Linggo, Abril 17, 2022

Pagkamulat (Sa Kamunduhan) – Part 1

 


Pagkamulat (Sa Kamunduhan) – Part 1

 

Elementary pa lang ay sadyang hirap ako pagdating sa math.  Mahina talaga ako pagdating sa numbers.  Magaling naman ako sa ibang subjects, lalo na sa English at Science.  Kulelat naman ako kapag math na ang subject, kaya nang mag high school na ako ay ipinasok ako nina Mama sa isang private school at ikinuha nila ako ng tutor sa math.

Kinausap ni Mama ang teacher namin sa math at kumuha ng prospectus kung saan nakalagay ang schedule ng mga aralin sa buong taon.  Ito ang magiging guide ng tutor para maituro ng advance ang alituntunin sa math.  Humingi pa sila ng referral sa teacher kung sino ang pwede at magaling din magturo ng math.  Binigyan naman nila si mama at pati na rin ang CP number nito.

---------------o0o---------------

Agad tinawagan ni Mama ang binigay na number ni Teacher.  Matagal tagal din silang nagusap hanggang magkasundo na magkita sa bahay kinabukasan din.  Pagdating ko galing eskwelahan ay naroon na pala ang kinukuhang tutor ni Mama. 

“Ah, tamang tama ang dating mo anak.  Narito na ang magiging tutor mo sa math.  At kung may iba ka pang subject na hirap ka ay sabihin mo na para maisama natin sa magiging obligasyon niya.  Sa ngayon ay math pa lang ang napagusapan namin.” Wika ni Mama.  “Mr. Salazar, siya ang anak ko na itututor mo si Miguel.  Miguel, si teacher Leo Salazar.”

Kinamayan ako ni Teacher Leo. “Estudyante pa rin siya sa college at sideline niya ang pagtututor.  Kaya anak, galingan mo at huwag mo akong ipahiya sa tutor mo.” Dugtong pa ni Mama.

“Miguel, ang schedule natin ay every other day, 5pm dahil hanggang three lang daw kayo kapag MWF kaya iyon ang pinili ng mama mo.  May PE daw kayo ng ibang araw kaya inaabot kayo ng pasado 5pm ang uwi kapag TtH.  So simula bukas ay magumpisa na tayo.  Sana lang ay hindi tayo pareho ma late hehehe.” Wika ni teachet Leo.

“Paalam na po ako ma’am Hernandez, Miguel.  See you tomorrow.”

Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at tinungo ang pintuan.  Ihinatid ko naman siya hanggang sa aming gate.

Gwapo si tutor Leo. Lean ang pangagatawan, moreno at malakas ang sex appeal.  Hindi ko maikakailang humanga rin ako sa kanya.  Nagkibit balikat na lang sko sa isiping iyon.

---------------o0o---------------

Maaga pa lang ay naka ready na ako sa pagdating ni tutor Leo.  Habang hinihintay ko siya ay nag browse muna ako sa FB.  Naisipan kong isearch ang pangalan ni Tutor Leo.  Agad ko naman nakita.  Una kong tiningnan ang kanyang mga picture.  Wala masyado siyang post na larawan.  May isang larawan na nakuha ang aking atensyon.  Iyon ay ang larawan ng isang magandang babae at gwapong lalake na kasama siya.  Kapansin pansin na nakaakbay si Tutor Leo sa babae at magkahawak kamay naman sila ng lalaki.

Ewan ko kung anong pumasok sa aking isipan.  Hindi maganda ang aking naisip na para bang may relasyon siya sa parehong babae at lalaki.  “Pwede kaya ang ganoon?” tanong ko sa sarili.  Nasa ganoon akong pagmumini muni ng may nag doorbell.

Nagmadali ako sa pagbubukas ng gate.  Si Tutor na nga ang dumating.  Mas maaga siya ng sampung minuto.  Ang gwapo talaga niya.  Maaliwalas ang mukha at parang laging masaya.

Doon kami sa aming library.  Maganda roon dahil malaki ang mesa at may white board na pwedeng gamitin kung kinakailangan.  Ni review muna namin ang nauna naming lesson sa math.  Magaling siyang magturo.  Detalyado at talagang madaling intindihin.  Masasabi kong mas magaling siyang magturo kesa sa aming math teacher.  Sabagay, hindi ko naman siya masisi dahil madami kaming sabay sabay niyang tinuturuan.

Madali kong natutuhan ang una naming lesson.  Konti pa lang naman iyon dahil kauumpisa pa lang ng klase at agad na akong naikuha ni Mama ng tutor.  Ngayon ay ang assignment na namin ang pinagawa sa akin.  Ako na ang pinagsagot niya saka ko pinakita ang aking mga sagot.  Natuwa naman siya dahil konti lang ang aking naging mali.  Pinuri pa niya ako na magaling naman daw pala ako.  Makaraan ang isang oras at kalahati ay tapos na ang aming lesson at advance na ako ng konti.

Pagkaalis niya ay muli kong tinignan ang kanyang FB account.  Pinagmasdan ko talagang maigi ang larawan niya kasama ang isang babae at lalaki.  Tinignan ko rin ang mga post sa kanyang account.  Karamihan naman ay mga forwarded messages tungkol sa kung ano anong bagay lang.  Wala masyado na maiuugnay sa personal niyang buhay.  May ilang larawan na naka tag lang siya galing sa babae.  Kapansin pansin din na anim lang yata ang kanyang friend na nasa friends list.

---------------o0o---------------

Malaki ang naging improvement ko sa klase.  Nakapagparticipate na ako sa klase kahit papano at nang magbigay ng quiz ay ako ang nanguna sa aming klase.

---------------o0o---------------

Excited ako palagi kapag araw ng aming pagtuturuan.  Kadalasan ay maaga kaming nakakatapos at ang natitirang oras ay ginugugol na lang namin sa pagkukuwentuhan.  Masaya siyang kausap at hindi boring.  Minsan ay nagtanong ako tungkol sa kanyang personal na buhay.

“Leo, (oo Leo lang ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya) may girlfriend ka na ba?”

“Hmm, wala sa ngayon.  Dati, kaya lang ay break na kami.” Sagot niya.

“Bakit? Anong dahilan?”

Kumunot ang kanyang noo na parang nag-iisip.  “Wala lang.  Basta nagkalabuan na lang.”

“Walang third party?”

“Ikaw ha!  Ang bata bata mo pa ay tungol sa GF GF na ang tanong mo.  At bakit ka ba interesado?  Ilang taon ka na ba?”

“Curious lang naman ako.  Kasi ang ibang kasing edad mo ay puro panliligaw ang inaatupag, ikaw naman ay puro sideline ang inaasikaso.  Siguro gusto mo agad na yumaman.   Saka thirteen na ako ano!”

“Walang third party.  Siguro dahil naging busy ako sa pagtututor.  Marami rami na rin kasi akong tinuturuan kaya nawalan ako ng time.  Ikaw, may GF ka na ba?”

“Wala pa, sabi mo nga ang bata bata ko pa eh.  Siyanga pala, may account ka ba sa FB, add kita.”  Binigay naman niya at inadd ko at agad naman niyang inaccept.  Iba ang lumabas ng magbrowse ako.  Iba iyon sa nakita ko ng mag search ako.  Hindi na lang ako nagusisa at baka sabihin pa na ini-stalk ko siya.

---------------o0o---------------

Mabilis na nagdaan ang mga araw.  Naging close na kami sa isa’t isa.  Kada araw na nagkikita kami ay lalo akong humahanga sa kanya.  Hindi ako bakla, sigurado ako, pero may iba akong nararamdaman kapag magkasama kami.  Ayaw ko naman bigyan ng ibang kahulugan ang nadarama kong iyon.  Ayaw kong bigyan ng malisya.  Basta masaya ako.

---------------o0o---------------

Wala akong magawa isang araw na wala kaming pasok.  Binuksan ko ang isa kong FB account.  Dito ako nagpopost ng kung ano ano kasama na ang ilang naughty  comment at picture at iba ang pangalan ko dito.  Sa halip na buong pangalan na Miguel ay pinaikli ko ito at ginawang Migz.  Puro FB lang ang aking pinagkaabalahan.  Naisipan kong mag browse uli sa account ni Leo.  May mga picture na magkakasama sila ng lalaki at babae sa beach, sa mall, sa fastfood, pero wala naman kakaiba. Masaya sila parepareho sa picture.  Hindi interesting para sa akin ang mga post. Mayroon akong hinahanap na kasagutan sa aking tanong tungkol sa mga kasama niya sa larawan. 

Naisipan kong isaisahin ang kanyang mga friend, kasi ay wala akong nakikitang post mula sa babae at lalaki.  Wala rin ang pangalan nila sa friends list ni Leo pero isa sa friends niya ay picture ng lalaking aking hinahanap ang nasa profile.  Iba naman ang pangalan na nakalagay.  Inadd ko.

Isang lingo na ang nagdaan ay wala pang confirmation sa aking friend request ang lalaki na JayC ang pangalan.  Sabagay, hindi naman niya ako kilala.  Marami rin namang nag rerequest sa akin na hindi ko kilala at hindi ko inaaccept.

---------------o0o---------------

Matuling lumipas ang mga araw.  Naging interesado na talaga ako sa kanya.  Isang araw habang tinuturuan niya ako ay nakita kong nag ilaw ang kanyang CP.  May nag text sa kanya.  Nasilip ko kung sino ang nag text dahil nasa mesa lang ang kanyang CP at nasa bandang taas pa ng mesa nakalapag.  Isang JayC ang lumitaw sa phone.  Kinuha niya ang phone at binasa ang text tapos ay tumayo sandali at iniwan ako dahil may tatawagan lang daw saglit.

Agad din naman siyang bumalik.  Hindi na ako nag-usisa kung sino at bakit nag text.  Nagkusa naman siyang sabihin kung bakit.  “Kaibigan ko at nagpapatawag.  Pinaalala lang niya ang usapan namin bukas.” Sabi niya.  Hindi naman ako sumagot pa at nagpatuloy kami sa aming lesson.  Agad na siyang nagpaalam matapos ang aming lesson na maagang natapos.  Hindi na siya nakipagkwentuhaan sa akin noong araw na iyon.

---------------o0o---------------

Sabado ay nagpunta ako ng mall.  May gusto lang akong bilhin at makapamasyal na rin.  Isinama ko ang isa kong kaklase na sa village din namin nakatira.

Sa kaiikot ay nagawi kami ni Ato, ang aking kaibigan, sa may sinehan.  Nakilala ko ang aking tutor na bumibili ng tiket sa sinehan.  Babatiin ko sana, subalit isang lalaki ang nakita kong kinawayan niya, at holding hands na pumasok sa sinehan.  “Si JayC iyon.  Hindi ako magkakamali dahil kamukha niya ang nasa picture sa FB.” Sabi ko sa isipan ko lang.

“Oy sinong tinatangahan mo diyan.” Si Ato na nagtaka sa aking ikinilos.

“Wala, wala lang.  May naisip lang ako.” sagot ko.  Inaya ko na lang siya sa arcade at naglaro ng kahit na ano lang.  Nalibang kami sa paglalaro.  Naka isang oras din kaming naglaro.  Inaya ko siyang mag snack.  Papasok na sana kami sa Mcdo ng mag ring ang kanyang CP.

“Si mama at pinauuwi na ako.  Mag stay ka pa ba?  Okay lang ba na iwan kita?  Importante daw kasi eh. Nahihiya niyang sabi sa akin.

“Walang problema.  Okay lang at may bibilhin pa rin naman ako.” wika ko.

Tinamad na akong kumain at hinanap na lang ang aking bibilhin. Nang mabili ko na ay nagpasya na akong umuwi.  Nasa may exit na ako ng mapatingin ako sa aking relo.  Halos dalawang oras na ang nakalipas simula ng pumasok sina Leo sa sinahan.  Maaring tapos na ang palabas kaya naisipang kong bumalik at tinungo ang sinehan.  Sakto na naglalabasan na ang mga nanood.  Sa medyo tagong lugar ako nag-abang.  Nakita ko na sila.  Nakaakbay si Leo kay JayC.  Tama ako, si JayC nga ang lalaking kasama niya.  Marahil ay ito yung usapan nila noong huli kaming naglesson.

Sinundan ko sila.  Papunta sila ng parking area.  Palihim pa rin akong sumusunod.  May tumunog.  Marahil ay sa kotse nila iyon.  Tinungo nila ang kotse nila at nakapagtago naman ako sa katabi nilang kotse.  Tinted man ang kanilang kotse ay kita pa rin naman ang loob.  Inistart na ang kotse pero hindi pa rin umaandar.  Naguusap pa sila.  Kinuha ko ang aking CP dahil balak kong kuhanan sila ng picture kahit na medyo malabo dahil nga sa tinted na bintana. Gulat ako ng maghalikan sila.  Matagal tagal din.  Nakuhanan ko sila ng picture habang naghahalikan.

Makaraan ang isa sigurong minutong halikan ay pinaandar na niya ang kotse.  Saka pa lang ako umalis pagkalabas ng kanilang kotse.

Habang nagbibiyahe ako ay hindi mawala sa aking isipan ang aking nasaksihan.  Nag-isip ako kung sino sa kanila ang bakla.  Walang indikasyon na bakla si Leo.  Ewan ko lang si JayC dahil hindi ko pa siya kilala.

Pagdating ko sa bahay ay tinignan ko ang picture.  Hindi masyadong malinaw, pero hindi maikakaila na si Leo ang kahalikan ng nakatalikod na lalaki.  Napicturan ko rin ang plaka ng kanilang kotse.

Binuksan ko ang aking laptop at nag FB.  Mas gusto ko sa laptop mag FB dahil malaki ang screen.  In-accept na pala ni JayC ang aking request.  Agad akong nagbrowse sa kanyang account.  Inuna kong tignan ang mga picture.  Marami silang picture doon ni Leo pero mga pangkaraniwang picture lang, sa pasyalan, sa restaurant, sa beach.  Mga ganun lang at walang picture na tulad ng nasaksihan ko.

May ilang picture din na magkakasama sila ng babae.  Tumigil na ako at pinatay na ang laptop.

---------------o0o---------------

Isang araw habang hinihintay ko si Leo ay may nagmessage sa akin, si JayC. 

JayC:       Thanks sa pag-request pero hindi ka pamilyar sa akin.  Kilala mo ba ako o dahil may common friend tayo?

Ako/Migz:        Ay nakita ko lang kasi ang picture mo sa isang account dito.  Gusto ko lang makipag kaibigan.  Pwede ba?

JayC:       Gay ka ba?

Ako/Migz:        Hindi ano!  Gusto ko lang talaga maraming kaibigan.  Marami na akong naging kaibigan at ka close pa na random ko lang inadd.

JayC:       Okay.  Sinabi mo eh.  Friends na tayo.  Message mo lagi ako ha.  Imemessage din kita palagi.

Ako/Migz:        Sige.  Log off muna ako ha.  Dumating na kasi ang mama ko.

Hindi ko na hinintay ang reply niya.  Hindi si mama ang dumating kundi si Leo at baka mabuking pa ako na kinakaibigan ko ang kanyang… “Ano nga ba sila?”  tanong ko sa isipan na wala namang sasagot.

Pagpasok niya ay agad ko siyang tinitigan.  Pinag-aralan ko ang kanyang kilos.  Wala talaga akong makita ni katiting na kabaklaan.

Tulad ng dati ay madali kaming nakatapos.  Madali lang naman ang lesson at dahil magaling talaga siya bilang tutor ay agad kong naiintindihan ang lesson.

Nagusap pa kami.  “Leo, may gusto lang akong itanong sa iyo.  Weird lang ng konti pero gusto ko ring malaman ang sagot mo.  Okay lang ba?” naitanong ko sa kanya.

“Sige.  Ano ba iyon.? Sangayon niya.

“Ganito kasi.  Yung isa kong kaklase at kaibigan, sabi niya ay parang nagkakagusto siya sa lalaki.  May bakla daw kasing parang nililigawan siya.  Panay ang aya sa kanya sa labas pag walang klase.  Magkapit bahay lang daw sila.  Ang siste, tila raw nagkakagusto na rin siya sa bakla.  posible ba na magkagusto ang tunay na lalaki sa bakla?” mahaba kong kwento bago nagtanong.

“Hahaha.  Weird nga, pero uso na ngayon ang same sex relation at napatunayan na talagang may lalaking tapat na nagmahal sa bakla.  May nabasa pa nga ako na article at base ito sa tunay na buhay na ipinagpalit ng lalaki ang kanyang nobya sa isang bakla.  Ibang bakla naman ito, yung hindi halata at talagang lalaki ang kilos at pangangatawan.” Paliwanag niya.

“Ibig sabihin ay totoo.  Sa iyo ba?   May nagpahaging na ba sa iyo na bakla?  Kasi ang gwapo gwapo mo at ang ganda pa ng katawan mo.  Nakakabakla ka nga eh hehehe.” Wika ko na may halong pagbibiro.

“Bakit?  Nababakla ka na ba sa akin? Papatulan kita hehehe.” Pagbibiro din niya.  “Aaminin ko sa iyo.  Mayroon, siguro ay tatlo na ang nag-alok sa akin ng indecent proposal.  Syempre tinangihan ko dahil ayaw ko ng ganong relasyon.  Hindi ko naman sila sinopla.  Sinabi ko lang na hindi ko trip ang same sex relationship.”

“Ahhhh.  Baka naman hindi sila gwapo o maganda.” Wika ko.

“Diyan ka nagkamali.  Puro gwapo at mas maganda pa sa akin ang katawan.  Nakilala ko ang dalawa sa gym.  Naging magkaibigan kami pero walang higit pa doon na nangyari.”

“Pwede pala talaga ano.  Akala ko kasi nagbibiro lang ang kaibigan ko.  Paano kaya iyon ano.  Paano sila magaano hehehe.” Patawa ko.

“Tumigil ka na nga nga sa kalokohan mo.  Kung ano ano ang iniisip.  Sige na at aalis na ako.  Pakisabi kay Mrs., sa mama mo na, alam mo na yun.  Kapos na eh hehehe.”

“Ah okay sige.  Papaalala ko.  Pagbalik mo siguradong meron na hehehe.”

---------------o0o---------------

Napaisip ako sa sinabi ni Leo.  Wala siyang inamin na nagkagusto siya sa kapwa lalaki pero nag-agree naman siya na pwedeng magmahal ang isang lalaki ng tapat sa kapwa niya maging ito ay bading.  Naisip ko si JayC, isang gwapo at matipuno ang pangangatawan.  Wala siyang makita ni katitiing na kabaklaan sa katawan, ewan lang sa pananalita dahil hindi ko pa siya nakakausap.

Naging palaisipan tuloy sa akin ang nasaksihan ko sa parking lot.  Totoo kayang pwedeng magmahalan ang dalawang tunay na lalaki?  Ahhhhhh masisira ang ulo ko nito.  Bakit ba ako nagpapakabaliw sa walang kwentang hinalang ito.

Nag-vibrate ang aking CP.  Nang tignan ko ay may message mula kay JayC sa messenger.

JayC:       Kumusta.  Anong gawa mo?

Ako/Migz:        Eto, gumagawa ng assignment ko.  Kumusta ka rin. 

JayC:       Naabala ba kita.  Na bore kasi ako dito sa bahay kaya naghanap ako ng kausap.

Ako/Migz:        Hindi, hindi!  Natapos ko na naman.  Madali lang kasi.  Math.

JayC:       Wow!  Nadadalian ka sa math.  Hirap kasi ako pagdating sa math.  Ang kagandahan lang ay may nagtuturo sa akin.  Magaling din iyon sa math.  Nagtu-tutor din siya.  Pag kailagan mo o kahit sa kakilala mo na naghahanap ng tutor ay sabihin mo sa akin, para mai-refer ko.

Ako/Migz:        Okay.  GF mo ba siya?

JayC:       Hindi.  BF ko hehehe, joke lang.  Friend ko, lalaki.

Ako/Migz:        Walang problema sa akin kung may BF ka man.  Uso naman yan sa ngayon ‘di ba?

JayC:       Kaw ha, ke bata bata mo pa eh ang dami mo nang alam.  Siguro ay pwede kitang hingan ng payo kapag kailangan ko hahaha.

Ako/Migz:        Pwede rin hahahaha.

JayC:       Oy, sige na at baka naabala kita.  Salamat sa oras mo ha.  Message ka lang kapag gusto mo rin ng kausap.  Basta, message kita ha kapag na bobore ako dito.

Ako/Migz:        All the time.  Bye. 

Naging regular na ang palitan namin ng message ni JayC, kung minsan ay video call pa.  Ang gwapo niya kahit sa video.  Napakasarap niyang kausap, sobrang close na kami kahit na hindi pa kami nagkikita ng personal.

Araw araw ay may message ako mula sa kanya, mga kung ano anong quote.  Hindi naman ako nagrereply kapag ganon ang message niya.  Sinabi naman niya na “No Reply Needed” kapag ganon ang kanyang message.

Nasanay na ako na may message ako umaga, tanghali at hapon mula sa kanya.  “Kumusta”, Kumain ka na ba?, “Aral na mabuti” “Ingat” ang karaniwang message niya sa akin.  Palagi siya ang unang nagmemessage sa akin, kaya kapag hindi ako nakakatanggap ng message ay parang nagtatampo ako.

Kapag hindi kaagad siya nagmessage ay tinatawagan ko na siya sa messenger.  Agad naman niya akong sinasagot, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya ako sinagot at nagpatay pa yata ng CP.

Magkahalong tampo at pag-aalala ang aking nadama.  Hindi kasi niya ugali na pagpatayan niya ako ng CP.  Nag sent ako ng message at sinabi ko na “Handa akong makinig kung may problema ka.”

Kinabukasan ay wala pa ring message sa akin si JayC. Wala rin siyang reply sa mga messages ko.  Nag-aalala talaga ako.  Apektado ako at napapatunganga ako sa pag-iisip.

Bago maguwian ay nakatanggap ako ng message mula kay Leo, “Hindi kita mapupuntahan ngayon, bawi na lang ako next time.  Sorry ha, emergency kasi.” Message ni Leo sa akin.

Naisip ko tuloy na baka may LQ ang dalawa.  Nainis ako sa isiping iyon, parang, parang nagseselos ako.

 

Durugtungan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...