Mahal
Kong Kababata (Part 7/7)
By: Anonymous
Isang
malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni
Alvin. Si Wesley at bakas sa mukha ang sobrang galit na pilit na hinahatak ni
Janine pero wala itong magawa.
“Hayup
ka Wesley! ‘Wag mong ipamukha na mas mahal mo ang baklang yan kaysa sa akin!”
tili ni Janine habang hinahatak si Wesley.
Hindi
nagdalawang isip si Wesley na itulak ito at malampaso sa sahig. Dumiretso si
Wesley sa amin ni Alvin at walang sabi sabing inupakan ito. “Tangina mo Alvin!
Ulol ka! Pagkakamali mong kinatalo mo pa si Tony!” sigaw ni Wesley na walang
tigil sa pagsapak, tadyak at bubog kay Alvin na walang magawa ng mga oras na
yon.
Ako
ma'y takot na takot kay Wesley ng mga oras na iyon. Ngayon ko lang siya
nakitang galit na galit at tila halimaw. Nabugbog niya ng todo si Alvin na
nabasag na ang mukha nito sa bawat suntok na binibitiwan ni Wesley. Nalingon si
Wesley sa akin na nung mga oras na yon ay nakasiksik ako sa isang gilid ng
kama, takot na takot at umiiyak. Doon ay parang natauhan si Wesley at nilapitan
ako. Awa ang nakita ko sa mga mata niya habang hawak ang mukha ko at hinahaplos
ang sugat sa labi ko. Tuluyan na niya akong siyakap. Wala siyang pakialam kung
maraming usiserong kapitbahay na nasa labas ng pinto at umuusyoso.
Inalalayan
ako ni Wesley sa pagtayo at paglakad paalis sa apartment na yon. Hindi pa kami
nakakalabas ng pinto ay sumigaw si Janine. “Hayup ka Tony! Ikaw ang nakagulo sa
amin!” sigaw ni Janine sabay dampot sa kutsilyong dala ni Alvin at tumakbo
patungo sa akin. Naging maagap si Wesley na maitulak ako palayo at sa kasamaang
palad ay siya ang nasaksak sa tagiliran ni Janine.
“Wesley!!!”
sigaw ko sabay lapit sa kaniya. Napatingin sa akin si Wesley bago tuluyang
bumagsak payakap sa akin. Kinuyog naman ng mga usisero si Janine ng magtangka
itong tumakas. Nagkagulo ang lahat ng mga oras na iyon.
”T-Tony..
So-so-sor-ry. Hi-hin-di k-k-k-ko gus-tong s-s-sak-tan k-ka,” paghingi ng tawad
sa akin ni Wesley habang hinahaplos ang pisngi ko at nakasalalay siya sa mga
bisig ko.
“Tama
na, ‘wag ka na magsalita. Ipunin mo ang lakas mo,” sagot ko sa kaniya.
Natataranta
akong kinuha ang cel sa bulsa ng pantalon ko habang yakap ko pa rin siya. Gusto
kong tumawag kay Eric ng mga oras na yon pero hindi ko alam ang eksaktong
address. Malaki na din ang pasasalamat ko sa mga usisero doon dahil tumawag na
pala sila ng pulis at ambulansiya. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga
ito. Kaya sinakay na si Wesley sa ambulansiya na nawalan ng malay ng mga oras
na iyon. Hinuli naman ng pulis sina Alvin at Janine na ikinulong para sampahan
ng kaso. Hindi naman ako umalis sa tabi ni Wesley hanggang madala siya sa
ospital.
Diniretso
agad siya sa ER. Tumawag na din ako kina Eric at sa magulang ni Wesley upang
ipaalam ang nangyari. Walang isang oras ay dumating na doon si Eric at Dino.
Malayo pa lang ay nakita ko na ang dalawa at patakbo akong lumapit at yumakap
kay Dino habang umiiyak. Kwinento ko lahat ng nangyari. Nahinto lang ang
pag-uusap namin ng lumabas ang doktor galing sa loob ng ER.
“Sino
ang kamag-anak ng pasyente?” tanong ng doktor.
“Wala
pa po ang parents ni Wesley. Kaibigan po namin ang pasyente. Ano po ba ang
lagay niya?” tanong ni Eric.
“To
tell you the truth, unstable pa ang kondisyon ng pasyente. Malalim ang tinamo niyang
sugat at muntik ng tumama sa baga niya. Within 24 hours, oobserbahan natin ang
lagay niya. Unconcious pa siya until now,” paliwanag ng doktor.
Lalo
akong naiyak sa narinig kong iyon. Yumakap sa akin si Dino at hinagod ang likod
ko. “Thank you po doc,” - si Eric.
Gabi
na ay nag-intay pa din kami sa labas ng ER. “Bunsoy, pahinga ka muna. Umuwi ka
muna sa Dorm. Magpalit ka na ng damit,” sabi ni Dino. “Okay lang ako. Ayokong
umalis dito.” sagot ko.
“Sige
Bunsoy, ako na ang kukuha ng gamit mo. Magdadala na din ako ng pagkain mo.”
prisinta ni Eric.
“Salamat,”
sagot ko.
Umalis
na si Eric at para kumuha ng gamit samantalang naiwan kami doon ni Dino.
Isinandal ni Dino ang ulo ko sa balikat niya.
“Pahinga
ka muna Bunsoy.. Gigisingin kita pagdating ni Eric,” sabi ni Dino.
Pagod
na pagod din ako at masakit pa din ang katawan ng mga oras na yon. Hindi ko na
nalabanan ang antok at naidlip na nga ako ng tuluyan sa balikat ni Dino.
“Bunsoy,
narito na si Eric. Palit ka muna ng damit,” gising ni Dino sa akin.
Hindi
ko namalayang nahimbing pala ako at 1:00 na ng madaling araw. “Si Wesley?” agad
kong tanong.
“Wala
pang pagbabago sa vital signs niya. Magbihis ka muna at kumain. Kanina pa ako
dumating pero pinabayaan muna kitang magpahinga,” sagot ni Eric.
Kinuha
ko ang damit na dala ni Eric at nagbihis muna. Doon ko lang nakita ang pasa sa
mukha at ang sugat sa labi ko. Galit ang naramdaman ko ng mga oras na yon.
Desidido akong kasuhan sila Janine at Alvin sa sinapit namin ni Wesley. Kaya
matapos kong magbihis ay nagpasama ako kay Eric sa presinto para pormal na
sampahan ng kaso ang 2 nakakulong. Si Dino muna ulit ang naiwan sa ospital.
Iniharap
sa amin sina Janine at Alvin. Hindi napigilan ni Eric na tadyakan sa mukha si
Alvin sa ginawa sa akin. Inawat lang agad ng pulis si Eric. Dumugo ang nguso ni
Alvin sa lakas ng sipa ni Eric. Kaharap ko si Janine. Masama pa ang tingin sa
amin kaya ng ipapasok na sila sa kulungan ay pasimple ako. Hinablot ko bigla si
Janine sa braso sabay sapak ng malakas sa mukha. Makaganti man lang sa ganong
paraan. Inawat na din ako ng pulis.
“Sisiguraduhin
kong dyan ka na mamamatay sa kulumgan, puta ka!” galit kong sigaw. Matapos
maiayos ang reklamo ay bumalik na kami ulit sa ospital.
Alas-3
na ng madaling araw ng makabalik kami. May ngiti kaming sinalubong ni Dino at
sinabing ililipat na sa room si Wesley dahil stable na siya at ligtas na sa
panganib. Ngunit wala pa daw itong malay. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag
sa balitang iyon ni Dino. Ilang minuto lang ay inilabas na ng ER si Wesley para
ma-transfer na sa room. Hindi ako umalis sa tabi ni Wesley. Binantayan ko siya
habang natutulog. Pinagmasdan ko si Wesley. Lalo pala siyang naging gwapo
ngayon. Kung hindi mo siya kilala ay mapagkakamalan mo siyang modelo o isang
artista.
Malaki
nga ngayon ang pangangatawan niya. Napaka-amo ng mukha niya habang natutulog.
Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa noo. Nagulat ako ng
magsalita siya habang nakapikit pa. “Ang lagay ba halik lang sa noo ang
makukuha ko matapos kong ibuwis ang buhay ko para sa iyo?” tanong ni Wesley
sabay dilat ng mata at ngumiti sa akin.
Hindi
ko napigilang mapaluha dahil sa nakita kong okay na siya. “Ano pa ang tinatayo
mo dyan? Halika dito, yakapin mo naman ako habang tulog pa ang dalawang mokong
na yan!”
Lumapit
ako sa kaniya at niyakap ko siya ng dahan dahan para hindi masagi ang sugat niya.
Pagkatapos ay pinahiran niya ang luha ko. “Marami ng atraso ang boyfriend mo sa
iyo. Haaay. Sorry.” paghingi niya ng tawad sa akin.
“Hindi
na importante yon. Ang mahalaga ay ligtas ka.”
Pagkasagot
ko ay hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan ako sa labi. Napakatagal kong
hinintay na muli akong mahalikan ni Wesley. Tila panaginip lang ang lahat pero
totoo ito. Napakasarap ng halik niyang iyon. Lahat ng atraso niya ay nawala
dahil sa isang halik niyang iyon. Matagal na naglapat ang aming mga labi. Tila
ayoko ng matapos ang sandaling iyon.
“Nako,
nakuha pang maghalikan ng dalawa!” - si Dino na kanina pa pala nagising ito at
pinapanood kami, kaya lang kami natigil ni Wesley.
“Mamboboso
ka talaga Dino! Hahaha!” biro ni Wesley.
Nagkakwentuhan
na kami sa mga magagandang nangyari pagpunta namin ni Dino dito sa Manila.
Hanggang sa dalawin na kami ng antok. “Dito ka matulog sa tabi ko,” lambing ni
Wesley.
“Wag
na, baka masagi pa yang sugat mo,” pagtanggi ko sa gusto niya.
“E di
dito ka sa kanan ko para hindi mo masagi,” katwiran nito.
“Sige
na nga,” pagpayag ko sa kaniya.
Tila
bata naman si Wesley na abot ngiti ng tumabi ako at niyakap ako agad. Mahimbing
kaming nakatulog.
Kinabukasan
ay masaya kaming nagising. Isang halik ang ibinigay ni Wesley sa akin.
“Ano
ka ba? Hindi pa ako nagtu-toothbrush, hinahalikan mo na ako,” sabi ko sa kaniya.
“Wala
akong pakelam!” sagot niya ng may pilyong ngiti.
“Loko
ka talaga. Bili muna ako sandali ng breakfast natin,” sabi ko sa kaniya.
“Bilisan
mo ha? Gusto ko dito ka lang,” lambing ni Wesley.
“Opo!”
sagot ko naman.
Palabas
na ako ng kwarto ng tawagin ako ulit nito. “Psst! May nakalimutan ka!” sabay
nguso na nagpapahiwatig ng paghiling ng halik.
Wala
akong nagawa kundi bumalik at ibigay ang hinihiling. Tila bata naman ito na
pagkatapos kong bigyan ng halik ay ngiting-ngiti ang loko. Medyo natagalan ako
ng konti sa fastfood dahil sa dami ng tao. Pagbalik ko ng ospital ay nandoon sa
labas ng kwarto sina Eric at Dino.
“Ano ang ginagawa n’yo dyan?” tanong ko sa
kanila.
“Nandyan
na Mama ni Wesley. Nag-usap muna sila ng sarilinan. Kapag daw dumating ka ay
papasukin ka din namin,” sagot ni Dino.
Kinakabahan
ma'y pumasok ako sa kwarto. Natatakot akong sisihin ng Mama ni Wesley dahil sa
nangyari dito. Nawala lang ang kabang iyon ng pagpasok ko ay nakita kong
nakangiti si Tita sa akin. Lumapit na ako sa kama ni Wesley kung saan nakaupo
sa gilid si Tita.
“Alam
ko na ang lahat ng nangyari. Pati ang damdamin n’yo para sa isa't isa. Wala
akong tutol doon. Kung saan masaya ang anak ko, masaya na din ako,” paliwanag
ni Tita.
“Maraming
salamat po sa inyo,” tugon ko naman. “Pero paano ang mga magulang mo? Alam na
ba nila ito?” tanong ni Tita.
“Sa totoo
lang po ay wala silang alam. Gagawa na lang po ako ng paraan para magkausap
kami,” sagot ko kay Tita.
Yon
nga pala ang magiging problema. Conservative ang family namin at tiyak na hindi
papayag sina Tatay at Nanay, pati mga kuya ko. Saka ko na lang siguro iisipin
ang bagay na iyon. Pansamantala ay ang paggaling muna ni Wesley ang kailangang
bigyan ng pansin. Masayang-masaya kami ni Wesley sa pagsang-ayon ng Mama niya.
Lumipas
ang mga araw at nakabawi na ng lakas si Wesley. Naghilom na din ang sugat niya
at malaon ay nakalabas na ng ospital. Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang
aming pag-aaral at naging maayos naman ang buong school year. Dumating ang
bakasyon at sabay-sabay kaming apat na umuwi ng probinsiya. Nanatiling lihim
ang aming relasyon ni Wesley sa aking pamilya dahil tiyak na hindi sasang-ayon
ang mga ito sa amin.
Pinagsasaluhan
namin ni Wesley ang init ng aming katawan sa bahay nila dahil bantad na sa
aming relasyon ang Mama ni Wesley. Pero tulad nga ng kasabihang walang lihim
ang hindi nabubuniyag, nangyari ang kinatatakutan ko. Nalaman ng aking Tatay
ang relasyon namin kung kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napagbuhatan ako niya
ng kamay.
Pinaghiwalay
kami ni Wesley at sinabing hindi na ako babalik sa Manila at hindi na din
pwedeng magkita ng aking mga kaibigan. 2 linggo akong kinulong sa bahay ni
Tatay. Naaawa man ang Nanay at mga kapatid ko ay wala silang magawa. Hindi ko
na matiis na pinaglayo kami ni Wesley at ngayon ay tila preso ako sa sariling
bahay. Pati ang cellphone ko ay kinuha.
Dumating
ako sa puntong pagod na ako sa lahat ng ito lalo na ang hindi magandang
pakikitungo ng aking ama sa akin. Isa lang ang naisip kong solusyon para
takasan ang lahat ng ito. Nakita ko ang sleeping pills sa medicine cabinet.
Kinuha ko ito. Binuhos ang marami sa aking palad. Walang dalawang isip ay
isinubo ko lahat ito hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Pagmulat
ng mata ko ay nasa isang kwarto ako at nakahiga. Hindi ito ang kwarto ko.
Kakaiba at hindi ko alam kung kanino iyon. Nalingon ako sa aking kaliwang braso
at may nakakabit na dextrose. Nasa ospital pala ako. Sa kanan ko ay nandoon ang
aking ama at nakangiti habang lumuluha. “Anak, patawarin mo si Tatay kung
naging malupit ako sa iyo. ‘Wag mo na uulitin ulit ito ha?” paghingi ng tawad
ng aking ama.
Lumapit
na din sila Nanay at mga kuya ko sa kama ko. “3 days kang walang malay at kahit
saglit ay hindi ka niya iniwan at di umalis sa tabi mo,” sabay turo kay Wesley
na nasa sofa sa gilid at natutulog.
Napaluha
ako ng makita ko si Wesley. “Anak, pumapayag na ako sa relasyon n’yo. Kung saan
ka magiging masaya, susuportahan ka namin. Napatunayan din naman ng kababata mo
kung gaano ka niya kamahal,” - ang aking ama.
Tuluyan
na akong naiyak dahil sa narinig kong iyon. Ginising ni Kuya ko si Wesley.
Bumangon ito agad at lumapit sa akin, may luha din sa kaniyang mga mata.
Humalik sa noo ko ang aking ama, tinapik naman sa balikat si Wesley at lumabas
ang aking pamilya para magka-usap kami ng sarilinan ni Wesley.
Paglabas
na paglabas ng aking pamilya ay bigla ako siyakap ni Wesley ng napakahigpit. “Bakit
mo ginawa yon? Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa pag-aalala sa iyo?”
- si Wesley habang umiiyak.
“Sorry.
Nawalan kasi ako ng pag-asa na makita ka pa ulit. Mas gugustuhin kong mawala na
lang kung malalayo din lang ako sa iyo.”
Hinawakan
ako ni Wesley sa aking mukha. Tinitigan ng mata sa mata. “’Wag na ‘wag mo ng
uulitin to ha? Mamatay ako,” sumamo niya sa akin.
Tumango
ako bilang sagot sa kaniya. At isang napakatamis na halik sa aking labi ang
binigay niya sa akin. Halik na tila kay tagal kong hinintay na mangyari muli.
Ilang araw lang ay nakalabas na ako ng ospital. Pinagpatuloy namin ang normal
na buhay. Bumalik kami sa Manila para mag-aral.
Lumipas
ang mga taon. Nakatapos na sila Wesley, Dino at Eric. Nagkaroon na sila ng
matatag na trabaho at after 2 years ay ako naman ang nagtapos. Nakakuha din ako
ng magandang trabaho. Nanatili ang closeness naming apat. Sa kabila ng mga
pangungutya at mga panlalait ng marami, nanatiling matatag ang relasyon namin
ni Wesley.
Wala
kaming pakialam sa sinasabi ng iba sa amin. Ang mahalaga ay masaya kami at
suportado ng pamilya. Nagsama kami ni Wesley sa isang bahay na nabili namin sa
Manila. Madalas kaming bisitahin doon nila Eric at Dino. Nagkakakwentuhan sa
mga nakaraan at nagkakatawanan na lang. Sa Manila na din nanirahan sina Eric at
Dino. Di kalaunan ay nag-ampon kami ni Wesley ng isang baby boy. Inayos namin
ang legal adaption sa bata at inapelyido ito kay Wesley.
Ngayon,
eto pa rin kami ni Wesley, magkasama. Hindi din naman maiiwasan na minsan ay
may di pagkaka-unawaan pero nasosolusyunan agad ito at hindi natatapos ang araw
ay nagkakasundo na ulit kami. Ganoon naman talaga sa isang relasyon. Bigayan
lang, tiwala, pagmamahalan at respeto sa isa't isa.
Grade
6 na ang anak-anakan namin at alam niya ang tungkol sa amin ng Daddy niya.
Hindi maiiwasang tinutukso siya na 2 ang ama pero walang ina ngunit lumaki si
Will na mabait at maunawaing bata. Hindi niya pinakikinggan ang mga panunuya at
sa halip ay pinapakita pa niya sa Daddy at Papa niya na mahal na mahal niya
kami. Ano pa nga ba ang hihilingin ko. Ngayon ay nangingiti na lang ako tuwing
naaalala ang nagdaang panahon.
Sino
ba ang mag-aakala na ang aking Kababata ang aking makakasama at mamahaling ng
habambuhay. Hindi na namin kailangang ikasal dahil sapat na ang pangako at
pagmamahal sa isa't isa na subok na ng panahon.
Nagustuhan
n’yo sana ang aking kwento at nakapagbigay ng aral sa lahat na ang pag-ibig ay
walang pinipiling kasarian o estado ng buhay. kusa itong nararamdaman at nasa
sa iyo na kung handa mong ipaglaban gaya sa amin ni Wesley.
Wakas-----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento