Linggo, Pebrero 6, 2022

Ang Binata sa Bintana – Part 3 of 3 Parts

 

Ang Binata sa Bintana – Part 3 of 3 Parts



Doon na sa silid ni Renan nakatulog si Benj, nakaakap pa ito sa binata.

Nagising siya na wala na sa higaan si Renan. Nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng silid. Agad na hinanap si Renan.

Bunso! Bunso! Nasaan ka. Hinanap niya sa buong bahay ang binata subalit walang Renan na nakita.

Napaupo si Benj sa sofa, nanlumo, sinisi na naman ang sarili dahil hindi siya agad nagising. Napaiyak na naman ito dahil hindi niya nabantayan mabuti ang binata. “Bunso, bunso. Bakit nangyayari sa atin ito. Mahal na mahal kita, alam mo ‘yun. Magpapaliwanag naman ako kung bakit ako nawala pero bakit sobrang ilap mo. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Bakit umalis ka na naman. Saan ka ba nagpupupunta bunso.” Malakas na sabi ni Benj sa sarili habang patuloy na umiiyak.

May nagbukas ng pinto sa harapan at pumasok si Renan, may dalang supot na plastic. Agad na napatakbo si Benj at niyakap si Renan.

Akala ko umalis ka na naman eh. Hinanap kita sa kabahayan at hindi kita makita. Tinakot mo na naman ako.” Wika ni Benj na parang bata na ngumunguynguy.

OA mo. Bumili lang ako ng pang-almusal diyan sa tabing tindahan, nagkwento pa kaya ako natagalan. O lutuin mo ng may makain tayo.” Utos nito kay Benj.

Itlog lang naman at noodles kaya sandali lang naman itong naluto. Ininit na lang niya sa toaster ang ban.

Bunso, kain na tayo.” Malambing niyang tawag kay Renan.

Pagkakain ay pwede mo na akong iwan. Makakaalis ka na.” saka tumayo at nagpunta ng silid. Pagbalik ay hubad na ang pangtaas at may nakasabit na twalya sa balikat.

Sabay ba tayong maligo.” Wika ni Benj. Hinayaan na lang siya nito.

Ako na ang magsasabon sa iyo” wika ni Benj sabay kuha sa sabon na hawak ni Renan. Buong katawan ay sinabon na mabuti ni Benj, maging ang burat, bayag at butas nito ay hindi niya nalimutan pasadahan ng sabon. Nagtaka siya kung bakit hindi man lang ito tinigasan gayong dati rati ay madampian lang ng kanyang kamay ay agad na tirik ang kanyang saging samangtalang siya ay tigas na tigas na.

Bakit malambot pa rin. Baka malugi ako sa iyo kung hindi ito titigas? Biro niya sa dating nobyo.

Hindi talaga titigas iyan, kasi kinasusuklaman niyan ang may hawak.” Mariing sagot naman ni Renan.

Hindi na lang sumagot pa si Benj. Pinagpatuloy na lang niya ang pagbanlaw sa binata at gayon din sa sarili.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na si Renan. Nanghiram naman muna si Benj ng bihisan niya.

Saan naman ang punta mo at bihis na bihis ka na.”

Ano ba sa palagay mo? Syempre raraket. Kelangang mabuhay.”

Mag-usap muna tayo. Hindi kita palalabasin hanggat hindi mo ako pinakikinggan.”

Ano pa ba ang paguusapan natin. Matagal na tayong tapos, matagal mo na akong inabandona. Tanggap ko na.”

Pwede ba, pakinggan mo muna ang paliwanag ko, please!”

Pakinggan ko man o hindi, ano pa bang saysay, dahil noon pa man ay tinapos ko na ano mang naguugnay sa atin at hindi na mababago pa iyon ng kung anong kasinungalingan mo, Pwede ba paraanin mo ako!”

Hindi ka aalis!” Hinarangan nito ang pinto, desididong hindi palabasin ang dating nobyo.

Ah ganon ha! Um.” Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Benj, bumagsak ito sa sahig, dumudugo ang ilong. Natigilan si Renan, gustong lapitan ang binata ngunit tinalo ng pride.

Sige saktan mo pa ako, patayin mo pero hinding hindi ka makalalabas dito. Gusto ko lang naman madinig mo ang side ko. Kung hindi mo paniwalaan, okay lang. Ang mahalaga ay nasabi ko sa iyo ang tunay na dahilan. Pagkatapos noon, aalis na ako, pwede mo nang gawin ang gusto mo, pero hindi nangangahulugan na pababayaan na kita ng tuluyan. Susubaybayan kita, susundan kita kahit saan ka magpunta.”

Bahala ka. Sige, magpaliwanag ka, makikinig ako. Pero gamutin ko muna yang sugat mo, dumudugo eh.” Pumasok ng silid si Renan upang kumuha ng gamot. Napangiti si Benj, masayang ngiti.

---------------o0o---------------

Hindi ko alam na friends pala kayo ni Matt sa FB. Yung mga picture na naka post ay matagal na, kuha yun noong kami pa, maliban sa isang picture kung saan ay alam mo na. Hindi ko alam na napicturan niya habang ginagawa namin iyon. Pinagbigyan ko lang ang hiling niya at sabi ay last na namin. Naawa ako kaya pumayag ko.”

Yung CP ko ay nawala, nalaglag kung saan at hindi ko namalayan. Hindi ko naman matandaan ang number mo. Bago pa iyon ay nahack naman ang FB account ko at kung ano ano ang lumalabas kaya dineactivate ko na at hindi na ako gumawa pa ng bago.”

Siniraan ako ni Matt sa parents ko. Nagsumbong siya na may bago akong karelasyon na lalaki rin. Galit na galit sa akin ang magulang ko, pinaamin ako kung sino, pero hindi ko sinabi na ikaw iyon Bunso. Pagkaraan ng isang lingo ay sapilitan akong isinama sa America ng magulang ko. Nagtrabaho ako doon para makaipon at makauwi dito sa Pilipinas ng hindi nila alam. Patuloy pa rin ang aking dating trabaho na online transcriptionist.”

Sa kagustuhan kong makaipon agad ay nagtrabaho ako araw at gabi. Gusto ko nang umuwi sa iyo, alam kong nagaalala ka na sa akin. Pinanghawakan ko na lang ang pangako mo na hihintayin mo ako kahit na anong mangyari.”


“Regular din akong nag-tatransfer ng pera sa joint account natin, kaya alam ko na malaki-laki na rin ang ipon natin. Nang alam kong sapat na ang naipon ko para makauwi at makapagtayo kahit maliit na negosyo ay palihim akong umuwi dito. Nag-iwan na lang ako ng sulat sa kanila.”

Agad ako dito tumuloy dahil sabik na akong makita ka, pero hindi kita nadatnan dito. Ang masaklap pa ay hindi maganda ang nadatnan ko. Hindi ko alam ang pinagdaanan ng pamilya mo, ang nangyari sa iyo.”

Hinanap kita. Araw araw ay inaabangan ko ang paguwi mo, lagi ako nakaupo sa bintana para agad kitang makita, pero walang bunso na umuwi. Pinuntahan ko mga kaibigan mo na kilala ko, nagtanong, pero wala silang masabi. Isang kaibigan mo ang nagbigay ng number mo, agad kong tinawagan pero walang sagot. Nagtext din ako pero walang reply. Hanggang dalihin ako ng mga paa ko kung saan una mo akong sinagot, at doon kita natagpuan, lasing na lasing.”

Nakabibinging katahimikan ang sumunod. Si Benj ang bumasag sa katahimikang iyon. Lumapit siya sa katipan, hinawakan ang dalawang kamay at saka hinagkan. “Magsimula tayong muli, kalimutan na natin ang nakaraan. Magpanibagong buhay tayo.”

Ano pa ang sisimulan kung matagal ng natapos. Nagwakas na ang ating kwento. Marumi na ako. Ano pang ipagmamalaki ko sa iyo. Wala na akong dangal. Dito na lang ako.”

Niyakap nito ang katipan. “Hindi, hindi kita iiwan. Lalagyan natin ng part 2 ang ating kwento. Kapag nagwakas ang isang kwento ay pwede ring magkaroon ng karugtong, ng kasunod na kabanata, mas maganda kesa sa una. Gawing nating isang serye, yung walang katapusan magpasakabilang buhay. Pangako, pipilitin kong maging makulay ang ating kasaysayan, pagtulungan natin. Tapos na ang drama, nalagpasan natin, gawin nating action, comedy o fantasy, kahit ano basta palaging masaya

Nag cross ang mga kanilang mga bisig. Hinalikan niya ang nobyo, madamdamin, may pagmamahal, may pananabik. Tinugon naman nito ang halik ng minamahal, ang binata sa bintana, mainit nag-aapoy.

---------------o0o---------------

Makaran ang sampung taon ay masayang masayang nagdiriwang ng ika limang taong kaarawan ang kanilang dalawang anak na lalake, si John at si Roy.

Sinwerte sila sa negosyo, yumaman.

Natupad din ang pangarap ni Renan na makatulong sa mga katutubo sa malayong lugar sa pamamagitan ng pagpapatayo ng paaralan malapit mismo sa tirahan ng mga katutubo. Nakapagpagawa rin sila ng Ospital sa pakikipagtulungan sa gobyerno.

Dahil may kakayahan na silang gumastos ay nakahanap sila ng magluluwal ng kanilang anak. Sila sina John at Roy na nagdiriwang nag kaarawan ngayon.

 

Wakas

 

Baka pwede mag comment lang kung may improvement na ang aking pagsusulat ng kwento.  Kahit ano, maganda o pangit basta may lugar sa aking improvement.

 

Thank You po.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tiyo Lando (Part 1/4) By: Adrian

  Tiyo Lando (Part 1/4) By: Adrian   Nasa 4th year high school ako nang pansamantalang nakitira ang aking Tiyo Lando sa bahay. Hiwalay...