Linggo, Hulyo 27, 2025

Sa Babuyan at Manukan (Part 20)

 


Sa Babuyan at Manukan (Part 20)

 

Zaldy’s POV

Huwebes, naka receive ako ng text mula sa unfamiliar na number.

“Pamilyar ang mukha ng hinahanap mo, pero hindi ko siya dito sa Magdalena nakita, doon ko siya nakita sa Sta. Maria, dito rin sa Lguna. Hindi ako sigurado, try mo rin,” ang nakalagay sa text.

Kaagad kong tinawagan si Vincent at pinapunta sa bahay. Kaagad naman siyang nakarating.

“Vincent, may nag-text sa akin, baka daw nasa Sta. Maria si Mikel.”

“Sinong may sabi Zaldy? Baka scam lang iyan.”

“Ano naman ang mai-scam sa atin, wala naman tayong inilagay na pabuya. Tuloy tayo sa Sabado ha.”

“Eh hindi makakasama si Jerry, may lakad siya sa Sabado, Sinabi na ba sa iyo?” tanong ni Vincent.

“Hindi pa kami nagkakausap, Tayong dalawa na lang. Baka may linaw na. Doon naman talaga ang balak nating puntahan ah. Sana lang ay makita na natin siya, Malulutas ang problema ko kina Mama at Papa.”

“Kasalanan mo kasi eh,” paninisi pa ni Vincent”

“Wala na namang sisihan. Sa Sabado ha, mag-renta na lang uli ako ng sasakyan.”

-----o0o-----

Sa Munisipyo na nang bayan kami dumiretso. Nakausap namin ang chief of police ng bayan iyon, pero wala daw report na natanggap ang kanilang opisina na may naligaw o napadpad sa bayan na tio. Nag-iwan naman kami ng poster para maidikit sa kanilang bulletin board.

Paglabas namin ng munisipyo ay may nakasalubong kaming isang lalaki, gwapo iyon kaya kaagad na nilapitan ni Vincent para magtanong. Alam ko naman ang pakay. Ang gago, natuluyan na yata. Dinig ko pa ang maarte niyang pagtatanong.

“Pogi, baka naman pamilyar sa iyo itong batang ito, matagal nang nawawala eh, naglayas sa bahay nila at hinahanap namin,” ang maarte niyang tanong saka pinakita ang isang poster.

Sinipat-sipat naman ng lalaki ang larawan. “Hmmmm kaano-ano ba ninyo ang lalaking ito?” tanong nung lalaki, mukhang nagdududa sa pakay namin.

“Ah eh, kapatid ko siya, nakagalitan ko kasi, naglayas,” sabad ko.

“Naglayas. Siguro binugbog mo kaya naglayas. Kelan pa ba naglayas?”

Masyadong maurirat itong lalaki, samantala, may pag-akbay kaagad itong si Vincent sa lalaki, garapalan na talaga. Hindi na nahihiya sa akin.

“Medyo matagal-tagal na rin eh, siguro pitong buwan na,” sagot ko.

“Tapos ngayon lang ninyo hahanapin? Hindi ba siya hinahanap ng magulang ninyo?”

Naiirita na ako, pero may kutob akong may alam ang lalaking ito. “Wala kasi rito ang parents namin, mga OFW sila at hindi alam na naglayas si Michael. Matagal na namin siyang hinahanap. Hindi naman siya makontakt. Kilala mo ba siya?”

“Hindi, wala akong Mikel na kilala,” sagot niya saka tumalikod na.

“Sandali, sandali… Michael ang pangalan ng kapatid ko, hindi Mikel.”

“Michael ba? Dinig ko kasi Mikel.”

Muli niyang tiningnan ang larawan at pangalan. “Michael nga pala hehehe.”

“Please naman brod, may hinala akong kilala mo ang kapatid ko, nagmamakaawa kami sa iyo, may nakapagsabi kasi na dito siya nakita nung isang tumawag sa akin,” pagmamakaawa ko.

“Bakit mo kasi binugbog, tapos ngayon magmamakaawa ka. Maayos na ang kalagayan niya dito,” sabi nang lalaki.

“Hahaha, kilala mo nga. Samahan mo naman kami sa kanya, sige na oh”

Mahabang pakiusapan pa ang nangyari, panay na ang tsansing ni Vincent, pero tila hindi nahahalata nung lalaki na nakilala naming Gerald daw ang pangalan at anak ng Mayor ng bayang ito. May palagay akong may kalibugan din ang lalaking tio.

Sa madaling salita, napapayag namin siya. Sinamahan kami. Sa likod ng sasakyan siya sumakay. Aba… itong si Vincent, sa likod ding sumakay at panay ang landi kay Gerald. Nagpapalandi naman itong si Gerald.

-----o0o-----

May kalayuan din ang lugar na pinuntahan namin buhat sa munisipyo, Isang farm iyon na maraming tanim at may manukan at babuyan pa.

“Diyan muna kayo ha at titingnan ko kung narito. Baka hindi magpakita sa inyo kapag nalaman na kayo ang kasama ko,” sabi ni Gerald.

Tuloy-tuloy siya sa loob, hindi na kumatok, pero may tinatawag na Nanay Sela. Nawala na siya sa paningin namin, nakapasok na sa loob ng bahay nang tinawag niyang Nanay Sela.

Limang minuto na ay hindi pa kami nilalabas ni Gerald, gusto ko nang pasukin, kinakabahan akong hindi mawari, natutuwa na naiiyak. Magkikita na rin kami ng kapatid ko, Mahal ko naman siya at nasaktan ko lang dahil sa ayaw ko siyang maging bading. Pero naunawaan ko na, kasi pumatol din ako sa lalaki na naging bading na rin. Pwe!

Maya-maya ay lumabas si Gerald at kinawayan kami, nagkausaop na siguro at pumayag nang makipagkita sa amin ni Mikel.

“Mikel,” ang nasambit ko lang pagkakita ko sa aking kapatid. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap kasabay ng paghingi ng tawad.

Mahabang drama ang kasunod, mahabang paliwanagan. Katulong sina Nanay Sela at ang ibang kasamahan doon sa aming pag-usuap at pakikipagkasundo.

“Akala ko kasi ay hindi na ako hahanapin pa eh, na hahayaan na lang ako sa paglalayas ko. Akala ko ay hindi na ninyo ako mahal,” ang lumuluhang winika ni Mikel.

“Pwede ba iyon. Kapatid ka namin. At pangako, hindi ko na hahadlangan kung ano man ang gusto mo sa buhay, Syempre kaya naman gusto kong magpakalalake ka ay para maprotektahan ka namin. Ayaw ka naming na iiyak dahil naloko ka ng isang lalaki>’

Marami pa kaming pinagdiskusyunan, bandang huli ay nagkaunawaan na kami, nagkapatawaran. Pinauuwi na namin siya, pero nakiusap na tatapusin lang daw itong school year na ito, ayaw na niyang magpa-transfer pa dahil malapit na rin daw naman matapos ang school year at dito na siya mag-graduate.

Hindi ko naman kinaligtaan na magpasalamat ng marami sa kumupkop kay Mikel, na ikinuwento pa kung paano sila nagkatagpo. Sobra-sobra ang pasasalamat ko talaga, napakalaking utang na loob namin iyon sa matanda.

Inabot na kami ng tanghalian at nagpaluto na pala si Nanay Sela na siyang kumupkop kay Mikel.

Napansin kong nawawala si Vincent, kanina pa siya hindi sumasabad sa aming pag-uusap. May binili na pala kaming pagkain bago kami tumuloy dito at nasa kotse iyon. Pinuntahan ko ang sasakyan, pagbukas ko ng pintuah ay naroon nga si Vincent at nakayupyop sa kandungan ni Gerald.

“Naabala ko ba kayo? Sige lang, ituloy ninyo?”

Ang puta, itinuloy nga ng walanghiya. Kinuha ko lang ang pagkain para pandagdag sa aming tanghalina. Sa isip-isip ko tuloy, kaya nagustuhan ni Mikel na mag-stay dito ay dahil sa kalayaan niyang manglalaki. Ang hindi pa niya alam ay ang una niyang karanasan ay heto, kumakain na rin ng hotdog. Hay susme!

“Busog ka na Vincent, hindi ka na siguro makakakain. Gerald, kakain na tayo.”

-----o0o-----

Habang kumakain kami, nagpaalam ako kay Nanay Sela na mag-stay kami ng isang gabi rito sa bahay niya, gusto ko pa kasing makausap si Mikel.

Okay lang sa akin, walang problema. Gusto ko nga na dito na si Mikel eh, napamahal na rin kasi sa akin ang batang iyan, Itinuring ko na siyang tunay na anak.

“Kuya, may magandang lagoon dito, pwede tayong pumasyal, ang linaw ng tubig at ang lamig. Gusto mo puntahan natin?” sabi ni Mikel.

“Sige, narito na lang eh di sulitin na hehehe. Nanay Sela, pwede po ba?” paalam ko sa matanda.

“Open naman iyan sa may gusto, basta lang ba iingatan ang madadaanan na pananim at huwag magkakalat,” wika nito.

“Gerald, sama ka ba?” tanong ni Mikel.

“Oo naman, matagal na rin kaya nung huli tayong naligo roon.” Sagot ni Gerald.

“Kayo, Dindo, Sendong, Oscar. Sama rin kayo,” aya ni Vincent

May gagawin pa raw sina Dindo at Oscar, pero si Sendong ay tumango at sasama raw.

Nagtungo muna kami ng bayan para makabili ng kakainin at iinumin. Para kaming may piknik.

-----o0o-----

Napakaganda nga ng sinasabing lagoon ni Mikel. Napakalinaw ng tubig. Ang ganda pa ng tanawin dahil halos nasa paanan ito ng bundok na tila virgin forest pa sa dami ng puno. Kahit tirik ang sikat ng araw ay halos hindi maramdaman dahil sa malilim sa lugar.

Lumusong na ako, napaatras akong bigla dahil napaka-lamig nga pala, napagtawanan tuloy ako ng kapatid ko.

“Sa umpisa lang parang napakalamig, kapag nakalublob ka na ay hindi mo na mararamdaman ang lamig, normal lang, sige na, lusong na,” aya ni Sendong.

“Oo nga kuya, ako nga na ang nipis-nipis ng katawan ay kinaya ko, ikaw pa. Tingnan mo si Vincent o, tila hindi nalalamigan,” sabi ni Mikel.

“Paanong malalamigan ay pumulupot na kay Gerald. Ang harot talaga,” wika ko.

“Kuya Zaldy, anong nangyari kay Vincent, bakit ganon yan, sumapi na ba sa pederasyon?” Tanong ni Mikel na may pagbibiro.

“Tila nga, hayaan mo nga siya.”

Ayaw ko talagang lumusong, sobrang lamig kasi. Nang mapalingon ako ay bigla na lang may humatak sa akin, si Sendong, tuloy ay napayakap ako sa kanya. Yung aming eksena ay napanood ko na sa isang chinese teleserye, yung eksenang matutumba at nasalo ng bidang lalaki, nagkatitigan at tila maghahalikan na.

Ang totoo, lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan ang aking sarili, may pagnanais ako na sana ay halikan ako. Grabe na ito. Hindi pwede, lalaki ako.

Kaagad ko namang nailayo ang katawan ko, medyo nahiya ako kay Mikel dahil sa iba ang tingin niya sa akin, parang ano, may tamang hinala. Hindi naman ako magpapaliwanag, wala naman akong dapat na ipaliwanag sa kanya

Tama nga si Mikel, hindi na malamig ang pakiramdam ko, normal lang na lamig at kayang-kaya. Nakipagharutan na ako sa kanila.

Mga isang oras din kaming lumangoy. Nakaramdam na ako ng gutom, inaya kong kainin na ang dala naming snacks. May baon kaming burger, barbe-Q, softdrinks at tinapay. Nagustuhan ko yung pan-de-coco na kinain namin kanina. Masarap na, mura pa hehehe.

Hindi pa agad na umahon sina Mikel, Gerald at Vincent, kami lang ni Sendong ang umahon at siya kong kakwetuhan ngayon.

Napagmasdan ko siya, Ang gwapo pala niya, matangkad at napakaganda ng pangangatawan. “Sendong, anong year mo na?”

“Graduating na ako this year Zaldy, sa senior high.”

“College ka na pala next school year, anong balak mong kunin at saan mo gustong mag-aral?’

“Kung papalarin, gusto kong sa Maynila mag-aral, gusto kong maging seaman. May pangako kasi sa akin si Tiya na papag-aaralin niya ako, hindi kasi ako kayang papag-aralin ng magulang ko, mahirap lang kami. Kaya nga tumutulong-tulong ako kay Tiya dito sa farm niya.”

“Alam mo, malapit lang sa amin ang school na nag-o-offer ng ganyang kurso, pwede kang sa amin tumuloy, kung gugustuhin mo. Tulong na rin, kasi hindi naman nagkait ng tulong ang tiya mo na tulungan ang kapatid ko. Tama ba ako na tiya mo si Nanay Sela?”

“Oo tiya ko siya, kapatid ng nanay ko.”

Habang nag-uusap kami ay hindi talaga maaalis ang tingin ko sa kay Sendong. Napakaamo ng kanyang mukha, dagdag pa ang kanyang dimples na lumalalim lalo kapag nangiti. Naku po… natural lang naman ang humanga sa lalaki, di ba? Hindi ibig sabihin ay bakla ako. Huwag naman, magiging dalawa na kami sa pamilya. Hindi pwede. Haay, kung ano-ano na ang naglalaro sa isipan ko dahil sa gwapong lalaking ito.

“Seryoso kayo ah Kuya, ano na ba ang napag-usapan ninyo?” so Mikel. Hindi ko napansin na umahon na pala ang tatlo.

“Ah wala lang, natanong lang ako ng kuya mo kung anong grade ko na,” sagot ni Sendong. “Kain na kayo, kumakain na kami.”

“Kayong dalawa, Gerald, Vincent… mag miryenda na rin kayo at makabalik na tayo. Vincent, ano na bang lagay, napasagot mo na ba?” biro ko. Medyo napangiti pa Gerald.

“Grabe ka naman Zaldy, selos ka ba? Me linaw hahaha, joke lang.”

Masayang-masaya kami, ako, iba ang kasiyahan ko, kasi ay nahanap na namin si Mikel, at may iba pang kasiyahan akong naramdaman, basta, mahirap ipaliwanag, basta masaya ako na nakilala, nakausap ko si Sendong.

Naglangoy pa kami sandali, pagsapit ng 4 ng hapon ay bumalik na kami sa farm.

-----o0o-----

Nagkaroon pa kami ng konting inuman pagkakain namin ng hapunan. Si Gerald ay dito na raw matutulog. Nag-text na raw sa kanila para magpaalam, pinayagan naman daw siya.

Mukha na ngang nagkaka-mabutihan ang dalawa ni Vincent at Gerald. Hindi ko talaga akalain, me ganon pala, Ewan!

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko, masaya ako kapag kausap ko si Sendong. Siya naman kasi ang tabi ng tabi sa akin, naguguluhan na tuloy ako.

“Mga pare, sandali lang ha, gusto ko lang makausap ng sarilinan ang kapatid ko, pwede ba? Doon muna kami sa loob ha!”

-----o0o-----

“Tungkol saan Kuya?’

“Talaga bang gusto mong dito na magtapos ng junior high?”

“Oo kuya, ang hirap naman na lilipat pa ako ay konting panahon na lang naman. Kuya, alam ba nina Mama ang paglalayas ko?”

“Hindi, hindi ko pinaalam, mag-aalala lang sila kapag nalaman ang paglalayas mo. Hirap na hirap nga akong magsinungaling. Kasi kapag tumatawag siya ay hinahanap ka. Kung ano-ano na lang ang idinadahilan ko, na nasa classmate mo at gumagawa ng project, basta kung ano-ano. Tinatawagan ka raw nila, pero hindi ka makontak.”

“Sorry Kuya, akala ko kasi ay hindi na talaga ninyo ako mahal. Nagtampo rin ako kina Mama, kasi parang hindi man lang din sila nag-aalala. Alam mo naman na sabi ko ay malalaman din nila na lumayas ako.”

“Naku, huwag mo ngang isipin iyon, alam mo naman ikaw ang paborito nila eh, lalo na si Papa, ikaw lang ang nakapagpapatawa sa kanya eh. Siya nga pala, baka umuwi ng christmas sina Papa. Paano iyan, ang sabi ay baka magtagal sila ng mahigit isang buwan dito. Anong idadahilan ko kapag dumating sila na wala ka dahil may pasok pa?”

“Problema nga ano? Ano sa palagay mo, sabihin ko na ang totoo? Mag-iisip ako ng sasabihin na hindi nila ikagagalit. Irerecord ko ang napag-usapan namin, isend ko sa iyo ang audio para malaman mo rin. Payag ka ba?”

“Sige kuya. Pero suggestion ko lang, huwag mong sabihin na naglayas ako ha, sabihin mo na nagtransfer lang ako dahil may iniiwasan ako.

“Bahala na, kung anong best na maisip ko, iyon ang idadahilan ko. Syanga pala, sino ang nagbibigay ng allowance mo. Naiwan ang ATM mo sa atin, saan ka kumukuha nang pang-baon?”

“Binibigyan ako ni Nanay Sela.”

“Hayaan mo, babalik kami next week para dalawin ka at maibigay ko na rin ang ATM mo, Ang damin mo nang ipon ah, hindi nababawasan hehehe, pautang naman,” pangako ko. “Bunso, sorry talaga ha. Patawarin mo ako ha, mali talaga ang ginawa ko.”

“Kuya naman eh, ilang beses ko na bang sasabihin na kinalimutan ko na iyon, ikumusta mo ako kina ate Liza at Kuya Edgar.”

“Oo, matutuwa ang maga iyon lalo na ang ate Liza mo. Tara na, balik na tayo sa grupo.”

-----o0o-----

Naubos na ang iniinom namin, nag-aya nang magsitulugan sina Sendong. Si Gerald at si Vincent ay doon na sa silid nina Dindo natulog, ako naman ay dito na sa kwarto nina Mikel.

Maliit lang ang kama, pero okay naman, kasya naman kami ni Mikel, mabuti na lang at hindi sumama si Jerry.

Nagkwentuhan pa kami ni Mikel nang kung ano-ano lang, karaniwan ay tungkol sa bahay, sa mga kapatid ko. Pati ang pinagbago ni Vincent ay nakwento ko rin. “Hindi ka ba nandiri, bading din pala ang nakauna sa iyo hehehe,” tanong ko, halos pabulong para hindi marinig ni Sendong na gising pa yata.”

“”Hindi naman kuya, wala lang sa akin iyon. Ginapang ka rin ba ni Vincent Kuya,” bulong din ni Mikel.

“Oo, pinagtulungan ako nilang dalawa ni Jerry, lasing lang ako kaya nangyari iyon,” anas ko pa rin.

“Hala, pati si Jerry? Wala na bang tunay? Ikaw kuya, baka naman…” hindi na niya naituloy, alam ko naman ang gusto niyang sabihin.

“Kung sakali ba, mandidiri ka ba sa akin?”

“Hindi kuya, ganon talaga. Ang problema lang ay baka hindi magka-apo sa atin sina Mama, hindi lalago ang lahi ni Papa hehehe. Sabagay, nariyan pa naman si Kuya Edgar. Tulog na tayo Kuya, antok na ako, bukas na lang uli tayo magkwentuhan.”

“Sige Mikel, goodnight!”

-----o0o-----

Nakatulog kaagad si Mikel, hindi naman ako dalawin ng antok. Hindi kasi mawala sa isipan ko si Sendong. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, ang laki ng atraksyon ko sa lalaking ito.

Pumihit ako ng higa, pagpihit ko ay nakatagilid din si Sendong paharap sa akin, mulat din ang mata, hindi pa nakakatulog.

“Hindi ka makatulog?” tanong ni Sendong.

“Oo eh, namamahay yata ako. Bakit gising ka pa rin,” sagot at balik kong tanong kay Sendong.

“Ewan ko ba, hindi naman ako ganito lalo na at naka-inom pa. Me gumugulo kasi sa aking isipan,” ani Sendong. “Halika, kwentuhan muna tayo,” aya niya.

-----o0o-----

Doon sa labas kung saan sila nag-inom nag-usap. Pero dahil maraming inekto at lamok, inaya na lang ni Zaldy doon sa kotse.

“Sendong, kumusta ang kapatid ko dito? Hindi ba matigas ang ulo?” tanong ko.

“Naku, napakabait ni Mikel, masipag pa. Saka matalino pala ang kapatid mo, palaging top 1 sa klase,” ang nasabi lang ni Sendong. “Ano nga pala ang course mo Zaldy?”

“Third Year year Engineering ako. Ikaw, di ba gusto mong maging seaman. Bakit iyon ang napili mo.”

“Marami kasing taga-rito ang seaman, at halos lahat ay gumamda ang buhay. Gusto ko sanang mabiigyan ng konting kaginhawahawan ang mga magulang ko at kapatid.”

“Eh di focus ka muna sa pag-aaral. Wala munang girlfriend-girlfriend. Me girlfriend ka na ba?’

“Wala, sadyang hindi ko iniisip na mag-GF sa ngayon,” sabi ni Sendong.

“Ahhh, akala ko iyon ang gumugulo sa isipan mo eh. Baka naman boyfriend? Hehehe, joke lang.”

Napatitig si Sendong kay Zaldy, titig na titig, tila hindi na kumukurap ang mga mata.

“O bakit ganyan ang tingin mo sa akin?”

“Ang totoo, ang tungkol nga sa boyfriend ang nagpapagulo sa isipan ko. Hindi ko nga maintindihan eh. Kasi, simula pa kanina doon sa lagoon, para bang masyado akong attracted sa iyo. Huwag mo isipin na bading ako, pero para kasing gusto na kita,” pag-amin ni Sendong.

Nawalan ako ng kibo. Ang totoo, ganun din ang naramdaman ko kanina. Kaya nga palagi na lang gusto kong magkadikit kami, magkausap. Ano bang nangyayari sa akin.

“Ha! Eh talaga ba?”

 

 

Itutuloy-----

 

 

 

4 (na) komento:

  1. Jusko, lahat na yata silang nageng bading, from top lahat nageng bottom lahat, walang natirang lalake na purong top.

    TumugonBurahin
  2. huwag po nyong gawing bottom si kuya zaldy

    TumugonBurahin
  3. ang sarap, next please

    TumugonBurahin

Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan

  Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan     Hi. Ako nga pala si Tristan, 27 years old, fair skin, medium built, 5’8″ ang t...