’s
your boyfriend Marvs.” sabi ni Dante. Napatingin ako kay Dante. Pakiramdam ko
pinaglalaruan nila kame at langong-lango sila sa droga. Agad na kumilos bakla
si Marvin at lumapit kay El.
“Lumayo
ka sa akin!” iniwas ni El ang katawan niya kay Marvin.
“Papa
Dante, ayaw akong lambingin ni Mikel oh?” nagboses bata siya na babakla-bakla,
naka-eyeliner din sya pero kumukupas. Lumapit sa akin si Dante at bigla ako
sinapal ng sobrang lakas na halos nabingi ako sa sobrang sakit. Nasigaw ni El
ang pangalan ko pero hindi ko talaga na dinig. Ilang segundo din iyon. Maya pay
bumalik ang pandinig ko. Bigla na ako uling naiyak.
“Subukan
mong tanggihan si Marvin at masasaktan tong batang to!” galit napagkakasabi ni
Dante.
“Mga
hayop kayo, huwag n’yong idamay dito si Neth! Mga gago kayo!” sabi ni El.
“Pwes, huwag
kang papalag sa gusto ni Marvin! ‘Di ba si Marvin ang syota mo!” sabi ni JC.
“Tang
ina nyo!” sabi ni El. At muli akong sinampal ni Dante. Ang pakiramdam ko ay
magang-maga na ang mukha ko sa dalawang sampal na iyon.
“Sino
ang syota mo?” malakas na pagtatanong ni JC kay El.
Hindi
makapagsalita si El. Nakatingin siya sa akin at ramdam na ramdam ko na naaawa
na siya sa akin. Walang naglalakas loob na tumulong sa amin, ng gabi din iyon
ay wala si Benjie at Emil. Takip tenga ang lahat. Pero sigurado akong dinig
kami ng mga tao sa 4th floor.
“Tangina!
Ayaw mong sumagot!” hahampasin sana ako ulit ni Dante, umiwas pa ako pero alam
kong tatamaan ako, pero natigil yun nang magsalita si El ng, “Si Marvin ang
syota ko,” mahina at sapilitang sabi ni El.
“Hindi
ko nadinig papa Dante,” pabaklang sabi ni Marvin.
“Si marvin
ang syota ko! Tigilan nyo na si Neth!” matigas at malakas na pagkakasabi ni El.
Alam kong napipilitan lang siya at kapwa kame walang magawang dalawa. Lumapit
sa kanya si Marvin.
“Halikan
mo ako.” sabi ni Marvin. Nakita kong tinikom ni El ang labi nya, pero sinindak
ulit siya ni Dante na sasaktan ako., kaya kitang-kita kong sapilitang
nakipaghalikan si El, napansin ko rin na naluha siya, napayuko at pero inangat
ni Dante ang leeg ko para makita ko sila.
“Magsex kayo!” hirit ni JC.
“Gusto ko yan!” sabi ni Marvin.
“Hindi ko na gagawin yan!” sabi ni El.
“Tang
ina! JC akina na ang baril!” sabi ni Dante at binigay ni JC ang baril kay
Dante. Inalis ni Dante ang sapal ko sa bibig. At pilit niyan pinasok sa bibig
ko ang dulo ng baril. Napakalamig ng bakal nayun.
“Pasasabugin
ko ang bibig nito o makikipag-sex ka kay Marvin!” mapangahas na babala ni
Dante.
“Im
sorry Neth. I love you” bigkas ni El at sinimulan niyang hubarin ang sinturon
nya. Wala akong magawa. Awang-awa ako sa aming dalawa. At mas masasahol pa ang
ginawa nila sa aming dalawa.
Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento