Kerido (Part 1)
“Waaaahhh
waaahhh.” Palahaw na iyak ng isang batang babae na nasa apat na taong gulang
kalong ng isang tabaing babae. Inaabot
ang kamay ng isang batang lalaki na basang basa sa luha ang pisngi.
“Paalam,
balang araw ay magkikita rin tayo.” Wika ng batang lalaki saka kumaripas ng
takbo, walang lingon likod, tuloy ang tulo ng luha.
Biglang
bangon sa higaan si Kristoff, nanaginip na naman ang binata. Bumangon siya para uminom dahil nakaramdam ng
panunuyo ng lalamunan.
Simula
ng siya ay bata pa, mag-pasa hanggang ngayon ay palaging iyon ang kanyang
napapanaginipan.
Muli
siyang nahiga para ipagpatuloy ang naabalang pagtulog, subalit hindi na siya
kaagad dalawin ng antok. Naala ala niya
ang tagpong iyon sa kanyang panaginip.
Flashback
Isang
mabait at masuiring bata itong si Kristoff.
Bagamat may pagka malamya ay hindi naman naging issue sa mga magulang
niya ang pagiging binabae nito, tuwa pa nga sila dahil sa nakakatulong ito sa
gawaing bahay at pag-aalaga sa bunso nitong kapatid na si Ana na noo’y apat na
taong gulang pa lamang. Pitong taon
naman si Kristoff at nasa ikalawang baytang na sa paaralan.
Isang
tindera ng gulay sa palengke ang nanay ni Kritoff samantalang kargador naman sa
palengke ring iyon ang kanyang tatay.
Mababait at masipag ang mga magulang nila at mahal na mahal sila ng
kanilang mga magulang.
Kasakasama
si Ana sa palengke ng kanyang Nanay at Tatay kapag may pasok sa eskwelahan si
Kristoff at sa paguwi naman nito galing eskwelahan bandang tanghali ay dadaan
ito sa palengke para kunin ang kapatid para siya naman ang magbantay.
Madaling
araw pa ay gising na ang mag-asawa, nagluluto na ng almusal at ihinahanda na
rin ang babaunin ni Kristoff sa pagpasok nito.
Natutulog pa ang kanilang panganay ay aalis na sila, kalong ang natutulog
pa ring si Ana, papunta na ng palengke.
Sa
hapon naman ay masaya silang magkakasama, tulong tulong sa gawaing bahay. Oras din iyon para tulungan si Kristoff sa
kanyang assignement, kung meron. Sa gabi
naman ay sama sama sa panonood sa isang maliit na TV ang pamilya. Larawan ng isang masaya at kontentong pamilya
ang mag-anak kahit na salat sa karangyaan.
Hindi man sila mayaman ay hindi naman sila hikahos dahil na rin sa
kanilang kasipagan.
Subalit
isang hindi inaasahang trahedya ang dumating sa pamilya. Kasalukuyang nagkakarga ang ama ni Kristoff ng
biniling panindang gulay sa padyak nito ng araruhin ng isang rumaragasang trak
ang kanilang padyak kung saan nakasakay na rin ang kanilang ina. Nawalan daw ng preno ang ng trak kaya hindi
na rin nakayang kontrolin. Hindi na
nadala pa sa ospital ang mag-asawa dahil dineklara na silang dead on the spot.
Hindi
malaman ni Kristoff kung ano ang gagawin ng makarating sa kanya ang balita.
Iyak lang ito ng iyak habang karga ang nakababatang kapatid. Ano nga naman ang kayang gawin ng isang
musmos sa ganoong sitwasyon.
Maayos
naman nailibing ang mag-asawa sa tulong na rin ng mga kapitbahay, ng barangay
at ng pamahalaang bayan. Ang problema
naman ngayon ay kung paano sila mabubuhay na magkapatid.
Wala
silang nakilalang kamag-anak dito sa Manila.
Ang alam lang ng batang si Kristoff ay galing sa malayong probinsya ang
kanilang mga magulang at bukod doon ay wala na siyang ibang alam pa dahil wala
naman naikukuwento sa kanya ang magulang.
Noon
mga unang araw ay may nagbibigay pa sa kanila ng konting tulong pagkain pero sa
pagdaang ng mga araw ay unti unti na rin sigurong nagsawa ang mga
kapitbahay. Nahinto sa pag-aaral si
Kristoff at natutong maghanap ng ikabubuhay.
Nagpagala gala sa karsada, sa palengke, sa simbahan at kung saan saan pa
para manghingi ng konting barya o pagkain karga ang kapatid na maliit. Marami naman nagbibigay ng limos, marami rin
namang kinkukutya pa dahil sa baka daw pakawala ng isang sindikato.
Mahirap
man ay pilit niyang kinakaya. Dinadaan
na lang niya sa pag-iyak ang hirap na nararanasan. Pagdating ng hapon ay pagod na pagod na siya
sa kalalakad para manglimos lalo na at may karga pa siyang bata.
Awang
awa siya sa kapatid na palaging umiiyak at hinahanap ang kanyang Nanay. Paano ba niya ipapawanag sa isang paslit ang
mga nangyari gayong maging siya ay hindi rin niya maunawaan kung bakit wala na
ang mga magulang.
Hirap
na hirap ang kanyang kalooban, wala naman siyang magawa, hindi malaman kung
paano aaluin ang walang tigil sa pagiyak na kapatid.
Sa
murang edad ay kung ano ano na ang naiisip ni Kristoff para sa kanilang
magkapatid tulad ng kung saan ssila kukuha ng kakainin sa araw araw, kung saan
kukuha ng gastusin sakaling sila ay magkasakit, kung paano ang kanilang
pag-aaral, ang kinabukasan at kung ano ano pa.
Napahiga na lang siya na yakap ang tuhod at patuloy na umaagos ang luha.
-----o0o-----
Sa
araw araw ay laman sila ng karsada, nagbabakasakali na may maawa at magbigay ng
makakain, bilad sa init, sagap ang alikabok at maitim na usok buhat sa mga sasakyan. Pagod na pagod na siya sa araw na iyon, gutom
at uhaw na uhaw pa. Hindi naman siya makabili ng pagkain dahil hindi pa kakasya
ang konting baryang kanilang napaglimosan.
Patawid
na sila sa kabilang panig ng daan ng hindi niya mapansin ang isang paparating
na sasakyan. Huli na ng kanyang makita
at siya ay natumba.
Mabilis
namang nakababa ang driver ng kotse at ang pasahero nitong isang babae na may
katabaan. Mabuti na lang at hindi naman
pala sila nabundol o nasagasaan dahil naging maagap sa pagpreno ang
driver. Nagulat lang si Kristoff kaya
natumba.
“Nasaktan
ka ba? Baka may sugat ka at dadalhin ka
namin sa pagamutan.” Ang sabi ng matabang babae.
“Wala
po, hindi po naman kami nasaktan.
Pasensya na po sa inyo at bigla ang aking pagtawid. Sorry po.” Ang nakatungong wika ni Kristoff
habang hawak sa kamay ang umiiyak na namang kapatid na si Ana.
“Saan
ba ang punta ninyo?” tanong naman ng driver na asawa ng matabang babae.
“Wala
po kaming tiyak na patutunguhan, nanghihingi lang po kami ng limos.”
“Ang
mga magulang mo, nasaan sila at bakit hinahayaan kayo dito sa karsada na
mag-isa.” Tanong ng babae.
“Wala
na po kaming magulang, namatay po, nasagasaan ng trak.” Rason ni Kristoff.
“Diyos
ko! Wala ba kayong kamag-anak para sila
muna ang kumupkop sa inyo?”
“Wala
po kaming nakilalang kamag-anak. Dayo
lang po daw dito sa Manila ang mga magulang namin.”
“Gusto
ba ninyong sumama sa amin? Doon muna
kayo sa amin titira kung gusto ninyo.” Tanong ng babae. Hindi pa nakasasagot si Kristoff ay tinawag
naman ng asawa ang babae, may pinagusapan.
Matagal
tagal din silang nagusap muna at sa higing ni Kristoff ay nagtatalo ang
mag-asawa kung sila ay isasama para ampunin.
Nadinig pa niya ang sinabi ng lalaki sa babae na kung isasama ay yung
batang babae na lang daw at ayaw nito sa isang bakla.
“Ahh,
ano ngang pangalan mo?” tanong ng babae.
“Kristoff
po at ito naman po si Ana. Ocampo po ang
apelyido namain.” Tugon naman ni Kristoff.
“Kristoff,
alam mo na gusto namin kayong isama pareho, kaya lang ay baka kami mahirapan
kung dalawa kayo na titira sa bahay.
Kung papayag ka ay si Ana na lang ang aming isasama, yan eh kung gusto
mo lang.
Nakatitig
lang si Kristoff sa babae, gayon din sa asawa nito. Tinitimbang mabuti ang nais na mangyari ng
babae. Nadinig naman niya ang tunay na
dahilan kung bakit ang kapatid lang niya ang ibig na isama, dahil sa isa siyang
bading.
“Huwag
kang mag-alala Kristoff, aalagaan naming mabuti ang kapatid mo, ibibili namin
siya ng mga laruan, damit at kung ano ano pa.
Papag-aaralin din namin siya.
Kung kaya lang namin talaga na magdagdag ng dalawa sa aming pamilya ay
sana pati ikaw na para magkasama pa rin kayo. Ibigay mo sa akin kung saan ka
nauwi, at kung makaluwag na kami ay pupuntahan ka namin para kunin ka na rin at
makasama mo na ang kapatid mo.”
Hindi
pa rin makapag pasya si Kristoff. Naisip
na malaking kaginhawahan para sa kanya kung solo na lang siyang maghahanap
buhay, wala na siyang iintindihin pa kundi sarili na lang niya, mapapabuti pa
ang kalagayan ng kapatid at baka makapagpatuloy din siya sa pag-aaral. Nagpasya na siya.
“Pumapayag
na po ako, basta ipangako ninyo na hindi ninyo siya pababayaan.” Ang
humihikbing wika ni Kristoff. Inabot na
niya ang kapatid sa babae. Ayaw sumama
ni Ana at pumalahaw ng iyak, Pilit na
kumakawala sa pagkaka-kalong ng babae.
“Sa
kanila ka na muna Ana, pangako, dadalawin kita at kukunin din kapag kaya ko
nang buhayin ka. Maging mabait ka rin
sana sa kanila Ana, tulad kay Nanay.
Huwag ka nang umiyak pa huhuhuhu.” Pagpapaalam ni Kristoff na ewan lang
kung naiintidihan at matatandaan ang bilin na iyon ng nagiisang kapatid.
Walang
tigil sa pag-iyak si Ana. Dumukot naman
ng pera sa kanyang wallet ang babae at iniaabot kay Kristoff.
“Para
saan po yang perang iya?”
“Para
may pansamantala kang pang-gastos.”
“Hindi
na po, may natitira pa po akong pera, gamitin na lang po ninyo para sa kapatid
ko.” Pagkasabi niyon ay tumakbo na
papalayo si Kristoff, hindi man lang naitanong ang pangalan ng babae at hindi
na rin niya naibigay ang address ng tinitirhan niya. Pagdating sa isang kanto ay huminto siya at
pasilip silip sa sasakyan ng babae.
Naiiyak siya dahil parang binibili ng babae ang kanyang kapatid. Hindi niya tinanggap ang pera sa kadahilanang
umaasa pa rin siya na magkikita pa silang magkapatid balang araw.
Naawa
man ang babae ay wala siyang nagawa, ayaw ng kanyang asawa sa isang binabae at
kailangan niyang sundin iyon. Sumakay na
sila sa kanilang kotse at umalis na rin.
Paglagpas
ng sasakyang ng babae ay sumigaw pa si Kristoff. “Paalam Ana, mahal na mahal ka ng kuya,
pakatandaan mo iyan. Magkikita pa rin
tayo, hahanapin kita pag laki ko Ana huhuhuhu.”
Napaupo na siya sa bangketa, pinagtinginan tuloy siya ng mga nagdaraang
tao.
Minabuti
niyang umuwi na muna, parang pagod na pagod siya at hindi na kaya ang sarili
para mamalimos pa.
Simula
iyon ng madalas na niyang mapanaginipan ang paghihiwalay nila ng magkapatid.
-----o0o-----
Present time
“Sir
Ocampo, pinatatawag po kayo ni Sir Reyes.” Wika ng sekretarya ni Mr. Reyes sa
kanyang telepono.
Sa
isang garment factory nagtatrabaho si Kristoff, bilang isang manager, bale
assistant na siya ng presedent na si Mr. Reyes.
Nagmamadaling
tinungo ni Kristoff ang opisina ng kanilang boss. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok.
“Sir,
magandang umaga po, pinatawag nyo po raw ako.” Malumanay na wika ni Kirstoff.
“Halika,
maupo ka. Kumusta ang production natin,
aabot ba tayo sa target date na mai-export natin ang order sa Canada?”
“Yes
Sir. Actually po ay halos tapos na, may ilang lang ni reject ang QC at kailangang
mapalitan iyon, hindi naman po masyadong marami. Hinahanda na rin namin ang mga dokumento.”
“Ah
good. Ipadala mo sa akin ang buong
report ha, kelangan ko munang ma review.”
“Yes
Sir, baka po sa susunod na dalawang araw.
Hinihintay ko pa po rin ang report ng ating supervisor. Yun lang po ba
Sir.”
“Kumusta
nga pala si Kiel, may natutuhan ba diyan sa ating garment business. Napaka iresponsable kasing bata iyan. Ayaw ng
i-train ni Mr. Garcia sa ating real estate business. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko
sa batang iyan. Siya lang naman ang
mapagiiwanan ko ng mga negosyong itong naipundar ko.” Himutok ni Mr. Reyes.
Walang
komento si Kristoff. Ayaw niyang
magsalita ng hindi maganda sa anak nito.
“Sir, kakausapin ko pong mabuti, baka po makuha sa pakiusap.” Ang nasabi
na lang ni Kristoff.
“Dapat
mo rin sigurong isipin ang magiging kalagayan mo balang araw sa lalaking iyon
Kristoff. Kahit naman anak ko siya ay
hindi ko kukunsintihin kung sakaling saktan ka na niya, Alam mo na namang itinuring na kitang tunay
na anak at ayaw kong ang anak ko pa ang maging dahilan ng pagkakaroon mo ng
problema.” Paalala pa ni Mr. Reyes.
“Wala
po namang nangyayari pang sakitan Sir.”
“Ewan
ko ba kung bakit mo nagustuhan ang balasubas na batang iyon. Sige na yun lang.”
-----o0o-----
“Kiel,
nagtatanong na ang papa mo sa progress mo dito sa opisina. Wala akong maisagot, nahihiya na ako sa papa
mo. Umaasa pa naman siya na mapagbabago
kita dahil sa ating relasyon.” - si
Kirstoff.
“Simple
lang, sabihin mo ay kayang kaya ko na at wala na siyang ipag-aalala pa.”
papilosopong tugon ni Kiel
“Ako
naman ang malalagay sa alanganin nun.
Baka mawalan pa ako ng trabaho.
Kailan ka ba magseseryoso. Baka
kapag wala na ang papa mo ay kung ano nang mangyari sa negosyo ninyo.”
“Narito
ka naman eh, alam mo na naman ang pasikot sikot sa negosyo ni Papa.”
“Kiel
naman eh, ang dami mo talagang palusot.
Syanga pala, anong nabalitaan ko na nalululong ka sa casino, malaki na
raw ang natatalo sa iyo.”
“Mapagpaniwala
ka naman sa tsimis eh. Hindi totoo
yun. Saan naman ako kukuha ng
ipangka-casino.”
“Malay
ko sa iyo. Hindi naman ako ang
nagbibigay ng allowance mo. Baka naman
ginagalaw mo na ang naiwan sa iyo ng iyong mama. Ipakita mo sa akin ang passbook mo at nang
mapag-aralan ko kung ano na ang nangyayari.”
“Oo
na, oo na, bukas, ipakita ko sa iyo.
Halika na at ihatid na kita. Puro
ka na lang overtime.” Aya ni Kiel.
“Kain
muna tayo. Ayaw ko nang magluto,
tinatamad na ako dahil nainis ako sa iyo.”
“Sige,
mamaya ay mawawala ang inis mo sa akin.
Saan mo gustong kumain.”
“Kahit
saan, ikaw na ang bahala.”
-----o0o-----
“Kiel,
Kiel ahhhhhhh ohhhhhhh uhmmmm, yakapin mo ako ng mahigpit ahhhhhh.” Mga ungol
ni Kristoff habang niroromansa ni Kiel.
Sa
kotse pa lang sa may garahe ay panay na ang halik ni Kiel sa binalaga. Sa ganoong gawain ng binata ay kaagad namang
bumibigay si Kristoff. Mahal na mahal
niya ang binata, ito lang kasi ang hindi nagdalawang isip na ihayag sa publiko
ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
Hindi
naman tumutol doon ang ama nito dahil karapatan daw iyon ng binata at hindi
saklaw ang damdamin nito.
“Ang
bango bango mo kasi babe ko, ang sarap sarap mong papakin.”
“Ahihihi,
nakikilito ako diyan. Alam mo namang may
kiliti ako diyan eh ahihihi tama na.” malanding wika ni Kristoff. “Pumasok na tayo sa loob.”
Pagpasok
na pagkapsok sa loob ay kaagad naisandal ni Kiel ang kanyang babe sa pintuan
habang pinipindot ang lock, at mahigpit na niyakap at pinaliguan ng halik ang
leeg nito hanggang sa magtagpo ang kanilang mga labi.
“Ahummm
ahmmm ahmmm tsuo tsup ahummm tsup, tsup ahmmmm ahhhhh tsup tsup.” Malakas
nilang halikan, sipsipan ng dila at laway.
Binuhat
na siya ng binata at ihiniga sa isang cleoptra’s bed na nasa sala at agad na
pinatungan. Tuloy ang ginagawang
paghalik ng binata sa sabik na sabik ding si Kristoff.
“Ang
tagal mo akong sinabik Baby ko, ang dami mong rason palagi kaya dapat ay
masulit natin ang gabing ito.” Wika ni Kiel habang binubuksan ang butones ng
suot na long sleeve ng binalaga. Hindi kaagad
matanggal ang pagkakabutones kaya hiniklat na lang iyon kaya nagtalsikan na ang
mga butones sa sahig.
“Kiel,
dahan dahan naman, baka mapunit ang polo ko.”
“Ahh
bwisit kasi, sobrang higpit.” Paasik na tugon ni Kiel. Nang tuluyan ng mahubad ay isinunod na niyang
hubarin ang pants nito tapos ay siya naman ang naghubad at muli ay pumaibabaw
na naman siya sa kasiping at inulaol ng halik ang leeg nito saka inangkin ang
mapula nitong labi.
“Ahummm
ahmmm ahmmm tsup tsup ahummm tsup, tsup ahmmmm ahhhhh tsup tsup slurppp
slurpppp.” Matunog nilang halikan.
Bumaba
na ang labi ni Kiel at humantong ito sa tumigas at tumayong utong ng katalik na
impit namang napapaungol. Gigil na
sinupsop ang nipples nito at kinagat kagat pa na siya namang nagpalakas ng
ungol ni Kristoff.
“Ahhhhhhhhhh
ang sarap mo talaga Kiel, alam na alam mo na talaga ang kiliti ko, sige pa
ahhhhhhhhhhh sige pa ang sarappppppppppp.” Ang naisatinig nang nararamdaman ni
Kristoff.
Dumausdos
pa siya ng bahagya at ang pusod naman nito ang tinusok tusok ng matulis niyang
dila at ang isang kamay naman ay narating na ang matigas na bagay sa harapan
nito, tinaas baba ang kamay, taas baba, taas baba.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
tama na muna Kiel, baka labasan ako kaagad.
Ako naman at sabik na sabik din akong matikman muli ang iyong magandang
katawan.
Nahiga
na si Kiel samantalang nakaluhod naman si Kristoff saka hinalikan ang labi ni
kanyang kasintahan. Sinalubong naman
kaagad ng dila ng binata ang gutom na labi ng kanyang Babe. Nageskrimahan na sila ng dila, nagispsipan na
tila isang mahabang ice candy na pilit na sinasaid ang tamis. Maiingay ang nalikhang tunog niyon kasabay
ang malakas ding ungol.
Walang
sawa si Kristoff sa pagkain sa malapot na laway ng binata. Ang kamay naman ay naglumikot na sa dibdib
nito at malumanay na hinahaplos ang dibdib at tiyan hanggang sa makaabot sa
puson. Bawat haplos naman sa katawan
nito ay ibayong kiliti ang dulot sa pakiramdam nito, lalo tuloy tumayo ang
kanina pang tayong tayong nitong burat.
Wala ring tigil sa mahihinang ungol ang maririnig sa dalawa.
“Uhmm
Babe ang galing mo talaga. Hinahanap hanap ko ang ganyang haplos mo. Tumitindig
hindi lang ang balahibo ko, pati na rin si junior ko, tingnan mo man oh. Ahoyyy
ahhhhh ang sarappppppppppp.
Nanatili
sa pagkakaluhod si Kristoff, sa ganong posisyon ay malaya niyang naabot ang
gusto niyang abutin. Ngayon nga ay ang
mga hita na ng binata ang nilalantakan ng himod at nang kagatin nito ang tuhod
at himurin ay napa bangon bigla ang kasiping.
Malakas pala ang kiliti nito sa tuhod at hindi niya kayang pigilin ang
nararamdaman kiliti. Natawa tuloy siya
sa reaksyon ng minamahal.
“Babe,
isubo mo na, tsupain mo na at hindi ko na kayang magpigil ng matagal.” Pakiusap
ni Kiel. Tukso naman itong si Kristoff
at sa halip na isubo ay hinimod muna ang ilalim ng bayag nito patungo sa
makinis na singit. Nahawakan tuloy nito
ang ulo niya at napaupo pa saka mariing ipinagtulakan iyon sa kanyang singit
kasunod na malalakas na ungol.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ang sarapppppppppppppppppppp talaga ahhhhhhh sige pa himurin mo ng wagas
ahhhhhhhhhhhhhhhhhh.”
Hindi
na siguro talaga kaya ng binata at pilit na nitong ipinasusubo ang kanyang
burat. Isang malakas na bayo ang kaagad
na ipinalasap niya sa bibig ng kasiping na muntik nang mabulunan dahil sa
biglaang kadyut na iyon ni Kiel. Walang
dalawang minuto ay kaagad na siyang nilabasan.
Nalulon lahat ni Kristoff ang inilabas na katas ng binata, sarap na
sarap at talagang sinaid ng husto, linis na linis.
“Kiss
me Kiel, kiss me.” Hiling naman ni Kristoff.
Sa puntong iyon ay sinasalsal na niya ang sariling junior habang
nakikipaglaplapan naman sa kanyang sinta.
Halos mangisay naman siya ng tuluyan ng pakawalan ang katas ng
pagmamahalan.
Matapos
humupa ang init ng kanilang katawan ay nagbihis na si Kiel. Nagpaalam na ito para umuwi.
“Diretso
na sa bahay ha. Baka kung saan ka na
naman maglakwatsa.” Paalala niya sa kasintahan.
“Oo
na. Sige na. Kiss na.”
Isang
mabilis na halik ak ipinabaon niya sa kasintahan.
-----o0o-----
“Tito,
ihinatid ako ni Kiel sa bahay at pauwi na raw siya, Nasa bahay na ba kayo?” wika ni Kristoff sa
ama ni Kiel na nasa kabilang linya ng telepono
“Kanina
pa. Okay, aabangan ko at sasabihin ko sa
iyo bukas kung kaagad nakauwi. 30
minutes lang naman dapat ang byahe niya hanggang dito sa bahay kahit na
ma-traffic pa.”
Masayang
masaya siya ng gabing iyon. Nalasap na
naman niya ang matagal na niyang kinasasasabikan buhat sa kanyang
kasintahan. Nakangiti at pakanta kanta
pa siya habang nagsa-shower.
Nagpasya
na siyang matulog dahil kulang ang kanyang tulog nitong nakaraang gabi dahil sa
kanyang panaginip. Bubuksan na sana niya
ang lamp shade na nasa giilid ng kanyang kama ng madako ang kanyang paningin sa
isang larawan na naroon. Larawan ng
kanyang kapatid na si Ana, kaisaisahang larawan ng kapatid na kanyang naitago.
Kinuha niya ang kwadro at pinagmasdan mabuti ang larawan saka ito inilapit sa
dibdib. Tumulo na naman ang kanyang
luha. Ibinalik na uli ang larawan bago
binuksan ang lamp shade at pinatay na ang pinaka ilaw ng silid saka nahiga na
sa malambot na kama.
Nagiisa
lang siyang naninirahan sa bahay na iyon.
May tagalinis naman siya kapag Lingo at siya naman ang naglalaba ng
kanyang damit gamit ang washing machine.
“Kailan
kaya tayo muling magkikita kapatid ko.
Makikilala pa kaya kita. Dalawang
dekada na ang nakalipas simula ng magkahiwalay tayo. Dalagang dalaga ka na siguro at may nobyo na
siguro o baka may asawa na at may pamangkin na rin ako. Ana, mapatawad mo pa ba ako?
Nakatulugan
na niya ang pagiisip sa kanyang kapatid.
-----o0o-----
Flashback
Matapos
ibigay sa hindi na niya nakilalang babaeng mataba ay umuwi na si Kirstoff
kaagad sa kanilang bahay. Kinabukasan ay
una niyang ginawa ang magpunta sa kanilang paaralan para kausapin ang kanyang
guro.
Mabuti
at naroon na ang kanyang guro bago magumpisa ang klase. Nakusap siya na kung pwede pa niyang
ipagpatuloy ang pagpasok kahit na halos dalawang buwan siyang lumiban. Alam naman ng guro niya ang dahilan kung
bakit at naunawaan naman ang kanyang dahilan.
Isinang-guni muna ng guro ang hiling niya. Kasama pa siyang tinungo ang opisina ng
kanilang prinsipal.
Dahil
naawa at balido naman ang dahilan ay binigyan naman ng isa pang pagkakataon ang
estudyanteng si Kristoff na nasa ikalawang baytang pa lang sa mababang paaralan
na iyon. Pitong taong gulang pa lang ang batang Kristoff noon.
May
kondisyong ibinigay ang principal at iyon ay ang ipasa ang isang mahabang
pagsusulit para sa mga leksyon na hindi niya napasukan at kailangan din niyang
ipasa ang kasalukuyang leksyon. Binigyan
naman siya ng parang isang module sa bawat subject para mapag-aralan. Dalawang lingo lang ang ibinigay sa kanya
para mapag-aralan ang bawat leksyon.
Tuwang tuwa naman ang bata at nangakong ipapasa ang pagsusulit na
iyon. Tiwala naman ang kanyang guro na
maipapasa ang pagsusulit na iyon dahil matalino naman si Kristoff at kasama
dati siya sa top 10 sa kanilang klase.
Magisang
namuhay ang batang Kristoff, sa umaga ay pumapasok siya at sa hapon ay
nagtatrabaho siya para may makain at magastos sa pag-aaral. Hanggang alas dose lang naman ang pasok niya
sa school. Sa dami ng estudyante ay
dalawang session ang pagdadaos ng klase dahil kulang sa silid aralan. Dalawang klase ang gagamit sa iisang room.
Nangangalakal
siya para ibenta ang kung ano mang mapupulot na mapapakinabangan pa tulad ng
plastic na bote, lata at kung ano ano pa na ibinebenta niya sa isang junk
shop. Marami naman siyang mga kapit
bahay na ibinibigay na lang sa kanya ang ilang naipong mga basyo ng softdrinks
at ibang plastic na bote. Kapag wala
masyadong mapulot na kalakal ay nagpapaupa naman siya sa paghahakot ng basura
ng ilang mayayamang residente para dalhin sa ipunan ng basura para kunin naman
ng basurero dahil hindi nakakapsok sa lugar nila ang trak ng basura. Kung minsan ay sa palengke naman siya naghahanap
ng bubuhatin kapalit ang konting barya.
Ayaw na niyang mamalimos at hindi raw magiging masaya ang mga magulang
sa ganong gawain. Kahit papano naman ay
nakaraos din siya, may nakakain na kung minsan ay binibigay ng dating kasamahan
ng magulang sa palengke.
Sa
gabi ay doble kayod siya sa pag-aaral kaya inaantok siya palagi tuwing
nagkaklase na.
Tuwang
tuwa siya ng ibalita ng kanyang guro na naipasa niya lahat ng test na hindi
niya nakuha dati, ang maganda nito ay napakataas ng kanyang grado at pwedeng
pwede siyang masabitan ng medalya. Kaya
lang, dahil sa hindi magiging patas para sa ibang estudyante ay hindi na rin
siya isinama sa may honor na sasabitan ng medalya sa pagtatapos ng klase. Ganon pa may ay masayang masaya pa rin siya.
Nakatapos
din siya sa grade 2 at grade 3 na siya sa susunod na pasukan. Itong bakasyon ay todo siya sa trabaho para
makaipon ng malaki laki para daw hindi siya masyadong magipit sa susunod na
pasukan, lalo na kapag may mga project na kailangan bilihin.
Itutuloy………………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento