Sabado, Agosto 2, 2025

Sa Babuyan at Manukan (Part 22)

 


Sa Babuyan at Manukan (Part 22)

 

Zaldy’s POV

Lumabas ako nang bahay, pinanood ko si Mikel na winawalis ang mga laglag na tuyong dahon sa harapan.

Naupo ako sa gilid, medyo maalikabok sa harapan dahil nagwawalis nga si Mikel. Napatingin ako sa likuran ko, ito pala ang imbakan ng mga itlog, me konting siwang sa bintana, basag kasi ang isang piraso ng dyalosi kaya kita ang nasa loob kahit nakababa lahat ng dyalosi.

Nag-aayos ng mga itlog si Sendong sa tray. May sinasabi si Mang Kanor na kahit mahina at halos pabulong ay nadinig ko pa rin.

“Miss na kita Sendong, pwede bang magkita tayo mamaya?” sabi ni Mang Kanor.

“Hindi pwede, may gagawin akong assignment, uuwi ako bago dumilim,” tugon ni Sendong.

Nagtataka ako kung bakit gustong makipagkita ni Mang kanor kay Sendong.

“Pa kiss na lang,” pangungulit ni Mang Kanor na bigla na lang yumakap kay Sendong at tangkang halikan sa labi ito. Naitulak tuloy nito ang matanda.

“Mang Kanor, huwag naman, may ibang tao at baka makita tayo,” sabi ni Sendong. Saktong napadako ang tinigin nito sa may bintana, nagtama ang aming paningin. Kitang-kita sa reaksyon nito ang pagka-gulat.

Kahit ako ay nagulat sa ginawang iyon ni Mang Kanor. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ginawa iyon ng matanda. Kung walang takot na ginawa iyon, ibig sabihin ay may something sa kanila. Tumayo na ako at umalis sa lugar na iyon.

“Kuya, bakit nakasimangot ka?” nagtatakang tanong ni Mikel

Pero hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy akong pumasok sa silid.

-----o0o-----

 

Mikel’s POV

Ano bang problema nun? Bakit kaya sambakol ang mukha?

Pinuntahan ko kung saan galing si Kuya. Ang alam ko ay sa gilid lang naman tumambay dahil maalikabok nga naman.

Natuon ang paningin ko sa imbakan ng itlog. Hala, ano kayang nakita ni Kuya sa dalawang ito, baka naglandian ah. Grabe naman si Sendong, alam na may bisita eh lumandi pa. Pero, ano namang pakialam ni Kuya kung maglandian man sila?

Aba, mukhang me LQ ang dalawa ah, parang walang kibuan. At si Mang Kanor, parang maiiyak pa. Naku naman, nagbabata-bataan si Mang Kanor. Haay pag-ibig nga naman.

Tinapos ko na ang pagwawalis. Pumasok na ako at hinanap si Kuya. Nasa silid pala at nakahiga. “Kuya… okay ka lang?”

“Hah! Okay lang, bakit mo natanong.”

“Kasi… nang pumasok ka ay sambakol ang mukha mo, ano bang nakita mo at nagmamadali kang pumasok? May nakita ka bang hindi mo ma-take? Hahaha.”

“Anong ibig mong sabihin hindi ma-take?”

“Tungkol kay Mang Kanor at Sendong. Alam mo kuya, ewan ko kung may relasyon na sila, pero si Mang Kanor ay alam kong may gusto kay Sendong.”

“Ano, ang tanda-tanda na nun ah. Pinatulan ba ni Sendong?”

“Eh Kuya, mahirap lang si Sendong, gustong makatapos ng pag-aaral. Hinala ko lang ha, inassume ko lang na tinutulungan ni Mang Kanor si Sendong sa pinansyal. Kuya, may asawa si mang Kanor, malalaki na ang anak at parehong may-asawa, me apo na nga eh.”

“Mamamakla pala si Sendong.”

“Hindi naman Kuya, naunawaan ko naman siya. Gagraduate na siya this year at sa susunod na taon ay college na siya. Balita ko ay papag-aaralin siya ni Nanay Sela, pamangkin siya ni Nanay Sela. Yung tulong ni Mang Kanor eh pandagdag din naman sa gastusin. Naunawaan ko naman si Sendong”

“Hindi ba pwedeng tumulong na walang kapalit? Saka pwede namang magtrabaho ni Sendong, bakit niya gagamitin pa ang katawan?” may pagka suyang wika ni Kuya.

“Kuya, bakit apektado ka?”

“Hah! Bakit naman ako maapektohan?”

“Nasabi ko lang, kasi iba ang ikinikilos mo, parang may something.”

“Anong something?”

“Basta. Tama na nga iyan. Pupuntahan ko lang si Kuya Oscar, baka may maitulong ako kahit na pagpapatuka man lang ng manok,” paalam ko.

“Sandali, sama ako.”

-----o0o-----

“Ang dami palang alagang manok ni Nanay Sela ano, tapos may babuyan pa. Sinong nag-aalaga?” tanong ni Kuya.

“Dito sa manukan ay si Kuya Oscar, sa babuyan ay si Dindo. Dati si Sendong dito sa manukan, kaya lang ay pumapasok na. Napunta rito kapag Sabado hanggang Linggo at tumutulong kahit papano. Siya ang nagso-sort ng mga itlog na kinukuha ni Mang Kanor. Kuya Oscar, may maitutulong pa ba kami sa iyo?” sabi ko pagkakita ko sa kanya.

Napatuka ko na ang mga manok, nililinis ko na lang ang mgg kulungan, patapos na rin ako. Yung mga dumi ay ibibilad ko na lang mamaya pagkatapos ko dito.

Nagawi ba rito sina Vincent at Gerald?” usisa ko.

“Kanina narito, sila ang nakatulong kong magpatuka. Ang sabi ay titingnan din yung babuyan. Baka naroon pa.”

“Puntahan natin, bunso. Gusto ko ring makita ang babuyan,” aya ni Kuya Zaldy.

Tinungo na namin ang babuyan, naabutan namin na nagpapaligo ng baboy si Dindo at tuloy linis na rin ng mga banglat. Wala roon ang dalawa at ang sabi ni Dindo ay nasa kulungan ng mga baboy ramo.

“Talaga? May alagang baboy ramo?” may paghangang sambit ni Kuya Zaldy.

“Oo kuya, halika, puntahan natin nang makita mo,” sabi ko.

“Kuya, mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Tingnan mo at sweet na sweet,” sabi ni Mikel na ang tinutukoy ay sina Gerald at Vincent.

“Bakit? Selos ka?”

“Hala si Kuya. Kung may nangyari man sa amin ay dahil curious lang ako na makaranas ng sex. Crush ko lang siya dati, pero hindi ko siya love.”

“Hindi ka ba nandiri, dahil ang pinagpraktisan mo ay kumakain din ng burat hehehe.”

“Hindi naman kuya. Siguro ay love lang, pero tingin ko naman ay hindi pa bading si Vincent. Ibig bang sabihin ay bading din si Gerald?”

“Tingnan mo Mikel o, walang kahiya-hiya. Dito pa naghahalikan. Baka mamaya ay may luluhod na diyan, kadiri,” sabi ni Kuya. “Hoy, awat na, mahiya naman kayo,” sawata ni kuya, biro lang naman iyon.

Napakamot pa sa ulo si Gerald na wari’y nahihiya.

“Kuya Zaldy, pasensya na, eh sinasamo-samo ko lang habang hindi ba kayo umuuwi.”

“Babalik naman ako next week. Pero hindi ko na isasama yang si Vincent,” sabi ni kuya na nagbibiro.

“Ganyan ka ha, komo’t natagpuan mo na ang hinahanap mo at hindi mo na ako kailangan, gaganyanin mo na ako,” tila may tampong wika ni Vincent.

“Tamporista. Kiss mo na nga Gerald.”

Kiniss naman ni Gerald sa labi. “Yung may dila.”

“Kuya… grabe ka.”

Uto-uto naman, naghalikan nga na may dila hehehe.

-----o0o-----

Zaldy’s POV

“Zaldy, pwede bang makausap ka sandali,” – si Sendong, may paawa effect pa ang pagkakabigkas.

“Ano naman ang pag-uusapan natin?”

Hinatak niya ako, doon sa may manukan, doon sa bandang dulo. May kubo pala roon. Pinaupo niya ako sa bench na kawayan doon.

“Yung nakita mo kanina, wala lang iyon. May gusto sa akin ang matandang iyon, at wala akong gusto sa kanya. Me dahilan ako.”

“At bakit ka naman nagpapaliwanag? Ano bang pakialam ko sa iyo. Kahit na ano pang gawin mo, kahit pa ibenta mo yang katawan mo, wala akong pakialam, buhay mo iyan,” sabi ko.

“Ang sama naman nang pagkakilala mo sa akin. Hindi ako callboy. Nagkataong mahirap lang kami. Ganon siguro talaga kapag mahirap. Sorry na. Hindi mo siguro ako mauunawaan. Pasensya ka na. Sige na, iwan mo na ako dito.”

Mukhang nakakaawa naman itong lalaking ito, eh maawain pa naman ako sa ganon na tila iiyak.

“Pangako, iiwasan ko na siya. Pagsasabihan ko na layuan na ako dahil may mahal na ako. Please, sorry na,” pagmamakaawa ni Sendong.

“Ewan ko sa iyo,” ang nasabi ko lang sabay talikod. Pero nahawakan niya ako sa braso at nahatak. Napayakap tuloy ako at nagdikit pa ang aming labi. Tuluyan na niya akong nahalikan sa labi.

Nagtataka naman ako kung bakit hindi ako makatanggi, konting lambing, konting halik, hayun bibigay ako. Kakikilala lang namin, pero ganito na ang damdamin ko sa kanya. Nakipaglaplapan na tuloy ako.

“Sorry na please. Please… sabihin mong pinatatawad mo na ako.”

“Oo na, oo na, matigil ka na lang. Mangako ka, kung kailangan mo ng panggastos, sabihin mo sa akin, padadalhan kita sa gcash. Huwag mo nang gamitin iyang burat mo para… ah leche.”

Hindi ko talaga masabi ang gusto kong sabihin, baka lalong masaktan.

Nagkasundo naman kami. Nangako siya na iiwasan na si Mang Kanor. Napag-usapan din namin na pagtuntong niya sa kolehiyo ay sa bahay na tumuloy dahil sa malapit lang naman sa aming ang kolehiyo na may kurso para sa gustong mag-seaman.

“Bago magpasko ay uuwi raw sina Mama at papa para dito sa Pinas magpasko. Ipagtatapat ko ang tungkol kay Mikel, mauunawana naman niya kami siguro. Sasabihin ko na dito ka muna tutuloy sa pag-aaral mo sa college, bilang ganti sa pagkupkop naman ng tiya mo kay Mikel. Pwede ka ring magtrabaho, pwede kang pumasok sa mga restuaurant tulad ng jollibee na tumatanggap ng working student,” sabi ko.

“Mamaya na ba ang alis ninyo?” tanong ni Sendong.

“Oo babalik naman ako next week, dadalhin ko ang ATM card ni Mikel, nakakahiya na kay Nanay Sela na siya pang nagbibigay ng allowance sa kapatid ko.”

“Mangako ka ha, ako lang ang mamahalin mo. Nangangako naman ako na wala na akong papatulan kahit sino kahit babae pa,” pangako ni Sendong.

Nagpalinga-linga pa muna siya sa paligid, akala ko tuloy ay may kung anong tinatanaw, kaya pala ay hahalikan lang uli ako sa labi. Nakipaghalikan naman ako. Ewan ko ba kung ano na ang nangyari sa akin.

-----o0o-----

“Hoy, kayong dalawa, baka langgamin na kayo niyan,” sabi ko sa dalawa ni Vincent at Gerald. “Akala ko ba ay ihahatid mo muna siya sa kanila?” Tanong ko.

“Hindi na muna. Sasabay na lang daw sa ating pag-balik ng Manila. Madadaanan daw naman natin ang kanila,” tugon ni Vincent.

Nag-stay pa kami hanggang 3PM. Malungkot akong nagpaalam kay Mikel, pero mas parang nalungkot ako pagkakita ko kay Sendong na tila maiiyak pa.

“Mag-ingat kayo sa biyahe ha. Balik kayo dito kahit anong araw, welcome na welcome kayo rito.”

-----o0o-----

Mikel’s POV

Magdaraos ng Christmas program ang aming paaralan, isa ako na naatasan na mamahala sa pag-aayos at pag-gagayak sa stage, katuwang ko si Jeffrey at ang iba ko pang mga kaibigan at kaklase. Kanya-kanya kaming assignment para mapadali. Sina Juno at Reno ang bahala sa pagkakabit ng sound system at kami naman ni Jeffrey sa mga gayak, pailaw at sina Nida at iba pa ay sa mga kakainin dahil pagkatapos daw ng palabas ay party naman ng mga guro. Isinali na kaming mga namahala sa palabas. Balita ko ay may pa-raffle, mga regalo na buhat sa parents ng estudyante na may mga kaya at sa aming mayor.

Si Gerald nga pala at kanyang mga alalay na sina Toby at Lenon ang siyang nagsolicit ng mga ipara-raffle.

Sa ilang araw na pagsasama namin ni Jeffrey, ay nagkakilanlan kami ng ugali, hindi naman daw siya galit sa akin, gusto nga raw akong maging kaibigan, kaya lang ay ginagawan kami nang isyu para hindi magkalapit. Pinaglalaban kasi kami. Aminado daw naman siya na mas magaling ako. Kinausap na nga daw niya ang aming adviser na unfair daw para sa akin na hindi makuha ang pinakamataas na honor dahil lang sa hindi siya nagsimula sa aming paaralan ngayon.

Sinabi ko naman na tama lang iyon, wala naman sa akin ang honor, kahit na wala ay okay lang sa akin.

Dahil doon ay nging close na kami. Noon ko rin napagmasdan na magandang lalaki din pala si Jeffrey.

Maayos naman na naisagawa ang programa, tagumpay na masasabi maliban na lang sa konting aberya ng sound system. Kaagad naman nasolusyunan ang konting problema.

“Ala-sais na nang gabi nagsimula ang party ng mga titser, isang masarap at masaganang salo-salo ang pinagsaluhan nila kasama na kami na punong abala sa programa. May konti ring palabas ang mga guro, may nagsayaw na parang sa tiktok dance, may kumanta at syempre ang raffle. Lahat naman ng guro ay may foodpack mula sa aming mayor.

May nag-uwi ng kung ano-anong pa-premyo at ang first frize ay nabunot ni Mr Rosales, isang smart TV.

Alas nuwebe na natapos ang party, may mga naghihintay namang mga sasakyan para sa mga guro na malalayo ang bahay.

“Sabay na tayong umuwi Mikel,” aya sa akin ni Reno.

“Ay, kina Jeffrey ako matutulog ngayon, gusto niya kasing magbonding kami, kaming dalawa lang. Gusto ko rin naman na magkasundo kami ng husto. Baka pwedeng pakidaan na rin ito sa bahay, nakapagbalot kasi ako ng konting natirang handa para kay Nanay Sela at kina Dindo na rin,” paklusap ko.

“Walang problema. Ako rin naman, nakapagbalot din hehehe. Ang dami naman kasing handa.

-----o0o-----

First time kong makapunta sa bahay nina Jeffrey. Maganda pala ang bahay nila, medyo may kaya pala sila. May aircon nga ang kwarto niya eh.

Mabait naman ang parents ni Jeffrey, panay nga ang papuri sa akin. Naikukuwento na pala ako ni Jeffrey sa Mama niya, hindi bilang kaaway kundi ka kompitensya lang sa mga academics. at sinabing magkaibigan kami.

Wala naman talaga kaming away, nagkahiyaan lang dahil sa mga kung ano-anong naririnig namin sa iba na fake news naman pala. Ang ganda nga ng pakilala niya sa akin sa kanyang mga magulang.

“Tara na, nang makapahinga na tayo, nakapapagod din ang mag-aikaso ng ganon ano?” wika ni Jeffrey.

“Tunay ka, nakaka stress din nga lalo na at medyo me pasaway tayong kasama hehehe. Hindi bale, wala naman na tayong pasok bukas, pwede tayong tanghaliin ng gising.

Nahiga na kami, malaki naman ang kama ni Jeffrey, maluwag na maluwag pa nga kaming dalawa. Habang nakahiga ay nagkukuwentuhan pa rin kami. May isa siyang tanong na ikinagulat ko.

“Mikel, nagka-boyfriend ka na ba?”

“Hah! Hindi pa. Bakit mo naitanong?”

“Kasi, akala ko ay kayo ni Daryl, sobrang close ninyo nung una, tapos naging close mo rin si Gerald, at parang ang sweet-sweet ninyong tingnan kung minsan, hindi ba naging kayo?”

“Hindi no, kaibigan lang kami. Hindi nga ba, ay nabu-bully pa ako noon ni Gerald, pero minsan nagkasama kami sa isa ring project, parang tayo, nagkasundo kami, mabait naman pala. Ikaw nga, akala ko ay galit ka sa akin at hindi ka papayag na magkasama tayo, pero nagkamali ako. Tapos ang bait-bait mo pala at hindi mo ako siniraan sa parents mo.”

Tingin ko ay parang nagliwanag ang mukha ni Jeffrey, tila ang mata ay ngumiti, may saya.

“Bakit ko naman gagawin, iyon, wala ka naman ginawang ikagagalit ko. Matagal na naman talaga kitang gustong maging kaibigan eh, nahiya lang akong lumapit sa iyo, alam mo na, me mga matatabil na dila din tayong kaklase hehehe.”

“Tama ka Jeffrey, mabuti nga at marami na akong naging kaibigan dito, alam mo, transfer lang ako dito. Si Reno, si Juno, at iba pa ay mga kaibigan ko na rin.”

“Eh maiba ako Mikel, aminado kang isang alam mo na, bading. Huwag ka naman sanang ma-offend ha. Pwede ba kitang tanungin ng medyo… huwag na lang,” ang tila nahiyang wika ni Jeffrey, hindi na itinuloy ang gustong itanong, nagkuli na.

“Ano iyon, sige lang, tanong ka lang, tayo lang naman dito eh. Kahit ano, kahit personal, kahit na kabastusan pa o kahalayan,” giit ko sa kanya.

“Okay lang ba talaga? Mikel, may experience ka na ba sa sex?”

 

Itutuloy…..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan

  Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan     Hi. Ako nga pala si Tristan, 27 years old, fair skin, medium built, 5’8″ ang t...